Scarlet Eyes [Completed]

By NhamiTamad

399K 13K 1.1K

Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng... More

Scarlet Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95-Last Chapter
Book 2

Chapter 71

3.1K 125 27
By NhamiTamad

Chapter 71
           
             
           
           
Adi's POV
    
    
     
Monday na ngayon, at unang araw ng CSF. Nasa may school groud na kami at hinihintay ang bus na sasakyan namin papunta ng Northfield. At hanggang ngayon ay hindi parin nagpakita sa'kin si Zach. Nag-aalala na talaga ako.

"Ayan na ang bus. Tara na" hinila na ako ni Kuya Xander palapit sa bus.

Dalawang bus ang sasakyan namin. Kasama ko sa iisang bus sina Kuya Xander, Kuya Kurt at Owen. Kasama din dito sina Ivan at Grey na Varsity din ng basketball.

"Don't worry, susunod din yun" ani kuya Xander na katabi ko.

Tumango na lang ako at tumingin na lang ulit sa labas habang umaandar ang bus.

Lutang ako buong byahe dahil sa kakaisip sa kanya. Bumalik lang ako sa wisyo ng nakarating na kami sa Northfield.

"Ang laki din pala nitong paaralan na to" namamangaha na sabi ni Owen ng pumasok na kami sa loob.

Malawak ang northfield dahil isang Campus lang ang Highschool at College.  Kaya kabisado ko na itong buong Campus.

"Diba dito ka nag-aral dati?" Biglang tumabi sa'kin si Grey habang naglalakad kami patungong Gymnasium kung saan gaganapin ang opening.

"Oo, bakit?"

"Kaya pala halos lahat ng nandito, nakatingin sa'yo" sagot niya at nginuso ang mga kababaihan na masamang nakatingin sa'kin.

"Ganyan na talaga pag maganda. Sikat" mayabang na sagot ko saka ako ngumisi.

"Siya na nga talaga."

"Mas lalo ata syang gumanda!"

"Tignan niyo oh! Puro lalake lahat ang kasama niya"

"Ano pa nga ba. Sayang lang na maganda siya"

Natawa ako sa mga usapan nila. Lumingon ako sa gawi nila pero agad naman silang umalis.

"Takot ba sila sa'yo?" Tanong naman ni Owen.

Kibit balikat lang ang sinagot ko dahil ayokong sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit takot sa'kin ang mga estudyanteng nakakakilala sa'kin dito.

"Azieeeeel!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ng isang babae na papatakbo palapit sa'min.

Bigla namang huminto sa paglalakad si Kuya Xander at nagtago sa likod ko.

"Adi, itago mo ako" bulong ni kuya habang nagtatago sa likuran ko.

Tawang tawa naman si Kuya Kurt sa itsura ni Kuya Xander.

"Aziel babe. Namiss kita" malanding sabi nitong babae na nakakapit na sa braso ni Kuya Xander.

"Hi Wendy" natatawa paring bati ni Kuya Kurt sa babaeng to.

Wendy? Wendy Sanson? Shet! Siya ang Ex ni kuya Xander?

"Oh? Adrianne? Why are you here? Nice meeting you again" maarteng sabi niya ng mapansin ako.

"Oy! Kuya Xander!" Tawag ko kay kuya na pilit inaalis ang pagkakakapit ni Wendy sa braso niya.

"Ang akala ko, Allergic ka sa hipon. Ano'ng ibig sabihin nito?"kunot noong tanong ko kay kuya kaya pinandilatan niya ako ng mata.

Nagpipigil naman ng tawa si Kuya Kurt na halos maubo na siya sa pagpipigil.

"What did you say?" Tumaas ang isang kilay ni Wendy at bumitaw na ito sa braso ni Kuya Xander at nakapamewang na lumapit sa'kin. "I'm your senior, kaya dapat galangin mo parin ako. Hindi ako takot sa'yo, kung yun ang sa tingin mo! At isa pa hindi ako hipon!" Galit na sabi pa niya.

"May sinabi ba akong ikaw yun?" Tamad na sagot ko na mas nagpasalubong ng kilay niya. "At isa pa, hindi na ako nag-aaral dito. Kaya wala akong pakealam kung higher year ka."

