Ang Tibong Inlove |Season 1

By gazery

27.6K 1.3K 68

Bakit nga ba tayo naniniwala sa pakikipaglaro ng tadhana? Ano nga bang karapatan niya para paglaruan ang mga... More

Must Read This!!!!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31-NUTRITION DANCE CONTEST
CHAPTER 32- ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 33-ACQUAINTANCE PARTY PT.2
CHAPTER 34-ACQUAINTANCE PARTY PT.3
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62-LINGGO NG WIKA
A U T H O R ' S N O T E!!!!(^~^)

CHAPTER 52

263 18 0
By gazery

Anella's POV

Kinabukasan, pagkagising ko palang ng umaga ay si Irene agad ang hinanap ng dibdib ko. Matapos kong makaligo ay bumaba, doon ko na nga nakita si Irene na nakaupo lang sa sofa sa may sala, nakatulala.

Matagal ko siyang tinitigan bago ko napagdesisyunan na pumasok sa dining area kung saan naabutan kong kumakain ang mga parents at grandparents ko, kasama na din sila Ate Eleyna.

"Good morning, my little pumpkin!" ngiting bati ni Lola Kirina sa akin kaya ngumiti din ako sakaniya. Pinatakan ko siya ng halik sa noo at gano'n din ang ginawa kay Tanda.

"Do you want to eat with us?" tanong ni Mommy pero umiling lang ako.

Agad kong binuksan ang pintuan ng refrigerator para kumuha ng cookies at fresh milk doon na nilagay ko pa sa heater para mainitin saka na ako nagpaalam na lalabas na.

"Musta?" tanong ko kaagad kay Irene nang makaupo ako sa tabi niya, iyong mga bata ay nasa play room kaya libre ako ngayon pra kay Irene.

Bumaling naman sa gawi ko ang ulo niya at napangiti. "And'yan ka na pala, good morning.."

"Mm, kumain ka na ba?" tumango siya. "Ang lalim 'ata ng iniisip mo, ah?"

"Ah wala. Naalala ko lang yung kagabi," nakayukong sabi niya kaya napatitig ako sakaniya. Naghawak ang mga kamay niya at pinagsaklob pa iyon.

"Okay lang ba sa'yo na.. mag-advice ako?"

"Go on.."

"Alam kong hindi madali pero kailangan mong kalimutan yung taong nagpasaya at nakasanayan mo.."

"Pero papaano, Anell? Hindi ko pa kaya, pa'no kung hindi ko talaga siya makalimutan, hindi 'to madali.."

"Hindi ko naman sinabing hindi mahirap 'to, 'di ba?" mahina ngunit sapat para marinig niya na sabi ko. "Irene, naiintindihan kita. Sa una hindi mo pa kaya pero kapag tumagal nang tumagal, mararamdaman mo na lang na masaya ka na.."

Tumingin naman siya sa akin at sumandal sa sofa. "Anell, pa'no ba maging masaya? Pwede mo ba akong turuan man lang?"

Parang piniga ang puso ko nang marinig ko na sakaniya ang paggaralgal ng boses niya na tila maiiyak na siya.. Saglit kong naiwas ang tingin sakaniya nang magsimula nang kumislap ang gilid ng mga mata niya..

"Ang makaramdam ng ligaya ay hindi natututunan, Irene.." iiling-iling kong sabi.. "Minsan sa buhay, kailangan mong hayaan yung sarili mo na pahingahin at 'wag pagudin,"

Nanahimik naman siya pero narinig ko na ang mga mahihina niyang hikbi.. Pabagsak niyang inihiga ang ang ulo sa balikat ko kaya ako 'tong kusang inakbayan siya at tapikin ang balikat niya..

"Ang makaramdam ng ligaya ay kumukusa, hindi natututunan--hindi natuturo. Kapag sinabi ng puso mo na masaya ka, masaya ka. Hayaan mo yung sarili mong sumaya ng kusa."

Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak habang nasa bisig ko siya. Masakit sa akin na marinig ang bawat hikbi niya at ang mahigpit na kapit niya sa dulo ng damit ko na tila isa siyang bata na naiwan ng magulang niya sa isang parke.

