My Firsts

Por cmcmcm1214

65 0 0

There's always a first time for everything. What happened when you feel love for the first time? Más

2: First Chat
3: First Smile
4: First Sketch
5: First Confession
6: First True Confession
7: First Invitation
8: First Uncomfortable Feeling
9: First Birthday
10: First Confusion

1: First Day of School

8 0 0
Por cmcmcm1214

Bukas na.

Bukas na magsisimula ang high school life ko. Nakakaexcite! Naku, naku! Baka hindi ako makakatulog nito. Tulog muna ako.

Pero...

Ano kaya ang mangyayari sa buhay high school student ko?

Sabi ng mga nakakatanda sa akin, sa high school daw mangyayari ang pinakamagical at mala-fairytale na story sa buong buhay ng isang tao.

Ano kaya yun?

Could there be a Godmother or fairies who would help me do my assignments and projects? Or maybe, a witch who would ruin everything?

Either of the two ay kakayanin ko. Nakaya ko nga ang 6 years sa elementary na noong nagsimula ay wala akong alam. Ngayon pa kaya na alam ko na kung paano magsulat, magbasa at magbilang. May mga background knowledge pa akong baon galing sa best teachers ko sa elementary. So, ang high school, sisiw lang yan!

Pero kung iisipin kong mabuti at maigi, ang pagkakaroon ng Godmother at witch sa buhay ay normal lang at walang magic doon na sinasabi nila.

I closed my eyes.

"The only antidote to this curse is True Love's Kiss."

Napabalikwas ako nang marinig ko sa isipan ko ang kadalasang sinasabi ng witches sa fairytale.

True Love's Kiss?

Seryoso? 'Eh, may pamilya naman tayong magbibigay agad ng kiss na yun. Walang magic pa din doon.

I closed my eyes again and inaalala ko kung ano pa bang posibleng mangyari na magical sa high school pero I failed. Hindi ko na alam kung ano pa ba.

Hayyy... Para akong lantang gulay na bumalik sa pagkakahiga at pinikit ang mga mata para matulog na.

Bahala na nga kung ano yung magic na sinasabi nila. First day pa naman bukas kaya kailangang maganda ang gising ko.

"Mae!"

"Betty!"

Iba't ibang scenario ang nakikita ko ngayon. May mga nagyayakapan, tumatalon habang magkahawak kamay at may nagchichikahan. Kasama nila ang kani-kanila nilang mga kaibigan habang nakapaskil sa mga mukha nila ang malalaking ngiti. Meron din namang mga estudyante na tahimik lang habang nagsecellphone at nakamasid lang sa paligid katulad ko. Wala man akong kakilala ngayon, natutuwa naman ako sa nakikita ko ngayon. Nahawa na nga ako sa mga tawa na nasa kanang bahagi ko nang may nagbibiro doon.

"Maria." seryosong tawag ng lalaking nanguguna sa pagbibiro sa katapat niyang babae. "Halika mag review na tayo."

"Ha? Eh first day palang ngayon." sagot naman ng babaeng may maamong mukha at maputi.

"Boom! Basag!" biglang sigaw ng lalaki sa likod ng babae sabay tayo na naging sanhi ng tawanan ng iba pang kasama nito.

Napakunot-noo ako. Saan ang nakakatawa doon?

Baka nasa mukha ngayon ng lalaki na nanglumo ngayon.

"Ituturo ko sana sa'yo kung paano kita pasasagutin." mahinang sabi nito pero nadinig iyon ng iba kaya mas lumakas ang hiyawan ng mga ito.

May mga pumapalakpak pa, pumipito tsaka nakikiapir sa lalaki.

Nakita ko naman ang babae na napayuko at doon sumilay ang napakatamis nitong ngiti.

"Ang galing mo talaga, Brian!" puri ng maputing lalaki na nakaakbay na ngayon sa bumanat.

Ang saya-saya nila.

Namimiss ko tuloy ang mga kaklase ko noong elementary. Ganyang-ganyan kami noon, 'eh. Yung si Boggie ang magpapasimuno ng katatawanan tapos kami nina Merry at Shayne tsaka yung iba pang kaklase namin ang magiging audience niya. Kumusta na kaya sila?

Bigla-bigla noon ang desisyon nina mama at papa na lumipat sa city kaya hindi ako nakapagpaalam sa kanila ng personal. Pero kapag nakita nila si Terence na matalik kong kaibigan ay malalaman din nilang lumipat kami.

Hindi kasi uso sa probinsya ang cellphone tsaka facebook kaya wala akong connection sa kanila. Hayyy... Pero 'di bale, magkikita din kami soon.

"Good morning everyone." yun ang nagpabalik sa aking sarili saka bumaling sa taong nasa harapan namin ngayon. Tumahimik na din ang iba pang mga estudyante.

Ang ganda ni Mrs. Principal. Nakaformal attire siya tsaka may simpleng kolorete sa mukha tsaka nakapony tail ang buhok niya. Matangkad din siya. Kung hindi ko alam kung sino siya baka pagkakamalan ko siyang beauty queen sa postura niya.

