Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 53

251 16 1
By gazery


Anella's POV

Dumaan ang Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules at ngayong Huwebes ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga kaibigan ko, nalaman pa nilang naghiwalay na si Irene at Cj.

"Shiiiiiit!!!! Kinakabahan akoooooooo!" malakas na sigaw ni Julzia kaya napabaling ng tingin saamin ang mga kaklase namin.

"Sasali kayo bukaaas?" gulat na tanong nila, tumango-tango naman yung apat...

"LUH!"

"BAKIT HINDI NIYO SINABI?!"

"OO NGA!"

"E-eh.. nakakahiya kasi, eh.."

"Bakit nakakahiya?! Dapat nung nakaraan niyo pa sinabi, edi dana may banner na kaming nagawa! Sus naman!"

"Ay, sorry naman ha? Kabado bente kasi kami.. Pero, thank you padin hehe."

Napangiti ako ng tipid habang pinagmamasdan silang lahat na magsihampasan dahil daldalan na ang sinisimulan nila.

Alam kong kinakabahan sila Julzia. Kahit ako, pero mas lamang ang tiwala ko sakanila dahil alam kong gagawin nila ang lahat. Matalo man o manalo. Si Irene naman bagamat tahimik pero nararamdaman kong kinakabahan din siya dahil nagiging mamasa-masa ang kamay niyang nakakapit sa braso ko..

"Ayos ka lang, Irene?" tanong ko kaagad kaya tumango-tango siya..

"Kinakabahan ako para bukas, baka 'di kami manalo," napapabuntong-hininga na sabi niya.

"Kaya niyo 'yan! Nandito lang kami para sa inyo.."

"Thank you! Tara mag recess na tayo," hawak niya sa kamay ko. Hinaplos ko naman ang likod ng palad niya at hinayaan siyang kalabitan yung tatlo para sabay-sabay na kaming bumaba.

Pagkarating naman sa canteen ay sila Kuya Alrine at Kuya Albir agad ang bumungad doon sa palagi naming pwesto. Tumabi ako kay Kuya Albir tapos pinagmasdan si Irene na umupo sa tabi ni Kuya Alrine na napatikhim at hindi man lang mabigyan ng sulyap si Irene..

'Anong nangyari d'yan? Nagkakailangan?'

Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanila at sakto naman non ay nakangiting nagsalita si Kuya Albir. "Excited na ba kayo bukas?"

"Kabaligtaran, Kuya Albir," sagot nung tatlo habang agresibo na ngumangatngat ng french fries..

"Okay lang 'yan basta pag nasa stage na kayo, tatagan niyo yung loob niyo, sa competition dapat may confidence kayong dala-dala,"

"Thank you sa advice na 'yan, Kuya Albir! By the way, asa'n pala sila Lucas saka sila Kuya Aldrin?" nagtatakang tanong ni Meane at lumingon pa sa paligid, nagbabakasakaling makita sila Kuya pero nabigo lang siya

"Oo nga. Pinuntahan niyo na ba kanina?"

"Yeah! May klase pa daw sila eh.."

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at napasulyap nanaman doon sa dalawa na hindi padin nag-iimikan.

"Oh, kayong dalawa d'yan? Ang tahimik niyo 'ata? Nung monday pa kayo, ah!" kompronta ni Julzia habang punong-puno ng pagkain ang bibig niya, hindi naman sumagot si Irene.

"Oo nga. Yung kay Irene may dahilan pa, eh. Syempre nga, 'di ba! 'Di ba! Pero itong kay bessy, anong dahilan mo? At napakatahimik mo today?" tanong naman ni Mamshe at kinalabit pa si Kuya Alrine na ngumiti ng pilit.

"Ah, wala lang,"

"Weee? Wala? Parang meron, eh!" panghuhuli ng tatlo.

"Nothing nga,"

"Eh, bakit parang ang tamlay mo? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Julzia at kinapa pa ang noo ni Kuya na marahang hinawi ang pulsuhan niya.

"Wala,"

"Eh bakit nga ang tahimik mo?" si Meane naman..

"Nothing nga, masama bang manahimik?"

"Hindi naman, nasanay kasi kaming madada ka, eh. Si Julzia lang tuloy ang maingay."

"Grabe siya! Ako? Ako lang maingay?!"

"Oo. Alangang si Anell? Eh, napakathimik niyan, napagkakamalan ko na ngang anino sa sobrang madalang na kumibo, eh!"

'Tss, bakit kaya nadadamay ako?'

