ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFE...

By Lykaellaa

599 65 17

Hi mga Lykiss! ang librong ito ay compilations ng lahat ng mga one shot's/short stories ko. Madami na din ito... More

I LET THEM SLEEP TOGETHER (01)
I DON'T KNOW YOU (02)
WE WE'RE BOTH YOUNG WHEN WE FIRST MET (03)
HANGAD KO ANG KASIYAHAN MO (04)
MAYBE BECAUSE OF FATE (05)
GROUP STUDY (06)
MY ONE AND ONLY BAD BOY (08)
I'M IN LOVE WITH MR. KIDNAPPER (09)
MAMA, I LOVE YOU! (10)
KABIT WITH A CLASS (11)
ITS A DARE (12)
IT'S NOT A DARE, IT'S AN ORDER (13)
I LOVE YOU, YES I DO! (14)
MALAY MO TAYO SA DULO (15)
THE PERSON I MET ONLINE (16)

SE QUE ERES EL INDICADO (07)

27 3 0
By Lykaellaa

***

𝑇ℎ𝑒 𝑢𝑛𝑡𝑜𝑙𝑑 𝑓𝑒𝑒𝑙𝑖𝑛𝑔𝑠

𝑆𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑖𝑔𝑠𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑎𝑟𝑎𝑙𝑎𝑛, 𝐼𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑝𝑜𝑘𝑒𝑛 𝑝𝑜𝑒𝑡𝑟𝑦 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑑𝑎𝑙𝑎𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛, 𝑙𝑎𝑙𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎 𝑎𝑡 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑒𝑛𝑒𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖ℎ𝑎𝑛𝑑𝑜𝑔 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑖𝑝𝑎𝑑𝑎𝑚𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑙𝑎𝑏𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑡𝑖𝑏𝑜𝑘 𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑖𝑙𝑎.

𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑖 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑎𝑡 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑑𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 '𝑦𝑜𝑛, 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑙𝑎𝑏𝑎𝑠 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑟𝑎𝑟𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑛𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑦𝑜, 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑖𝑔𝑠𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑜 𝑢𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎, 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑖𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑎

𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙 𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎𝑎𝑠𝑎𝑚, 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑎

"Gea bumangon kana at kakain na tayo!" sigaw ni mom

Agad naman akong napahinto sa pagbabasa ng isang nobela, the story is all about love, duh. Hahaha

Inayos ko muna ang sarili ko at bumaba na

"Ba't antagal mo naman anak, malamig na 'yong paborito mong ulam" mom said

Agad ko namang niyakap si mom at kiniss siya sa pisngi

"Mommy, I'm sorry po. Hmmn~ mukhang madami na naman ang kakainin ko nito" Sabi ko kay mommy dahil niluto niya 'yong paborito kong ulam, Ang adobo ni mommy na kay sarap-sarap

Nginitian ko naman si mom at tinap niya nalang ang ulo ko pagkatapos ay agad na akong kumain

"Gea!! Nabalitaan mo na ba?" Bungad saakin ni Lyh habang nilalagay ko ang bag ko sa upuan, nagsilapit namin si Jecah at Jenie saamin

"Ano 'yon? " Bigla kong napatanong sa kanila dahil alam kong chismiss na naman 'to, kahit kailan talaga hindi sila nahuhuli sa balita

"May bago tayong kaklase" dagdag pa ni lyh, kinikilig naman sina Jecah at Jenie

Agad ko naman silang inirapan

"Tse! I don't care!" Sabi ko nalang at nagbasa na ulit ako ng nobela

Sa totoo lang wala naakong trust sa mga lalaki na 'yan, I don't have time for that.

Lumipas ang mga araw at buwan, bahay-paaralan lang ang aking tinoonan ng pansin, minsan naman kaming gumagala ng mga friends ko pag may time kami

"Class I want you to make a whole section play, title will be Romeo & Juliet, andito na ang mga roles at kailangan niyong bumunot.
P-present niyo 'to next week." Tugon ni sir saamin at pinabunot kami isa-isa

Sana walang kwenta yong maging role ko kasi I am not a fan of this.

Agad ko ng binasa ang nabunot kong papel at nabigla dahil diko inexpect to

No! Hindi maari!

*Juliet*

"Who's Juliet and Romeo? Tumayo kayo kasi kayo ang main cast." Dagdag pa ni sir

Agad namang tumayo si John, 'yong transferee.

Wth? Ayoko!

