IL Mio Dolce Amante (My Sweet...

By Lorenzo_Dy

179K 5.2K 336

Ulila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari... More

Warning
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Wakas
SPECIAL ANNOUNCEMENT!
ABOUT THE AUTHOR

KABANATA 22

3.1K 112 21
By Lorenzo_Dy


Lumipas ang mga araw at kahit papaano ay nagagawa kong ngumiti at makalimutan ang malamig na pakikitungo sa 'kin ni Señorito Primo sa tulong ng araw-araw na pagbisita ni Nana Lina sa mansion katulad na lang ngayon na nagkataon naman na nandito rin ngayong araw ang kaibigan kong si Zendy na galing maynila.

"Tama ba ang ginagawa ko, Bella?" Tanong ni Nana Lina habang dinidikdik ng pino ang buto ng cacao na ibinilad namin sa araw para gawing tsokolate.

"Opo, pero konting dikdik pa po." Turan ko habang isinasalin naman sa mangkok ang mga nadikdik kong buto ng cacao.

Habang nakaprenteng upo lang si Zendy na pinapanood lang ang ginagawa namin at kinukutkot ang kaniyang kuko. Pumasok naman si nanay Carlotta rito sa kusina na galing sa lutuan habang may dala itong juice at bibingka.

"Mag merienda muna kayo." Alok ni nanay Carlotta bago niya lagyan ng bibingka ang maliit na platito.

"Finally! May pagkain na." Tuwang sambit ni Zendy na kinuha agad ang bibingkang inilagay ni nanay Carlotta para sana sa'kin.

"Pagkain lang talaga ang hinihintay mo." Biro ko at sinimangutan naman ako nito.

"Hindi naman po kasi ako maalam kung paano gumawa ng tsokolate." Hirit nito na sunod-sunod na ang pagkagat sa bibingkang hawak niya.

"Puro ka kain kaya ka nananaba." Biro ko at mabilis namang binitawan ni Zendy ang bibingka sabay tingin sa buong katawan niya lalo na sa braso nito.

"Talaga? Hala! Ayokong tumaba!" Napailing na lang kami nina nanay Carlotta dahil kumuha pa ng isang hiwa ng bibingka itong si Zendy. Magiliw naming tinikman ni Nana Lina ang bibingka na ginawa ni nanay Carlotta lalo't paborito namin ito. Saglit lang kaming natigilan dahil sa pagpasok ni Señorito Primo sa kusina.

"Hijo, halika sabayan mo kaming kumain." Nakangiting alok ni Nana Lina kay Señorito Primo na tumango lang bago buksan ang double refrigerator.

"Suplado po 'yan." Pabulong na saad ni Zendy pero sapat na para marinig namin.

Ngayon ko lang ulit siya nakita ngayong araw. Kahit nasa loob kami ng iisang bubong ay malimit na lang kami kung magkita dahil madalas ay nasa Azìenda Agrìcola ako kasama si Nana Lina at nasa construction site naman siya. Hindi na rin siya sumasabay sa amin na kumain kaya hinahatiran na lang ito ni nanay Carlotta sa kaniyang kwarto dahil daw sa pagiging sobrang abala nito sa construction site at sa mga dokumentong inaasikaso nito na may kinalaman daw sa pagiging konseho niya sa palasyo ng Roma Infinite Palace ayon naman kay Señor Freigo.

"May kasintahan ka na ba, Bella?" Nilingon ko si Nana Lina na seryoso sa kaniyang tanong.

"Naku, wala pang kasintahan iyan." Si nanay Carlotta ang sumagot na sinasadyang laksan ang boses para marinig ni Señorito Primo na may hinahanap yata sa loob ng double refrigerator.

"Huh? Bakit naman wala pa? Sa gandang mong dalaga, imposibleng wala." Turan naman ni Nana Lina at sasagot na sana ako pero inunahan na naman ako ni nanay Carlotta.

"Maraming manliligaw pero walang natitipuhan, 'di ba anak?" Malokong ngumiti sa 'kin si nanay Carlotta na gustong-gusto ang asarin ako pagdating sa mga ganitong bagay lalo na kapag nandiyan ang Señorito.

"Pihikan po ang kaibigan kong 'yan." Singit ni Zendy na nakakarami na ng bibingka.

"O baka naman may hinihintay ka lang na manligaw?" Saad ni Nana Lina na humagikgik pagkatapos lingunin si Señorito Primo.

