The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 10

1.7K 96 14
By kaizerKKYOS

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

Ang binabalak ko sanang maunang umuwi ay hindi natuloy. Biglang naglaho ang inis ko sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito pero hindi ko lang talaga maiwasan.

"You're my type, Mark and I really want you."

Wala ako sa sariling napangiti nang maalala ko ang mga salitang yun dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso. Pinilit kong pigilin ang aking pagngiti sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko ng aking ulo at paglalaro sa aking daliri. Baka kasi mamaya asarin lang ako ng katabi ko at masira pa ang pagmo-monent ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa gusali ng aking tinutuluyan. Mabilis niyang nai-park ang kanyang sasakyan sa loob ng parking lot na pinagtaka ko. Akala ko ba ihahatid niya lang ako?

"Let's go?" yaya niya sa akin nang tuluyan na siyang nakalabas sa kotse. Pinili ko na lang na tumahimik at baka ihahatid niya pa ako hanggang sa unit ko. Ganun na nga. Baka nga.

Pinindot niya ang storey kung saan ang aking unit. Pareho lang kaming tahimik. Nakasunod lang ako sa mabilis niyang paglalakad hanggang sa huminto kami pareho sa loob ng elevator. Nakatingin lang ako sa numerong tila bumagal sa pagbibilang pataas ngayong nasa iisang elevator lang kami ni Tale. Ilang beses na kaming nagkasabay sa loob ng elevator ngunit iba na ngayon. Hindi ko alam kung anong matatawag kung anong namamagitan sa amin pero masasabi kong malaki na ang nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.

Nanginig ang aking kalamnan nang maramdaman ko ang likod ng kanyang kamay na sumagi sa akin. Para itong may kakaibang kuryenteng saglit na dumaloy sa pagtatagpong yun. Napalunok ako. Ilang saglit lamang ay naramdaman ko na ang kanyang kamay na humawak sa aking nanlalamig nang kamay. Hindi ko maiwasang kabahan. Ito ang unang pagkakataon na hawakan niya ang kamay ko ng ganito. May kakaibang pakiramdam ang dala nito sa aking katawan. Unti-unting gumuhit ang isang malapad na ngiti sa aking labi. Paminsan-minsang hinahaplos ng kanyang hinalalaki ang aking hintuturo. Kung nakikita ko lang siguro ang sarili ko, pulang-pula na siguro ito.

"You like me holding your hands, huh." marahan na lamang akong napailing sa sinabi niya bago sabay kaming humakbang papalabas ng elevator. Tulad ng inaasahan ay tahimik ang buong hallway. Tanging mga yabag lamang naming dalawa ang naglilikha ng ingay sa buong paligid.

Tsaka lamang siya bumitaw sa aking kamay nang nasa harap na kami ng aking unit. Kahit nakaramdam ng pagkadismaya ay kinuha ko na lang ang access card sa aking bag at ini-swipe ito. Nakangiti akong humarap sa kanya. Nakapamulsa siya at nahuli ko pang malagkit na nakatingin sa akin.

"Salamat sa paghatid." ito lang ang tanging magagawa ko para pasalamatan siya sa pagsundo niya sa akin at pagdala niya sa isang mamahaling restaurant. Napagdesisyunan kong tumalikod na sa kanya at bubuksan na sana ang pinto ng aking unit nang mapansin kong hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang pwesto. Binalingan ko siya muli ng tingin.

"May nakalimutan ka ba?" hindi ko alam kung bakit yun ang tanong na lumabas sa aking bibig. Ngayon ay may ngisi na naman sa kanyang labi. Napakunot ako ng aking noo nang basain niya ang labi gamit ang dulo ng dila niya.

"I think you're the one who forgot something." mas lalo akong nagtaka nang naglaho ang mapaglaro niyang tingin at napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Huh? Hindi kita maintindihan. May kailangan ba akong sabihin?" naging malikot ang aking mata sa labis na pagtataka. Base kasi sa pagkakaalam ko ay wala naman akong dapat sabihin sa kanya. Ano bang meron sa lalaking 'to at bigla na lang naging misteryoso? Nakadrugs ba siya?