Ito ang pinakaayaw ko.. Iyong makita ang mga kaibigan ko na umiyak o magluksa sa sakit. Ayaw na ayaw kong naririnig ko ang mga masasakit nilang hikbi, dahil ang bawat paglabas nila non ay nagsisilbing bala na tumatagos mismo sa puso ko.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumigil sa pag-iyak at umayos na ng upo. Ako naman 'tong nakatitig sakaniya habang nginunguya ang cookies na nasa loob ng bibig ko.

"Anell, samahan mo ako sa mall, ah.." biglang sabi niya kaya umangat ang dalawa kong kilay sa pag-iisip na kaka-mall lang nila kahapon. "Bibili kasi ako ng frames, idi-display ko sa room ko..."

"Sige lang,"

"Hindi kasi makakasama sila Dairsy at Meane dahil magpapractice pa daw din sila. Si Julzia naman, pinapractice yung pagmomodel.."

Tumango lang ako at napalingon sa hagdanan nang makaramdam ng presensya doon.. Nang makita ko si Kuya Alrine ay kinalabit ko si Irene at sinenyasan siyang tumingin sa gawi ng kambal ko.

"Hi, Alrine! Samahan mo kami?" ngiting tanong ni Irene kaya agad umupo si Kuya sa gitna namin. Bahagya niya pa akong tinulak para lang sumingit sa gitna. Kaya ako 'tong nakaangat ang isang kilay habang ang mga labi ay nakaawang dahil sa biglaang pagtulak niya..

"Where?"

"Mall."

Aktong magsasalita sana si Kuya nang biglang tumili si Ate Elyna na ikinagulat pa ni Irene. "--Did I just hear the word 'MALL'?!"

"A-ah, ikaw pala, Ate Eleyna! Nakakagulat ka naman!"

"Oh, sorry.." tatawa-tawang sabi nito at lumaoit sa gawi namin.. "Magmo-mall kayo? Can I come? If oki lang naman.."

"Opo naman!" parang bata na tango ni Irene habang suot-suot niya ang galak na ngiti na hindi ko naiwasang mapangiti. "Hindi naman po kita matitiis, Ate eh!"

"Can I come, too?!" singit ni Elenie kaya napailing-iling na lang ako.. "I promise, I will behave lang.."

"Oo, pwede naman eh! Masaya nga kung marami tayo, eh!"

"Okay, okay.. mag-aayos lang kami! Wait for us, alright?"

"Keykey!"

"Ako din." kalabit ko kay Irene at tumayo na para umakyat sa kwarto ko.

Ang isinuot ko na lang ay simpleng malaking itim n t-shirt at itim na cargo pants saka yung Dr. Martens boots ko na kulay itim din. Hindi ako nagsasayang ng oras sa pagpili ng damit dahil hindi naman kailangan..

Pagkatapos ko ay bumaba na agd ako at naabutan sila na maayos na ang mga sarili.. "Hi, Anell!" bati ni Elenie na akala mo naman ay ngayon lang kami nagkita..

"W-wow.." rinig kong usal ni Irene dahil sa pagkamangha habang nakatitig kay Elenie.

Nakasuot ito ng puting sweater na nakababa ang isang bahagi ng balikay upang makita namin ang makinis at maputi niyang balat. Nakatack-in iyon sa isang highwaisted denim short at hindi iyon basta short lang dahil hinuhulma non ang tila isang hourglass na katawan nitom

"Maganda ba ang suot namin???" tanong ni Ate Eleyna kaya naagaw na niya ang atensyon namin nila Irene..

Ang suot naman ni Ate Eleyna ay isang pula na Knit Button Up top at itim na fit jeans dahilan para mahulma din ang mahaba nitong binti at malaki nitong balakang. Ang buhok naman nitong paalon ay niyayakap ang maputing balat na tila tinatago nito iyon.

"A-ang ganda niyong dalawa.. Halah.." sumilay ang ngisi sa labi ko nang makita kung gaano namula ang mga pisnge ni Irene habang nakatitig ng maigi kay Ate Eleyna na nakangiti sakaniya..

"Nako, ngayon ka lang ba nakakita ng hot na babae, Irene?" maarteng ani ni Kuya Alrine. Nakasuot siya ng stripes na longsleeve at maong pants at puting rubber shoes..

'Anong trip nito't nagpakabarako ng style? Wala sa mood??'

Knowing my twin, hindi siya palasuot ng mga gan'yang damit dahil sobrang adik na adik siya sa mga pambabae na damit. Kataka-taka lang na nagsuot siya ngayon, wow.. Gwapo.. Mana sa'kin, tsk!