"So ikaw Mr. John ang Romeo, now who is Juliet? Can you stand up?" Sabi ni sir at tinignan kami lahat

Nag alinlangan akong tumayo kaso biglang sinilip ni Jecah 'yong papel ko at nakita niyang Juliet ang nakasulat doon, agad naman siyang kinilig at tumayo

"Ahm sir" Sabi ni Jecah

"So ikaw si Juliet?" Sabi ni sir at naghiyawan na lahat

"No sir, si Gea po!" Dagdag pa ni Jecah at agad akong tinuro, nagtinginan naman sila lahat saakin

"Stand up Ms. Gea" tugon ni sir at tumayo ako agad

"I-I'm s-sorry sir, pwede po bang magpalit kami ni Jecah ayo--- " 'di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si sir

"No. That's final and goodluck! Class dismissed." Sabi ni sir at agad na lumabas sa room

The heck, ayoko!

Agad ko namang tiningnan si John, napasmirk lang 'to saakin at umupo na

Umupo nalang ako at nagsilapit sila ni Jecah, Lyh, at Jenie

"Omejiii, you're so lucky Gea!!!" Sigaw ni Lyh

"Uunga!!! Galingan mo!!" Sabi ni Jenie

"Ayieeee" dagdag pa ni Jecah

Agad ko naman silang tinitigan tatlo, like mga manhid ba sila? Okay paba sila? Alam naman nilang ayoko sa ganito eh

Napatingin ulit ako kay John at ngumiti lang siya saakin

Agad naman akong nag cringe at napayuko, shit parang namumula ako eh

-----

Andito na kami sa practice area at mamaya lang mag s-start na

"Come here! Start na tayo" announce naman ng mentor namin at agad na kaming lumapit doon

Kinakabahan ako, magampanan ko kaya ng maayos ito?

Lord helpppp me!

Maya-maya lang nagsimula na kami

Habang nag p-practice kami 'di ako makatingin ng maayos sa mata ni John, papano na 'to? Baka bumagsak kami ng dahil saakin.

Kasalukuyan akong nag sasaulo ng lines ko, madami nadin kaming na practice na scene at 'tong scene na 'to ang pinaka ayaw ko sa lahat

Nabigla naman ako ng lumapit si John saakin, bigla akong kinabahan

Dugdug..dugdug

Teka? Anong nangyayari sayo Gea?! Stop it!

"Nasaulo mo na ba? Ms. Juliet?" Tanong ni John agad akong napatingin sa kaniya ng diritso

Bigla naman siyang ngumiti saakin

"Oo naman, ikaw ba? Ba't parang hindi ka nagsasaulo?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko siya nakitang nagsasaulo

"Alam ko naman na ang mga lines eh, familiar na saakin 'yan, favorite ko Kaya ang movie na 'yan. Natuwa nga ako ng malaman na ako ang gaganap na Romeo, pero mas lalo akong natuwa na ikaw ang gaganap bilang Juliet." Agad niyang sabi at napatingin ulit ako sa kaniya, sa mga mata niya

Nakakaakit 'yong mga titig niya

Bigla ko namang naalala na hindi pala ako dapat magpadala sa mga ganito, this is not my thing.

Inirapan ko nalang siya at tumayo sa harap niya

"Pagbubutihin ko ang play na 'to in one condition" Sabi ko at nagsmirk ako sa kaniya

Biglang kumunot ang noo niya, naguluhan ata sa sinabi ko haha

"What is it?" Seryoso niyang sabi at tumayo din, ngayon napatingala nalang ako sa kaniya dahil ang tangkad niya

"don't you dare fall inlove with me." Seryoso kong sabi at agad kong kinuha ang script namin at umalis sa harap niya

Hindi ko nalang siya nilingon dahil nakakahiya 'yong sinabi ko, pumunta naman agad ako sa banyo

Agad kong kinuha ang polbo at naglagay sa mukha ko, grabe ang pula parang kamatis na hinog 'yong pisngi ko, nakakahiya!

Umayos ka Gea!