"Bakit mo pa kasi hinihintay iyon kung pwede mo namang palitan." Sinadyang lakasan ni Zendy ang boses niya.

"Tama ang kaibigan mo anak, baka sa kakahintay mo magaya ka sa 'kin na tumandang dalaga." Gatong naman ni nanay Carlotta.

"Baka nandiyan lang 'yong para sa 'yo Carlotta, hindi pa huli ang lahat. Ihalimbawa mo na lang ako na nakabingwit pa ng isang Karding." Sabay na tumawa si Nana Lina at nanay Carlotta na kalaunan ay nagkaron ng sariling usapan tungkol sa mga tipo nila sa isang lalaki.

"Taray naman ng dalawang 'to, kinabog pa ako." Mapait na sambit ni Zendy kina nanay Carlotta at Nana Lina habang inuubos ang tirang bibingka.

Nag-aalangan naman ako na iangat ang aking mga mata dahil ramdam ko ang mga titig ni Señorito Primo na nakatingin sa gawi ko habang umiinom ito ng soda na paborito niya.

Pagsapit ng hapon ay inilibot ko si Nana Lina sa buong mansion kasama si Zendy na nag-ala tour guide ang dating dahil siya ang nagsasabi kay Nana Lina kung nasaang parte na kami ng mansion.

"Ang laki naman ng mansion na ito! Siguradong maliligaw ako kapag iniwan niyo ako rito." Manghang sambit ni Nana Lina na inililibot ang mga mata sa salas dito sa itaas.

"Sinabi niyo pa po. Baka nga may multo na rito sa sobrang laki." Sambit ni Zendy at mabilis na kumapit sa braso ni Nana Lina dala ng pananakot sa sarili.

"Meron nga, nagagalit pa nga sila sa mga maiingay dahil ayaw nilang mabulabog." Pabirong saad ko at lalong humigpit ang kapit ni Zendy sa braso ni Nana Lina.

"Sorry! Joke lang po 'yon." Napailing na lang ako dahil paniwalang paniwala naman si Zendy sa sinabi ko at nauna pa itong bumaba.

Naabutan namin sa baba si Señor Freigo na kinakausap ang ilang kawal na tila may masamang ibinabalita kay Señor Freigo dahil seryoso ang mga ito kaya lumapit na ako sa kanila para maki-usisa sa kung ano ang nangyayari.

"Ano pong meron, Señor Freigo?" Nag-aalala kong tanong dahil bakas ang gulat sa mukha ni Señor Freigo.

"May nakawan daw na naganap sa Casa Tranquillo." Hindi makapaniwalang saad ni Señor Freigo kaya't nanlaki ang mga mata ko dala na rin ng pagkagulat.

"Ngayon lang nangyari ito!" Nag-aalalang sambit ni nanay Carlotta at sang-ayon ako sa sinabi niya.

"Señor Freigo! Señor Freigo!" Lahat kami ay napatingin kay mang Karding na hinihingal na tumatakbo papasok ng mansion.

"Mahal, anong nangyari? Bakit parang nagmamadali ka?" Salubong ni Nana Lina kay mang Karding.

"Mahal..." Hinihingal na saad ni mang Karding kaya pinaupo namin siya sa sofa at nagmamadali namang kumuha ng tubig sa kusina si nanay Carlotta.

"Uminom ka muna." Alok ni nanay Carlotta at iniabot kay mang Karding ang tubig na nasa baso. Nang mahimasmasan si mang Karding ay 'saka ito nagkuwento.

"Ang mga inani naming palay noong nakaraang linggo ay ninakaw!" Nagagalit na saad ni mang Karding kaya pinapakalma ito ni Nana Lina.

"Diyos ko!" Hindi makapaniwalang saad ni nanay Carlotta dahil ngayon lang nangyari ito.

"Papasamahan ko kayo Karding sa mga kawal ko pabalik ng sakahan at nais kong alamin ninyo kung sino ang nasa likod nito." Maawtoridad na sambit ni Señor Freigo na hindi pa rin makapaniwala.

"Kailangan ko lang magtungo sa Casa Tranquillo ngayon dahil malala raw ang naging panloloob sa bawat establisyemento." Dagdag pa ni Señor Freigo bago isuot ang itim niyang pahabang sumbrelo.

