Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.5K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 54

274 19 3
By gazery

Dairsy's POV

Habang kumakanta kami ay hindi ko mapigilan ang pagluha ko at pilit na pinapaayos ang pagkanta ko. Kahit papaano ay hindi kami napahiya dahil nagback-up si Kuya Albir. Sumabay din ang mga taong iwinawagayway ang mga braso, sumasabay sa pagkanta namin. 

Etong kantang 'to, para sana kay Anell pero wala siya. Muntik pang gumaralgal ang boses ko nang maramdaman ang luhang tumulo sa kaliwang mata, naging emosyonal ang mga tao sa paligid at napapaiyak na rin. Nagkatinginan kaming tatlo habang emosyonal ang mata pero nakagiting kumakanta..

Laking pasasalamat namin kay Kuya Albir dahil nand'yan siya at tumutugtog ng gitara para sa amin, nakangiti siya sa'min habang nakatingin at nagtutugtog.

Nang matapos ang pagkanta namin ay inalalayan kami ni Kuya Albir bumaba at pinunasan naman namin ang mga luha. Pagdating sa backstage ay agad kaming nire-touch at pinasuot na ng long gown, ngumiti sa amin yung mga designer at sakto namang tinawag na kami.

"Good morning, beautiful ladies.. now is for Q&A.." ngiting ani ng host, kaya napangiti kami.. "Bubunot kayo sa bowl na hawak namin ng paper. Kung saan doon nakasulat ang mga katanungan ng mga judges nagdecide sila na puro tagalog lang dahil baka hindi daw maintindihan ng mga audience kung english. Pero ot's still up to you, okay?"

Tumango-tango kami bilang pagsang-ayon, napayos ko lalo ang tayo nang tumikhim na siya.. "Please forward, Miss Kira and choose the question,"

Pinagmasdan kong maglakad si Kira papunta sa harap at bumunot ng papel saka niya ibinigay iyon sa host. "Your question is.. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng isang tao na mamahalin mo ng buong-buo, sino sa mga tao dito?"

"Thank you for that wonderful question, syempre, ang babe ko.." ngiting sabi nito at kumaway pa kay Cj, hindi ito tumugon at blangko lang ang tingin doon.. "Thank you!"

'Yon na 'yon?'

"Okay, thank you, Miss Kira! Now, please forward, Miss Laraine.." tawag nito doon sa maputi, naglakad ito do'n at may pakaway-kaway pa. Bumunot siya sa bowl at binigay ang papel sa host. "Your question is.. may boyfriend ka, nasa bangka kayo. Kasama niyo yung bestfriend mo tapos na-trap kayo sa gitna ng dagat.. para sa'yo, sino ang ililigtas mo sa oras ng sakuna?"

'Aba s'yempre yung bestfriend ko!'

"Of course, my boyfriend, aanhin ko ang bestfriend ko kung hindi naman siya ang pakakasalan ko, dzuuh!"

Napaangat ko ang dalawang kilay at sumulyap kay Jp na tumingin din sa akin. Muntikan pa akong matawa nang makitang pareho ang ekspresyon na nasa mukha namin, hindi ko lang masyadong nilakihan hehe..

"O.. kay! Thank you, Miss Laraine and please forward, Miss Caseylyn," tawag nito don sa pangalawang maliit.. Kumuha siya sa bowl at binigay din ang papel sa host.

"Your question is.. pa'no isang araw binigyan ka ng pagkakataong humiling ng gusto mo, ano ang hihilingin mo?"

"Thank you for that wonderful question! S'yempre dahil make-up lover ako, 'yon ang bibilhin ko! Wala naman akong dapat hilingin pa, mayaman na ako at maraming pera, hindi katulad ng iba d'yan," pagpaparinig nito sa amin, napa-ooh naman ang iba. Siya naman 'tong bumalik sa pwesto.

"Thank you, Miss Caseylyn and last Miss Loraine.." lumapit yung maliit at kumuha ng papel, binigay niya sa host 'yon.

"Your question is.. kung papipiliin ka, Kayamanan o Kaibigan?"

"Kayamanan. Lahat ng kaibigan, pwede kang iwan, ang kayamanan kapag pinahalagahan, mag-istay lang d'yan.."

"Thank you, Miss Loraine and dumako naman tayo sa kabilang mga naggagandahang binibini," ngiting sabi nito kaya binawian ulit namin siya ng ngiti, nagsihiyawan naman ang iba. "Please forward, Miss Julzia.." ngiting tawag nito.. Lumapit naman si Julzia at kumuha sa bowl, magalang niyang ibinigay ang papel sa host. "Okay, same question with Miss Caseylyn. Pa'no isang araw binigyan ka ng pagkakataong humiling ng gusto mo.. ano yung hihilingin mo?"