Nag-ayos naako ng sarili ko at lumabas na ng banyo, nakita ko naman sila na nagsitayuan na kaya agad na akong tumakbo

"Gea, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni mentor che, lagot ka haha" bungad saakin ni Lyh at kinabahan naman ako doon, ngumiti nalang ako sa kaniya kahit sa loob ko ay may halong kaba

"Are you alright my lady?" Tanong ni John at nabaling ako sa realidad, kanina pa pala ako nakatulala habang nag p-practice kami

"Yes I'm alright, who are you?" tanong ko sa kaniya, isa 'yon sa mga line ni Juliet, noong una nilang pagkikita

Hindi naman ako makatingin ng maayos sa mga mata niya, nakakahiya lalo na 'yong mga pinagsasabi ko sa kaniya kanina

Tumingin ako ng bahagya sa kaniya habang nagsasayaw kami, isa din 'to sa mga scene

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa kaniya, shit!

"Cut!" Agad kaming nagbitaw ng kamay ng sumenyas na si mentor che na tapos na ang aming practice.

"I hope na magagawa niyo ng mabuti 'yan next week, ibigay niyo lahat ng makakaya niyo para sa grades niyo. Huwag niyo itong gawin para saakin, gawin niyo para sa inyo. Ayon lang, sauluhin niyo ng mabuti ang mga linya ninyo at lagyan niyo Ito ng emosyon para mas lalo niyong maipadama sa manunuod ang nais niyo, lalo na sainyo Ms.Gea and Mr.John. Paalam, mag-iingat sa pag-uwi." Tugon ni Ms.che at umalis na ito

Naiwan naman kami dito sa practice area habang nakatayo parin sa harap ni John, nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya saakin, bigla namang kumunot ang noo ko at lumapit siya sa tenga ko

"Goodluck." Bulong niya na naging dahilan upang makaramdam ako ng kuryinte na bumabalot sa loob-loob ko

Teka? Anong nangyayari saakin? Tinamaan na ba ako?

No way!

-----

"Ayusin mo Gea ha? Para sa grades natin 'to!" Sabi ni Lyh, tinutulongan naman ako nila Jecah at Jenie mag-ayos

Lahat kami prepared na at ready na kami para maya-maya

Madaming tao sa labas, puro studyante at teachers. Kinakabahan naako, sana magawa ko 'to ng maayos.

Ramdam na ramdam ko ang kaba ko habang nagsasayaw kami dito sa harap ng maraming tao, puro sila nag hihiyawan.

Hindi ko mapigilang kiligin ng humawak siya sa waist ko upang mapalapit lalo sa kaniya at hinawakan ang isa kong kamay, habang nakatulala ako sa papalapit niyang mukha, dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko, napapikit naman ako at ilang sandali lang naramdaman kong dumampi na ang labi niya sa labi ko, bigla naman akong nabingi dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao

Unang pagkikita, unang halik nila Romeo at Juliet, kasabay din ng una kong halik mula kay John

Natapos na namin ang ibang scene at last part na 'to 'yong susunod.

Bumukas na ang kurtina at bumungad sa kanila ang katawan ni Romeo na nakahiga katabi ko, Ito na 'yong scene na mamamatay silang dalawa

Narinig ko naman ng malungkot na background music at sumabay ito sa agos ng mga luha ko

Umiyak ako ng umiyak, inisip ko ang mga masasakit na nangyari saamin, sa pamilya namin lalo na sa pag-iwan saamin ni daddy, doon ako humugot ng emosyon

Nakita ko namang napapikit na si John at dahan-dahan kong kinuha ang laruan na kutsilyo sa kaniyang baywang

Tinitigan ko muna ito at agad na isinaksak sa tiyan ko, kasabay doon ang pagsira ng kurtina ng stage

Bumangon agad si John at nabigla ako sa biglang paglahad niya ng kamay, dali-dali ko itong inabot at tumayo

Bigla niya ding pinunasan ang mga luha ko, kasabay doon ang pag ngiti niya saakin

"Good job, Gea! Thankyou." Agad niyang sabi at lumakad na papalayo

Umalis na din ako doon at tinapos na ng narrator ang aming play. Nagsipalak pakan naman ang mga tao, at may pa standing ovation pa ang iba

Nakaramdam ako ng tuwa, Hindi ko inexpect na magagawa at magampanan ko ng maayos 'yon.

