Feel Me 2020

By Quicke_Ow

74.4K 2.9K 112

ORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyay... More

AUTHOR'S NOTE
CONFESSION
WARNING!
CASTS
PROLOGUE
FEEL ME 1: THE STRANGER
FEEL ME 2: THE MYSTERIOUS GUY
FEEL ME 3: EMPLOYEE
FEEL ME 4: MALL
FEEL ME 5: THE CEO
FEEL ME 6: UNKNOWN CALLER
FEEL ME 7: THEY'RE BROTHERS
FEEL ME 8: COMPLIMENT
FEEL ME 9: CALLING CARD
FEEL ME 10: BULLET
FEEL ME 11: FAMILY DINNER
FEEL ME 12: NEGOTIATION
FEEL ME 13: MR. SALVIA
FEEL ME 14: WHAT'S GOING ON?
FEEL ME 15: AM I IN TROUBLE?
FEEL ME 16: JEALOUS
FEEL ME 17: LLANITA
FEEL ME 18: YOUR LOVE
FEEL ME 19: AT THE BAR
FEEL ME 20: YES!
FEEL ME 21: FIRE ON FIRE
FEEL ME 22: JOYFUL HEARTS
FEEL ME 23: THIS LOVE
FEEL ME 24: HE'S MY SLAVE
FEEL ME 25: BLISSFUL HEARTS
FEEL ME 26: FALSE HOPE
FEEL ME 27: LOVE IN SADNESS
FEEL ME 28: FEELS
FEEL ME 29: NIDDLE AND THREAD
FEEL ME 30: LOSE
FEEL ME 32: SETTING HIM FREE
FEEL ME 33: STILL LEARNING
FEEL ME 34: THE CALL
FEEL ME 35: MISSING PEICE
FEEL ME 36: FOURTH ASPECT
FEEL ME 37: NEW LIFE BEGINS
FEEL ME 38: TREASURED
FEEL ME 39: HERE I AM AGAIN
FEEL ME 40: CHASED BY THE OLD MEMORIES
FEEL ME 41: LEAVING THEM
N O T E :
FEEL ME 42: BEGINNING
FEEL ME 43: SAME OLD FEELIMG
FEEL ME 44: I'M HOME
FEEL ME 45: BIRTHDAY PARTY
FEEL ME 46: I'M STILL INTO HIM
FEEL ME 47: IGNORING HIM
FEEL ME 48: REALIZATION
FEEL ME 49: TOGETHER AGAIN
FEEL ME 50: JOEVAN & LOUIS
FEEL ME 51: CONFUSION
FEEL ME 52: MOMENTOUS HAPPINESS
FEEL ME 53: ACCEPTANCE
FEEL ME 54: LETTING ME BE
FEEL ME 55: LOVING HIM HARDER
FEEL ME 56: REASON TO BREATHE
FEEL ME 57: YOU & ME
FEEL ME 58: TOUCH OF HIS ARMS
FEEL ME 59: SETTING THINGS UP
FEEL ME 60: MISSES HOME
FEEL ME 61: DOUBTS
FEEL ME 62: SECRETS
FEEL ME 63: WE'RE IN TROUBLE
FEEL ME 64: LIFE AND DEATH
FINALE
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENTS
PHOTO CREDITS

FEEL ME 31: LOVIN' YOU HAD CONSEQUENCES

450 26 1
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Nasa ganoong pakikiramdam ako nang biglang umilaw ang aking telepono hudyat na may notification ito na agad kong kinuha sa aking bulsa at dito ay napag alaman kong may tumatawag dito ngunit unregistered number ito ngunit alam ko na kung sino ito at dahil sa labis na pagtataka kung ano ang pakay nito ay agad ko itong sinagot.

"Hello." Nanginginig kong saad sa kabilang linya.

"Don't waste your time with that dumbass guy." Saad nito na nagpatindig ng aking balahibo sabay patay nito sa tawag na labis kong ipinagtaka at dito ay napatitig ako sa kisame. Nasa ganoong pagtitig ako nang biglang tumunog ulit ang aking telepono hudyat na may mensahe akong natanggap.