"Salamat sa magandang katunangang iyan.. Kung ako bibigyan ng pagkakataong humiling? Parang wala akong maisip.."

"Bakit?"

"Kasi lahat ay nasa akin na. Meron akong pamilya, kaibigan, may kuya-kuyahan pa! Sakanila pa lang solve na solve na yung puso ko. Nung dumating sila sa buhay ko.. Paulit-ulit na sinasabi ng puso ko na, wala na akong mahihiling pa. Napakaswerte ko sakanila.."

Napapigil ko ang tawa nang maghiyawan sila Rj at nagkakalampagan pa ng upuan, kaya ginaya sila ng ibang audience!

"Wow! Thank you, Miss Julzia and please forward, Miss Dairsy," tawag nanito sa akin kaya saglit kong nahawakan ang dibdib at sumulyap kay Jp na umangat ang kilay na tila sinasabi na galingan ko dail nanonood siya.

"Your question is.. same as Miss Kira. Kung bibigyan ka ng pagkakatong pumili ng taong mamahalin mo ng buong-buo, sino sa mga tao dito?"  lalaki...

"Salamat sa tanong.. Ako? Para sa akin, syempre yung mga kaibigan ko. Kahit magboyfriend pa ako, sila ang mamahalin ko ng buong-buo, katulad ng pagmamahal nila sa akin at sa mga kaibigan ko pa.."

Matapos kong makasagot ay bumalik na ako at napabuntong-hininga nang makitang grabe ang ngisi ng mga Campus Princess..

Kanina pa don ako patingin-tingin sa paligid, baka sakaling makita ko si Anella pero wala talaga akong nakikitang Anella. Ni presensya niya, hindi ko maramdaman. Alam ko kung gaano kalakas ang presensya niya, kapag nandito siya mararamdaman ko kaagad.

"Please forward, Miss MeryAne. Wow! You look so beautiful today," manghang sabi ng Host kaya napalingon ako sakanila..

Nang lumutang ang ngiti ni Meane sa labi ay napatingin ako kay Lance at napakagat sa gilid ng labi ko parapigilan nanaman ang mapatawa dahil malaki ang ngiti niya habang namumula ang mga pisnge. 

"Your question is.. same as Miss Loraine, kung papipiliin ka? Kayamanan o Kaibigan?"

Ngumiti ulig si Meane na nagpatili sa lahat! Wow! LAKAS NG STAGE PRESENCE!

"Salamat. Ang pipiliin ko ay Kaibigan!" sagot nito.. "Aanhin ko ang kayamanan kung nawawala rin naman? Kaibigan. Isa sa mga nakasama mo sa kalokohan mo, kalungkutan mo kasiyahan mo. Minsan pa nga sila ang nagiging dahilan para mamotivate mo yung sarili mo na "Sige! Lalaban tayo! Hanggang dulo!"" mapaglaban na sabi ni Meane na nagpasigaw sa lahat. "Yung sinabi ng isa na ang mga kaibigan ay nang-iiwan? D'yan ka nagkakamali, ang kaibigan ko ay hindi nang-iiwan. Marahil sa'yo talagang iniiwan.." harap niya bigla kay Loraine na dahan-dahang nawala ang ngisi. "Sa susunod, pipili ka ng kaibigan na katulad ng mga kaibigan ko. Yung tipong pati bagyo tatahakin mailigtas at maprotektahan ka lang, yung kaibigang mag-istay sa'yo kahit pa ikaw na ang pinakapangit sa mundo? Yung tipong kaibigan na mag-aaway kayo pero mas mahigpit pa sa relasyon niyo ng boyfriend mo?"

'Savage!'

"WAHHHHHH LUPETTTTT!!"

"SAVAGE PREEEEEE!!"

"RAWSTARRRRRRRRR!"

"'Yan ang tinatawag nating pretty savage!!! Sweet savage!!"

Kumuha naman ng mic si Loraine at ngumisi.. "Pero someday iiwan ka din nila,"

"Hindi nila ako iiwan. Hindi naman katulad ng kaibigan mo ang mga kaibigan ko. Mayaman nga, 'yon lang ang meron ka.. Sa tingin mo, 'yang mga kaibigan mo? Kakampi mo sa lahat ng oras? Hindi. Kasi alam mo someday, magkakakampi sila at ikaw na lang ang nag-iisa.. Samantalang ako, nanatili parin sa puder ng matitibay kong kaibigan, gets mo?" mataray ngunit nakangiting sabi ni Meane at binigay ang mic sa host.

"Thank you for that SAVAGE ANSWER! Wow! Please forward the last but not the least, Miss Irene,"

"Your question is.. Kung bibigyan ka ng pagkakatong balikan ang nakaraan, alin doon?"

Natahimik ang lahat, walang tilian at nakatingin lang kay Irene.. Sila Kuya ay parang lumalamlam ang pagtititig kay Irene..

