Spellcast: Seeking the Adders...

By _gabriyel

92.6K 5.3K 1K

Φ SPELLCAST SERIES BOOK I (COMPLETED) "Believe in the power of magic, because those who do not believe will n... More

SPELLCAST
Prologue
1 | It's Magic
2 | Magia
3 | A New Witch's Preparation
4 | Mageia Academy
5 | Roommates
7 | First Day of School
8 | Combat Class
9 | Potion Synthesis
10 | Weapon Handling
11 | Spell Fight
12 | Zodiacs
13 | Iazo
14 | Caught
15 | Labian Forest
16 | Haven
17 | Tyra
18 | First Encounter
19 | Remodeled
20 | Class I Training
21 | Project
22 | RB: Opening Ceremony
23 | RB: Failed Team Up
24 | RB: Seekers
25| RB: Enhanced Weapons
26 | RB: End
27 | Attack
28 | Discussion
29 | Mission (Beginning)
30 | Search Begins
31 | Piece
32 | Fish
33 | The Bearer of Pisces
34 | In the Forest
35 | Shortened
36 | Tough
37 | Two
38 | Old Fountain
39 | Clue
40 | Coming Back
41 | Sea Mayhem
42 | In Possession
43 | Reverse Synthesis
44 | Another Attack
45 | Healer
46 | Time Leap
47 | Power
48 | Hours in Seconds
49 | Copy
50 | Part
51 | Celestium
52 | Locked
53 | Found
54 | Seal
55 | Gained
56 | Opened
57 | Arrival
58 | Enhanced
59 | Unusual Occurrence
60 | Havoc
61 | Igneous Rocks and Lava
62 | Unseal
63 | Regions
64 | New Incident
65 | Wounds and Vials
66 | Fawns at Work
67 | Cleared
68 | Patrol
69 | Flag Folding Ceremony
70 | The Sorceress
71 | Assignment
72 | Preparation
73 | Seal Breaking
74 | Dawn of War
75 | Portals
76 | Struck
77 | New Enemies
78 | Bloom of Light
79 | Fueled Fight
80 | Bitter
81 | Clash
82 | Genesis
Epilogue
Book Note

6 | Class I

1.7K 90 29
By _gabriyel

ALEISHA JEAN

• • Φ • •

'AJ, wake up,' narinig ko ang boses ni Casey sa isip ko.

'Inaantok pa ako. 'Wag mo muna akong bulabugin.'

'Sinusubukan mo ba ako?'

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtulog.

Naimulat ko nang marahas ang mga mata ko at pwersahan akong napabangon nang malunod ako sa hangin.

What a NICE angel she is.

Lumilipad ito nang mabilis papalayo sa akin. May araw ka rin sa'kin.

Bumangon na ako at nakitang nakabusangot rin ang mukha ng roommates ko. Pangit rin ata ang gising ng dalawa.

Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang uniform at towel. I'm gonna take a bath first.

Today is the first day of the school year here in Mageia Academy.

Ang una sa schedule namin ngayong araw ay ang flag raising ceremony sa Cyriis Castle. Magtitipon lahat ng mag-aaral sa lugar na iyon upang itaas ang flag ng apat na levels sa academy—Freshmen or Novices, Sophomores, Underclassmen, and Upperclassmen.

Matapos kong maligo ay isinuot ko ang uniform ko. I'm wearing a white long-sleeved polo tucked in a plain black skirt. Itinali ko nang maayos ang itim at gintong ribbon sa ilalim ng kuwelyo ng polo. I just let my hair flow smoothly like the water in streams.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko sila na nakabihis na rin at kumakain ng almusal. Nasa likod nina Carley at Xandria ang kanilang fawn na inaayos ang kanilang buhok.

"You look gorgeous. Ang ganda mo," puri ni Xandria na tumigil sa paghigop ng gatas. Nakapasak na naman sa tainga niya ang earphones. She's humming again.

"Yeah. You'll be a head turner for sure," napairap ako dahil sa sinabi ni Carley.

"Nahiya naman ako sa inyong dalawa ano? Alam kong maganda ako, kasi mabait ako. Pero ekis tayo sa mukha," tanggi ko at ipinagkrus ang dalawang braso.

"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? You're freaking beautiful," bulalas ni Xandria.

"Whatever. Kumain nalang tayo."

Tumingin ako kay Casey at tsaka ngumiti nang makita ang isang cup ng kape sa tabi ng plato ko. Marunong naman palang bumawi.

"The ceremony will start after thirty minutes," sabay-sabay na sabi ng mga anghel na kasama namin.

Matapos kong kumain ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Isinuot ko na rin isang kulay itim na cloak at ikinabit dito ang golden plate.

I'm all set.

Lumabas na kami ng kwarto at sabay-sabay naming nilisan ang dorm.

Habang naglalakad,  ipinakuha ko kay Casey ang schedule card ko.

S C H E D U L E :

FOR MONDAYS, WEDNESDAYS,  AND FRIDAYS.

