131 Years (PUBLISHED)

By nicoleannenuna

184K 8.5K 6.9K

Dalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matuko... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Ang Aking Lihim
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogo
131 Years Book Giveaway
Book Giveaway Winners
131 YEARS is coming to the MIBF!
El Último Capítulo (The Last Chapter)

Kabanata 37

2K 133 127
By nicoleannenuna



Hinalikan ng isang lalaki ang kamay ko habang bumubuhos ang malakas na ulan.

"Hasta que nos encontremos de nuevo. Recuerda esto. Recuérdame," sambit niya sa akin.

"Ano'ng ibig mo sabihin?" tanong ko sa kaniya. Ngunit tanging ngiti ang binigay niya sa akin—ngiti na parang namamaalam.

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Ngunit nananabik ako makita muli ang mga tingin na iyon, gusto ko ulit maramdaman ang mainit na pagdampi ng labi niya sa kamay ko.

"Maiintindihan mo rin. Kailangan ko nang umalis, Dalia."

Iyon ang huli niyang sinabi sa akin bago siya tuluyang naglaho sa dilim. Gusto ko tawagin ang pangalan niya—pero bakit hindi ko na ito maalala? Gusto kong alalahahin ang hitsura niya—ngunit hindi na ito bumabalik sa aking isipan.

Habang lumalayo siya ay nakakalimutan ko ang pangalan niya. Hindi ko maisigaw ang ngalan ng lalaking ito. Naiwan ako sa dilim. Sabay sa pagbuhos ng ulan ay ang aking pagdadalamhati sa lalaking minahal ko na tila isang multo.

"Aray!" sigaw ko nang maramdaman ko na tumama ang mukha ko sa sahig. Nasaan ba ako? Ay, nasa bahay-tuluyan pala ako.

Inayos ko ang sarili ko at gulat akong napatingin sa isang pamilyar na lalaki na natutulog sa banig. "Manuel? Ano'ng ginagawa niya rito?" tanong ko sa sarili.

Napalingon ako sa paligid ko. Hala! Nagkamali ako ng tinulugan kagabi dulot ng kalasingan. Napasapo ako sa ulo ko na masakit. Sigurado ako na magkakapasa itong pisngi ko, solid 'yung pagkahulog ko sa kama!

Pinagpagan ko 'yung saya ko at lalabas na sana ako sa silid ni Manuel nang marinig ko siyang magsalita. "Napaka-ingay mo, binibini," saad nito habang nakatakip ang mata gamit ng braso. "Nagbayad ako sa silid na ito para lang matulog lang sa sahig. Sa susunod na maglasing ka, baka naman ibig mong magyaya?"

Hindi ko na lang binigyan ng atensiyon ang pabungad niya. Dumiretso na ako sa silid ko na katabi lang din pala ng silid ni Manuel. Napaupo ako sa kama ko. Sariwang-sariwa sa aking alaala ang panaginip ko, pero hindi ko man lang maalala ang mukha niya, tanging naalala ko lang ay ang mga salitang sinabi niya.

Bumaba ako sa salas ng bahay-tuluyan at pinaghandaan ako ng nangangasiwa rito ng kape at ensaymada bilang almusal. Ikatlong araw ko na ngayon sa Maynila at nakakabuti naman sa akin ang paglayo ko kay Vicente.

'Di nagtagal ay bumaba rin si Manuel na kinukusot pa ang mata niya't pahikab-hikab pa. Magulo rin ang buhok niya at mamula-mula ang labi nito. Napaiwas naman ako ng tingin.

Kumuha siya ng diyaryo na nakapatong sa mesa at umupo sa katapat kong silya. Dumekuwatro pa siya saka binuklat 'yung diyaryo.

"Kain," pagyaya ko sa kaniya.

Binaba niya nang kaunti 'yung diyaryo kaya tanging nakikita ko lang ay ang mata niya, "Busog pa ako," sagot niya at muling itinaas ang hawak na diyaryo.

"Busog pa ako. Okay. Whatever." Pag-gaya ko sa sinabi niya habang sumisimsim ng kape.

"Ako ay uuwi na mamayang tanghali, ibig mo bang sumabay sa akin?" tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko, mamamalagi ako ng limang araw dito. Mayroon pa akong dalawang araw." Tugon ko.

Tahimik lang kami hanggang sa isang babaeng tagapangasiwa ang dumaan, at aksidenteng nahulog niya ang hawak na babasaging plato at mga kubyertos. Tumaginting ito sa sahig.

Tatayo sana ako para tulungan siya ngunit mas maagap si Manuel, lumuhod siya sa harap ng babae at tinulungan niyang pulutin ang mga nabasag na piraso ng pinggan.

"Ako na," saad ni Manuel sa kaniya.

"Pero señor—"

"Kumuha ka na lamang ng walis, binibini. Baka may maka-apak pa ng bubog nito." Aniya.

Napatitig ang dalaga kay Manuel. Napakagat pa siya sa labi na labis kong ikinagulat. Napaiwas siya ng tingin nang tumingin si Manuel sa kaniya. "Binibini?"