"At sino ka ba sa inaakala mo? At bakit ka sunod ng sunod kina Aziel? Wag mong sabihin na ikaw ang pinalit niya sa'kin?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na tawang tawa na ang dalawa kong kuya. Mga baliw talaga! Dinamay pa nila ako sa kalokohan niya.

Pasalamat sila dahil may kasalanan tong Wendy na to sa'kin. At may gana akong makipag-usap sa hipon ngayon.

"Hindi ko alam na nabingi ka na pala? Masakit ba yung sapak ko nung nakaraan at may epekto na ito sa pandinig mo?...Kakatawag ko lang sa kanya na Kuya diba?. Tch!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"How dare you!" Sasampalin na sana niya ako pero agad ko itong nasalo.

"Oh no! But ou can't, Wendy. Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa inyo ng syota mo dati?" Bulong ko malapit sa mukha niya bago ako ngumisi ng nakakaloko.

Narinig ko na ang mga bulungan ng mga nakikiusyoso sa'min. At lahat sila mukhang hindi makapaniwala na nakita nila ulit ako.

Binitawan ko na ang kamay ni Wendy bago ko siya nilampasan. Narinig ko namang humabol sina kuya sa'kin na tawang tawa parin.

"Ang galing talaga ng kapatid ko. Buti na lang at nandito ka" natatawa paring sabi ni Kuya Xander at inakbayan ako.

"I can't believe you, Kuya! Pumatol ka sa babaeng yun, kahit alam mo ang nangyari dati?" Iritang sabi ko.

"Siya ang habol ng habol sa'kin, Adi. Syempre, kawawa naman pag hindi ko pinansin. Hindi ko naman akalain na patay na patay pala siya sa'kin  kahit isang araw lang na naging kami"

"What the fuck! Kuya! Isang araw?" Gulat na napalingon ako sa kanya.

"Ganyan ka gwapo ang kuya mo, Adi" mayabang na sabi niya.

"Ka gago kamo!" Pag-uulit ko sa sinabi niya.

Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Kuya Kurt na nasa tabi ni Kuya Xander.

"Kung ako sa'yo, bunso, hindi mo na tinulungan tong isa. Para hanggang ngayon ay may nakakapit parin sa braso niya" natatawang sabi ni kuya Kurt kaya pati ako ay natawa narin.

"Taga Arete kayo, di ba?" May sumalubong sa'ming isang Staff dito.

Tumango naman si Kuya Xander bilang sagot.

"Dito ang pwesto niyo" tinuro niya ang mga upuan sa dulo ng Gymnasium.

"Salamat" pasalamat ni Kuya Kurt bago kami lumapit at naupo na do'n.

Nag-umpisa na ang Opening program, pero wala parin si Zach. Dadating kaya siya? Tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa'kin nung gabing yun, ngayon magtatago na siya? Huh! Siraulo talaga!

"Kuya, bibili lang ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako" paalam ko kay kuya Xander bago ako tumayo.

"Samahan na kita"

"Hindi na, kuya. Kabisado ko naman tong lugar. Hindi rin naman ako magtatagal" tumayo na ako at lumabas na ng gymnasium.

Pinagtitinginan parin ako ng mga estudyante. Nagtataka siguro kung bakit ako nandito at kasali sa mga varsity.

"Oh? Adrianne? Ikaw na ba yan?" Gulat na tanong ni Aling Ester ng makita ako. Siya ang nangangasiwa dito sa Cafeteria, At kilalang kilala niya ako dahil ako ang suki niya sa friedchicken. Minsan nga, kahit wala sa menu nila para sa isang araw ang pritong manok, ay nilulutuan parin niya ako.

"Opo, kamusta na po aling Ester?" Nakangiting bati ko sa kanya. Gumanti din siya ng ngiti at binitawan muna ang hawak niyang sandok.

"Mabuti naman...Ang ganda ganda mo na iha. Dati rati ay parang lalake ka mag-ayos at kumilos. Ngayon, ay babaeng babae na. Siguro ay may syota ka na" malawak na ngiting tanong niya.

"Wala pa ho, hehe" nahihiyang sagot ko.

