MUERTOS (ON HOLD)

Oleh Psychotaneous

597 7 1

Ang isang masayang piging na napupuno ng tawanan ay mapapalitan ng pagdanak ng dugo sa pagsalakay ng nga nila... Lebih Banyak

Kabanata 1

83 7 1
Oleh Psychotaneous



KALMADONG nakaupo si Mauriz habang binabasa ang papeles sa kaniyang harapan. Marami pang ibang papeles ang nakalagay sa kaniyang lamesa na kailangan niyang matapos basahin at pag-aralan sa lalong madaling panahon. Nahinto lamang sa ginagawa si Mauriz nang marinig niya ang katok mula sa malaking pinto ng kaniyang opisina.

"Maari kang pumasok" aniya kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang isang guardia na suot ang kaniyang uniprome. Nagmartsa ito papunta sa kaniya at nagbigay galang.

"Magandang hapon Heneral Mauriz. Ipinaaabot ni Señor Gino Rivera ang liham na ito" magalang na sabi ng guardia. Si Gino ay pinsan ni Mauriz sa ina. Ang kaniyang ina at ang ama ni Gino ay magkapatid.

Tumango lamang si Mauriz at kinuha ang liham na hawak nito.

"Salamat," sabi lamang niya. Nagbigay galang muli ang guardia bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina. Napasandal na lamang si Mauriz habang dahan dahan na binubuksan ang lalagyan ng liham.

-

Magandang araw General Mauriz. Siguradong batid mo na ang pagbabalik ng iyong paboritong pinsan. Aasahan ko ang iyong pagdating sa magarbong salosalo sa aming tahanan.

Lubos na nagmamahal,

Gino

-

Hindi totoong si Gino ang nagpadala ng liham sakanya. Si Helen ang nagpadala no'n na pinsan ni Gino sa ina at matagal na itong may pagtingin kay Mauriz. Napangiti at napailing na lamang si Mauriz nang mabasa ang nakasulat dito.

Batid niyang hindi 'yon galing sa kaniyang pinsan dahil bukod sa hindi kailanman ito susulat ng ganiyang klaseng liham sa kanya, ilang beses na rin itong ginawa ni Helen. Mukhang ginamit na naman si Gino ng nahihiyang si Helen. Siguradong maiinis si Gino. Tinupi niya muli ang liham at itinago sa lalagyan ng mesa bago ipinagpatuloy ang kaniyang pagbabasa ng papeles.





KAKARATING pa lamang ni Inigo sa kanilang mansyon ngunit agad siyang pumuslit muli palabas nang malamang may makakasama sila sa tanghalian. Nangangamba siyang may kasamang dalaga ang kanilang bisita at wala sa oras pa siyang matali sa isang kasunduan.

"Roel!" Tawag niya sa kanilang kutserong kasing edad lamang niya nang makatakas siya.

"Señor Inigo" sagot ni Roel. Kasalukuyan nitong pinaiinom ang kabayo.

"Tapos na bang uminom si Gorio?" Ani Inigo. Tumango si Roel.

"Mabuti, humayo na tayo kailangan kong tumakas!" nagulat si Roel ngunit agad rin itong bumawi.

"Ano ang iyong tatakasan?" Nagtatakang tanong niya.

"Si ama at ina, ang aming mga bisita!Nangangamba akong may kasama silang dalaga" Natawa si Roel.

"Bakit, hindi ba't mahilig ka naman sa binibini?"

"Hindi gano'n 'yon, nangangamba akong matali sa kasunduan, sayang ang aking kagwapuhan kung isa lamang ang makikinabang. Tayo na't maghanap ng magandang dilag" sabi pa niya.

Napatango na lamang si Roel at sinunod ang nais ng kaniyang amo. Kahit kailan talaga'y napakahilig nito sa babae ngunit takot namang matali sa mga ito.

"Paalam binibini, kailangan ko nang umalis" paalam ni Inigo sa magandang babaeng kausap. Mayuming ngumiti ang babae sa kaniya at napatango.

"Paalam Señor, hihintayin ko ang iyong pagbabalik" sabi ng dalaga habang kumakaway sa kaniya.