Hindi ko na sila pinakinggan pa at tumingin sa dalawa na nanatiling tahimik pa rin. Ano kayang nangyari sa dalawang 'to, alam ko merong nangyari. Ayaw lang nilang sabihin.. posibleng natatakot sila, posible ring nahihiya sila..

"Alis muna pala ako, may kukuhanin ako sa motor ko.." paalam ko kaya nagsitanguan sila. Kalmado akong pumunta sa parking lot na kataka-takang madilim at walang tao. Usually, ganitong oras ay may iilang estudyante ang dadaan dahil may iba sakanila na may naiwan sa mga kotse nila pero wala talagang dumadaan.

Nangibit-balikat na lang ako at nung makita ko na ang motor ko ay lumapit ako doon. Akto ko iyong hahawakan nang may naunang humawak sa dalawang braso ko na hindi ko naman ikinabahala.

"Sumama ka sa amin," sa boses nito ay babae, maliit din ang kamay niya at payat din siya, amilyar sa akin.

Hindi ako sumagot at tumitig lang sakanila. Aktong aalisin ko ang kamay niya nang may tumulak na sa akin dahilan para pwersahan akong maipasok sa van.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagpagan ang uniform ko saka nakakrus ang mga braso.. May anim na lalaking nakaitim na maskara at itim na mga damit, balot na balot. Init, 'no?

Muli akong napabuntong-hininga nang tutukan nila ako ng baril. Tinignan ko lang iyon at nakamot ang gilid ng kilay ko. "Hindi ka pa ba aandar?" walang ganang sabi ko doon sa isa pang babae, tumingin ako do'n sa malapit na lalaking isa sa mga nagtutok sa akin ng batil.

"Bakit nakatingin ka?" sigaw nito, napaiwas ako ng ulo sa mabahong hininga nito.. Tinali nila ang kamay ko sa likod saka sinampal ang pisnge ko na hindi ko ininda. Weak. "Wala kang kawala dito," ngising sabi niya pa, magama't may maskara sa mukha ay bumabakat ang bibig nitong nakangisi..

Ngumiwi lang ako't kalmang tumingin sa labas, madilim dahil nga itim ang salamin. Naramdaman kong umaandar na kami.. Napatingin ako sa gilid ko nang may humaplos sa hita ko..

'Makawala lang ako dito, sinisigurado kong luluhod kayo mismo sa harap ko..'

Hinayaan ko lang 'yon. Kaya ramdam ko ang pinaghalong pagkatigil at mangha sakanila.. 'Dapat lang..'

Makailang minuto pa ay padarag akong hinatak ng isang maliit na lalaki na pamilyar din sa akin. Dinala nila ako sa isang bodega na may kalakihan at inupo sa isang silya saka do'n tinali. Madilim ang paligid, tanging ang ilaw lang na nakatapat sa akin ang nagsisilbing liwanag.. Nandoon sila sa dilim. Nakita ko sa mga mata nila ang gulat nang titigan ko sila isa-isa sa mata.

"Kahit magtago kayo sa dilim, makikita at makikita ko pa rin kayo," kalmadong sabi ko at bumuntong-hininga.

'Boring mangidnap ng mga 'to.. Walang thrill..'

"Talagang nagyayabang ka pa, ah?!" sigaw nung babae at sinampal ako saka sinipa ang t'yan ko, hindi man lang ako makaramdam ng sakit dahil hindi naman niya pinatamaan ang pinakapusod ko.

Saka, ang liit ng paa niya. Hindi a yata non nakalabit ang balat ko.. Hindi ako madaling masaktan ng pisikalan kaya walang talab iyang mga kagaguhang ginagawa nila. Nagmumukha lang silang tanga.

Narinig ko sa mismong tenga ko ang isang mahinang click, sinyales na nagrerecord ang nasa kwintas ko. Ngumisi ako at kalmadong umupo ng maayos. "Bakit niyo ba ako dinala dito?"

"Dahil nagiging sagabal ka sa plano naming apat!" sigaw nung isa pang pamilyar na boses.

"Gano'n ba? Wala naman akong ginagawang masama, ah?" inosente kunwaring sabi ko habang nakataas pa ang mga kilay, kilala ko naman na sila. Ang kailangan ko lang ay pruweba. Hehe.

"Wala?! Napakawala mong kwenta! Alam naming tutulungan mo sila, para makuha ang nais namin pero dahil nandito ka na at nakakulong sa bodega.. hinding-hindi ka makakalabas dito!" sigaw pa nung isa, napatango na lang ako..

