Marou Marupok (Highschool Ser...

By Lalene_Bliss

11.1K 700 128

Marou has an ulitimate goal; not to fall in love with a guy who always piss her off. Will destiny allow her... More

Note
PROLOGUE
MARUPOK 1
MARUPOK 2
MARUPOK 3
MARUPOK 4
MARUPOK 5
MARUPOK 6
MARUPOK 7
MARUPOK 8
MARUPOK 9
MARUPOK 10
MARUPOK 11
MARUPOK 12
MARUPOK 13
MARUPOK 14
MARUPOK 15
MARUPOK 16
MARUPOK 17
MARUPOK 18
MARUPOK 19
MARUPOK 20
MARUPOK 21
MARUPOK 23
MARUPOK 24
MARUPOK 25
MARUPOK 26
MARUPOK 27
MARUPOK 28
MARUPOK 29
MARUPOK 30
MARUPOK 31
MARUPOK 32
MARUPOK 33
MARUPOK 34
MARUPOK 35
MARUPOK 36
MARUPOK 37
MARUPOK 38
MARUPOK 39
MARUPOK 40
MARUPOK 41
MARUPOK 42
MARUPOK 43
MARUPOK 44
MARUPOK 45
EPILOGUE
Thank you note
HIGHSCHOOL SERIES #2

MARUPOK 22

170 11 2
By Lalene_Bliss

"Hindi pa nga tayo e, kung ano-ano na agad iniisip mo." natatawang sagot ni Kendmar.




"Kainis ka" hinampas ko siya.




"Marou, hindi naman ako gagawa ng dahilan para mawala ka sa'kin e." malumanay na sabi niya, sinuklay-suklay niya ang buhok ko.




"Weh? Baka ngayon lang 'yan? Tapos bukas makalawa hindi ka na ganiyan." inirapan ko siya.




"Wala ka bang tiwala sa'kin?" binitawan niya ang buhok ko.




"I trust you!" inis na sabi ko. "Pero.."





"Pero ano?"




"Nevermind." huminga ako nang malaim. "Iniisip ko lang 'yung mga pwedeng mangyari." malungkot na sabi ko. "Sa mga nakikita ko kasi na couple, away-bati sila tapos hanggang sa magkakasawaan tapos maghihiwalay."




Tumawa si Kendmar. "Para kang bata pero ang cute mo."




"Umayos ka nga!" gigil na sabi ko. Nakikipag usap ako sa kaniya ng seryoso tapos ganiyan sagot niya.




"Sige na, sige na, hindi na." nakangiti na sabi niya.




Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita.




"'Yung sa ibang couple naman, may darating na bago tapos magsasawa 'yung lalake tapos--"




"Lalake na naman? Bakit ba sa tuwing usapang sawaan, lalake ang pinagbibintangan?" Kendmar cut me off.




Umiiling-iling pa siya sa pagkadismaya.




"Kasi nga totoo naman na mabilis kayo magsawa." nginitian ko siya. Nakikita ko na naaasar siya sa topic namin.




"Pruweba?" parang nagagalit na siya.




"U-uhm..sa facebook! Marami akong nababasa sa facebook, sa mga secret files churba!" tinatapangan ko ang boses ko.




"Imbento lang 'yon, imahinasyon ng mga babae." napakagat siya sa labi niya.




"Oh? Bakit nadamay kaming mga babae? Inaano ka?" kunot noo na sabi ko.




"Kasi ang mga babae magaling gumawa ng kwento." nakangising sabi niya.




"No, we're not! Sadyang nagsasabi lang ng totoo 'yung mga girls sa secret files."




Magdedebate na yata kami sa harap ng sunset! Jusmiyo!




"Paano mo nasabe?" nang aasar na sabi niya.




"Epal ka." inirapan ko siya, nakakapagod makipag usap sa kaniya kapag ganito topic!