Nang makarating kami sa mall nila Bading ay agad kaming pumasok sa isang shop kung saan sikat ang mga frames at mga gamit sa bahay.. Agad namang kumuha sila Kuya Alrine ng basket, ako naman ay nanatiling nakapamulsa lang dahil wala naman akong bibilhin.

Kuntento na ako sa laman ng kwarto ko. De-bale ng magmukhang blangko, basta hindi makalat sa mata.. Hindi naman ako tamad maglinis ng kwarto pero ayaw ko lang yung maraming anek-anek, dahil bawat gamit ko ay may sari-sariling organizers na. Hindi ko kailangan ng panibago.

"Anong mas like mo, Anella. White or Brown?" tanong sa akin ni Irene habang nakaturo sa isang rectangular na frame..

"Puti. Mas bumagay ang puti sa lahat ng kulay.." tatango-tango kong sabi kaya nilagay niya iyon sa basket niya, tatlong piraso.

Hindi kasi maganda kung kulay brown lalo na't kulay violet ang kwarto na pinili ko para sakaniya. Violet lang siya dahil paborito niya iyong kulay. Ang kulay ng kama niya ay puti at iyong ibang gamit ay puti para maganda sa mata. Siya na ang bahala kung lalagyan niya pa ng mga designs. Inipuwesto ko din siya doon sa makikita niya ang mga city lights tuwing gabi dahil iyon ang nagpapakalma sakaniya..

Nang makita kong marami ng laman yung basket ay nagpresinta na akong ako na ang maghawak sa basket dahil nakikita ko na siyang nahihirapan sa paghawak. Hindi naman na siya tumanggi at hinatak ako sa may lampshade section.

Mayroong iba't ibang desenyo doon at ang nakakapukaw lang sa paningin ko ay iyong mga cartoon lampshade.. Cute..

"May lampshade ka na, 'di ba? Bakit bibili ka pa?" biglang tanong ko dahil nagtataka ako, bakit pa siya bibili ng lampshade? Kung meron na siya?

"Binato ko kay Cj kahapon saka sa kabet niya.." mahinahon na sabi niya kaya natitigilan akong napatitig sakaniya na tila hindi makapaniwala na gano'n niya kadaling nasabi iyon.

'Mahirap talaga kapag naging masama ang isang mabait.. Mas demonyo pa sa demonyo.. King ina, kinikilabutan ako sa'yo, Irene..'

Kumuha siya ng hello kitty lampshade na may kalakihan. Tumingin ako kay Kuya Alrine nang makitang dalawa ang kinuha niya, heart 'yon at Elmo.. Sila Ate naman ay yung mga Sophia The First at yung kay Elenie naman ay Barbie..

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang tawa ko dahil sa mga pinagkukuha nila..

"Miss, how much is this?" rinig kong tanong ng isang babae kaya napalingon kami do'n.. May hawak ito na lampshade na parisukat at napataas ang dalawang kilay ko nang makita ang malaking letters na bumubuo ng 'BLUE MOONS' at may pangalan ko sa gilid non..

"20,000, Ma'am. "

'Bente???????!!!!!!'

"Ang mahal naman niyan, Miss?" tanong ni Elenie kaya napatingin sakaniya yung isang staff na babae.

"Ah yes, Ma'am! Bukod po kasi sa original, nag-aalarm din.. May button din po d'yan na kung saan nag-iiba-iba ang kulay and May original signature ni Miss Anella."

Yung kininang tingin ko doon sa lamo ay nalipat doon sa nagsalita dahil binanggit niya ang pangalan ko..

"Ah really, Miss?" singit nung iba.

"Marami pa bang stock niyan, Miss?" tanong pa nung isa..

"Yes po, Sir!"

"Bili ako dalawa, hehe"

"Sure, Sir!" ngiting sabi nung sales lady at kumuha ng isang kahon. Pumunta sila sa cashier at binayaran 'yon.

"Buti, Miss marami kayong stock niyan?" tanong ni Irene, tumango yung isa pang lady.