"Gano'n ba? Bakit? Hindi niyo ba tanggap?"

"Anong hindi tanggap?!"

"Hindi niyo tanggap na.. sa posisyong Campus Princess na lang kayo hihinto?" dugtong ko.

Nakita ko namang sabay-sabay silang napatigil. Nakatitig lang ako sakanila at pinagmamasdan sila..

Kahulihan ay natatawang napayuko ako at napailing-iling pa, natigilan nanaman sila nang iangat kong muli ang ulo. "Hindi kapani-paniwala! Hindi deserve ng CBA ang gan'yang prinsesa,"

Napasugod naman sa akin yung isa kaya hindi ko maiwasan ang mapangisi, nakakatuwa naman pala itong babae na 'to..

"Ang kapal naman ng mukha mong magsalita ng gan'yan. Tatandaan mo, mayaman kami kesa sa'yo! Kayang-kaya ka naming ipapatay!" sigaw niya mismo sa mukha ko pero pinanatili ko lang ang ngisi sa labi.. "Wala kang karapatan para sabihan kami ng gan'yan! Transferee ka lang na walang kaalam-alam sa amin!" dagdag niya pa at binigyan ako ng isa pang malakas na sampal na naging dahilan para pumutok ang gilid ng labi ko.

Nalasahan ko ang kalawang ng sarili kong dugo pero hindi ko ininda iyon at natawa nanaman kaya napaatras aiya. "'Yon ang akala mo!" iiling-iling kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw. Caseylyn, Loraine, Laraine.. Natatandaan niyo ba nung grade 6 kayo? May apat na babaeng magkakaibigan na winasak niyo," ngising kwento ko na dahilan para matigilan sila.. "Nung dumating kayo, kinaibigan niyo yung tatlo tapos yung isa.. wala. Nawalan ng kaibigan, dahil sa inyo.." doon na nawala ang ngiti ko kaya mas napaatras sila.

"Natatandaan niyo din ba.. yung babaeng.. gumulpi sa inyo?"

"W-wag mong sabihing---"

"--Oo. Ako 'yung babaeng 'yon.. Ngayon, sabihin niyo sa aking tatlo.." madilim ang mga mata na tanong ko at deretsong tumitig sa mga mata nila. "..Na hindi ko kayo kilala."

Gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa dahil ayaw kong dumanak ng dugo dito sa bodegang 'to. Baka kapag binugbog ko 'yang tatlo, magmakaawa sa akin mga magulang niyan. Hirap na, nagmumukhang mayabang. Hehe.

"Wala kaming pakielam, matagal na 'yon. Dito ka na mamatay kung gano'n! Kami ang mananalo! Nasa amin ang huling halakhak! Boys! Alam niyo na ang gagawin!" sigaw ni Kira at lumabas, tumingin ako do'n sa isang lalaki at binigyan siya ng blangkong mukha..

"Kay ganda mo binibini, lalo na kapag nagagalit ka. Natutuwa ako--bugbugin siya!"

'Naks.. Free warm-up, thanks for that..'


Meane's POV

"Where's Anella?" tanong ni Kuya Albir, kanina pa kasi wala si Anella. Sabi niya pupunta lang siya ng parking lot pero hindi na bumalik. 'Di kaya nag-cutting 'yon? Luh..

"Wala pa nga, Kuya, eh. Kanina pa nasa parking 'yon.. Hindi na nga pumasok ng dlawang subject namin kanina.." kibit-balikat ni Dairsy, kaya napatango-tango kaming magkakaibigan bilang pagsang-ayon..

Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang bumukas iyon, akala namin ay si Anella na pero ang mga Campus Princess iyon. Kita ko ang mga ngisi nila na naging dahilan para maningkit ang mga mata ko.. May kakaiba kasi sa mga ngisi nila, ewan ko pero kinabahan ako bigla.

"Good luck tomorrow!" ngiting ani pa nila bago pumasok sa canteen. Sakto naman non ay bumaba na sila Kuya Aldrin sa floor nila, tapos na siguro ang klase nila.

"Where's, Anell?" tanong agad ni Kuya Aldrin nang mapatingin sa amin.

"Nasa parking may kukuhanin daw na gamit. Eh, kanina pa yun, eh.. tapos na lahat ng subject namin, hindi pa din bumabalik."

