IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

164K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Chapter 29

2.4K 76 1
By Lorenzo_Dy

Hope. (Speranza)

"Papatayin ko na nga!"

Pasigaw na sambit ni Nana Lina. Nanlamig ang buong katawan ko lalo pa't nararamdaman ko ang talim ng kutsilyo na lumalandas sa'king dibdib!

Hanggang sa..

"Kapag sinabe kong sigaw, sumigaw ka Bella.." bulong ni Nana Lina sa may tainga ko.

"Ngayon na!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil pinisil ni Nana Lina ang sugat sa mga braso ko kaya hindi ko napigilan ang humiyaw sa sobrang sakit!

"AHHHHHHH!!"

Daing ko dahil kumirot ng husto ang sugat sa braso ko.

Pero..

Pero nagtaka ako sa ginagawang pagputol ni Nana Lina sa lubid na nakatali sa mga kamay ko habang lumuluha ito!

"Bella, makinig ka sa'kin! Hindi ko alam ang totoong pagkatao ni Karding! Totoo na nagkakilala kami sa home for the aged sa maynila at niligawan niya ako. Isang malaking pagkakamali na nagmahal ako ng isang demonyo! Hindi ko alam na pinuno pala siya ng mga rebelde! Kaya pala ayaw niya akong dalhin sa mansion nung una palang matapos kong mabanggit ang tungkol sa'yo, sobrang nagagalit ito kapag nakikipag kita ako sa'yo at sinasaktan niya rin ako na hindi ko akalaing magagawa niya! Kaninang umaga ko lang nalaman ang lahat ng plano nila ng anak niya. Kinailagan kong sakyan ang mga plano nila dahil ito lang ang nakikita kong paraan para mailigtas ka... patawarin mo ako..hindi ko gustong saktan ka.. patawarin mo ako..."

Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko habang kinakalagan naman ni Nana Lina ang lubid sa mga kamay ko.

"Nana Lina, akala ko po nawala na ang pagmamahal niyo para sa'kin."

"Iyan ang hinding-hindi mawawala sa'kin Bella. Kahit saglit lamang tayong nagkasama noon higit naman ang pagmamahal na ipinaramdam mo sa'kin..higit pa sa tunay kong anak na tinalikuran ako."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko kay Nana Lina.

"Kailangan nating makababa ng bundok! Kailangan nating makatakas!" Bulong sa'kin ni Nana Lina habang inaalu ang aking likod.

"Sinasabe ko na nga ba!"

Pareho kaming napalingon ni Nana Lina kay mayor Enrico na kakapasok lang dito sa loob ng barong-barong.

"Hindi ka talaga mapapagkatiwalaan! Traydor ka!"

Agad na itinutok ni mayor Enrico ang mahabang baril kay Nana Lina kaya ginapang na naman ako ng kaba!

"Itigil niyo na 'to!"

Marahas na pakiusap ni Nana Lina bago hawakan ang dulo ng baril ni mayor Enrico at itutok ito sa itaas.

Mabilis ko namang kinalagan ang sarili ko at agad na bumaba sa papag para damputin ang nahulog na kutsilyo ni Nana Lina kanina.

"Ahh!" Hiyaw ni Nana Lina ng tuhurin siya sa tiyan ni mayor Enrico.

Agad na kumilos ang mga paa ko matapos kong makita na sumubsob sa lupa si Nana Lina at tutukan ng baril sa ulo ni mayor Enrico!

"Ahhh!"

Nanginginig kong binitawan ang kutsilyong naliligo sa dugo..sa dugo ni mayor Enrico na nasasak ko sa likod!

"Bella!"

Sigaw ni Nana Lina dahil sa'kin na nakatutok ang baril ni mayor Enrico kaya't napaatras ako.

"Mamatay kana!"

Nanlaki ang mga mata ko nang itarak ni Nana Lina ang kutsilyong nabitawan ko kanina sa tagiliran ni mayor Enrico na agad na humandusay sa lupa!

