After Her Last Straw (Dream S...

By Zanashi

392K 21.9K 19.8K

After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 16

7.8K 519 397
By Zanashi

Chapter 16: Victory
Zanashi

I swiftly slide my hand over my sling bag while waiting for the tricyle to arrive. There are several tricyles passing along the way but those were already taken by the other passengers. The sunrays slightly block my vision that I still have to squint my eyes when someone greeted me across the road.

"Aphra! Teka, hintayin mo ako!"

He quickly crossed the road while wearing his signature smile, looking so excited. Tinanguan ko lang siya at tumingin na ulit sa daan.

"Saan ka pupunta?" napatingin siya sa suot kong PE uniform. "Sabado ngayon, ah? May klase kayo?"

"May gagawin lang."

"Talaga? Ibig sabihin, pupunta ka sa school niyo ngayon?"

Tumango ako at agad na pinara ang papalapit na tricycle. Nagulat ako nang sumunod siya sa pagsakay.

"Geremy, sa school ako pupunta.." ulit ko dahil baka hindi niya naintindihan kung para saan ang pagtango ko kanina.

"Iyon na nga, Aphra. Pupunta rin ako doon ngayon."

Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at akmang bubulong. Inis kong iniwas ang ulo ko. Bahagya siyang natigilan pero makaraan ang ilang sandali ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. Bakas ang excitement sa boses niya.

"Mataas ang chance na makakapasok ako sa scholarship next school year. Balak kong magtransfer kung palarin man, kaya mag-iinquire ako ngayon sa school niyo."

"Ah.."

Napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin na para bang naghihintay ng iba ko pang sasabihin. Tumikhim ako.

"Mabuti.. kung gano'n."

He laughed at my answer but not the kind of mock laugh, instead it was more of a relief.

"Mabuti na nga lang talaga. Makakasama na kita kung doon ako papasok."

"Accountancy ang course ko."

Paalala ko. Alam kong education ang kursong kinukuha niya. Malayo ang building nito sa amin kaya imposibleng magkita kami ng madalas sa school. Isa pa, hindi ko gusto ang ideyang makasama siya. It's not that I don't like him. Sadyang hindi lang ako sanay na may nakakasama.

"Ah!" tumawa siya. "Tama pala. Education ang course ko, eh."

Muling naghari ang katahimikan sa amin. Walang kaso iyon sa akin dahil sanay naman ako sa ganito ngunit mukhang hindi mapalagay si Geremy. Nagsisimula na siyang lumikot sa kanyang upuan kaya minsan ay nasasagi niya ako.

"Pumunta nga pala ang tatay mo sa bahay noong sunday ng hapon."

Alam kong binanggit lang niya ito para may masabi siya pero napantig nito ang interes ko. Sunday? Sa bahay nila Geremy? He noticed my sudden interest about the topic so he continued talking about it.

"May pinag-usapan lang sila ni Papa tungkol sa trabaho. Kakarating ko pa nga lang galing gym nang makasalubong ko siya. Nagkamustahan lang kami at nag-usap sandali."

I shifted on my seat. "Like?"

"Tulad ng mga nangyaring event sa gym. Nabanggit ko rin sa kanya ang plano ng youth council ngayong taon. At nabanggit ko rin—"

"Ang aksidenteng paghalik ko kay Sulivan?"

Gulat siyang napatingin sa akin. Mukhang hindi iyon ang gusto niyang sabihin pero sa paraan ng pagtingin niya, mukhang tama ang hinala kong siya nga ang bumanggit nito kay Papa.

"Oo, nabanggit ko nga rin iyon. Bigla rin kasing napunta tungkol sayo ang pag-uusap namin."

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis. Sino ba namang matutuwa kapag binanggit ng isang tao ang gano'ng pangyayari sa iyong tatay? Ang dami-daming pwedeng pag-usapan pero bakit iyon pa ang napili niya?

"Sa susunod, Geremy, ay 'wag ka nang bumanggit ng kung ano pa tungkol sa akin kay Papa."

Shock was still registered on his face. He looked offended but I didn't regret what I said. Hindi ko gustong binabalita niya ang mga nangyayari sa akin kay Papa, lalo na ang mga gano'ng pangyayari. Kung para sa kanya ay pagkukwento lang ang dating no'n, sa akin ay hindi. Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay muli akong sinaktan ni Papa.

