Rule #1: Rule of Fate

By redvelvetcakes

127K 3.1K 797

Rule #1: Don't force fate. It will just happen. Lia, never believed in destiny. She always believed that if... More

Prologue
[1]
[2]
[3]
[4]
[5]
[6]
[7]
[8]
[9]
[10]
[11]
[12]
[13]
[14]
[15]
[16]
[17]
[18]
[19]
[20]
[21]
[22]
[23]
[24]
[25]
[27]
[28]
[29]
[30]
[31]
[32]
[33]
[34]
[35]
[36]
[37]
[38]
[39]
[40]
[41]
[42]
[43]
[44]
[45]
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Author's Note

[26]

1.9K 43 7
By redvelvetcakes

"Babe, I'm tired."

Malapit na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang sakit na talaga. Ang sakit, hindi ko na ata kaya. Nakakapagod na.

"Ayoko na, suko na ako. Hindi ko na kaya 'to!"

Tumingin siya sa akin at lumapit. He just stood in front of me with a neutral expression. I pouted, my tears are threatening to fall because of the pain I feel right now. Bigla naman siyang tumawa nang malakas at lumuhod sa harap ko. He patted my head, making me pout even more. Tsk. Pagtatawanan pa ako dito sa kahirapan ko.

"Kaya mo 'yan, babe." he tried to cheer, pero tawang-tawa pa rin sa paghihirap ko. Sinubukan ko tumayo pero medyo hirap akong gawin 'yun. I already paused the video, because hindi ko na talaga kaya. Ang sakit na nung katawan ko. Sanay kase akong nakahiga palagi kaya ayan, hirap na hirap tuloy ako.

Nakasalampak ako sa sahig habang nakatingin sa TV. Tiningnan ko ang oras at halos limang minuto palang pala ang nagagawa ko! Pagod na pagod na agad ako!

"I'll still love you, kahit ano pa itsura mo, kaya don't push yourself too much. Kakasimula mo palang eh, it's really painful when all you do is lie down all day."

I sighed and tried to stand up. Ang sakit na talaga nung katawan ko. Kanina may mga buto pa ata akong naririnig na tumutunog. Bigla lang talaga kase pumasok sa isipan ko ang magexercise, hindi ko alam na ganito pala kahirap 'to.

Umupo ako sa sahig na pagod na pagod. Kumuha naman si Kale nang towel at tubig at binigay 'yun sa akin. Ang sakit sa tiyan, abs workout kase 'yung ginawa ko, at pati na rin sa arms. Kaya ang sakit sa parehas na parte na 'yun at parang bang nagaapoy sa loob.

Ininom ko ang tubig habang pinupunasan ni Kale ang pawis ko. Nakasuot lang ako nang sports bra at leggings dahil binili ko talaga 'tong outfit na 'to para magexercise. Plano ko pa nga sana na mag-gym, pero kung sa panonood pa nga lang ng video sa youtube, ganito na ako, paano pa kaya pag nag-gym ako?

Binaba ko ang tubig sa table na malapit. Hinang-hina na talaga ang katawan ko at hingal na hingal pa. Bakit ko ba kase biglang naisipan mag-exercise? Ang sakit pala nito sa katawan. Umiikot din ang ulo ko, pakiramdam ko mahihimatay na ako kung itutuloy ko pa 'to.

"I think that's enough exercise for today, you're not used to it, so just rest now. Bukas ka nalang ulit, mag-exercise." he suggested.

I nodded. "That's a good idea." sabi ko at hiniga ang ulo ko sa sofa.

Kale scooted closer to me. He's so clingy. Yayakapin niya na sana ako pero lumayo ng konti dahil pawisan pa ako. Nahihiya rin ako ng konti, baka ang baho ko na. Siya kase, kahit sobrang pawis na pawis na ang bango pa rin. Ang unfair.

"Mamaya na, I'm sweaty." sabi ko sa kanya.

"I don't care," he said and wrapped his arms arounds me. I could feel the warmth of his hands on my bare skin, tickling me a bit. He placed his chin on my shoulders, pulling me closer to him. Nakaramdam naman ako ng hiya at napababa ng tingin sa tiyan ko kung nasaan ang mga kamay niya ngayon.