Saglit kaming pareho na natahimik. Kalaunan ay narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.

"I want you to kiss me." napalaki ang aking may pagkasingkit na mata sa direktahan niyang sinabi. Natigilan ako sa gusto niyang gawin ko.

"H-Huh? Alam mo Tale, umuwi ka na. Baka abutin ka pa ng hatinggabi sa daan." pinilit kong ibahin ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Pilit na winawaksi sa akin sistema ang unti-unting pagsilab ng apoy sa aking katawan.

"I won't go home until you kiss me." umisang hakbang siya palapit sa akin. Hindi ko magawang lumayo sa kanya dahil kanina pa ako nakasandig sa pintuan ng unit ko. Napalunok ako sa reyalisasyon. Kapag nagpatuloy pa 'to ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Sige na nga!" napipilitan kong pagsuko. "Pero smack kiss lang."

"No. I want the torrid one. Smack kiss isn't a kiss. It's like you just touch my lips with yours." ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Siya na ata ang nakilala kong tao na sobrang demanding sa lahat ng bagay. Siya na nga itong pinagbibigyan sa gusto niya, nagawa pang humirit ng loko.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinili na lang na sundin ang gusto niya. Para matapos na. Dama ko na ang pagod ng katawan ko. Dahan-dahan kong nilapit ang aking mukha sa kanya hanggang sa lumapat ang labi ko sa kanyang labi. Tulad ng sinabi niya ay nagsimula akong igalaw ang labi. Ito ang unang beses na ako ang unang humalik sa kanya. Siya kasi palagi ang unang humahalik sa akin na agad na nauuwi sa mainit na pagtatagpo.

Naramdaman ko ang marahang pagkabig sa aking katawan ng kanyang braso padikit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib bilang suporta na hindi tuluyang mapalapit sa kanyang katawan. Ako na ang unang kumalas sa paghalik na yun nang pinilit ko ang aking sarili na itulak na siya palayo sa akin bago pa may makakita sa ginagawa namin. Napansin ko pa ang paghabol ng kanyang labi nang humiwalay na ako. Nabitin pa ang loko.

"Tama na yun. Baka may makakita sa atin." naiilang kong dahilan sa kanya. Ayos lang sa akin na halikan niya ako hangga't walang nakakakita sa aming ibang tao. Iba na rin ang nag-iingat.

"There's no one here. No one can't see us kissing." binalak niya pa sanang ilapit ang kanyang mukha pero agad ko yung natulak palayo sa akin.

"Anong wala?" tinuro ko ang cctv na nakatutok sa hallway na kahit walang tao sa hallway ay baka pwede kaming makita ng nagbabantay sa mga cctv na naghahalikan dito sa hallway. Tulad ng sabi ko kanina, iba na din ang nag-iingat.

Nakakalokong ngisi lamang ang sinagot niya sa akin. Mas minabuti ko na lamang na pumasok na bago pa mapunta pa kami sa higit pa sa paghahalikan. Ayokong may mamagitan sa amin ulit ngayong gabi. Hindi pa ako nakaka-move on sa naging pagtatagpo namin noong nakaraang gabi. Naiilang ko siyang nginitian bago tuluyang isinara ang pinto ng aking unit.

Nakakailang hakbang pa lamang ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas. Kahit nagaalangan ay pinagbuksan ko na lamang ang taong yun ngunit bago pa man ako makapagtanong kung ano pa ang kailangan niya ay mabilis niya na akong nasunggaban sa aking labi. Muntikan pa akong mawalan ng balanse na mabuti na lang ay naging maagap ang makisig na braso ni Tale na nahawakan ako sa aking likod. Sinara niya ang pinto gamit ang kanyang paa.

