Chapter 12: Pinky Promise
Harold's POV:
"Pinatawag nyo raw ako." Sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng opisina ni Mama.
"I heard na dinidate mo yung Hannah Gonzales na yun hijo. Akala ko ba may kasunduan tayong dalawa?" galit na sabi nya.
"Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako papaya sa mga desisyon nyo? Mahal na mahal ko si Hannah mama kaya please hayaan mo na kami."
Bigla namang may hinagis si Mama sa harapan ko at dinampot ko naman ang litrato ng isang bata.
"Yang batang yan anak ni Hannah yan sa ibang lalaki- "
"Ma ano bang sinasabi nyo? Baka sinisiraan nyo lang ulit sakin si Hannah?"
"Hijo kung sa palagay mo na sinisiraan ko si Hannah sayo nagkakamali ka. Nandito ako para pigilan ka dahil nung umalis ka wala kang naging anak sa kanya. Matagal na panahon kang nawala kaya maaring humanap sya ng kaligayahan sa iba."
Napailing iling na lang ako kay mama at halos hindi ko matanggap ang mga sinasabi nya sakin. Pero kung totoong nga anak to ni Hannah, kailangan ko syang tanungin tungkol rito. Alam ko naman na malaki ang galit ni Mama sa mga Gonzales at hindi ko talaga alam kung saan nya nalaman ang tungkol rito.
Bigla namang umalis si Mama sa harapan ko at iniwan akong tulala sa kawalan, napatingin naman ako sa larawan na hawak ko. Habang tinitigan ko ang larawan na iyon ay iba ang pakiramdam na nararamdaman ko. Mahirap mag hinala kaya mas mabuting siguro tanungin ko na lang si Hannah.
Tumayo naman ako at napagdesisyunan ko na lamang na puntahan na lang si Hannah at tanungin ang tungkol sa batang ito. Kung sakali mang totoo ang sinasabi ni Mama tungkol dito kailangan ko ng tigilan si Hannah.
Nakarating na ako sa university at naririnig ko naman ang iilang bati ng mga estudyante sakin. Papasok na sana ako ng makita ko naman sa malayo ang isang malaking van, saktong pagbaba nito ay nakita ko naman si Hannah at yung bata sa picture. Nagtago naman ako sa isang gilid para hindi nila ako makita at halos mapakuyom ako ng kamay at maaring totoo ang sinasabi ni Mama sakin.
"O papasok na si Mimi ah magbehave ka kay Yaya ok, and wag mong kukulitin si Tita Hans mo at busy yun." Pangaral nya.
Halos hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko yung bata. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, gusto ko silang lapitan at tanungin si Hannah kung kaninong anak ang batang yan.
"Yes Mimi, and don't forget may ice cream later." Matinis na sabi nung bata.
Hinalikan naman ni Yanna ang pisngi nung bata at natawa naman ako ng punasan ng bata ang kanyang pisngi. Kaugaling kaugali ni Hannah yung bata.
"O sya aalis na si Mimi malalate na ako ok? Behave at wag kang pupunta sa kung saan saan ah, maraming monsters dyan." Aniya at saka tinalikuran yung bata.
Lumabas naman yung katulong at inilabas yung maliit na lamesa at upuan sa bata, kasunod nun ang isang stuff toy na binigay ko sa kanya. Napalunok naman ako at saka nilapitan ko yung bata.
"Don't go anywhere Yanna ah, magluluto lang ako sa loob ok?" sabi ng katulong sa kanya at tinalikuran ito.
"Okay~" sagot nya at isa isa naman nyang inilabas mula sa bag nya ang mga laruan nya.
Unti-unti naman akong lumapit sa bata at busy lang ito sa paglalaro nya. Napansin nya siguro ang pagdating ko kaya naman napakunot ito ng noo sakin.
"You need anything mister?" tanong nya sakin.
Ngumiti naman ako at saka lumuhod ako sa harapan nya.
"Hi." Bati ko at saka nakasimangot na nakatingin sakin yung bata. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
Pansin ko naman napacross arm ito sakin at mataray akong tinignan.
"Sorry pero sabi ni Mimi sakin na bawal akong kumausap ng mga strangers." Aniya.
"Mukha ba akong stranger?" tanong ko.
