One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 5

1.6M 37.2K 20K
By jonaxx

Kabanata 5

Is She Your Girlfriend?

Pinagmasdan ko sila galing sa bar. Nag uusap usap na tila may itatayo pang panibagong building o kung ano sa labas kung maituro ito.

"Madalas ba sila dito?" Tanong ko kay Ria habang nakatingin sa kanila.

"Hindi ma'am. Madalas pag may okasyon lang. Tsaka malapit na rin kasi 'yong anniversary ng buong Highlands."

Tumango ako sa sagot ni Ria at pinasadahan na lang muli ng tingin ang buong Clubhouse dahil sa nagsidatingang foreign tourists. Nilapitan ko pa ang grupo ng mga lalaking tingin ko ay German dahil sa accent nila tuwing nag i-ingles at ako na mismo ang nag serve sa kanila ng hinihinging drinks.

"I like you service here." Sabi nung isang medyo may katabaan.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you."

Sinenyasan ko si Jose na lumapit sa mesang ito dahil hindi naman maaaring ako ang mag serve sa kanila buong oras na nandito sila. Nang nilingon ko si Jose ay namataan ko rin si Brandon na umupo sa may counter. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin at bahagyang nag iwas ng tingin, may sinabi sa bartender at agad siyang nilapagan ng mukhang whiskey.

"Dito ka muna, Jose." Sabi ko at nagpaalam saglit sa mga foreigner bago dumiretso sa may counter.

Binati ko ang nakasalubong kong mga bagong guests at medyo nawala ko pa si Brandon nang bigla siyang magsalita na parang wala sa sarili.

"You're a manager, not a waitress." Nilingon ko siya at naabutan kong umigting ang kanyang panga.

Itinuro ko ang sarili ko. I am not sure if he was talking to me but I'm pretty sure that I'm the only manager of Clubhouse. "Are you talking to me?"

Hindi siya tumingin sa akin. Pinaglaruan niya ang whiskey bago nilagok. Nilapitan ko siya sa counter at pinagsabihan ko ang bartender na ako na ang bahala sa boss namin.

"Want more, sir?" I asked.

Matalim niya akong tinitigan. Para bang may sinasabi akong mali. Nilapag niya lang ang kanyang shotglass sa harap ko at kinuha ko kaagad ang Jack Daniels sa gilid na siyang iniinom niya.

"Sa oras na ito? May umiinom pala?" Iling ko at nagsalin sa kanyang shot glass.

Pinunasan ko ang tapon at nilapag pabalik sa kanya. Nakita ko kung paano siya tumingin sa akin hanggang sa napansin niyang nakatingin ako pabalik.

"Long time no see. Hindi kita nakita sa isang linggo ko dito. Must've been a hectic sched in Manila?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Yup. Hectic sched," aniya at nilagok ng muli ang sinalin kong whiskey. Nag angat siya ng tingin sa akin. "Do you always entertain the guests?"

Ngumuso ako. "May problema ba roon?"

"Is this your first time to manage?" He asked, medyo iritado.

"Yes. But I know the manager can also entertain guests sometimes." Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam na ang managers ng Clubhouse ay istriktong sa loob lang dapat."

Tumawa siya. "I... I don't like it when my managers entertain guests."

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "I'm major in hospitality. Iyon ang itinuro sa akin. Well, if my boss says no, then I won't." Nagkibit balikat ako at nakita kong hinawakan niya ang kanyang noo na para bang sumasakit ito.

Calm down, Av. Alam kong nananaig ang pagiging maldita mo pero kailangan nating pakisamahan ang isang ito. We need that information!

"Then, I will leave you with our bartender." Sumenyas agad ako sa bartender. "I won't entertain guests." Sabi ko at pinalapit ang bartender. Nakita kong nalilito siya sa sinabi ko at agad na akong umalis nang di siya tinitingnang muli.