Imposibleng umalis yun si Anella. Kapag aalis yun, maririnig ang harurot ng motor niya dahil malakas ang tambucho ng motor niya at kaskasera siya pero wala kaming narinig na kahit anong makina ng motor niya.. Kung nasa library, magtetext or tatawag yun. Ayaw niya nang may nag-aalala para samaniya, gano'n siya.. Pero ngayon? Walang bakas..

Ilang minuto lang ay napagdeisyunan muna namin nila Kuya Aldrin na maglakad-lakad, baka sakaling makita namin si Anella dahil minsan pagala-gala ang isang yun..

"Alam niyo ba! Etong si Jp kanina, nagagaga nanaman! Sumigaw ba naman! Ang lolo mo Bernard tuloy! Nagalit Hahahahahahahaha!" Hindi namin maiwasan ang matawa nang matawa si Rc. Mas nakakatawa pa yung tawa niya kaysa doon sa kwento niya.

"'Wag ka ngang umano d'yan, Bakla! Ako lang ba?! Ikaw din, ah!"

Mas lalo naman kaming natawa

"Ah, halah!" napapahawak sa dibdib na sabi ni Rc, parang na-offend. Mukha, oh..

"Ah!" sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ni Alrine nang marinig siyang dumaing..

Nakita naming nakahawak sa dibdib niya yung kamay niya at napapayuko..

"Oh! Anong drama mo, bakla?" pagtataray nila Rj pero kitang-kita ko kung paano niya hawakan si Alrine sa siko para alalayan. Pikit na pikit ang mata ni Alrine at napaawang ang labi..

"Bakit?" alalang tanong ni Kuya Albir.. "Alrine, hey.." lapit na niya sa kapatid na sinundan ni Kuya Aldrin.

"A-ahh.. aray aray.. Kuya.." umiyak na niyang sabi kay napatahimik yung ibang bakla, natitigilan kasi ngayon lang nila naingkwentro iyan.

Pinagmasdan kong mapahawak si Alrine sa pader at mapasigaw sa sakit at napaupo pa siya sa sahig.. "Hala, anong nangyayari d'yan?" tanong ni Jonathan..

"Alrine, ano ba? Bakit?? Ano??" nauutal ng tanong ni Kuya Aldrin at hinawakan ang kamay ni Alrine na napahikbi at napabitaw sakaniya bago napakapit sa dibdib niya habang napapasandal ang ulo sa pader. "B-bakit? Huy, bakit?? Masakit?"

Tumamgo-tango si Alrine at nakita ko na kung paano siya nagsimulang mabigatan sa paghinga na tila hinahabol niya iyon kaya agad na hinagod ni Kuya Albir ang likod niya..

"K-kuya.. A-ang.. ang sakit ng dibdib ko--AHH!" daing niya at napailing..

Napatingin ako kila Julzia at napalunok.. Sana hindi totoo ang naiisip ko.. Hindi dumadaing ng gan'yan si Alrine lalo na't nakahawak pa siya sa dibdib niya. "Baby, bakit? Ano?? Bakit masakit??"

"S-si.. Twinny.. Asaan siya?"

'Shit.'

Narinig ko ang singhap nila Dairsy dahil doon.. Sumasakit ang dibdib ni Alrine. Sa twing may nangyayaring masama kay Anell, naalala ko non mga bata pa kami. Nawala si Anell non, kasama namin sila Alrine naglalaro kami. Sumakit bigla yung dibdib niya tapos nalaman naming naospital si Anella.

"Fvck.." pagmumura ni Kuya Aldrin at agad tumayo saka tumakbo sa may parking lot. Doon naman nagsimulang mangatog ang tuhod ko dahil kinakabahan ako.. Namamasa na din ang palad ko dahil sa pag-aalala..

"Wala si Anella sa parking! Nandoon yung motor niya!" pagbalik ni Kuya Aldrin. Napahawak siya sa ulo at napapikit pa para pakalmahin ang sarili.

"Fvck! Saan naman kaya napunta si Anella!"

"Iuwi na muna natin si Alrine saka natin hanapin si Anella. Hindi na maganda ang pakiramdam ni Alrine.."

Agad ko namang tinulungan sila Kuya Albir na itayo si Alrine pero ang nangyari ay nawalan na ng malay si Alrine kaya napamura nanaman si Kuya Albir at agad ibinuhat si Alrine saka tinakbo papasok sa kotse..

"Bakit gano'n? Ano bang nangyayari?!"