Mararahas ang kanyang ginagawang paghalik. Ang isa niya namang kamay ang nagsisimulang maglikot sa aking leeg pahaplos sa aking panga. Tila isa siyang leon na uhaw na lapain ang kanyang biktima. Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagawa ko siyang maitulak palayo sa akin.

"T-teka... Tale..." bumalik ang kanyang halik sa aking leeg pero pilit ko siyang pinipigil sa pamamagitan ng pagtulak sa kanya.

"You fucking turned me on so you better do something..." mahina niyang halinghing sa pagitan ng kanyang paghalik sa aking labi. Wala ako sa sariling napaungol nang pumasok ang kanyang kamay sa loob ng aking polo at sinimulang paglaruan ang aking utong. Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya pero masyado nang okupado ang aking isipan ng matinding pagnanasa.

Bumalik ang kanyang halik sa aking labi. Uhaw niyang sinipsip ang ibabang parte ng aking labi dahilan para mapanganga ako. Yun ang ginawa niyang daan para mapasok ang kanyang dila at doon naman paglaruan ang aking dila. Aksidente kong nakagat ang kanyang dila para saglit siyang mapakalas sa akin. Imbes na mainis siya ay isang nakakatakot na ngisi ang nasilayan ko. Nagaalab ang ekspresyon sa kanyang mga mata.

"So, you want it rough, huh." tumiim ang kanyang bagang. Bago ko pa man mapansin ay mabilis niya nang nahubad ang suot niyang body-hugged shirt. Malakas niya akong tinulak para mapaigik ako padagan sa sofa na hindi ko alam na nasa likuran ko na pala. Medyo kinabahan ako sa mabilis na pagdilim ng kanyang awra. Walang hirap niyang sinira ang mga butones ng aking polo. Gusto ko sanang umangal sa kanyang ginawa pero mabilis niya muling nahuli ang nakanganga kong labi.

Dumako ang pareho na nanginginig ko nang kamay sa kanyang likod. Aksidente ko itong nakalmot nang madama ko sa aking leeg ang kanyang pagkagat at pagsipsip. Napamura ako sa aking isip nang simulan niyang paglaruan ang aking pagkalalaki kahit nasa loob pa ito ng aking pantalon. May kasamang pagsinghot ang bawat halik niya habang nilalakbay niya pababa ang aking katawan. Saglit siyang tumigil upang tingnan ako. Tulad nang una ay walang hirap niyang nababa ang zipper ng aking pantalon. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagnanasa. Kahit madilim sa buong sala ay tila nakita ko ang sarili kong repleksyon doon.

Tila sinapian ako ng masamang espiritu nang mapatirik ang aking mata nang isubo niya ng tuluyan ang aking pag-aari. Hindi siya ginalaw at nanatiling nasa kanyang bibig ang kumikibot-kibot ko nang pagkalalaki. Napaarko ako ng aking katawan hanggang sa mapabangon ako nang maramdaman ko ang pagsipsip ng kanyang dila sa katawan ng akin. Nakakabaliw ang dala niyang sensasyon sa akin. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakadama ng ganito kasarap. Mapapamura na lang talaga ako sa aking isip.

Isang buwan na ang lumipas simula nang may nangyari sa amin ni Tale. Halos gabi-gabi na rin siya natutulog sa aking unit pagkatapos ng aming mainit na pagtatagpo. Nasanay na ako sa nakakaadik na amoy niya. Nasanay na ako sa mga bisig niyang gabi-gabing nakayakap sa aking katawan. Isang buwan na ngunit hindi ko pa rin mapangalanan kung anong meron kami ni Tale. Anong matatawag sa relasyon na meron kami? Hindi sa akin big deal ang lagyan ng label ang relasyon na meron kaming dalawa. Basta ngayon ang mahalaga ay masaya kami sa piling ng isa't-isa. Kuntento na kaming dalawa sa maiinit na gabi na aming pinagsasaluhan.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang makatulog. Tahimik lamang akong nakatitig sa natutulog nang si Tale. Nakatagilid akong nakahiga habang sumusuporta naman ang kanan kong kamay sa aking ulo. Malaya kong napagmamasdan ang kahubuan niya dahil sa patihayang pwesto niya. Mahina pa itong humihilik na mas lalong ikinatuwa ko. Maingat ang ginagawa kong paghaplos sa kanyang matikas na dibdib habang pinagmamasdan ang bawat parte ng kanyang maamong mukha. Mula sa mahahabang pilik-mata niya. Sa matangos niyang ilong. Ang labi niyang bahagyang nakanganga. Hindi ako makapaniwala na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ang ganitong lalaki. Swerte ba akong maituturing? Alam kong medyo maloko si Tale pero masasabi kong mabait siyang tao.

Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner ni sir Tale. Kararating ko lang galing sa klase. Hindi muna ako nagbihis at agad na nagtungo dito sa penthouse ni sir Ryuu. Nag-text kasi sa akin sir Ryuu na maaga siyang uuwi ngayon. Kaya naman ay nagmadali akong umuwi ngayon dito. Simple lamang ang akong niluto para tipid sa oras. Malaking tulong ang pagbibigay sa akin ni sir Ryuu ng culinary scholarship, dahil dito ay nagkaroon pa ako ng mas maraming ideya na pwedeng lutuin.

Sa gitna ng aking ginagawa ay may mga brasong pumulupot sa aking bewang.

"I miss your scent." mahina niyang sambit sa pagitan ng pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. Hindi na ako magugulat at magtataka kung sino ang lalaking ngayon ay nasa likuran ko. Nasanay na lang ako na palagi niyang ginagawa yan. Pero palagi kong sinisigurado na walang makakakita sa amin lalong-lao na ang amo ko. Baka kasi anong isipin no'n kapag nakita niya kami sa ganitong sitwasyon.

Napangiti na lang ako at pasimpleng dinama ang nagsisimula nang manigas sa pagitan ng kanyang hita. Kahit kailan talaga ang libog ng mokong na 'to. Hindi kami nagkikita na dalawa na walang nangyayaring milagro. Kahit ano naman kasing pilit kong pagtanggi ay siya pa rin ang nasusunod sa dulo.

Binaling niya ang aking mukha patagilid paharap sa kanyang mukha upang maabot nito ang aking labi. Nabitawan ko ang sandok na aking hawak nang manghina ang aking kamay dahil sa mapusok niyang halik. Kalaunan ay pinaikot niya na ang aking katawan paharap sa kanya. Tulad ng palagi niyang ginagawa ay kinukuha niya ang isa kong kamay upang hawakan ang kanyang pagkalalaki na nasa loob ng kanyang pantalon. Napapapalunok ako sa init ng aming paghahalikan.

Masyado na akong nadadala sa bugso ng aking damdamin nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala. Mabilis kong naitulak si Tale palayo sa akin at agad na binalingan ang aking niluluto. Medyo nasunog na ito dahilan para mapakamot ako sa aking pisngi. Sunod-sunod na malalakas na yabag ng sapatos ang umalingawngaw patungo dito sa kusina.

"What's for dinner, Mark?" baritono ang boses na tanong ni sir Ryuu.

Mabilis kong inayos ang aking hitsura bago hinarap si sir Ryuu na ngayon ay niluluwagan ang suot niyang necktie. Napansin ko rin ang pangisi-ngising si Tale na nakaupo sa stool nitong island counter habang parehong nakasalikop ang kamay. Inismiran ko na lang siya dahil sa pagiging maloko niya. Hindi niya ba alam na muntikan na kaming mahuli kanina. Nahihibang na ba siya. Ang lakas pa ng apog ng lalaking 'to na ngumisi samantalang ako dito ay halos lumabas na ang puso sa dibdib ko dahil sa kaba. Paano na lang kung may mapansing kakaiba si sir Ryuu?