Ngumiti lamang si Inigo bago bumalik sa kalesa. Naabutan niya si Roel na umiinom ng buko. Si Roel ang lagi niyang sinasama sa tuwing nambababae siya at lagi niya itong binibigyan ng salapi upang may mabili ito habang naghihintay.

Hindi kasi ito mahilig makipaglaro na mga binibini katulad niya, kaya lagi lamang itong naghihintay sa kalesa.

Noong minsan nga na nagtungo siya sa bahay aliwan ay hindi rin ito sumama sa kaniya sa loob. Agad din namang lumabas doon si Inigo dahil mas tipo niya ang mahihinhing babae.

"Nagugutom ako, mayroon ka bang alam na masarap na kainan dito?" ngiti ni Inigo. Tumango si Roel.

"Oo Señor, isang kainan na intsik ang may ari.." sagot ni Roel. Napatango lang si Inigo bago muling nagtanong.

"May magandang binibini ba roon?" biro niya ngunit hindi niya inakalang aayon dito ang sagot ni Roel sa kaniya.

"Mayroong pamangkin si Xiang ngunit tingin ko'y hindi mo siya tipo Señor" nakangiwing sabi nito.

"Bakit naman?"nagtatakang tanong ni Inigo. Saglit lang siyang sinulyapan ni Roel na pinapaandar na ngayon ang kalesa.

"Iyo ring malalaman, Señor" naka-
ngising sabi nito dahilan upang mapangiti siya. Mukhang magugustuhan niya ang binibining 'yon.

***

"Kayo bili na amin masarap putahe, kayo hindi magsasawa!" sabi ng lalaking intsik sa mga taong pumapasok sa maliit nitong kainan.

Samantala, nakatayo lang si Felicidad sa kusina habang hinahalo nang mabuti ang sinabawang isda.

"Maganda tanghali! Ano inyo gusto kainin? Masarap amin putahe rito!Kayo hindi magsasawa!" rinig ulit niyang sabi ng kaniyang Tiyo Xiang sa dalawang lalaking kakarating pa lamang. Asawa ito ng kaniyang Tiya Glenda.

Ang kaniyang Tiya Glenda talaga ang kaniyang kadugo may lahi rin silang Intsik ngunit ngunit ang napangasawa nitong si Xiang ay purong intsik na sa tsina lumaki kaya naman baluktot ang pagtatagalog nito.

Mayamaya pa ay lumapit na sa kaniya ang kaniyang Tiyo kaya naghanda na siya dahil siguradong ipahahanda na nito ang gustong kainin ng dalawang lalaki kanina.

"Felicidad, ikaw handa dalawa pansit at kanin para sa dalawa lalaki roon" ani Xiang. Tumango lang si Felicidad at hinanda na ang pancit.

Nang palapit siya sa dalawang lalaki ay doon lang niya napansin ang kabuuan nila. Ang isang lalaki ay kilala na niya—si Roel iyon na madalas kumain sa kanilang kaninan.

Nangunot ang noo niya nang makita ang itsura ng isang lalaki. Sa itsura pa lang at pananamit halatang hindi ito nabibilang sa mababang antas tulad nila. Anong ginagawa ng isang señor sa ganitong kaninan?

Hindi na lamang iyon inisip ni Felicidad at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Siya ba ang babaeng iyong tinutukoy?" bulong ni Inigo kay Roel habang nakatingin sa dalagang parating. Tumango si Roel sa kaniya kahit hindi naman niya nakikita dahil kay Felicidad lamang siya nakatingin.

"Siya nga.." sagot ni Roel. Napatango at napangiti lamang si Inigo.

"Kay ganda nga" aniya. Napailing lamang si Roel habang nakatingin sa kaniya na mukhang hibang na nakatingin lang sa babae. Siguradong maiinis sa kaniya si Felicidad.

"Siya ang pamangkin ni Xiang na nakausap natin kanina. Ang pangalan niya ay—"

"Huwag mong sabihin! Ako ang magtatanong sa kaniya!" pagpuputol ni Inigo na ngayon ay nakangisi at kumpyansang makukuha niya ang loob ni Felicidad.

Napailing na lamang muli si Roel, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang napailing dahil batid na niya kung ano ang sunod na mangyayari sa Señor.

