IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

166K 5.1K 329

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

Chapter 27

2.3K 78 2
By Lorenzo_Dy

Panganib. (Pericolo)

Mahigpit ang kapit ko sa lubid ng kabayo ko habang pinapatakbo ito, wala ring tigil sa paglandas ang mga luha ko kaya panay ang punas ko rito habang nangangabayo ako. Ang eksinang nasaksihan ko kanina ay hindi na mawala-wala sa utak ko na para bang naka-ukit na ito at mahirap nang burahin.

Mas lalong naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na baka nagawa akong pagtaksilan ni Señorito Primo dahil hindi ko ito napagbigyan kaninang umaga kaya nakipagtalik na lang siya sa iba! Hindi lang basta sa ibang babae dahil si Venice iyon! Ang babaeng pinagseselosan ko ng matindi, pinaniwalaan ko ang sinabi niya na kapatid lang ang tingin niya dito!

Leche!

Sinungaling!

Manloloko!

Kahit madilim ang daang tinatahak ng kabayo ko ay wala na akong pakialam! Siguro kung ginising ko sila at ipinaalam ko na nahuli ko sila ay maaaring magpaliwanag pa sa'kin si Señorito Primo... Lintek! Sinong niloloko mo Bella Carina?! Alam mong hindi mo kakayanin na makipag-usap sa kanya! Sobrang sakit bilang babae ang lokohin ka ng lalaking labis mong itinatangi!

Inaamin ko na natatakot akong magkaroon ng kompruntahan sa pagitan naming tatlo kung ginising ko sila kanina dahil baka sa oras na papiliin ko si Señorito Primo sa aming dalawa ni Venice ay baka lalo lang akong masaktan!

Sa larangan ng pilian ay lagi akong talo!

At kung ang estado ng buhay ang magiging basehan sa pagpili, talong-talo na agad ako! Sino ba naman ako para piliin ng isang kilalang Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio? Di-hamak na mendicante lamang ako! Hindi katulad ni Venice na ka-level ang mundo niya.

Ayaw ko nang mag-isip pa pero kahit anong pigil ko, kahit anong iwas ko ayaw akong tantanan ng kirot at sakit! Nakiusap na ako sa puso ko na 'wag na itong umiyak sa sakit pero ayaw nitong makinig! Sana pinakinggan ko na lang ang mga sinabe noon ni nanay Carlotta na subukan kong magmahal ng iba, baka sakali ngayon ay hindi ko nararamdaman ang matinding sakit na halos pumapatay sa bawat organismo sa aking katawan!

Kung sana lang ay natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito e di sana hindi tayo nasasaktan sa huli!

Ayaw ko na! Pagod na ako! Manhid na ang buong katawan ko. Ang mga bituin at kalahating buwan sa kalangitan ay saksi sa kung gaano kadurog ngayon ang puso ko! Ang kabayong sinasakyan ko ay ramdam ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pinaghalong galit at sakit na mas nananaig mula sa ikabuturan ng aking puso.

Malayo pa ang distansiya ko sa Casa Tranquillo pero dinig na dinig kona ang mga sigawan ng mga nagkakagulong tao!

Anong nangyayari?!

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa lubid ng kabayo at mabilis ko itong pinatakbo hanggang sa bumungad sa'kin ang nasusunog na peryahan at mga nagtatakbuhang mga tao habang may mga nakahandusay na rin at duguan sa gitna ng kalsada!

Maitim na makapal na usok ang bumabalot sa buong paligid ng peryahan at mula sa kabayong sinasakyan ko ay natatanaw ko ang mga batang naiwan sa loob ng mga arcade na natutupok na ng apoy!

Nakakapangilabot ang mga hiyawan at iyakan ng mga tao hanggang sa gumulantang sa'kin ang sunod-sunod na pagputok ng baril! Agad na nag-ingay ang kabayo ko dahil mukang malapit lang sa may gawi ko ang nagpapaputok ng baril!

"Mga rebelde!"

Narinig kong sigaw nung mama habang kalong-kalong nito ang batang babae na walang tigil sa pag-iyak.

"Ahhh!!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil bumulagta mismo sa tapat ng kabayo ko ang duguang likod ng mama na mabilis inalu ng batang babae ang marahil kanyang ama.