"Hindi pa po kasi napo-promote 'yan dito, Ma'am.. New arrival palang o kaya medyo mainit-init.. Buti nga po may nakapansin,"

"Eh, bakit hindi niyo ilagay sa harap mismo para makita agad ng ibang costumers na papasok dito?" singit ko, paepal ako eh. "Kakasabi mo pa lang.. New arrival ang mga 'yan. So, obviously.. Dapat nung nadeliver na ay nilagay niyo doon sa harap, yung tipong susulyap yung daraang tao at makukuha agad ang atensyon nito."

Naiawang niya ang labi na tila may napagtanto siya sa mga binitawan kong salita.

"Try niyo lang na i-display doon sa harap.. Baka sakaling dumami ng dumami ang mga costumers.."

Dali-dali naman siyang pumasok sa stock room at lumabas na may hawak na isang box, tinulungan din siya nung sales man at tinulingan siyang i-display ang lampshade sa may harapan.

Blangko ang mukha na pinagmasdan ko lang sila at gano'n na lang ang gulat na bumakas sa mga mukhanila nang may dumaan na grupo ng kabataan doon at napahinto.. Narinig kong napatili ang mga ito at pumasok na.

"Halaaah! Ayan yung limited edition na lamp shade! Yung official merchandise ni Anella? Si Maangas Girl! Ate, bilhin na po namin!"

"S-sige po!"

Napasulyap ako sa mga kasama ko at lahat sila ay nakangisi sa akin pero ni-head-to-toe ko lang sila sa kalmadong paraan saka lumakad papunta na sa cashier nang makaalis na kami dito.

"Grabe, Anell.. May sariling lampshade?" hindi ko pinansin ang panunukso ni Ate Eleyna sa akin at nagpatuloy padin sa paglalakad. Hawak ko sa kaliwa kong kamay ang pinamili ni Irene habang si Irene ay nakakwit ang braso sa akin na nakapamulsa naman..

"Ay 'wag ka, Ate Eleyna! Ang twinny ko may sariling damit din, naging endroser ng damit bwahahahahahahaha!" pagmamalaki ni Kuya Alrine at mahinang pinalo pa ang pwetan ko..

•Yellow Cupcake Café

"Hi, Ma'am.. Sir.. Table for 5?" bungad sa amin nung lalaking waiter sa may bandag entrance. Nagkaayaan nanaman sila Irene na kumain, s'yempre.. Hindi lang naman pamimili at pasyal ang ginagawa dito sa mall. Hindi pwedeng mawala ang pagkain.. waiter...

"Ah, yes please!"

Abala sila sa pakikipag-usap doon sa waiter habang ako ay inililibot ang tingin sa buong cafeteria.. Maraming tao ang dumadalaw doon dahil na din siguro sa ganda ng paligid. Pang-Gen Z talaga..

Pamilyar din sa akin ang cafe na'to, alam ko napuntahan ko na 'to eh, hindi ko lang maalala kung kailan at kung anong ginawa namin dito.. Nang tuluyan na kaming makapasok ay nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ni Julzia, Meane, Mamshe at ako na nakapwesto doon sa may cashier.

"Ang cupcake cafeteria na po ito ay inindorse na rin po ni Miss Julzia, Miss Anella, Miss Dairsy and Miss Meane kaya mapapansin niyong sa bawat lalakaran ay nandoon ang pictures nila! Mapapansin niyo rin po na dinudumog siya ng tao dahil may mga merchandise dito na may original signature din ng apat, katulad na lang ng mga hats, shoes, different kinds of clothes.."

'Ayon! Naalala ko na! Ito yung cafe na inindors namin nung mga grade 7 kami! Dito kasi kami madalas tumambay!'

Dinala kami ng waiter sa may second floor at tinuro pa ang pwesto namin. "This way, Ma'am.. Sir.."

Pumunta sa gawi namin yung isa pang waiter na lalaki ulit pero iba na 'to, hawak niya ay menu na hula kong laman ang mga pagkain dito sa cafeteria. Natural.

"One Chocolate cupcake with Choco tops and for the drinks is... Strawberry shake, please?" mahinhing ani ni Ate Eleyna saka naman tumango ang waiter at isinulat iyon.

"Sa akin, gano'n na din.." sinundan ni Elenie.

"Mine is One Vanilla cupcake with Chocolate at in and with Strawberry syrup, for the drinks.. One Mango shake!" sunod na sabi naman ni Kuya Alrine.

"One Mango cupcake with Strawberry syrup and two Pink lemonade cupcake with Chocolate syrup.. And for the drinks is one Cappuccino." si Irene

"Sa akin, drinks lang. Dark Chocolate shake.." mahina ngunit sapat para marinig niya na sabi ko, tumango naman ito..