Mas lalong nangunot ang noo ni Felicidad nang makitang nakatitig ang lalaki sa kaniya. May ibinubulong pa ito kay Roel na nakasuot ng kamisong asul. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng inis. Pakiramdam niya'y siya ang pinaguusapan ng mga ito.

Inilapag na lamang niya ang mga hawak sa mesa ng dalawa nang marating niya ito bago pilit na ngumiti sa dalawa. Kailangan niyang magmukhamg mabait at gumalang sa mga ito kahit naiinis siya. Nakatingin pa rin ang isang lalaki sa kanya habang wala sa sariling nakangiti. Hindi nakakatuwa ang mga ngiti nito.

"Nawa'y masiyahan kayo sa aming mga putahe" pilit ngiti niyang sabi. Akma na sana siyang tatalikod nang muling magsalita si Inigo.

"Ano ang iyong pangalan magandang binibini?" Diretsahang tanong nito dahilan upang kunot noo niya itong tignan. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Hindi na rin niya kayang magbait-baitan pa sa harap nito.

"Bakit niyo naisipang magtungo rito mga ginoo?" sabi niya bago mayuming ngumiti sa dalawa. Domoble ang ngiti ni Inigo dahil mukhang nakuha niya ang loob nito at nagagawa nang ngumiti ng kay ganda sa kanya.

Si Roel naman sa kabilang banda ay napapabuntong hininga na lamang. Inakbayan ni Inigo si Roel bago sumagot sa dalaga.

"Nagutom ako sa kalagitnaan ng pamamasyal kanina kaya naman tinanong ko itong si Roel kung saan ang pinakamasarap na kainan rito, mukhang hindi ako mabibigo" ngisi nito ngunit biglang nawala ang mga ngisi niya nang mawala ang magandang ngiti ni Felicidad at napalitan iyon ng simangot habang nakataas ang isang kilay.

"Kung ganon, pagkain ho namin ang iyong atupagin Señor. Huwag ako at kung hindi niyo mamasamain kailangan ko ng bumalik sa aking gawain" ani Felicidad sabay talikod. Nang makatalikod siya ay agad siyang umirap.

Si Inigo naman ay gulat lang na nakatingin sa likod ng dalaga na naglalakad na palayo. Dahan dahan siyang napalunok at napatingin na lamang sa katabi.

"Sinabi ko na sa iyo Señor. Hindi siya ang iyong tipo.." tawa ni Roel bago dinampot ang kutsara sa kaniyang pinggan.

Kukuha na sana siya ng kanin ngunit napahinto siya nang biglang magsalita si Inigo. Bahagya siyang nagulat nang makita niyang parang hibang na muli itong nakangisi na parang hindi nagulat sa mga nakita kanina.

"Gusto ko siya, siya na ang bago kong tipo ngayon..." sabi nito dahilan upang mapangiwi si Roel. Hindi niya inaasahang magbabago ang tipo ng amo niya matapos makita ang babaeng ngayon pa lamang nito nakita.





ALAS-DIYES nang gabi. Tahimik na naglalakad si Felicidad sa gubat patungo sa tahanan ng kanilang kasapi sa grupo. May gaganaping pagpupulong sila ngayon kasama ang samahan para susunod nilang magiging hakbang laban sa gobyerno.

"Hindi mo ba naisip na maaring mapahamak ang samahan sa iyong plano? Iminumungkahi kong manahimik nalang muna tayo, mas mabuti iyon ngayong mainit pa ang mga mata nila sa atin!" sagot ni Pening kay Berto na sinabing lumusob na agad dapat sa susunod na araw.

Napatango Felicidad at sumangayon kay Pening. Masyado pa ngang delikado para sa samahan ang iminumungkahi ni Berto.

"Sang ayon ako kay Pening. Maganda ang plano ni Berto kung paano tayo lulusob ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Masyado pang delikado at baka malagasan pa tayo ng miyembro. Maari nating gamitin ang naisip na plano ni Berto sa oras na makahanap na tayo ng tamang tiyempo." saad ni Eduardo.

