Until The Sunset

By thelonewriter_

16.7K 491 96

Avi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wish... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
Epilogue
Special Chapter

08

384 18 2
By thelonewriter_

"Avi, okay ka lang? Maputla ka." Nag-aalalang tanong sa akin ni Rachel kaya mula sa libro ay lumipat ang mga mata ko sa kanya.

"Okay lang. Medyo sinisipon." Sagot ko at sumunod si Elysa sa pagsita sa akin.

"Eh, paanong 'di ka sisipunin? Mukhang nilusob mo yata 'yong ulan kahapon! Wala ka bang payong?"

"Mayroon. Pwede ba? Magbasa na nga kayo. May quiz pa tayo." Sabi ko at alam kong nagulat sila sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Ako? Magsasabi nun?

Pero wala talaga ako sa mood makipag-usap dahil sa sipon na nararamdaman ko. Dahil na rin sa para bang bigat na pakiramdam ko ngayon. Iisipin ko sanang dahil sa mga pinapagawa ng mga prof namin 'yong sakit ng ulo ko pero hindi eh, tama si Elysa. Dahil sa paglusob ko sa ulan kahapon.

Paano ba naman ako hindi mapapalusob? Eh, wala akong payong. At kahapon pa walang tigil ang ulan hanggang ngayon. May bagyo, signal number one lang dito sa Maynila. Pero as usual, aasa pa ba kaming isu-suspend ang college? Mga bangus kaya kami.

Pero shet, ang sakit ng ulo ko. Idagdag mo pa itong pa-singhot-singhot ako. At alam kong naiirita na itong tatlong kasama ko ngayon dahil sa nakakairitang pagsinghot ko na nakakaitsorbo sa pagbabasa ng libro rito sa library.

At ako, nagbabasa nga, pero hindi ako makpag-focus dahil sa panghihina na nararamdaman ko. Parang anytime ay babagsak ako.. Sa sahig ah. Mas okay na sa sahig, kaysa grades ko ang bumagsak.

Nabigla ako nang hawakan ni Lesly ang noo ko. Nanlaki ang mga mata niya nang bumitaw siya.

"Oy, shet, Avi. Ang init mo!" Sabi niya.

Alam ko 'yon, 'no. Hot talaga ako. Kaya ang daming nagkaka-crush sa akin eh.

"Oo nga, may lagnat ka." Sabi rin ni Rachel nang sumunod siyang humawak sa akin, sa leeg naman.

"Ano ba? Huwag niyo na akong pansinin." Sabi ko naman dahil nag-aalala na naman silang tatlo sa akin.

"Gaga ka. Mukha ka pang nanghihina. Magpahinga ka na lang kaya. I-excuse ka na lang namin."

Makapagsabi ito ng excuse, para namang mangyayari! Excuse? Uso ba 'yon? Hindi na 'yon uso sa college!

"Hindi na nga, kaya ko pa. Sipon lang ito, para kayong ano.." Pagpupumilit ko pa.

Pero iba ang nangyari, hindi na ako nakapasok sa second subject dahil sa nararamdaman ko. Ako na mismo ang nagpaalam sa prof namin sa Financial para naman makita niya ang lagay ko at makapagdesisyon kong papayagan niya ba akong umuwi na. Himala, nag-alala rin sa akin si Sir Mark at pinauwi na ako.

Nakauwi ako sa dorm, naglakad pa rin ako pauwi. Syempre, nakapayong na ako. May dala na ako eh. Ayaw ko naman nang dagdagan pa itong sipon ko at parang init na nararamdaman ko.

Nang mabuksan ko ang pinto ko, agad na akong dumiretso sa kama ko para ibagsak itong sarili ko. Ito lang pala ang hinahanap ko, itong kama. Ito ang kanina ko pang gustong gawin.

Humiga ako nang padapa at pumikit. Mukhang natuluyan nga ako dahil sa paglusob ko kagabi sa ulan. Kahit nakipayong ako kay Sir Lean, tapos sinunod ko 'yong sinabi niyang iligo ko dahil sa basa ako.

Bumuntong-hininga ako, at ramdam ko ang init ng hininga ko dahil doon. Ibinukas ko ang mga mata ko, parang 'di ko kayang idilat nang hanggang 10 seconds kaya napapikit ulit ako. Kinuha ko ang kumot na nakatupi sa inuunan ko at agad na itinalukbong sa akin. Malamig eh. Hanggang sa itulog ko na lang.

Nagising ako, parang mas lumakas ang ulan. Oh, wala pa ring tigil. Buti na lang at third floor kinaroroonan ko. Iisipin ko sanang babahain na 'ko rito sa dorm. Papikit-pikit pa akong inabot ang phone ko sa ilalim ng unan ko para tignan ang oras. 5:25 na rin, naka-tatlong oras din ako sa pagtulog.

May mga messages din akong natanggap. Mula kay Tita Mina at kay Elysa. Una kong binuksan 'yong kay Tita Mina, sinabi niya na malakas daw ang ulan doon sa Rizal. Signal number 2 na raw doon. Tapos si Elysa naman, nangangamusta lang.