"Sasama po ako." Presinta ko kay Señor Freigo at tumango naman ito.

Sakay ng karwahe ay nag-tungo kami ni Señor Freigo sa Casa Tranquillo para alamin ang nangyari. Ayon sa nakausap naming kawal kanina ay marami raw ang nilooban na establisyemento ang mga magnanakaw at mga armado rin daw ang mga ito.

Pagdating namin sa tapat ng munisipyo sa Casa Tranquillo ay naroon ang mga nag-iiyakang mga tao habang nagsasalita si mayor Enrico sa unahan ng malawak na entablado kung saan madalas ginaganap ang seremonyas tuwing piyesta ng bayan.

"Gagawin ko ang lahat mapanagot lang ang mga rebeldeng nagnakaw at pumasok dito sa Casa Bel Palazzo!" Turan ni mayor Enrico sa mga taong nag-iiyakan.

"Señor Freigo..." Humahagulgol ang isang ale na lumapit kay Señor Freigo at halos lumuhod ito sa paa ng Señor .

"Ninakawan na nga nila kami! Pinatay pa nila ang asawa ko! Dinukot din nila ang dalaga kong anak!" Natuptop ko ang aking bibig dahil sa hindi ako makapaniwala sa narinig ko at halos mawalan ng malay ang ale dahil sa matinding pag-iyak nito.

"Enrico, ano ba talaga ang nangyari?" Naguguluhan at puno ng pag-aalalang tanong ni Señor Freigo.

"Señor Freigo, katulad niyo rin po ay hindi rin ako makapaniwala na pinasok ng mga rebelde ang bayan natin kanina lang na tanghali. Bawat tindahan at establisyemento rito sa Casa Tranquillo ay pinasok nila at pinag-nakawan, marami po ang sinugod sa hospital dahil sinasaktan at binabaril ng mga armadong rebelde ang sinumang pumipigil sa kanila." Imporma ni mayor Enrico na hindi na rin maipinta ang mukha dala ng pinaghalong gulat at galit dahil sa mga nangyari.

Pinagmasdan ko ang mga taong umiiyak at karamihan sa kanila ay sugatan, marami rin ang nagyayakapan dahil sa panginginig sa takot na bakas sa kanilang mga mukha.

"Paparating na po ang mga awtoridad na kinausap ko sa kabilang bayan para mag imbestiga. Marami rin po ang mga dinukot na mga kababaehan at ang iba sa kanila ay mga bata pa." Imporma ni mayor Enrico kay Señor Freigo na mabilis inalalayan ng dalawang kawal dahil halos matumba ito sa kinatatayuan.

Paano nangyari ang lahat ng 'to?

Luminga ako sa paligid at natagpuan ng mga mata ko ang isang lalaking nagmamasid sa may plaza na tanaw mula rito sa malaking entablado ng munisipyo. Bababa na sana ako sa entablado para puntahan ang lalaking nagmamasid nang may humawak sa braso ko, si Mrs. Torres.

"Ngayon mo ipakita ang pagiging isang De Lucio! Pagmasdan mo ang mga tao. Pagmasdan mo sila!" Turan ni Mrs. Torres at nando'n ang takot at awa sa mga mata nito. "Sana ay may pakinabang ang pagigi mong huwad." Dagdag pa nito bago tuluyang bitawan ang braso ko

Wala na akong sinayang na oras at dire-diretsong akong tumakbo patungo sa plaza dahil nawala na ang lalaking nagmamasid kanina.

Pumasok ako sa mga tiyange kung saan nagkalat ang mga panindang damit at walang kahit ni isang tao. Sinuyod ko ang buong palibot ng mga damitan pero hindi ko natagpuan ang lalaking nagmamasid kanina.

Lumiko ako patungo naman sa mga establisyemento at tumambad sa 'kin ang mga binasag na salamin na tindahan ng mga alahas, gadgets at iba pang mga mamahaling personal na gamit na halos wala ng mga paninda.

"Wag kang lilingon." Natuod ako sa kinatatayuan ko. "Huling paalala ko na ito sa 'yo, umalis ka na rito sa Casa Bel Palazzo." Dahil sa basag na salamin ng isang establisyemento ay nakikita ko ang repliksyon ng lalaking nasa likuran ko. Naka-itim na jacket at itim na sumbrero ito kaya hindi ko ito makilala. Ang sigurado ko lang ngayon ay siya rin 'yong lalaking sumusunod sa 'kin sa Maynila!