"O siya, anong bibilhin mo? Pasensya na at wala kaming friedchicken ngayon" natatawang sabi niya.

"Tubig lang po." Natatawang sagot ko rin at tumalikod naman siya para kuhanan ako.

Pitong bottled water nav binili, dahil paniguradong uhaw na uhaw na rin sila. At nakakahiya naman kung ako pang ang iinom.

"Masaya akong makita ka ulit, Adrianne. Kasama ka ba sa mga manlalaro?" Tanong ni Aling Ester pagkaabot niya sa'kin ng sukli ko.

"Opo. Nakachamba" natatawang sagot ko kaya pati siya ay natawa narin.

"Sige, pag may oras ako, ay papanoorin kitang maglaro, dahil sa tagal mong nag-aral dito, ay ni minsan hindi kita nakitang maglaro"

"Salamat po, mauna na ako" paalam ko bago ako tumalikod at lumabas ng Cafeteria.

Nakakaisang hakbang palang ako palabas ng Cafeteria ay may humarang na sa'king limang lalake na familiar ang mga mukha.

"Ano't napadpad ang isang tulad mo dito?" Mayabang na tanong lalakeng kaharap ko.

Inangat ko ang paningin ko at nginisian siya.

"O? Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung alaga ni Spongebob..teka? Sino nga ba iyon?" Umakto ako na parang nag-iisip.

"Wag mo akong paglaruan, babae...ay babae ka nga ba?" Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi nitong Garry na'to.

Hinawakan niya ako sa kwelyo at inilapit ang mukha ko sa kanya"sayang at ang ganda mo pa naman, tulad mo ang tipo ko, kaso pareho rin palang babae ang tipo na'tin"

Ngumisi ako habang nakatingin sa mata niya. "Alam mo, Garry. Kung katulad mo rin naman ang magkakagusto sa'kin, baka ituloy ko na ang pagiging tibo ko"

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kwelyo ko para tanggalin to. "At isa pa, wag na wag mo akong hahawakan, kung ayaw mong mabalian ng kamay" seryosong banta ko sa kanya.

Naging tahimik ang mga kasamahan niya na kanina ay tumatawa.

"Baka nakakalimutan ko ang ginawa ko sa inyo ng syota mo at sa kaibigan mong manyak?" Humakbang ako palapit sa kanya kaya napaatras naman sila.

"H-hindi ko na ako matatakot ngayon, Adrianne." Pilit na lakas loob na sabi niya "Myembro na ako ng isang gang ngayon, at kayang kaya na kitang patumbahin" humakbang siya palapit sa'kin habang nakangisi ng nakakaloko.

Inangat niya ang kamay niya at hahawakan na sana ang mukha ko ng may biglang pumigil sa kamay niya.

"Touch her, and you're dead"

Agad na nagtakbuhan ang mga kabayo sa dibdib ko ng marinig ang boses ng taong sobrang namiss ko. Ngunit hindi ko magawang iangat ang paningin ko sa kanya at tanging sa mga sapatos niya lang ang mata ko.

"At sino ka naman? Barkada niya? Hahaha! Talagang pati mga kaibigan mo ay lalake na rin pala?" Natatawang sabi ni Garry.

"Ako ang boyfriend niya, at subukan mong hawakan ulit siya, wawasakin ko yang wasak mo ng mukha" napaangat ako ng tingin sa braso ni Garry dahil sa sigaw niya.

"T-tama na! H-hindi na namin siya guguluhin!p-pasensya na-araay!" Namimilipit na sigaw ni Garry dahil inikot ni Zach ang braso niya.

"Let's go!" Binitawan na ni Zach ang braso ni Garry bago ako hinawakan sa kamay ko at hinila palayo don.

"Kilala mo ba sila? Bakit ganun ka na lang kung tratuhin niya? At bakit mag-isa ka ngayon? Asan ang mga Kuya mo? Asan si Owen? Bakit hindi ka nagpasama sa kanila?" Sunod sunod na tanong niya habang mabilis kaming naglalakad patungong gymnasium.