Napatingin ako sa kaniya nung bigla niyang hinawakan ang mukha ko, nag init ang mukha ko. Napansin niya na nataranta ako kaya tinanggal niya 'yon kaagad.




"Ano 'yon?!"




"S-sorry" natawa siya. "No touch nga pala." ngumiti siya sa'kin. "Marou tandaan mo, hindi lahat ng lalake pare-pareho."




"Gusto mo lang sabihin na iba ka sa kanila e hahaha!"




"Yah, ang epal mo. Sasabihin ko pa lang e." napakamot siya sa ulo niya at natawa na lang kami pareho.




"Alam mo ba kung ano pangarap ko?"




Kumunot ang noo niya.




"Ano?"




"Ikaw." tumawa ako sa sarili kong banat sa kaniya.




"Ikaw, alam mo ba kung ano pangarap ko?" sabi ko.




"Ako? Haha! Alam ko na 'yan!" pagmamayabang ko.




"Mali" nakangising sagot niya.




Nanlaki ang mga mata ko, grabe! Medyo hindi ko tanggap ang sagot niya ha!




"Pangarap ko makapunta sa Paris, France kapag naka graduate ako ng college." sabi niya habang nakatitig sa'kin. "Kasama ka."




Napaiwas kaagad ako ng tingin, nararamdaman ko kasi na nag iinit ang pisngi ko! Myghad!




"Hahahaha" sagot ko.




Medyo nahihiya pa ako kasi ang sabi ko kanina siya ang pangarap ko, pero siya may pangarap para sa'ming dalawa huhu. Baka isipin niya na puro lang ako harot tapos wala akong pangarap para sa'min, hmp! Syempre meron din 'no, hindi ko pa lang iniisip!




"Bakit, ayaw mo ba?" nag aalala na tanong niya.




"H-huh? Hindi!"




"Hindi?"




"Ay, ano-- Gusto ko! Gustong gusto ko." nginitian ko siya.




"Pupunta tayo roon ah! Kaya kailangan sasagutin mo ako." natatawa na sabi niya.




"Gusto mo sagutin na kita, now na?" nakangising sabi ko.





Namula ang tenga niya kaya mas lalo akong natawa.




"Char, ligawan mo muna ako hanggang college hahaha."




"Okay, bebe." hinampas ko ang dibdib niya nang bigla niya ako halikan sa noo.




"No kiss!"




"Atleast hindi sa lips" natatawa na sabi niya. "Tara na." tumayo na siya kaya sumunod na rin ako.




Pagkarating namin sa bahay agad na rin nagpaalam si Kenneth na aalis na siya.




"Chat mo ako." sabi niya atsaka kumaway paalis.




Naglalakad ako sa sala tapos nilapitan ako ni mama.




"Kaya mo ba ako tinanong dati tungkol sa paano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao dahil kay Ken?" natatawa na sabi ni mama.




Nag panic agad ako at napatingin sa paligid ng bahay namim. Phew! Buti wala si daddy.




"Nasa kwarto ang daddy mo." umupo si mama sa sofa.




Tumabi ako sa kaniya.




"Hmmm, opo." nahihiya ako habang tumatango-tango.




"Sabi ko na, e." natatawa na sabi ni mama. Hinawakan niya ang isang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa tyan niya.




"Nak, lagi mong tandaan na hindi kailangan magmadali."




"Opo, mommy." nakangiting sabi ko.




"Masaya ako na nakikita kang masaya sa kaniya." masayang sabi ni mama. "Hindi madaling pumasok sa isang relasyon ha, pinag iisipan 'yan ng mabuti."




Tumatango-tango lang ako habang nakangiti.




"Huwag din puro puso ang paiiralin, dapat pati 'yan." tinuro niya ang ulo ko. "Kung hindi, talo ka."




"Ano pong talo?" kunot noo na tanong ko.




"Masasaktan ka lang, Nak. Mahirap masaktan, malaki ang magiging epekto nun sa buhay mo kapag nagkataon." hinawakan niya ang mukha ko. "Kaya kita sinasabihan para paalalahanan at protektahan ka."