"Kung bibigyan ako ng pagkakataong balikan ang nakaraan? S'yempre, yung panahong buhay pa yung Mommy and Daddy ko," nakangiti pero punong-puno ng emosyonal ang mata niya kaya hindi ko na maiwasan ang mapayuko. "Gusto ko balikan yung panahong.. naglalaro pa kami sa park ng parents ko, gusto kong balikan yung panahong nayayakap at nahahalikan ko pa sila dahil para sa akin.. napakahalaga nila, isa silang ginto na hindi pwedeng bentahin dahil sa akin sila.. Gusto ko silang buhayin, para sakanila ako huhugot ng lakas na bumangon ulit, sakanila ako magsusumbong ng hinanakit ko sa puso, hinanakit na kaibigan at pamilya lang ang makakapaghilom nito," mahabang sabi niya, ang iba ay nag-iiyakan na dahil sa emosyonal na pagkasabi ni Irene non, ang Baklang Rc at Jp naman ay umiiyak din.

"O-okay,Thank you Miss Irene," tipid ang ngiti na ani ng hosts kaya ngumiti si Irene at pasimpleng pinunsan ang luha niya.

Napadako naman bigla ang tingin ko kay Cj at napabuntong-hininga nang makita kung gaano ko ngayon nakikita ang kagustuhan na yakapin ang dating nobya niya.

'Well, kasalanan naman niya..'

"And now.. Ang pinakahihintay ng lahat! Presenting the newest Campus Queens are.." pabitin nito at tinignan saglit ang papel, nakita kong nawala ang ngiti niya at napalitan ng tipid na ngiti..

'Bakit?'

"Our.. newest campus queens.."

"DAIRSY!! JULZIA!! MEANE!!IRENE!!"

"Wooo-hoooooooo!!"

"Julzia!! Dairsy! Irene!! Meane!!"

"Ipinalo na 'yaaaaaaaan!"

"..Miss Kira, Miss Loraine, Miss Caseylyn and Miss Laraine! With an average of 96.46%! Best in Bohemian, Best in Sports Wear, Best in Casual Wear and Best in Formal Gown and also Best in Talent! Congratulations! Our new Campus queens!"

Napaawang nila Lance ang labi dahil sa panlulumo, katulad ng mga audience. Ni wala ni isa ang naghiyawan o nag-ingay. Puro lang sila bulungan.

"Picture time! Where's the campus queen leader?" tanong ng host dahil kailangan na daw na magpicture-an. Doon na din napatayo si Dean. 

*SHCCHRKK!*

Lahat kami ay napalingon sa likuran namin nang may biglang tumunog sa screen at gano'n na lang ang pag-angat ng mga kilay ko nang makita sila Kida na nakipag-shake hands sa mga judges!

"What is the meaning of this?!" sigaw ni Dean, napalunok ang mga CAMPUS QUEENS..

"Late ba 'ko?

"Fvck.."

'Yon ang naiusal ko dahil sa boses na iyon na nagbigay sa akin ng malakas na kalabog sa bandang dibdib ko! Naramdaman ko ding nagsitayuan ang mga balahibo ko mula paa hanggang sa batok dahil nakaramdam na ako ng isang malakas at makapangyarihang presensya!

Si Anella.

Nakasuot siya ng itim na turtleneck na humahapit sa magandang kurba ng katawan niya. Suot niya ang itim na jeans at itim na boots at itim na leather jacket habang ang buhok ay nakalugay lang..

Kusa ding dumako ang tingin ko sa mga kamay nila Kuya Albir at Kuya Aldrin nang makita ko ang mga sugat sa mukha ni Anella na hindi ko alam kung saan nanggaling! May sugat siya sa cheekbone, at may putok din sa gilid ng labi niya habang may maliit na pasa din doon. Pansin ko naman ang hawak niyang bilog na parang switch..

"Miss Repzimo, anong nangyari sa'yo..!?" gulat na tanong ni Dean na tinuro pa ang mukha ni Anell.

"Ah, eto ho ba? Napasabak kasi ako sa labanan.. eto oh!" kalmado niyang ani at doon na nga lumabas sa screen ang mga salo-salong pambubugbog sakaniya kaya hindi ko na maiwasan ang mapasapo sa bibig ko habang pinapanood iyon.  "Gusto ko silang tanungin.. Papaano niyo nagawang kidnap-in at ipabugbog ang mismong 'LEADER' niyo?" blangko ang mukha na sabi niya saka sumandal sa katabing bakal.

"That's not rue! Dean! Nagsisinungaling siya! That's fake!" sigaw nilang apat!

"Labas." itos ni Anell kaya napakunoy ang mga noo namin pero nang bumukas ang pintuan na pinasukan niya ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Camille.

