The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XLI: Pamamaalam

52 2 3
By juanleoncito

Tiningnan ang relo, alas kwatro. Narito sa loob ng sasakyan, matulin ang pagpapatakbo. Hindi mapakali nang hindi pa rin matanaw si Aya.

“Anong oras na? Hindi pa rin umuuwi si Aya,” bulong ko sa sarili ko na para bang ilang beses na pinipihit ang manobela ng kotse.

Tanging pagpisil sa kamay ang nagagawa. Pawang bilis ng tibok ng puso ang napapakinggan.

“Aya, saan ka na ba?” bulong muli sa sarili.

Hindi na napigilan ang sarili, ako ay napabuntong-hininga kung kaya ay napag-isipan na lamang na tumungo roon sa aming naging tagpuan. Nagbabaka-sakaling baka naroroon siya.

Kaliwa’t-kanang paglingon sa daan, mahigpit na pagkahawak sa manobela. Ganoon na lang din ang pagbungad ng kulay kahel na kalangitan nang ito ay tinignan.

“Aya? Aya?” paulit-ulit kong bulong sa sarili na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ipinatuloy na lamang ang pagmamaneho patungo sa paroroonan. Hindi na inisip ang sarili’t mukha, ninanais lamang na ito ay makita.

Ramdam ang pamamawis sa buong katawan na para bang hindi naman naiinitan at haplos lamang ng hangin ng aircon ang nararamdaman.

Tila bang ramdam din ang pagkahingal. Ako na ay muling huminga ng malalim at itinuon muli ang mga mata sa daan kasabay ang pagpawi ng pawis na dumadaloy sa aking mukha.

Saktong isang oras ang nakalipas, agad ng bumaba ng sasakyan nang narating na ang paroroonan. Dali-daling naglakad patungo sa tuktok ngunit nang narating ito ay tila bang bumungad sa aking mga mata ang kanina pang hinahanap.

Pawang nagmistulang ilaw ang kanyang presensyang umaayon sa kagandahan ng palulubog na araw.

Agad itong nilapitan sabay pag-ayos ng sarili ko.

“A-Aya? N-Nandito ka lang pala. Hinintay kita, diba sabi mo babalik ka?” nauutal kong pagbigkas.

“Love, babalik naman talaga ako eh. Hindi mo talaga matiis na hindi ako makita ano?” pagbibiro niya pa kasabay ang pagtawa ng bahagya.

Tila bang ngayon ko lang muli natanaw ang kanyang mga ngiti at pagrehistro ng saya sa kanyang labi.

“E-Eto naman. Kinabahan lang ako, baka mawala ka na naman sa paningin ko.” Pangungusap na ibinigkas ko at napangisi na lamang ng bahagya.

“A-Ahh...”

“T-Tingnan mo ‘yung kalangitan, napakaganda,” saad ko at tumingin sa kanya, “You know what Love, I’m always wanting this to happen again... kasama ka, sa ating tagpuan.”

“A-And look, you fulfilled it...” ani Aya.

“No. We fulfilled it.”    

Ito ay ngumisi na lamang ng bahagya habang ako ay nakatingin pa rin sa kanya.

"Maganda nga talagang tignan 'yan ano?" pagbaling nito na para bang ang tingin nito ay nasa kamay ko.

Ako na lamang rin ay napatingin at tinanaw ang aking pupulsuhan.

"Oo naman," tawa ko, "Tingnan mo 'yung sa'yo, diba umiyak ka pa niyan noong pinagawa natin?"

Tila bang natawa na lamang muli habang nagkokompara pa rin ng tattoo-ng parehong nasa aming pupulsuhan.

"Hindi naman ako umiyak. Ikaw naman kasi may pa sorpresa ka pa," bigkas niya pa at ito ay ngumisi.

"Pero tingnan mo, naging simbolo natin 'to. Naging simbolo ng pagmamahal natin ang takipsilim," saad ko at binigyan ito ng pagngisi.

Tiningnan muli ito sa mga mata tila bang mga luha nito ay namumuo na.

“What’s with that cry?” pagtataka ko at agad niyang pinahiran ang luha niya.

“I-I love you, Lance. Mahal na mahal kita. And I’m so happy that I found someone like you,” mangiyak-ngiyak pa rin nitong pagbigkas na tila bang muling nagpakunot ng noo ko.