"May I call on Ms. Sanchez, the teacher-in-charge of Section Gold." sabi niya tsaka ipinasa ang microphone sa isang guro.

Maganda din si Ms. Sanchez. Maputi siya, short hair at bilog na maiitim ang mga mata niya. Nakauniform ito na pinaresan ng 3 inches na wedge heels na nagpadagdag sa height niya.

Hindi ko sinabing pandak si Ma'am, ha.

"As I call your name, please make a line at the side. Ok?" simula niya sabay ayos ng mga papel sa mga kamay niya. "Alvarez, Brian..."

Naghiwayan ang grupo kanina nang banggitin iyon ng guro. Tsaka nakita kong tinutulak-tulak nila ang lalaking nagbibiro kanina. Sinusuway naman nito ang mga kaibigan. At natawa ako.

Nagpatuloy si Ms. Sanchez sa pagbanggit ng mga names.

"Graciano, Zabelle."

Ako yun.

Pumunta na ako sa side ng auditorium at nakita ko ang grupo kanina na magkasama ngayon na nagbibiruan pa rin.

Magkaklase pala kami.

"That would be all. Thank you." huling sabi ni Ms. Sanchez saka bumaba mula sa stage.

"You may follow Ms. Sanchez to your room, Section Gold." sabi ni Ms. Principal. Hindi ko matandaan ang pangalan niya nang banggitin iyon ng host dahil mas natuon ang atensyon ko sa ganda niya.

Ayun. Nakaline pa kami nang sumunod kay Ms. Sanchez. Nalibot ko pa ang paningin ko sa paligid dahil nakakaamaze ang matataas na building ng eskwelahan. Nasa mga apat na floors ang halos na lahat na building. May iilan namang lima na may iba-ibang kulay at disenyo. Ang gara nga tingnan. Para akong nasa private school pero sa pagkakaalam ko, semi-private lang ito. Ano pa kaya kung nasa private school, siguro mas magara pa.

Pagkarating namin sa classroom namin ay kanya-kanya kaming hanap ng mauupuan namin. Siyempre, yung grupo kanina ay nagkukulitan parin. Mukhang sila lang maiingay dahil ang iba gaya ko, ay tahimik lang na umupo sa mga bakanteng upuan.

"So, guys. Wala pa si Ma'am. Laro muna tayo?" aya ng lalaking maputi at sa lakas ng boses nito at napatingin kaming lahat sa gawi nila.

"Sige ba! Ano bang dala mo?" tanong ng isang babae na nakaponytail na katabi nung Maria kanina.

"Snake and ladder." nakangising sagot ng lalaki sabay labas ng snake and ladder board.

"Ano ba yan!"

"Ang boring!"

"Wala bang iba dyan!"

"Para kang bata, Ace!"

Natawa ako sa naging reaksyon ng kaibigan niya. Kinuha pa ng Brian ang snake and ladder board saka pumunta sa trash can at inilagay doon.

"Grabe kayo! Masaya kaya yan! Brian!" angil pa ng Ace.

"Para hindi mo maisip yan! Puro ka nalang snake and ladder."

Nakakatuwa talaga sila. Parang sila ang magbibigay kulay ng classroom.

Tiningnan ko naman ang ibang kaklase ko at halos lahat sila ay nakatuon sa grupo at nakikitawa na din sa patuloy na pagkukulitan ng mga ito. Ang iba na nasa malapit nito ay nakikisali na din kaya mas umingay ang classroom namin. Ako naman ay nasa gilid ng bintana at malayo sa kanila kaya tumatawa lang ako.

Sa paglilibot ng paningin ko ay napansin ko ang lalaking nasa likod ko. Moreno siya, maliit ang kanyang mukha at may clean-cut na buhok.

"Ang gwapo niya."

Nanlaki ang mga mata ko nang sinabi iyon bigla ng utak ko. Ano daw?

"Ang gwapo niya." ulit ng utak ko.

Gwapo nga siya pero may pagkaseryoso siya dahil nakatingin lang siya labas at hindi siya nakikitawa sa mga kaklase namin kahit na puno ng katatawanan at ingay ang loob ng classroom namin. Siya lang siguro ang hindi masaya sa loob ng classroom.

Bahala siya basta ako, masaya ako.

Nagpatuloy sa pagtawa at pagkukulitan ang mga kaklase ko hanggang sa pumasok si Ms. Sanchez.

"Ang saya-saya niyo, ah."

Seguir leyendo

También te gustarán

1.7K 52 31
Highschool life. First crush. First puppy love. First heartbreak. First love. First goodbye. Where will it all end?
1.8K 319 16
(One-epilogue chapters) First love never dies. But what if your first love dies?
617 25 21
Part 1: My Best Enemy Genre: Teen Fiction to Love Story Part 2 : My Best Enemy Becomes My Mr. CEO - Prolouge Pinagtagpo sa maling pagkakataon, pero i...
50.4K 1.5K 74
Bakit nga ba tayo napo-fall sa mga taong hindi natin ma-imagine noon na magugustuhan natin? O ako lang 'yon?
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas