The Mafia Boss' Son

By MissKryptons

222K 4.7K 73

Amidst the shadows of danger, a Mafia Boss, Brantley Levine finds himself haunted by the memory of his lost l... More

Note
TMBS 1
TMBS 2
TMBS 3
TMBS 4
TMBS 5
TMBS 6
TMBS 7
TMBS 8
TMBS 9
TMBS 10
TMBS 11
TMBS 12
TMBS 13
TMBS 14
TMBS 15
TMBS 16
TMBS 17
TMBS 18
TMBS 19
TMBS 21
TMBS 22
TMBS 23
TMBS 24
TMBS 25
TMBS 26
TMBS 27
TMBS 28
TMBS 29
TMBS 30
TMBS 31
TMBS 32
Epilogue
Note
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter: Last

TMBS 20

6K 138 2
By MissKryptons

Nang makapasok kami sa kompanya, lahat ng atensyon ay napunta sa amin. Or should I say kay Brant. Kilala naman nila si Treyton malamang at itong si Brant lang ang bago sa paningin nila. At ang loko, sobrang lakas makahakot ng atensyon kahit wala naman siyang ginagawa.

Buhat-buhat lang naman niya yung mga dala ko at prenteng naglalakad. Letseng 'to. Ang gwapo kasi masyado. Yung mga babaeng empleyado ko ay halos hindi na tanggalin ang paningin kay Brant na nakapagpataas sa kilay ko.

Huminto ako sa paglakad at pasimpleng tumikhim kaya sa akin napunta ang atensyon nila. Inilibot ko ang paningin ko at tumingin sa kanila ng seryoso. Napayuko naman sila at nagsibalikan na sa kanilang ginagawa. Saka lang ako ulit bumalik sa paglakad papunta sa elevator. Naibaling ko ang paningin ko kay Brant na kanina ko pa napapansing nakangisi.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" taas-kilay kong tanong sa kanya at pumasok na sa loob ng elevator.

"I really love it when you're jealous" mas lalong napataas ang kilay ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong isipin na nagseselos ako"

"Hindi ba?" lintik! Gusto ko na talagang sapakin ang nakangisi niyang labi.

"Hindi. Bakit naman ako magseselos? Tayo ba?" nawala ang ngisi sa mukha niya kaya ako naman ang napangisi.

"I thought we're good?"

"Anong good?"

"Good that we're back together" hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko.

"Assuming ka masyado. At sino nagsabi sayong bumalik na tayo sa dati?"

"Ikaw" kumunot ang noo ko.

"Ako? Hoy Brant, wala akong binitiwang mga ganong salita"

"Wala nga but your actions says it all"

"Actions?"

"You kissed me back last night, remember?" at ngumisi na naman siya dahilan para mamula ang pisngi ko. Nyeta. Bakit inungkat niya ang nangyari kagabi?

"It means that you still love me too"

Hindi ko siya sinagot at hinintay na lang na bumukas ang elevator. Gustong-gusto ko nang lumabas ng letseng elevator na ito. Ngayon lang ako nainis sa elevator ko. At nang bumukas ito, dire-diretso lang akong naglakad papunta sa office ko habang hawak-hawak sa kamay si Treyton.

"Ano? Tama ako diba? Mahal mo pa rin ako?" inis ko siyang hinarap.

"Nadala lang ako kagabi kaya kita hinalikan pabalik. Walang malisya iyon, letse ka"

------------

Hindi ko na namalayan ang oras at alas sais na pala ng gabi. Masyado akong nababad dito sa table ko habang kaharap ang dalawang laptop at isang computer. Medyo masakit na rin sa mata itong buong araw na nakakatutok sa computer at laptop.

Tumayo ako para lumabas ng aking office. Sumakay ako ng elevator at bumaba lang ng isang floor. Atsaka ako pumasok sa office ni Nicholas kung saan ko iniwan yung dalawa.

Dito ko muna sila pinatuloy sa opisina ni Nicholas kaysa naman doon sila sa office ko. Marami akong masyadong ginagawa. Atsaka gusto naman niyang masolo si Treyton diba? Pinagbigyan ko lang.

Natigilan ako sa nadatnan ko. Nakahiga sa sofa si Brant habang natutulog at nasa ibabaw niya naman si Treyton na nakayakap sa kanyang ama. Bahagya ring nakakalat ang mga laruan ni Treyton na dinala niya kanina dahil gusto niya raw makalaro ang Daddy niya.

Hinayaan ko muna silang matulog at iniligpit ko na muna ang mga laruan na nakakalat dito.

"Mommy?" napalingon ako kay Treyton na hindi ko napansing nakabangon na pala. Tiningnan ko si Brant na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

"Did you sleep well?" nakangiti siyang tumango at tinulungan akong magligpit ng kanyang mga laruan. Matapos naming mag-ayos, umupo ako sa single sofa at kinandong siya.

"Baby, birthday mo na bukas. Saan mo gusto pumunta?" umakto siya na para bang nag-iisip. Tumingin siya sandali kay Brant tapos ibinalik din sa akin.

"Anywhere Mommy. As long as I'm with you and Daddy" natigilan ako sa sinabi ng anak ko.