Hinawakan ko nalang mga kamay niyang nakahawak sa akin at sumandal ng konti sa kanya. Nagpapalipas oras lang ako dito bago maligo.

"You still smell good," he whispered on my ear. "You always smell good."

I rolled my eyes. Of course, he'll compliment my smell because we use the same perfume! Kung anong amoy niya ay yun din ang akin. Kaya kung sasabihin niyang hindi mabango 'yun ay para na rin niyang sinabi na ganoon din siya.

"Malamang," sagot ko. "Parehas lang tayo ng amoy eh,"

He chuckled and hugged me tighter. Ang clingy niya talaga sa akin! Sa ilang taon na namin magkasama, siya ang mas clingy. Hindi naman ako nagrereklamo, dahil gusto ko rin naman 'yun. Gusto ko rin pag niyayakap niya nalang akong bigla, at parang bang ayaw niya na ako pakawalan. Ang sarap niyang yumakap, pakiramdam ko talaga wala na akong hihingin pang iba, kung hindi ang yakapin siya at makasama siya.

A lot has already happened over the years. Halos ilang taon na rin pala ang relasyon namin ni Kale. We both finished med school together and right now, we are currently on our residency. We also took our internship and board exam in the Philippines after med school. Mas gusto kase naming dalawa na dito magtrabaho sa Pilipinas.

"Babe," he called.

"Oh?"

"Don't you want to move in together?"

Bumitaw ako sa yakap niya para harapin siya.

"Move in? As in, live-in na tayo, ganon?" tanong ko.

Tumango siya. Dahil wala rin naman akong choice ay dito ako kina Mama nakatira. Turns out, pinakacustomize talaga nila ang kwarto ko dito nung pinagawa ito noon. They were really planning to include me here, kahit ayaw ko pa noon.

"Yes, don't you want to live with me? We can live in my condo. Malapit-lapit din 'yon sa may hospital."

I bit my lip, thinking about it. The idea of living with him, excites me. Ilang years na rin naman kami, and we aren't getting any younger. Hindi ko alam kung nasa isip niya na ang kasal dahil hindi pa naman niya ako inaalok 'non. Pero, ngayon na inaalok niya akong tumira kasama niya ay parang naiimagine ko na ang future namin na magkasama.

We would see each other everyday... go to work together, wake up together, do all things together. Parang free preview na rin kung anong magiging buhay namin pag kinasal na kami.

"But I'm not pressuring you. If you want to keep living here, until we get married then it's fine with me. I'm just...suggesting." sabi niya habang pinaglalaruan ang mga kamay ko.

I smiled. Gusto ko na rin naman tumira na kasama siya, pero iniisip ko lang kung handa na ba kami sa ganoon. Matagal-tagal na rin naman kami, pero mahirap din kase pag live-in. Paano kung magkasawaan kami sa isa't isa? Magkikita kami palagi hanggang sa trabaho, pati sa bahay. Natatakot ako na mawala 'yung thrill sa relasyon namin.

"Gusto ko rin naman na tumira kasama ka, pero..." I twitched my lips, as he stared at me waiting for an answer.

"Pero?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Paano kung magkasawaan tayo sa isa't isa? We'll see each other almost everyday. Maski sa trabaho, magkikita rin tayo. I'm scared na baka mawala na 'yung thrill at magsawa ka na sa akin..."

He chuckled. "Baby, why would I get tired of you?" sabi niya sabay haplos ng mukha ko. "Kaya nga kita inaalok na tumira kasama ko ay para mas maraming oras pa kitang makita. Going to your house everyday just to see you isn't enough for me. I want to wake up beside you every morning, just to see your beautiful face."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Siya na talaga ang nakikita kong kasama ko habang buhay. I'm really glad that we met again even after what happened to us in the past. Nasaktan man ako sa ginawa niya sa akin dati at nahulog sa iba, lahat ng 'yun ay nangyari para maging ganito kami kasaya ngayon.

I could never ask for more, kuntento na ako.

"Is that true?" tanong ko. "You'll never get tired of me?"