Dahan-dahan akong umupo at napamura ako dahil masakit ang katawan ko. Mas sumakit, mas sumama yata ang pakiramdam ko. Bwisit, nakisabay pa 'to. Ngayon, ipinagdarasal kong walang pasok bukas dahil hindi ko kaya. Maaawa naman sila!

Nang makaupo ako, pinakiramdaman ko pa ang sarili ko. Nagmuni-muni pa ako for 5 minutes ata, hanggang sa dumako ang tingin ko sa mesa ko.

Kailangan kong kumain para makainom ng gamot.. Pero ano bang buhay 'to? Wala akong pagkain at walang gamot. So kailangan kong bumili.. sa labas.

Inabot ko ang bag ko para kunin ang wallet ko, hanggang sa tumayo ako. Umiikot nga ang paningin ko pero hindi ko kailangan magpadaig. Sarili ko lang maaasahan ko rito!

Naka-uniform pa ako, tinanggal ko ang polo na suot ko. Sando ang natira, hindi ko na balak pang tanggalin at ang ginawa ko ay kumuha ng jacket sa cabinet na mayroon ako rito. Hindi ko na rin pinalitan 'yong skirt ko. Nag-tsinelas na lang din ako. Pagkatapos, kinuha ko na ang payong ko at lumabas na para bumili.

Ang bagal! Ang bagal kong maglakad! Mas mabagal pa kaysa sa pagong! Naiirita ako pero hindi ko rin naman magawa ang bilisan ang lakad ko. Nanghihina ako, sa paghakbang ko rito sa hagdan, mas daig ko pa yata ang senior citizen sa pagbababa rito sa hagdan! Ba't kasi walang elevator dito?

Kung noon na wala pang 30 seconds ay nakarating na ako sa baba, ngayon naman, parang inabot ako ng 2 minutes sa pagbababa rito sa hagdan! At pagkalabas ko pa lang, nanginig ako nang humampas sa akin ang malakas na hangin.

Mukhang lumakas pa yata lalo ang bagyo. At sa payat kong ito, pwede akong ilipad. Buti na lang at malapit lang ang 7-Eleven dito sa dorm. Katapat lang, tatawirin lang.

Nakarating ako sa 7-Eleven, ang agad kong hinanap ay cup noodles, ano pa ba ang kakainin ko? Wala akong lakas para magluto ng sardinas o ng corned beef. Eh, wala ring lakas para magbukas ng mga de lata!

Bale ang nabili ko, dalawang cup noodles at bumili rin ako ng in-can na coke. Eh, pampalakas kaya ang coke. Energy drink ko 'yan.

"P61.00 po, Ma'am." Sabi sa akin ng cashier kaya nagbigay ako ng saktong bayad dahil mayroon ako.

Nang makalabas na ako, agad kong binuksan ang payong ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bumaliktad bigla ang payong ko dahil sa lakas ng hangin. Pero naibalik naman. Gulat ako ro'n!

Hindi ko na naituloy ang balak ko sanang magpunta sa botika na malapit dito. Kasi mukhang totoong ililipad ako ng hangin kung tutuloy pa ako tsaka medyo baha na rin. Bumalik na ako sa dorm. Mukhang sa mainit na noodles ko na lang idadaan itong sama ng pakiramdam ko.

Parang mas bumagal ang paglalakad ko, ewan ko ba kung dahil sa hangin na humahampas sa akin na dahilan kung bakit patigil-tigil ako. Pero buti na lang, nakarating na ako sa dorm. Medyo nahihilo pa ako nang ibaba ko ang tingin ko. Pumikit ako para maiwala at nang maglalakad na sana ako paakyat sa taas ay nawalan ako ng balanse.

Hindi ko naramdaman ang pagtama ng likuran ko sa sahig dahil sa pagkakaalam ko ay may sumalo sa akin. May mga kamay na nakasuporta sa aking beywang kaya bumalik ako sa ayos ng pagkakatayo ko. Lumingon ako, at napatanong. Bakit ba lagi na lang siya ang tumutulong sa akin?

"Are you okay, Ms. Torre?" Tanong niya sa akin pero mukhang nabisto niya ang sagot sa hitsura ko.

Malamang ay maputla ako ngayon at ramdam ko na ang aking panginginig.

"Opo, S-Sir.." Sagot ko at nagulat ako nang hawakan niya ang noo ko.

"Ang init mo."

Nawala na ako sa kamalayan na inaalalayan niya na ako sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa paglalakad papunta sa kwarto ko rito sa dorm. Hanggang dito mismo sa kwarto ko, inalalayan pa rin niya ako. Hindi ko na rin pinansin na pati siya ay pumasok dito sa kwarto ko, medyo nag-alala pa ako na baka makalat sa paningin niya ang tinutuluyan ko.

"May lagnat ka." Sabi ni Sir Lean at doon na lang ulit bumukas ang mga mata ko nang magsalita siya.

Nakaupo siya sa ibaba para tapatan ako, gusto ko sanang tanungin kong bakit ang pogi pa rin niya kahit buong araw siyang pagod na nagturo sa school. Avi, naisip mo pa 'yan?

"Ba't ka ba lumabas? Umuulan."

