Aethergarde Academy

By -chimeraki

15.8K 641 831

Paano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kun... More

Prologue
AETHERGARDE ACADEMY
0. The Unfair, Ordinary World
AUTHOR'S NOTE
I. The Hallmarking Day
II. The Last Foodvendor
III. The Annunciation
IV. Oath-Taking
V. Trip to the Kingdom
VI. The Aethergarde Academy
VIII. Catching The Culprit
IX. Detention Squad
The Survey

VII. The Six Kingdoms

385 22 74
By -chimeraki

R A I G E

"THE LAND OF AETHER was once comprised of six kingdoms, ruled by the six greatest sorcerers who ever lived in history." Supremo tapped his cane on the ground and the six statues of sorcerers came into light.

We are all gathered around the throne hall of the Aethergarde Academy. Sa kasalukuyan ay nakaupo si Supremo sa isang pilak na trono. Katabi niya ay ang dalawa pang mas maliit na mga upuan para sa mga katiwala ng kaharian.

"In the fullness of time, the six kingdoms united as one, and thus were called leagues."

Sa pinakagitna ng sahig ay may nakaukit na imahe. Isa itong shield na nahahati sa anim na simbolo. Aethergarde Academy's coat of arms.

━━━━༺༻━━━━
DRAGONHEART
the Warriors
—vikings and vanguards
━━━━༺༻━━━━
A dragon with a fiery heart,
painted in red and merigold.

━━━━༺༻━━━━
ROYALSPADE
the Cavaliers
—royals and guardians
━━━━༺༻━━━━
A pegasus with a shield,
painted in royal blue and platinum.

━━━━༺༻━━━━
ARVENWING
the Scholars
—clerics and psychics
━━━━༺༻━━━━
A phoenix with an arrowhead,
painted in gold and silver.

━━━━༺༻━━━━
WOLVENCLAIR
the Mages
—witches and wizards
━━━━༺༻━━━━
A wolf with a crescent moon,
painted in midnight purple and white.

━━━━༺༻━━━━
SYRPHENTORE
the Rogues
—shadows and assassins
━━━━༺༻━━━━
A serpent with a dagger,
painted in emerald green and black.

━━━━༺༻━━━━
TERRAGLAVE
the Rangers
—hunters and healers
━━━━༺༻━━━━
A deer with a battle axe,
painted in amber and forest green.

The one that caught my interest was Terraglave, the house of the hunters and healers. I've thought about it, I always wanted to be a healer. Being a hunter is not bad either.

I'm going for Terraglave.

I may not have had a choice in being a surgent or a dormant, but now I have the choice to choose my league.

And I choose Terraglave.

"Squires, you may now ignite the fire pit," utos ni Supremo.

May dumating na dalawang kawal—isang binata at isang dalagang nakasuot ng silver armor.

Naagaw ng pansin ko yung isang binatang squire, parang medyo pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko masyadong maaninag sa layo. Matangkad siya at mukhang cute rin. Hindi ko siya kilala pero mukha siyang serious type.

Yung babaeng squire naman ay matangkad rin, she looks fierce as hell. The way she walks feels like she could either lead a whole army or a runway of supermodels.

Dala nilang dalawa ang mga nag-aapoy na sulo (torches) nang tumungo sila sa harapan. Idinungo nila ang mga sulo sa isang mukhang sinaunang higanteng kaldero — the Enchanted Fire Pit.

Sa paglubog ng sulo ay sumiklab ang apoy sa enchanted fire pit. Kakaiba ang itsura ng liyab nito, nag-iiba-iba ang kulay. May taglay ding pambihirang kintab at animo'y kumikislap ang usok na binibuga nito.

"Dare the fire in your hand and it will lead you the way," ani Supremo.

Ano daw? Dare the fire? In our hands? Nako, don't tell me isasawsaw namin ang kamay namin diyan. Hahaha! Dare the fire in my ass kamo!

Luminga-linga ako sa paligid at pinagmasdan ang mga kapwa kong novices para mag-abang ng susunod na gagawin.

Isa-isa na nilang inaangat ang kanilang mga manggas. They rolled their sleeves up until their right arms were exposed. Maski si Eleanor ay nakalilis na rin ang manggas.