Opening message...

From 09xxx:

-SOON MAL.

Saad sa mensahe na nagpatigil sa aking sistema. Tila sasabog na ang aking isipan sa matinding pagtataka at pagiisip sa mga nangyayari sa akin. Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang makipagtitigan ulit sa kisame at isipin ang mga naganap.

Dahil sa tindi ng pagiisip ng kung ano ano at dahil na rin sa mga nangyayari at pagkatipsy ko ay mabilis akong dinapuan ng antok at agad akong nakatulog. Wala na akong maalala.

"LOVIN' YOU HAD CONSEQUENCES"

Quicke_Ow

Part 31

Monday, 7:00 am

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa bigat ng aking pakiramdam na parang may nakadagang mabigat na bagay sa aking katawan dahilan upang hindi ako makakilos ng mabuti. Dahil sa hindi ko kayang bumangon ay inilagay ko ang aking mga kamay sa aking mata at ipinatong ito dito ngunit sa pagdampi ng aking mga kamay ay naramdaman kong mainit ang aking balat. Dito ko napansin na parang nilalagnat ako dahil sa sobrang mainit ang aking balat. Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa aking paningin ang hubo't hubad kong katawan dahil sa hindi pala ako nakapagdamit kagabi.

Dala siguro ito ng matinding pagkakabasa ko sa ulan at labis na lamig na yumayakap sa akin kagabi kung kaya't heto ako ngayon nilalagnat. Sariwa parin sa aking isipan ang mga nangyari at naganap at parang unti unti ko na itong tinatanggap. Wala ako sa mga kwento o palabas na lugmok ang bida at halos hindi maka move on at pinapabayaan ang kanilang mga sarili sa tuwing sila ay bigo o nasasaktan dulot ng pagmamahal. Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko kailangan ng matinding pagkalugmok para sirain ang aking buhay dahil sa huli ay ako pa rin ang talo habang ang kalaban ay nagpapakasasa sa kaligayahan na ayaw kung mangyari. Sa ngayon ay sisimulan kong buuin ang aking sarili at magpapakatatag bagama't ang mga naganap ay nagdulot ng matinding sakit sa akin kung kaya't ako ay sirang sira.

Iwinaksi ko na lamang ang kalungkutang iyon at itinuon ko ang aking atensyon sa paggamot ko sa aking sarili. Balang araw ay masasaksihan din nila ang aking muling pagbangon na malakas at hindi natitinag. Nasa ganoong pagiisip ako nang biglang bumukas ang pinto at dito pumasok si kuya na may dalang pagkain na nasa tray at agad na nagtungo sa side table upang ito ay kanyang ilapag. Pagkalapag niya sa mga iyon ay siyang paglapit nito sa akin sabay halik sa aking noo. Kumalas siya kaagad sa paghalik sa aking noo at agad na nagkasalubong ang mga kilay nito.

"Nilalagnat ka?" Nakakunot noong sabi ni kuya sabay iling ngunit tango lang ang aking naisagot. Agad naman itong lumabas at iniwan akong nagtataka, baka galit sa akin si kuya kung kaya niya ako iniwan. Ilang sandali pa ako sa ganoong posisyon nang biglang bumukas ang pinto at dito muling pumasok si kuya na may dalang maligamgam na tubig na bahagyang naglalabas ng usok at bimpo na ilalagay niya sa ibabaw ng aking noo that I find him so gentlemen.

Agad itong umupo sa aking tabi sabay ipinahid sa aking noo ang bimpo na basa sa maligamgam na tubig. Habang nasa ganoong pagpunas si kuya ay nakakitaan ko ito ng labis na pagaalala sa akin na parang nanggigilid na ang mga luha nito at parang nahabag itong makita ako sa ganitong posisyon. Masasabi kong mahal namin ni kuya ang isa't isa dahil sa mga bagay na kami ay magkasundo at hilig naming ginagawa. Hubo't hubad akong pinupunasan ni kuya hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang aking ari ngunit hindi niya ito binigyan ng malisya at nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

Ilang saglit pa ay natapos na itong punasan ang aking katawan at ibinalik nito ang kumot pangtakip sa aking kahubadan, kasunod nito ang pagsusubo niya ng pagkain sa akin na tinugon ko naman. Mapagmahal at maalaga si kuya Max bilang isang kapatid dahil sa pagaalala niya sa aking kalagayan at masasabi kong napakaswerte ko na siya ang aking naging kapatid.

