The Billionaire's Daughter |...

By UnknownPrinsesa

42.2K 1K 13

Lewelyn was a very simple girl with a simple life. Her father was a fisherman, and her mother is a simple and... More

The Lost Billionaire's Daughter
UNA
PANGALAWA
PANGATLO
PANG-APAT
PANGLIMA
PANG-ANIM
PANGPITO
PANGWALO
PANGSIYAM
PANGSAMPU
LABING ISA
LABING DALAWA
LABING TATLO
LABING APAT
LABING LIMA
LABING ANIM
LABING PITO
LABING WALO
LABING SIYAM
DALAWANGPU
DALAWAMPU'T DALAWA
DALAWAMPU'T TATLO
DALAWANPU'T APAT
DALAWAMPU'T LIMA
DALAWAMPU'T ANIM
WAKAS
SPECIAL CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

DALAWAMPU'T-ISA

1K 35 0
By UnknownPrinsesa

I'm not who

(Warning:This chapter may contain SPG scenes, please do skip if your under-age like 14 below. Thank you)

Matapos ang party noong isang linggo ay nagsimula ng paimbestigahan ng kanyang mga magulang ang nangyari, she's not affected at all dahil alam naman niya ang totoo. Alam niyang may malalim na dahilan ang gumawa no'n.

Tumunog ang kanyang cellphome, senyales na may tumatawag. Nakita niya na ito ang inutusan niyang mag-imbestiga sa mga De Une.

Umalis siya sa sala at nagtungo sa kanilang pool area.

"Hello."

[Young lady, visit your email. Naisend ko na po ang lahat ng dapat n'yong malaman.]

Napahinga siya ng malalim at pumikit ng madiin, she felt the excitement.

"Thank you."

Agad siyang lumakad papasok para magtungo sa kanyang kwarto. Nang makapasok ay inilock niya muna ang pinto bago niya buksan ang kanyang laptop.

In-enter niya ang kanyang password at nagtungo sa kanyang email.

"My Ina looks old and sick... " Nakaramdam siya ng awa, ito pa din ang nagpalaki sa kanya, ang mga ito ang kumupkop sa kanya noong panahon na nakalimutan niya ang lahat, ang mga ito ang nagturo sa kanyang kumain, magsalita, matuto at kung ano-ano pa.

Tumayo siya sa pagkaka-upo at sumilip sa kanyang pintuan.

"Nanny, pasabi kay Dad ipahanda ang yatch niya aalis po ako." Agad na Tumango ang nakita niyang katulong, sinara niyang muli ang kwarto at nag-empaki.

Hinagilap niya ang kanyang cellphone at idi-nial ang number ng isang kaibigan.

"Josky... " God! He miss this man, nangungulila siya sa presensiya nito.

[Zup Cilla.]  Her heart was so abnormal, nagwawala ito.

"Where are you? May gawa ka? Can you come with me?" Wala ng hiya-hiyang usal niya, pikit mata niyang hinihintay ang sagot nito.

[I'm not that busy, so sure, saan ba tayo?.Napangiti siya kasabay ng nakakakiliting bagay sa kanyang tiyan, para siyang nadudumi na ewan.

"Sa mindoro... "

[Okay, wait for me.]

"Ingat."

[I will.]  Halos mahinatay siya sa kilig, bakit gano'n ang nararamdaman niya? Akala ba niya ay si Duke na? Ano 'to ngayon? Anong klaseng pakiramdam ito?

Nang ibaba na niya ang kanyang cellphone ay nagtatalon siya sa kama, para siyang nababaliw. Bakit gano'n nalang ang epekto nito sa kanya?

Nang pigilin niya ang kilig ay agad siyang nag-empake, nag bihis na din siya at itinali ang kulot na buhok.

She wore halter shirt, high-waist short and ankle boots. She look so sexy and gorgeous.

Naglagay siya ng kaunting blush on sa kanyang pisngi at liptint naman sa kanyang labi. Nang masatisfied na siya sa kanyang itsura ay agad siyang kinuha ang kanyang bagpack at inilagay doon ang kanyang cellphone.

"Young lady, napahanda na po ni Don Felix ang yatch. Mag-iingat daw po kayo." Ngumiti siya sa katulong at nagpatulong siyang ibaba ang kanyang maleta. Nabigla siya ng makitang andoon na ang kaibigang si Josky.

"A-ang bilis mo naman." Naghurumentado ang kanyang puso, napakagwapo ng kaibigan niya. Bakit kaya binubully ito dati?

He was wearing a Flannel shirt na nakatupi hanggang siko, skinny pants at ang Classic HI-cut sneakers.