"Napakabuti niyong tao, señor, dayo lang po ba kayo rito?" usisa nito. Tumango si Manuel bilang tugon. "Catalina nga po pala, ginoo." inilahad niya ang kamay niya at nakipagkamay naman si Manuel.

"Immanuel," sagot naman niya sa babae.

"Ouch!" natigil sila sa kalandian nila dahil 'di ko namalayan na napaso na 'yung dila ko sa iniinom kong kape. Titig pa more!

Nabitawan ko 'yung hawak kong tasa na babasagin at tila may umudyok sa akin na gawin iyon.

"Rosenda naman," pagsuway sa akin ni Manuel dahil nalaglag ko 'yung tasa. Mahinahon ang kaniyang boses. Ito ang isa sa katangian niya, kahit naiinis siya ay kalmado ang boses niya, akala mo ay hinehele ka palagi.

Pupulutin ko sana 'yung piraso ng hinulog kong tasa pero hinawakan ako ni Manuel sa kamay. "Ako na, Rosenda." Aniya.

"Pasensiya, hindi ko sadya." Saad ko. Kumuha na si Catalina ng walis at nagtulungan sila ni Manuel na linisin ang mga nagkalat at basag na piraso ng tasa. Si Catalina ang nagpunas ng kape na sanhi ng nagawa ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng galit. Galit na bigla na lang sumusulpot.

Matapos ang pangyayari na 'yon ay dumiretso ako sa simbahan ng Binondo. Ipinagdasal ko ang maaring mangyari sa akin sa panahon na ito. Naalala ko ang sinabi ni Padre Alvaro na walang kailangan mamatay kung magagawa kong isakripisyo ang sarili ko. Pero paano?

Umasa pa rin ako na makikita ko 'yung matandang babae na manghuhula, pero bigo ako.

Pagbalik ko sa bahay-tuluyan, nagulat ako nang makita ko pa rin si Manuel doon. Napansin ko naman si Catalina na padaan-daan at nagnanakaw ng sulyap sa kaniya. Samantala, abala naman si Manuel na gumuhit ng kung ano sa isang pirasong papel gamit ang tinta at pluma.

"Akala ko ba, uuwi ka na ng tanghali?" nagitla siya sa presensya ko't agad niyang nilukot 'yung papel na ginuguhitan niya.

"Tinamad ako," tipid niyang sagot. Nang lumapit si Catalina sa kaniya ay nakita ko ang rason kung bakit 'tinamad' siya.

"Señor Eliazar, ito po pala 'yung adobo. Nakuwento niyo po sa akin kanina na hilig niyo iyan, binili ko pa 'yan sa kalapit na tindahan." Naglapag si Catalina ng adobo sa harap ni Manuel at parang asawa siya na pinagsisilbihan nito.

"Eliazar?" nagtataka kong tanong.

"A, opo, señorita. Immanuel Eliazar Isidro po ang buong ngalan ni señor ayon sa kaniya." Paliwanag ni Catalina

"Salamat Catalina, hindi mo naman kailangang gawin ito." Nahihiyang saad ni Manuel. Nagbigay-galang sa kaniya si Catalina at umalis na.

Naupo ako sa dulo ng silya. "Adobo? 'Di ba 'yan ang paborito mo?" tanong ko.

"Naalala mo pala," sambit niya sabay tikim sa ulam na nakahanda, "Masarap." Komento niya.

"Sus! 'di hamak na mas masarap akong magluto ng adobo kaysa sa kaniya." Usal ko.

Hindi na niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pag-kain. "Matagal kayong nagkuwentuhan ni Catalina?" usisa ko.

"Bakit mo natanong?"

"Wala."

"Kanina pa hindi pangkaraniwan ang asta mo, Rosenda. Hindi ka naman maputla. Kumain ka na ba? Gusto mo, sa iyo na lang ito." Inusog niya sa'kin 'yung adobong nasa plato.

Umayaw ako. "Ayoko, baka sumama loob ni Catalina."

Napaismid naman si Manuel. "Ikaw nga yata ang masama ang loob r'yan. Kanina pa masama ang tingin mo kay Catalina, binilhan lang naman niya ako ng paborito kong putahe." Saad niya habang kumakain. "Tikman mo na kasi." Pagpupumilit pa niya.

Hindi ko siya sinagot. Nakita ko ulit si Catalina na dumadaan, lalapit sana siya kay Manuel pero pinigilan ko siya. "Catalina, ano na naman ba ang iyong kailangan? Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami?" singhal ko.

"Rosenda," suway sa akin ni Manuel. Mahinahon ang kaniyang boses.

"Aalukin ko lang ho sana kayo, señorita, kung ibig niyo rin kumain." Bakas ang pagkabigla sa boses ni Catalina.

Napatayo ako. "Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Estúpida! Subukan mo muling lumapit sa kaniya. Pobre bastarda! Indio!" hiyaw ko sa buong salas kaya napatingin lahat ng tao sa akin.

"Rosenda!" napasigaw na si Manuel. Nakita ko na maluha-luha si Catalina.

"Paumanhin po," iyon ang huli niyang sinabi at umalis na.

Tinutop ko ang sariling bibig. Napa-atras ako matapos ang tagpo na iyon. Bakit nag-aalab ang galit sa aking puso? Bakit nakapagsalita ako ng ganoon?