Kinagat ko ang labi ko at dumiretso na sa CR. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko kaya, alright? Hindi kaya ng dugo ko ang pakikisama pag nagagalit ako. Ilang sandali pa bago ako lumabas sa bathroom. Alam kong naroon parin si Brandon ngunit hindi ko na siya nilingon pang muli.

Pinagpatuloy ko ang trabaho ko. Tinawag pa ako ni Jose dahil may foreigner daw na pinatawag ang manager. Nang lapitan ko ang parehong grupo ng foreigner ay akala ko may reklamo sila. Iyon naman pala ay para kausapin ako tungkol sa ganda ng service sa Clubhouse. Wala akong nagawa kundi hayaan silang purihin ako at ang buong staff.

Habang nag uusap kami ay nalilingunan ko si Brandon na tumitingin sa amin ng seryoso. I did not serve the guests. Ano ba ang gusto niya? Isnaban ko ang mga ito? Hindi ko alam kung anong nasa utak niya.

Pagkatapos non ay nag usap kami ni Mr. Romualdo. Bukas kasi ay day off ko. At siya iyong kapalit ko pag ganon. Siya rin ang may duty tuwing alas nuwebe ng gabi onwards. Minsan na ngang sumagi sa isip ko kung natutulog ba siya o ano?

"Hindi ka ba uuwi ng Manila?" Tanong niya, bahagyang kumembot ang boses.

Umiling ako. "After a month pa siguro ako uuwi." Sabi ko.

Umismid siya. "Talaga? Hindi ka ba papagalitan ng parents mo?"

Umiling ulit ako. "Nasa Cebu ang parents ko." Naisip ko kaagad si daddy na nasa Manila naman. Ayaw ko namang pahabain ang pag uusap namin kaya hindi ko na dinagdagan.

Nahagip ulit ng mga mata ko si Brandon na parang bigo sa counter. Wala na si Madame Diana Rockwell at ang kanyang mga kasama. Kanina ay umalis para mag tour yata sa buong Highlands at di ko maiwasan ang pag iisip kung bakit nanatili si Brandon dito.

Kinuha ko ang nakakalat na tray sa isang mesa at dinala iyon sa counter kung nasan siya. Hindi ko na siya kailangang tingnan para makitang nakatingin siya sa akin.

"Gumagabi na. Di ka sumama kina Madame Diana?" Sabi ko nang di parin siya tinitingnan.

"My mom can take care of it." Malamig niyang sinabi. "And besides, I like it here."

Napatingin ako sa kanya habang binabalik ang mga tray.

"You're free tomorrow?"

Nagulat ako sa biglaan niyang tanong. Kumunot ang noo ko at tinitigan lang siya, hindi sinasagot.

Nagkibit balikat siya. "Well, I'm sure di mo pa nato-tour ang buong Highlands?"

"Yeah." Tango ko.

"Then, I can show you the whole place tomorrow."

May kung anong malakas na pumipintig sa kalooblooban ko. This is it! I can finally fish some information this time! "Di ka ba uuwi ng Manila?" Tanong ko.

"Hindi." Ngiti niya, pinagmamasdan ako.

Tumango ako. "Good. Coz I am gonna miss you bad if you did." Sabay alis ko doon sa kinauupuan niya para daluhan ang tumatawag na si Jose.

Malaki ang ngiti ko papalapit sa isang customer na may problema. Hindi rin naman nagtagal iyon. Lumipat na lang ako sa kabilang table at nagtanong kung ano pang maitutulong ko sa kanila.

Nang sinulyapan kong muli si Brandon ay nakangisi siya sa akin. Makahulugan ang kanyang tingin. Dumiretso ako sa isang bakanteng mesa kung nasaan si Jose na nagpupunas. Uutusan ko sana na hatiran ng tubig ang mesang pinanggalingan ko nang nakita kong tumayo si Brandon at naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"Jose, bigyan mo ng tubig 'yong mesang 'yon." Sabay turo ko doon.