"Tay!"

Panay sa pag-iyak ang batang babae hanggang sa ito naman ang biglang bumulagta habang dumudugo ang ulo!

"Ayon!"

Nanlaki ang mga mata ko nang ituro ako ng isang armadong lalaki na may suot na puting maskara sa iba pa nitong kasamahan na mga nakamaskara at armado rin.

Agad kong kinabig ang lubid ng kabayo ko at tumalon naman ito ng mataas para malagpasan ang mga katawang nakahandusay sa gitna ng kalsada.

"Ahh!!" Hiyaw ko dahil biglang kumirot ang braso ko pagkatapos ng isang pagputok ng baril.

Nagbubungguan ang mga tao sa gitna ng kalsada at pati ang Plaza at munisipyo ay nasusunog na rin! Nahirapan akong padaanin ang kabayo ko sa kalsada dahil sa mga taong hindi malaman kung saan magtatago para isalba ang kanilang sarili.

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon! Si nanay Carlotta at Señor Freigo, ayaw ko mang isipin na may nangyaring masama sa kanila pero nandon ang malaking posibilidad na baka tama ang kinatatakutan ko, pero huwag naman sana!

"Andito!"

Napalingon ako sa rebeldeng nakatayo sa malawak na entablado habang tinatanya ang gawi ko gamit ang hawak nitong baril na para bang inaasinta ako nito sa ulo.

Walang mapaglagyan ang kaba at takot sa dibdib ko nang iputok nito ang hawak na baril pero laking pasalamat ko dahil tumalon ng mataas ang kabayo ko pero ito naman ang natamaan sa unahang kanang paa!

Muntikan na akong mahulog pero agad ding bumalik sa pagkakatindig ang kabayo ko na mabilis pa ring tumakbo para itakas ako sa lugar na iyon.

Nangilid ang mga luha ko! Ang kaba at takot ay lalong gumapang sa dibdib ko dahil sa mga sigawan, iyakan at hiyawang naririnig ko habang papalayo ako sa Casa Tranquillo. Ang madilim na kalsada ay nagliliwanag dahil sa mga bahay na natutupok ng nagliliyab na apoy!

Karumaldumal ang mga nangyayari!

Napansin kong bumagal ang pagtakbo ng kabayo ko na marahil ay sa natamo nitong tama sa paa, pero pursigido akong makarating ng mansion dahil gusto kong malaman ang kalagayan nina nanay Carlotta at Señor Freigo ngayon.

"Puti...konti na lang!"

Umiiyak kong pakiusap sa kabayo ko na bumabagal na talaga ang pagtakbo. Medyo malayo pa ako sa mansion dahil hindi ko pa nadadaanan ang bahay nina Zendy na isa ko pang inaalala ngayon!

Agad na tumigil ang kabayo ko at dahan-dahan itong umatras matapos makita ang grupo ng mga armadong rebelde na naka suot ng puting maskara. Mahigit sa dalawampu siguro ang mga ito habang ang iba sa kanila ay may mga hawak na sulo na marahil ginamit sa pagsunog sa mga bahay!

"Hulihin siya!"

Nakaturo sa'kin ang daliri ng mukang lider nila. Isang putok ng baril ang umalingawngaw kasunod ang pagsigaw ko!

"Ahhh!!!" Kumirot ng matindin ang kanang binti ko at naramdaman ko ang pagdurugo nito!

Mukang alam ng kabayo ko na nasaktan ako dahil bigla itong nag-ingay nang nag-ingay bago mabilis na tumakbo papasok ng kakahoyan! Hindi ko alam kung anong daan ang sinusuyod ng kabayo ko pero nagpapasalamat ako dahil tila gumagawa ito ng paraan para lang ilayo ako sa mga rebelde.

Patuloy lang sa pagtakbo ang kabayo ko kahit pa matarik at masukal ang madilim na dinadaanan namin pero bigla itong tumigil at bumagsak sa lupa at halos madaganan pa ako nito.

"Puti.."

Namamaos kong pagtawag dito dahil sa mabibigat nitong paghinga. Umiling ako ng paulit-ulit dahil pakiramdam ko anumang oras ay babawian na ng buhay ang kabayo ko dahil sa tama ng baril at sa sobrang pagod nito.