Hinawakan naman ng maliliit nyang kamay ang mukha ko at hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng kakaiba dun sa bata. Ngumiti naman ako at hinayaan sya sa kanyang ginagawa.
"Wait, you look familiar." Sabi nya at saka sumingkit naman ang mata nya habang tinitignan ako. "Ikaw yung kasama ni Mimi kagabi noh? Are you her boyfriend?" tanong nya.
Kinuha ko naman ang kamay nya mula sa mukha ko at hinawakan ang kanyang maliliit na kami.
"Nakita mo kami ni Hannah kagabi?" tanong ko at nod lang ang sagot nya sakin.
Ngumuso naman ito at saka binawi yung kamay nya sakin at umupo sa kanyang upuan.
"You should break up to my Mimi kasi may Didi na ko." Sabi nya habang nakasimagot ito.
"Eh nasaan si Didi mo kung ganun?" tanong ko ngunit kibit balikat lang ang sagot sakin nung bata. "Kung ganun si Henry Peralta ang daddy mo diba?" dagdag na tanong ko.
Gulat naman syang tumingin sakin inirapan ako. Pambihira pakiramdam ko si Hannah ang kausap ko at hindi ang batang to.
"Kilala mo si kuya Henry? How are you related on him? And he's not my daddy. I-I don't know where my Didi is." Malungkot na sabi nya.
Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng bata sa di malamang dahilan. Mali ang hinala ni Mama tungkol sa batang to.
"Hindi mo alam kung nasaan ang daddy mo?" tanong ko ulit.
Umiling naman sya at ngumuso lang ito. Tinignan nya ulit ako at saka lumapit sakin.
"You look like actually him, pero mukhang mas gwapo yung nasa picture eh." Sabi nya.
Napakunot noo naman ako sa sinabi ng bata.
"Can you please keep a secret about this? Promise?" sabi nya sakin at inilabas ang kanyang hinliliit.
Ngumiti naman at itinapat ko naman ang hinliliit ko sa kanya.
"Promise."
May inilabas naman sya sa kanyang bag at may inabot sya sakin larawan. Nagulat naman ako ng makita ang lumang picture namin ni Nana.
"Kinuha ko sa photo album ni Mimi yan, can you please help me to find him? I really want to see him, and I know Mimi won't allow me to meet him." Tinuro naman nya ang lalaking nasa gilid nya.
Napalunok naman ako at tinignan ang batang nasa harapan ko. Bakit itinago ni Hannah sakin to.
"Mister are you alright?" tanong nya sakin.
Ngumiti naman ako at saka tumingin muli sa bata.
"Ok lang ako, alis na ko baka hanapin ka ng Yaya mo." Sabi ko.
"Please find me my Didi ok? Don't worry I won't tell anyone about this. " sabi nya at inilagay naman nya sa kanyang labi ang index finger nya.
Ginulo ko naman ang buhok ng bata bago ko sya tinalikuran. Hindi alam kung ano ang mararamdaman ko, pakiramdam ko ang dami kong pagkukulang sa kanya.
Nice to meet you daughter.
Hannah's POV:
"Darating pa ba si Sir Del Valle? 30 minutes ng late yun eh?" reklamo ng kaklase ko at panay ang tingin sa kanyang relos.
"Bigyan muna nating ng chance si Sir, kayo naman napakamainipin nyo." Sabi ni Wendy dun sa kaklase namin.
"Sus Wendy ang sabihin mo trip mo lang yung teacher natin! Tsaka di ka naman papatulan nun eh! May asawa na yun!" pang aasar ng kaklase ko at nagtawanan naman ang lahat.
Napabuntong hininga na lang ako sa kanila at nilingin ko naman si Hanzelle sa gilid ko na busy sa paglalaro sa kanyang phone. At nakita ko naman sa malayuan si Henry na hindi ko alam kung kanino sya nakatingin. Kinalabit ko naman si Hans at tinuro ang gawi ni Henry ngunit hindi nya ako pinansin. Napangiti naman ako at nakatingin lang ng malungkot si Henry sakin. Wait lang... may iba akong naamoy sa dalawang to ah.
"Good morning class.." hindi ko naman namalayan na bigla na lang dumating si Harold.
Kinuha ko na lamang ang notes ko at nakinig na lang sa discussion nya. Mukhang masaya naman yung mga kaklase ko dahil nakukuha pa ni Harold na magbiro habang nagdidiscuss samantalang ako bored lang na nakatingin sa kanya at hinihintay ang dismissal.