Mukhang hindi sila nagbibiro.

"Eli!" marahas kong bulong. "What are we doing?!"

"Marshalling," tipid niyang sagot. Tinuro niya muli ang fire pit. "We're daring our hands in there."

"Oh nonono- no. Hell no, I'm out." Agad akong tumalikod at umakmang aalis ngunit hinigit ni Eli ang damit ko pabalik.

"You will not cause a scene here, Raige," mariin niyang bulong na parang nanay na nagbabanta na malalagot ako pag-uwi sa bahay.

"I will not put my hand on that fire pit, Eli."

She glared at me.

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi ba kasi pwedeng eenie-meenie-miney-mo na lang? Yung choose your own group ba."

"You're not scared of ghosts yet you're scared of enchanted flames? 'Kala ko ba matapang ka?"

"Matapang ako pero 'di ako siraulo!" Tinuro ko ang higanteng kalderong nag-aapoy, "That fire pit is torture."

Mas pipiliin ko pang ubusin yung matabang na tinola ni Aling Marites.

"Hindi niyo naman sinabi na human barbecue party pala 'to, edi sana nagdala ako ng sticks!"

Napabuntong-hininga na lamang siya. "Just watch."

The first batch of novices bravely stepped in front. Apat silang naglakas-loob na pumalibot sa higanteng kalderong nag-aapoy. Nagtinginan muna sila sa bawat isa habang naghihintay ng hudyat.

Sa isang kisap-mata ay umalingawngaw ang tunog ng isang malaking gong, dulot ng paghampas ng dalawang squires. Kasabay nito ay tuluyan nang idinungo ng apat ang kanilang mga kanang kamay sa apoy.

Hinintay kong mapapitlag sila at mapahiyaw sa sakit, ngunit wala akong narinig. Hindi sila umimik ni katiting habang pinapanood naming lahat kung paano lamunin ng apoy ang mga kamay nila. How in the hell...

Maya-maya pa ay naghiwalay na silang apat, ang isa'y nagtungo sa tapat ng rebulto ng Arvenwing, ang isa nama'y sa Royalspade, at ang dalawa ay sa Wolvenclair.

It was like nothing happened. Their hands were fine. No fourth-degree burns or whatever I imagined.

Nagpalakpakan silang lahat.

"Our turn," bigla akong hinila ni Eli papunta sa harapan nang walang pasintabi.

Kasabay naming nagtungo sa harapan sina Lysander at Sanjiro. So there were four of us around the fire pit: Lysander, Sanjiro, Eli, and me.

Mukhang seryoso si Lysander, mukhang sabik si Jiro, mukhang determinado si Eli, samantalang ako, mukhang natatae.

"So...do we have to wish or...?" tanong ko.

"No. We don't get to choose our leagues. The leagues get to choose us," ani Eli.

"Ready?" tanong ni Lysander at tinignan kami isa-isa.

Lahat kami ay tumango nang sabay-sabay sa pagtunog ng gong, kasabay noon ay ang pagdungo namin ng aming mga kanang kamay sa apoy.

Napasinghap ako.

Kakaiba ang pakiramdam ng apoy. Hindi ito mainit ngunit para itong may taglay na enerhiyang pumapasok sa kamay ko. Nang alisin ko ang kamay ko ay kumapit ang apoy rito.

Pinagmasdan ko ang apoy habang unti-unti itong gumapang paikot at pababa ng braso ko. Tila ba bumaon ito sa pulso ko at dahan-dahang nag-ukit ng isang bilog na sinundan ng isang simbolo.

Apat na maliliit na bato ang biglang lumitaw sa aming harapan, at bawat isang bato ay may natatanging hugis at disenyo. Binuksan namin ang aming mga kamay at unti-unting bumaba ang mga ito sa aming mga palad.

Sa sandaling dumampi sa amin ang mga bato ay tuluyan nang nabuo ang mga simbolo na umuukit sa aming mga braso.

Ibinaba nina Eli, Lysander, at Jiro ang kanilang mga braso upang ipakita sa isa't-isa ang nakaukit sa pulso nila.

