Ang Matabang Probinsyana (COM...

By SovereigndarkladyJ_

20.3K 668 16

Isa si PHIL sa bini-yayaan ng malusog na panga-ngatawan. Simpleng matabang babae na nani-nirahan sa probinsy... More

ANG MATABANG PROBINSYA
SIMULA
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
WAKAS
Special Chapter

2

704 25 0
By SovereigndarkladyJ_

HINDI ko namalayang naka idlip na pala ako sa kalagitnaan ng byahe namin. Kung hindi pa ako tinapik-tapik ni mang Tano, hindi ko pa malalamang malapit na kami

"Woah!"

Manghang-mangha na talaga ako sa mga nakikita ko ngayon. May parang subdivision kaming pinasukan na may malaking gate kung saan may naka sulat na 'Dorm House'. Pare-parehas ang style ng mga bahay, at sa tabi ng gate ng pina-sukan namin ay may isa pang mas malaking gate kung saan may naka lagay na

'Welcome to Clayton International Academy'

Grabe, ang yaman! International Academy school! Pangarap ko lang dati na maka pag-aral dito, ngayon matutupad na.

I wonder kung sino ang may ari ng iskwelahan na ito. Napaka yaman niya! Ang alam ko kasi hindi ito hawak ng gobyerno eh.

Hindi maalis ang tingin ko sa bawat bahay na nadadaanan namin.

Hanggang sa makarating kami sa-teka... Hala! Baka nag kaka mali lang si mang Tano kung saan ako iba-baba.

Mag sasalita na sana ako ng bumaba na siya kaya dali dali rin akong bumaba.

Tinulungan ako ni mang Tano para ibaba ung maleta ko. Siya yung sumundo saakin sa may terminal.

"Salamat po "

Naka ngiting sabi ko at isinukbit na ang dala dala kong shoulder bag bago bumaba.

'Wow'

Bumungad saakin ang kakaibang disenyo ng dorm house

'Dito ba ako tutuloy? Pero napaka laki nito kumpara sa iba'

Sabi ko sa sarili ko kaya muli akong humarap kay mang tano na kasalukuyang binababa ang dala kong maleta

"Mang Tano, dito po ba ako tutuloy?"

"Yes, ineng"

"Pero kakaiba po ito kesa sa ibang dorm house at sa tingin ko ay ito po ang pinaka malaki"


Nakakapag taka talaga lalo na't ibang iba ang itsura ng dorm house na 'to sa iba pang dorm house

Nginitian lang naman niya ako.

"Hayaan mong si Jorjina ang mag paliwanag sayo. Sige aalis na ako. Atsyaka ineng mag iingat ka sana hindi mo sya maka salubong ulit"

Nag taka naman ako dahil sa huling sinabi nya. Gusto ko pa sanang mag tanong kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit sumakay na sya sa sasakyan at pinaandar ito papaalis.

Napakamot nalang ako sa ulo ko

Si manong talaga iniwanan pa ako ng isang malaking katanungan dahil sa huling sinabi n'ya.

Biglang pumasok sa isip ko yung lalaking na talakan ko kanina ngunit agad ko ding inalis sa isipan ko.

Napabuntong hininga naman ako at hinawakan na ng mabuti ang daladala kong maleta.

Napalingon ako sa likuran ko ng may marinig akong bumukas na maliit na gate mula sa malaking dorm house na nasa likuran ko.

Hindi talaga kagaya ng ibang dorm house na nadaanan namin, At sa tingin ko ay ito ang pinaka malaki, hindi pala sa tingin. As in ito ang pinaka malaki

Nakita kong may isang matandang babae na mala miss minchin ang datingan, naka high bun ang buhok nya, naka suot ng malaking salamin, naka longsleeve turtle neck at hindi nalalampas sa kanyang talampakan na palda kagaya ng suot ko.

Nag lakad naman s'ya papalapit saakin .

"Hello po"

Naka ngiting bati ko. Kahit medyo naiilang dahil sa hilatsya ng mabangis nyang muka.

Naku!muka rin s'yang terror teacher

Tinaasan naman niya ako ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Naasiwa ako doon kaya napatingin ako sa sarili ko. Ayos naman ung suot ko ah? Maluwag na long sleeve polo na malambot ang tela at hindi lalagpas sa talampakang palda.

Wala namang mali sa suot ko, ganito kasi ako manamit, dahil wala naman akong ibang style ng masusuot.

Oo na inaamin ko sobrang conserbatibo talaga ako pag dating sa katawan ko dahil na rin kay inay. Ito ang pinapasuot n'ya saakin eh. Baka nga pag nag suot ako ng kita ang binti o legs ko makukurot ako nun sa singit.

Ganito ba talaga pag taga Lemery?

"Are you sure that you're Ms. Philomena Dela Paz?"