"Puti, 'wag mo akong iwan dito! Ikaw lang ang kasama ko ngayon.."

Nagmamakaawa kong sambit sa kabayo ko na bumabagal na ang paghinga habang patuloy naman sa paglandas ang mga luha ko!

"Puti...Puti.."

Niyakap ko ang kabayo ko dahil isang mahaba at malalim na paghinga ang binitawan nito hanggang sa  tuluyan na nga itong bawian ng buhay!

"Huhuhuhuhu..." Patuloy lang ako sa paghikbi habang niyayakap ang katawan ng kabayo ko.

Ang sakit na nararamdaman ko kanina ay mas tumindi pa lalo! Hindi ko na alam kung anong uunahin ko!

Sina Zendy?! Sina Señor Freigo at nanay Carlotta?! Si..si Señorito Primo?!

Ang pagkirot ng sugatan kong binti at braso dahil sa daplis ng bala na natamo ko ay walang-wala sa sakit na nararamdaman ko ngayon! Nawalan ako ng pinakamamahal na alaga sa isang iglap lang!

"Andiyan lang 'yan!"

Namilog ang mga mata ko nang maaninagan ko ang liwanag mula sa malayo na maaring nagmumula sa sulo.

Ang mga rebelde, nandiyan na sila!

Ayaw ko mang iwan ang wala ng buhay kong kabayo ay kinailangan kong gawin dahil para saan pa ang pagsasakripisyo nito kung hindi naman ako makakatakas sa mga rebelde?!

Dahil sa hindi ako makatayo ng maayos kaya gumapang na lamang ako kahit na wala akong makita.

Gapang..

Gapang ..

Gapang...

Gapang..

Gapang ..

Gapang...

"Ahh!"

Natuptop ko ang bibig ko dahil sa ingay na nagawa ko, naramdaman kong may tinik na bumaon sa hita ko at mukang malalim ang naging pagbaon nito!

"Hanapin niyo! Nandiyan lang 'yan!"

Kagat labi kong kinapa ang kaliwang hita ko para alisin ang kung anumang tinik na bumaon dun na mukang galing sa sanga ng isang matinik na ligaw na damo.

Nagtagumpay akong tanggalin ang tinik na bumaon sa hita ko at kahit medyo hindi ako makatayo ng ayos ay pinilit ko pa rin, maingat akong naglakad ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

"Nandito ang kabayo pero wala ang huwad na apo ng bobong Señor Freigo na sigurado akong nag-aagaw buhay na ngayon!"

Parang tumigil sa pagpatak ang mga luha ko matapos kong marinig ang sinabe ng isa sa mga rebelde!

Si Señor Freigo!

Anong nangyari kay Señor Freigo?!

Anong ginawa nila kay Señor Freigo?!

Dahan-dahan kong natakpan ang bibig ko habang tahimik na umiiyak at nagtatago sa likod ng puno.

Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay Señor Freigo at nanay Carlotta!

"Ang mayabang na hinayupak na Primo? Nasaan na?"

Ramdam ko ang galit sa boses ng rebelde.

"Hindi ko alam, iba ang inutusan ni pinuno na pumatay sa hambog na 'yun."

Kumabog ng mabilis ang dibdib ko at tila naririnig ko na ang bawat pagpintig ng puso ko dahil sa matinding kaba at takot. Ang pag-aalala ko para kay Señor Freigo at nanay Carlotta ay lalong sumidhi dahil sa kung anu-ano na ang naiisip ko sa maaring kalagayan ngayon ni Señorito Primo dahil kahit nasaktan ako nito kanina lamang ay hindi pa rin mawawala ang matindi kong pag-aalala para dito.

Bakit hindi ako mag-aalala kung sa tinig ng mga rebelde ay hindi ito magdadalawang isip na pumatay ng tao?!

"Ang huwad ang pinapadukot sa'tin ni pinuno, mukang may plano si pinuno sa dalagang iyon!"

Ang labis na kaba at takot ay mabilis na bumuhos sa buong sistema ko! Hindi ko alam kung saan ako dadaan para lang matakasan ang mga rebelde dahil bukod sa nawalan ako ng lakas ay madilim din dito sa loob ng gubat!