Napakagwapo nito sa salamin nitong bilugan at maayus na pagkakahawi ng buhok.

Bagay ang outfit nilang dalawa. Meant to be.

Kinilig siya sa isiping iyon, pero hindi niya pinahalata.

"Sakto kasing nasa malapit lang ako ng tumawag ka, kaya 'ito." Nagkibit balikat ang binata.

"So let's go?." Kinuha ng binata ang kanyang maleta.

"Ako na Josky, I can naman." Muli niyang kinuha ang maleta, pero agad 'yung napigilan ng binata.

"No, let me."

"Ako na."

"Cilla."

"I can naman." Sa pag-aagawan nila sa maleta ay nagkakatinginan na ang mga body guards ng dalaga at ang ilang katulong.

Isang agawan pa nila ay nahawakan ng binata ang kanyang kamay, napatigil silang pareho ng maramdaman ang napakalakas na kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan.

"K-kuya, ikaw na nga lang." Agad na tumango ang bodyguard at kinuha ang kanyang maleta, sabay silang napabuntong hininga at sumuko ng sabay.

"Now? Let's go?." Nang tumango siya ay agad siyang inakbayan ng kaibigan. The small electricity run through her veins, nakakainis naman ang binata. Mamamatay ata siya sa mga kuryenteng ibinibigay nito sa kanya.

Nang makalabas sa kanilang bahay ay napatingin siya sa deportiva na kulay itim na nakaparada sa kanilang parking lot.

"Want to experience something new?." The excitement ate her system.

"Is that yours?." Agad na tumango ang binata, sunod-sunod ang ngiting pinakawalan niya.

"Hell yeah! I want to try that!." Agad na inabot sa kanila ng bodyguard ng binata ang dalawang helmet. Sumakay na ito at sya naman ay inalalayan ng mga bodyguards.

Humanay ang mga katulong, at yumuko sa kanya.

"Mag-iingat kayo Young Lady." She genuinely smiled at them and nod.

"I will, kayo din. Pasasalubungan ko kayo." Agad na ngumiti ang mga katulong sa kanya at muling yumuko.

Josky started the engine, yumakap siya sa bewang nito. This is exciting!

"Hold tight, Cilla. We're gonna rock the road!." Sinunod niya ang kaibigan at sinabihan ang mga guards.

"Meet us in the port bye!." Hindi nga nagbibiro ang binata, napakabilis nitong magpatakbo. And it was hella exciting! She want to try it everyday, with Josky....

Ang hampas ng hangin ay ramdam na ramdam niya, she was so happy. Dahil naranasan niya ang ganitong bagay with this man who make her heart beat so fast.

Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango ng kaibigan, it was so sweet though bold.

Naramdaman niya ang paghawak ng kaibigan sa kanyang kamay, imbes na kabahan dahil inalis nito ang isang kamay sa manibela ay nakaramdam siya ng kilig.

Naalala niya noong nagbakasyon sila sa Palawan, bago siya mawalan ng malay.

'Hindi totoong gusto kong friend lang tayo Cilla.'

May iba bang nararamdaman sa kanya si Josky? Katulad niya?

Natigil siya sa pag iisip ng naramadaman niya na inangat nito ang kanyang kamay at ilapat iyon sa malambot at malamig na bagay.

She realize that Josky kissed her hand!

Nagwala ang kanyang puso, nagbigay 'yun ng senyales sa nga natutulog na paru-paro para maglikot.

Pinagsalikop nito ang kanilang mga daliri, kinilig siya doon. Hinigpitan niya tuloy ang pagkakayakap dito. Parang gusto niyang magpahele sa binata at matulog na katabi ito.

Nakarating sila sa port na malakas pa din ang tibok ng kanyang puso, hindi niya maintindihan ito. Nababaliw na talaga siya!

Ilang minuto lang ang hinintay nila at nakadating na din ang kanilang mga guards. Pumasok na sila sa yatch. Agad niyang hinanap ang cabin at nahiga doon, inantok siya ng biglaan.

             Naalimpungatan ang dalaga dahil sa naramdaman niyang gutom, pero bago pa siya magmulat ng mata ay may naramdaman siyang mabigat na dumadagan sa kanyang bewang. Iginalaw niya ang braso niya at hindi pa din nagmumulat ng mata, antok na antok pa siya.

Bumagsak ang kanyang lupapay na braso sa matigas na unan na nakadag-an ang ilang parte sa kanyang bewang, hindi na siya nag-isip at kinalma muna ang sarili. Hinayaan niya muna ang gutom na nararamdaman. Antok na antok pa siya.