Nakasuot siya ng puting t,shirt at itim na jacket saka faded blue jeans. May hawak din siyang bilog at pinindot iyon. Napaharap ulit kami sa screen. Hindi ko mawari ang takot na naramdaman ko nang marinig ang plano nilang ipadispatya ang kaibigan namin, halos maluha ako ng lubusan.

"Marami akong natamong injury. Isa sa binti, isa sa braso dahilan ng pagkakahampas ng baseball bat, pinagsamantalahan din ako ng mga lalaking 'yon."

"May evidence ka ba, Miss Repzimo?"

Pinindot ulit ni Anell 'yon at mas napaluha kami nang makitang haplusin ang hita niya, napatingin ako kay Kuya Albir na napapapikit sa galit pero nagulat ang lahat nang akmang susuntukin ng lalaki si Anell at nasangga niya 'yon gamit ang paang nakatali, ilang saglit lang ay nakawala siya sa tali at mabilis na nakipaglaban sa mga lalaki..

Namangha ang lahat sa pinapanood. Ultimo pag-sipa niya ay nakakamangha, doon namin nakita ang paghampas sakaniya ng baseball bat pero walang talab sakaniya 'yon.. Kinuha niya 'yon at hinampas din sa lalaki.

Pinatay iyon ni Anella at ngingisi-ngisi na umiling habang naglalakad na papaakyat sa stage.. "Wow.. Ako ang leader niyo, pero ipapadispatya niyo pa ako? Hindi ba't hindi patas iyon? Sa tingin niyo.. maiisahan niyo ako?"

"Kayong apat," galit na harap ni Dean sa apat. "Dadalhin niyo ang magulang niyo on monday! Kakausapin ko at kayong mga CAMPUS QUEENS natin!" ngiting baling sa amin ni Dean. "Enjoy! Congratulations! Miss Repzimo.." baling nito kay Anell. "Do you need a clinic?" nag-aalalang sabi nito umiling si Anella at bumaba ng stage. Pinicture-an kami at nagsigawan naman silang lahat.

Jonathan's POV

Wititit ko alam pero.. ramdam ko yung kabog sa dibdib ko nang makita ko si Tibo at narinig ko na yung boses niya. Ilang araw ko na siyang hindi naririnig and I am supposedly be glad about it, pero.. no.. kabaligtaran.

Pinanood ko soyang mapaupo sa stage at mapapikit habang napapahawak sa t'yan niya. Walang ni isa sa amin ang nagbabalak na lumapit sakaniya dahil napapatingala siya at napabasa pa ang labi na tila pinapakalma ang sarili saka na siya tumayo at mapungay na napatingin kay Baklang Alrine na nagsimula nang ngumawa at dere-deretsong niyakap siya.

Tinanggap niya lang iyon at napahiga ang pisnge sa balikat nito at nakapikit na tinapik-tapik ang likod nito.

Lumapit din yung dalawa niyang kuya at napayakap sakaniya. Tinanggap niya lang iyon at nung mapatingin siya sa amin ay tumango siya. Agad kaming pumunta sa backstage kung saan ang dressing room nung apat..

Pinanood ko ulit na umupo si Tibo sa swivel chair doon at nakapikit na sinandal ang batok sa sandalan saka napakapa sa t'yan niya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng dressing room, at doon na nga bumungad sa amin sila Irene na humihikbi.

"Jusko, ayos ka lang ba? Ha? Bakit? Bakit may sugat ka?" umiiyak na sabi ni Dairsy kaya napangiti ng tioid si Tibo.

"Ayos lang ako, nagalusan lang.."

Napatingin ulit kami sa pinto at bumungad sa amin ang isang lalaki at si Camille.. "Monteverde, oh itabi mo-- napapagod ako!" utos niya at doon naman ako napahawak sa bibig ko.

'ANG GWAPO!'

"Si Madrigal sabibin mo, 'wag munang lumandi kay Elyzza dahil may trabaho pa siya.." utos niya pa nga ulit na siyang ikinatango nung Monteverde. Yumukod ito sakanila nila Kuya Albir.

"Pa'no mo nakuhanan 'yon, Anella Maene?" tanong ni Kuya Albir. Umupo naman kami sa medyo katabi ni Tibo.

"Sa kwintas ko, nilagyan ko 'to ng authomatic camera. Madedetect niya kapag nasa panganib ako at biglang magrerecord," nakapikit na sagot ni Tibo..

"Dumaan ka na ba kila Lola Kirina?"

"Hindi pa. Kung dumaan ako do'n, mahuhuli ako.. Mas ununa ko kayo, kanina, naggitara si Kuya Albir, ako yung tumawag sakaniya.."

"Weh? Asaan ka non?" tanong naman ni Dairsy.