"Kapag may nangyayaring hindi maganda kay Anella ay nararamdaman iyon ni Alrine dahil kambal sila.. Iyon nga lang ang curse kapag ipinanganak kang may kakambal sa dugo ng Montegemery. Mararamdaman mo ang sakit na idinudulot ng kakambal mo kapag pisikal na.. Madalas ay atake sa puso mo."

"What the heck is that..!? Ano yun?! Magkadikit ang puso nila?"

"Kambal sila, mga bakla.. Talagang magkakaroon sila ng koneksya sa bawat katawan nila.."




Third Person's POV

Puno ng pag-aalala ang kaibigan ni Anella dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nakikita,at Hindi pa nahahanap.

Nang makapunta sila Meane, Dairsy, Julzia at Irene sa bahay nila Anella ay pinilit nilang magpractice para bukas sa pageant dahil naiisip nila, tama ang sinabi ni Albir na magagalit nga si Anella kung hindi sila magpapractice nang dahil sakaniya. May pag-aalala pa rin sakanila, kung kanina ay kinakabahan sila para bukas, iba na ngayon. Kinakabahan sila para sa matalik na kaibigan. Iniisip na sana walang nangyaring masama dito dahil kung talagang meron ay hindi nila alam ng gagawin.

Samantala, ang mga bakla naman ay nasa kaniya-kaniyang bahay. Nag-iisip, nag-aalala para kay Anella. Gusto nilang pumunta sa mansion ng mga Repzimo pero masyado nang madilim ang langit para lumabas.. Isa-isa silang napapapikit at napapahawak ng mahigpit sa mga kamay, nagdarasal na sana, ayos lang ang lahat lalo na si Anella..

Sa kabila naman, ang Lolo at Lola ni Anella ay nag-aalala rin sa apo, lalong-lalo na ang mga magulang nito. Ang tatlong nakakatandang kapatid naman niya ay hindi alam ang gagawin, nangangamba para sa bunsong kapatid... Lahat sila nag-aalala para kay Anella, alam nilang kaya nito pero nag-aalala parin sila dahil ito ang pinakagitna ng organisasyon, ito ang pinakapinoprotektahan sakanila.

Nang malaman ng mga katulong nila Anella sa mansion ang pagkawala ng amo ay sobra silang nag-aalala dito, lalo na ang malalapit na katulong sakaniya, nakatipon sila sa isang kwarto at sama-samang nagdarasal.. Si Manang Peni naman ay nagdarasal din kasama ang mga bata.

"Nay, asaan po si Atemommy?" napalingon si Manang Peni sa anak na si Lotlot nang magtanong ito, nangingilid ang luhang nginitian niya ito.

"May pinuntahan lang si Atemommy niyo, ha?" pilit na tinatago ang pagkakagaralgal nito. Yumakap sakaniya ang dalawang anak habang ang napakainosenteng anak na si Litlit ay walang alam sa nangyayari, mas nakakabuti na iyon..

Sa lugar naman ni Anella, bagamat hindi pa sinisimulang bugbugin ng tuluyan ay isa-isa nilang sinasapak at sinasampal ito pero ang pasa lang sa gilid ng labi ang natatamo, masyadong mahiwaga ang pangangatawan ni Anella.

"Lalaban ka pa?! "sigaw ng isang lalaki na kanina pa nangangalaiti sa galit kay Anella pero nginingisian lang siya nito.. "Nakukuha mo pa talagang ngumisi!" sigaw pa ulit nito at akmang sasapakin si Anella pero agad na kinabig ni Anella 'yon gamit ang nakataling paa..

Nagulantang ang mga kalalakihan sa ginawang 'yon ng babae, hindi nila inaasahan ng isang maliit para sakanila, mapayat at parang mahina ay magagawang kabigin ang suntok ng kasama gamit ang mga paa'ng nakatali.

Mas lalo pa silang nagulat nang kalma lang itong kumilos na para bang napakadali nilang talunin ng isang babae. Masyadong mamisteryo ang babaeng kinakalaban at pinagsasamantalahan nila..

"P-paano mo nagawa 'yon?" gulat na sabi ng isang lalaking may hawak ng lata ng alak..

"Kapag sinabi ko, makakatakas ako dito.. Kapag sinabi ko sa'yo, posibleng mawalan kayo ng hininga sa loob lang ng segundo,"

Napasinghap sila dahil sa paraan ng pagsasalita ng babae, kung kaninang umaga ay brusko ang pagkakasalita pero ngayon ay nag-iba. Naging malalim ang boses niya at boses lalaki.. Masyadong ma-awtoridad ang mababasa, matatakot ka kung harap-harapan mo mismo maririnig..