"What are you doing here?" seryoso niyang tanong kay Tale. Nagtataka lamang siyang tiningnan ng isa. Hindi sa sinabi kong palagi kaming magkasama ni Tale ay hindi ibig sabihin ay palagi itong naririto sa penthouse ni sir Ryuu. Tuwing breakfast lang kasi nagagawa ang presensya nitong kumag na 'to dito at bihira lang magpakita kapag dinner. Minsan ay nagugulat na lang ako kapag naabutan ko siya sa unit ko. Hindi ko na kailangan magtanong kung paano siya nakapasok dahil ngisi lang ang isasagot niya sa akin.

"Waiting for you?" hindi ko maiwasang mapangiti sa isip ko sa kanyang rason.

Anong klaseng rason yan Tale? Ayusin mo nga ang sarili mo.

"What do you want?" hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha ni sir Ryuu.

Napagdesisyunan ko na lamang na iwan sila doon sa kusina at dalhin itong aking niluto sa dining table. Bumalik akong muli sa kusina at muling naabutan silang dalawa na naguusap pa rin. Ngising-ngisi lamang si Tale na saglit na napabaling sa akin ang mata nang bumalik ako samantalang si sir Ryuu naman ay mukhang nalukot na ang mukha sa kalokohan ni Tale. Hindi ko alam kung paano naging magkaibigan ang dalawang 'to. Napakalayo ng ugali nilang dalawa para maging close sa isa't-isa.

Saktong pagbalik ko sa dining area ay yun din ang pagpasok ni sir Thrace. Nginitian niya lang ako matapos ko siyang batiin. Hindi nagtagal ay tahimik na naming apat na pinagsasaluhan ang aking niluto. Kahit medyo nasunog ang aking niluto ay masarap pa naman ito. Aksidenteng nagawa ang aking tingin kay Tale nang maramdaman ko ang paa niya na pumapagapang paakyat sa aking hita. Alam kong kanyang paa yun dahil sa ngisi sa kanyang labi. Nang-init ang aking mukha hindi dahil sa kinilig ako kundi sa inis dahil na naman sa kalokohan niya.

Hindi ba siya marunong mag-ingat? Paano na lang kung mapansin kami ng dalawa naming kasama? Sakit talaga sa ulo ang kumag na 'to.

Dahil sa inis ay mabilis kong nilayo ang aking paa sa kanya. Sinadya kong apakan ang kanyang paa dahilan para malakas siyang napadaing sa sakit. Palihim akong napatawa dahil sa naging reaksyon niya.

"Is there something wrong, Alfred?" natigil sa pagkain si sir Ryuu maging si sir Thrace na pareho na ngayong  nagtataka na nakatingin sa namimilipit sa sakit na si Tale.

Mabuti nga sa kanya.

Ngayong araw ay napag-utusan ako ni sir Ryuu na mag-grocery. Dito ko naisipang bumili sa mall dahil bukod kasi sa grocery ay may mga bagay pa akong kailangang bilhin. Linggo ngayon kaya naman wala akong pasok. Hapon ko na naisipang pumunta dito. Mas mainam kasi dahil hindi na gaano kasakit ang sikat ng araw sa balat.

Kasalukuyan akong naglilibot sa loob ng mall nang napakunot ako ng noo nang may matanaw akong pamilyar na lalaki. Agad na rumehistro sa aking isipan si Tale. Kahit nakatalikod ito sa akin ay nakakasigurado ako na si Tale ito. Nakatayo ito at bihis na bihis.

Ano kayang ginagawa niya dito?

Lalapitan ko na sana ito nang agad rin napatigil nang mapansin ko ang isang babae na lumapit sa kanya. Nakatagilid sila pareho mula sa aking kinatatayuan kaya naman kitang-kita ko ang pagdampi ng labi ng babae sa labi ni Tale. Nginitian pa niya ang babae bago kabigin ang katawan nito palapit sa kanya bago nagsimula silang maglakad palayo sa akin.

Natulala ako.

Ano yung nakita ko? Bakit ganun?

Bakit parang ang kirot sa pakiramdam na makita si Tale na may kasamang iba?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
25.9K 2.2K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
131K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...