Lysander has a pegasus and a shield.

Eli has a phoenix and an arrowhead.

Jiro has a deer and a battle axe.

and I have...

a dragon and a flaming heart.

༻♛༺

Sa kasalukuyan ay nakaupo ako sa lupa, napapalibutan ng bermuda grass habang nakasandal sa isang pillar.

"BUWAKANANG INANG BUHAY 'TO!"

Hindi ko alam kung paano ako napunta rito, basta namalayan ko na lang na nasa quadrangle na ako ng academy.

"Sabi ko ikaw ang gusto ko eh, bakit hindi mo ako pinili?" Hinaplos-haplos ko ang isang maliit na rebulto ng deer, iniisip kung ano na ang kahahantungan ng buhay ko.

"Bakit hinayaan mo akong mapunta sa iba?" Pinanlisikan ko ng mata at dinuro-duro ang walang kamuwang-muwang na estatwa ng maliit na usá.

"You were all I ever wanted and I wasn't even in your choices?!" iyak ko. "Bakit ba kasi ang malas-malas ko?!" hiyaw ko sa kalangitan.

Biglang may narinig akong mga yapak na paparating sa hallway pero hindi ko na lamang ito pinansin. Maya-maya pa't may naramdaman akong lumukso rin papunta sa field na kinaroroonan ko.

"What are you doing here, kid?" tanong ng isang malalim na boses ng binata.

"Pft, please. Don't call me a kid. We're all 18 and above here."

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang binatang nakasuot ng pamilyar na silver armor. Matangkad siya at matikas ang tindig.

He was one of the squires who ignited the fire pit earlier.

He slowly removed his silver helmet and shook his head, fingers combing his damp hair due to sweat.

"You okay?"

Natameme ako bigla, tuluyan nang nakalimutang sumagot. Kusang natuyo ang laway at luha ko.

"Are you a novice?" tanong niya habang papalapit sa akin, naaninag niya siguro na naiiba ang suot ko. Hindi ko talaga alam pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

It's my first time seeing him up close and he just- there's just something in him that made me hold my breath.

Napansin ko rin ang kakaibang kulay ng buhok niya. Dark indigo. Kasingkulay ng kalangitan tuwing sasapit ang dilim.

Ano ba namang kakornihan yan Raige.

"Uhh yes haha," I laughed nervously, "I'm a, I'm a novice."

"Congratulations, welcome to Aethergarde Academy then," bati nya sabay upo sa tabi ko. "I'm Ford, by the way. Senior student."

"Raige," I answered as my smile faded. "Wrong person to congratulate though," tipid kong sagot sabay muling sandal ng ulo sa pillar.

"Why? You don't like being a surgent?"

"Mas gusto ko na lang maging detergent," sagot kong wala sa ayos. I didn't care, he looks like a foreigner anyway so he probably wouldn't understand.

But then he laughed.

"Wait, you speak Tagalog too?" tanong ko.

"Yeah, I do," he nodded. "My dad's half Korean-Canadian, but my mom's pure Filipino."

Nakakaintindi pala siya. Ang galing. Edi alam niya na rin kung gaano kaluwag ang turnilyo ko sa utak. Galing-galing talaga.

"Pangarap mo pala maging detergent, 'di ba? Sige, I'll tell Supremo right away," sabi niya.

"Huy 'wag! Joke lang, eto naman." Halatang malakas 'to kay Supremo, baka mamaya maging literal na sabong panlaba pa ako nang wala sa oras.

Nagpatuloy lang siya sa pagtawa. Yung tipo ng mukha niya ay yung 'di ko akalaing matatawa sa ganung joke. Mukha kasi siyang serious type palagi eh.

And to be honest, I would've gotten mad at someone laughing at my hardships, but when I heard his laugh, it was like smooth chocolate over my ears...

"Aray!" napangiwi ako, parang may naupuan ata akong matulis at maliit na bato.

Kinapa ko ang likod ng pantalon ko at naalala kong dito ko pala naibulsa yung maliit na bato sa marshalling kanina.

"What was that?" tanong ni Ford.