"Sino ka ba? Anong kailangan mo? Bakit niyo ginagawa ito?!" Kahit kinakabahan ako ng husto ay nagawa ko pa ring magsalita.

"Hindi nila ako kasamahan." Kumunot ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin?

"Umalis ka na rito sa Casa Bel Palazzo bago pa mahuli ang lahat." aniya pa pero mariin naman akong umiling.

"Hindi. Hindi ako aalis dito! Ito ang bayan ko! Dito na ako nakatira." Sambit ko.

"Inilalagay mo lang sa panganib ang sarili mo. Ang mga De Lucio, sila talaga ang pakay nila, madadamay ka lang kung hindi ka aalis dito." Lalong kumunot ang noo ko.

"Isa akong De Lucio kaya damay na ako." Paninindigan ko.

"Isa ka lang huwad, hindi ka De Lucio." Seryosong sambit nito.

"Alam ko. Pero pamilya ko na sila." Pangangatwiran ko.

"Sarmiento. Sarmiento ang apelyido mo." Sambkt nito na nagpakabog ng husto sa dibdib ko. May kung anong matinding kaba ang gumapang sa buong sistema ko.

"Sino ka ba talaga?" Mariing tanong ko ngunit nang humarap ako ay wala na ito.

"Lady Bella!" Napalingon ako sa dalawang kawal na nagmamadaling tumakbo palapit sa 'kin. "Kanina pa po namin kayo hinahanap. Sadyang mapanganib ang mapag-isa ngayon lalo na rito sa Casa Tranquillo." Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sa dalawang kawal pabalik sa may munisipyo kung saan may mga pulis nang kausap si mayor Enrico at Señor Freigo.

Lahat ng tao ay isa-isang kinuhaan ng pahayag ng mga pulis at may isang grupo na rin ng mga militar ang nagsidatingan na agad naglibot sa buong Casa Tranquillo. Halos palubog na ang araw ng makabalik kami ni Señor Freigo sa mansion at nadatnan namin ang mga magsasaka ng palay at gulay sa malawak na hardin na naghihintay pala sa pagdating namin ni Señor Freigo.

"Nandito na si Señor Freigo!" Imporma ni tatang Nestor kaya agad namang umupo ang mga magsasaka at 'yong iba ay sa damuhan na lamang umupo dahil wala ng silya.

"Señor Freigo, nabalitaan po namin ang nangyari sa Casa Tranquillo." Panimula ni kakang Nimfa. "Pati ho sa sakahan." Dagdag pa nito na nilingon si mang Karding na pinaghalong lungkot at galit ang ekspresiyon na makikita sa mukha.

"Mga wala silang puso! Pinaghirapan naming itanim at anihin ang palay pero nawala sa isang iglap lang! Mapapatawad ko pa ang pagnanakaw na ginawa nila pero iyong saktan ang mga kasamahan kong magsasaka ay husto na!" Nagagalit na saad ni mang Karding at wala namang tigil sa paghaplos si Nana Lina sa likod nito.

"Huwag kayong mag-aalala dahil gumagawa na ng hakbang ang mga awtoridad para matugis ang mga rebelde." Pagpapahinahon ni Señor Freigo.

"Hanggang kailan po kaya magtatagal ang ganitong sitwasyon dito sa Casa Bel Palazzo? Nakakatakot kung gawing pugad ng mga rebelde ang ating bayan." Turan ng isang magsasaka at kaniya-kaniyang simpatya na.

"Huwag kayong matakot," pagpapatigil ni Señor Freigo sa mga magsasaka. "Sabi ng mga pulis at militar ay maaaring napadaan lamang ang mga grupo ng rebelde rito sa Casa Bel Palazzo ''gaya sa nangyari sa kabilang bayan. Wala ring posibilidad na manatili sila rito dahil hindi tago ang bayan ng Casa Bel Palazzo." Paliwanag ni Señor Freigo kaya nakahinga naman ng maluwag ang mga magsasaka.

Kahit sa hapunan ay gano'n pa rin ang pinag-uusapan namin ni Señor Freigo at napansin ko kaagad ang sobrang pag-aalala niya dahil sa nangyari.

"Magiging maayos din po ang lahat, Señor Freigo." Sinserong saad ko para mabawasan kahit papaano ang pag-aalala niya.