"P-Patawad. Pasensiya na po sa inyong lahat," usal ko sa mga estrangherong nawindang sa asal ko. Yumuko ako't tumakbo papunta sa silid ko. Sinara ko 'yung pinto at napasandal dito. Pawis na pawis ako at sobrang nakokonsensiya ako sa nasabi ko kay Catalina.

Nanlulumo ako sa mga nasabi ko sa tao. Gising naman ako, alam ko ang ginagawa ko, pero bakit galit na galit ako?

Biglang nagbukas ang pinto kaya naitulak ako nito, tumambad si Manuel na parang gulat na gulat pa rin. Ni hindi niya kinatok ang pinto. Humakbang ako palayo sa kaniya. "Ano iyon, Rosenda?" kalmado ang boses niya pero alam kong galit siya. Sinara niya 'yung pinto at nilapitan ako.

"Hindi ko alam, hindi ko sinasadya." Paliwanag ko.

"Batid ko na matapang kang babae, ngunit hindi tama na sabihan mo ang isang tao na isa siyang matapobre, estupida, at indio. Baka nalilimutan mo, katulad ko lang si Catalina. Para mo na ring kinutya ang pinanggalingan ko." Pangaral niya.

"Hindi ko alam ang nangyari, Manuel. Kakausapin ko na lang si Catalina—"

"Huwag ka nang magtangka dahil umuwi na siya matapos ang nangyari," aniya. Humakbang siya papalapit sa akin. "Umamin ka, naninibugho ba ang iyong damdamin nang dahil kay Catalina?"

Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ako? Bakit ako magseselos?"

"Kanina, sinadya mong ihulog ang tasa na hawak mo, tapos ngayon, sinigawan mo nang basta-basta si Catalina," napahinto siya at napalunok, "Sa natunghayan ko kanina, hindi iyon ang Rosendang nakilala ko."

Natigil ako sa sinabi niya. Nasaktan ako. Sa unang pagkakataon, nasaktan ako sa sinabi ni Manuel.

"Hindi mo naman ako labis na kilala, at kailanman ay hindi mo ako makikilala. At wala akong pakialam sa inyo ni Catalina, kung gusto mo, sundan mo siya." Buwelta ko.

"Ano bang nangyayari? Bakit ka ba narito sa Maynila? Sinaktan ka ba ni Vicente?" ang kaninang galit na Manuel ay napuno na ng pag-aalala.

Bigla kong naalala ang mga salitang narinig ko kagabi.

"Ikaw ba ang narinig ko kagabi na nagsabing mahal mo ako?" tanong ko. Nagulat si Manuel at napatingin sa ibang direksyon.

"A-Ano?" nauutal niyang tanong.

"Narinig mo ako."

Malikot ang mata niya ngayon at hindi siya makatingin sa akin. "Lasing ka lang kagabi," usal niya.

"Lasing ako pero hindi ako bingi."

Natawa si Manuel nang sarkastiko, "Kung tunay ngang nagmula sa akin iyon, mayroon bang magbabago?"

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, naiiyak ako dahil si Vicente ang laman ng isip ko. Gusto ko siyang makita ulit para humingi ng tawad sa kaniya.

'Di ko namalayan na humakbang lalo papalapit sa akin si Manuel at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Napansin ko na may nalaglag na papel sa sahig kung kaya't pinulot ko ito. Binuklat ko ang papel na lukot at nagitla ako dahil ako ang nakaguhit doon—nakasuot ako ng baro't saya at may nakalagay na pangalang 'Rosenda' sa itaas. Hindi kagandahan ang guhit na ito, pero halata sa bawat linya at kurba na pinaghirapan ito.

"Gawa mo ito?" hinablot agad ni Manuel ang papel na hawak ko.

"Panget iyan," saad niya.

Naantig ang aking damdamin sa nakita ko. Iyon pala ang ginuguhit niya kanina. "Hindi naman kasi ako marunong gumuhit, sinubukan ko lang." Pagrarason niya.

At dahil doon, niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko naramdaman ang kamay niya sa likod ko dahil alam ko na nagulat siya. Nang humiwalay ako ay tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.

Ito ang lalaking mahal na mahal ni Rosenda. Ngayon, mas lalo ko nang naiintindihan.

"Salamat," kinuha ko ang papel mula sa kamay niya't ibinulsa ito. "Ngayon, alam ko na kung bakit ka niya talaga minahal."

"Minahal? Nino?"

"Wala." Nginitian ko lang siya. Ang tahimik at seryosong Manuel ay hindi ko inasahan na gagawa ng isang bagay na hindi naman niya nakasanayan para sa akin.

Hinawakan niya ako sa pisngi. May sasabihin sana siya pero biglang bumukas ang pinto.

"Rosenda!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Si Leonardo.

Pumasok siya at nagulat ito sa hitsura namin ni Manuel. Agad kaming lumayo sa isa't-isa. "Kailangan mong umuwi ng bayan. Si Adelina..."

"Ano'ng nangyari sa kaniya?" tanong ko.

"Kailangan nating makumbinsi si Marco na panindigan ang anak niya. Laman na ng mga usapin sa bayan ang nagawa niya kay Adelina. Hindi magandang pangyayari ito," bulalas ni Leonardo.

