Araw-Araw (Playlist Series 1)...

By NamelessLian

2.2K 118 96

Playlist series #1 Cold-hearted and pessimistic Psychology major Ashton has two goals in mind: focus his eyes... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Author's Note

P R O L O G U E

336 13 4
By NamelessLian

W A R N I N G:

This story is based on pure imagination, a channel the author chose to express creativity. The author does not represent any places, organizations, brands nor institutions mentioned in the story. Any similarities of the characters on other stories and real life people are coincidences. Violence, inappropriate languages and mentions of mental disorders are included so this warning serves as heads up. Happy reading!














Ashton's P.O.V

"I'm telling you, pre. Baka pera lang habol nong freshman na iyon sa'yo. Or better yet, sex. No offense kay Gwyn ha. Narinig siguro na big time yayamanin ka and maganda ang performance mo. Tibay 'di ba? HAHAHA!" Tawa ng malakas ng walang hiyang kumag na si Cecilio. Nakita na ngang problemado ako dahil sa Gwyneth na yon, pag-titripan pa ako ng gagong 'to.

Of all the things we can talk about, talagang ito pa talaga pag-uusapan namin. Why can't we talk about Dex and his secret girl from the volleyball varsity? Or Bethany's ex returning? Panigurado naman kaseng walang interesting na pag-kukwentuhan tungkol sa buhay ni Cecilio.

'But of all things, bakit ako ang naging topic?'

"Apaka-kalat, Cilio ha! Eh what if she's serious pala? Si Cecilio lang naman nag-iisip na lahat ng babae, gold digger. She's a sweet girl, ano ba! Palibhasa 3 times tinengga ng mga jinowa 'pag nakuha na yung pinapabili," Sagot naman nitong si Bethany habang kumuha ng isang glass ng cocktail. Sa aming lahat, itong si Bethany ang maraming kwento, mabilis makasagap ng balita. In short, chismosa.

I winced nang biglang nagsi-hiyawan ang mga tao sa paligid. Ano ba ang ineexpect mo sa isang club? Maingay, puno ng tawanan, at malakas ang music. Typical spots for 'college students'.

"Both of you, shut up. Those are just some wicked assumptions. And we don't really know this girl's motive. Pinangungunahan niyo yung tao eh. Ashton, ikaw ba? Ano ba sa palagay mo?" Pag-tanong sakin ng matino ni Dex. I could only count on Dex as of the moment. Basag si Cecilio, bangang naman 'tong si Bethany.

'Ano nga ba nasa isip ko?' Ilang linggo na akong patuloy na kinukulit nung freshman na 'yon. Ang layo pa ng pinanggalingan niya pero dumadayo parin siya sa building namin. Nasa Psychology department ako, siya naman nasa Engineering department. Sa lawak ng campus, mag-kabilang dulo na ang mga faculties namin.

'Pero paano ba kase napadpad ang babaeng yon dito? Paano niya ako nakilala? Naka-fling ko na ba siya before? Pero parang impossible dahil 'di naman siya mukhang ganong klase ng babae,' I have never met her in my life, at least not that I'm aware of.

"Alam mo, i-shot mo muna yan. Tamo 'tong si Bal, nakailan ng tawag sa orders eh hindi man lang nagagalaw yang nasa baso mo. The night's still young, paps! Let's just enjoy it instead of worrying, 'kay?" Sabi ni Cecilio sabay akbay sa balikat ko sabay shot. Uhaw talaga 'to sa alak. What to expect from the youngest member of the Gamboa clan?

"Asshole," Ngisi ko. Buong gabi, hindi mawala wala sa isipan ko kung paano ko irereject si Gwyneth ng tuluyan. Sure, I have had my fair share of outburst moments with that girl pero parang sanay na sanay na siya to the point na she doesn't really mind the way I interact with her.

Hindi naman ako tarantado para basagin yung puso niya dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam na ganon. Pero sana naman, utang na loob lang, tigilan na niya ako. I can't stop being so paranoid kahit saan man ako mapunta. Bar na lang ata ang safe haven ko sa babaeng 'yon.

"Teka nga, why don't you try kase liking her back? I mean, cute naman siya and all. She acts way more mature than you," Bethany said, rolling her eyes and taking a small sip from her glass. So anong pinaparating nito sa'kin? I can't just force myself to like her back. 21st century na, why must I take responsibility for her feelings for me? Sinabi ko bang gustuhin niya ako?

"She's not my type. Period," Seryosong sagot ko, chugging my beer down. I'm not really in the mood for some hardcore drinks. Ngayon lang ata ako iinom na uuwing hindi basag.