"So that's for today class. Dismiss." Aniya at saka tumayo na ako. "Ms. Gonzales maiwan ka." Pahabol nya kaya umupo ulit ako.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Wendy at inirapan ko na lang ito. Hay nako Harold mga babae mo nga naman.
"Nana napapadalas na yang pagpapaiwan nya sa yo ah. Yieee..." Bulong nya. "Ako na muna bahala kay Yanna, need nyo yata ulit ng quality time."
Pabiro ko naman syang tinaboy ngunit tinawanan naman ako nito at nagmamadali lumabas. Wala ng tao sa loob at hinihintay ko na lang ang sasabihin nya nilapitan naman ako ni Harold at may inilapag naman sya sa harapan ko na litrato. Eto yung litrato namin nung unang date namin ah, teka nga saan nya nakuha ito?
"Saan mo nakuha to? Nasa album ko to ah?"
Hindi ko ba alam pero kakaiba ang kutob ko sa nangyayari, hindi ko alam kung ano yun pero pakiramdam ko may iba talaga. Tumayo naman ako at saka nakipagsukatan ng tingin sa kanya na ngayon ay galit na nakatingin sakin.
"Harold saan mo nakuha to?" tanong ko muli sa kanya.
Hindi nya sinagot ang tanong ko sa kanya at sinunggaban nya ako ng kanyang mararahas na halik. Tinulak ko naman sya palayo sakin at pareho naman kaming naghabaol ng aming hininga.
"Hindi na importante kung saan ko nakuha ang litrato na yan, ang kailangan ko malaman kung kaninong ama ang batang to." Aniya at saka hinagis sa harapan ko ang isang panibagong litrato.
Laking gulat ko naman ng makita ko ang picture ni Yanna sa kanya. Shit!
"Umamin ka nga sakin, anak ko ba yang batang yan?" galit na tanong nya.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at sinubukan na talikuran sya ngunit hinawakan naman nya ang aking braso at hinarap ako sa kanya.
"Im asking you Hannah." Galit na sabi nya.
Hindi ito ang tamang oras para malaman nya ang tungkol kay Yanna. Ewan ko! Naguguluhan ako at paano nya nalaman ang tungkol rito.
"Say something Hannah, anak ko ba sya?" at hinawakan nya ang magakabilang balikat ko.
Pumikit muna ako ng mariin at naluluhang tumingin sa kanya.
"Oo anak mo sya, ayokong malaman mo sana ang tungkol sa kanya... Pero anong magagawa ko? Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tungkol dyan." Sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay nya.
"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa kanya? Bakit?"
"Kasi ayokong madamay sya sa away ng pamilya natin Harold! Tinago ko sya kasi ayokong may mangyari sa kanya, tinago ko kasi ayoko na sya ang dahilan para balikan mo ako. Ayoko..." at saka humagulgol ako ng iyak.
Napaupo naman sya sa frustration at saka napasuntok sa board, umiiyak lang ako sa harapan nya at hindi ko alam ang susunod kong gagawin.
"Im sorry kung ipinagkait ko sayo ang anak mo, pero ayoko syang masaktan-"
"Sana sinabi mo sakin ito Hannah... Sana sinabi mo para hindi na nangyari ito."
Umiling-iling na lang ako sa kanya at pinupunasan ko ang aking mukha. Hindi ito ang inaasahan kong pangyayari para malaman ang lahat ng ito. Naging pabaya na ako at kinalimutan ko ang security ng anak ko.
"Hindi mo ko naiintindihan Harold, kahit sabihin ko sayo na nagdadalang tao ako noon alam ko hindi ka babalik. Pasenya na kung itinago ko ang lahat ng ito sayo, ipapakilala ko sya sa susunod pag maayos na ang lahat." Sabi ko at tuluyan ko na syang tinalikuran ko.
Naglalakad na ako palayo sa kanya at narinig ko ang pagtawag nya sakin. Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi nya ako maabutan pero nagkakamali ako.
"Nana, sandali..." aniya at saka huminto ako. "Please give me a chance para maging ama sa kanya." Pagmamakaawa nya.
Hindi ko na sya sinubukan na lingunin at tumakbo ako palayo sa kanya.