"Sa susunod kasi ay wag kang basta-bastang humahalik sa iba."

Nahimigan ko ang inis sa tono ng boses niya. Kunot-noo akong bumaling sa kanya. Sa labas na siya nakatingin ngayon pero kitang-kita ko kung paano manigas ang panga niya sa sobrang gigil.

Basta-bastang humahalik sa iba? How many times do I have to tell him that it was just an accident? Pinabayaan ko na lang siya sa iniisip niya. Wala naman akong obligasyong pagaanin ang nararamdaman niya.

"Kuya, dito na ako bababa."

Hindi pa man nakakarating nang tuluyan sa gate ay napagdesisyunan kong bumaba na lang. Ayokong may masabi pang masasamang salita kay Geremy kaya mabilis kong inabot ang bayad kay kuya.

"Excuse me," diin ko.

Mabilis siyang bumaba pero bago iyon ay binigay muna niya ang kanyang bayad sa driver. Paglabas ay mabilis akong naglakad nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Pagdating sa school supplies shop na naka-pwesto sa tapat ng gate ay may bigla na lang humawak sa braso ko.

Pagharap ko ay hindi na ako nag-abala pang itago ang inis sa mukha ko.

"What now, Geremy?"

Kumunot nang sobra-sobra ang noo niya. Umirap ako. Bakit mukhang mas naiinis pa siya sa akin?

"Ba't ba galit na galit ka? Ayaw mo bang malaman ng Papa mo ang mga nangyayari sayo? May tinatago ka ba sa Papa mo?"

"Ano man ang sagot ko sa mga tanong mo, wala ka na doon."

"Grabe, Aphra. Kayo na nga lang ng Papa mo ang magkasama pero hindi mo pa siya pinagkakatiwalaan?"

Parang unti-unting umakyat ang dugo sa mukha ko sa huli niyang sinabi. Para akong papel na biglang sinilaban ng apoy sa sobrang pag-iinit na nararamdanan ko. Nagsimulang lumalim ang paghinga ko at ang inis ay unti-unting napapalitan ng galit.

"How dare you?" panggagalaiti ko.

I couldn't believe it. Because of so much shock and anger, I only managed to say that.

Anong karapatan niyang kwestyunin ang tiwala ko kay Papa? Ano bang alam niya? Magkasama lang sa trabaho ang Papa namin at magkasama lang kami sa youth council pero bukod pa doon, wala na siyang alam sa akin. Kaya anong karapatan niyang magmarunong tungkol sa bagay na iyon?

"Bakit ka nga nagagalit kung gano'n? Ipaliwanag mo sa akin. Hindi kita maintindihan, eh. Mas gusto nga ng Papa mo na magkwento ako tungkol sayo."

Natigilan ako. Bukod sa hindi ko nagustuhan ang pag-uutos niya sa aking magpaliwanag sa kanya ay unti-unti ko ring napag-isa ang mga nangyayari. I gawked at him disbelievingly.

"You did it on purpose, didn't you?"

"Ano bang sinasabi mo, Aphra?"

"You just didn't accidentally told my father about the kiss, right? You intended to mention it in the first place!"

"H-hindi ko iyon sinadya, Aphra."

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Papa bago umalis sa bahay kanina. Sinabi niyang konting tiis na lang daw ay may makakasama na ako sa pagpasok sa school. I clicked my tounge frustratedly.

"Tell me, who gave you the idea to transfer?"

Kumunot ang noo niya.

"Was it my father?"

Ginulo niya ang kanyang buhok at huminga nang malalim, tila pinipigilan ang sariling magalit.

"Sagutin mo ako, Geremy."

"Ano naman ngayon kung oo? Bakit ba ang big deal no'n sayo? Alam mo, dahil dyan mas lalo akong nagiging sigurado na lumipat na lang sa school niyo! Kailangan pa ata kitang bantayan para lang hindi humalik ng kung sino-sino lang! Hindi ko gusto ang mga nangyari noong sunday, Aphra!"

Hindi ko alam na ang galit na nararamdaman ko sa kanya kanina ay may mas ilalala pa. Halos gusto kong kagatin ang labi sa sobrang panggigigil. Gusto ko nang umalis dahil habang patagal nang patagal ay nag-iiba ang tingin ko kay Geremy.