"Bakit hindi na lang natin siya tulungan?" suhestiyon ko, "Bakit kailangan pa niya ng tulong ni Marco?"

"Nakausap ko si Adelina kahapon, nasabi ko na sa kaniya ang bagay na iyan ngunit hindi raw siya makakapayag na hindi magkaro'n ng kumpletong pamilya ang anak niya dahil ulila siya't ayaw niyang maranasan ito ng kaniyang supling." Paliwanag ni Leonardo.

Napamura ako't napasampal sa aking noo.





HAPON NA NANG marating namin ang bayan ng De la Vega. Sumama na rin sa amin si Manuel. Dumiretso kami sa may plaza dahil doon daw namin matatagpuan ang pamilya Montemayor ngayon. Bumaba ako agad sa kalesa at nanghina ang katawan ko nang makita ko si Adelina na nakaluhod sa harap ni Marco.

Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid at agad kong pinuntahan si Adelina. Malaki na ang tiyan nito at hindi maganda sa kalusugan niya ang labis na kalungkutan. Hinaplos ko sa ulo si Adelina. Nakita ko sa gilid sina don Jaime, Jovita, at Jacinta na parang masaya pa sa nangyayari.

"Tumayo ka r'yan, Adelina." Pinilit ko siya pero ayaw niya. "Hindi mo kailangan si Marco, tutulungan ka namin."

"Ayoko, gusto kong magkaroon ng buong pamilya ang anak ko," nanghihinang tugon ni Adelina.

Niliglig ko siya sa balikat. "Adelina, pinakiusapan na namin ang pamilya na iyan pero walang saysay. Masahol pa sa hayop ang ugali nila. Nakikiusap ako, tumayo ka na." Pagsusumamo ko.

Napansin ko na umalis si Marco, tumayo naman ako at hinarap siya. "Marco!" sigaw ko. Dahan-dahan siyang napalingon sa akin. "Ano? Tatalikuran mo na lang si Adelina purke naaksidente mo siya? Hindi ka na nahiya sa asawa mo!" singhal ko.

Lumapit siya sa akin. "Sino'ng may sabing hindi ko siya papanindigan?" ngumiti siya. Isang ngiti na alam kong nagpapakitang-tao lang. "Tumayo ka, Adelina. Uuwi tayo sa amin."

"T-Talaga?" tila isang bata na nangangarap ang mga mata ni Adelina sa narinig.

"Oo. Mauunawaan naman ni Maribel ang sitwasyon natin." Wika niya at tinulungan tumayo si Adelina.

Napansin ko na maraming saksi sa nangyayari, hindi kaya ginagawa lang ito ni Marco para hindi mapahiya ang pamilya nila at hindi sila lumabas bilang masasamang tao?

Pinagmasdan ko sila habang maingat na isinakay ni Marco si Adelina sa kalesa. Masama ang kutob ko pero nang makita ko ang mga ngiti na sumilay sa labi ni Adelina, alam ko na masaya siya.

Napansin ko ang isang puting kabayo na naghihintay, ito siguro ang sasakyan ni Marco. Samantala, napukaw ng atensiyon ko ang tila kupas na kulay ng dugo sa bahagi ng tiyan ng kabayo.

Puting kabayo—puting kabayo ang sinasakyan ng salarin na pumatay kay Javier. Napalingon ako kay Marco na nakatingin sa akin ngayon. "May problema ka ba sa aking kabayo?" tanong niya.

"Wala. Mahilig lang ako sakabayo," ngumiti ako kunwari sa kaniya upang hindi niya mahalata ang lahat. "Ingatanmo si Adelina." Hindi na sumagot si Marco at sumakay na sa kaniyang kabayo atnawala na ang pamilyang Montemayor sa plaza.






TINIPON KO SINA kuya Antonio, Manuel, Leonardo, at Vicente nang gabing iyon. Isinantabi ko muna ang mga nararamdaman ko. Nakapaikot kami ngayon sa hardin at ako ang nagsilbing utak ng plano na naisipan ko. Ito ang planong ibinulong ko kay kuya Antonio.

Tahimik lang sila na nakikinig, lalo na si Vicente na ngayon ko lang nakita ulit. Malalim ang mata niya at parang wala siyang tulog. Gustuhin ko man yakapin siya, mas importante ang gagawin namin ngayon

"Hindi ako sang-ayon sa plano na iyan," saad ni Manuel nang mailahad ko ang pinaplano ko.

"Hindi ko alam na darating ang araw na sasang-ayon ako sa sinasabi mo, Manuel, pero tama ka, hindi rin ako sang-ayon sa binabalak mo, Rosenda." Mariing tugon ni Vicente.

Bumagsak ang balikat ko. Alam ko naman na hindi sila papayag sa gagawin ko. "Wala nang ibang paraan upang makapasok ako sa silid nila. Ano'ng naiisip niyo, sige nga?"

Nagkatinginan silang apat. Marahil ay inaantok na sila dahil kanina pa ako nagsasalita. Akala mo ay estudyante ko sila na bored na sa klase. "Hihintayin niyo naman ako sa ibaba ng mansiyon nila at doon kayo magtatago. Kailangan ko lang makahanap ng pruweba na sila ang may sala sa pagkamatay ni Javier," pakiusap ko.