"Halika kana! Pabalik na sina Karding!"

Natutulala akong hinatak palabas ng barong-barong ni Nana Lina na may dugo ang mga kamay.

Paglabas namin ni Nana Lina sa barong-barong ay natanaw namin ang mga liwanag ng sulo sa loob ng kakahoyan at mukang nagmamadali ang mga may hawak nito.

"Nandiyan na sila!" Aniya ni Nana Lina na mabilis akong hinigit. "Marunong ka namang mangabayo, diba?"

Tumango na lang ako habang sumusunod kay Nana Lina dahil pa rin sa matinding gulat sa nangyari.

"May kabayong nakatali sa likod ng punong iyan, kalagan mo! Kukuha lang ako ng sulo para may ilaw tayo pababa ng bundok."

Agad kong sinunod ang utos ni Nana Lina at totoo ngang may kabayong nakatali na nag-iingay sa likod ng puno.

Matapos kong makalagan ng tali ang pulang kabayo ay sumampa na agad ako sa likod nito.

"Nana Lina!"

Pagtawag ko kay Nana Lina na may bitbit na sulo habang papalapit sa may gawi ko.

"Andiyan na ang mga rebelde!"

Aniya ni Nana Lina na kinapitan at inalalayan kong makasampa sa likod ng kabayo sa may likod ko.

Sunod-sunod na putok ng baril ang gumulantang sa paligid kasunod ang malakas na pagsigaw ni mang Karding na marahil ay nakita na nito ang duguang anak sa loob ng barong-barong.

Agad kong pinatakbo ang kabayo habang nasa likod ko si Nana Lina na iniilawan ang madilim naming dinadaanan.

"Ayon sila!"

Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa kuta ng mga rebelde kaya nakita ng mga ito ang aming pagtakas sakay ng kabayo.

"Nasusundan nila tayo!"

Aniya ni Nana Lina sa likod ko kaya binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo sa kabayo. Napapayuko rin ako dahil sa mga putok ng baril na sa'min ang direksiyon!

"Ahh!"

Sigaw ni Nana Lina at humigpit ang kapit niya sa likod ko.

"N-nana Lina?!"

Nanginginig kong sambit dahil hindi ko makita ang kalagayan ni Nana Lina dahil nasa likod ko ito.

"D-daplis lang..Bella.." umiling ako dahil parang ayaw kong maniwala! "Iliko mo..iliko mo Bella.." sinunod ko naman ang sinabe ni Nana Lina at pinaliko ko nga ang kabayong sinasakyan namin.

"Bababa ako.."

Presinta ni Nana Lina kaya nakabig ko ang lubid ng kabayo dahilan para tumigil ito sa pagtakbo.

"Nana Lina!"

Nagugulat kong sigaw dahil sa biglang pagtalon ni Nana Lina sa lupa habang hawak pa rin ang sulo.

"Bakit kayo bumaba? Bumalik na po kayo!" Aniya ko.

"Nasusundan nila tayo dahil sa hawak kong sulo, kailangan nating maghiwalay Bella.." sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

"Huwag ka nang bumaba, pakiusap." Aniya ni Nana Lina nang tangkain kong bumaba sa kabayo.

"Isa lang sa'tin ang makakalabas sa gubat ng buhay at gusto kong ikaw iyon, Bella."

"Nana Lina..sumakay na ulit kayo!"

Lumuluhang pakiusap ko pero umiling lang si Nana Lina habang nakahawak ang kaliwang kamay sa tagiliran nitong dumudugo!

"Wag na wag kang mawawalan ng pag-asa Bella, sisikapin kong iligaw sila pero hindi ko maipapangakong makakalabas ako ng buhay sa gubat na 'to."

Napatitig ako kay Nana Lina habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Huwag mo na akong alalahanin pa..kaya kona ang sarili ko. Mag-iingat ka. Mahal na mahal kita.."

