Dominant Lover

By Clyvien

57.9K 1.2K 30

Addie Faye Salvacion leave their house that night to escape from the pain and hatred in her heart. It was rai... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
WAKAS

Kabanata 27

684 17 0
By Clyvien


"Uy Morgan sorry na."

Pinagsaraduhan niya ako ng kwarto. Galit talaga siya sa akin sa nangyari kagabi. Kasalanan ito ng magaling niyang pinsan eh. Kapag nakita ko ulit iyon hindi lang sabunot ang ipapatikim ko.

Bumaba ako ng kusina para ipagprepare siya ng meryenda. Wala naman pasok ngayon dahil Sunday.

"Ma'am ako na po ang maghahanda."

"Ako na ho manang. Thank you."

Pagkatapos ko ay agad rin akong umakyat. Galit siya dahil anlaki ng bukol sa noo niya. Nahihiya siyang ipakita kaya ayun gusto na lang magkulong sa kwarto. Kanina pa niya ako sinusungitan.

"Morgan nagdala ako ng meryenda."

Walang sumagot kaya pumasok na lang ako tutal hindi naman nakalock ang pinto. Nadatnan ko siyang naglalaro ng mobile legends sa phone niya.

"Leave." Malimig pa din ang tono niya. Paano ko ba papaamuhin ito? Aso lang? Bad.

Umupo ako sa kama at tumabi sa kaniya. Seryosong-seryoso siya sa paglalaro, tutok na tutok sa phone.

"I'm busy can't you see? Don't disturb me." Patuloy pa rin siya sa paglalaro at ni isang sulyap hindi man lang niya ako tinapunan.

"Galit ka pa rin ba?" Sinundot sundot ko ang tagilitan niya pero singhal at irap lang ang iginanti niya. Talo talaga ako nito. Ang galing umirap.

"Stop it." Iritableng tugon niya.

"Morgan hindi ko naman sinasadya na matamaan ka nun---"

"I didn't ask for explanation. Now leave."

Hayst bahala ka na nga. Parang walang araw na hindi kami nag-aaway.

Nanatili pa rin ako sa tabi niya. Inilabas ko ang phone sa bulsa dahil hindi naman niya ako gustong kausapin so magpakabusy rin ako. Gusto kong lumabas pero mainit tsaka ayaw rin naman ng lalaking ito na lumabas ako kapag di ko siya kasama. Paano ako makakalabas kung galit siya sakin.

I open my facebook account. Una kong binuksan ang notifications ko puro react and comments lang naman sa profile ko at sa mga memes na shinare ko. Sunod friend requests kung saan tadtad ako, nag accept ako ng iilan saka ko inopen ang messages ko.

Nagreply ako sa mga kakilala. Sa news feed naman ako pumunta at agad akong napalingon kay Morgan. What the hell?

Ano itong mga nakatagged na photos sa kaniya? Tinignan ko siyang muli pero busy pa din sa paglalaro. Wala ba siyang sasabihin sa akin? Bakit ano tong mga pictures na...

Iniscroll ko pa ang mga nakatagged sa kaniya. Nagtingin tingin ako ng mga comments. What's this?

Comments:

Morgan next time ulit! <3

Sana all nakasama. Next time talagang pupunta na ako.

Bro you got hot chicks.

Pre bakit nandiyan si Hiro? Sabihin mo balik na siya dito sa Canada. Batang yan talaga.

Bakit di man lang kayo nag-aya?

Morgan thank you! <3

Morgan wanna hang out on Tuesday? I'll invite some of my friends too. Dalhin mo na rin sina Caliber and Ford.

Ngayon lang kasi ako ulit nag open ng account ko kaya hindi ko man lang alam na may mga ganito palang nangyari. Sa tingin ko sa isang bar ito.

Naagaw ng pansin ko ang isa sa pictures kung saan may nakalingkis na babae sa braso niya. Kitang kita ang cleavage at ang malaki niyang hinaharap. Tinignan ko ang mukha ni Morgan sa picture at ngiting ngiti ang loko. Saya ka ghurl?

Gigil kong pinatay ang phone ko. Lintik talaga. Bwisit! Nag-iinit nanaman ulo ko.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" I managed to ask calmly kahit gustong gusto ko na siyang sigawan.

Pero walang response na binigay. Binalingan ko siya ng tingin pero nakatutok lang siya sa phone niya. Ganiyan? Sige kung iyan ang gusto mo. Ayaw mo ako pansinin?