"Nandoon pa, kakatapos lang ng bugbugan," nanatiling pikit ang mga mata niya kaya mas napatitig ako sakaniya. Nakatingala na ang ulo niya at doon na siya kumagat sa gilid ng labi at napahawak sa t'yan niya.

"Ang dami mong galos." nag-aalalang sabi ni Fafa Hotnesie Albir at umupo sa harap ni Tibo saka marahang tinaas ang turtle neck na itim sa bandang t'yan lang at bumungad ang 4 pack abs niya pero napasinghap kami nang makita ang mahabang guhit na namumula.. Tinignan din nito ang pulsuhan ni Tibo at namumula rin 'yon. Iginapang din niya ang daliri sa sugat ni Anella sa bandang chickbone.

"Mga gagong 'yon! Nasaan na 'yon?!" sigaw na ni Babecakes kaya napatingala kami sakaniya. Namumula na ang mukha niya sa galit, ang pogi padin..

"Nasa prisinto na, inunahan ko na si Tanda dahil kapag siya ang nagdala.. May injury muna," nagyayabang na sabi ni Tibo kaya nakatanggap siya ng pagpitik kay Kuya Albir.

"Nabugbog ka na't lahat-lahat! Nagyayabang ka pa, ha!" sermon nito, doon naman kami natawa pero nawala din nang imulat ni Tibo ajg mata at mapatingin doon sa BOYFRIEND NIYA! Si Lucas.

Ngumiti ito sakaniya at nagulat na lang kami nang bigla siya nitong sunggaban sa labi na agad ikinaangil ni Tibo. "Kadiri ka naman, eh!"

"Why, baby? Ayaw mo na sa akin!"

"Shut the fvck up, Lucas Montegemery!" sigaw ni Tibo at inambahan ng suntok si Lucas.

"Fine, fine!"

"Ang sweet niyo! Bagay kayo!" napipilitang ngiti na sabi ni Jp at Rc..

Nagkatinginan naman sila Dairsy at sila Lucas, lahat silang magbabarkada hanggang sa sabay-sabay silang naptawa.

'Bakit sila natawa? Mga shoke!'

"Bakit nalaugh kayo?" tanong ni Rj, pero tumawa lang ulit sila. Halah.

"Grabe! Laugh trip!" sigawan nila, si Tibo naman ay nakangisi lang.

"Nakakatawa ba? Tama naman kami, 'di ba? Boyfriend ni Anella si Lucas?" tanong ko. Doon naman dahan-dahang lumingon sa akin si Tibo at doon na din lumitaw ang maangas niyang ngisi habang nakatitig sa mga mata ko. Nakaangat din ang isa niyang kilay at hindi ko alam kung bakit napahigpit ko ang hawak sa damit ko..

'ANG JINIT NG PISNGE KOOOO!'

"Saan mo naman nalaman 'yan?" natatawang sabi niya at doon na nga ako napalunok nang marinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita kung gaano kaganda ang mga ngiti niya habang ang magaganda niyang mata ay nawawala na..

'For the first time..'

"Walang nagsabi pero halata naman!"

Natawa sila lalo!

"Inaakala niyo-- hahahahahahahaha! girlfriend ko..?!?! Si Anella--bwa bwahahahahahahahahahahahahahahaha!" tawang sabi ni Fafa Lucas at halos maglumpasay sila kakatawa! Kami naman ay nablangko ang isip. Ibig sabihin..

"Imposible 'yon, hindi ko siya boyfriend," ngising sabi na ulit ni Tibo at tumingin mismo sa amin.

"MAGPINSAN SILA!" sigaw nilang lahat pwera s'yempre kay Lucas at Tibo...

'M-mag-cousin? S-sila? Trulaloo ba 'yan? Walang halong joki?!'

"A-akala namin.." paputol ko..

"Gano'n lang talaga ang trato nila kay Anella. Si Lucas ay cousin side namin kay Mommy. Ang apelyido dati ni Mommy ay Montegemery. Hindi niyo alam kasi, hindi naman namin sinasabi ang middle name namin.. Anella Maene M. Repzimo! Oh!" paliwanag ni Baklang Itsosera..

"E-eh, bakit kasi ang sweet mo?!" tili ni Jp.

"I don't know. I just really love Anella. She's fvcking cute.. Can I have a kiss again, Baby?"

"King ina ka, Lucas. Manahimik ka na." baling sakaniya ng masamang tingin ni Tibo.

"I love you, why?"

"Yuck! Ang corny corny mo.. Kuya, oh!"

"I just want a kiss, baby.. just a kiss ulit. Enge ulit si Kuya Lucas.."

"Fvck you! Kuya, oh!!"

"Okay, enough." seryoso nang sabi ni Kuya Albir. "Let's go.. Para mapagaling na natin 'yang sugat mo. Alam mo namang magagalit iyon kapag ibinabad pa natin 'yan, right?"