Hindi ako sumagot at tanging nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak. Tatlong araw ko lang siyang hindi nakita, pero sobra sobra ko na siyang namiss. At ngayong nakita ko na siya ulit, sobrang saya ng pakiramdam ko, kahit gustong gusto ko siyang sumabatan kung bakit hindi siya nagparamdam sa'kin sa loob ng tatlong araw ay hindi ko magawa. Gusto ko lang siyang yakapin ng mahigpit.

"Why are you not answering me? Kinakausap kita, Ms. Montreal!" Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto narin ako. Nilingon niya ako ng magakasalubong ang nga kilay niya.

Kusa na lang akong naglakad palapit sa kanya at niyakap siya na kinabigla niya. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya ng yakapin ko siya.

"I miss you" bulong ko habang nakayakap parin sa kanya.

Bumuntong hininga siya at mas hinigpitan ang yakap niya sa'kin."Damn! I miss you too, baby" bulong din niya bago bumitaw sa yakap namin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko at hinarap sa kanya. "And I'm sorry, dahil hindi kita nabisita sa ospital, m-may inasikaso lang ako" dagdag pa niya.

Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya. Nagtataka kasi ako dahil sa mga pasa niya na mukhang bago lang.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang sugat niya sa gilid ng labi niya na dati ay wala. "Saan mo nakuha ang mga to?" Seryosong tanong ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya at ibinaba ito. "Don't mind that. Bumalik na tayo sa gymnasium. Baka hinahanap ka na nina Xander" hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila na lang ako papunta sa gym.

"Kaya pala ang tagal, nakita na pala ang hinahanap" nakangising sabi ni Kuya Kurt ng makita niya kami.

"Akala ko hindi ka na sisipot, dahil alam mong masasapawan lang kita" natatawang sabi naman ni Owen na nilingon pa kami. Nasa unahan namin kasi sila naupo.

"Tss! As if you can win against me on one on one" mayabang na sagot ni Zach na umupo na sa tabi ko.
Umurong kasi sina kuya para mabigyan ng mauupuan si Zach.

"Pwede ba namang hindi pumunta ang player, eh nandito ang cheerer niya" siniko siko ako ni Kuya Xander habang malawak na nakangisi.

"You're creepy, kuya!" I rolled my eyes at nagfocus na lang paharap kung saan nagsasalita ang Dean nitong school.

"Hey, Bunso. I saw Garry. Nagkasalubong ba kayo?" Naging seryoso ang boses ni Kuya Xander habang pabulong na kinakausap ako.

"Yeah" sagot ko lang habang nasa harap parin ang paningin ko.

"May ginawa na naman ba siya sayo? Tell me, and I'll punch him to death" nakakatakot pag ganito ang boses ni kuya Xander. Mas gugustuhin ko pang makitang magalit si Kuya Ali kesa sa kanya. Kuya Ali won't change if he's angry, para lang siyang normal na siya. But, kuya Xander is different. Just by looking at his face will make you crumble in fear.

"Nothing kuya,..and he can't beat me tho" pagpapagaan ko ng loob niya.

Sinulyapan ako ni Kuya Kurt na siguro ay nahalata narin ang naging aura ni Kuya Xander.

"Just don't get near him. Hindi ma siya ang Garry na binugbog mo noon" nilingon niya ako, at doon ko nakumpirma na galit nga talaga siya. Nanlilisik ang mga mata niya na parang sinasaksak ka na nito."He hold grudges against you. That's why he joined a gang group. A killer gang group"

Natahimik ako sa huling sinabi niya. Alam kong hindi siya nagbibiro, at hindi siya basta basta nagsasabi sa'kin na layuan ang isang tao, maliban na lang kung alam niyang ikakapahamak ko ito.

"I will, Kuya. Don't worry" ngumiti ako at niyakap amg braso niya.

"You should, dahil pag may nangyaring masama sa'yo, papatayin ko siya" Seryosong seryoso ang mukha niya habang nakayuko at nakatingin sa'kin.

"Why so gwapo, Kuya?" Pagiiba ko sa usaping iyon.

"Don't change the topic, Adrianne" nakikita ko na ang pagkainis sa mukha niya kaya medyo gumaan na ang pakiramdaman ko.

"You're unfair, Bunso! Bakit si Xander lang ang sinabihan mo na gwapo?" Nakangusong sumilip si kuya Kurt sa'kin mula sa kabila ni Kuya Xander.