"Ang galing galing mo Gea! Bagay kayo ni John!" Pambungad saakin ng isa kong kaklase, lumapit naman saakin ang tatlo kong kaibigan

"Siguradong malaki ang ngiti ni sir nito saatin at mataas ang grado na ibibigay niya" Sabi ni Lyh

Napasang-ayon naman si Jecah at Jenie na busy sa pag-aayos ng mga make-up's nila

-----

After 1 week

"Okay class, dahil sa successful na play niyo noong nakaraang araw, napag desisyonan namin na ituloy ang JS prom niyo bilang award." Tugon ni sir at halos lahat kami ng hiyawan sa narinig

"And, Ms. Gea and Mr. John will manage the cotillion dance, and you two will be considered as partners. " Dagdag pa ni sir at nabigla ako dahilan para makatayo ako ng wala sa oras

"May problema ba doon Ms.Gea?" Tanong ni sir saakin magsasalita na sana ako para pigilan si sir at makipag swap kay Lyh pero parang walang lumabas na boses saakin at natameme ako

"Ahm, I think agree na si Ms.Gea, sige that would be all, class dismissed." Tugon ni sir at naiwan akong nakatayo at napatulala

Another na naman?! Ba't ako ba lagi?

Arggg!

Uupo na sana ako para umidlip pero hindi 'yon natuloy dahil bigla akong hinila at napatingin ako kung sino ito...

Si John

Naghiyawan at kinilig naman ang mga kaklase ko habang hila-hila padin ako palabas ni John

"W-wait teka! Ano ba!" Pagpupumiglas ko dahil diritso lang 'yong tingin niya, hindi naman siya sumagot at binilisan lang ang lakad niya

Wala naakong nagawa pa dahil dinala niha ako dito sa rooftop

"A-ah anong g-ginagawa natin dito John?" Utal kong tanong sa kaniya, natatakot kasi ako sa matataas eh

"Halika dito" tugon niya at inilahad niya 'yong palad niya

Nanginginig naman akong lumapit sa kaniya, dumungaw ako, grabe ang taas, kinakabahan ako

"Natatakot ka ba? Nanginginig ka eh" Sabi niya, napansin niya pala

"O-oo ahh kasii----" naputol agad 'yong sasabihin ko dahil nagsalita siya

"Alam mo, sabi ng daddy ko, huwag daw tayong matakot na harapin ang kinakatakutan natin, imbis na matakot tayo dapat harapin natin ito." Sabi niya

Bigla ko tuloy naalala si mommy, 'yong mga pangaral ni mommy ko, na dapat huwag tayong maging duwag at harapin natin ang lahat ng hamon sa buhay with God.

"Harapin natin ito kasabay ng paniniwala sa diyos." Dagdag pa niya

Tama, 'yon din naman sabi ng mom ko, tumango nalang ako sa kaniya at lumapit doon at dumungaw ulit

Ngayon ko na realize na ang sarap pala sa feeling na mawala 'yong takot mo sa isang bagay

Nabigla ako dahil napaupo siya

Umupo nalang din ako sa tabi niya, no malisya guys!!

Bigla siyang yumuko at nakarinig ako ng paghikbi

Waitttt! Umiiyak ba sjya?

"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kaniya at agad niya akong tinignan

Nakita ko ang mga luha niyang tumutulo padin, namamaga na din 'yong mga mata niya, ilang sandali pa bigla siyang ngumiti saakin at mas lumapit pa

"Lagi kong sinasabi 'yan sa mga taong nakikilala ko para huwag silang panghinaan ng loob, alam ko kasing may problema ka. Nahahalata kita, madalas kalang kasi nakahawak ng libro at alam ko na ang libro ang way mo to escape from this reality. At satingin ko doon tayo nagkapareho, parehong may malalang problema." Sabi niya at agad akong nabigla

Napapansin din niya pala 'yon? At ano daw? Pareho kami?

"B-bakit, ano bang problema mo? Care to share it with me?" Sabi ko sa kaniya at hinihimas ko nalang ang likod niya

Sa totoo lang nahihirapan din ako eh, pero sa pamamagitan ng mga libro ko, makakalimutan ko ang mga problema ko, sa pamamagitan ng pagbabasa ko sumasaya ako kahit panandalian lang, at tama siya doon

Naramdaman ko naman na tumahan na siya at kinalma niya ang sarili niya

"My mom left us" he said at nabigla ako

Hindi ko lubos maisip na parehong pareho pala talaga kami ng problema, parehong iniwan ng taong mahalaga saamin

"I-I'm sorry." Sabi ko nalang at yumuko ako, nakaramdam kasi ako na may namumuo ng luha sa mga mata ko

"T-teka, okay ka lang?" Tanong niya saakin at ako naman ang hinihimas niya sa balikat