Tumango si Jose at kasama ang mop ay umalis na doon para pagsilbihan at sundin ang utos ko.

Nagtaas ang kilay ko ng umupo si Brandon sa mesang pinuntahan ko. I know he's flirting with me. And if that's what it takes, then I will ride the waves.

"Can I order?" Tanong niya nang di ako tinitingnan at nakababa ang mata sa menu.

"Sure, sir. Magtatawag lang po ako ng waiter." Sabi ko.

"Hindi na. Ikaw na ang kumuha. If that's okay?" Ngumisi siya at nag angat ng tingin sa akin.

"Well, my boss says di raw pwede." Hamon ko.

"Pwede raw, basta sa boss mo lang." Aniya.

Nagtaas ako ng kilay at tinigil ang pakikipag laro sa kanya. "Okay, then. What's your order?"

Ibinigay niya sa akin ang kanyang order at sinenyasan ko si Jay para i carry out ang gusto ni Brandon. Hindi rin ako nagtagal sa kanya dahil dumami pa lalo ang customer na kailangang daluhan.

Ikinagulat ko na hanggang nag alas nuwebe ay nanatili si Brandon sa kanya inuupuan. Tumunog ang cellphone ko nang palabas akong opisina pagkatapos mag closing. Nakita kong si Adrian ang tumatawag sa akin.

Bumalik ako sa opisina at sinagot ang tawag. "Hello?" Bulong ko.

"May nasagap akong impormasyon! Bakit ka bumubulong?" Dinig ko ang pagtataka sa boses niya.

"Wala. Ano?"

"Nandito ako kina Jessica. May kilala siyang kilala si Brandon Rockwell at ang sabi ay playboy daw iyan."

Ngumiwi ako. "Iyon lang ba?"

"'Yong mga magagandang modelo ay nabihag niya yata. You remember Rosie? Pinormahan niya rin daw iyon. Hindi kaya iyon ang dahilan kung bakit pinanalo niya iyon? Well, we don't know."

Nagkibit balikat ako. "Is there some info about that girl?"

"Sa dami ng babaeng nakaaligid sa kanya ay hindi na sigurado kung sino iyon. Be careful, A. He's a notorious playboy just like Rage Del Fierro, his cousin. You remember him? Kaya wag na wag kang magpapadala."

Bahagya akong natawa. "Magpadala? I'm here to get some information, Adrian. Wala sa isip ko ang magpadala sa kahit ano." Iling ko. "Buti na lang at niyaya niya ako bukas na mag tour sa buong Highlands. Baka don ko pa lang malalaman kung sino ang babaeng iyon!" Sabi ko.

"Alright. Balitaan mo kami ni Jess, a? We miss you. Kailan uwi mo?"

Pagkatapos ng chikahan ay lumabas na ako. Nakita kong nakatayo na siya sa pintuan na parang paalis na rin. Pinaglalaruan niya ang kanyang susi at tiningnan niya ako.

"Pauwi na ako. Uuwi ka na?" He asked.

Nanliit ang mata ko. He's hitting on me. I don't want to assume but I'm not naive. I know this damn too well. Ngumisi ako. "Uuwi na rin sana."

"Sabay na tayo?" Aniya at inikot ang susi sa kanyang kamay.

"Nakakahiya naman." Ngiti ko.

Tinagilid niya ang ulo niya. "Please."

Ngumuso ako at tumango. Hinding hindi ako mabibitag sa patibong na 'to. If he's a pro, then I have my own beginner's luck.

Sumakay agad ako sa kanyang Benz pagkatapos niya akong pagbuksan. Ganon rin siya at pinaandar niya kaagad. Humikab ako at di na siya tiningnan kahit na alam kong ang buong atensyon niya ay pabalik balik sakin.

"Tired?" He asked.

"Yup. Pagdating ko sa dorm ay matutulog na kaagad ako."