"I will repeat ma'am, sir.. Two Chocolate cupcakes with Choco tops and Strawberry shake for drinks, One Vanilla cupcake with Chocolate at in and with Strawberry syrup and one Mango shake for drinks.. One Mango cupcake with Strawberry syrup and two Pink lemonade cupcake with Chocolate syrup Aand cappuccino for drinks and Dark Chocolate shake?"

"Yes, please!"

"Okay, thank you.. Please wait for minutes.."

Nang makaalis na siya ay agad kong tinanggal ang suot na itim na face mask.. Ayan ang dahilan kung bakit ang lakad ng loob ko kanina na lumakas sa alon ng mga tao kanina.

"Grabe! Hindi ako makapaniwala, Anell-baby na endorser kayo ng Cupcake Cafeteria na 'to! Napakasikat niyo naman!"

"Hindi rin, kung sikat kami dapat artista kami pero vlogger lang kami.."

"Artista lang ba ang sikat?"

"Depende.." ngising sabi ko, tinarayan niya lang ako at naglagay ng liptint sa pula naman niyang labi.

"Hahahahahahaha! Baby! 'Wag ka ngang gan'yan!" rinig kong sabi ng isang pamilyar na babae.

Napasulyap ako kay Irene na napatingin doon.. Kita ko kung haano nawala ang ngiti niya at dahan-dahang naibaba ang tingin..

"Shut up, Baby.."

Umangat ang isang kilay ko nang marinig ang boses na iyon.. Nang sumulyap ako doon ay napatagilid ko ang ulo habang suot-suot ang sarkastiko kong ngisi.

"Y-yan 'yon 'di ba, Irene?" bulong ni Ate Eleyna, hindi sumagot si Irene at nanatili lang na nakababa ang ulo.

Napabuntong-hininga naman ako at pinakrus ang mga braso ko't pinalibot ang dila sa itaas na ngipin sabay kagay sa ibabang labi dahil nakakaramdam nanaman ako ng irita.. Pangit kasi ng presensya.

Kita ko naman kung paano lumipat ang tingin ni Elenie kay Ate Eleyna na lumingon sakaniya at doon na sila sabay na napangisi.. Pinanood kong sabay silang lumingon kay Kuya Alrine na napatigil at nag-angat ng kilay para itanong kung anong meron.

Gano'n na lang ang pag-angat ng gilid ng labi ko nang makita kung paano mag-usap ang mga mata nila. Hindi ko man gaano maintindihan, pero alam kong kalokohan 'yan.

'Repzimo's pa..'

"Baby, smile ka na d'yan!" biglang lingkis ni Kuya kay Irene na nabibiglang napatingin sakaniya.

Nagkunwari naman akong abala sa pagtipa sa cellphone habang umaakto na tila hindi ko nararamdaman ang presensya ni Cj sa tabi lang ng table namin.

Kita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sila sa amin, sumilay ang ngisi ng magkapatid at kunwari'y may ginagawa sa kaniya-kaniyang bag o kaya'y damit.

"Baby, smile na! Ayaw ko pa namang nasa-sad ka!" lambing ni Kuya kay Irene at ginamit ang hintuturo para itaas ang mukha ni Irene, may isinenyas ito kay Irene at napapalo naman sakaniya si Irene..

'Mukhang nakuha niya..'

"Nakasmile naman ako, ah?" ngiting sabi ni Irene, walang halong peke.

"I'm worried lang, Baby. Ayaw ko ng sad ka! Ayaw kong matulad sa mga lalaking sinaktan ang napakabait mong heart!" sinadyang lakasan ni Kuya Alrine 'yon para marinig nila Cj, sinuot ko ulit ang itim na mask at napasulyap sa gilid. Kitang-kita ko ang selos sa mukha ni Cj..

Yung si Kira naman ay napatitig kay Kuya Alrine.. Putapete, mukhang nagkacrush pa sa kuya ko ah.. Nako, delikado ka..'

"Don't need to worry, Okay. I'm fine! Because of you!" sinsero kunwaring na sabi ni Irene..

Magaling sa pag-arte si Irene at halos lahat ay napapaniwala niya sa mga ganoon.. Pero hindi ako.. Aminado din siya na hindi niyakinakaya lalo na kapag nakatuon sakaniya ang mga mata ko.