"Morgan ano ba! Wala ka bang sasabihin sa akin?" Padabog akong tumayo sa pagkakaupo saka siya pinameywangan. Pero ang loko hindi man lang natinig.

"Hoy lalaki!"

"Ano ba? Bakit ba ang kulit mo? Leave. Nakakarindi ka."

Pinigilan ko ang mga luhang patulo na. Ramdam na ramdam ko ang bukol sa lalamunan ko. Nakakarindi ako? Sobra naman na yata yun? Makaasta siyang matino siya pala ay may ginagawa kapag nakatalikod ako.

Kung bakit masamang masama ang loob ko? Dahil bago ko patayin ang phone ko may nakita akong isang comment dun. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

Kagabi lang ang comment na iyon kumpara sa mga naunang messages na 3 days ago pa.

Morgan I miss you. Uuwi ako ng Pilipinas this month. See you love.

Paanong hindi ako mapapakali dun? So may hinihintay siya? Bakit wala man lang siyang sinabi sa akin? Love daw. So it means may something sa kanila.

Bago pa lumandas ang mga luha sa mukha ko ay umalis na ako sa kwarto niya at padabog na isinara ang pinto.

Kaya ba ganun na lang ang pakikitungo niya? Nagbago na dahil babalik na ang hinihintay niya? Tsaka di ba? Kung yung pukpok sa ulo niya ang problema niya maliit lang naman na bagay iyon hindi ba? To think na ayaw niya akong pansinin. Hindi naman siguro ganun kabig deal yun kung iyon lang ang rason niya.

Alam kong nabasa niya ang comment na iyon dahil kagabi pa iyon. Kaya siguro ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin.

I search the profile of the girl ng nasa kwarto na ako. Hindi ko maiwasang mainsecure dahil she got the looks and body. She looks sophisticated. Ibang-iba sa akin.

Agad rin akong naglog out at hindi na nag online pa. Nahiga na lang ako sa kama at doon umiyak ng umiyak. Ang bigat ng dibdib ko.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Kaya paggising ko ay madilim na. Hindi na ako nakapaglunch kaya nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Hindi man lang ako tinignan ni Morgan. Nakakatampo na talaga.

Bumaba ako ng kusina at saktong nakita ko si Caliber na naghahalungkat ng pagkain sa fridge.

"Yo Addie! Okay ka lang ba? Namumutla ka."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang noo ko. Ngumiti lang ako at sinabing gutom lang ako.

"Si Morgan?'

Nag-alangan naman siyang tumingin sa akin at tila may ayaw sabihin. Tumingala siya at luminga-linga sa paligid.

"Ah oo nga pala! S-sandali lang may nakalimutan pala ako sa kotse. Wait kukunin ko lang."

Nagmamadali siyang umalis. Pero narinig ko na lang na may humarurot ng sasakyan paalis. Ano ba! Nakakainis na ang mga kinikilos nila. Tinakasan pa ako ni Caliber.

Ano problema nun? Bakit umalis? Tsaka anong ginagawa nun dito? Naghahanap lang ng pagkain? Tsk.

Tinanong ko sa mga maids kung nasaan si Morgan pero hindi daw nila alam. Lumabas daw kaninang mga alas dos ng hapon at hindi pa bumabalik hanggang ngayon.

Kumain ako kahit na wala akong gana. Nakakapanghina ang mga nangyayari ngayon. Bakit? Ayos lang kami kahapon eh. Bakit ang bilis naman yatang nag iba ang ihip ng hangin.

Hihintayin ko siya.

Nanood muna ako sa sala ng mga teleserye habang naghihintay. Lumipas ang apat na oras pero wala pa ring Morgan ang umuuwi. Alas onse na ng gabi. Kinabahan ako dahil gabing gabi na baka kung napano na siya sa daan.

Kahit naman galit ako sa kaniya mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ko.

"Ma'am okay lang po ba kayo dito? Mas mabuting sa kwarto na lang po niyo kayo matulog para makapagpahinga kayo ng maayos." Naalimpungatan ako ng may humaplos sa balikat ko. Si Aling Nena.

"Si Gian nakauwi na po ba?"

"Wala pa po ma'am."

"S-sige salamat ho. Ayos lang ako dito."