Tumango siya at hinaplos ang mukha ko bago ako binigyan nang marahan na halik. Napangiti naman ako sa ginawa niya. Kahit ilang beses na namin nagawa 'yon ay ganon pa rin ang nararamdaman ko.

"No. Never." he said, before kissing me again. Nung naramdaman kong baka magtagal na naman kami ng ganito ay tinulak ko na siya dahil maliligo pa ako.

"Ligo na ako," sabi ko at tumayo na pero hinila niya ako ulit.

"Mamaya na." sabi niya, pinipilit akong umupo ulit.

"Kale, isa. Init na init na ako eh,"

He pouted before letting go of my hand. Ang cute. Para siyang batang naagawan ng candy.

Dumiretso na ako sa walk-in closet ko at kumuha nang damit. Mabilis lang naman akong naligo at nagblower ng buhok. Ngayong araw kase ang break namin, kaya nandito siya.

Sa ilang taon na 'yon, kinasal rin si Mama at Tito Remy. At first, I was reluctant to attend. Dahil kahit pigilan ko eh naiisip ko pa rin si Papa. He will always have place in my heart as the best father I ever had. He was selfless and thought of other people before him. Na kahit nasasaktan na siya'y pinipilit niya pa rin intindihin ang iba. Pero, kung kay Tito Remy talaga sasaya si Mama ay di na ako hahadlang 'don. Hindi pa rin naman kami gaanong close ni Tito Remy pero kahit na ganun ay tinatrato pa rin niya ako na parang anak niya.

"Food's ready downstairs." Kale said, after I stepped out of the walk-in closet.

Tumango ako. "Umuwi na ba si Theo?"

Kanina pa kase 'yung batang 'yun umalis. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta at hindi ko rin naman tinatanong. I don't know how to handle kids like him. Binilin siya sa akin ni Mama pero hindi ko naman alam kung paano siya pakikitunguhan. Hindi naman na kase siya 'yung batang binubuhat buhat ko pa dati, at tinatawag akong Ate.

Umiling si Kale. "Nope."

Malapit na mag-gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. I just sighed. Uuwi rin naman 'yun. Lagi niya nalang kase 'to ginagawa. Kaya madalas siyang sermonan ni Mama, dahil aalis siya ng napakaaga tapos uuwi nang gabing-gabi.

Both of them are on a vacation right now, kaya naman kami lang ni Theo ang naiwan sa bahay. Dahil halos buong buhay niya'y wala ako, eh hindi kami close. Sa totoo lang, mas close sila ni Kale. Mas kaya niyang pasunurin si Theo kaysa sa akin.

"Tara, gutom na ako." sabi ko sabay hawak sa kamay niya palabas ng kwarto.

Nakakain na kami at lahat ni Kale ay di pa rin umuuwi si Theo. Nasan na kaya 'yung batang 'yun? Wag mong sabihin na hating gabi na naman siya uuwi? 9 years old palang siya pero kung saan-saan na 'to nakakapunta. Kaya ang sakit ng ulo ni Mama sa kanya eh. Umuuwi rin naman ako ng umaga dati, pero eighteen na ako 'non! At nagpapaalam rin ako, siya naman hindi. Nagulat nalang ako at sinabi nila sa akin na umalis siya.

"It's already 9 pm, wala pa rin siya." sabi ko habang nakaupo sa sala at pabalik-balik dito.

"Do you want me to look for him? I'll go-"

Naputol ang sasabihin ni Kale nung biglang bumukas ang pinto at pumasok si Theo. I crossed my arms and raised my brows at him. Tiningnan niya lang naman ako bago naglakad papuntang hagdan.

"Theo," I called. Hindi pa rin niya ako pinansin at patuloy na naglakad. "Jaiden Theodore!"

He stopped and looked at me. He's only eight, but he acts like a teenager!

"Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam?" tanong ko sa kanya.

"You're not my mom, so I'm not obligated to answer that," he drawled.

My lips parted in annoyance. Minsan na nga lang kami magusap nito, tapos ang bastos pa.

"Theo," Kale called. "Just answer your Ate."

Theo sighed. Tingnan mo, kung si Kale ang magsasabi sumusunod siya! Ano ba talaga problema nitong batang 'to sa akin?