"Oh, really! Nakakakilig ka naman, Baby! Ang lucky lucky naman ng magiging bf mo!" tili na sabi ni Kuya Alrine at hinaplos ang buhok ni Irene.

'Pustahan, sa loob-loob niyan ni Kuya.. Nasusuka na siya,'

Dahil sa isipin na iyon ay hindi ko maiwasan ang ipatong ang sentido sa gitna at hintuturo na daliri saka napakagat sa dila ko para pigilin ang matawa..

"Nahanap ko na yung lalaking 'yon!" ngiting bato ni Irene at hinaplos ang mukha ni Kuya.

"Sinooo?" excited kunwaring sabi ni Kuya, huminto ang kamay ni Irene sa paghaplos ng pisnge niya..

"Nandito sa harap ko!" kinikilig kunwaring sabi ni Irene.

Napatili naman yung dalawa at naghampasan pa. Napailing-iling ako habang sa ilalim ng mask na suot ko ay ang maloko kong ngiti dahil ramdam ko ang isang mainit na pares ng mga mata na nakatuon sa gawi namin.

'Ramdam kita, Cj.. Kahit hindi ako nakatingin, ramdam na ramdam kita..'

"Nakakakilig naman kayong dalawa! Omyghad! Bagay kayoooo!" malokong sabi ni Elenie, sumang-ayon namam si Ate Eleyna..

"Talaga?"sabi ni Irene tumango yung dalawa, ngumiti si Kuya Alrine at nilapit pa sakaniya si Irene..

Ilang minuto lang ay dumating na ang order namin at talaga namang makalokohan ang mga kasama ko..

"Say ah, Baby?" ngiting sabi ni Kuya Alrine at tumusok ng maliit na hiwa ng cupcake at tinapat sa bibig ni Irene..

"Ahhh!" pagbuka ng bibig ni Irene kaya sinubo sakaniya ni Kuya yun, pinunasan pa nito ang gilid ng labi niya dahil kumalat ang frosting non.

"Ano ba! Respeto sa walang jowa dito, oh!" tikhim ni Ate Eleuna kaya natawa sila.

"Ang swerte niyo sa isa't isa!" pagsakay ko sa kalokohan nila.

"Of course! 'Di ba, baby?"sabi ni Kuya Alrine kay Irene.. Tumango si Irene at sinubuan din si Kuya Alrine. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang kamay ni Cj na nakasardo ng madiin.

'Kasalanan mo 'yan, Cj.. Panindihan, pre..'

"Hindi ko magagawang lokohin 'to si Baby, eh!"

"Totoo ba 'yan! Baka naman 'SCAM 'YAN'! Mangangako ka tapos 'BABALIIN MO'!" pagdidiin ni Irene.

"Nooo! Hindi ako gano'n! Mamahalin kita kahit hanggang dulo pa!"

'Yock!'

"Sure ka?!!!! Baka 'MAMBABAE' ka bigla tapos makita kitang may 'KALAGUYONG' iba!" muling diin na sabi ni Irene, umiling naman si Kuya. "Sure 'yan, ah. Saka kapag nambabae ka, pumili ka ng 'KABET' na 'KAYANG-KAYA' akong labanan, yung 'HALIPAROT' na sasampalin ako hindi yung sasabihan ako ng 'CHEAP'!" parinig pa niya.

"Ako ba pinariringgan mo babae?!" napalingon kami do'n kay Kira nang tumayo siya at magsalita..

"Oh, hi! Long time NO see.." ngiting sabi ni Irene. "My dear, natatamaan ka ba?"

"Sorry, Sweetie. Inabalaan ko lang 'tong si 'BABE' na kapag mambababae siya ay yung tipong hindi puro yabang dapat yung nakikipagsabunutan!"

"Hinahamon mo ba ako?!" matapang na sabi ni Kira kaya napaangat ko ang isang kilay..

'Feisty..'

"Kung 'yon ang dating sa'yo.." ngising sabi ni Irene, nang akmang susugudin niya si Irene ay tumayo si Elenie.

"Wooops! Girl, stop over right there!" pinong-pino ang ingles na sabi ng pinsan ko habang may patulak pa ng mahina sa balikat ni Kira gamit ang hintuturo niya.

"Who are you?!"