Naka taas na kilay na tanong nito sakin.

"O-opo"

Naiilang na sagot ko, nakaka imidiate kasi ang tingin niya eh. Kala mo may nagawa akong masama.

"Tsk. Let's go inside, I'm Jorjina Baldonado but you can call me Nanay Jo, I'm the caretaker of this dorm house"

Mataray parin nitong saad. Mukang ganun talaga ito kaya hinayaan ko nalang. Masasanay din ako.

"A-ah... Mag papakilala po ulit ako, ako nga po pala si Philomena Dela Paz, 18 years old po"

Nakangiting sabi ko, atsaka nag mamadaling sumunod sumunod na sakanya papasok habang hila hila ko ang mga bagahe ko. Pag pasok ko, namangha ako sa ganda ng loob nang dorm na maihahalintulad mo na sa mga malalaking bahay na napapanood lang sa TV!

Pag pasok mo, bubungad agad sayo ang magarbong sala. Meron itong upuan na cusion-teka ano ngang tawag doon...hmm.. aha! Sofa! Hihihihi. Tapos sa gitna naman may maliit na lamesang gawa sa salamin, meron ding....

*gasp!*

Wahhh!

Dahil galing ako sa mahirap na pamilya manghang-mangha ako sa isang kudrado na naka dikit sa pader, kakaibang telebisyon naman ito mukang ito ang tinatawag nilang flat screen tv, sa harapan din mismo ng upuan na gawa sa kutsyon-sofa. Anlaki naman nito samantalang yung pinapanoodan namin doon sa kapit bahay namin maliit lang tapos di puk-pok pa para makita ung mga tao sa palabas at kung minsan ang damot damot pa nilang mag panood. Pero sabi ni inay pabayaan nalang daw, doon daw sila masaya eh. Wala kasi kaming ganun kaya nakikinood lang kami tapos pinag dadamutan pa.

Hmp! Sana ma dala ko rin sila inay, itay, at bunso dito for sure magiging maganda ang panonood namin!

T-nour naman ako ni nanay Jo sa loob ng bahay. Hanggang sa maka rating kami sa pangalawang palapag ng bahay kung saan naka lagay ang tutuluyan ko, bumungad saamin ang malawak na hallway. Dalawang kwarto na mag kaharap ngunit sa halos 3 dipa lang ang pagitan, Isang kulay blue sa kanan at pink na pinto sa kaliwa.

"Bawat dorm house ay may dalawang kwarto maliban sa dorm house na ito dahil tatlo ang kwarto dito."

Binuksan nya ang pintuan sa kanan, ang kulay blue-ng pinto

"Eto ang kwarto mo"

Napatango-tango naman ako habang nakikinig sa kanya

Hindi muna ako pumasok dahil naiwan ko pa sa baba ang bagahe ko

Tinuro nya lahat ng pasikot sikot dito sa bahay. May mga paintings na naka dikit bawat pader at mga babasaging bagay na satingin ako ay attic at mamahalin.

Naku kailangan palang mag ingat ako mahirap na kapag naka sira o basag wala akong pambayad...

Bali ang style ng loob ng dorm house ay modern at full air conditioned dahil hindi daw sanay yung ka dorm mate ko. Speaking of ka dorm mate.

Sino kaya s'ya?

Muli kaming bumama at pumunta sa sala kung saan naka lagay ang bagahe ko sa gilid ng sofa

Humarap ako kay nanay Jo at nag tanong.

"Nanay Jo yung kasama ko po ba dito sa bahay, scholar din? "

"Hindi"

Tipid nyang sabi.

Nag taka naman ako lalo. Kung ganun dapat hindi ako napunta sa dorm house na ito kasi hindi naman pala scholar yung makakasama ko. Para kasing pang VVIP itong dorm house. At siguro kapag dinala ko sila inay dito ma-mamangha din sila kagaya ko.

"Po? Eh Di po dapat ako nandito, kasi scholar po ako nang mayor namin sa probinsya kaya imposibleng sa ganitong kalaking dorm house po ako manunuluyan? "

"Nag kaka mali ka phil lahat ng nag aaral dito ay may kanya kanyang room mapa scholar man o hindi. Napansin mo naman kanina-pare-parehas ang style at kulay ng ibang dorm house diba at eto lang ang naiiba."

Tumango-tango naman ako

Kanina ko pa napapansin yon pero nahihiya akong mag tanong, ikaw ba naman kasi, scholar ka tapos lahat ng bahay na tutuluyan ko ay dito pa ako na punta sa pinaka malaking dorm house. Atsyala natatakot akong mag tanong sa kanya wala lang hehehe

"Ngunit sa mga bahay na iyon ito ang pinaka malaki dahil masyadong special ang tumutuloy dito"

Napangiwi naman ako.

Kung ganon bakit ako dito tutuloy... Hindi naman ako special.