"You know what Mommy? I always pray to Papa God and wish that one day, we would be complete" nararamdaman ko na naman na namamasa na ang mga mata ko.

"But Papa God gave me what I want. I have you and Daddy beside me. Tomorrow is my birthday and I am fine without any gifts. You and Daddy are the best gift for me" hindi ko na napigilan ang mapaluha.

Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.

"Mommy, why are you crying?" pinilit kong ngumiti.

"Masaya lang ako anak. Ikaw din ang pinaka the best gift sa buhay ko Treyton" I said and hugged him so tight.

Oh God. I can't afford to lose my son.

Bukas na ang birthday niya at ang tanging gusto niya lang ay ang maging kumpleto kaming pamilya. Sobra akong natouch sa sinabi niya. Kami lang ng Daddy niya ay sapat na para sa kanya.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Brant na natutulog pa rin sa sofa.

Ang totoo niyan, natatakot pa rin talaga ako sa pwedeng mangyari kung mananatili kami sa tabi niya. Hindi ko masisiguro na ligtas ang anak ko. Pero tama rin si Nicholas, hindi ko dapat tanggalan ng karapatan si Brant bilang ama ni Treyton. At nakikita ko naman na gustong-gusto talaga ni Brant na maging Daddy ni Treyton.

Bumuntong hininga na lang ako.

I will do anything to make my son happy.

——————-

"Daddy, are you going to leave?" pinagmasdan ko ang mag-ama na mag-usap.

Hinatid na kasi kami ni Brant dito sa bahay. Lumuhod naman si Brant para makalebel niya si Treyton.

"Son, for now I'll leave but I will come back tomorrow"

Hindi pa alam ni Brant na birthday ni Treyton bukas.

"Hindi po ba ba pwedeng dito kayo matulog? Kasama namin ni Mommy?" napatingin sa akin si Brant at agad din akong umiwas ng tingin.

"Ayaw naman kasi ng Mommy mo" aba't loko tong lalaking ito ah. Nanisi pa.

The next thing I knew, hawak na ni Treyton ang kamay ko.

"Mommy, please let Daddy sleep here" bumuntong hininga ako at binuhat si Treyton.

"Anak, mag-uusap muna kami ng Daddy mo. Doon ka muna sa kwarto mo, okay?" tumango na lang si Treyton. Binalingan ko naman ng tingin si Brant at sumenyas na maghintay lang siya.

Nang maihatid ko na si Treyton sa kwarto niya ay saka na ako bumaba para kausapin si Brant.

"So... Will you let me sleep here?" maamong tanong ni Brant sa akin.

"Brant, birthday bukas ng anak natin" nanlaki ang mga mata niya at natigilan dahil sa sinabi ko.

"W-what? Why didn't you tell me?"

"Kaya nga sinasabi ko na diba?"

"Bakit hindi mo inagahan ang pagsabi? What should we do? A party-----"

"No. Ayaw niya ng party. He doesn't like party that much. Gusto niya ay simpleng celebration lang. Me, you, and him. He just only want us to be complete. That's his only wish for his birthday" nawala ang pagkabalisa ni Brant at napalitan ng isang ngisi.

"Nagmana ata sa akin ang anak natin. Hindi ba't ganon din ang gusto ko? Na ikaw ang makasama ko kapag birthday ko?" ngising sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.

Talagang ibinalik niya pa ang dati.

Lumunok na lang ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Actually, kanina ko pa ito pinag-iisipan" nagsalubong ang kilay niya and I can see na kinakabahan siya sa sasabihin ko.

"What do you mean?"

"P-pwede bang...."

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Para sa anak ko, para sa kanya ay gagawin ko.

"Pwede bang dito ka na tumira?" nakayuko kong turan.

Biglang tumahimik sa pagitan naming dalawa. Balak ko na sanang mag-angat ng tingin para tingnan siya pero hindi ko na nagawa dahil bigla na lang niya akong hinila at niyakap.

"Who am I to resist that offer honey?"

Lihim akong napangiti at yumakap sa kanya pabalik.

Gusto ng anak ko na maging buo ang pamilya niya at sino ba naman ako para ilayo sa kanya ang bagay na ikasasaya niya? Gusto kong bumawi sa kanya kaya ko ito ginagawa. Gusto ko siyang maging masaya.

"Just promise me one thing Brant" kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mga mata niya.

"Anything honey" panandalian akong ngumiti.

"Promise me to protect him no matter what happen. Please secure his------" hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi na nakapagpatigil sa akin.

"No need to state it because I will definitely do that. I am his father and I will do anything to protect him, and also you"

Hindi ko na napigilan ang mapangiti.

"Thank you Brant. Thank you" muli ay niyakap niya ako.

"No. I should be the one to thank you for giving me this opportunity Savannah. I love you so much"

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

I think it's time to start a new.

This is for my son, for Brant, for our family.

Continue Reading

You'll Also Like

48.6K 1.3K 62
[COMPLETE] Kian Blezedtray Dawson Kakayanin mo bang kapalan ang muka mong harapin ang isang may-ari ng university (Kung saan ka nag-aaral) para sa pr...
604K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
3.4K 158 34
Charlotte Clarksville is a spoiled brat, she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay denial pa si Achilles sa...
200K 5.2K 35
HALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. ...