"Nothing, it's just that 'special' stone from earlier. Do I really need to keep this?" pinagmasdan ko ito sa palad ko. "Because if not, then imma just see how far I can throw—" bubuwelo na sana ako sa pagbato.

"Nonono—don't throw it. Don't throw it."

Nagitla ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng metal niyang guantelete sa balat ko.

"Why?"

"It's your totem."

"What's a totem?"

"A totem is a geometric stone that represents your spirit. It's the only thing that can help you balance your powers. Each stone is unique to a soul, so don't lose it. You'll heavily need it on your first year here, trust me."

Oh.

"Speaking of year, Ford. You've been here for like, three years? Does it ever get lonely here?"

He paused for a second, then sighed. "To be honest, yes. Of course." He hugged his knees. "I'm the eldest in the family so I was the first one to board. I miss them sometimes, especially my baby sister. She was just one-year-old when I was annunciated. I doubt she'll even remember me when I come back."

"Well, we can still send them letters, yeah?"

"Yes, but only once a month. That's why you should always keep your totem, it will be your only connection to the athenes."

"Athenes?" I asked.

"Athenes are what we call the mail-delivering owls that send the letters in and out of the kingdom when the barrier opens once a month."

"How will that work?"

"Athenes can sense your aura through your totem, this will be their signal. It will lead them to deliver you any letter addressed to you as long as you have your totem."

"Oh, so it's like a cellphone...but not really."

"Yeah, kinda like a cellphone, minus the calls and social media of course." Ford chuckled.

Rule #1: A very busy thing that travels in the sky, cannot be seen, but can be low or high. It passes through screens and modern kind of means. But you will sigh out of boredom because it doesn't exist in the kingdom.

Internet connection. It means there's no internet connection here.

"By the way, it's getting quite late. You should be heading to your tower by now."

I suddenly remembered the 6th rule, when the sun sleeps, do not rome. Never ask about the Forbidden Tome.

He stood up and offered his hand down to me. "Pwede kitang ihatid sa may gate ng league tower niyo if you want."

"Pwede mo na rin akong pakasalan if you want..." bigla kong sabi.

Nanlaki ang mga mata ko, maski ako ay nagulat sa sinabi ko.

"Hm?" tanong niya.

"Ha?" Napakurap-kurap ako sabay ngiti. "Wala, wala. Sabi ko hindi ba nakakahiya naman..."

"No, no. Don't worry about it. It's my job anyway." Pinunasan niya ang silver na knight helmet niya at inipit ito sa kanyang braso na parang basketball.

He wiggled his hand, reminding me to hold it so I can get up from the ground.

"Oh...uh sure. Sige. Medyo naligaw na rin kasi ako eh." Humawak ako sa kamay niyang nakasuot pa ng steel gauntlet. Tumayo na rin ako at nagpagpag ng pantalon kong puro damo na sa likod.

"I'm guessing you're Terraglave huh?" hula niya.

I pulled my sleeve up and showed him my wrist.

"Dragonheart."

"Oh..." saglit siyang natahimik habang nakatitig sa simbolong nakaukit sa pulso ko.

"Ford?"

Napakamot siya sa ulo. "Ah haha, eh bakit mo kasi yakap-yakap yung statue ng deer?" natatawa niyang sabi. "Tsaka saan mo ba kasi napulot yan?"

"Hindi ko rin alam eh," pagkikibit-balikat ko. Hindi ko na maalala kung saan, sino, bakit, sa pa'nong paraan. "Baka magic."

"Baka nga," he sighed.

Bago kami tuluyang umalis ay pumitas muna ako ng isang puting rosas sa gilid ng hardin.

"Tara na."

༻♛༺

Sa pagtadyak ko pasarado ng pinto sa likod ko ay may dalawang boses na bumungad sa akin.

"WELCOME ROOMIE #3!"

Nagulat ako sa biglaang pagbati ng dalawang babae pagpasok ko sa dorm room. Nakapwesto na sila sa kani-kanilang mga kama.

Our beds are conjoined in the form of an L-shaped triple bunk bed. The bottom two beds are directly on top of each other while the highest bed is oriented horizontally to form an L, it also has a separate ladder. There is a large space below where a studying desk placed.