Inihakbang ko ang mga paa ko at maingat na naglakad pero..

Accckkk!

Natigilan ako dahil sa sangang naapakan ko na naglikha ng malakas na ingay!

"Isa.."

"Dalawa.."

"Tatlo.."

Para akong tanga na nag mamadaling tumakbo kahit kumikirot ng matindi ang mga sugat ko. Ang pagbibilang ng rebelde ay nagdudulot sa'kin ng masidhing takot na baka mahuli nila ako!

Patuloy sa paglandas ang mga luha ko habang hirap na tumatakbo sa loob nitong madilim na gubat at paulit-ulit na umiiling.

"Ahh!"

Masakit ang pagkakabagsak ko sa madamong parte dahil sa may pumatid sa'kin habang tumatakbo.

"Nahuli ko na!"

Agad akong nagpupumiglas nang hawakan ako sa braso ng naka-puting maskara na rebelde.

"Bitawan niyo ako! Pakawalan niyo ako!"

Nagsisigaw ako habang pinipilit na makawala mula sa rebeldeng mahigpit ang pagkakahawak sa dumudugo kong braso!

"Pinahirapan mo pa kami!"

Aniya ng isa sa mga rebelde na nakalapit na sa gawi ko. Lumiwanag ang buong paligid dahil sa mga sulong dala-dala ng iba pang rebelde.

"Bakit niyo ginagawa 'to?! Ang daming inosenteng nadamay! Marami ang buhay na nawala, alam niyo ba 'yun?!"

Halos pumipiyok kong sambit at ayaw matigil sa pagpatak ang mga luha ko!

"Anong kasalanan ng mga De Lucio sainyo? Naging mabuti kaming tao!" Panunumbat ko na tinawanan lang nila.

"Hindi ka naman De Lucio, oy!"

Mas lalong lumakas ang tawanan dahil sa sinabe ng rebeldeng may hawak sa sugatan kong braso na panay na ang pagtulo ng dugo.

"Mananagot kayo sa batas! Pagsisisihan niyo lahat ng kawalang hiya niyo!" Puno ng galit at poot kong sambit.

"May sasalo ng lahat ng ito at isang bagay lang ang nasisigurado namin, hindi kami ang magnanagot sa batas."

Lalong kumulo ang dugo ko at sumidhi ang pagaalab ng galit at poot sa dibdib ko. Mga wala silang kasing sama!

Magsasalita pa sana ako ngunit isang matigas na bakal ang malakas na humataw sa batok ko hanggang sa umikot ang paningin ko at mawalan ako ng malay!


Lumulubog ang mga paa ko sa pinong puting buhangin habang sinusundan sa paglalakad ang babaeng nakaputi. Banayad ang paghampas ng alon sa mga bato, asul na asul din ang payapang karagatan at ang mga bundok sa paligid nito ay luntian at napaka-ganda nitong pagmasdan.

Napaka-payapa sa lugar na ito na kahit ang maging paghuni ng mga ibon sa paligid ay parang magandang musika sa pandinig ko. Lahat ng takot, kaba, at sakit na nararamdaman ko ay nawala sa isang iglap, sobrang gaan ng pakiramdam ko.

"Sandali po, saan po ba talaga tayo tutungo..mama?"

Aniya ko habang tinatanaw ang unahan ng pinong puting buhangin na mukang walang katapusan.

"Bella, anak. Gusto mo ba sa lugar na ito?"

Nakangiting tanong ni mama sa'kin na parang hindi ito dinapuan ng sakit noon dahil sa maaliwalas nitong hitsura.

"Nasaan po ba tayo?" Nagtataka kong tanong.

"Paraiso."

Tipid at nakangiting sagot sa'kin ni mama habang nakatanaw sa asul na karagatan.

"Nasa paraiso tayo kung saan wala kang sakit, pagod o gutom na mararamdaman. Sa lugar na ang buhay ay walang hanggan."

Sinundan ko ang mga mata ni mama na ngayon ay pinagmamasdan na ang malayang puting ibon na lumilipad sa himpapawid.