Mga salitang binitawan ni Nana Lina bago nito hampasin ng malakas ang likod ng kabayong sinasakyan ko na mabilis na kumaripas ng takbo.

Minsan pa akong lumingon sa likod ko hanggang sa mawala na ang liwanag mula sa sulong hawak-hawak ni Nana Lina. Madilim pa rin pero kahit gano'n ay patuloy ko lang na pinapatakbo ang kabayo.

Walang kapaguran sa pag-iyak ang mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano ang nasa isip ko ngayon. Ang gusto ko lang ay makalabas sa madilim na gubat na 'to at makarating sa mansion...kung may maabutan pa ako.

Habang palayo ng palayo ang tinatakbo ng kabayo ay nagiging pamilyar naman sa'kin ang tinatahak na daan ng kabayo. Hanggang sa lumabas nga ito sa isang patag na lupa na kung saan ang unahan na nito ay Azìenda Agrìcola na't sakahan at sentro gulayan.

Malayo pa lamang ako sa Azìenda Agrìcola ay natatanaw ko na ang nagliliyab na apoy na tumutupok sa bawat kwadra ng mga kabayo! Habang papalapit ang kabayong sinasakyan ko ay lumalakas ang ingay ng mga hayop pero mas lamang ang ingay ng mga kambing!

Hindi ko kinakaya na makitang tinutupok ng apoy ang kubo at mga kwadra ng mga kabayo sa loob ng Azìenda Agrìcola at nagtatakbuhan kung saang parte ang mga kabayo at iba pang mga hayop. Maging ang unahang parte ay nagaalab din ang apoy at sigurado akong sakahan at sentro gulayan iyon!

Masakit. Sobrang sakit na makita mong tinutupok ng apoy ang lugar na madalas mong pinupuntahan. Ang lugar na nagpapagaan kapag mabigat ang aking kalooban. Wala akong nagawa kundi ang patakbuhin ang kabayo at daanan ang malawak na nagliliyab na apoy sa gilid ng kalsadang lupa.

Natatanaw ko na ang gate ng mansion! Sa kabila ng sakit at panghihina ng katawan ko ay nakuha ko pa ring ngumiti dahil sa kasiyahan matapos kong matanaw ang gate ng mansion.

Malapit ng mag-umaga kaya kahit papaano ay medyo maliwanag na. Nang tumapat ang kabayong sinasakyan ko sa gate ng mansion ay natuptop ko ang bibig ko dahil sa mga naka-handusay na mga kawal at tila pinilit na pasukin ang gate dahil giba ang kabila nito!

Agad kong pinapasok sa loob ang kabayo pero tumigil ito sa paglalakad dahil sa putol na pine tree na naka-harang sa daan patungo sa mismong mansion. Nagbabaga pa ang katawan ng putol na pine tree na maaaring natamaan sa malakas na pagsabog!

Wala na akong ibang pamimilian pa kundi ang bumaba sa kabayo at gumapang sa ilalim ng naka-harang na putol na katawan ng pine tree para makatawid sa kabila. Nang magtagumpay akong makalusot ay bumungad naman sa'kin ang tinutupok na ng apoy na ikalawang palapag ng mansion!

Paulit-ulit akong umiling habang patuloy sa paglandas ang mga luha ko! Agad akong tumakbo papasok ng mansion kahit pa mapanganib dahil sa nasusunog na ito. Iniisip ko na baka nasa loob pa sina Señor Freigo at kailangan nila ng tulong!

Maging ang main door ng mansion ay tila puwersahang sinira dahil tanggal na ito sa pinagkakabitan. Pagkapasok ko sa loob ng mansion ay bumungad sa'kin ang estanteng pinaglalagyan ng mga alak na ngayon ay wasak-wasak na maging ang basag na mga bote ng alak na nagkalat sa sahig!

"Nanay Carlotta! Señor Freigo!"

Paos kong sigaw dahil sa makapal na usok na bumabalot sa baba ng mansion.

"Ahh!"