The first girl is already on the lowest bed, the second girl is on the second bed, and obviously, the only vacant is the highest one.

Tumayo ang babae mula sa pinaka-ibabang kama at lumapit sa akin. Napansin ko agad ang suot nilang itim na kwintas na may korteng krus na pendant.

"Ako nga pala si Isagana. Isagana Rizali Dela Cruz. Ikinagagalak kong makilala ka."

Ang tatas niyang magtagalog, neutral ang boses pero matapang pakinggan.

Agad namang sumunod yung isang babaeng maikli ang buhok at mapula-pula ang pinsgi. "I'm Saint. Saint Josephine Ibarra, nice to meet you po, sister," malumanay niyang sambit.

Po? Sister? Hala...mukha ba akong matandang madre? Tamang kwarto ba itong napasukan ko? Baka naman kumbento pala 'to? Hala. Sinadya bang dito ako ilagay? Eto na ba yung rehab ko?

"In case you're wondering, we're your roommates," sabi ni Saint nang nakangiti. Binuksan niya ang isang rolyo ng parchment at ipinakita sa akin ang tatlong pangalan naming nakasulat sa itim na tinta.

Ah.

Napansin ko lang, napakahinhin niyang magsalita, parang 'di makabasag pinggan. Para akong nakarinig ng boses ng anghel na nagliliwanag, literal na saint ata talaga 'to.

Samantalang ako...

"And I'm Raige."

Agad akong napaubo matapos magpakilala. Paos na nga, boses basagulero pa.

"Raígean Gillair Aragon. Nice to meet you both as well."

Napansin kong nakaabang sila upang makipagkamay sa akin.

"Nah, we don't do handshakes in the house..." sambit ko.

Nagkatinginan sila sa isa't isa, tila nagtataka.

Makalipas ang limang minuto...

"AYE! AYE! AYE!"

Naghihiyawan kami habang pinapractice ang special handshake namin.

"SLAP! BACK! HOOK! FLY! BROFIST! AYE! CHESTBUMP! BOOM."

"AYE! AYE! AYE! AYE!" sigaw ni Saint with matching beatbox pa.

"Teka, saglit paano ulit yun?" tanong ni Isagana. "Slap...back...hook...fly...tapos?"

"Brofist!" sagot ni Saint.

"Yon! Isa pa, Raige."

"From the top."

"SLAP. BACK. HOOK. FLY. BROFIST. AYE. CHESTBUMP!—"

Sabay-sabay kaming tumalon at nag-chest bump sa ere ngunit napalakas ata ang pwersa naming tatlo.

Natumba sa sahig si Saint matapos lumapag habang sapo ang dibdib.

"SAINT!"

"Holy s— Saint, okay ka lang?"

Matagal siyang nakayuko at hindi sumasagot kaya parehas kaming lumuhod ni Isagana upang lapitan siya.

"Sorry, Saint...masakit ba? Sobra?"

"Ayos ka lang?"

Tahimik siyang nakayuko nang ilang mga segundo...ngunit sa pagtingala ay may ngising gumuhit sa labi niya...

"BOOM!" sambit ni Saint habang nakatutok sa amin ang parehas na finger guns.

"Anak ng-" sambit ko sabay tayo muli. Wala pa atang isang araw mukhang nahawa na sa kalokohan ko 'tong si Saint.

"Akala ko naman kung ano na nangyari sayo."

She just giggled and stood up. Humakbang siya paatras at aksidenteng nabunggo ang mga gamit ko.

"Oops—yung luggage mo andito pa pala oh!" giit nya sabay turo sa itim kong maleta at pulang briefcase. "Gusto mo help ka na namin mag-unpack, sister?"

Napahawak ako sa batok ko, "Ay naku, 'wag na muna hehe. Bukas na lang ako mag-uunpack ng mga gamit," tanggi ko sabay sipa sa mga maleta ko papunta sa sulok ng kwarto, para lang hindi paharang-harang sa daanan.

"Tulog na muna tayo mga tsong," suhestyon ko sabay tapik sa bunk bed. "Medyo late na rin kasi eh."