"Huwag mong hahayaang matalo ka ng iyong sariling emosyon dahil lang sa nasaktan ka ng isang tao dulot ng pagmamahal. Sadyang mapaglaro at mapanuya lamang ang tadhana at oras dahil sa hindi natin ito namamalayang magaganap ang mga bagay bagay sa atin kaya't nakakalimutan nating limitahan ang ating mga sarili dahil sa abala tayong paligayahin ang ating mga puso sa piling ng isang taong labis nating mahal." Salaysay ni kuya na anong oras ay sasabog ang aking emosyon.

Dito ay pilit kong nilalabanan ang aking emosyon sa harapan ni kuya at pilit na nilalakasan ang aking loob na hindi maiyak dahil ayaw kong makita ni kuya na ako ay labis na nasasaktan sa mga nangyayari. Dito ay isinumpa ko sa aking sarili na kakalimutan ko na ang mga nangyari at pipilitin kong maging matatag.

Hindi ko hahayaang malugmok ako sa labis na pagmamahal ko kay Raymond dahil sa huli ay ako ang talo habang siya ay idinuduyan ng mga ulap sa kalangitan. Dito ko napagtanto na iba pala talaga ang nagagawa ng labis na pagmamahal dahil dito nakapaloob ang panandaliang saya, samu't saring mga pagsubok, pait, sakit, pagdadalamhati, at paghihinagpis. Ilan lamang iyan sa aking mga naranasan na nagpatibay ng aking loob pero ngayon hahayaan ko na muna na damhin ng aking sarili ang sakit upang maging matatag, matapang, at magsilbing aral ito sa akin sa lahat ng mga bagay.

"Salamat kuya. I love you" wika ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng gamot sabay yakap ko sa kanya.

"I love you too bunso, pinagalala moko ng sobra. O siya magpahinga ka na ng mabawi mo ang iyong lakas na nawala sayo." Saad nito sabay halik sa aking pisngi at kinuha ang mga gamit na dala nito at agad na lumabas upang ako ay makapagpahinga.

Labis labis na pasasalamat ang aking nararamdaman dahil sa pagaalaga sa akin ni kuya Max na labis kong ikinatuwa. Sana ganito na lang parati na nasa tabi ko lang si kuya at inaalagaan ako ngunit batid kong hindi lamang ako ang kanyang inaasiko, maraming bagay ang kahati ko kay kuya Max ngunit kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako na palagi siyang nariyan para sa akin. Ilang sandali pa ay napagpasyahan kong ipikit na ang aking mga mata at magpaubaya sa antok dahilan upang ako ay makatulog agad. Wala na akong naalala pa.

Nagising ako dahil sa pagaalburuto ng aking tiyan dulot ng aking pagkagutom. Medyo magaan na ang aking pakiramdam bagama't hilo pa rin ako. Agad kong tiningnan ang oras sa aking telepono at dito ay nakita kong alas 5 na pala ng hapon. Talaga namang bawing bawi ang aking lakas dahil buong araw akong tulog. Agad na akong bumangon at nagayos ng aking sarili at agad na akong lumabas sa aking silid pababa papuntang kusina upang ako ay makakain na.

Dito ay nadatnan ko si Ethan na nagluluto ng pagkain habang si Andrew at kuya naman ay naglalambingan na parang nagkatampuhan. "Ang cocorny guys!!" Sa isip isip ko lang. Lumapit ako sa kanila at pinaghahalikan ko ang mga pisngi nito.

"Andiyan ka pala Mal, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Ethan ngunit binatukan ito ni Andrew na nagpapigil sa akin ng tawa.