Gusto ko siyang sagutin pero tamad bumuka ang bibig ko. Pumikit-pikit na lang ako at siguro ay alam niya na ang sagot nang mapansin niya ang paper bag na kanina ay hawak ko.

"You need to eat para makainom ka ng gamot. Pero hindi itong mga binili mo." Narinig ko pang sabi niya.

Kailangan ko raw kumain pero hindi 'yong binili ko ang kakainin ko. Eh, ano? Siya kaya ang kakainin ko?

Ano ba? Bakit ang bastos ko ngayon? Ha?!

Pagkatapos ay umalis na siya, nang walang pasabi. Hinintay ko pa siya nang halos 10 minutes, umaasa akong babalikan niya 'ko pero wala! Wala na siya! Nalungkot naman ako dahil umalis na rin siya. Bwisit, may pasabi-sabi siyang hindi ko kakainin 'yang noodles na binili ko, iniwan din pala ako. Tse!

Balak ko sanang umupo pero hindi natuloy nang bumukas ang pinto at ito, bumalik siya. Binalikan niya naman ako, at sa nakikita ko ngayon, may dala siyang bowl na may lamang kung anong sabaw. May isa pa siyang hawak pero hindi ko na pinansin.

Kinuha niya ang upuan at itinabi sa kama ko para magsilbing mesa, at dito niya inilagay ang bowl na dala niya. May.. May lamang sopas. Saan niya naman ito nabili?

"Sir.. Ano 'yan? May.. May b-bayad po ba 'yan?" Tanong ko at tiningnan niya ako. Hindi na naman ako sinagot.

Umupo siya rito sa tabi ko at pinanood siyang hinahalo-halo 'yong sopas. Sinamantala ko ang paghiga at pagyakap ko sa sarili ko dahil mukhang pauupuhin niya ako, at tama ako.

Nanghihina man ako ay sinabihan niya akong umupo para makakain. Akala ko, ako mismo ang kakain pero mali dahil pati iyon ay siya ang gumawa para sa akin. Sinusubuan niya 'ko pero bago iyon, hinihipan niya muna bago isubo sa akin.

Gustong pumikit ng mga mata ko habang ngumunguya pero pinilit kong hindi para tignan siya. Para akong nananaginip. Tignan mo 'to, si Sir Lean? Nandito? Parang nurse na nag-aalaga sa akin?

Bukod sa masahista, susunod na aakalain ko ay nurse siya o caregiver.

Nakatingin lang din siya sa akin, para siyang.. Para siyang nag-aalala sa akin dahil sa hitsura niya. Teka, sino ba ako? Estudyante lang naman niya ako.

Ah. Pangalawang magulang ang mga guro.

Hindi ko nakahalati ang sopas na kinakain ko ay umayaw na ako. Pinilit niya pa ako pero isang subo lang ang kinaya ko. Pinainom niya ako ng tubig at humiga na agad. Pero pinaupo niya ulit ako para uminom ng gamot na siyang may dala.

Agad na akong nagtalukbong sa kumot pero nakalabas ang mukha ko. Nanginginig talaga ako, kahit wala namang aircon o hindi naman naka-switch ang electric fan ko, nanginginig ako sa lamig. Kahit naka-jacket na ako.

Itinabi niya ang pinagkainan ko at lumapit ulit sa akin. Nakita ko ang pagtingin niya sa relo niya bago hawakan ulit ang noo ko.

"Pinainom na kita ng BioFlu. Nagchi-chill ka. Mukhang tinatrangkaso ka." Problemadong sabi niya.

Mahina man ang mga mata ko para bumukas pero pinapakita ko sa kanya na gising ako.

"Ang la-lamig." Utal na sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. At nang hawakan niya, ako ang humigpit sa kapit para hindi siya bumitaw.

"Gusto mo ba ng.. body heat?" Tanong niya sa'kin, at walang pag-aalinlangang tumango ako.

Tuluyan na siyang humiga sa tabi ko, at nang matabihan niya na ako, ako mismo ang lumapit sa kanya para yakapin siya. Ilang saglit, naramdaman ko na rin ang mga braso niyang nakayakap sa akin. Nanginginig pa rin ang katawan ko, pero para bang kusang kumalma nang hagurin niya ang likod ko.

***

Nagising ako, 'di ko alam ang oras. Nagising ako na yakap pa rin ako ni Sir Leandro. Pero this time, nakatalikod na ako sa kanya. At sa pagyakap niya sa'kin, hawak pa niya ang isang kamay ko.

Napakurap-kurap ako, iniisip ko ngayon kung hanggang ngayon ay totoo pa rin itong nangyayari. Totoo ba 'to? At bakit ito nangyayari?!

Ngayon, 'di ko alam ang gagawin ko. Ano'ng oras na ba? Ayaw ko namang bumangon para hagilapin ang phone ko at baka magising siya. Pero feeling ko, mga 11 PM?

Hindi ko makita si Sir Lean, dahil nakatalikod nga ako. Pero alam ko namang tulog siya, mahimbing pa ang tulog. Mukha siyang pagod, pagod naman talaga sa pagtuturo. Rinig kong umuulan pa rin, pero humina na. Pero rinig ko pa rin ang hangin, malakas. At rinig ko rin ang paghilik ni Sir.