Hindi nakasagot ang mga lalaki, nanatiling malayo sa babae na para bang nagtatago sa dilim pero lalo lang silang kinikilabutan kapag nakikita ng babae kung saan sila pumupunta, para itong mag-liwanag sa loob ng mata na nakikita pati sa dilim.

Pilit nilang hindi pinapakitang nangangatog na ang mga tuhod dahil sa presensya ng babae, hindi man sinasabi ni Anella ay nararamdaman ng mga lalaki na malakas ang pwersa nito. Bagamat kalmadong nakatingin lang sakanila pero malaki ang tiwala nila sa mga sarili dahil maliit ang katawan nito at masyadong manipis para tanggalin ang mga lubid na nakatali sa parehong paa, parehong kamay na nakatali sa likod at nakatali din ang bandang t'yan.

Sa isip ni Anella ay tawa siya ng tawa dahil kitang-kita niya ang mga takot sa mga mukha ng anim na lalaki, iniisip niyang kumawala nalang at patumbahin ang anim para makauwi na at makapunta bukas sa pa eant ng mga kaibigan pero kailangan niyang mag-intay ng umaga bilang hudyat ng kilos niya..

"Pwede niyo ba akong bigyan ng tubig?" sa utak niya ay humagalpak na siya ng tawa dahil nang magsalita siya ay napaatras ang mga ito ng onti pero dahil ayaw niyang mabangasan ang gwapo niyang mukha ay pinili niyang panatiliin ang walang emosyong mukha..

Kumuha ng isang basong tubig ang isang lalaki at tinapat iyon sa bibig niya. Agad niyang ininom iyon at tumango, dahan-dahang nilapag ng lalaki ang baso ng tubig sa lamesa at lumayo sa babae, walang nababasang takot si Anella sa mukha nito pero ang mata nito ay punong-puno ng kaba.

Sa banda naman ng mga Campus Princess, umiinom ng alak habang nagdidiwang. Ngingisi-ngisi at tiwalang-tiwala sa mga sarili dahil wala na ang sisira sa plano nila pero hindi alam ng mga campus princess na nakamasid sakanila ang panglimang Campus Princess, kinukuhanan niya ng video ito na pwedeng ipanlaban sa mga ito..

Natutunan niya kung paano maging isang mabuting tao dahil sa payo ni Anella. Nang kausapin niya ito nung isang araw ay pinayuhan siya nito na pinarealize sakaniya na maging mabuting tao kaya bilang pabawi ay ito ang ginagawa niya.. Kinukuhanan ng video ang mga dating kaibigan at kapwa myembro sa Campus Princess.. Narinig niya rin kung saan inalagay si Anella, ayaw niyang magsumbong sa iba, gusto niya siya mismo ang makaligtas kay Anella.

Kinabukasan, nagsihanda ang mga kaibigan ni Anella, dinala lahat ng damit at gagamitin. Agad na nakapunta sa CBA at maghanda. Pumunta sila sa backstage ng gymnasium na isa. Kung saan ginanap dati ang acquaintance.. Sinimulang make-up-an ang mga kaibigan niya, ang mga designers naman nito ay inaayos ang mga damit na susuotin..

"Ano ang pinakauna?" tanong nung designer.

"Bohemian." sagot ng apat.

"Second?"

"Casual wear,"

"Then?"

"Sports wear,"

"Yeah? Then?"

"Outfit for talent.."

"Then, formal gown,"

"Yes, and long gown for Q&A.." l

Pinasuot sakanila ang mga damit na pang bohemian, nangingibabaw na agad ang ganda ng mga ito.. Ang suot ni Dairsy ay simple dress na off-shoulder at krema ang kulay non. May pabulaklak ito sa kung saan, ang buhok naman niya ay nakatirintas ng pagapang at talagang lalo ito gumanda, ang sapatos naman nito ay kumikintab sa ganda, 4 inch na high heels na may pa bulaklak sa bandang ankle nito.

Si Julzia naman ay nakadress na fit na fit sakaniya, kulay krema din ito na mas simple pero mukhang enggrande ng suotin niya. Ang buhok niya ay nakabuhaghag at straight na straight ang buhok habang may pabulaklak na nakapalibot sa buhok niya. Ang sapatos niya naman ay 4 inch din na simple cream na talagang bumagay lalo sakaniya..