Pagtingin ko sa orasan 12:30 am na. Wala ba siyang balak umuwi? O di kaya ay nakipagkita siya sa babae niya? Mas kinabahan ako sa isiping iyon. No, hindi naman siguro. Pinilit kong iwinaksi ang isipin na iyon pero napuno na ako ng pagdududa at ng mga what ifs ko.

Kahit antok na antok na ako ay pinilit kong iminulat ang mata ko para magising ako. Baka kasi biglang dumating si Morgan.

Nabuhayan ako ng may may marinig akong makina ng sasakyan. Dahil nakapatay na ang halos lahat ng ilaw ay madilim na. Pero naaninagan ko pa rin ang pamilyar na bulto ng tao. Si Morgan.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"Morgan bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?" Nag-aalalang tanong ko.

Parang wala siyang narinig at pagewang gewang na umakyat sa hagdan. Linapitan ko siya at inalalayan. Pilit niyang iwinawaksi ang kamay ko pero hindi ako nagpatinag. Baka kasi bigla siyang mahulog at gumulong dito sa hagdan.

Ngalay na ngalay ako ng maipasok ko siya sa kwarto niya. Nang ihiga ko na sana siya ay napasama ako kaya naman ay nasa ibabaw na niya ako ngayon.

Tinitigan ko ang mukha niya at may pasa siya sa kanang pisngi. Namumula ang mga labi. Amoy na amoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo sa kaniya.

Tinanggal ko ang polo shirt niya. Naamoy ko ang pambabaeng pabango kaya napatigil ako. Inamoy ko ulit at kumpirmado dahil sa damit niya galing mismo ang amoy.

Nanghina ako sa isiping may ibang babaeng kayakap. Bumuhos agad ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan sa pag-aalala sa kaniya. Tapos ngayon malalaman ko na lang na may pinuntahan pala siya at amoy ng babae niya ang isinalubong sa akin.

Gusto ko siyang kausapin pero heto at lasing siya.

Kumuha ako sa walk in closet niya ng damit saka ko siya binihisan. Tinaggal ko rin ang sapatos, medyas at pantalon niya saka inilagay sa basket.

Paalis na sana ako ng hinablot niya ang kamay ko kaya napasalampak ako sa kama. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Morgan..."

Pinilt kong bumangon pero mas hinigpitan niya ang yakap.

Mas lalo akong napahagulhol sa mga bisig niya. Bakit kailangang magkaganito kami? Ang gulo-gulo. I'm clueless sa mga nagyayari.

"Morgan..."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at pagpilit na kumawala pero mas humigpit ang yakap niya.

Akala ko ba lasing ito? Bakit malakas pa rin siya?

Tiningala ko siya at kitang kita ko ang paglandas ng luha sa kaliwang mata niya. Umiiyak siya. Bakit siya umiiyak?

Gumalaw siya at pinirmi niya ako sa kaliwang bahagi ng kama. Yakap yakap niya pa din ako. Singhot lang naman ako ng singhot. Basa na yata ang pinampalit ko na shirt sa kaniya.

"5 minutes."

Sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya. Nang linuwagan niya ang yakap niya sa akin ay saka ko siya tiningala. Nakapikit lang siya.

"Morgan are you okay?"

Nagmulat siya ng mata at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit?

"Why are you crying?"

Tanong niya sa akin na hindi sinasagot ang tanong ko.

"Eh kasi hindi mo ako pinapansin. Tsaka may nililihim ka sa akin." Napaiwas ako ng tingin. Malalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ramdam na ramdam ko kahit di ako nakatingin.

"I miss you."

Napatingin ako sa kaniya ng bigkasin niya ang mga salitang iyan.

"Zoey."

And after that pumikit ang mata niya at paghilik na lang niya ang narinig ko.

Who is Zoey?

Continue Reading

You'll Also Like

3K 85 10
She's the ultimate bitch He's the most gentleman They're friends more like Bestfriends natitiis nila ang ugali ng isa't isa Jake spoils Alice so much...
195K 3.2K 25
[HIGHEST RANK: #1 in Fanfiction 05-11-18] Isa si Isabel Chandria Cruz Ford sa mga taong bulag sa pag ibig. Siya ay maalagaing asawa at mahal na mahal...
427K 6.1K 24
Dice and Madisson
3.1K 87 21
Matapos magpakalayo layo ni Venus ay hindi niya parin nakakalimutan si Red. Samantala maaalala pa ba ng puso ang nakalimutan na pag-ibig?