Tumango lang si Tibo.. Naunang lumabas yung magbabarkada, samantalang si Camille ay nag-aalalang umupo sa harap ni Tibo. Si Tibo naman ay ngumiti sakaniya at tinapik ang ulo niya.

"Sumunod ka na sakanila."

"B-baka.. hindi nila ako magustuhan."

"Osige.. Halika, sabay na tayo."

Napangiti si Camille at inalalayan siyang makatayo. Nang tuluyan siyang makatayo ay tumingin kaagad siya sa amin na pra bang sinasabi na alam niyang nandito padin kami.

"Tara." tango niya kaya sumunod na kami.. habang naglalakad ay hindi na namin maiwasan na magtanong sakaniya, nakakacurious kasi.. lalo na nung nakita namin yung kanina sa screen.

"Are you okay na, Tubercio?"

"Oo naman. Konting galos lang 'to. Sad'yang napagod lang ako dahil hindi ako pinakain ng mga mokong,"

'Hindi pinakain?! Abaaaaaaaaaa!'

"Alam mo, Anella. Bakit hindi ka na lang tumakas non? Pinatagal mo pa?"

'Alline is right nga naman,'

"Dahil may plano pa ako, alam kong bibigay sila at aaminin kung sino sila."

"Pero kilala mo na sila nung una mo silang nakita?"

"Mm, alam ko."

"Eh, bakit hindi ka na tumakas? Kilala mo na pala sila." mataray na sabi ni Rj...

"Hindi pupwede ang nalalaman ko lang, walang maniniwala dahil wala akong hawak na ebidensya kaya itong kwintas ko.." at tinuro ang necklace na pabalog na maliit at silver. "..ang pag-asa ko,"

"Psh! Ewan sa'yo, Tibo! Dapat ini-direct mo na! Hindi mo ba alam kung pano kami nag-alala nung nawala ka? Hindi kami magkandaugaga! Minu-minuto! Oras-oras, second to second! Iniisip namin kung nasaan ka! Tapos maggagrand entrance ka ng gano'ng kabongga! Parang walang nangyari at walang nag-alala! Nakakainis 'yang ugali mo nakakabwisit! Nag-aalala kami! Tapos gan'yan! Magyayabang at magaangas! Eh, kung kaldagan na kaya kita?! Nakakainis!" hinihingal ko siyang tinitigan matapos ko siyang bungangaan.

Nakatitig lang din siya sa'kin, sobrang inosente ng pagkakatitig niya sa'kin na para bang isa siyang tuta.

"Ang haba ng speech mo, naappreciate ko.." ngising sabi niya, tinarayan ko siya at nauna nang lumakad..

"Sana hindi ka na nagtagal pa, nasaktan ka tuloy," rinig kong sabi ng mga bakla.

"Kasama sa pag-ensayo ko ang gano'n, kailangan ko silang hintayin na mismong ibulgar ang sarili.."

'Ewan ko sa'yo, Tibo!'



Anella's POV

"O-oh, God.. God, thank you!" napabuntong-hininga ako at tinanggap lang ang mahigpit na yakap ni Tanda sa akin. Nang makarating kami dito sa mansion ay agad kong natanggap ay ang yakap niya.  "My little warrior!" alala niyang ani at hinaplos ang buhok ko.

Si Mommy naman ay umiiyak na niyakap ako na tinanggap ko lang din.. Besides, namiss ko din naman siya hehe.

"My baby girl, I miss you! What happened?"

Hindi ko siya sinagot at bumaling sa mga bata saka ko sila niyakap.. "Namiss kayo ni Mommy.." mahina ngunit sapat para marinig nila. Nakatanggap ako ng mga halik sa pisnge galing sakanila kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Pakiramdam ko, nawala lahat ng pagod ko, ah..

"Anella Maene, anong nangyari?" seryosong tanong ni Lolo Sieven...

Umupo ako at agad ding umupo yung mga kasama ko. "Ni-kidnap ako nung mga Campus Princess at nilagay sa bodega.." sagot ko kaagad at pinindot ang kwintas ko saka na doon lumabas ang mga video.

Nakita ko namang napakuyom nila Daddy ang mga palad..  "Asan na ang mga 'yon, ipakukulong ko!" batid ko ang galit sa boses nila at akmang tatyo na nang pigilan sila nila Kuya Albir..

"Nasa prisinto na sila, pinakulong na ni Anella. Calm down, Lo, Dad!"sabi ni kuya...

"Albir Mathew! Alam mo kung pano natin protektahan ang buhay ng bunso mong kapatid! Alam mong siya ang pinakasentro na pinapangalagaan, hindi ako makakapayag na maprisinto lang ang mga 'yon!" galit na sabi ni Tanda.