"Paano kung mapahamak ka? Ayokong makonsensiya habang buhay na hindi man kita nailigtas," sabad ni Manuel.

"Mas lalo ako," ani Vicente.

"Kung ayaw niyo ako tulungan, ako mismo ang gagawa mag-isa," usal ko. "Ito lang ang naiisip kong paraan para makamit ni Javier ang hustisya at para makita ko rin kung nasa maayos na kalagayan si Adelina."

Sa huli, wala silang nagawa kun'di pumayag sa plano ko. Hindi pa rin kami nagkibuan ni Vicente pero bakas sa mata niya ang takot at pag-aalinlangan.





Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Blonde ang kulay ng peluka na ipinabili ko kay Leonardo sa pamilihan kanina. Maiksi lang ito at may bangs, para akong Amerikana sa hitsura ko ngayon. Kinapalan ko ang klorete sa mukha, sobrang pula rin ng nguso ko gayon din ang aking pisngi. Pinalabas ko rin kay Angelita ang pulang gown na unang suot ko noong mapunta ako sa panahon na ito.

Naloka ako sa hitsura ko ngayon—masiyado itong mapang-akit. Nasanay ako na saya ang suot ko kaya naninibago ako sa anyo ng damit ko ngayon na halos kita ang klebahe ko. Ngunit ito talaga ang plano, ito ang plano para mapagtagumpayan namin ang misyon na ito. Saka ko lang napansin na may slit ang gown kung kaya't kitang-kita ang binti ko. Idagdag mo pa ang nakakawindang na heels bilang sapatos. Shocks!

Palihim lang naming gagawin ang misyon na ito.

Tinakpan ko ng itim na balabal ang katawan ko at saka bumaba kung saan naghihintay ang apat na lalaking kasabwat ko.

Nasa bukana sila ng mansiyon, lahat sila ay may hawak na lampara maliban sa akin.

Nang makita nila akong papalapit ay napanganga silang apat sa hitsura ko lalo pa't noong inilawan nila ako gamit ang lampara.

"Ano iyang suot mong sapatos? Nakakasaksak ba iyan?" bungad na tanong ni Leonardo.

"Oo, nakakasaksak pag hindi ka nanahimik," buwelta ko.

"Senda, patingin ng iyong kasuotan. Ano ba iyan? Saan mo nakuha 'yan?" nag-aalalang tanong ni kuya Antonio.

"Uso yata iyan sa kanila, Anton." sagot ni Leonardo na labis kong ipinagtaka.

Bigla akong na-outbalance dahil sa suot kong heels kaya naman nabitawan ko ang itim na balabal na nakabalot sa katawan ko. Nang dumako ang tingin ko sa kanila, lahat sila ay nawindang sa hitsura ng damit ko. 'Di ko namalayan na kitang-kita ang kasuotan kong mapangahas ngayon.

Samu't-saring reaksyon ang natunghayan ko:

Si kuya Antonio ay napa-sign of the cross.

Si Leonardo ay napamura sa wikang Espanyol.

Si Manuel ay napatikhim.

At si Vicente naman ay ipinikit ang mga mata sabay pulot sa balabal na nalaglag sa lupa. Tinakluban niya agad ang katawan ko habang nanatiling nakapikit.

"Pucha," natawa ako bigla sa mga hitsura nila. "Para kayong mga shunga." Naaaliw talaga ako sa eksena na nangyari. Kapag magkakasama ang apat na ito, maliban kay Manuel, ay sobrang benta nila kapag oras ng kalokohan. Para silang magkakaibigan na iba-iba ang ugali.

"Damit pa ba iyan, Senda? Para mo nang isinanla ang kaluluwa mo." Daing ni kuya Antonio.

"Huwag na lang kaya nating ituloy ito?" ani Vicente na may agam-agam sa gagawin. "Mag-isip tayo ng ibang paraan."

Itinaas ni Leonardo ang kamay niya. "Basta ako, kampante ako na magagawa ito ni Rosenda!" maligaya niyang saad. Mabuti na lang ay may kakampi ako. May hawak siyang isang bote ng lambanog at parte ito sa gagawin naming misyon. "Kaya mo iyan, Senda lampa. Ikaw pa ba?" paghimok niya.

Binatukan naman siya ni kuya Antonio. "Puñeta, bakit kaya hindi na lang ikaw ang magbihis babae?" tudyo nito. "Tapos, akitin mo si Marco." Dagdag pa ni Kuya.

"Hindi ako pumapatol sa talong," wika ni Leonardo. "Tahong lang—" tinakpan ni kuya Antonio ang bibig niya. Kahit kailan talaga, pasmado ang bibig ng pinsan namin na ito.

Iyon ang huling tagpo kung saan masaya kaming lahat ngunit alam ko na maaaring may kaakibat na kapahamakan ang gagawin namin ngayong gabi.





ALA-UNA NG madaling araw nang marating namin ang hacienda Montemayor. Kakabog-kabog ang dibdib ko at lahat ay tahimik na. Hawak ko ang isang bote ng lambanog na may lamang gamot pampatulog para kay Marco. Nagtago sa damuhan ang apat na lalaking kasama ko.