"Sira ka talaga. E malamang sa malamang maayos na yan tingnan mo nga't nakangiti pa." Saad ni Andrew habang pinipingot ang tainga nito. Likas na sa kanila ang pagiging makulit at pasaway na una kong minahal sa kanila.

"Maayos naman na ako Ethan." Natatawa kong saad sa kanila.

Nang matapos si Ethan magluto ay agad na kaming nagtungo sa hapag upang pagsaluhan ang mga pagkain. Masarap ang mga luto ni Ethan dahilan upang maparami ako ng kain at mabusog at dahilan upang mapahanga ang aking mga magulang sa galing nitong magluto. Asaran at kulitan ang aming ginawa habang kami ay kumakain at napuno ng halakhakan ang buong bahay.

Tungkol sa aking nararamdaman ngayon ay naibsan ang aking kalungkutan at masasabi kong nakakatulong sila upang ako ay maging maayos. Inaamin kong hindi pa rin nawawala ang aking nararamdaman para kay Raymond. Ang sakit ay nakaukit pa rin sa aking dibdib ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung iiyak ako ng todo wala naman nang mangyayari kung patuloy kung sisirain ang aking sarili. Kaya minabuti ko nalang na libangin ang aking sarili kung ako ay nagiisa't walang kasama at hindi ko hinahayaang dapuan ako ng lungkot sa tuwing sasagi ang mga bagay bagay.

Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming nagtungo sa sala upang manood ng palabas. Maganda ang pinapanood namin dahil isa itong sci fi genre type ng movie na paborito ko.

Patuloy kami sa panonood...

Nasa ganoong panonood kami ng biglang umagaw sa eksena ang isang balita na nagpataas ng aking kilay.

NEWS FLASH: Magtungo naman tayo sa balitang pang showbiz. CEO at super model na si Mr. Raymond Cortez ay nagpahayag na sa nalalapit nitong kasal kay Ms. Thea Lou Busua na isang artist at fashion designer sa ibang bansa at anak ng isang mayaman na nagmamay ari ng tourism trade worldwide. Ang kasalan ay magaganap sa susunod na linggo araw ng biyernes ganap na alas diyes ng umaga. Top trending sa twitter ang kasalang magaganap gamit ang hashtag na #RHea na pumalo sa 4.9 billion tweets. Oh diba mga frendship palong palo ang kasalan ng lolo niyo!!! Ito po si Maja Ruth, maraming ulat(piklat) magandang morning!!

END.

Nang matapos ang balita ay agad kong binuksan ang aking twitter at dito nga ay tumambad sa akin paningin ang top trending worldwide ang kasalang RHea ang nangunguna dito. Bigla namang umukit ang matinding sakit sa aking dibdib kasabay nito ang pagtulo ng isang butil ng luha pagapang sa aking pisngi na agad ko namang pinunasan dahil ayokong makita ako nila kuya at mama na nahihirapan at nasasaktan. Ang daming katanungan sa aking isipan ang nais kong mabigyan ng kasagutan. Minahal niya ba talaga ako? Nasaan ang mga pangako niya? Ilan lamang iyan sa aking mga katanungan na nais kong masagot.

Namalayan ko na lamang na nakatitig na pala ako sa singsing na ibinigay sa akin ni Raymond. Hindi ko ito magawang hubarin dahil sa kumakapit pa ako sa pagmamahal ko kay Raymond.

"Ok ka lang ba anak?" Nagaalalang tanong ni papa sa akin ngunit pilit na ngiti lang ang aking naisagot sa kanya sabay yakap ko dito ng mahigpit.

"Oo naman po papa, ok lang ako." Saad ko habang pinipigilan ang aking emosyon sa pagsabog.

Nasa ganoong pagyayakapan kami ng biglang tumunog ang door bell kasabay nito ang aking pagtayo at tinungo ang gate. Nang mabuksan ko ito ay isa palang delivery ito.