Huli na nang mapansin kong medyo wala na ang sakit ng ulo na nararamdaman ko kanina lang. Oo nga, 'no! Ang bilis! Pero medyo masakit pa rin ang katawan ko, at barado ang ilong ko!

Ang galing ni Sir, mag-alaga! Pero teka, hindi ko alam ang ire-react ko. Unang tanong, bakit.. Bakit parang ganoon na lang kung magpakita siya sa akin ng care? Kasi iniisip ko ngayon, pambawi niya ito noong pinahiya niya ako.

Pero bakit parang sobra naman na. Ganoon ba talaga siya ka-guilty? O sadyang mabait lang talaga siya? O baka naman crush ako nito?

Pero nakakahiya! Pumayag pa akong magpayakap sa kanya ngayon. Ang kapal naman ng mukha ko. Pero siya kaya riyan, siya ang nag-offer at hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko talaga ang init niya. Ang body heat niya kako.

Pero teka, dito ba siya matutulog? Hanggang bukas na?

Unti-unti siyang gumalaw kaya kunwaring gumalaw din ako hanggang sa lingunin ko siya at ito, mukhang gising na rin siya. Nang makita niya akong gising ay inalis niya na ang yakap niya sa akin. Umupo na siya, napasimangot naman ako roon.

Hindi siya nagsalita, at hinawakan lang ang noo ko para i-check kung mainit pa ba ako. Tsaka ko napansin na uniform pa rin ang suot niya. At ako naman, suot pa rin ang jacket at naka-skirt pa rin ako. Hindi na ako nagbihis.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong niya at napatitig ako sa kanya.

"Ha? Ah, p-po? Hindi n-na po, Sir.." Sagot ko at umiwas ng tingin. "Ano na pong oras?" Tanong ko naman sa kanya at tumingin siya sa relo niya.

"1:25 AM."

Ha?! Ala una na? Bakit.. Bakit ang bilis ng oras!

"Shet." Mura ko at nanlaki ang mga mata ko sa pagmumura ko.

Napatingin lang din siya sa akin at ako ang umiwas. Bakit naman niya ang tinitignan ang ganyan? Pero bumalik ang tingin ko nang may maisip ako.

"Sir, kumain ka na ba?" Tanong ko at hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin.

Kahit alam kong hindi pa kung sakaling sinabayan niya ako sa pagtulog at hindi siya bumitaw sa pagyakap sa akin. Nakakahiya naman kung ganoon.

"Hindi pa pero before ako umuwi rito, kumain na ako roon sa office. Birthday ni Ma'am Jham eh. May handaan." Sagot niya at ang cute niya nang mag-yawn niya.

Kumain na pala siya.. Tapos ngayon, naistorbo ko siya sa pagtulog niya. May pasok pa naman bukas. Shet, close ba kami ni Sir para ganituhin ko siya?

O para ganituhin niya 'ko?

Nagpaalam muna ako na iihi ako. Tinanong niya ako kung kailangan pa ba niya akong samahan para alalayan. Itinago ko ang pamumula ng mga pisngi ko pagkatapos kong umiling.

Mukhang gumagaling na nga ako dahil kumpara kanina na sobra akong nanghihina, naging okay naman na 'ko. Nakabalik ako, sinabihan niya akong humiga na at matulog na ulit. Sumunod naman ako sa gusto niya, hindi na ako nagsalita kahit maraming tanong akong naiisip ngayon.

"Nilalamig ka pa ba?" Tanong niya at matagal bago ako makasagot.

Hindi ko alam. Pinag-iisipan ko muna ang isasagot ko. Kung hihindi ba ako, aalis na siya, at kung o-oo ako, mananatili pa ba siya rito.

Pero umiling ako kasi ayun naman ang totoo, at ewan ko, para akong nalulungkot. Parang.. Parang mas gusto ko tuloy na magkasakit pa.

Ipinikit ko na ang mga mata ko pero wala pa akong balak matulog. Pinakiramdaman ko pa kung aalis na ba siya, pero ramdam ko ang paglusko ng puso ko nang bumalik siya rito sa tabi ko, at yakapin niya ako.

Alas 6 nang pareho kaming magising na dalawa. Nauna siya pero sinabing aalis muna siya saglit, ewan ko kung saan siya pupunta. Hindi naman ako umalis sa pagkakahiga, halos 25 minutes akong naghintay nang makabalik siya rito sa kwarto ko.

May dala siyang dalawang paper plate na box, parang may lamang pagkain. Nang buksan niya umalisangsang ang amoy ng pritong itlog at tapa rito sa kwarto ko. Bumangon ako bigla.

"Tara, kain na tayo."

Nagsimula kaming kumain, tanging tunog ng kutsara't tinidor ang naririnig ko. Pati nga pagnguya naming dalawa. Namomroblema na naman ako sa topic na dapat kong buksan. Nakakahiya kasing makipag-usap sa tahimik, pormal at isa pa, mataas na tao. Mataas kaya si Sir Lean! CPA siya.

Tapos nakakahiya, hindi naman kami close.

Hindi kami close pero kung magyakapan, parang.. Parang mas daig pa namin ang mag-asawa.

Ha?! Anong mag-asawa, Avianna?!