"I went to Carter's to play basketball and video games." he answered.

"Play ball and video games? Don't tell me you've been playing ball for hours? Mula pagkagising ko, wala ka na ah!" I told him, parang nanay na ang tono ko.

He gave me a cold look. "What? Don't act like you care."

Umaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Theo, binilin ka sa akin ng mga magulang mo, kaya as your ate, you have to tell me where you will go! Paano nalang kung mapahamak ka? You're my responsibility!"

He scoffed. "Okay. Don't worry, I'll try not to get in trouble. That's your only concern right?"

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo ng kapatid ko sa akin. Pakiramdam ko tuloy may galit siya sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Totoong dumidistansya ako sa kanya noon, dahil hindi ko pa rin matanggap ang nangyari, pero ayos naman na ako sa ngayon. I've moved on.

He looked at Kale and smiled. "Hey, Kuya Kale."

Kale smiled at him. Pag kay Kale, ang bait niya. Pati kay Emma ang bait niya. Pero ever since nandito ako, o tuwing naiiwan kaming dalawa, ganito nalang lagi ginagawa niya.

Dumiretso na siyang paakyat nang hindi kami nililingon. Tumingin naman ako kay Kale. Inis na inis ako sa inasta ng kapatid ko.

"I swear, pag nagkaanak ako sana hindi tulad niya, please lang!" I groaned and sat at the sofa.

Kale sat beside me and wrapped his arm around my shoulders.

"Chill, babe. Baka nagbibinata lang 'yang si Theo."

"Nagbibinata? He's just nine! May nine years old ba na uuwi ng ganito kagabi? Malapit lang naman 'yun kina Carter, pero kahit na! Hindi niya ba naisip na mag-aalala ako? I swear, may galit talaga sa akin 'yung batang 'yun!" I ranted. "Binilin siya sa akin ni Mama, kaya kung may mangyari dyan, ako malalagot! Ayoko rin naman na umuuwi siya ng ganitong kagabi, nang hindi man lang nagsasabi..."

Kale nodded and tried to make me calm by intertwining our fingers.

"Just try to understand him. I don't think he really hates you. Maybe he's just like that." sabi niya.

"Pero ang bait niya sa'yo at kay Emma. Sa akin lang naman siya ganyan eh," sabi ko. "Hay, bahala na. Basta, I'm trying my best."

Wala akong kaalam-alam sa pagdidisiplina ng bata, dahil hindi naman ako madalas may kasamang bata. Siguro, dahil na rin sa agwat namin ni Theo, kaya hindi kami nagkakaintindihan na dalawa. I was old enough to have him as a child, back then, kaya may konting generation gap rin.

I suddenly thought of how I would be as a mother. Would I be strict? Care-free? Paano ko ba kaya didisiplinahin ang anak ko, kung kapatid ko palang hindi ko na madisiplina?

Me and Kale are both doctors. Madalas nasa hospital kami, kakayanin kaya namin pag may mga anak na kami? Magkakaoras pa rin kaya kami para sa kanila? Hindi ko alam paano pinalaki ni Mama at Tito Remy si Theo, pero madalas busy rin silang dalawa kaya hindi 'to matugonan ng pansin. Nung bata naman kase ako, nakakasama ko madalas si Mama, at natutukan niya ako kaya hindi naman ako kasing lala ng inaasta ni Theo. Kaya ba ganyan si Theo, dahil halos lahat kami ay laging wala at hindi siya nasasamahan?

Madalas din kase na yaya ang kasama niya, dahil si Mama may business rin na inaasikaso. Si Tito Remy naman, maraming inaasikaso. Ako naman, nasa ibang bansa noon, at ngayon na nandito naman ay busy sa hospital. I feel bad for Theo, siguro'y naghahangad siya ng makakasama, kaya madalas nalang siyang pumupunta kay Carter, sa bestfriend niya.

Paano kung ganyan din ang kalakihan nang anak namin? Dahil hindi naman siya mabigyan ng oras?

"What are you thinking about?" Kale asked.

Napatingin ako sa kanya. I sighed.