Ayaw ko ang pananalita niya. Para bang kung ayaw niya sa mga ginagawa ko, dapat ko iyong tigilan. Para bang sa kagustuhan niyang masigurong naaayon sa gusto niya ang ginagawa ko, dapat pa niya akong bantayan.

"You know what? I hate it when people are trying to control me," seryoso at halos nagbabanta kong saad.

"Anong magagawa ko? Gusto kita, Aphra!" dugtong niya. "At kahit na hindi ako inutusan ng Papa mo, babantayan pa rin kita!"

Umiling ako at nandidiri siyang tiningnan. Hindi ko na masikmura ang pag-uusap namin. Para akong masusuka sa sobrang galit, panggigigil, at pandidiri.

"Well, here's some flash news.." tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "I don't like you, Geremy, so back off."

He looked so surprised. Sa gulat nga niya ay hindi siya agad nakasunod sa akin nang tumawid ako. Nasa gitna na ako ng kalsada nang makarinig ako ng busina. Paglingon ko'y nakapagitan na sa aming dalawa ni Geremy ang isang itim na sasakyan. Hindi ko alam kung nasiraan ba ito dahil bigla na lang itong huminto. Ginawa ko itong pagkakataon para makatakas nang tuluyan kay Geremy.

Halos patakbo kong tinahak ang distansya papuntang gate. I immediately swipe my identification card. Nang tuluyan na akong makapasok sa gate ay nasiguro kong hindi na siya makakasunod pa. Alam kong magtatagal pa siya sa gate dahil kailangan pa niyang kumuha ng visitor badge.

Ipinasada ko ang kamay sa strap ng bag ko. Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Pero tuwing naaalala ko ang usapan namin ni Geremy ay parang gusto kong magwala.

Hindi ako makapaniwala. Ilang minuto lang kaming nag-usap pero halos sumabog na ang ulo ko sa inis. Ilang minuto lang kaming nag-usap pero tila nagbago nang tuluyan ang tingin ko sa kanya. 

Unang-una, nalaman kong sinadya niyang sabihin kay Papa ang tungkol sa nangyari noong sunday. Bakit? Inaasahan ba niyang papagalitan ako ni Papa at uutusang layuan si Sulivan? Well, good for him. Hindi lang ako pinagalitan, sinaktan pa.

Pangalawa, nalaman ko ring kay Papa niya nakuha ang ideyang lumipat sa university na pinapasukan ko at ni hindi man lang siya tumanggi. Bakit? Para nga mabantayan ako? Sino ba siya sa tingin niya? Nandidiri ako tuwing naiisip si Geremy na sunod nang sunod sa akin.

Pangatlo, gusto niya akong kontrolin at ito ang siyang kinaiinisan ko sa lahat! Talagang hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya. I hate it the most when someone's trying to control me! Sino ba siya sa tingin niya para sabihin ang mga dapat kong gawin? Nakakadiri siya.

Sa field ako dumiretso at halos matigilan ako nang makitang sobrang daming students ang naroon. Alam ko namang maraming sections ang kasali pero hindi ko naman alam na ganito karami ang manonood. Kadang-kadang lang, akala mo kung anong tournament?

Dumiretso ako kung saan nakatayo ang mga blockmates ko na mukhang abala sa kung ano.

"Aphra! Salamat naman at nandito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay!" sabi ng isang blockmate kong may nakataling dilaw na panyo sa ulo.

Lumapit ang isa ko pang blockmate sa akin. Napatingin ako sa kamay niya at nakitang may nakasabit ditong dilaw na mga panyo. May isang panyo ring nakatali sa ulo niya.

Inilahad niya ang isang panyo sa akin. "Suotin mo, Aphra. Para ma-identify ang team natin."

Nagtataka man ay kinuha ko na lang ito. Tumingin ako sa paligid at nakitang ang bawat team ay may sari-sariling paraan para ma-identify.

May mga teams na nakasuot ng color blue, may nakasuot ng color red, may iba namang gumagamit ng green na panyo, at may mga banners din! Napatingin ako sa kanang bahagi ng field at nakita ang iba pang mga accountancy students mula sa ibang block. May mga nakatali ring panyong dilaw sa kanilang ulo.