Nasa tapat ako ng magarbong pinto nila ngayon, kumatok ako nang marahan at pawis na pawis na ako dahil sa kaba. Nakabalot pa rin ng itim na balabal ang katawan ko. 'Di nagtagal ay nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Marco.

"Ano iyon? Hindi kami tumatanggap ng panauhin ng ganitong oras." Bungad niya.

Nanlaki ang mata niya nang matitigan niya ako. Parang nawala ang antok niya sa katawan. Inalis ko ang balabal na nakabalot sa akin at parang manyak na ang mga tingin ni Marco ngayon sa babaeng nasa harap niya.

"Naliligaw ako, ginoo. Baka puwede mo akong tulungan?" pagpapanggap ko. Niliitan ko talaga ang boses ko at inartehan ito.

"Sí," hindi ko inaasahan na papayag siya agad. "Ngunit huwag kang maingay, tulog na mga tao rito. Sa silid ko, doon ay puwede kang sumigaw." At napangisi siya sa akin.

Nandiri ako sa mga sinabi niya. Pero kailangan kong lunukin ang takot para maisagawa ang plano—ang planong akitin at patulugin si Marco at saka ako maghahanap ng pruweba sa silid niya na maaaring magamit laban sa pamilya nila.

Mahaba ang pasilyo sa kanilang tahanan sa ikalawang palapag. Sumasakit ang ilong ko sa amoy ng bahay nila. Ano ba iyon? Bulaklak?

Napadaan kami sa isang silid, naaninagan ko ang isang babae na natutulog. Sana si Adelina iyon. Namamawis na ako dahil sa kaba pero narito na ako at wala nang atrasan pa.

Napalunok ako nang dalhin ako sa silid ni Marco. Alam ko na sa ibaba ng mansiyon ay nakapalibot ang apat na lalaking kasama ko. Iyon na lang ang inisip ko para maginhawaan.

"Maupo ka, binibini. Taga-saan ka ba? Isa ka bang dayo rito?" nandiri ako sa pagkalumanay ng boses ni Marco. Akala niya bagay sa kaniya.

Naupo ako sa gilid ng kama niya't sinikap na hindi ipakita ang kaba ko. "I'm from England, my name is Valerie." Sambit ko.

"Marunong ka ng wikang Ingles? Ibig sabihin ay may lahi ka nga. Nakakaintindi o nakapagsasalita ka ba ng Tagalog?" manghang-mangha naman ang lalaking ito. Napansin ko na wala ang asawa niyang si Maribel, totoo nga yata ang mga usapin na iniwan na siya nito.

"Oo naman señor, ngunit ako ay naligaw sa lugar na ito at wala akong matakbuhan," nag-pout pa ako kunwari. Mukhang gagana naman ang palusot ko kasi hayok na hayok na sa laman ang Marco na ito.

Nagitla ako nang lapitan niya ako't hinawakan sa binti. "Bakit ganiyan ang iyong kasuotan? Ako tuloy ay hindi makapagtimpi. Magkano isang gabi?"

Muntik ko na siyang sampalin dahil sa tanong niya. Inakala niya pala na isa akong babaeng bayaran! Hindi ko naman siya masisisi dahil sa pananamit ko ngayon. "Hindi ko kailangan ng salapi mo, uminom na lang muna tayo," kumindat pa ako sa kaniya.

Kinuha niya ang isang bote ng lambanog na may halong pampatulog mula sa kamay ko. "Ito ba ang paraan upang makamtan kita ngayong gabi, Valerie?" tumango ako. "Bueno, ating pagsaluhan ang alak na ito." Aniya.

Kumuha siya ng dalawang baso na babasagin at nag-umpisa na siyang uminom. Panay ang akit ko sa kaniya bilang pagpapanggap pero hindi ko nilalapit ang sarili ko sa kaniya.

Akmang hahalikan ako ni Marco ngunit bumagsak siya sa binti ko. Sinampal ko agad siya at inakala kong magagalit siya pero hindi. Bumagsak ang ulo niya sa kama at parang nawalan na siya ng malay.

Ang bilis tumalab ng gamot na nilagay dito ni Leonardo, may talento pala talaga siya manglason. Binuksan ko ang bibig ni Marco nang bahagya at pinainom pa siya ng kaunting lambanog.

"Ayan, para talagang effective. Tulog ka niyan hanggang next week." Bulong ko sa kaniya. Sinara ko ang pinto ng silid niya at kinandado ito.

Napabuntong-hininga ako. Ito na ang simula.

Nang masigurado kong tulog na talaga si Marco, kinuha ko ang isang lampara at inilawan ang mga papeles na nasa silid niya. Sa sobrang dami ay parang hindi ko na alam ang hahanapin ko, panay ang halughog ko sa mga libro at kasulatan dito.

Palingon-lingon ako sa gawi ni Marco, ngunit naghihilik na ito at mas nakampante ako dahil doon. Nanginginig ang aking kamay habang binubuklat ang mga papel at 'di nagtagal ay nakakita ako ng isang kasulatan na maaring maging pruweba sa lihim ng kanilang pamilya.