"We're the same, my dad also left us." I said straighly at nag start ng mag crack ang boses ko, bigla ng bumuhos ang mga luha ko ng tuloyan

Damn!!! I hate this feeling! I miss you so much dad!! Huhuhu

"Shhh, it's okay I know we can do this. Makakaya din natin 'to." Sabi niya at pinapatahan niya ako

Lumapit naman siya saakin at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik

Sa ngayon, gusto ko lang makalimutan ang lahat ng problema ko, kasama siya

-----

Ngayon na ang araw ng aming JS prom,andito kami nila Jecah, Lyh , at Jenie sa bahay ko dahil nagpapaayos kami ng mukha sa kapatid ni mommy na bakla

"I'm so excited later!" Sigaw ni Jecah

"Yeaaah! Oemjjii" sabi naman ni Jenie

"Goodluck girls!" Dagdag naman ni Lyh

Habang ako ay tahimik lang na nagbabasa sa libro ko, dahil hindi ko maiwasang hindi isipin si John, last week about doon sa ipinagtapat niyang problema, Hindi ko aakalaing ako ang paglalabasan niya ng nga hinanakit niya.

"Im sure na maiinlove sayo ang partner mo!" sigaw ni Lyh ng matapos na kaming ayusin, narinig naman 'yon ni mommy at biglang lumapit saakin

kinakabahan ako..

"and who's the lucky guy?" Tanong ni mommy at nabigla ako

"si John po tita" singit naman ni Jecah at kinindatan ako

"Why is it na parang nagkakamabutihan na kayo anak?" tanong uli ni mommy at natameme ako

"n-no mom you're------" naputol 'yong sasabihin ko dahil nagsalita ulit si mommy

"Gusto mo ba siya anak?" Tanong ulit ni mommy at tinitigan niya ako sa mukha

"Ang pag-ibig ay bigla nalang 'yang dadating ng kusa saiyo ng hindi mo namamalayan, pero minsan dapat mo ding alamin kong totoong pag-ibig ba ito o isa lamang panlilinlang ng tadhana." Wika ni mommy at bigla akong natameme ulit

hindi alam na may pagka matalinghaga pala si mommy pagdating sa advices, ngumiti nalang siya at niyakap ako

"Goodluck anak!" Sabi ni mommy habang nakasakay kami dito sa kotse

"Byeee titaaa!" Sigaw nilang tatlo at hinatid na kami ni manong driver sa venue

We're both amaze as we entered on the venue, the theme are perfectly arranged, with the combination of red and black color

Everyone was very stunning tonight, as if we're just like a princess and prince feeling because of our elegant gowns and the tuxedo's of the gentleman

I felt weight on my gown so I decided to sit down, I'm looking for my partner, where is John?

Lyh, Jecah, Jenie and I are already enjoying our night, we are waiting for the most awaited part of the program

The cotillion dance...

Everyone was already standing, and I am here waiting for John to pick me up

"Can I have this dance? Ms. Juliet?" Napalingon ako sa likoran ko ng marinig ko ang boses na kanina ko pa gustong makita

si John, he was so handsome tonight

dugdug...dugdug...

I dont know but I felt something here inside me na gusto ko siyang makita

after that day na nag confess siya sa problems niya feeling ko gusto ko na siyang makausap at makita lagi and I don't know why.....

Hindi ko namalayang andito na pala kami sa gitna at nagkatitigan lang kami, bigla ng pinatunog ang background music

~ 𝑻𝒂𝒌𝒆 𝒎𝒚 𝒉𝒂𝒏𝒅, 𝒕𝒂𝒌𝒆 𝒂 𝒃𝒓𝒆𝒂𝒕𝒉
𝑷𝒖𝒍𝒍 𝒎𝒆 𝒄𝒍𝒐𝒔𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒂𝒌𝒆 𝒐𝒏𝒆 𝒔𝒕𝒆𝒑
𝑲𝒆𝒆𝒑 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒍𝒐𝒄𝒌𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒎𝒊𝒏𝒆
𝑨𝒏𝒅 𝒍𝒆𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒎𝒖𝒔𝒊𝒄 𝒃𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒈𝒖𝒊𝒅𝒆~

I don't know how to react but my heart is jumping inside in me, As the moment that we're dancing our eyes met together and body locked in as if we we're so inlove with each other