Si Meane naman ay naka-tube na dress at talagang napakaganda at bagay sakaniya, krema din ang kulay non. Sa may bandang gitna ay mga mababalahibong cotton na nakapalibot sa pambaba.. Ang sapatos niya naman ay 5 inch high heels na kulay itim ang nasapaligid na kumikinang.. Ang buhok naman niya ay nakapusod at may pacrustal sa palibot..

Si Irene naman ay nakadress din na krema na hanggang tuhod niya, sa likod niya ay kitang-kita ang kinis non, ang buhok niya naman ay nakakulot at napakaganda talaga niya..

Habang ang mga Campus princess ay nakangisi na para bang nasa kamay na nila ang tagumpay. Hindi pa nagsisimula ang kompetisyon pero nararamdaman nilang sila ang mananalo.. Nang magsimula ay sila muna ang nauna, maarte magmodel, bigay na bigay pero lumakas ang tilian nang lumabas ang nakangiting si Dairsy, swabeng-swabe ang pagkakamodel at talagang aakalain mo itong reyna ng stage..

Nagpakilala at sumunod si Julzia na matamis ang ngiti, mahinhin ngunit tamang-tama ang paglakad.. Sumunod si Meane na napakaganda at sa twing ngingiti ay lumalabas ang napakalalim na dimple nito pero nang lumabas si Irene ay nagtilian ang lahat, napatingin siya sa gilid nang makita ang dating nobyo, nginisian niya ito na para bang sinasabi na 'Ako 'to yung sinayang mo..'

Samantala, kay Anella naman ay nakatayo na sa harapan niya ang mga lalaki, nakangisi at para bang walang takot.. Nawala ang kaba sa mata nila, marahil naipasok nila sa utak nila na babae ito sila mga lalaki, matatalo parin nila ito.. Lumapit ang isang lalaki sakaniya at umupo sa harap nito, hinaplos ang makinis niyang hita, blangko lang ang tingin niya dito.. Napakapa siya sa likod niya ng maalala na may pocket knife siya na nasa loob mismo ng blazer na suot.

"Etong gagawin natin ay tiyak na magiging masaya ka," ngising sabi nito, nanatili paring nakarecord ang video.

"Oo, Binibini. Asahan mo ng giginhawa ka dito! Hindi lang kami pati ikaw ay mapupunta sa ligaya," sabi pa nung isa, tinignan lang sila ni Anella...

"Sino kayo?" tanong Anella, ngumisi ang mga lalaki..

"Mukhang nakalimutan mo kami binibini," sabi pa nung isa at hinaplos pa ang pisnge niya, tinaggal nila ang mga maskara at napangisi naman si Anella.

"Kayo pala,"

"Kami nga, naaalala mo kami,"

"Oo naman, sayang ang angas ko kung hindi matulis ang memorya ko,"

"Puro ka yabang, t'yak na bago ka makalabas dito ay wala na ang pagkabirhen mo at nakaratay ka na sa sahig habang naliligo sa sariling dugo," ngising sabi nung maliit, napatango-tango si Anella na para bang hindi natatakot...

"'Wag kang magbanta na sa tingin mo ay matagal mo na akong kilala dahil una sa lahat. Hindi ko kayo hahayaang kuhanin ang pagkabirhen ko dahil hindi kayo ang mga type ko.." prangkang sabi niya.. "Pangalawa, 'wag kang magbanta na nakaratay ako habang naliligo sa sarili kong dugo, tandaan niyo.. Tatlo ang nakatali sa akin pero kayang-kaya kong makawala dito, isang kurap niyo mawawala 'tong mga lubid na 'to."

"Puro ka satsat! Eh, bakit hindi mo ginawa 'yan kahapon pa? Bobo ka pala, eh!" sigaw nung isa, nagtawanan naman sila.

"Dahil gusto ko munang kayo ang umamin kung sino nga kayo.." natigilan sila sa sinabi ni Anella at akmang susugudin nila nang unahan sila ni Anella..

Sinipa ni Anella yung isang lalaking nakaupo sa harap niya.. Natanggal ang tali niya sa kamay at bewang, agad na natanggal din ang lubid sa paa niya.

Tumingin siya sa mga lalaking gulat ang bumabakas sa mukha.

Sa kabila, rumarampa na ng formal gown ang kaibigan ni Anella, pagkatapos ay talent na.. Kinabahan sila dahil wala si Anella at walang maggigitara, nangangatog ang mgakamay at nanginginig.

"W-wala si Anella, walang maggigitara!" natatarantang sabi ni Meane, napatingin siya do'n sa mga Campus Princess..