Daing ko dahil sa bubog na naapakan pero hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may hagdan.

Paika-ika akong naglakad paakyat ng hagdan hanggang sa makarating ako sa itaas kung saan kumakalat na ang apoy.

Ang dalawang malaking sala ay gulong-gulo at basag din ang mga salamin maging ang mga mamahaling flower vase. Pinilit kong tumungo sa pasilyo at isa-isa kong pinasok ang bawat kwarto na sira na ang pinto.

Nagkalat ang mga libro sa study room at mabilis na kumakalat ang apoy sa loob kaya hindi na ako pumasok pa doon. Sunod kong tinungo ang kwarto ni Lady Giada Prima na nakaawang na ang pinto dahil mukang pinilit itong pasukin. Makalat sa loob. Sira ang dalawang malaking aparador. Kung ano ang nangyari sa kwarto ni Lady Giada Prima ay gano'n din sa kwarto nina Señorito Maximilian at Lady Vitorria.

Sunod kong tinungo ang silid ni Señor Freigo...

"Señor.."

Nanginginig kong hinawakan ang doorknob ng pinto ng kwarto pero bago ko pa man maitulak ito ay kusa na itong kumalas sa pinagkakabitan nito.

Ang kwarto ni Señor Freigo ay tila dinaanan ng malakas na bagyo dahil bawat gamit ay sirang-sira at ang kama ay nakataob! Isang hakbang ang ginawa ko pero natigilan ako at napatingin sa basang sahig na naapakan ko. Napaatras ako.

Dahil takot ako..takot ako na makakita ng dugo!

Hindi ko alam kung paano ko narating ang silid ni Señorito Primo na wala ng pinto at maging ang kwarto nito ay gulong-gulo pero ang kamang nababalutan ng puting kobre kama ay ibang iba na sa hitsura nito na pulang-pula na ngayon dahil sa nagkalat na dugo!

"S-señorito Primo.." hagulgol kong sambit.

Halos mapasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko makayanan ang naiisip ko ngayon! Nakakabaliw ang mga nangyayari!

Luhaan kong tinungo ang kwarto ko na wala man lang nagulo sa mga gamit.

Agad natagpuan ng aking mga mata ang mesang ihinanda ko sa may tabi ng bintana para sana sa magiging date namin ni Señorito Primo. Dahan-dahan akong lumapit dun at pinagmasdan ang kabuoan ng aking kwarto! Nanunuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko nawalan ako ng sasabihin hanggang sa makita ko ang librong L'amore Dimenticato na nakapatong sa stand table sa gilid ng kama ko.

Hinaplos ko ang libro. Naupo ako sa gilid ng kama ko habang yakap-yakap ang libro. Naririnig ko rin ang pagbagsak ng mga gamit sa labas na maaaring tinutupok na ng apoy.

Tila matinding bangungot ang nangyayari ngayon! Pumikit ako habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko.

Wala akong ibang nakita kundi ang nakangiting mga mukha ni Nana Lina at Señor Freigo habang nasa hapag. Kung paano suklayin ni Nana Lina ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. At ang masayahing mukha ni Señor Freigo na laging nag-aalala para sa kalagayan ko.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa kanila at kung nasaan sila ngayon pero sa tuwing 'parang' naririnig ng kabila kong tainga ang mga sinabe ng mga rebelde na maaaring wala na sila ay tila nawawalan ako ng lakas, idagdag pa ang dugong nakita ko sa kwarto ni Señor Freigo kanina.

"I love you darling.."

Tila ibinulong iyon ng hangin sa aking tainga habang yakap-yakap ko ang libro at walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Señorito Primo...
huhuhuhuhuhuhuhu.."

Hindi ko matukoy kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Matindi pa sa sakit o walang katumbas na sakit!

Mababaliw na yata ako kakaisip kung anong kalagay nilang lahat, kung humihinga pa ba sila.

"Wag na wag kang mawawalan ng pag-asa Bella.."