"Eh hindi po talaga dapat ako nan-didito? "

Sabi ko sabay kagat ng kuko ko. Manarism ko na talaga to since birth.

"Eto nalang ang bakante, dahil sa dami nang studyanteng nag enroll"

Matapos nyang sabihin iyon ay nakita ko syang umupo sa Sofa.

"Ah ganun po ba. Sino po ba ang isa kong kasama dito?"

Gusto ko kasi malaman kung sino kasi para aware naman ako.

"Ang nag iisang anak nang nag mamay-ari nitong Academy"

Gulat at Napa kurap-kurap naman ako sa nalaman ko.

Hala! kailangan kong mag ingat sa bawat galaw ko. Baka sa oras na mag kamali ako ma kick out ako!. Jusko wag naman sana. Basta baka mabait naman yung anak, kakaibiganin ko nalang para frends kami.

gusto ko pa sanang mag tanong kung babae ba o lalaki ngunit naputol iyon ng muli syang mag salita.

"Oh sya sige tama na mukang pagod ka pa sa byahe mag pahinga ka na muna, oo nga pala wag kang matakot saakin mabait naman ako sadyang ganito lang ang pustura ko. "

Narinig kong sabi ni nana Jo wala sa sariling tumango ako sa kanya

Pero ako eto naka tunganga parin habang naka tayo.

Sinong hindi ma gugulat, anak iyon mismo nang nang mamay-ari! Pero bahala na wala naman akong balak na gumawa ng gulo, na magiging sanhi ng pag ka walang bisa ng scholarship ko.

"Sige po nanay jo. Mag papahinga na po ako"

Tinanguan naman niya ako atsaka umalis.

Biglang naka ramdam na ako ng pagod dahil sa nalaman ko.

Mabait naman siguro s'ya dba? Huhuhu sana nga. Atsyaka babae naman siguro 'yon kasi hindi naman siguro sila papayag na ipag sama sa iisang dorm house ang babae at lalaki.

Ano ba yan phil! Think positive! Aha!

Kinuha ko na ang bagahe ko at nag simula nang umakyat ulit ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Binuksan ko na yung pintuan ng kwatro ko bago pumasok. Mamaya ko nalang aayusin tong mga gamit ko, mamaya ko nalang rin ia-appreciate tong kwarto ko. Unti unti ko na kasing nararamdaman ang pagod

Sana maka sundo ko s'ya, kung sino man s'ya.

Humiga na ako sa kamang sobrang lambot na may unang sobrang lambot din.

Naku baka pag dinala ko sila inay at itay dito for sure hindi na sasakit ang likod nila sa manipis na foam na hinihigaan namin sa probinsya

Nami-miss ko na talaga sila, sana hindi ako ma home sick, pero malabo kasi ngayun palang nakakaramdam na ako nang pag ka homesick.

Ang hirap pa namang ma home sick, nakaka-iyak. Ayaw ko namang mang-yari yon pero mang- yayari at mangyayari parin.

Pumunta ako dito sa Lemery para kila inay, itay at bunso, para sa kaginhawaan ng buhay namin kapag makapah tapos ako at makapag trabaho sa gobyerno at sa taong na ngangailangan ng tulong kapag naging ganap na pulis ako. Kaya hanggat kayang mag tiis, mag titiis ako.

Mag aaral talaga ako ng mabuti para maging worth it ang hirap at pagod nila.

Si bunso naman, sana alagaan niya sila inay at itay kahit na pasaway. Mamimiss ko rin ang isang yon.

Napahikab na ako kaya pumwesto na ako ng higa kung saan ako komportable. May isang imahe ang biglang nag pop out sa utak ko kaya medyo naka ramdam ako ng pananakit ng ulo,pero hindi ko nalang pinansin pa. At dahil sa dala ng pagod sa byahe ay naka ramdam muli ako ng antok kahit na tulog lang ako ng tulog sa byahe, nakakaramdam parin ng pagod, at isa nakaramdam din talaga ako lalo ng pagod dahil sa nangyari kanina sa gitna ng kalsada.

Kung sino mang poncho pilato na 'yon, hindi na sana muling mag tagpo ang landas naming dalawa.

Naramdaman kong bumigat na ang talukap ng mga mata ko kaya unti unti na akong pumikit.

__________

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 811 48
Meet Series #2: Meeting Mr. Cold He is cold hearted. She is stupid girl. What if he want her to be his pretend girlfriend so that, he can get back Ly...
70.3K 1.5K 44
life sucks! Never thought that having friends may lead them to danger. -Mayumi Celestina Dela Poenta Started writing: August 28,2019 Completed story...
254K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
213K 5.1K 51
Lozel Vilasco never thought that he'll find a friend in his years of existance as an actor and a company heir in America. For an important man like h...