"Salamat, mommy. Hindi ko po makakalimutan mga sinabi mo, ililista ko pa 'yan sa notes ko." I joked.




"Ano gusto mo ipangalan sa kapatid mo?" pag iiba ni mama sa usapan habang hinihimas-himas ang tyan niya.




"Uhm, gusto ko po 'yung malapit sa pangalan ko."




"Marou.." sabi ni mama habang nakatingala na sa kisame, nag iisip. "Marie?"




"Huwag naman Marie, ma." si Marie na may crush dati kay Kendmar ang naaalala ko e!




"Maria?" suggest ni mama.




"Ang layo na po sa name ko." napatingin ako sa sahig at nag iisip din.




Ang daming pangalan sa mundo pero parang ang hirap mag bigay ng pangalan sa isang upcoming baby!




"Ano po ba sabi ni daddy?"




"Ikaw raw ang tanungin ko." sabi niya.




Luh, dapat nga mag asawa ang nag uusap pagdating sa ganito e, hahaha.




"Nahihirapan ang daddy mo sa pag iisip ng pangalan, dapat nga ako ang magbibigay ng pangalan mo sa'yo noon." sabi ni mama, kumunot ang noo ko. "Kaso nga lang, ang tagal ko raw gumising hanggang sa kailangan na raw ang pangalan mo. Kaya ayun, daddy mo ang nagbigay sa'yo ng pangalan mo." natatawa pa siya.




Kaya pala ang weird ng name ko huhu, pero maganda ha, galing naman kay daddy e, kaya sige na. Maganda na.




"Ano po dapat ibibigay mo sa'kin noon?" excited na sagot ko.




Umaasa ako na Princess, Elizabeth, Pauline o kahit na anong girly names!




"Marikit." napanganga ako sa sinabi ni mama.




"What?!"




"M-A-R-I-E  K-I-T-H. Marie Kith." sabi ni mama.




Hindi kaagad ako nakasagot, pinoproseso sa utak ko ang spelling na sinabi ni mama. Mas weird pala 'yung kaniya, grabe! Tyaka parang hindi bagay sa'kin, okay na ako sa Marou Mae! Muntik ko pa maging kapangalan si Marie na kaklase ko.




"Ay, 'yon na lang kaya ipangalan ko sa kapatid mo?" mommy blinked her eyes twice.




"No!" tanggi ko kaagad.




"Sige, isip pa tayo." sabi ni mama. "Mar--"




"Malou!" napasigaw ako na parang na-perfect ko ang quiz namin.




"Oo nga 'no" tuwang-tuwa na sabi ni mama. "Sige, sasabihin ko 'yan sa daddy mo, samahan ko na siya sa kwarto. Pahinga ka na rin." inalalayan ko siya tumayo sa sofa, mahirap na baka biglang matumba si mama.




Gusto ko pa makita si Malou, 'no! Kapag lumaki na siya ipagmamalaki ko na ate niya ang nagbigay ng napaka ganda niyang pangalan hahaha!




Dumiretsyo ako sa kwarto ko para magpahinga pero nakita ko 'yung regalo sa'kin ni Kendmar na nasa paper bag na blue. Ni-lock ko kaagad ang pintuan ko at excited na umupo sa higaan ko at inabot ang paper bag.




Hindi ko pa nabubuksan pero ngiting-ngiti na kaagad ako. Pagkabukas ko may nakita ako na isang papel na nakatupi. Kumunot ang noo ko, binuksan ko 'yon at may nalaglag na pictures na naka develop. Nakataob lahat 'yon nung nalaglag sa sahig. Blanko 'yung papel na mas ikina-nuot ng noo ko.




Iginalaw ko ang ulo ko pakanan para mabasa ang nakalagay sa likod ng pictures. "I" pinulot ko 'yon at hinarap sa'kin, bigla akong kinilig nang ma-realized ko na 'yun 'yung first stolen picture namin ni Kendmar! Nung mga panahong kutong lupa pa ang tawag ko sa kaniya!