"Ayos na ako."

"Oo alam namin pero yung gumawa sa---"

"--Tsk! Ayos na nga. Okay na okay na.. Kesa intindihin niyo ako, magcelebrate kayo dahil nanalo ang mga kaibigan ko,"

Napabuntong-hininga naman sila at nagsitanguan. "Okay, let's celebrate! But before that, gagamutin ko muna 'yang sugat mo.. Alam mong hindi maganda kapag tumagal 'yan."

"Yeah, I know, Lo.."

Pagkasabi ko non ay pumumta sa kung saan si Lolo para siguro kumuha na ng mga gamit para sa panggamot sa mga sugat ko. Ako naman ay napatingin kay Litlit at kinandong siya sa kandungan ko.

"Miss mo ba si Mommy?" ngiting tanong ko, tumango-tango naman ito.. Hindi ko nanaman maiwasan ang mapangiti at halikan siya sa pisnge na naging dahilan para mapabungisngis siya.

Napatingala ako saglit nang tumabi sa akin si Bading at itagilid ang katawan niya saka niya ipinatong ang ulo sa palad na nakasandal sa sofa.

"Hi, Baby! Welcome back, Mommy sabihin mo!" utos niya, binatukan ko naman siya, tumabi din sa amin si Alline at si Jp..

"Siraulo! Kung sa Daddy at Mommy nga ay nabubulol na siya.. Sa 'Welcome back, Mommy' pa kaya."

"Wala ka namang pakielam, Tibo. Kaya 'wag kang umano d'yan!" Mataray na ani niya. Bumaling naman ako kay Alline na nilalaro ang kamay ni Litlit.

"Ang cute cute talaga ni Litlit oh! Kasing cute nung Mommy!"

"Ang dami mong pambobola, bwisit ka!"natatawang sabi ko, natatawang tinignan niya naman ako..

"Tru 'yon, gaga!" baklang-bakla na sabi niya, si Jp naman pinipisil ang pisnge ni Litlit...

"'Wag mong pisilin ang pisnge ni Litlit! Lalawlaw!"

"Osige, yung Mommy na lang!" malokong sabi niya at pinisil ang pisnge ko.

"Masakit.." daing ko nang matamaan niya ang maliit kong sugat sa kaliwa, awtomatiko namang tinanggal niya ang kamay.. Nagpeace sign pa siya at syempre kinutusan ko siya..

'Sakit, eh,'

Kumain kami at nagcelebrate para sa mga kaibigan kong nag-aangatan ang kagandahan. Ngayon, hindi na sila simpleng estudyanteng tinutukso at inaapi. Sila na ang mga campus queens, napapangiti ako habang nakatingin sa mga kaibigan kong wala ng make-up pero gumaganda pa rin..

"Napakaganda niyo. Lalo na nung nakamake-up kayo, mga hija!" Ngiting sabi ni Lola Kirina...

"Thank you, Lola pero mas nangibabaw syempre si Anell. Putek, Lola, napakaastig kanina!" matining ang boses na sabi ni Julzia at hinawakan pa ang baba ko, hinawi ko naman ang kamay niya.

"Wala pang make-up 'yan, may bangas pa yung mukha," biro ni Meane.

"Kayo talagang mga bata kayo,"

Napuno ng tawanan ang hapagkainan, pinagdiriwang ang pagkapanalo ng mga kaibigan ko. Ako naman ay napapangiti lang dahil solve ang pagpapractice nila.

Matapos kumain ay pumunta kami sa court sa likod at doon ko nakita sila Drake at Tristan na naglalaro. Napataas ang gilid ng nguso ko..

'Kaya pala hindi ko nakita sa garden kanina--kase busy sa paglalaro,'

Nang mapatingin sila sa akin ay binitawan nila ang bola at ngumiti sa akin..

"Hi, Miss!" bati nila sa akin na para bang walang nangyari.

"Tibo, sabihin mo.. katulong niyo ba 'yan?" nangunot ang noo ko nang ibulong sa akin ni Bading 'yon..

'Napakalandi ng Bading na 'to,'

"Oo, bakit? Type mo?" malokong tanong ko, umango-tango siya at hinampas pa ako.

'Close?!'

"Gwapo sheyt! Nakakalaglag panty, Be!" bulong niya ulit...

"Brief sa'yo, remember?"

"Kailangan sasabihin? Oo alam ko! Hindi ba pwedeng magpakababae ako tedey?"

'Napakarte, amp,'

Nagulat ako nang yakapin ako ng dalawa at parang bata na kunwaring umiiyak.. "Para kayong mga tanga." bulong ko, humiwalay sila sa yakap..