"Oh! My name is Elenie Shimirine! The most beautiful and sexy woman on earth!" punong-puno ng confidence na sabi niya at nagflip hair pa.

"I don't care! Get out of a way!" sigaw nito at tinulak si Elenie kaya natumba ito sa sahig sa lakas non, napatingin sa amin yung mga waiter at cashier.

"Hey! How dare you to push my sister, huh?!" inis na sabi ni Ate Eleyna.

"And who are you, ugly shit?!"

"Ugly shit, huh?! Do you want 150° slap ha?!"

'Scary..'

"Get out of the way!" sigaw ulit nito at tinulak si Ate dahilan para tumama siya sa may isang lamesa.

Doon na ako na-off guard. Kaya nung akto niyang hahablutin si Irene ay agad kong kinuha ang pulsuhan niya dahilan para gulat siyang mapatingin sa akin.

"Matapang na talaga ang mga kabit ngayon, 'no?" ngisi kong ani habang ang face mask ko ay nasa baba na.

"You're here!?"

"Oo naman! Kung 'NASAAN' ang 'KAIBIGAN' ko, 'NANDOON DIN AKO'.." ngising sabi ko tumabingi ang ulo kong pinagmasdan ang hita niya na parang nanghihina. "Oh! Anong nangyari d'yan sa mga hita mo? Mukhang nasabak ng malaking kutsilyo, ah?" mapang-asar ngunit nakablangkong mukha na sabi ko..

"Anella, please!" napalingon ako kay Cj at napaatras ang ulo at binitawan ang pulsuhan ni Kira.

"Oh! Andito ka pala.. 'BESTFRIEND'!" pagdidiin ko..

"B-bestfriend?" utal na sabi ni Kira, hindi ko siya pinansin..

"Alam kong babaero ka, tanggap ko tanggap ko pa nga.." nakangisi pading sabi ko at tinitigan ang kabuuan niya.. "..pero hindi katanggap tanggap, pare.. Ilang beses na, pero hindi ka padin talaga nagbabago? Ayts.."

Gano'n na lang ang pagsinghap nila Elenie at Ate Eleyna nang dahan-dahang mawala ang ngisi sa labi ko at mapalitan iyon ng blangko.

Natahimik ang lahat, pati ang ibang tao ay nakatitig lang sa amin, yung mga cashier ay nakatitig lang din..

"Hindi ako makapaniwalang nanakit ka 'NANAMAN' ng babae," seryosong sabi ko at hinawakan ang panga niya, "Una, pinatos mo ang pinsan ko. Si Ate Relevie. Sabi ko sa sarili ko okay lang 'yon. Kaibigan ko si Cj, eh. Hayaan ko na lang.. Sumunod yung isa ko pang pinsan na si Jenini, shit pare! Napakatungek ko para pagbigyan ka pa, binigyan kita ng chance kasi talagang napipikon ako, eh. Akalain mo 'yon? Pati pinsan ko syinota mo? Nilandi mo tapos iiwan mo sa ere? Ngayon! Sinunod mo 'ITONG' bestfriend ko.." tatawa-tawa kong sabi. "Bakit? Gusto kitang tanongin kung bakit mo sinasaktan ang mga babaeng mahal ko.. Matalik kitang kaibigan! Alam mo 'yon, Cj pero ako yung nasasaktan para kay Irene! Sinaktan mo! Ginagago mo! Tinarantado mo! You such an asshole!" diin kong sabi at binitawan na ang panga niya kaya napatameme siya. Agad ko namang naramdaman ang paghablot ni Kira sa buhok ko pero hindi ako uminda, hina eh..

"Tama na po! Mga ma'am! Tama na po!" awat na sa amin..

Malakas kong tinulak si Kira dahilan para tumama siya sa isa pang lamesa. Nang akmang susugudin niya na ako ay pinigilan na siya ni Cj.

"Ma'am, sir.. Umalis na po kayo, nakakagulo ho kayo!"

Inis kong tinanggal ang mask ko at tumingin sakaniya, gulat niya naman akong tinignan.

"M-miss Anella!"

"Oo ako nga. Itong babaeng 'to..?" turo ko kay Kira na mabilis ang paghinga.. "Paalisin niyo dito."

Agad namang sumunod yung mga staff's. Pinagmasdan ko silang palabasin yung dalawa in respectful way padin. Ako naman ay humarap kay Irene..