He chuckled. "At least rest day mo bukas."

"Yup." lingon ko sa kanya. "Promise ipapasyal mo ako sa buong lugar? Wait? Is that okay? Hindi ba tayo ma i-issue?"

"It's none of their business. Yes, I promise ipapasyal kita." Aniya at ngumiti sa akin.

Nilingon ko ang labas at nakita ko ang naggagandahang villas. Kahit sa dilim ng gabi ay kitang kita ang tingkad nito.

"Alin diyan ang villa mo?" Tanong ko sabay turo sa nakahilerang mga villa.

"It's just-" Natigil siya sa pagsasalita nang may nakitang babaeng pumapara sa kanyang Benz.

Nanliit ang mata ko. Hindi ko gaanong makita ang mukha ng babae. Malutong na nagmura si Brandon tsaka ko nakuha ang mukha ng babaeng naroon. It was that girl again! My dad's mistress! What's she doing here? Kinagat ko ang labi ko at tinuro ang babae.

"Pinapara ka nong babae." Malamig kong sinabi.

"Yeah. Shit." Aniya at hininaan ang takbo ng sasakyan.

Palapit kami ay nakapamaywang na ang babae na para bang galit siya sa pagdating namin. Tumitig pa siya sa akin galing sa labas. The car's window isn't tinted. Nakataas ang kanyang kilay at muli kong nasilayan ang taas ng cheekbones niya, ang magandang pangangatawan, mahabang buhok, tangkad, manipis at pulang labi.

"Why are you here?" Brandon growled to the girl.

Tinagilid ng babae ang kanyang ulo kay Brandon. "Kung maka asta ka ay parang ayaw mo, Brandon."

Halos dumugo ang labi ko habang naririnig ang boses niyang nakakairita. I instantly loathed everything about her. From her face, to her voice, her expressions, down to the way she plays with her hair.

Pumikit si Brandon at umigting ang kanyang panga. Tinampal ng babae ang kanyang sasakyan. "Come on, Brandon!" Sigaw ng babaeng nagpagulat sa akin. "Leave the girl." Aniya sabay tingin sa akin.

Kumunot ang noo ko at nanginginig na ang mga kamay ko. I want to pull the strands of her hair until she's bald. Pinagpantasyahan ko kung paano ko paduduguin ang kanyang mukha. Hindi ako tinuruan ni mommy at daddy na maging masama pero natural siguro sa tao ang magkaganito pag sobrang galit na ang nararamdaman.

"Lalabas na ako. Papara na lang ako ng van o di kaya ay maglalakad. Hindi naman malayo ang dorm dito." Sabi ko nang sa ganon ay makawala ako sa pagkakabwisit ko sa babaeng iyon.

"Hear that, Brandon Walter? Leave the girl." Tumaas ang boses nong babae.

"No way." Ani Brandon at mabilis na pinaharurot ang sasakyan habang sinisigawan kami ng mura nong babae.

Nilingon ko siya habang palayo kami doon. Mabilis at marahas ang patakbo ni Brandon. Nilingon ko siya at hindi ko na napigilang mag tanong.

"Who's that girl?" I asked.

"Wag mo na siyang pansinin." Aniya.

Nanliit ang mata ko. Paano ko ito mapapakanta?

"Is she your girlfriend?" Tanong ko.

Tumawa siya at umiling. "Let's not talk about her, Avon." Malamig niyang sinabi na para bang may dingding na ayaw niyang gibain sa gitna naming dalawa.

Great!

Continue Reading

You'll Also Like

56.5K 718 6
Sino ang SamanTop readers dito? Well then, you need to read this. If not, mamimissed niyo ang kalahati ng kaluluwa niyo. Haha. Kidding. Fanfic only.
2.1M 140K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
171K 4.1K 47
Kayla has a stalker, palagi itong nakasunod sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil sanay na siya na hinahabol ng mga lalaki, pero eto na ata a...
43M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...