History || Evelyn Frost || 9:00 am - 10:45 am

Spellcasting || Iris Cullen || 11:00 am - 12:45 pm

Lunch || 12:45 pm -3:00 pm

Potions || Dylan Young || 3:00 pm -4:10 pm

Combat || Ralph Cadwell || 4:25 pm -6:00 pm

Tiningnan ko ang likod na bahagi nito at nakita ang schedule namin para sa mga natitirang araw.

S C H E D U L E :

FOR TUESDAYS AND THURSDAYS.

General Mathematics || Evelyn Frost || 9:00 am - 10:45 am

General Biology || Iris Cullen || 11:00 am - 12:45 pm

Lunch || 12:45 pm -3:00 pm

English || Dylan Young || 3:00 pm -4:10 pm

Physical Education || Ralph Cadwell || 4:25 pm -6:00 pm

These subjects are needed dahil hindi lamang naman kami mabububay sa mga bagay na konektado sa magic. We will also live like a normal person after we graduate. It is good to have basic knowledge about these subjects.

Habang naglalakad,  maraming tao ang tumitingin sa amin, dahil siguro sa fawns namin. Kakaiba kasi talaga ang fawns namin kung ikukumpara sa kanila. They have fairies, we have angels.

'You're wrong. They might be wondering why your ribbons are gold and black. Hindi nila kami nakikita.' Narinig ko na naman ang boses ni Casey sa isipan ko.

Oo nga ano. Other students are wearing either black, red, yellow, or orange ribbons.

'Why?'

'We cannot be seen by the naked eye of normal magic folks.'

'Bakit?  Hindi ba kami normal?'

'You're different.'

Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagmasdan ang paligid ko. Jusme...siksikan. Dinaig pa ang sardinas.

Nagpapaunahan ang ibang estudyante at nagtutulakan kaya't nagiging magulo ang daanan.

"Students! Please walk slowly and silently to avoid further injuries and commotion!" sigaw ng isang lalaking nakatapat ang wand sa leeg. Is he doing that to amplify his voice?

Umayos ang daanan at tumahimik ang mga estudyanteng kani-kanina lamang ay nagkakagulo.

Naging maayos ang pagpunta namin sa Cyriis Castle dahil nagkaroon na ng mga student officers na nag-aasikaso at nagpapanatili ng kaayusan. They were intimidating and you'll absolutely feel their authority. 

The red ribbon on their uniforms is a sign that they are part of the upperclassmen, seniors.

Nang makapasok na ang lahat sa Cyriis, nahati ang mga estudyante sa apat na linya.  Nakahanay kami base sa year level namin.

Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang ilang guro roon. Lahat sila ay nakasuot ng dark green cloak at nakadikit dito ang gintong logo ng academy. Isa lamang sa kanila ang naiiba ang kulay ng suot na cloak. I think he's the headmaster of the school,  Headmaster Pendleton.

He is wearing a crimson-colored cloak with white and gold patterns. Kahit medyo malayo siya ay nakikita ko pa rin ang itsura niya. He looks like a 40-year old man. Napakakisig ng tindig nito at makikita mo kung gaano siya kagwapo noong kabataan niya. 

Hinawakan niya ang kanyang leeg at tila may binibigkas itong spell.

"Good morning, students!" Kahit wala siyang hawak na mic ay rinig sa buong lugar ang boses niya.

"Good morning,  Headmaster!" sabay-sabay na bati ng mga estudyante.

"Today,  a new school year at Mageia Academy will begin. New stories will be created, many lives would be changed..." tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa linya ng seniors.

"Seniors, I would like all of you to show your love and hospitality towards our novices. I know you're all aware of what duties and responsibilities you have.  Sophomores and underclassmen, focus on your studies and apply what the teachers has taught you. Continue striving to be better spellcasters."

Napatingin ako kay Casey na pumunta sa harapan ko. 'We're going back. Mag-aayos kami ng dorm.'

Tinanguan ko na lamang ito at ibinalik ang tingin sa unahan.

"As for our freshmen, I only have one message for you: Believe in the power of magic, because those who do not believe will never see how beautiful the world with magic is," sabi niya at tsaka ngumiti.

"As you all have noticed, the first class is now open," masayang banggit ng headmaster na naging sanhi ng ingay sa buong kastilyo.

"Silence!"

"I want you all to meet the first 8 students of Class One!" Sa isang kisap ng mata, wala na ako sa linya.

Natagpuan ko na lamang ang sarili na kasama ng iba pang mga estudyante na mayroon ding kulay ginto at itim na ribbon. Naririto na kami sa unahan, kasama ang mga guro ng academy. Carley, Ashlyn, Obelus, and Oberon are also here.

Napuno ng hiyawan at ng mga palakpak ang paligid. Gusto ko na lamang tumiklop at kainin ng lupa dahil sa hiya. Sino ba namang hindi mahihiya e lahat ng kasama ko sa linya ay magaganda at gwapo? I'm feeling out.

'Child, your beauty stands out among anyone,' litanya ng isang hindi kilalang boses sa isipan ko. Her voice is full of authority but it is soothing. Who is she?