"Ah, sir.. Salamat po ah. Salamat po sa lahat." Lakas-loob kong sabi sa kanya at tumingin sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin.

"Kumusta na 'yang pakiramdam mo?" Tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay na po, Sir! Parang kaya ko na pong sumalang ulit sa ulan!" Masiglang biro ko at narinig ko ang pagtawa niya. "Nga pala, Sir, may bayad po ba 'to?"

"May sakit ka na nga, hindi mo pa rin 'yan naiwasang itanong sa akin. Bakit ba laging ayan ang tanong mo?"

Naging tipid ang ngiti ko. "Eh, baka po kasi mayroon. Tsaka unbelievable lang po na tinutulungan niyo ako. Maraming beses na po kaya. Umamin ka na po, Sir, ikaw ba ang guardian angel ko? Ano? Pinadala ka ba ni Lord para tulungan ako?"

Umiling-iling siya habang pinipigilan ang pagtawa niya. "Ang daldal mo talaga."

Bigla akong nahiya sa sinabi niya pero ngumuso lang ako. At least nawala na ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa. At nakakatuwa lang na kulitin itong si Sir Leandro.

Pero seryoso nga, parang sobra na yata ang bait ni Sir sa akin! Hindi ko na maisa-isa! Sugo talaga yata siya ni Lord!

"May gusto ka ba sa'kin, Sir?" Diretsahang sabi ko sa kanya at kita ko ang pagtigil niya sa pagnguya. Tumingin siya sa akin. "Joke lang!" Ako na rin ang bumawi sa sinabi ko.

Bwisit, Avi, saan mo nakuha ang lakas ng loob na 'yon?!

"Pero ano nga, Sir? Bakit nga ang bait-bait mo sa akin?" Tanong ko pa pagkatapos isubo ang kinakain ko.

"Ano ba ang gusto mo? Maging masama ako sa'yo noong nakita kita kahapon na nanghihina sa hagdan? At halos tangayin na ng hangin?" Pagbalik niya ng tanong sa akin.

Ang bait niya nga! Oh, sige, maniniwala na lang ako na sobrang bait niya. Nang matapos kaming kumain, siya na ang nagligpit. Sinabing ako na pero ano nga ang laban ko? Teacher ko siya. Edi siya na.

"Hala! May quiz pala kami kay Ma'am Jham ngayon!" Natatarantang sabi ko at kinuha agad ang libro ko.

"Walang pasok ngayon." Sabi ni Sir Lean kaya hindi ko na itinuloy ang pagbabasa ko.

So wala palang pasok. Mabuti naman! Umuulan pa rin kasi, e.

"Ba't ka bumili ng coke kahapon?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Naalala pa niya.

"Ah, ano po, para inumin."

"May sakit ka na nga, ito pa ang binalak mong bilhin." Narinig kong sabi niya at hindi na ako sumagot. Oo nga pala, naalala ko, allergic siya sa softdrinks.

Eh, bakit siya? Mayroon din naman siya roon sa kwarto niya!

Nang matapos siya, hinarap niya ako. Lumapit siya sa akin, iniabot niya sa akin ang isang basong tubig at gamot. Ininom ko ang mga ito, ngumiti ako sa kanya bago ulit magsalita.

"Sir, salamat po talaga ah! Siguro kung wala ka, baka patay na ako." Kumunot ang noo niya. "Joke lang pero pwede rin."

Tumango siya hanggang sa magsalita na rin siya. "So punta na ako sa kwarto ko. I guess you are now okay pero kailangan mo pa rin uminom mamayang 12."

Tumango rin naman ako at lumabas na siya sa kwarto ko. Nang makalabas na si Sir, halos mapinat na ang mga pisngi ko dahil sa sobrang ngiti, akmang sisigaw na ako nang bumukas ulit ang pinto.

"Nga pala, huwag ka nang magluto ng lunch or bumili. Ako na." Sabi pa ni Sir Leandro at ngumiti sa akin.

"Okay po, Sir." Medyo pabebeng sabi ko at ngumiti sa kanya.

Nang makalabas na talaga siya, humiga na ulit ako, hanggang sa gumulong-gulong ako rito sa kama ko dahil sa.. kilig.

***

"Hoy! Avi! Ang galing mo sa intermediate ngayon ah! Grabe, 3 mistakes ka lang sa quiz ngayon. 22 out of 25!" Puri sa akin ni Lesly habang naglalakad na kami rito sa school patungo sa next subject namin.

"Oo nga! Highest ata! Ang galing!" Puri rin naman ni Elysa.

"Talaga! Tingnan niyo, 19 ang nakuha ko." Sabi naman ni Rachel.

Ngayon kasi ibinigay iyong result ng quiz namin kahapon sa accounting. Gulat itong mga kasama ko sa score na nakuha ko, ako yata ang highest ngayon sa'ming apat! Ipinagpipilitan pa ni Elysa na ako talaga ang highest sa lahat.

Pero wala akong balak magyabang dahil ang mahalaga, masaya ako dahil first time iyon! First time kong makakuha ng mataas na score na galing sa'kin mismo 'yong pagpapahirap para makakuha ng score na ganoon!