'So unlikely you, Magsaysay,'

"Tsk, that's it? Wow, poor girl. Falling for a jerk like you," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Eh ano naman kung 'di ko siya type? Walang mali sakin, it's just that I'm not one of those people who roots for serious relationships. Nakakasuka ang ganon, nothing special, at hindi ka malayang gawin ang gusto mo. Limited ka na. I prefer to be limitless, that's just who I am. Hindi ba't ganon naman talaga madalas ang mga kalalakihan?

"Ganto na lang, man. 'Di ba irereject mo? Pormahan ko na lang! Malay mo ako pala hanap? Mas pogi at mas boyfriend material kesa sa'yo," Lokong tawa nitong si Cecilio. Agad naman siya hinampas ni Bethany sa braso at tinignan ng masama.

'Sira ulo,' I would burst out laughing at what he just said pero wala lang talaga ako sa mood.

"Adik ka? Your ideas are all full of shit. No wonder lagi kang nasasampal ng mga nagiging babae mo!" Pagtataray ni Bethany sa kanya. Totoo naman kase, tuwing may babae itong si Cecilio, lagi siyang nahuhuling may iba pang nilalandi kaya ayun. Immune na ata ang loko sa pain. Masochistic bastard.

"Tch.... Mama mo adik," Bulong ni Cecilio. I looked at them both in disbelief. Kakaiba mag bangayan pero ito pa rin sila, friends as always. Inabutan lang ako ni Dex ng isa pang bote ng beer. Agad ko inubos yon at tumawag ng waiter to order another bucket of beer and two more pitcher of cocktails.

"Hoy Ashton," Napatingin ako kay Dex ng bumulong ito sakin. Agad rin akong tumingin sa direksyon na sinasabi niya at doon ko nakita ang babaeng iniiwasan ko. I blinked twice to see if I'm dreaming or something just got my eyes.

'Was it the beer? No, it can't be. Sinong tanga ang malalasing agad sa kapirasong bote ng beer?' Akala ko yung ilaw lang iyon o 'di kaya ay nagiging paranoid lang ako. Pero hindi pala ako nagkakamali. It's her, and she's fucking here, wasted.

"Uy shit! Si baby mo 'yon 'di ba?" Gulat na sigaw at turo ni Cecilio. I glared at him to shut him up.

'Way to state the fucking obvious,' Binaling ko ulit yung tingin ko kay Gwyneth na halatang lasing na lasing na at inaalayan ng isang lalaki. I furrowed my eyebrows and wondered just what in the world is she doing here.

'Anong ginagawa nito dito? Of all places, pati ba naman sa club?' I can never escape this stalking bunny.

"Lapitan mo kaya, Ash? Tanong mo kung kilala nila si Gwyneth. She could be in danger for all we know," Pag-aalalang sabi ni Bethany. Why would she be worried about her?

"Ba't ako?! Ba't hindi ikaw?!" Angal ko. Tinaasan ako ng kilay ni Dex habang sumama ang tingin sakin ni Bethany. Natawa naman si Cecilio. Putcha. I'm being cornered by a bunch of assholes.

"Ikaw lang close non sa'tin. Alangan namang si Cecilio? Gusto mo iuwi niya?" Banta ni Bethany. Seryoso ba siya?

"Ako na naman nakita mo!" Singhal ni Cecilio. Tumawa na lang si Dex saglit bago tumingin muli sakin. Leave it to Dex na magaling mang konsensya. An annoyed sigh escaped my lips and finally decided to do what these three wanted me to do.

"I am only doing this because I am not an asshole, okay?!" Singhal ko sa kanila habang tumatayo mula sa kinauupuan ko. I heard Cecilio cheering like a goddamn madman.

'Kaya nga kami andito para takasan 'tong babaeng 'to pero pati ba naman dito, makikita ko siya. Whatever,' Mag-tatanong lang ako and just make sure she's safe. Yeah, that's it. Hindi naman ako masamang tao para hindi siya pansinin sa gitna ng panganib. Konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa kanya. Lumapit ako sa kanila at kinalabit sa balikat ang nakaalalay kay Gwyneth.

"Excuse me, saan niyo siya dadalhin?" Tanong ko, making sure my expression won't give away that I'm worried about this girl. Worried lang ako dahil nakita ko siya sa ganitong kalagayan at pag may nangyaring masama, ako pa masisi. Nag-tinginan sila at bumulong ang isa sa lalaking nakaakbay kay Gwyneth.

'If these two are perverts, I won't hesitate to punch them dead,' I prepared myself just in case the situation got out of hand.