"Namiss namin yung pingot mo, Miss!" nakangusong sabi nila, pinitik ko naman ang mga noo nila na agad nilang ikinaangal. "Miss naman!" sabay na sabi pa nila.. Hindi ko na sila pinansin at umupo na lang sa katabing bench namin na liblib. Umupo doon yung mga bakla kasama si Kuya Alrine at yung mga kaibigan ko..

"Laban!" utos ko sa anim na nakatayo pa at tinuro yung dalawa...

"Kami? Laban sa dalawa?" tanong ni Gerald.

"Tungek. Kampihan siyempre--Tig-apat! Hoy! Drake tawagin mo si Gonzales do'n saka si Mark!" seryosong sabi ko, tumakbo ito sa loob at ilang minuto lang ay kasama na nila yung dalawa...

"Ge. Ako pipili!" ngising sabi ko, agad naman silang napalunok. "Ge! Team.. team, ano? Anong pangalan?" natatawang tanong ko kila Irene..

"Team Abs, Team Daks!" malokong sabi nila kata napatawa ako, humarap ako kila Kuya..

"Sa Team Abs! Kuya Albir!," malokong sigaw ko, inirapan ako ni Kuya Albir at pumwesto din naman sa kaliwa kong kamay, "Kenlite, Lucas, Mark, Drake!"

"Sa Team Daks! Kuya aldrin!"malokong sigaw ko  nanaman, sinamaan ako ng tingin ni Kuya Aldrin.. "Lance! Tristan, Gonzales, Gerald! Hoy Kevin! Referee ka!" turo ko kay Kevin.

Napatingin ako sa gilid ng makita sila Jayson, kasama yung tatlo pa na pasilip-silip.

"Hoy kayong apat!" sigaw ko nanaman, napatingin sila sa akin, sinenyasan ko silang lumapit at nakanguso naman silang sumunod. "Jayson, scorer ka! Blake referee ka din! At kayong dalawa, sub kayo sa magkabilang team!"

"Oh, jumpball! Jumpball!" sigaw ni Kev.. Ang tatalon ay si Kuya Aldrin at Kuya Albir, napaharap ako sa mga kaibigan ko nang tatawa-tawa..

"Saan niyo nakuha 'yung daks?!" tawa ko at nagpipinalo sa lamesa na pinapatungan ng pagkain namin, sumipsip ako ng dutch mill at pilit na pinipigil ang tawa..

"Tibo, katulong niyo rin yung six fafa's?" napalingon ako kay Bading na nakatingin sa mga naglalaro. Tumango lang ako. "Grabe! Ang gwapo naman non!" kinikilig na sigaw niya, nginiwian ko naman siya.

"Kilig na kilig, ah?" pang-aasar ko, inis naman niya akong binato ng tissue na naiwasan ko...

"Wala kang pakielam! Bwisit ka! Panira ka talaga!" sigaw niya, nginisian ko lang siya. Napahawak ako sa gilid ng labi ko at napangiwi nang madaplisan ang pasa ko..

"Sooo! Wala ka palang boyfriend?" napalingon ako kay Rj nang magsalita siya, tumango ako."Akala talaga namin, jowabels mo ang Fafa Lucas.."

'Himala.. huminhin at bumait siya sa akin ngayon.'

"Sinabi ko na sa inyo, ayoko nang magsyota ng lalaki.." putol ko at tumingin sakanila. "..bakla ang gusto ko,"

Pagkasabi ko non ay umiwas sila ng tingin, ewan ko kung namamalikmata lang ako pero parang namula yung mga pisnge nila.

"Okay lang 'yan, kiligin lang kayo,"

"Oh, bakit?" natatawa kong tanong nang hampasin ako ni Jp, inirapan niya lang ako.. Nilapag ni Julzia yung cellphone niya na nakalagay sa gorilla stand at naglalive pala.

Hindi ko n sila inabala pa at tumingin kay Irene na napapabuntong-hininga lang. Pumasok tuloy sa isip ko yung ilangan nila Kuya.

"Irene."

"Hmm?"

"Bakit ba kayo nag-iiwasan ni Kuya?"

Napatitig siya sa akin at bumuntong-hininga. "Nagkiss kasi kami."

"H-ha?!"

"'WAG KANG MAINGAY!"

"Ay, sorry.." sapo ko sa bibig at tumikhim. "Pero, weh?! Paano?"

"Ewan. Sabi niya hinalikan ko daw siya nung lasing ako. Huhu, nakakahiya.."

"Nako.. Baka kayo talaga pra sa isa't isa!"

"NO! Ayoko! Kaibigan ko siya.. No no!"

...

eyyy! 2 days kitang in-edit, beh ha.. Umayos ka.. De joke..

😙🖤

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 582 50
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
465K 704 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
HIGHEST TEN By ATLAS

Mystery / Thriller

6.7K 404 32
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed. Isang ordinaryong paaralan pero may n...
124K 2.7K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...