"'Wag ka ng umiyak," pag-alo ko, doon naman ako hinarap ni Kiya sa kaniya gamit ang pagpihit sa balikat ko paharap sa gawi niya.

"Twinny, ayos ka lang ba? Ha? Mukhang nagalusan ka! Ano!" nag-aalalang tanong niya at sinipat pa ang buong katawan ko.

"Ayos lang ako, umalis na tayo dito, umiinit lalo ang ulo ko.."




Alrine's POV

Nakangusong pinagmamasdan ko lang si Bebe Irene na panay ang lagok sa beer. Nakakailang bote na siya, halos kalahati na niya yung beer..

"Ayye.. This is why I don't like commiting.." iiling-iling at ngiwi na sabi ni Ate Eleyna habang pinaglalaruan ang yelo sa baso niya.. "Love svcks!"

"Love svcks if you choose a wrong person to take away your heart, Ate.. Ang pagcocommit sa maling tao ay parang ikaw lang.."

"Anong ako?!"

"Tanga." napatawa ako ng mahina nang sabihin iyon ni Elenie habang nakatingin lang sa beer na hawak niya, parang wala lang sakaniya.. "You don't know, Ate that you're tanga? T.A.N.G.A! IKAW YUN!"

"Wow.. Kamusta naman kaya si isa d'yan na hinihintay padin yung nangghost sakaniya 3 months na ang lumilipas? 'Di ba, Elenie?"

Sumama naman ang tingin ni Elenie at umirap sa nakatatandang kapatid.. Ako naman ay umiling-iling na lang at sumulyap nanaman kay Irene na napahiga ang ulo sa sandalan ng sofa at mapailing-iling. Nakapikit na siya at lasing na lasing na.

Siya lang yung kilala kong lasing na sobrang tahimik, seryoso.. Kapag sila Dairsy ang nainom ng Tanduay ice o kaya beer, mga warla! MAUY!

"A-anell??" mahina at sinisinok na tawag ni Irene kay Twinny..

"Hmm?"

"U-uwi na tayo.. A-antok na 'ko.."

"Okay. Let's go, Kuya." agad niyang sabi. Tumayo naman ako at tumingin sa magkapatid.. "Ate Eleyna, Elenie.. Aalis na tayo.."

"Ah, maiiwan ako.." iling ni Ate Eleyna.. "May aasikasuhin pa ako.. Hindi 'to lalaki, don't worry.."

"Ako din.. Katulad ni Ate, I have more work to do here.. So, maya na lang ako uuwi. Pakisabi na lang kay Kuya, Anell ha?"

"Ge. Kuya, tara."

Sumunod agad ako sakaniya. Si Irene ay inalalayan naming mahiga sa backseat, habang si Twinny na ang magdadrive..

Repzimo's Mansion•

"Me na lang mag-akyat sakaniya, Twinny.. Umiiyak si Litlit, oh."

"Sigurado ka ba?"

"Yes! Kaya ko pa naman, eh.."

"Ge, ingatan mo.."

"I will.." seryoso kong sabi at iniakbay ang braso ni Irene sa akin.. "Okay.. Irene-bessy, aakyat na tayo hmm?"

Tumango siya habang nakapikit padin. Nang maiakyat ko na siya sa kwarto niya dito sa 7th floor ay napakapit siya sa batok ko pero kamalas-malasan na nakaapak ako ng gamit doon dahil nadailim kasi hindi ko pa binubuksan yung ilaw! At sakto na dapat ihihiga ko siya kaya ang ENDING!

"Oh, God!" tili ko at napalayo kay Irene habang nakahawak sa lips ko.. Gulat ko siyang pinagmasdan pero mahimbing na ang tulog niya. "HALAH! NAGKISS KAMI! NO NOOOO!"

'HALAH! PAHAMAK YUNG GAMIT NA YUN!!! PAANO NA 'TO?! PAANO KO HAHARAPIN BUKAS SI BEBE IRENE?!?!?!?!!?'


...

Yey.. Bumabagsak na ang aking eyes.. 😪🖤

Continue Reading

You'll Also Like

GUNS By DEMGEL_28

Teen Fiction

6.9K 456 34
(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
84.5K 4.2K 42
This story is all about sa isang normal babae na ang pangarap lang ay makita ang kanyang Idol but little did she know that supporting her idol in one...