Kumirot ang puso ko nang mabasa ko kung kanino nanggaling ito.

Don Jaime,

Nais ko iparating sa inyo na ako ay bumibitiw na sa aking puwesto bilang Koronel sa bayan na ito. Hiling ko na huwag niyo na ako idawit sa kahit anong aktibidad ninyo na nag-uugnay sa pagpatay at pagbilanggo sa ating kababayan. Galing na ako kay don Lucio na gobernador-heneral ng bayan na ito at tinanggap niya ang aking pasya.

Nawa'y maintindihan ninyo na ayaw ko na maging parte ng inyong mga plano sa panghinaharap. Tapos na ang pagiging kanang kamay ko sa iyo. Lumihis na ang aking katapatan at hindi ko na marapat sabihin sa iyo ang dahilan. Huwag ninyo sana saktan ang ama ni Vicente na si don Lucio. Mahalaga rin siya sa akin.

Batid ko na ibig mong maging gobernador-heneral ng bayan na ito at sana maisakatuparan mo ito sa wastong pamamaraan. Hindi pa huli ang lahat para magbago dahil napatunayan ko ito.

Tapos na ang mga araw ng aking paghihiganti. Umaasa ako na rerespetuhin mo ang aking desisyon. At kung ang desisyon na ito ang magiging mitsa ng aking buhay, nasa kamay na ni Vicente ang kapalaran mo.

Nakikiusap,

-Javier Hidalgo

'Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Hinalikan ko ang liham niya. "Para sa iyo ito, Javier, makakamit mo ang hustisya," sambit ko sa sarili.

Napalingon ako muli kay Marco, nahihimbing pa rin siya. Kasunod ng liham ni Javier ay isang liham na galing naman kay Marco.

Ama,

Nakarating sa akin ang ginawa ni Javier Hidalgo—nagbitiw siya sa puwesto bilang Koronel. Paano natin pagkakatiwalaan ang taong iyon gayong alam niya ang ating mga lihim? Kahit narito ako sa Bulakan ay ibig kong gumawa ng aksyon.

Marahil ay lumihis ang kaniyang katapatan sa inyong kapatid na si Fabio o kaya naman kay Lucio. Paano na lang ang ating mga plano na patalsikin ang mga De la Vega sa bayan na ito kung malayang nakakalakad si Javier buhat ang kaalaman sa mabusisi nating mga plano?

Ilang araw na akong laman ng usap-usapan sa bayan nang dahil kay Adelina. Alam naman nating parehas na maraming tao rin ang nakakaramdam ng pagkamuhi kay Javier kung kaya't madali lang na idiin natin siya sa anumang kasalanan para lang malinis ang ating pangalan.

Isang paraan lamang ang aking naiisip isakatuparan—iyon ay ang mawala nang tuluyan si Javier Hidalgo. Isa siyang taksil.

Lubos na gumagalang,

-Marco Montemayor

Tinutop ko ang bibig ko nang dahil sa nalaman. Tama ang suspetsa ko. Isinuksok ko sa bandang tiyan ko ang mga liham upang masigurado na hindi ito mahuhulog.

Dahan-dahan akong lumabas sa silid ni Marco, habang naglalakad ako sa pasilyo ay nanginginig ang buong katawan ko. Kinuha ko rin ang bote ng lambanog para walang ebidensya laban sa amin. Nakababa ako mula ikalawang palapag at lumabas na ng mansiyon nila. Tinakpan ko muli ang katawan ko ng balabal dahil malamig na. Sapat na ang mga liham na hawak ko para ipatapon ang pamilyang Montemayor dahil sa kasakiman nila.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Pagbaba ko, hinanap ko agad ang mga kasama ko ngunit wala pang sumasalubong sa akin gaya ng napag-usapan. Nasaan na sila?

"Vicente? Manuel? Kuya Antonio? Leonardo?" mahinang pagtawag ko sa kanila sa dilim.

Walang sagot.

Kinabahan na ako at parang lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Napasigaw ako nang may dumamba sa akin mula sa likuran. Alam ko na nasa peligro na ang buhay ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Marco na hindi ko inaasahang magigising kaagad.

Siniko ko siya sa tiyan at napa-aray siya pero hindi siya bumitiw sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko maisigaw ang pangalan ng mga kasama ko dahil mabubunyag ang aming pagkatao.

Nanghina ako nang bumagsak ako sa lupa at may inilabas na punyal si Marco, pumatong siya akin at iginuhit sa aking leeg ang patalim. Naiyak ako sa hapdi nito.

"Sino ka? Sino kang babae ka?!" tanong niya sa akin.

Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw dahilan para mapabagsak si Marco sa lupa. Nakita ko na may tama na ng baril ang balikat at binti niya. Habang napapaimpit siya nang dahil sa sakit ay sinuntok siya ni Vicente sa panga gamit ang dulo ng kaniyang rebolber. Nawalan na ng malay si Marco at hindi na nakalaban pa.

Nabigla ako nang itinutok ni Vicente ang baril sa ulo ni Marco. Nag-aalab ang galit sa kaniyang mga mata. Napatayo ako agad. Alam ko na gusto na niyang tapusin si Marco. "Para kay Javier," saad niya.