"Wala, I'm just thinking about what I would be as a mother, kung si Theo pa nga lang, hindi ko na madisiplina, paano pa kaya ang anak ko?" sabi ko. "Plus, we're both doctors. Madalas nasa hospital tayo, paano kung lumaki sila katulad ni Theo, dahil hindi natin sila matugonan ng pansin."

It's normal for me and Kale to talk about our future from time to time. Siguradong sigurado na talaga kami sa isa't isa. We already had our future and plans. Hindi ko lang alam kung kailan niya ako papakasalan, pero hindi ko rin naman tinatanong.

"I'm sure you'll be a good mother," Kale says. "Maybe, Theo is just a little awkward towards you kaya siya ganyan. Sigurado naman ako na 'yung anak natin, madidisiplina mo ng mabuti, dahil alam kong gagawin mo ang lahat para sa kanya."

The thought won't go away. This is one of my fears. The uncertainty of things.

"Besides, I'm here. I'll help you. I'm sure, we'll both do fine." he says, squeezing my hand and smiled.

Ngumiti nalang din ako pabalik. As long as I'm with him, I think I'm fine.

"About what you said earlier... yung tungkol sa moving in." sabi ko. "Is it okay, if I think about it first? It's a big leap in our relationship and... I just want to be sure about it."

He stared at me before smiling and nodding.

"Sure. Just tell me what you think about it, when you're ready." sagot niya.

I had to think about it thoroughly.

Buong gabi, halos wala rin akong tulog kakabasa nang mga libro. I really wanna do well on my field. This is the dream I've always had ever since I was a kid. At ngayon nakamit ko na, mas lalo pa ako ginanahan na pagbutihin. I will never fail the people who gave me the opportunity.

Pa, doctor na po ako.

Even though, he didn't get to see me achieve all these things, sa kanya ko pa rin inaalay ang lahat. Malungkot man, pero sana proud siya sa akin, nasaan man siya ngayon.

"How's life?"

We were on a break, from our shifts. Kaya naman nandito lang kami nakatambay sa may hospital at kumakain nang sweets.

"Theo's giving me headaches at home." sagot ko. "I just don't understand that kid, feeling ko may galit siya sa akin."

Emma chuckled. "Grabe, baka he's just vying for your attention. You're his only sibling. Madalas wala ang Mama at Papa niya, baka that's his way of coping with it,"

She's right. Sinusubukan ko rin naman na intindihin ang kapatid ko, pero hindi ko talaga alam ang gagawin sa kanya.

"Wait, is that Tria?" bigla niyang sabi.

Napalingon naman ako sa tinuturo niya. I saw Asteria Elizalde, 'yung pinakamaganda sa batch namin noon na naglalakad, kasama ang dalawang bata. I also noticed the big baby bump on her tummy. Katabi naman niya si Trent Montereal, na balita ko asawa niya na.

"Tria!" Emma called, as she stood up and ran towards her. Lumingon naman si Tria at ngumiti kay Emma, sumunod na rin ako sa kanya. Namangha naman ako sa laki ng tiyan niya. Malapit na siguro siya manganak.

I suddenly realized that we really are getting older. Heto at ang batchmate namin, ay may asawa na at anak. Parang dati lang, sabay-sabay kami nastrestress sa mga pinapagawa sa school, ngayon may mga sarili na silang pamilya.

"Hello... Emma and Lia." ngiti niya. Hanggang ngayon, ang ganda niya pa rin. Sa batch namin dati, siya ang may pinakamaraming manliligaw noon. Boys would pile over her, sobrang ganda niya kase. Para talaga siyang dyosa.

Napatingin naman ako sa dalawang bata na kasama nila. Nakakapit 'yung batang babae na halos kamukha ni Tria kay Trent. Yung lalaki naman, nakatingin sa akin at nakangiti. Halos kamukha na ito ni Trent at mukhang masayahin. Ngumiti rin ako sa kanya. Ang cute.

"You're here for a check-up?" Emma asked. Napatingin din si Emma sa tiyan niya. Tumango si Tria. "Ilang months na?" dagdag na tanong ni Emma.

"Eight months," sagot niya. "Malapit na rin due date ko."

Ngumiti ako habang nakikitang sinusubukan hawakan nung batang lalaki ang kamay ni Tria.