Sa education department ay iba-iba ang pakulo nila. May mga sections na nakasuot ng tee shirt na green at may mga sections naman na panyo ang suot. Iba-iba rin ang sa iba pang department. Pero sa accountancy department ay napansin kong lahat, from block A to block D, ay pare-parehong may dilaw na panyo sa ulo. Walang naiiba.

May biglang dumagundong na drums kaya napatingin ako rito. Pinapalibutan ito ng mga arts and sciences students habang malakas na isinisigaw ang pangalan ng section nila.

My blockmates started to chant. Ginaya ito ng iba pang accountancy students, na sinundan din ng cheers galing sa iba pang department. Everything was crazy! Hindi ko alam na ganito ka-big deal ang larong ito!

"Aphra, come here! Pag-usapan natin ang plano."

Hinila ako ni Patty papunta sa dalawa pa naming kasamahan. Nagsimula silang mag-discuss pero hindi ko kayang makinig. Ang tanging naririnig ko ay ang ingay ng drums at ang mga chants ng students.

Alam ko na noon pa lang na competitive ang bawat department pero hindi ko naman akalaing pati ang ganitong activity ay seseryosohin nila.

Tuloy nang pinaghanda na kami para sa laro ay labis-labis ang kaba ko. Pakiramdam ko ay mas malakas pa sa tambol at sigawan ng mga tao ang tibok ng puso ko. Nasa pinakadulo na ako ng linya samantalang si Patty ay nasa pinakauna. Humarap ako sa likod para tingnan ang layo ng lalakbayin ko gamit ang bamboo pole.

Oh my goodness. Hindi ko ata makakaya ang ganyan kalayo! I unconsciously shake my hand. Nakuha nito ang atensyon ng katabi ko.

"Are you nervous, Pantorilla?" Sulivan asked playfully while stretching. 

Hindi ko na lang siya pinansin. Halos matumba ako nang magsimula na ang laro. Nauuna ang isang section mula sa engineering department. Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa pag-cheer. Pansin kong medyo hirap ang iba sa paglalaro pero nakaya naman nilang maipasa ang bamboo pole sa pangalawang taong naghihintay sa linya.

Sobrang ingay ng paligid at sobrang higpit ng laban sa second mark.  Kada may nauunang isang section ay sinasabayan ng cheer na nagmumula sa kanilang mga kaklase.

Napasigaw ang lahat nang matumba ang isang section galing sa education. Nagsigawan ang mga kaklase niya. Sobrang dami nilang sumisigaw pero halos iisa lang ang kanilang isinisigaw.

"Tayo, bilis!"

"Nahuhuli na tayo! Bilisan mo!"

Muli itong natumba kaya halos lahat ng galing sa section niya ay napapadyak at muling sumigaw. Kitang-kita ang pagkainis sa mukha nila dahil naiiwan na sila sa laban.

Kinabahan ako ng todo-todo nang makita ang galit nilang mga mukha. Lumipat ang tingin ko sa mga kaklaseng sabay-sabay na binibigkas ang pangalan ni Hendry. Tuwang-tuwa sila dahil pumapangalawa na kami sa laban.

Paano kapag natumba ako? Paano kapag hindi ko magawang makapaglakad sa bamboo pole? Paano kapag mahuli kami? Nanginig ang kamay ko. Pagtatawanan ako ng ibang departments at maiinis pa lalo sa akin ang mga blockmates ko.

"You looked so pale, Pantorilla. Baka mamaya'y mahimatay ka na naman dito ha?" muling kausap sa akin ni Sulivan.

Nararamdaman kong gusto niyang pagaanin ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng pang-aasar pero hindi pa rin ito umeepekto.

Huminga siya nang malalim. "Wag mong kalimutan ang sinabi ko sayo kahapon, Pantorilla. Don't be scared and pressured. Magaling ka na para sa isang beginner."

Napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng isang ngiti at tango. Hindi ko alam pero parang biglang nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Nagkaroon ako ng konting tiwala sa sarili.

Sa third mark ay nangunguna na ang apat na section galing sa accountancy department. Dumagundong ang boses ng mga accountancy students. Halos maungusan na nito ang ingay na dulot ng drums galing sa arts and sciences students.