"I hope that this new generation will make a good turn of event in the history of magic world. Work hard, strive, and work together.  I know that you will all succeed. The future of the White division is all in your hands," ito ang huling binigkas ng Headmaster bago siya nawala sa aming paningin.

Isang teacher ang pumunta sa harapan at ginaya ang ginawa ng headmaster kanina.

"In the warm breeze of the sky, the four symbols of Mageia shall fly," bigkas ng guro.

Ang flag ng bawat year level na hawak ng seniors ay isa-isang lumipad papalabas ng castle.

The walls and the ceiling of castle vanished from our sight. Ngayon ay kitang-kita namin kung paanong lumipad ang apat na flags papunta sa asul na kalangitan.

Napakagandang pagmasdan ng flags habang nililipad ito ng hangin. Nakaayos ang mga ito na tila ba'y nakakonekta ito sa isang invisible pole.

"These flags represent our school and our school's dignity. They will be raised until the end of the school year. Students, I wish you all a good luck! Proceed to you classrooms, immediately."

Pinangunahan ng head students ang lahat ng year levels pabalik sa Meirin.

Mabuti na lamang at nasa second floor lang ang classroom namin for history. Hindi na kami masyadong mahihirapan pang umakyat.

Tumigil kami nina Carley sa harap ng isang pinto na may nakalagay na "Class I".

"I guess we're here," sabi ni Xandria at tsaka pinihit ang doorknob.

Bumungad sa amin ang limang tao. Si Obelus, Oberon, ang epal na mayabang, at ang dalawa pang hindi ko kilalang lalaki.

Inirapan ko ang mayabang na lalaki nang magtama ang paningin namin.

Mayroong labindalawang upuan sa loob ng silid ngunit walo lamang ang napunan.

So they're expecting twelve students here in Class I? Kung sabagay, mayroong labindalawang zodiac symbols...kung konektado nga ito sa amin. Pero kung ganoon, maaaring kulang ng isa ang upuang naririto dahil kambal ang may hawak ng gemini symbol.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Good morning, class I!" so she is Ms. Evelyn Frost, our history teacher.

"Good morning, Ms. Evelyn!" bati namin pabalik.

She looks young—probably above 30 years old. Sa tabi niya ay kasama niya ang isang fawn na nakasalamin.

"I'm Evelyn Frost and I will be your history teacher for this school year. Cooperate...and you will learn the history of the magic world easily," sabi pa niya at ngumiti.

"First, let me know everyone of you. Let's start with you." Itinuro niya si Obelus na nasa likuran.

"Wait. Before we start, is it true that every student here in this class has those zodiac symbols?" tanong niya na tinanguan naming lahat.

"Great. Continue.

"Obelus Finnian, Gemini."

"Oberon Finnian, Gemini."

"Carley Anthea Dillon, Taurus."

"Ashlyn Xandria Walker, Pisces."

Tumayo ang mayabang na lalaki na kasunod ni Xandria. "Skyler Blackwood, Aries."

"Ridge Ethan Carter here, Cancer," sabi ng isang morenong lalaki. Maganda ang pangangatawan nito at halatang nabuhay sa pag-eensayo. His eyes are hazelnut brown in color katulad ng kulay ng kanyang buhok.

"Elthon Roswell, Virgo,"malamig na sabi ng lalaking katabi ko.

"I'm Aleisha Jean Amherst, Scorpio," sabi ko at tsaka nginitian silang lahat bukod sa mayabang na lalaking iyon.

"The magic world consists of two divisions namely, aspro and mavros. The White division, Aspro, are those spellcasters who use white magic. The other division, on the other hand, are full of magic folks who use black magic," panimula ni Ma'am Evelyn. 

Isinusulat ko ang lahat ng mga importanteng sinasabi niya.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang alitan sa pagitan ng dalawang division at ngayon, tila nagbabadya muli ang isang digmaan," dagdag pa ng aming guro.

Dahil sa sinabi niya, lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Akala ko ba ay mag-aaral lang? Bakit may digmaan?

"In the past, four wars between the two divisions have happened already⁠—"

Napahawak sa isang tainga niya si Ms. Evelyn at napapikit.

"Class dismissed. All history teachers are being summoned by the headmaster. Prepare for your next class. Nice meeting you," nagmamadaling saad ni Ma'am bago lumabas ng classroom.

Halatang nabitin si Ms. Evelyn sa pagtuturo dahil halata ang inis sa kanyang mukha. Kahit ako naman ay nabitin. Ang interesting pa man din ng lesson.

Ang wrong timing naman ni Headmaster. 

• • Φ • •

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 1.3K 36
An idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe f...
53.2K 1.6K 62
[UNEDITED] Ichor is a golden fluid that runs through the veins of Gods and Immortals. A girl named Amarah who is an mortal on the outside but immorta...
196K 8.8K 59
♛ HEIRS OF THE REALMS BOOK I (COMPLETED) After a car accident, Ysabelle found herself inside an unfamiliar room in another world and in someone's bod...
38.9K 2.2K 46
When the rest of the world is asleep, the people living in Alargion are screaming. After the disappearance of a primordial god and their guardian na...