Pag-asa.

Hindi ko mahanap ang mga salitang iyan ngayon, Nana Lina. Lalo lang akong naiyak dahil sa pagsagi ni Nana Lina sa isipan ko na mas dumagdag lalo sa takot ko ngayon.

Alam kong tinutupok na ng apoy ang kabuoan ng ikalawang palapag ng mansion at maaaring mamaya lang ay nasa kwarto ko na ang apoy.

Pumikit ako.

Kung mamamatay man ako ngayon ay tatanggapin ko.

"Puting usa!"

Naiusal ko matapos magpakita ng puting usa saktong pagahon ko sa tubig ng talon.

Mataas ang sikat ng araw ngayon pero sa tulong ng mga matatayog na puno sa paligid ng talon ay nahaharangan nito ang sinag ng araw.

Linapitan ko ang puting usa na humiga sa damuhan at hinayaan ako nitong haplusin ang kanyang tiyan.

"Napaka-ganda talaga!"

Sambit ko habang hinahaplos ang tiyan ng puting usa. Napatingala ako dahil sa aninong humarang sa harapan ko.

"I'm going to leave..darling."

Napakurap-kurap pa ako bago tumayo at harapin si Señorito Primo na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi ka pa nga naliligo tapos aalis ka na!"

Nagtatampo kong sambit pero nanatiling seryoso ang mga mata ni Señorito Primo.

"I love you, darling.."

Tumaas ang kilay ko bago ko pinagkrus ang mga braso ko at seryoso ring tumingin kay Señorito Primo.

"Bakit parang nagmamadali ka? May pupuntahan kaba!" Naiinis kong sambit.

"Sorry.."

Kumabog ang dibdib ko dahil sa salitang binitawan ni Señorito Primo. Tila ba isang mabigat na salita ang kanyang binitawan na nagdulot ng sakit at kirot sa puso ko.

"B-bakit?!"

Nangangatal kong sambit pero tinalikuran lang ako ni Señorito Primo kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

"Mahal din kita! Mahal na Mahal!"

Humikhikbi kong sambit at nakangiti namang lumingon sa'kin si Señorito Primo bago ito tuluyang palibutan ng napakaraming mga puting paru-paro.

"Te Amo...per sempre.." (I love you..forever)

Huling narinig ko mula kay Señorito Primo bago tumama ang matinding sikat ng araw sa'king mga mata kaya napapikit pa ako para labanan ang nakakasilaw na liwanag.

"Hmmmm...haaaa!"

Naibangon ko ang kalahati kong katawan matapos ang malalim at mahaba kong paghinga.

Nagkagulo sa paligid ko at may mga mabilis na dumalo sa'kin habang may naririnig akong mabagal na pagtunog sa may gilid ko. Nagsasalita sila at tinatawag ang pangalan ko pero wala akong maintindihan.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakaputing babae na agad hinawakan ang palapulsuhan ko. Minsan pa nitong ikinakaway ang palad niya sa harapan ko habang tinatawag ang aking pangalan pero hindi ko magawang sumagot.

Dahil parang umiiyak sa sakit ang puso ko na tila ba winawarak ito.

Naramdaman ko ang mainit na pagbagsak ng mga luha ko.

"Señorito Primo.."

Unang lumabas sa'king bibig kasabay ng matinding pagbuhos ng mga luha ko.

Bella Carina.
~My Sweet Lover~

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 162 27
Sienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of her twin sister. But with the protection of h...
1.2K 219 27
Yes, she beats, yet she's one of a kind-a woman accused of murder, suffered for a crime she could never commit: killing the mother of the man she lov...
138K 2.9K 41
[U N E D I T E D | C O M P L E T E D] "I will use every wicked ways I can just to have him wrapped around my fingers." -Sariya Quervas Started: Augus...
208K 5K 44
Kira Micaella Ortiz, one of the most famous and sexiest actress/model in the whole world, ay itinakdang ipakasal sa isang successful perfectionist bu...