~ 𝑾𝒐𝒏'𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒑𝒓𝒐𝒎𝒊𝒔𝒆 𝒎𝒆?
(𝑵𝒐𝒘 𝒘𝒐𝒏'𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒑𝒓𝒐𝒎𝒊𝒔𝒆 𝒎𝒆?)
𝑻𝒉𝒂𝒕 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒏𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒆𝒕
(𝑾𝒆'𝒍𝒍 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒊𝒏𝒈)
𝑻𝒐 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒊𝒏𝒈 𝒘𝒉𝒆𝒓𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒘𝒆 𝒈𝒐 𝒏𝒆𝒙𝒕~

~ 𝑰𝒕'𝒔 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒄𝒂𝒕𝒄𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒈𝒉𝒕𝒏𝒊𝒏𝒈
𝑻𝒉𝒆 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒔 𝒐𝒇 𝒇𝒊𝒏𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒚𝒐𝒖
𝑰𝒕𝒔 𝒐𝒏𝒆 𝒊𝒏 𝒂 𝒎𝒊𝒍𝒍𝒊𝒐𝒏, 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆𝒔 𝒕𝒐 𝒇𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈
𝒕𝒉𝒆 𝒘𝒂𝒚 𝒘𝒆 𝒅𝒐~

Kakaiba sa pakiramdam, ewan ko ba. Pangalawang beses na kaming sumayaw, una nong gumawa kami ng play at pangalawa ito, hindi ko maiwasang maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan

am i inlove with him?....

Bigla nalang siyang ngumiti at hinila ako, dinala niya ako dito sa rooftop

The same place

"a-anong ginag-gawa n-natin dito?" utal kong sabi dahil kinakabahan ako

"relax kalang hindi kita kakainin." sabi niya at natawa niya

nainis naman ako kaya kumunot 'yong noo ko

"come here" sabi niya at agad akong sumunod,

nabigla ako sa nakita ko

is it true?

is it real?

Dugdug...dugdug...

May table na naka set up dito sa rooftop, mag d-date ba kami dito?

"setdown binibini" sabi niya at agad akong inalalayan paupo

biglang lumiwanag ang buong rooftop

nakita ko siyang umupo na at magkaharap kami

"nagustuhan mo ba?" sabi niya at ngumiti

baket ganito siya? 'yong mga ngiti niya, inaakit ako

naalala ko naman 'yong sinabi ni mommy kanina

"Ang pag-ibig ay bigla nalang 'yang dadating ng kusa saiyo ng hindi mo namamalayan, pero minsan dapat mo ding alamin kong totoong pag-ibig ba ito o isa lamang panlilinlang ng tadhana." Wika ni mommy

bakit ganito 'yong nararamdaman ko? pag-ibig naba ito? nahuhulog naba ako kay John?

wait, baka naman assuming lang ako

baka naman friendly date lang 'to

Kalma Gea!

"Ah oo naman, ang ganda kaya" sagot ko nalang at inaya na niya akong kumain

habang kumakain kami hindi ko maiwasang hindi siya tignan, napaka gwapo niya pala

"Tapos kana? hali ka muna dito" bigla niyang sabi at hinila agad ako

nilagay niya sa balikat niya 'yong dalawa kong kamay at hinawakan niya ako sa beywang kasabay din ng pag titig niya sa mga mata ko

ito na naman ang pakiramdam

dugdug...dugdug....

"maaari ba kitang muling maisayaw, binibini?" sabi niya at nginitian ako

ano pa bang magagawa ko? eh hinawakan na niya ako, chossy pa ba ako?

Biglang tumugtog ang kanta mula sa speaker na maliit malapit sa table na pinagkainan namin

~ 𝑯𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂 𝒏𝒂, 𝒉𝒂𝒘𝒂𝒌𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒚
𝒂𝒕 𝒔𝒂𝒃𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒍𝒂𝒌𝒃𝒂𝒚
𝑰𝒘𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒏𝒂, 𝒌𝒂𝒍𝒊𝒎𝒖𝒕𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒃𝒍𝒆𝒎𝒂
𝒂𝒕 𝒔𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒏𝒂 '𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒅𝒂𝒓𝒂𝒎𝒂~

~ 𝑶𝒉, 𝒕𝒂𝒕𝒂𝒌𝒃𝒐, 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒚𝒐
𝑶𝒉, 𝒌𝒂𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒎𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐
𝑰𝒔𝒂𝒔𝒂𝒚𝒂𝒘 𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝒖𝒍𝒂𝒑, 𝒅𝒂𝒎𝒉𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏
𝑨𝒏𝒈 𝒊𝒉𝒊𝒑 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒔𝒊𝒔𝒊𝒍𝒃𝒊𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒎𝒊𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏~

Heto na naman, sumasayaw na naman kaming dalawa

pakiramdam ay kakaiba, hindi maintindihan ang nadarama

Kasalukuyan parin kaming sumasayaw, magkalapit at nagkakatitigan, kasabay doon ang pagkabog ng dibdib ko

parang iniibig ko na ang ginoong ito...