"Mommy, who are they?" the kid asked.

Nagpapabuhat naman 'yung batang babae sa Tatay niya. Grabe, para talagang mini me nila 'yung mga anak nila. Kung kami kaya ni Kale, sino kaya mas kamukha?

"Jace, this is Tita Lia and Tita Emma. You already saw Tita Emma during your birthday, remember?" she told her son.

Emma smiled at Jace.

"Oh! Yes, with Tito Prince, right?" Jace answered.

Tria glanced at Emma before chuckling. Emma crouched down to reach Jace's level.

"Yep! That's me! How are you, Jace?" Emma asked.

"I'm fine!" Jace cheerfully said. "I'm excited for my baby sister! I want her to come out already!"

Natawa naman kaming lahat. Bumaling naman si Tria sa asawa at anak niya sa likod.

"Trent, si Massie." sabi niya.

Tumango si Trent na naintindihan naman ang asawa niya. He said something to his child, before the little girl turned to us. Ang liit niya pa pero kuhang-kuha niya na talaga ang ganda ni Tria, dagdag mo pa ang features ni Trent. Napakagandang bata.

"Hello, I'm Margaux!" she said with a smile.

Tumingin naman si Jace sa kakambal niya. Paglaki ng mga batang 'to ay paniguradong magiging habulin rin. Sobrang gwapo at ganda naman kase nung mga magulang nila.

"Hello, Margaux." bati ko sabay ngiti. "I'm Tita Lia."

"Hello, Tita Lia!" bati niya.

Between the two of them, Margaux is the cold one. While, Jace is like the sunshine. Ang saya nilang tingnan, tapos may baby sister pa na parating.

"Look, who's here."

Nung marinig ko ang boses ni Kale na papalapit ay napangiti agad ako. Ngiting-ngiti siyang lumapit sa amin.

"Buenavista," bati ni Trent. Oo nga pala at magkasama sila nina Prince sa basketball team nang Brierwell.

"Montereal!" sabi ni Kale at nakipag high-five dito. Tumingin siya sa dalawang batang nandito. "Oh, is this your kids?" Kale asked.

Trent nodded. Kale crouched down to reach both of the kids. "Hi! I'm Tito Kale!" he introduced himself.

Sobrang mahilig si Kale sa bata at mabilis din siyang magpaamo nito. That's why I'm sure, he'll really be a good father.

Pinagmasdan niya ang mga bata at ngumiti. Binati naman siya nung dalawa. They both taught them well. Marunong bumati ang dalawang bata at mukhang disiplinado.

"Dude, they both look like your mini-me." he told Trent, as he stood up.

"Malamang, anak nga nila eh, tsk." sagot ni Emma. Kahit kailan talaga ang taray niya kay Kale.

"Galit ka na naman sa akin, Ems." natatawang sabi ni Kale. He looked at me. "Hi, babe."

Ngumiti lang ako. Talagang sinabi niya pa 'yun sa harap nung dalawang bata! Tria looked at me with a teasing smile.

"Kayo ni Buenavista?" she asked, a bit shocked.

I nodded and smiled. Tria had an 'o' on her face, and glanced back at Trent. Parang isang tingin palang nila sa isa't isa ay nagkakaintindihan na sila. Ganoon ba talaga pag mag-asawa na?

Lumapit sa akin si Kale at pinulupot ang kamay sa bewang ko.

"Hey, Asteria." Kale greeted. "Pwede ba akong maging Ninong niyan?" he asked, referring to the baby inside her tummy.

Tria laughed. "Sure, but Trent decides on that one. Ako naman sa Ninang," sagot niya. She looked at me and Emma. "Hmm... I guess, kayong dalawa ang kunin ko."

Ngumiti naman ako sa kanya. Napatingin naman ako ulit sa dalawang niyang anak. Ngayon ay naglalaro ang dalawa habang binabantayan ni Trent.

"I'll just go to Trent," he whispered.

Tumango ako. Ang tagal din kase nilang hindi nagkita pala dahil nga nasa Japan kami. Pinagmasdan ko naman 'yung dalawang bata. Pinaupo naman ni Emma si Tria sa isa sa mga upuan dito, umupo rin kami sa tabi niya.