"You" ang pangalawang picture na nakita ko. Pinulot ko kaagad 'yon sa sobrang kilig at nakita ko na 'yun naman 'yung pangatlong latest stolen shot namin.




"Love" pinulot ko 'yung last picture na nakita ko. 'Yun naman 'yung pangalawang stolen pic namin ni Kendmar na againts the light pa pero kitang kita ang mukha ko na ngiting-ngiti! Kaya siguro malakas din ang loob ni Ken manligaw sa'kin dahil akala niya may gusto ako sa kaniya dati! Hahaha!




Pinagtabi-tabi ko 'yon at nabuo ang isang salita na ikinalambot ng puso ko. 'I Love You' bakit ba ang sweet niya?! Argh! Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at tumitili-tili roon.




Tumakbo ako papunta sa harap ng salamin sa kwarto ko, pinagmasdan ang itsura ko kung paano ako kiligin.




"Ganito pala ako kiligin, pulang-pula ang mukha ko! Para akong nangangamatis!" nag aalalang sabi ko sa harap ng salamin pero kinikilig pa rin at the same time. Nahiya ako bigla, naisip ko na paano kapag ganito pala ang istura ko sa tuwing bumabanat si Kendmar sa harapan ko?! Omyghad! Nakakahiya!




Bumalik ako sa higaan ko, halos isang oras ko pa tinitigan 'yung tatlong picture na 'yon. Ang sweet nga namin tignan simula noon. Saka ko lang napansin na ang laki nung paper bag na bigay niya pero isang papel lang pala ang laman pero sobrang special naman!




Bumangon na lang ulit ako para mag gabihan, nagtatawanan pa kami nina mama dahil sa pangalan ko. Nataranta raw kasi si daddy noon at hindi alam ang pangalan na ibibigay sa'kin, kung ano raw 'yung pumasok sa isip niya 'yun na raw 'yung pinalagay niya tapos nung inuwi ako sa bahay, doon niya lang daw na-realize na parang may mali sa pangalan ko. Nag sorry pa sa'kin si daddy pero natawa siya, maganda naman daw ako kaya okay lang. Okay, maganda raw ako sabi ni daddy.




Nag online agad ako pagkatapos at chinat ko si Kendmar.




Marou: Uy! Thank you sa gift! Ang cute natin doon. Hihi <3




Kendmar: typing..




Kendmar: I'll do everything just to make you happy. Always.




Marou: huhu, sorry talaga. Nahihiya ako kasi wala man lang akong regalo sa'yo ;(




Kendmar: typing..




Kendmar: sinabi ko na sa'yo, ikaw pa lang regalo na.




Natawa ako sa sobrang kilig. Nagpatuloy lang kami sa pag chat at sinabi niya na magkita kami sa New Year. Excited na tuloy ako na mag January 1.




The next three days wala naman masyadong ganap sa buhay ko. Chat-chat lang kami ni Ken. Ilang days na lang magkikita na ulit kami.




"Marou!" sigaw ni ate Lita sa galing sa living room. "Marou! Si mommy mo!"




Agad akong nataranta at dire-diretsyong lumabas sa sigaw ni ate Lita. Pinabalik na siya ni daddy dito simula nung umalis na siya nung 27.




"Mommy!" nakaupo si mommy sa sofa, namimilipit sa sakit ng tyan.




"Ate Lita, tawagan mo si daddy now na!" sigaw ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, nasstress ako sa kinikilos ni mama!




"Mommy, anong nangyayare?" maluha-luha kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.7K 105 8
An effective bible study tips. Features : *S.O.A.P method • Deep S.O.A.P method • Shallow or easy S.O.A.P method *Freestyle method *Chapt...
1.1M 25.3K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
4K 316 5
SCARLET ELISSE X HUGO ALEXANDRE II WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. RE...