Ito na lamang ay nilapitan at pinahiran ang panibagong luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

“Aya, you know that I love you too at walang magbabago roon.” Pangungusap ko habang patuloy pa rin ang pagpahid ko ng mga luha niya.

Tila bang sa pagkakataon ay unti-unti nitong hinawakan ang aking mga malalamig na kamay na para bang kanya ay nanlalamig na rin. Ganoon din ang pagsang-ayon ng mga ulap at ihip ng hangin.  

“Love, I’m sorry for everything---”

Ako na lamang ay ngumiti sa kanya at tinitignan ang nangungusap nitong mga mata.

“Aya, I don’t want to live without you. Kung ano man ‘yung nangyari sa buhay natin noong mga nakaraan... dapat nakalimutan na natin ‘yon because we can start again, we can live again.”

“I-I think we can’t...” bigkas nito na nagpakunot ng noo ko.

Tila bang bumigat ang nararamdaman ko nang narinig ang mga salitang binigkas nito. Muli ko na lamang pinahiran ang kanyang mga luha na pawang nagpabuo ng mga luha ko.

Ako ay umiling at sinubukang magsalita. “A-Ano bang sinasabi mo?”

Agad itong sumagot na nagpabagsak ng luha ko. “I think we can’t be together as we used to.”

“A-Aya, ba’t mo ba ‘to sinasabi sa akin?” pagtataka ko’t hindi pa rin maliwanagan sa mga sinasabi niya.

“Babalik na ako, Lance. Babalik na ako kung nasaan dapat ako.”

“Bakit nasaan ka ba dapat? Nandito ka naman ah?” sunod-sunod kong pagbigkas sabay pagtapat ng kanang kamay ko sa aking kaliwang dibdib.

Pawang mas lalong naramdaman ang malamig na pag-ihip ng hangin, ganoon na rin ang pagdaloy ng mga luha ko’t hinayaan itong bumagsak.

Ako na lamang ay bumuntong-hininga sabay pag-ayos ng sarili at muling nagsalita. “Teka, ano bang dapat kong gawin para manatili ka? A-Ahh---”

Hindi ko na natapos ang pangungusap ko nang agad itong tumagpi ng mga salita.

“L-Lance, wala kang dapat na gawin.”

“H-Hindi, mayro’n dapat akong gawin. Ganito, a-ahh...”

Ramdam ko ang pagkaaligaga, paulit-ulit na nauutal kung kaya ay hindi pa rin naiintindihan ang mga pahiwatig niya.

“Lance...” tawag niya pa.

“A-Ano bang dapat kong gawin?” pag-utal ko na tanging pagpisil sa kamay ang nagagawa, “Dapat may gawin ako!”

Hindi ko napigilang mapasigaw kung kaya ay ganoon na lang din ang paglapit nito sa akin sabay pagpapakalma nito sa akin.

“Love, sabi ko diba... wala kang dapat na gawin,” pagsalita niya pa’t hinawakan ang aking mga kamay.

“Pero babaguhin pa natin ang mundo diba? Babaguhin pa natin ‘yong mundo...”

“Love, we don’t need to change it. We just need to free ourselves.”

“W-Why would we need to free ourselves?” mangiyak kong tanong sa kanya.

“Dahil doon lang natin malalaman kung hanggang saan tayo dadalhin ng pagmamahal natin.”

Ako ay naistatwa sa sinabi niya tila bang siya ay ngumiti lamang nang wala ng luhang nakikita mula sa kanyang mga mata.

“Ikaw pa nga ang nagsabi diba, the sun is us, the ocean is the mirror. Kapag tuwing nakaharap tayo sa salamin doon pa natin malalaman kung ano ang gusto nating gawin and that is to let yourself free and to let yourself love you even more.”

Diretso pa rin ang tingin sa kanya. Hindi magawang tumagpi ng kahit isang salita’t nagagawa na lamang ay ang pagpawi ng mga luha.

“Hindi pa naman huli ang lahat eh. I can still be the person who you always have at ikaw pa rin ‘yong Lance na mamahalin ko. Hindi mo na ako kailangan hanapin. Hindi mo na ako kailangang makita because you always know that I have you in my heart at iyon ang tatandaan mo.”

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luhang hindi napigilan. Tila bang ako na lang ay purong istatwang hindi makagalaw at tanging paghingos lang ang nagagawa.