Alam kong iniiwas din niya kami sa usapin na iyon dahil ramdam din niya ang tumataas na tensyon sa paligid.

"Tch! Don't interfere, Kurt! Hindi ka gwapo! Tapos ang usapan"

Sabay kaming natawa ni Kuya Kurt dahil sa sinagot ni Kuya Xander.

"We're cousins tho! Kung pangit ako, pangit ka rin!" Giit ni Kuya Kurt.

"Well, I'm just joking! Hindi naman kayo gwapo pareho eh!" Natatawang sabi ko kaya sinamaan nila ako ng tingin na mas lalong nagpatawa sa'kin.

"Ang sama mo, Adi!" Ngumuso si Kuya Kurt at saka pabagsak na sumandal sa likod ng monoblock chair.

At dahil marupok na ang plastic ng upuan,  nabali ang sandalan sa biglang pagsandal ni kuya Kurt.

"Tangina, Kurt!" Malakas na tumawa kami ni Kuya Xander habang sinasapo sapo naman ni Kuya Kurt ang likod niya.

"Gago ka, Kurt! Maninira ka pa ng gamit dito" tawang tawa parin na sabi ni Kuya Xander bago kinuhanan ng picture ang upuan at si Kuya Xander na nakahawak parin sa likod niya.

"Oy! Gago! Xander, wag mokong kunan ng litrato!" Sinubukang agawin ni Kuya Kurt ang cellphone ni Kuya Xander.

Ngunit hindi siya magtagumpay at sinend na ito ni Kuya Xander sa groupchat naming magpipinsan.

Sunod sunod na nagreply sina Kuya Ali at Kuya Peter na siyang pinakamalakas ang tawa kahit hindi ko narinig ay halata sa pagtype niya ng message.

AliGwapo: Tangina! Hahahhahahah

PeterSupot: HAHSHSSHSHAHSHZHH

PeterSupot: Hoy! Sinong nagpalit ng pangalan ko ditoooo???

PeterSupot: Gago ka Kurt! Wala ka na ngang maaambag sa team niyo, maninira ka pa! HAHHASHHSHHAHZ

PeterSupot: Tangina naman tong pangalan ko dito!palitan niyo!hoy!

PeterSupot: sino nga ba iyong putanginang admin nito? HOOOOYY!!!

Joshua: Si Kuya Magnus

XanderTheGreat: lagot kang supot ka! Hahahahahaha

AdrianneGanda: lagot ka kuya peter, tago ka na! Halaka!

PeterSupot: Ang daya! Bakit kayo ang gaganda ng pangalan niyo?hinack niyo cellphone ni kuya Magnus, lagot kayo!

KurtPogi: Tangina mo Supot! The tables have turned. Hahahahaha

AliGwapo: But the chair is broken

XanderTheGreat: Tangina! Hahahahaha

Joshua: ang talino mo ngayon ali hahaha

AliGwapo: Gago ka Josh

PeterSupot: ayan na! May away! Suntukan na!!!!!

Ryan: Magsitahimik kayo! Nasa meeting ako.

Mikael: Stop chatting! I'm in the middle of a meeting!

KurtPogi: Si Peter ang pinakamaingay!

PeterSupot: Anong ako?

Magnus: You'll shut up or I'll break all your phones.

Sabay sabay naming ibinaba ang mga cellphone namin dahil sa huling nagchat. Nagkatinginan kaming tatlo at saka sabay na tumawa.
              
              
               
          
----------------------------------

At dahil nasa chapter 71 na. May ginawa ako, hehehe😅 sana magustuhan niyo🤗😊

First time kong gumawa ng ganito.😅

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 2.5K 51
(Agent Series 2|Part 1|| ) (Alferez Series 3) Started Writing:April 20,2020 Finish Writing:May 2,2020 Written By:Shireroseee
943 134 8
A Short Story Written by TamadSiAkuma Isang babaeng nagmula sa isang mataas at ikinagalang-galang na pamilya ay biglang aakusahan ng isang kasala...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
2K 1K 22
Handa ka bang magmahal muli at sumugal kahit na alam mong wala itong kasiguraduhan?