Nagsumiksik siya sa malaking unan na nakayakap sa kanya ng makaramdam siya ng lamig. Pero hindi pa din nagmumulat, pakiramdam niya ay ang dami niyang ginawa, kahit ang totoo ay wala naman.

Pamilyar ang amoy ng unan sa kanya, pero binalewala niya iyun. Paano magkakaroon ng ganoong amoy sa kanyang kwarto?

"Cilla, kain na." Antok na antok siya pero natauhan siya ng marinig ang pamilyar na boses, si Josky 'yun!. Naalala niyang wala nga pala siya sa kanilang bahay!.

Napamulat ang dalaga, pero biglaang inantok ng makita niyang nakasiksik siya sa leeg ng kaibigan, nakayakap din siya dito at ganoon din ito.

"Let's stay like this for a while Josky, I'm really sleepy." Humigpit pa ang yakap niya sa kaibigan, naramdaman niyang natigilan ito.

They stay like that more than hour, walang nang-istorbo sa dalawa.

Nang tuluyan ng magising ang diwa ng dalaga ay dahan-dahan niyang inalis ang kumot na nakakumot sa kanilang dalawa ng kaibigan, pero ang nasa part niya lang ang inaalis niya. Ayaw niyang maistorbo ang tulog ng binata katulad ng hindi nito pag-istorbo sa kanyang tulog.

Hinagilap niya ang ibang unan para pamalit sa pagkakayakap nito sa kanya.

Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito at siya naman ay dumasog paurong para mailagay niya ang unan.

Hindi pa siya tuluyang nakakaisod ng hagilapin ng kaibigan ang baywang niya dahilan para magulat siya't mapasubsob sa katawan nito.

"Where are you going, huh?." Umibabaw ito sa kanya, nagulat siya sa ginawa nito. Halos magdikit ang kanilang mga katawan kung hindi lang dahil sa unan na umibabaw sa katawan ng dalaga.

"I thought, you're sleeping so... " Bumaba ng kaunti ang mukha ng binata sa kanya, kaya napatigil siya sa pagsasalita.

Agad siyang umiwas ng tingin, subalit ibinalik 'yun ng binata.

"So?." Josky's husky voice makes her shivered, nangilabot siyang tunay.

Bumaba pa ang mukha nito, at kaunting galaw lang ay paniguradong maglalapat ang kanilang mga labi. Napalunok siya dahil do'n, god! She's not ready for a kiss.

"A-ano is.. " Hindi niya mahagilap ang sasabihin ng halikan ng binata ang tungki ng kanyang ilong, napapikit siya. Bakit gano'n ang nararamdaman niya? Parang bigla siyang naging buo, parang bigla siyang naging kompleto.

"Josky... " Ewan ba niya, nababaliw na ata siya, dahil sa mga simpleng gawin lang ng binata ay hindi niya maipaliwanag ang nadarama.

"Hmmm?."

Hinalikan naman nito ang kanyang eyebrows, agad siyang napapikit ng gawin nito 'yun.

Hindi mapakali ang kanyang puso, bakit gano'n ba ito? Nalilito na siya.

Josky look at her eyes, pumikit ito ng ilapat ang napakalambot na labi nito sa kanyang labi. Napapikit na din siya, hindi ito katulad ng halik na pinag saluhan nila ni Duke, hindi ganito ang nararamdaman niya

It was pure... soft..

Naikawit niya ang kanyang mga braso sa batok nito, lumalim ang kanilang halik, subalit nandoon pa din ang pag-iingat. Her hands run to his hair and started to play with it habang palalim ng palalim ang kanilang halik.

A soft moan escape in her, hindi pa din nagbibitiw ang kanilang mga labi,  para bang nangungulila ang bawat paggalaw ng labi nila. Parang may nais na iparating at ipadama.

Nakaliliyo ang halik na pinag sasaluhan nila, inaantok na naman tuloy siya. Bakit kaya ganoon?

Sa mahinang pagkagat ng labi niya tinapos ni Josky ang kanilang pinagsasaluhang halik. He gave her smack at her lips bago ilayo ang mukha.

"God, now I'm sleepy again." reklamo niya at tinakpan ang mga mata, agad na inalis ng binata ang kamay niya sa kanyang mata.

"Let me kiss it." Hinalikan nga ng binata ang mga ito, Napangiti tuloy siya.

She's now sure. She knows that it's not normal. The heart beats, the electricity and the feelings.

She hooked her arms in Josky's nape, inaantok siyang tumitig dito.

"I'm now sleepy again... " Hinila niya ang binata at muling sinakop ang labi nito.