"Sure na sure na kami ang mananalo, wala kasing kwenta yung KAIBIGAN NIYO! hahahahaha!" halakhak nila, napalunok nmaj ang kaibigan ni Anella.. Gusto nilang umiyak pero masisira ang mga make-up nila.. Hindi nila alam ang gagawin, kinakabahan bawat takbo ng oras.

Sa kabilang banda ulit, kung saan si Anella ay nakikipagtitigan sa mga lalaki.. "Gusto niyo ng laban!?" inis na sabi ni Anella at sinugod ang isang napakatangkad na lalaki, sinipa niya ang dibdib nito at siniko ang tagiliran dahilan para mapadaing ito. Sa nakaawang na pintuan, nakasilip ang isang myembro ng Campus Princess na si Camille, namamangha habang pinapaood ang labanan..

Nang sumugod yung maliit na lalaki na akmang hahablutin si Anella ay umikot siya sa likod nito at pinatid ang mga paa nito dahilan para mapahiga ito. Napangisi siya nang makitang may hawak na bat ang natirang mga lalaki, sinugod siya nito sabay-sabay...

Sa kabila, kila Meane ay mas kinabahan sila ng magperform na ang mga Campus Princess at sila na ang kasunod, hindi nila alam ang gagawin. Pinag-iisipan kung itutuloy pa ba o hindi na pero alam nila magagalit si Anella kapag nagkataon.

Si Anella naman ay napalo ang kanang braso niya pero hindi niya pinakita ang sakit doon, kinuha niya 'yon at pinaikot saka hinampas sa tuhod ng lalaking 'yon.. Napatumba ito, nage-spadahan sila ng bat at talagang mautak si Anella dahil nakalusot siya..

Pinalo niya ng pagkalakas ang braso ng isa at sinuntok ito, nang makita ang dalawa pa ay kinuha niya ang maliit na baril na nakalagay sa paanan niya at tinutok sa dalawa...

"Kulong o patay?" seryosong tanong ni Anella, napalunok naman ang dalawa. Kinasa niya ang baril at tinutok ulit doon sa mga lalaki.. "Sagot! Kulong o Patay!?" sigaw niya. Nilagay niya sa bulsa ang baril at saka sinuntok yung dalawa at sabay na pinag-untog ang mga ulo nito. Tumingin sa paligid at ang mga lalaki ay nakaratay na sa sahig, doon niya lang naramdaman ang sakit sa braso at paa na napakahigpit ng pagkakatali, ang pasa niya sa gilid ng labi.

Napatingin siya sa pintuan nang may pumasok doon at napakunot ang noo nang makita si Camille.. "Anong ginagawa mo dito?!"

Habang sila Irene ay time na para sa talent nila, hindi nila alam ang gagawin.. Umakyat sila sa stage at parang nahihiya, nakita nila ang mga Campus Princess na nakangisi na..

"Tatayo na lang ba kayo d'yan?!!!" sigaw ng mga tao, napatingin sila sa gawi ni Albir at nakatingin ito sakanila. Napapahawak siya sa ulo, hindi rin alam ang gagawin.

Bumaling kay Anella, tumakbo sila sa labas at nagngitian. Inikot ni Anella ang relo niya pakanan at nagiba ng desenyo non, naging dials 'yon. Ini-type niya ang number ng panganay na kapatid.

"[Who's this?]" tugon ng panganay na kapatid nito.

"It's me, Kuya.."

"[Baby! Bakit ngayon ka lang tumawag?! Where are you!]" sigaw nito..

"Mamaya tayo mag-usap. Ikaw ang maggitara para makakanta yung apat! Dalian mo!" sigaw niya at binaba na ang tawag., sunod non ay may inidial pa siyang isang number.

"Monteverde, come here at Sampaguita street. Alam mo na, nakatrack na sa'yo ang kwintas ko.." ma-awtoridad na sabi nito at ilang minuto lang ay dumating na ang tauhan niyang si Monteverde na dala ang private van nila, pumasok sila ni Camille doon.

"W-wow.."

"May vinideo ako, ika-crop natin yung mga mura ko. Baka magkaron ako ng warning.."

...

Haba! 🙄 De, charot lang.. ✌️😚

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
140K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
744 56 8
Mula sa babaero, naging matinong tao dahil sa isang boyish na babaeng misteryoso. Sa loob ng tatlong buwan lamang na pag-iibigan. Magiging sila kaya...