"Kilala mo po ba siya?" Tanong nung lalaking na naka itim. I only nodded.

'Well, basically, I do know her. Sort of,' I observed these two. Mukha naman matino but you never know. Kahit na nakaporma at mukhang matino pero kung utak manyak, looks won't really matter. Kaya nga si Cecilio mukha na ngang babaero, may pagkamanyak pa.

"Iniwan kase siya nung mga tropa niya sa table namin. Isa lang sa tropa niya kakilala namin. Eh kanina pa siya lasing. Papauwiin na sana namin kaso 'di namin alam kung saan siya iuuwi," Sagot nung nakaakbay kay Gwyneth habang mukhang hirap na hirap sa pag aalalay dito. Seryoso ba 'to? I inhaled sharply bago binaling ang tingin ko sa natutulog na Gwyneth. Nakapantalon siyang itim at nakasweatshirt. Yung totoo, bar ba ang pinunta nito dito o sleepover?

'This annoying bunny is full of surprises,'

"For all I know, baka iuwi niyo lang siya to do something-" Sinimula ko pero naputol iyon ng nag-panic ang isa. Tinitigan ko lang ang dalawa, with a hard look on my face. Bigla namang namula ang isa na kinagulat ko. May halong takot ang mga mata nila, kaya parang gusto kong matawa.

"Oh! No! No! No! No! You got it all wrong! We're not into girls.... Boyfriend ko siya..." Explain nung isa, awkward pa siya sa lagay na yon. Nanlaki naman ang mata.

'Okay? Holy shit, just what now?' Pakiramdam ko ay lumagapak hanggang sahig ang panga ko pero I composed myself, trying not to embarrass myself in front of this two... lovers. It's not like I have anything against their gender identities. Hipokrito na lang siguro ako kung sasamain ko pa rin ang ideya ng same sex relationships when in fact my major tries to understand them.

"Ikaw, dude. Since sabi mo kilala mo naman siya, baka naman pwedeng ikaw na mag-hatid?" Suggest nung nakaakbay kay Gwyneth na para bang nag mamakaawa.

'Ako? Hindi kami close! Kilala ko lang siya!' I'm not close enough to this bunny to even be friends with her. I felt a frown make it's way onto my face. Pero bago pa ako makapagprotest, isinandal na nila sakin si Gwyneth na siya namang dumilat at sumimangot. Napasimangot na rin ako.

'Ano problema nito at ganyan makatingin?' Hindi ba't may gusto sa'kin 'to? Nalasing lang, kung makatingin akala mo sinuntok ko.

"Oh no. No. No. Actually, we're not that close. To be honest. Kilala ko lang siya and I thought you guys were going to do something with her kaya ako lumapit," Pag-papaliwanag ko.

'Hindi rin mabigat 'tong babaeng 'to eh no,' Sandal na sandal na sa bisig ko si Gwyneth na mukhang natulog ulit. Nakataklob sa mukha niya ang buhok niya but I didn't bothered fixing it for her. Binulungan nung naka itim ang isa na tumango naman. I couldn't here their conversation proper dahil na rin sa lakas ng music at cheers.

'Ano na naman?' Don't tell me iiwanan nila sa'kin 'to. Baka mahampas ko sila ng upuan kaya ayusin nila desisyon nila. I've had enough of this stalking shit for today, gusto ko na ng pahinga.

"Ganto na lang, we'll try na hanapin yung tropa niya. But for the mean time, iwan muna namin sa'yo," They tried negotiating.

'No way. Sinong tanga papayag niyan?' Kumunot ang noo ko.

"Pre---" Pero bago pa ako umangal, umalis na sila at hinanap nga ang kasama ng babaeng 'to. I lost sight of them over the crowded place.

'What do I do now? ' Iniwan na 'to ng mga kasama niya tas pinapaalaga pa sa'kin. Hindi naman ako informed na may babysitting services pala ang club na 'to.

'Badtrip,' Napatingin ako sa babaeng akay akay ko. Nakita ko ang pag mulat ng mga mata niya ng bahagya bago siya dumikit pa lalo sa'kin at bumulong.

"Ashton..... Pakyu..." Bulong nitong lasing na Gwyneth. Napakunot ako ng noo at inalalayan na lang ang gumegewang na babaeng 'to. An annoyed sigh escaped my lips. I had no other choice but to keep this girl with me.

'Ano na naman ba ang pinasok mo Ashton?'



A/N:
After years of hiatus, Finally!
Will edit if 'di na tinatamad
Stay tuned, 'wag maging ghost readers and vote.
Muwaps.
Word count: 2,140
Peace Out!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...