Ay, hindi pala. Hindi naman talaga dahil sa akin, kundi dahil kay Sir Leandro.. Napangiti na lang ako nang maalala ko kung bakit.

Dahil umuulan pa rin, kahit wala nang bagyo, hindi na ako nakauwi sa Rizal. Nandito ako sa dorm buong weekend. At long weekend talaga dahil hanggang Friday walang pasok dahil sa sama ng panahon.

"Sir, sa Lunes kaya may pasok?" Tanong ko sa kasabay kong kumakain ngayon.

Napatigil siya at tumingin sa akin. "Hindi ako PAGASA." Aniya.

Napasimangot ako sa sinagot niya sa akin. Ano ba 'yan! Sasagot nga, pilosopo naman. Hindi man kang niya sabayan ang trip kong sabihin.

Naalala ko kasi, may quiz pala kami sa Monday kay Sir Gerun. Wala ngang pasok pero kailangan naman mag-review. At may mga assignment na ibinigay sa amin ang isang minor naming pa-major!

Nandito ngayon si Sir sa kwarto ko, kumakain kaming dalawa. Ito, sabay pa rin. At nakakahiya nga dahil sagot niya na naman. At KFC itong kinakain namin ngayon. Ang daming ayuda sa'kin ni Sir.

Simula noong nagkasakit ako, hindi niya na ako iniwan dito. Lagi siyang nagpupunta rito at dito kami kumakain na dalawa, nang sabay. Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa pagpunta sa kwarto ko kasi gusto ko naman..

"Hay, may quiz kay Sir Gerun." Nakasimagot pang sabi ko. "Sa iyo, Sir, mayroon bang quiz sa Martes?"

"Well, thank you for asking dahil may quiz sana kayo sa Martes pero dahil walang pasok noong Thursday, sa Thursday na lang next week."

"Bakit mo imo-move, Sir? Wala ka ba sa Martes?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit parang mas gusto mong wala ako?"

"Ito naman! Joke lang po! Grabe ka, Sir. Very serious ka ha." Pagtawa ko at hindi siya natawa. Ang seryoso talaga, pero buti na lang, nawala na kahit papaano ang ilang ko.

"May quiz kayo?" Pagbalik niya sa problema ko. Problema talaga!

"Opo, sa intermediate."

"Ano na ba ang topic ninyo?"

"Basic and diluted earnings per share." Sagot ko. "Sobrang bobo ko pa naman kapag accounting na, lalo na't computation pa."

Narinig ko ang pagtawa niya, mukhang sumang-ayon pa itong si Sir. Ngumuso na lang ako at muling dumampot ng fries para isubo.

"Mag-aral ka kasi." Sabi pa niya. Mukha ba akong hindi nag-aaral? Well, tama siya.

"Eh, ang hirap po, Sir! Lalo na't last term na, mahihirap na topic ang naiwan."

Hindi na siya nagsalita, ilang saglit ay natapos na kaming kumain. Ako na ang nag-ayos ng pinagkainan namin, nagagawa ko na dahil magaling na ako. At nakakatawa, wala naman akong ililigpit sa pinagkainan namin.

"Free ka mamayang gabi?"

Napatigil ako sa tanong ni Sir Lean sa akin. Napalingon ako sa kanya, kumunot ang noo ko dahil ano 'yong tinatanong niya. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko.

"Sir? P-Po?"

"Ang sabi ko, free ka ba mamayang gabi? Kasi tuturuan kita sa topic ninyo, pag-aralan natin."

Napakurap-kurap ako. "Talaga po, Sir?"

Nagkibit-balikat siya. "Oo, kung gusto mo."

"Syempre, gusto ko po! Sige po, Sir! Gusto ko!"

"Okay, puntahan mo na lang ako sa room ko. Mga 7 siguro, gagawa pa kasi ako ng report ko mamayang 1 hanggang 4."

Tumango ako at nagpaalam muna siyang babalik siya sa kwarto niya.

Sumapit ang 7 ay kinatok ko na siya. Pinagbuksan niya ako, dala-dala ko ang yellow pad ko, lapis, calculator at libro ko sa accounting. At ito, tinuruan niya ako. Para siyang tutor ko.

Noong una talaga, hindi ko pa rin gets hanggang sa ituro niya sa akin 'yong technique kung paanong maiintindihan ko kung paano i-solve. Ano ba ang technique ng accounting? Malamang, analysis! Ito lang naman ang technique, pero ito ang kahinaan ko.

"Intindihin mo kasi ang bawat composition, Ms. Torre. 'Di ba, ayun 'yong sabi mo dati noong reporting?" Naririnig kong sabi niya habang nakatutok ang mga mata ko sa problem na pinapasagutan niya sa akin. Argh, ang hirap nga!

Pero teka, naalala niya pa 'yon? At talagang pinanindigan niyang ginagawa ko iyon, ah. Oo, ginagawa ko naman pero sa accouting? Hindi ko magawa. Ang hirap kaya.

"Ano ba 'yan?" Reklamo ko ulit habang kinakamot ang buhok kong naka-bun at sa pagkamot ko ay may ilang hiblang nahuhulog, tumabi siya para tignan ang sinasagutan ko.

"Ganito kasi.."