“I-Iiwan mo na ako?” tanong ko sa kanya.

“Hindi. Hindi kita iiwan but I’m still on your side, your motivation, your inspiration. Malayo na ang narating mo and I’m so... so proud of you.”

Magkahalong emosyon, hindi matanto kung anong umuusbong. Ganoon na rin ito nang nakikitang ngumingiti’t pinipigilan ang pamumuo muli ng kanyang mga luha.

“Paano ka? Paano ako magiging okay kung ikaw hindi?” mga katanungan ko sa kanya.

“Huwag mo ‘kong alalahanin dahil ang mas importante ay magiging okay ka,” pagsagot nito.

Siya na lang ay tumango at muling napangisi ng bahagya.

“Don’t worry, I’m still the sunset you always wish to see.”

Dahil sa pangungusap na binitawan niya ay tila bang gumaan ang loob ko’t nawala ang lungkot sa aking mga mata nang sa ganoon ay agad ko itong niyapos ng mahihigpit na yakap. 

Hinay-hinay na kinalas ang pagyakap sa kanya at muli akong nagsalita. “Thank you.”

Sinuklian niya ako ng ngiti kasabay rin ang pagtila ng mga luha. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay hindi na nakagalaw nang hindi ko na napigilang iparamdam ang labi ko sa kanya.

Tila bang sumasang-ayon ang senaryong kulay kahel na nakabalot sa aming nararamdaman. Pawang nagtagal ng ilang segundo bago napaigtad pareho.

“P-Pasen---” pag-utal ko’t napahiya sa pagkakataong ito.

Siya na lamang ay natawa habang ako ay patuloy sa pag-atras. Pawang nahihiya, ganoon na lang din ang pagsukli ko ng mga pagngisi sa kanya.

Ito ay bumuntong-hininga at muling nagsalita. Muling napalitan ng lungkot ang pagdaplis ng kasiyahan sa aming mga mata.

“Paalam.”

Ako ay napatigil sa paggalaw kasabay ang pagtanaw muli sa kanyang tindig. Naramdaman muli ang pagbigat ng mga mata’t pagpilipit ng salita.

“P-Paalam.”

Siya ay kumaway pawang malayo na ang tanaw. Ganoon na lang din ang nakikitang pagngiti nito na kasabay ang paglayo ng distansya mula sa kanyang kinatatayuan.

Mga mata ay nakatingin pa rin sa kung nasaan siya nang ito pa rin ay kumakaway. Ngunit sa pagkakataong ito, tila bang lamig ng hangin ay muling naramdaman kasabay ang pag-angat ko ng kamay at ngumiti sa kanya.

Nakikita pa rin ang pagbungad ng takipsilim subalit ganoon na lamang ang unti-unting pagkailap ng aking paningin. Siya ay muli kong tinatanaw ngunit tila bang malabo’t hindi malaman kung nasaan.

Ako na lamang ay napahinto, hinay-hinay na idinampi ang kamay sa mukha nang naramdaman ang pagtulo ng luha. Subalit, kasabay rin nito ang paglitaw ng isang boses na tanging naririnig ko.

“B-Boy, pasensya na---” pag-utal nito na para bang kilala ko ang boses na iyon.

Pawang nawala ang lahat, purong kulay itim ang nakikita. Hindi na narinig ang boses na kanina’y pinapakinggan.

Ako ay napamulat, unti-unting napamulagat. Puno ng pagtataka’t pagtatanong. Bakit narito na ako ngayon sa kwarto ng isang ospital?

Ano bang nangyari sa akin? Wala akong matandaan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 77.8K 59
Story of Ran Martinez Romualdez (daugther of Jett and Clem of Blame Me Once) Para sa babaeng lagpas hanggang Mt. Everest ang kasungitan at madalang...
9.1K 132 5
This story is a work of fiction. Contains matured scene for open minded only. Keep off of the grass kids, seriously.! Date started: August 23 2015 Da...
Barely Naked By Cher

General Fiction

1M 31.4K 16
Nautica Consunji is the youngest daughter of the business tycoon, Yto Jose Consunji. She is a part of an influential clan and because of this, all he...
793 104 44
Blindness is the worst thing that has happened in my life. I hate the dark. Everyday, I hate seeing nothing. I hate how it makes me feel like I'm hop...