"Gea, may sasabihin ako." seryosong sabi niya habang nakatitig lang sa mga mata ko

kinakabahan ako,

"a-ano 'yon?" utal kong tanong sa kaniya

"Naalala mo pa ba noong una kitang dinala dito? Umiyak ako sa harapan mo, dahil alam kong maiintindihan mo ako. Una palang akong nakapasok sa room niyo, ikaw na ang una kong nasilayan, at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sayo." sabi niya at nabigla ako

wala akong masabi, natameme lang ako

"Hindi ko alam pero kakaiba na ang naramdaman ko sayo mula noong nagka partner tayo sa play. hindi kita maalis sa isip ko, para bang gusto kitang makita at makausap lagi." dagdag pa niya habang nakangiti lang saakin

Hindi ko alam pero parang sumaya ako

"d-diba s-sabi ko sayo na huwag kang maiinlove saakin?" utal ko sabi sa kaniya, totoo naman
kasi noong mga panahon na 'yon hindi paako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya

pero ngayon, parang oo?

mahal ko na din ata siya....

"Sé que eres el indicado, Gea." sabi niya at hindi ko naman siya maintindihan, salitang espanyol ba 'yon?

"h-huh? Anong ibig sabihin non?" tanong ko nalang

nabigla ako dahil unti-unti siyang lumapit sa mukha ko, habang nakatitig lang ang mga mata niya sa mga mata ko

Ilang sandali palang naramdaman ko na dumampi ang labi niya sa labi ko habang nakapikit ako

inaasam ko ang bawat halik na 'yon at ramdam ko na puno 'yon ng pagmamahal

pagmamahal na mula sa kaniya

"I know you're the one, Gea. I love you since the day I saw you until now." he said and he suddenly kissed my lips again

ang pangatlong halik, kasabay ng malakas na pagtibok ng aking dibdib

"John, Hindi ko alam kung papano ko ito sasabihin,ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko---" naputol 'yong sinasabi ko dahil nagsalita siya

"yon ay dahil mahal mo din ako, nahulog kana din saakin, Gea at ramdam ko 'yon." sabi niya at dahilan ng pagngiti ko

bumilis ang tibok ng puso ko, nabibingi ako dahil sa lakas nito

parang ayoko ng umalis sa piling niya, gusto ko siyang makasama habang-buhay

-----

"nakakakilig naman talaga ng lovestory niyo ni daddy, mama." kilig na sabi ni Jewel, ang anak ko, anak namin ni John

"oo anak at walang makakapantay dun, dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa." sabi ko pa at biglang bumukas ang pinto

"Napasarap ata ang kwentohan niyo mga mahal ko. Narito na ang Ice cream na order ni Jewel." tugon ni John na kadarating lamang

"yeheeey, thankyouu daddyyyy" sabi ni Jewel at nag tatatalon pa ito habang yakap-yakap ang daddy niya

Hindi ko lubos maisip na dumating kami sa sitwasyong ito, ang maging masaya at maligaya, magkasama at magkaroon ng anak

Hindi lubos maisip na asawa ko na ngayon si John.

Tama nga ang sinabi ni mommy dati

"Ang pag-ibig ay bigla nalang 'yang dadating ng kusa saiyo ng hindi mo namamalayan, pero minsan dapat mo ding alamin kong totoong pag-ibig ba ito o isa lamang panlilinlang ng tadhana." Wika ni mommy.

Lagi kong tinandaan 'yan saaking isipan kaya nakilala ko at nahanap ko ang aking naging asawa at nagparamdam saakin ng ganito ka saya.

end.✨

Continue Reading

You'll Also Like

226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
33.1K 7K 30
A Lawyer, Bold with a bit of anger issues, Smart, Not in good terms with his Father. A Girl, Sweet but Insecure about her weight, With Career tension...