Lumingon ako sa kanya at halos magsisi akong ginawa ko iyon dahil malapit siya sa akin. Malapit ang mukha niya sa akin, amoy ko pa 'yong toothpaste na gamit niya. Nakakahiya, hindi man lang ako nag-toothbrush bago magpunta rito. Na-excite eh.

Nakinig lang ako sa pagtuturo niya sa akin at masasabi ko lang na magaling siya, magaling din siyang magturo sa subject niya na ito. Sorry kay Sir Gerun pero parang kapag si Sir Lean ang prof namin, mas naiintindihan ko.

"Sir, wala pong bayad ulit ito ah." Pagbibiro ko pa sa kanya.

"Well, mayroon."

Napalingon ulit ako sa kanya. "Ha? Mayroon?"

"Oo. Huwag mo akong tawaging Sir kapag wala tayo sa school at huwag mo na akong i-po at opo, hindi naman nagkakalayo ang ages natin."

"Oh, sige... Lean." Sabi ko at ngumiti siya sa akin.

Hindi lang sa gabi na iyon natapos ang pagtuturo sa akin ni Sir Lean, dahil hanggang Linggo, tinuturuan pa rin niya ako sa ibang major subjects ko. Oo na, kasama na 'yong kanya.

Nakakatuwa lang, parang nagkaroon ako bigla ng tutor na walang bayad. Tapos magaling pa, mabango at gwapo. Saan ka pa? At masaya ako dahil close na kami ni Sir Lean. Ay, Lean na lang pala, hindi naman counted 'yong kahit nandito ako ngayon sa campus ay Lean na lang ang itatawag ko sa tuwing iniisip ko siya.

Hindi nga ako nakauwi sa Rizal, naging masaya naman ang long weekend ko sa dorm. At nga pala, 'di alam nina Tito 'yong tungkol sa nagkatrangkaso ako. 'Di ko na sinabi dahil mag-aalala lang sila. Tsaka 'di na nila kailangan mag-alala, magaling kaya ang personal nurse ko na ngayon ay personal tutor ko.

Mangyayari pa kaya?

Ah! Oo nga, makikita ko siya mamaya sa klase namin.

Wow! Para namang 'di ko siya nakita kaninang umaga, eh nagsabay pa kami sa paglalakad papunta rito sa school.

Sumapit ang 4:20, mula rito sa pagtatambay sa bench nitong lawn ng school, tumayo na kami para magpunta sa last subject. 'Yung kay Sir Lean.

Maulan pa rin pero wala naman ng bagyo. Nakikipayong ako ngayon kay Elysa kahit may dala naman akong payong. Nakakatawa. 'Yung dalawa naman, si Rachel at Lesly, may sari-sarili.

"Avi!"

Napatigil ako sa paglalakad at ganoon din si Elysa na siyang katabi ko, lumingon sa tumawag sa akin. Si Kyle.

Kumaway ako habang nakangiti pero nagulat ako nang tumakbo pa siya palapit sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko nang nilusong niya ang ulan para lang makalapit sa'kin.

"Oy, Kyle. Ano ba? Ba't ka nagpapaulan?" Mga tanong ko sa kanya at nakisilong siya sa'min ni Elysa.

"Ehem, so mauna na lang kami, Avi? Baka maubusan tayo ng upuan?"

Napalingon ako nang magsalita si Lesly. Tumango ako kaya nakipayong na si Elysa sa kanya at kami ni Kyle ngayon ang naiwan dito.

"May sasabihin ka? Nga pala, sorry kung hindi ko nasasagot mga messages mo ah." Tanong ko pa sa kanya kasi para siyang nag-aalala.

Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Pero hindi ko naman siya pinigilan.

"Nagkasakit ka pala.. Kaya pala 'di kita nakita noong inabangan kita noong Wednesday sa room mo. Nalaman ko na lang sa kaibigan mo na may sakit ka pala." Sabi niya at napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Oo, pero ngayon, magaling na ako! Huwag ka na ngang mag-emote diyan." Sabi ko pagkatapos kong tumawa.

Ano ba naman 'to? Ang sweet naman! Nakakainis, marupok ako ah.

Bumitaw siya sa yakap at muli kaming nagharap. "Pupuntahan nga sana kita sa dorm mo."

At mabuti na lang ay hindi siya nagpunta roon! Dahil si Sir Lean na ang nag-alaga sa akin.

"Okay na nga ako. Simpleng lagnat at sipon lang iyon." Sabi ko pa.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa mamalayan ko na may klase pa pala ako. Niyakap niya ulit ako, natawa na lang ako. Bumitaw na lang ako nang makita ko si Sir Lean na dumaan sa harapan namin.. Na napatingin sa akin, sa amin ni Kyle na magkayakap.

Nagpaalam na agad ako sa kanya at tumango lang siya't sinabihan ako na mag-iingat ako.

Nagmadali na ako sa paglalakad, para masabayan si Sir Lean papunta sa room namin.

"Sir!" Tawag ko pero hindi niya ako nilingon. At nang matapatan ko na siya, hindi pa rin niya ako nililingon. "Sir.." Natatawang tawag ko pa.