"Actually, medyo late na nga. Nag-alala nga rin kami sayo. Saan ka pala galing? Bakit pala ang tagal mo sa labas?" tanong ni Saint.

"Oo nga, 'kala namin kung napaano ka na," dagdag naman ni Isagana sabay sandal sa bunk bed.

"Sorry, naligaw lang hehe," sagot ko.

"Omg, paano mo kami nahanap? Ikaw lang mag-isa sa gitna ng gabi?"

"Ano...hinatid ako ng isang squire hanggang dyan sa may gate ng tower," sagot ko.

"Squire?" tanong ni Isagana.

"Squire, yung parang mga student knights kanina."

"Ahh...yung nagpasilab ng enchanted fire pit?" tanong ni Isagana. "Alin doon? Yung matangkad na lalaki?"

Hindi ko alam pero nangingiti ako 'pag naalala ko siya. "Oo, hehe. His name is Ford, senior student."

"Ang bait naman niya...buti na lang talaga at hinatid ka niya. Sabi kasi nila, tuwing mga ganitong oras daw madalas magsilabasan ang mga halimaw," kwento ni Isagana na tila ba nangingilabot pa.

"Tinatakot mo naman kami..."

"Teka, bakit parang namumula ka ata?" sabi ni Isagana kaya napahawak ako sa pisngi ko. Parang nag-iinit nga. Ewan ko ba.

"Yie. Gwapo 'yun noh? Crush mo?" pang-uudyo pa ni Saint.

"Yung mga halimaw?" tanong ko.

"Hindiii! Yung naghatid sayo."

"Uh—" Napaisip ako. Crush? Paano ko ba malalaman kung crush ko ang isang tao? Buong buhay ko kasi si Jack Frost na cartoon character lang ang naging crush ko eh.

"Sus..naligaw ba talaga o nagligawan na?" ani Isagana habang nagpapagpag ng higaan.

"Hindi ah!" tanggi ko.

"Anong league ba siya?" tanong ni Saint.

"Hmm...hindi ko alam eh. Hindi ko natanong. Pero ang alam ko lang ay siguradong hindi siya Dragonheart, nabanggit kasi niyang hindi na siya makakapasok sa loob ng tower natin kaya hanggang dun na lang daw siya sa may gate."

"Oh, hindi kaya Arvenwing? O kaya naman Terraglave?"

Pwede rin sigurong Terraglave. Ugh, I still can't help but get bitter every time I think about Terraglave. Dapat nandoon din ako if it all weren't for that stupid pit putting me in this stupid league. For goodness' sake, I don't want to go on battles! I just want to heal people! Or at least hunt monsters.

"Ewan ko..." sagot ko na lang. "Hindi pa rin kasi ako pamilyar sa mga leagues eh."

"'Yan ang dapat nating alamin bukas," suhestyon ni Isagana.

"It's okay as long as he's not a Syrphentore or a Royalspade," dagdag ni Saint.

"Bakit? Bawal ba rito ang makipagkaibigan sa ibang mga league?" tanong ko.

"Personally, I see every league as an equal, honorable kingdom. I'm not in favor of any discrimination or prejudice, but here's what my grandmother once told me..." Saint cleared her throat and started talking in a quieter voice, almost whispering. "As a Dragonheart, you can talk to any leagues, but just don't get too close to the Syrphentores...or the Royalspades."

"I kinda get the Syrphs, but why are we rivals with the Spades too?"

"Not exactly what you call rivals. But see, the Dragons and Spades are pretty much opposites. We attack for the Aether, they defend the Aether. Offense-defense. We live by different principles, and sometimes they would clash."

"So...is it practically forbidden for any relationships between Dragonhearts and Royalspades?"

"Not forbidden, but rare. Most of Royalspades are also in line to the throne, that's why they like to keep their royal blood pure. Plus, a lot of them still think of us as barbarians."

Barbarians? Yun ba yung donuts na may palaman sa loob? Joke.

"Barbarians? Is that an insult for us being wild, uncultured, uncivilized?" tanong ko habang naniningkit ang mga mata. Hindi ko pa nakikilala ang mga Royalspades pero kung totoo ngang ganoon, mukhang hindi kami magkakasundo.

"Yup!" tumango-tango si Saint.