"Kayo po ba si Mr. Malcolm Charls Sandoval?" Tanong ng lalaking delivery boy at tanging tango lang ang aking naisagot. "May delivery po kayo sir. Pakipirmahan na muna po ito." Dagdag pa nito sabay abot sa akin ng pipirmahan na agad kong inabot at pagkatapos kong pirmahan iyon ay nagtungo na muna ito sa sasakyan at may kinuha. Pagbalik nito ay agad itong ibinigay sa akin ngunit ang kanyang dala ay ang aking ikinagulat dahil sa isa itong bulaklak na aking paborito na labis kong ikinatuwa.

Agad na umalis ang delivery truck at agad akong pumasok na may ngiti sa aking mga labi na ipinagtaka nilang lahat.

"Punta na muna ako sa kwarto." Wika ko sa kanila na kaagad naman nilang sinang-ayunan ng walang pumipigil.

Agad kong tinungo ang aking silid at dito naupo ako sa aking higaan at maigi ko itong pinagmasdan at inamoy. Mabango, magaganda, mapupula, at marami ang mga ito na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Patuloy ko pa rin itong pinagmamasdan hanggang sa may napansin akong isang papel na nakasiksik sa mga bulaklak. Agad ko naman itong kinuha at binasa.

"LET US WITNESS THE ENDLESS LOVE OF CORTEZ'S AND BUSUA'S" basa ko sa nakalagay na sulat. Agad ko itong pinunit ng may mapansin pa akong isang papel. Dito ay may sulat kamay na liham na sa pagkakaalam kong galing kay Raymond.

Dear Malcolm

Una, nais kong humingi ng tawad sa lahat ng bagay na aking ginawa na naging dahilan upang tayo ay masira at mabuwal. Labis na pagsisisi ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi ka sa aking isipan na ika'y aking sinaktan. Pangalawa, nais kong malaman mo na ang pagmamahal ko sa iyo ay totoo at walang bahid ng kayabangan at kapreskuhan, hindi ko matanggap na umabot tayo sa ganito, parang kahapon lang na pareho nating pinagsasaluhan ang bawat sandali ng magkasama't may pagmamahal. Pangatlo, nais kitang makita sa araw ng aking kasal bilang aking best man dahil nais kong maranasang habang inihahatid mo ako sa altar ay para na rin tayo ikinasal. Mahal na mahal kita magpakailanman at hindi magbabago iyon.

PS: Hihintayin kita sa araw na iyon sana ay dumating ka at maging masaya para sa akin. Hindi kita malilimutan at parati kang nasa aking puso.

Nagmamahal,

Raymond

Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako ng iyak dahil sa aking nabasa. Hindi ko na alam ang aking gagawin kung ako ba ay dadalo sa kasal niya at hayaang damhin ang sakit o manatili na lamang dito sa bahay na purong kaligayahan lang ang naririto at malayo sa kirot. Hindi ko na alam ang aking gagawin para bang unti unti akong pinapatay ng labis na pagmamahal ko kay Raymond.

Labis na kirot ang aking nararamdaman dahil sa nangyayari sa akin ngunit pilit kong nilalabanan ang labis labis na pagbugso ng aking damdamin. Hindi na gaanong  masakit ang aking nararamdaman dahil sa unti unting nilalamon ng pait ang aking puso't isipan. Ngayon nakapagdesisyon na akong hayaan na lamang siya dahil wala iyong magandang maidudulot sa akin kundi ang labis na sakit at kirot sa aking dibdib.

Tuluyan na ngang nilamon ng galit ang aking pagkatao kay Raymond dahil sa wala itong ginawa kundi ang paglaruan at saktan ang aking damdamin. Tatayo ako sa sarili kong mga paa at patatayugin ang gusaling aking kinatatayuan hanggang sa ito ay maging purong bakal at hindi basta basta matitibag ng kung sino man.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 125 15
(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Leader si Kyle Bautista ng isang exploration team Isa siyang magaling na geologist at malapit nang ma-publish ang kan...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
68.2K 2.6K 47
PROLOGUE Sa unang pagkakataon na narinig ko ang boses ng kumakanta ay parang may bigla akong naramdaman, tila nainlove ako sa boses at kanta. Nagmada...