Lihim siyang humingi ng pasensya sa panginoon dahil sa kalandiang ginagawa niya ngayon.

Naramdaman niya ang pag-ngisi ng binata, pero gumanti din sa halik niya.

"Help me up, I'm gonna wash my self na para magising ako." Pinigilan niya ang sarili na halikan pa ito ng sobra, dahil baka kung ano pa ang mangyari.

Umalis na sa ibabaw niya ang binata at tumayo, nagulat siya ng buhatin siya nito na katulad ng buhat ng bagong kasal.

"Josky!." Mahinang sigaw niya dito, tumawa lang ito at binuksan ang CR na nandoon. Nang makapasok sa loob ay ipinatong siya nito sa sink at hinalikan.

She hooked her arms to his nape and her leg to his hips, nakayakap naman ang binata sa kanya habang pinagsasaluhan ang halik na iyon.

Josky's lips became so wild, bumaba ito sa kanyang panga patungo sa kanyang leeg. Napaungol tuloy siya, kakaiba ang sensasyong nararamdaman niya.

Lumikot ang kamay ng binata, naglakbay ito sa kanyang katawan, napapaliyad tuloy siya, nang bumaba pa ang halik nito patungo sa kanyang cleavage at napaungol na talaga siya. Napasabunot siya sa binata.

"Ahhh-" Nagkakagulo ang kanyang kalooban, bakit ganito ang sensasyong nararamdaman niya?

"Josky-"

                   Matapos ng nangyari sa CR ay pulang-pula ang dalaga, dahil sa kahihiyan! Grabe ang landi tuloy niya, unang beses niyang ginawa iyon. Nahihibang na siya, buti na lamang at nakapagpigil sila.

"Malayo pa ba tayo?." Naitanong niya sa --hindi niya tuloy malaman kung kaibigan pa din ang itatawag niya sa binata dahil sa nga pangyayaring naganap kanina.

"Mga 3 hours nalang." Tumango lang siya sa sagot nito, pinaabot niya sa kanyang body guard ang kanyang laptop. Babasahin niya muna ang ibang in-email sa kanya ng kanyang dating butler.

Nakita niya ang tumayong kuya niya sa loob ng sampung taon, mag-asawa na ito at si Ate Sabel na inuulit niya dito dati, may isang anak na babae ang mga ito. Ang kanya namang ama ay may maliit ng negosyo katulong ang kanyang ina-inahan, subalit bumilis ang pagtanda ng mga ito.

Naubos ang halos tatlong oras niya sa pagtitig sa mga litrato ng dati niyang pamilya, hindi naman umiimik ang kaibigan niya na katabi niya habang nakikitingin din.

"Malapit na po tayo." Walang daungan ng yate sa parteng 'yun, now she remember this place.

Ang Jamso Mindoro.

"Ihahanda na namin ang mga bangkang gagamitin natin, Young lady." Tumango lang siya, humawak siya sa bakal na nandoon at tinanaw ang mga mangingisda at ilang tao na nakatingin sa sasakyan nila.

Malapit na siya, malapit na ulit niyang makita ang pamilya niya.

Tumigil ang yate, hindi na siguro nito kayang umandar pa dahil mababaw na ang parteng 'yun. Inalalayan siya ng mga bodyguards na sumakay sa bangkang inayos ng mga ito, tatlong bodyguards ang kasama nila sa bangka at ang iba naman ay mayroong mga sarili, halos pitong minuto lang ang layo ng kanilang yate sa lupa.

She missed this place!

Nang pababa na sila ay agad niyang hinubad ang kanyang ankle boots, kinuha naman iyon ni Josky, at hinubad din ang sneakers na suot.

Inalalayan sila ng kanilang mga bodyguards para makaayos ng baba.

Pinag-titinginan sila ng mga tao doon, mainit ang panahon kaya't agad siyang pinayungan ng isang bodyguard, hinayaan niya lang ito.

Inabutan siya ng towel ng isa sa kanyang bodyguards at agad niyang pinunasan ang nabasang paa, nagulat pa siya ng isuot sa kanya ng binata ang kanyang ankle boots. Matapos niya ay ito naman ang nagsuot ng sapatos. Naglakad na sila patungo sa dapat nilang puntahan.

Napatigil siya, she remember that old house, may katabi na ito'ng sari-sari store.

Nakita niya ang papalabas na lalaki, hindi pa din siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Pinag-mamasdan niya lang ito, kung anong pinag bago nito. Kung bakit tumanda ito ng ganoon.

Lumakad siya sa path way na nandoon, natigilan din ang lalaki at nakatingin lang sa kanila. Marahil ay hindi na nagtataka, iniisip siguro nito na sila'y turista.