"Pero bakit naman nila iisipin 'yon? Why would they generalize us and just smack some random stereotype on our league?"

At nagsimula nang magkwento si Isagana.

"Ayon sa mga sinaunang kwento, tunay na magkakampi ang Dragonheart at Royalspade. Isang araw, biglang naghimagsik ang kaharian ng Dragonheart at nagsimula ng digmaan laban sa isang misteryosong imperyo. Nang dahil sa himagsikan, nadamay at namatay ang kaisa-isang prinsipe ng Royalspade. Pagkatapos ng digmaan, sinasabing nabura na sa mapa ang kinalaban nilang imperyo. Walang nakakaalam kung ano ang pangalan ng imperyong iyon, at kung ano ang totoong nangyari sa likod ng pagkawala nito, maski sa dahilan ng digmaan."

Napahanga ako sa kaalaman nilang dalawa. Sa totoo lang, pakiramdam ko ako lang ang walang kaalam-alam sa kasaysayan ng lugar na'to. Laki kasi ako sa pamilyang dormante eh.

"They called it the Tale of the Lost Empire," dagdag ni Saint. "Nobody knows where it is, or how it looks like. We're not even sure if it existed in the first place, or if it's just another silly folktale."

"Oo nga, sabi rin ng iba na kwentong-bayan lang 'yon. Isa pa, napakatagal na panahon na ang nakalipas simula noong nasabing digmaan, nasa ika-21 siglo na tayo ngayon. Marami na'ng nagbago. Hindi sapat na gawing basehan iyon para tawagin at tratuhin nila tayong barbaro."

Napangisi ako.

"I don't mind if they treat us like barbarians, gives me proper excuse to beast-punch them all in the face."

***

Maghahatinggabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog. It's always been like this since two years ago so it shouldn't be a surprise. Sa sarili ko ngang bahay 'di ako makatulog, eh dito pa kaya?

'Why are you crying, Gillie? I'm still going to be here. Don't worry, I'm going to write you tons of letters when I'm gone so you won't be lonely anymore. Just make sure to write back, okay?'

'You've been dreaming about this day since forever. Would you even miss me when you board to Aethergarde?'

'Of course, Gillie! Ate will miss you every hour and every minute and every second. I will miss you everyday!'

Bumangon muna ako at bumaba mula sa bunk bed. Binuksan ko ang maleta ko at hinanap ang litrato ni ate na nakasipit sa luma kong diary. Isinilid ko ito sa isang picture frame at idinisplay sa study desk.

Wala akong ibang magawa kundi pagmasdan na lamang ang larawan niya. "Hi Ate...we're finally here."

Binuksan ko ang drawer ng study desk at nakitang naglalaman ito ng mga kagamitan tulad ng pluma, tinta, papyrus, wax seals, stamp, posporo, at mga kandila.

Kinuha ko ang isa sa mga kandila at sinindihan ito gamit ang posporo. Dahan-dahan ko itong inilapag sa tapat ng litrato ni ate kasama ang puting rosas na pinitas ko kanina mula sa hardin.

My dearest sister, Giordie, I pray that you are somewhere beautiful, free from sorrow and pain. May your soul peacefully rest in the promised paradise...so as I promise to bring justice to your untimely death, even at the cost of my own.

If it is the Heaven's will, so let it be.

༻♛༺

END OF CHAPTER VII.

A/N: Which league do you think you'd be in?

A picture of Aethergarde Academy's coat of arms is attached on the media box above.

PREVIEW:

"We gotta corner him."

"Then? How can we be sure that we can catch him? How can we overpower him?"

"What's your surge?"

"My what?"

"Surge. A special power you can do."

"What's yours first?"

If you liked this story please
FOLLOW VOTE COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

44.2K 1.3K 20
I'm Crystal Ashley Montero,im a simple girl ,duwag,walang tiwala sa sarili,di marunung mag ayos sa sarili or tawag nila dun ay nerd,ang ka isa isa na...
329K 24.7K 40
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
556K 15K 53
Xheila (Sey-La) never thought of being a responsible ruler someday because all she thinks were only about her selfishness and bitchiness. Her not-oh...