"Your kids are really cute, Tria. They're also well-mannered." sabi ko kay Tria.

Nakakatuwa silang tingnan. Parang gusto ko na tuloy magkaanak. Pero hindi ko sigurado kung mapapanindigan ko bang makasama sila araw-araw.

Having kids is a huge deal. Hindi siya isang laro. You have to think about a lot of factors, before having them.

She smiled, looking at them. "Thank you, gawa namin 'yan." she joked. "Sa totoo lang, medyo unexpected nga eh, we weren't married yet nung nabuntis ako, but I'm still happy that I got them both,"

Hinaplos niya ang tiyan niya habang nakatingin sa amin.

"At saka, si Trent talaga ang pinaka disciplinarian sa amin. He teaches the kids often about good manners and discipline. Lalo na at kailangan dahil isa silang Montereal. It's customary for their family, so they can uphold it's name."

Me and Emma nodded. Hindi man nila inaasahan ang anak nila, pero naturuan naman nila 'to ng magandang asal. Balita ko, both of them are a well-known engineer and architect. Paano kaya nila nagagawang alagaan 'yung mga anak nila, while taking care of their careers?

"How do you take care of them so well? I heard you're still one of the highest paying architects in the country. How do you manage both your career and your kids?" tanong ko sa kanya.

Gusto ko lang malaman dahil baka dumating din 'yung araw na baka kailanganin ko.

"Oh, I stopped working for awhile just to take care of the kids. Bumalik ako sa trabaho saglit nung medyo malaki na sila, pero nung mabuntis ako ulit ay nagleave ako. Trent doesn't allow me to work when I'm pregnant. Paranoid kase 'yun. Lakas lang din ng loob niyang patigilin ako dahil kanila naman 'yung kumpanya." natatawa niyang sabi.

I nodded. Hindi ko nga rin siguro maikukumpara ang sitwasyon naming dalawa. Sobrang magkaibang-magkaiba.

"Why? Ikakasal na ba kayo ni Buenavista?" tanong niya.

Napa-angat ako ng tingin, while Emma looked at me.

"Uh... we're not engaged yet," sagot ko. "Hindi niya pa ako inaalok."

Her mouth formed an 'o'. "Oh, but you'll say yes naman, if he asks, right? Hinihintay mo lang siya?" Tria asked.

Tumango ako at ngumiti. Sigurado na ako doon.

"Is... marriage and having kids hard?" tanong ko.

She pursed her lip, thinking about her answer. Emma is interested to hear her answer too.

"Hmm... sa akin, ayos lang naman." she said with a smile. Para siyang kinikilig. "Well, to be honest, marrying Trent is the best decision I ever made in my life. May mga pagkakataon na nag-aaway kami, but madali lang naman maresolve. We work on it together, at hindi kami natutulog hangga't di ayos 'yun."

She bit her lip, trying to contain her smile. Ramdam ko kung gaano niya talaga kamahal ang asawa niya. Sa paraan palang ng pagtingin nila sa isa't isa, at kahit hindi magsalita ay nagkakaintindihan sila.

"Well, marriage is something that you two work on together. Especially, pag may mga bata na. It's hard when we both have work, but we still make sure that we make time for the both of them. But as long as we both have each other, it's fine." dagdag niya.

Ngumiti siya sa aming dalawa.

"As long as you marry the only person that you wish to marry and spend the rest of your life with, makakayanan niyong lagpasan ang lahat. Kahit ano pa 'yan." she told us with a smile.

Napatingin ako kay Kale na nakikipaglaro na ngayon sa mga anak nila Tria. I'm sure he's the only that I wish to marry and spend the rest of my life with.

Siya nalang ang naiimagine kong makakasama ko habang buhay. Through everything, through hardships at ang magpapasaya sa akin.

He's the only one I want to marry in this lifetime.

And there's nothing else that would change my mind about that.

Continue Reading

You'll Also Like

10.8K 760 46
Natashya Roxanne Diaz is a spoiled high school girl gone rogue. She often finds herself in situations that trigger her anger issues and gets away wit...
10K 345 39
SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from PUP College of Communication, never got...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
420K 6.1K 24
Dice and Madisson