Napatango ang lahat—maging si Berto at Pening na nakuha ang punto. Napangiti na lamang si Felicidad. Si Eduardo talaga ang tagabalanse ng bagay bagay sa kanilang samahan.

Nang matapos ang pagpupulong ay nagpasya na ang lahat na umuwi.

"Felicidad!" napalingon kaagad si Felicidad sa kaibigan na ngayon ay naglalakad palapit sa kaniya.

"Oh? Edong?" Huminto siya at hinintay itong makalapit.

"Ihahatid na kita.." ani Eduardo. Tumango lamang si Felicidad at pumayag dahil parehong daan lang naman ang kanilang mga bahay.

"Kamusta ka naman? Hindi tayo masyadong nagkikita," panimula ni Eduardo.

Napatango si Felicidad. Hindi na nga sila masyadong nagkikita dahil may kani-kaniya rin silang ginagawa bukod sa hakbang ng samahan.

"Ayos lang naman, nagtatrabaho habang nagmamasid sa paligid para sa bagong impormasyong makakatulong sa atin" sagot ni Felicidad.

Napapikit na lamang siya nang muling maalala ang punot dulong dahilan kung paano siya napasama sa samahan. Ang walang linaw na pagkawala na lamang ng kaniyang mga magulang.

"Paumanhin...naipaalala ko pa sa'yo" ani Eduardo na nabasa ang iniisip ng kasama. Napatingin si Felicidad kay Eduardo. Ngumiti siya at umiling.

"Ayos lang, iyon nga ang nais ko nang sa gano'n ay hindi ko malimutan ang aking layunin.." sabi ng dalaga na puno ng hinanakit.

Noong mga oras na sumisigaw sila ng tulong upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga magulang ay walang nakinig sa kanila. Tila ba kailanman ay hindi nabuhay sa mundong ito ang kaniyang mga magulang. Nawala nang parang bula at walang may pakialam—bagay na ipinagtataka niya.

Nagpaalam na sila sa isat-isa nang marating nila ang tinutuluyan ni Felicidad. Agad na pumasok ang dalaga sa kaniyang silid at ibinagsak ang sarili sa higaan. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at hinayaan ang sariling malunod sa antok.

Sabay sabay na nagmartsa ang nga guardia sa labas ng tanggapan nang lumabas si Heneral Prudencio. Malinis na naglinya nang magkaharap ang may bilang trentang mga guardia. Tig labing-dalawa sa kanan at kaliwa. Sa ginta dumaan ang heneral bago hinarap ang bisitang hinihintay.

"Magandang araw Heneral Prudencio. Ikinagagalak kong makita ka" sabi ng lalaki.

Tumango lamang si Prudencio sa lalaki. May mga kasama itong tatlong iba pang lalaki na nakatayo sa kaniyang likuran dala ang kanilang itim na maletin.

"Dala niyo ba ang bagay na iyon?" sabi ng Heneral dahilan upang mapangisi ang lalaki.

"Siyempre," sabi ng lalaki bago tinapik ang hawak na maletin. "Ang bagay na ito ay ilang taong pinag-aralan ng pinaka magagaling na Doktor at siyentista sa Vigor"sabi nito.Ang bansang Vigor ang bansang pinakakilala sa larangan ng agham.Halos lahat ng bagong gamot,teknolihiya at iba pa ay sakanila nagmula.

"Sa oras na mainom ng isang tao ang bagay na ito—magkakaroon ang taong 'yon ng walang hanggang buhay. Magiging immortal at hihigit sa lahat." dagdag nito dahilan upang gulat na mapatingin sa kanila ang mga guardiang nakahilera. Gulat rin ang Heneral sa sinabi niito—batid niyang mahalaga ang bagay na dala ng mga ito ngunit hindi niya inakalang ganito.

Bagay na magbibigay ng walang hanggang buhay.

Immortal na buhay na siguradong sasambahin ng lahat.

Iwinaksi ng Heneral ang nasa kaniyang isipan bago muling tinignan ang lalaki diretso sa mga mata.

"Paano ko malalaman na hindi mo kami nililinlang lamang? Maaring lason ang tunay na laman ng mga 'yan. Paano mo mapapatunayan ang mga salitang iyon binitawan?" Nangha-
hamong sabi nito at hindi pinahalata ang pagkamangha sa sinabi ng lalaki kanina. Ngumisi ang lalaki at dahan-dahang tumango.