Wala siyang reaction, diretso lang ang tingin habang naglalakad. May hawak siyang libro at index cards. At sa nakikita ko ngayon, kunot ang noo niya. Mukha pa ring masungit, bad mood ata.

"Grabe, Sir. Akala ko, late na ako. Kakabahan na sana ako." Sabi ko pa at medyo natawa pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Ano bang problema ni Sir? Bad trip ata.

Nakarating kami sa room nang hindi niya ako kinausap o kahit tingin man lang. Para naman akong nalungkot dahil doon.

Natapos ang klase nang wala ako sa mood. Nakatingin lang ako kay Sir buong discussion, ni wala akong kabang nararamdaman noong magtawag siya ng ilang estudyante para sa recitation. At himala, hindi ako natawag.

Nang mag-uwian na, sinadya kong magpahuli para makasabay si Sir. Hinintay ko siya rito sa labas, hanggang sa makita kong nakalabas na siya't naglalakad, agad ko siyang sinabayan sa paglalakad. At alam kong gulat siya pero 'di pa rin talaga ako tinitignan!

"Hi, Sir. Sabay ako sa'yo ah!" Bati ko sa kanya at hindi pa rin ako pinapansin.

Siguro ganito lang siya. Siguro, bad trip nga siya. Pero alam ko namang mabait siya, ano. Pero sana naman, pansinin niya ako.

"Tignan mo, Sir! May payong na ako, tada!" Masiglang sabi ko pa pero wala pa rin.

Ang sakit nga ng paa ko kakasabay sa kanyang paghakbang dahil ang bilis. Eh, basa pa itong kalsadang nilalakad namin.

"Alam mo ba, Sir! Ang taas ng nakuha ko sa quiz! 'Yung tinuro mo sa'kin, petiks lang! 22 out of 25! Pwede na 'yon, no?" Balita ko pa sa kanya habang nakangiti.

Hanggang sa makarating kami sa dorm, hindi pa rin niya ako iniimik. Iniisip ko na baka may problema siya kaya ganito pero sana naman, 'di ba, pansinin pa rin niya ako.

Bigla naman akong nalungkot kasi parang wala kaming pinagsamahan noong inalagaan niya ako hanggang kanina na magkasabay kaming naglakad papunta sa school. Kung may problema naman siya, edi sabihin niya sa akin, magkaibigan na kami, 'di ba?

Nakarating kami sa floor na kinaroroonan ng dorm namin, hindi pa rin niya ako kinakausap o kahit tignan man lang. Nawala na ang sigla sa akin, tahimik na lang akong nakasunod sa kanyang likuran. At bago pa man siya pumasok, tinawag ko siya sa huling pagkakataon.

"Lean.."

Napatigil siya at dito na siya napatingin sa akin. Ito lang pala ang tawag na gusto niya.

"Galit ka ba? Sa akin? May problema ba?" Mga tanong niya at nakatingin lang siya sa akin. "Magsalita ka naman, oy! Para akong timang dito." Sabi ko pa pero wala.

Ano ba? Naging pipi ba 'to? Bakit hindi ba siya magsalita? Kasi ang totoo, naiiyak na ako. Naiiyak dahil sa inaasta niya na ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman. Basta, naiiyak na 'ko!

"Nakakainis ka, ang dami mong ipinapakita sa'king maganda at kabutihan, nag-e-expect akong kaibigan na ang turing mo sa akin at ganoon din ako sa'yo. Pero ewan, ang labo, ba't bigla ka na namang nagiging ganito. Itong nagsusungit at parang.. parang wala tayong pinagsamahan." Sabi ko at shet, naluluha na talaga ako sa sobrang inis, sa sobrang lungkot, at sa sobrang pagtataka!

Nakatingin lang siya sa akin, mas naiirita ako. Kung may problema siya sa akin, sabihin na lang niya. Kung ayaw niyang maging kaibigan ako, sabihin na lang niya sa akin at para 'di na ako mag-expect!

Nilampasan ko na lang siya at nagpunta na sa tapat ng pinto ko para siya na ring buksan. At nang makapasok na ako't hindi ko na siya makita. Pero napatigil ako nang magsalita na siya..

"Ayaw kitang maging kaibigan." Sabi niya at buti na lang dahil pinto na ang kaharap ko't hindi na siya. Dahil pumatak na ang mga luha ko. 'Yung luha kong dapat ay inis ang dahilan, naging kirot sa puso. Naging rejection.

Edi huwag. Pakialam ko? Siya nga riyan ang feeling close sa akin!

Hindi na ako nagsalita at mabuti'y nabuksan ko na ang pinto ko. At akmang pipihitin ko na ang doorknob, nagsalita ulit siya.

"I want more than that."

Napatigil ako sa sunod na sinabi niya. Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Wala akong lakas ng loob ngayon para harapin siya. Pero shet, bumibilis ang tibok ng puso ko. Na naman.

"Dahil gusto kita, Avianna."

Ilang segundo bago ako maka-react sa sinabi niya. Pero nang lingunin ko siya, wala na siya, nakapasok na siya sa kwarto niya. At nang ako naman ang makapasok sa kwarto ko, nangisay ako nang ma-realize ko kung ano ang nais niyang iparating.

---

Twitter: @archtKN

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 704K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...