Nang tuluyang makalapit ay hindi na niya napigilan ang kanyang luha, gaano niya ba namiss ang taong 'to? Sobra! nakalimutan niya ito.. Nalimutan ito ng utak niya, napakasama niya.

"A--ama... " With that single word, her second father change his expression, lumambot 'yun at lumuha.

Agad niyang niyakap ito, gulat na gulat ito pero hindi na niya 'yun inalintana.

"Patawarin mo ako ama, ngayon ko lang kayo naalala. Patawarin niyo ako."

"Ang anak ko.... "

"Fernan, bakit antagal---" Biglang lumabas ang kanyang naging ina-inahan sa loob ng sampung taon, mukhang hindi din siya nito nakilala.

"I-ina... " Nanlambot ang tuhod ng kanyang ina, agad itong napaupo kaya't inalalayan nila.

"Lewelyn... Anak ko."

Nawalan ng malay ang kanyang ina kaya't agad silang nataranta. Ipinasok nila ito sa loob ng kwarto nito at pinagpahinga.

"Maupo muna kayo ---anak.. Ano bang gusto niyo? Kape o juice?." Natatarantang usal ng kanyang ama-amahan.

Nilibot niya ang paningin sa loob ng kanilang kahabahayan, walang pinagbago 'yun.

"Ama, ayos lang po. H'wag na kayong mag-abala." Umiling ito at pinaupo na sila. She remembered that her second father was the reason kung bakit siya nakabalik sa kanyang mga magulang. Hindi nito paniguradong pinaalam sa kanyang ina-inahan.

"Hayaan mo akong pagsilbihan ka, anak." Nginitian nya ito, she miss him, so bad.

Umalis muna ang kanyang ama-amahan, kaya't naupo na sila ni Yuan sa upuang kahoy na nandoon.

"How's your feeling, Cilla?." Napalingon siya dito at nakangising nakatingin sa kanya.

"Feeling? Saan ba?." Tumagilid ng upo ang binata at hinagilap ng kamay nito ang kanyang bewang.

"You already forgot? Gusto mo ipaalala ko sayo?." God! This man make her crazy, ba't ang wild nito ngayon?

"Baka may makakita Josky, mamaya na lang." Gusto niyang sampalin ang sarili, anong 'mamaya na lang?

"Okay, later." Namula siya dahil do'n, Josky gave her a small and fast kiss in her lips. Napangiti tuloy siya.

Kasunod no'n ay may biglaang pumasok na lalaki sa pintuan, gulat itong tumingin sa kanya.


"Who are you?."

"I'm not who, kuya." Natigil ito sandali, nanlambot ang ekspresyon subalit agad din na lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Nagsimula na din itong umiyak. Sasabihin ba niyang nababakla na ito?

"Sorry Lewelyn, hindi kita nailigtas. Patawarin mo si kuya." Pakiramdam tuloy niya'y matagal na sinisi ng kuya niya ang sarili nito. Dahil sa pag-aakalang may nangyari ng masama sa kanya.

"It's now okay kuya, let's forget about the past." She smiled gently, pumasok naman ang kanyang ama-amahan na may dala ng tray at inilapag 'yun sa coffee table na nandoon.

"Kamusta ka na anak? Ang laki mo na, nahanap mo ba ang pamilya mo?." She knows what her second father means, hindi siya nito hahayaang malunod sa tubig kung hindi nito plinano ng maayos ang lahat. Her second father wants her to be happy with her real parents, with her real family.

"Yes po, I already found them. Pagkagising ko sa coma." Hindi niya mapili ang mga sasabihin niya, para bang ikalulungkot ng nga ito 'pag may sinabi siyang hindi dapat.

"I.... I'm just here to visit you guys, p-past weeks ko lang kayo naalala. I-i lost my memories, years ago." Mukhang hindi nagulat ang mga ito sa kanyang sinabi.

"Nabasa nga namin sa dyaryo, hindi namin naisip na ikaw pala ang Lewelyn namin." Napatango siya, totoo ang sinabi niya sa kanila, bibisita lang siya sa mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

87.6K 2K 40
Not loved by her family. but will be loved by the unexpected guy who hates her family. is this man here to comfort her? or just like her own family...
53.8K 869 32
Kelsea was seeking for her father recognition, sa pag lapit niya sa mundo nito ay nakilala niya ang kanyang Half-sister na si Ashley Zamora, Ash beco...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
744 115 42
Si Jane ay napaka ganda at mabait na dalaga. Nagtra-trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral at upang may maikain sila ng kanyang ina. Ngunit b...