Bago niya makalabit ang gatilyo, niyakap ko si Vicente at kinuyom ng kamay ko ang mukha niya. "Vicente, huwag." Pagpipigil ko sa kaniya. Nang tignan niya ako sa mata ay lumambot ang eskpresyon niya. Napailing ito at ibinulsa na lang ang hawak na baril. Inayos niya ang balabal ko sa katawan.

Hinila ako ni Vicente palayo ng mansiyon, patungo sa isang talahiban. "Nasaan sila?" tanong ko. Napahawak ako sa nagdurugo kong leeg. Pakiramdan ko ay ang lalim ng pagkakalaslas ni Marco rito.

Itinaas ni Vicente ang hawak na lampara. "Ilang sandali pa ay nandito na sila. Sinigurado lang nila na walang makakahalata sa ginagawa natin. Dito ang napag-usapan naming tagpuan," tugon niya. Napansin niya ang dugo sa leeg ko kaya naman naalarma siya. "Sandali." Aniya.

Hinubad niya ang suot na puting kamiso at naiwan ang puting sando bilang saplot pang-itaas. Umiwas naman ako ng tingin dahil bakat sa sando niya ang napakagandang hulma ng katawan niya. Pinunit niya ang tela mula sa kamisong hinubad at dahan-dahan niya itong binalot kung nasaan ang sugat sa leeg ko. Dinampi niya ang tela upang matigil ang pagdurugo nito.

"Para akong aatakihin sa puso noong nasa loob ka ng tahanan nila, Senda. Sundalo ako pero ibang takot ang pinaramdam mo sa akin ngayong gabi. Hindi ako mapalagay. Bawat segundong tumatakbo, gusto kitang puntahan doon." Wika niya habang nakadiin pa rin ang kamay sa telang binalot niya sa leeg ko.

"Hindi ka ba galit sa akin? Sa nagawa ko sa iyo?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Mas magagalit ako sa aking sarili kung hayaan kitang mawala sa akin," banayad niyang sinabi.

Napaupo ako sa talahiban, dala na rin ng pagod at takot. Umupo rin si Vicente at inilagay niya sa gilid namin ang lampara. Ayaw niyang alisin ang kamay niya sa leeg kong may sugat.

"May nalikom akong ebidensya laban sa kanila, tama ang ating hinala, sila ang pumaslang kay Javier." Saad ko.

Napamura si Vicente sa galit. Ngayon ko lang siya nakita ulit mula nang hiwalayan ko siya noong gabing iyon sa kaniyang silid. Hindi ko pa rin makalimutan na tinangka kong tapusin ang buhay niya. Pero heto siya ngayon, halos mabaliw sa sobrang pag-aalala sa akin. Sa isang iglap, ang galit na naramdaman ko sa pagpatay niya kay Rosenda ay nawaglit. Nagunaw ang alab ng aking paghihinagpis. Sa bawat titig at salitang bibigkasin ni Vicente, kaya niyang tibagin ang pader na bubuuin ko.

Kahit ano pa ang nangyari sa pagitan nila ng totoong Rosenda, hindi ito ang Vicente na nakikita ko ngayon. Kahit salinlahi ni Vicente ang bumaril sa akin, hindi responsable si Vicente roon. Pilit ko mang lokohin ang aking sarili, hindi ko magawang maniwala na si Vicente ang pumaslang kay Rosenda.

Ngunit ano na lamang ang aking gagawin upang isalba ang aking sarili kung hindi ko magagawang maisakatuparan ang misyon ko?

Napatingin ako sa langit at ipinikit ang mata ko. Buo na ang aking pasya—tatanggapin ko na hindi na ako mabubuhay bilang Dalia sa modernong panahon at yayakapin ko ang buhay ni Rosenda ngayon.

Talo ako. Sa una pa lang ay talo na ako sa misyong ito. Mula nang mahulog ako para kay Vicente, lumisan na ang tiyansa na ako ay makabalik sa dati kong pamumuhay.

Taksil ang aking damdamin. Taksil ang bibig ko na nagsasabing hindi ko na siya iniibig ngunit iba ang pinapahayag ng aking mga mata, at taksil ang mga gabing sa tuwing ako ay nag-iisa at humihiling sa langit na siya ay aking makasama.

Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo sa misyon na ito. Dahil hindi pa man nag-uumpisa ang laban, talo na ako. Kung mamimili ako sa pagitan ng prinsipyo ko at pag-ibig, pipiliin ko ang pag-ibig.

Kagaya ng marka sa dibdib ni Vicente, kung saan nakalagay ang salitang 'amar o morir', sa pagkakataong ito, pinipili ko ang magmahal. Ang magmahal kahit katumbas nito ay kamatayan.

Dahil kahit saang panahon ako mapunta, babalik at babalik ako sa piling ni Vicente De la Vega.







Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
447K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
31.9K 1.5K 76
Ito ay ang istorya ng isang arista na nasanay na mag isa, isa syang magandang artista ngunit masama ang kanyang ugali lalo na sa mga lalaki, galit na...
4.7M 136K 91
World of Magic? Sounds ridiculous right? She didnt expect that at all! She grew up in a mortal world where she experience all the pain, hatred and sa...