"You can do this, Pantorilla.." mahinang sabi sa akin ni Sulivan nang maipasa na sa kanya ang bamboo pole. Mabilis niya itong sinakyan at halos manlaki ang mata ko nang makitang sobrang bilis niya.

"Aphra, here!"

Agad kong kinuha ang bamboo pole at sinakyan. Isang hakbang pa lang ay natumba na ako. Narinig ko ang singhap ng mga kaklase ko. Mabilis akong tumayo at umakyat muli sa bamboo pole.

Sobra-sobra na ang kabang nararamdaman ko nang makitang halos mapag-iwanan na ako ng iba. Sa sobrang kaba ay muli na naman akong natumba. Paulit-ulit lang akong natutumba. Hindi ko na marinig ang isinisigaw ng mga tao at mga kaklase ko dahil para akong nabingi sa sobrang kaba.

Pagtingin ko ay sobrang lapit na nila sa finish line samantalang ako ay ang layo pa rin. Nanginginig akong nagpatuloy at kasabay nito ay ang muling pagpasok ng mga sigaw nila sa tenga ko.

"Go engineering block c!"

"Education, block b! Malapit na!"

Sobrang lakas ng sigawan pero wala akong marinig na sigawan mula sa mga kaklase ko. Baka umalis na sila? Maya-maya lang ay biglang tumahimik ang buong field. Ang sigawan at hiyawan ay biglang napawi.

Tapos na ba? Nahihiya akong tumingin sa mga tao. Paalis na ba sila? May nanalo na ba? Ako na lang ba ang natitira?

Ang mga tanong ko sa isip ay nasagot lang nang may makita akong bamboo pole sa gilid ko. Pag-angat ko ng tingin, sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Sulivan. Hindi lang iyon. Maging ang dalawang kalahok galing sa block c at block d ng department namin ay nakatayo na rin ngayon sa tabi ko gamit ang bamboo pole.

Teka.. huling tingin ko sa laban ay sila ang nangunguna? Bakit.. nandito sila?

Napatingin ako sa finish line at nakitang nandoon na ang lahat ng mga kalaban namin. May nanalo na pero ni hindi man lang nagsigawan ang ibang mga department.

Doon ko lang napagtanto na kaya pala natahimik ang lahat ay dahil hindi nila inaasahan ang pagbalik nila Sulivan at iba pang galing sa accountancy department.

Hindi ko alam pero para akong nabuhayan nang dahil doon. Muli akong umakyat at ngumiti sa kanila. Nagsimula akong humakbang. Sobrang bagal lang ng paghakbang ko pero hindi nila ako iniwan. Sa halip ay sinabayan nila ako sa paghakbang.

Para siguro kaming mga tanga na sabay-sabay na humahakbang nang sobrang bagal. Pero kahit na nagmumukha na kaming tanga, kahit na huling-huli na ako sa laro, hindi ko pa rin mapigilang ngumiti nang sobrang lapad, lalo na nang marinig ang mga cheers hindi lang galing sa mga kaklase ko, kundi maging sa lahat ng accountancy students.

"Kaya mo 'yan, Aphra!"

"Wag kang mapressure! Take your time!"

"Let's go, Aphra!"

Matagal bago kami dumating sa finish line pero nang dumating kami ay sinalubong kami ng mga accountancy students. Para silang mga zombie na pumunta sa amin at saka kami ikinulong sa isang napakalaking group hug.

Natawa ako nang maramdaman ang higpit ng yakap nila. Sobrang saya namin dahil kahit na hindi kami ang nanalo sa laro, natunghayan naman namin ang pag-iisa ng lahat ng accountancy students.

And for me, this is the true victory.

Continue Reading

You'll Also Like

70.1K 1.8K 37
Natasha Romanoff and Steve Rogers have always good friends. But when Natasha is beaten half-dead while on a mission, will Steve have the courage to t...
5.6K 151 28
In her previous life, she was a highly respected Heavenly Empress,but on the eve of her wedding, she was betrayed and died by self-immolation! Reborn...
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.4M 36.4K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
88.6K 1.9K 87
The end-time warrior Yao Qiong accidentally fell into a black hole during a survey and came to an uninhabited island. There are no zombies, abundant...