"Pasensiya na po kung naging mahina ako, mama."

Madamdamin kong sambit na ikinalingon ni mama.

"Hindi ka mahina, takot ka lang."

Aniya ni mama na lumapit na sa'kin at inayos ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng aking tainga.

"Marami po akong nagawang kabiguan sa buhay, napakasama ko rin po.." Aniya ko.

"Mabait ka, abusado lang sila."

Aniya ni mama na hinawakan na ang mga kamay ko.

"Pagod na po ako."

Tanging nasambit ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Ang buhay ay hindi karera ng mga kabayo na kailangan tuloy-tuloy sa pagtakbo, kung pagod ka na p'wede namang tumigil saglit para mag pahinga tapos takbo ulit, kung iniisip mo naman na mapagiiwanan ka dahil sa tumigil ka sandali, ayos lang 'yun. Ang mahalaga ay nagpatuloy ka. Nakarating ka."

Tagos sa puso ang mga salitang binibitawan ni mama na tila pinapangaralan ako nito. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinagmasdan ko ang malayong bundok na nasa kabilang dulo ng dagat dahil napaka-ganda nitong pagmasdan.

"Maganda po ba dun?"

Aniya ko at itinuro sa mama ko ang perpektong hugis likod ng pagong na bundok.

"Gusto kong pumunta sa lugar na 'yun. " Nakangiting dagdag ko.

"Malayo 'yun." Aniya ni mama.

"Ayos lang ho, may bangka naman ho siguro dito."

Aniya ko bago luminga sa paligid pero wala akong nakitang bangka.

"Kung gusto mong makarating sa nais mong patunguhan, h'wag kang gumamit ng kahit na anong bagay na magpapadali sa iyong paglalakbay dahil hindi mo malalasap ang tunay na katagumpayan kong wala kang hirap na pagdadaanan."

Bumuntong hinga ako bago ulit tanawin ang bundok sa kabilang dulo ng dagat.

"Lalangoy na lang po ako."

Presinta ko kay mama na gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi.

"Mapanganib ang karagatan, pwedeng malunod ka sa gitna o tangayin ng malakas na alon patungo sa ibang direksiyon, pero sa oras na mangyari iyon hayaan mong sumabay ka sa indayog ng alon dahil sa huli sa mababaw na parte pa rin ang iyong distinasyon. Mag-iingat ka, anak."

Unti-unting naglaho si mama habang nakangiting kumakaway  sa'kin. Tumalikod na rin ako at hinayaan kong mabasa ang mga paa ko dahil sa alon ng dagat na tahimik na humahampas sa dalampasigan.

Malamig...

Malamig ang buong pakiramdam ko...

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko hanggang sa tuluyan ko nang maimulat ang mga pagod kong mga mata.

Maingay..

May mga nagtatawanan sa paligid..

Iginala ko ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang bubong na gawa sa dahon ng niyog. Nangunot ang noo ko at pinakiramdaman ko ang hinihigaan ko na mukang gawa sa kawayan.

Papag?

Wala akong ibang makita bukod sa maliit na apoy na nasa may ibabang unahan ng hinihigaan ko na sa tingin ko nga ay papag.

Nauuhaw ako..

Kaya sinubukan kong tumayo pero nagulantang ako!

Dahil...

Nakagapos ang mga kamay at paa ko!

Huli na nang maalala ko na bihag pala ako ng mga rebeldeng nagkakasiyahan sa labas nitong maliit na barong-barong.

Bella Carina.
~My Sweet Lover~

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 1K 57
Flor knew that she's crazy in love with her childhood bestfriend, Ulysses Valentino Montejo, but why she keeps on surrendering herself with the devil...
20.2K 294 42
Walang ibang magawa si Patrice Belen kundi ang pakasalan si Eren Mendoza dahil sa utang na loob niya sa magulang nito. She never dreamed to have a ru...
14.1K 217 44
Nikita Aphrodite Montello is a jolly girl who wants to be a successful nurse. One of her dreams is to be love by the person she really love, pero til...
2.3K 80 52
AKIRA GAIL SANTIAGO a.k.a diyosa she half Japanese and half Filipino. noisy and never -ending stories. many envied it because of its beauty until she...