"Naniniwala rin ako sa sinabi mo anak." Sang-ayon naman ni nanay Carlotta na nasa gilid ko kaya napangiti ako.

Matapos ang hapunan ay tinulungan kong mag ligpit si nanay Carlotta kaso may pinakiusap siya sa'kin na hindi ko natanggihan.

Maingat akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Señorito Primo habang bitbit ko ang hapunan nito na nakalagay sa tray. Nakakailang katok na ako pero wala pa ring sumasagot kaya pinihit ko na ang doorknob ng pinto at diretsong pumasok sa loob.

Nakapatay ang mga ilaw bukod sa lampshade na nasa gilid ng kama kaya inilapag ko na lang ang tray sa round table na malapit sa may aparador.

"Nasaan ba siya?" Turan ko dahil mukhang wala ito sa kwarto niya.

"I'm here." Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil naramdaman ko ang malamig na hangin at paggalaw ng labi sa likuran ng tainga ko.

"H-hinatid ko lang po ang hapunan n-niyo." Nangangatal kong sambit dahil nararamdaman ko na parang kinakagat niya ang likod ng aking tainga. "Kumain na po k-kayo." Dagdag ko pa.

"Ayoko." Napakurap ako dahil sa matigas na tagalog nitong sagot.

"Baka magutom ho kayo." Hindi ko alam kung bakit natatagalan ko ang posisyon namin kahit pa nararamdaman ko ang umbok sa kaniyang baba na tumatama sa likuran ko.

"I don't like the food." Aniya at naramdaman ko ang mga haplos niya sa baywang ko.

"Eh, ano po ba ang gusto niyo? Magluluto ako ng bago." Presinto ko at narinig ko ang pagngisi nito habang patuloy sa pagdampi ang mga labi niya sa batok ko na nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa buong sistema ko.

"Really? Hmmm?" Nag-iisip na aniya habang naglalakbay sa likod ko ang mainit nitong palad na nagpapatindi lalo sa init na nararamdaman ng aking katawan. "You." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Señorito Primo.

"H-huh? May pagkain bang gano'n?" Nakanguso kong saad. Ganito ba talaga siya? Matapos niya akong hindi pansinin ng ilang linggo, papahirapan niya naman ako ngayon.

"Meron, lalo na kung nakahiga." Mabilis akong lumayo kay Señorito Primo at inis akong humarap dito.

"Seryoso kasi! Ano bang gusto mong kainin?" Puno ng iritasyon kong saad pero tumawa lang si Señorito Primo na ikinais ko lalo.

"I said, YOU." Itinuro pa ako nito kaya inis akong napapadyak dahil hindi ko ito makausap ng matino.

Ganito niya ako kakausapin pagkatapos ng malamig niyang pakikitungo sa 'kin!

"Lay down to the bed."

"Bakit naman ako hihiga? Kakain ka lang naman." Punong iritasiyong sambit ko.

"Paano kita kakainin kung nakatayo ka?" Nakangising saad ni Señorito Primo kaya inis akong napahilamos sa mukha ko gamit ang mga palad ko.

"Bakit ako ang kakainin mo? Mukha ba akong pagkain?!" Napupuno kong sambit pero lalo lang lumawak ang ngisi ni Señorito Primo na kinagat pa ang ibabang labi niya kaya naasar lalo ako.

"You are better than to any kind of food. That's why I want to taste you. So lay down to the bed and spread you're legs, darling." Uminit ang buong sistema ko at halos ramdam na ramdam ko ang pagtayuan ng mga balahibo ko lalo na nang ngumisi si Señorito Primo at pinatunog ang mga daliri niya na para bang sasabak ito sa isang giyera.

"Bahala ka ngang magutom!" Inis kong saad at binunggo ko pa ito bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya at padabog na isinarado ang pinto, pero bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay narinig ko ang malakas na pagtawa ng Señorito.

Continue Reading

You'll Also Like

595K 14K 42
-Dangerous Roads Series #2 Elton Roux - who hates younger age of girls having a crush on him. Gusto niya ang mas matanda sa kanya ng ilang taon dah...
8.5K 918 33
"There will always be a person who usually loves you in private."
317K 9.1K 36
REIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak h...
336K 7.1K 26
Bridget Clemenza is the only child of the Mayor of Pasig, Was a College student when her life changed because of the one night stand. She bear a chil...