"Siyempre, ngunit kailangan ko ng taong handang magpatunay nito" sabi ng lalaki.

Tumango ang heneral bago inutusan ang dalawa sa mga guardiang nakahilera upang kumuha ng isang bilanggo. Ilang sandali pa ay may dala nang lalaking bilanggo ang dalawa na agad nilang pinadapa sa lupa.

Itinuro ng Heneral ang kapay sa nakadapang bilanggo bago nagsalita.

"Heto na ang iyong sangkap. Ano pa ang iyong hinihintay? Patunayan mo ang kayang gawin ng inyong imbensyon" nakangising sabi nito.

Tumango lang ang lalaki na hindi rin nagpatinag sa mga ngisi nito. Sinenyasan niya ang mga kasamang lalaki at inilabas nito ang maliit na babasaging bote mula sa maletin. Kulay berde ang laman nito ma sapilitan pinainom nila sa lalaki. Pilit itong nagpumiglas ngunit wala itong nagawa sa lakas ng dalawang guwardiang nakahawak sa kaniya.

Nang matapos nilang ipainom iyon sa bilanggo ay muling inutusan ng lalaki ang guardia na hawakan patayo ang bilanggo na ngayon ay nakahiga sa lupa. Parehong tumingin ang dalawang guardia sa kanilang Heneral upang hingin ang permiso nito kung dapat ba nilang sundin ang lalaki. Tumango lang ang Heneral kaya mas lalong hinigpitan ng dalawa ang pagkakahawak sa lalaking bilanggo.

Nanlaki ang mga mata ng ilang gwardia na nakahilera pa rin nang makita ang isa sa mga kasama ng lalaki inaasinta ang katawan ng bilanggo. Walang pagdadalawang isip na ipinutok nito ang kaniyang baril at diretso 'yong tumagos sa puso ng bilanggo. Agad na bumulagta sa lupa ang katawan ng lalaki.

"Ngayon sabay sabay niyong paputukan ng baril ang lalaking 'yan" nakangising sabi ng lalaki. Nagkatinginan ang lahat ng gwardyang nakahilera at napatingin sa Heneral.

"Gawin niyo!" sigaw ni Heneral Prudencio.

"Fuego!" Dagdag pa niya. Sabay sabay na pinaputukan ng mga guardia ang nakabulagtang katawan ng lalaki. Gumagalaw at lumulundag-lundag ang katawan nito sa bawat putok na tumatama sa kaniyang katawan.

Nang matapos ang pagbabaril ay nanatiling nakabulagta ang katawan ng bilanggo sa lupa. Tinignan ng Heneral ang lalaki habang nanunuyang nakangisi.

"Anong nangyari? Bakit nakabulagta at walang buhay ang bilanggong 'yan ngayon?" Aniya. Ngumisi lang ang lalaki at muminuwestra ang kaniyang kamay sa direksyon ng katawan.

Lumapit ang dalawang kasama ng lalaki at sinuri ang katawan. Sumunod ang heneral at laking gulat niya nang makitang humihinga at buhay na buhay ang katawan ng lalaking walang tigil nilang pinapuputukan ng baril kanina.







                       

——————————————————————————————

Psychotaneous.



Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

157K 4.1K 36
Fatima is a young and beautiful Muslim wife, her life gets turnt upside down when her husband gets a second wife.This is due to her not being able to...
17.3K 2.7K 27
جۆنگ کوک:بە نەفرەت بیت وازم لێ بێنە چیت لە من دەوێت تایهیۆنگ:ششـ ئازیزم بۆچی هاوار دەکەی ئارام بە بۆ باروودۆخت خراپە ༄༄༄༄༄༄༄ جۆنگ کوک:تـ تۆ چیت کرد ت...
43.3K 2.9K 26
فَتاه قوية و لكِن القدر أقوى مِنها غدرت مِن اقرب الناس ، تعذبت و ضلمت مِن اشباه الرِجال كانت تحب لكن طعنت فدخل رجال آخر رغما عِنها هل ستقع في الحُب...