131 Years (PUBLISHED)

Від nicoleannenuna

184K 8.5K 6.9K

Dalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matuko... Більше

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Ang Aking Lihim
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogo
131 Years Book Giveaway
Book Giveaway Winners
131 YEARS is coming to the MIBF!
El Último Capítulo (The Last Chapter)

Kabanata 35

2.1K 134 155
Від nicoleannenuna



Isang panaginip ang dumalaw sa akin.

Sa panaginip ko, isang binatilyo ang nagligtas sa akin noong ako ay bata pa lamang.

Habang naglalakad ako sa madilim na kalsada, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa may tulay, nakapikit ang kaniyang mga mata at tila malalim ang iniisip. Hindi ko alam noon kung bakit nakatayo siya sa tulay, kaya naman ginaya ko ang kaniyang ginagawa. Pinigilan niya ako't dinala ako sa estasyon ng pulis at muli kong nasilayan ang mukha ng aking mga magulang na labis ang pag-aalala dahil sa pagkawala ko.

Naalala kong sinabi sa akin ni daddy at mommy na tagapagligtas ko ang lalaking iyon—na siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. Ngunit hindi ko na maalala ang kaniyang mukha, maging ang kaniyang pangalan na nais kong matandaan.
Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha habang nakatingin sa kabaong kung saan nakahimlay si Javier. Nakasarado ito at may mga bulaklak na nasa ibabaw. Binabasbasan ito ng pari habang siya ay dinadasalan.

Labis kong ikinalungkot dahil kaunting tao lang ang dumalo sa kaniyang libing, halos bilang sa daliri kung sino lang ang mga tao na narito.

Hanggang sa kaniyang kamatayan ay nanatili siyang nag-iisa.

Nandito ang buong pamilya ni Vicente at ang pamilya namin. Panandaliang isinantabi ni don Lucio at Ama ang kanilang alitan upang magbigay respeto sa yumaong si Javier Hidalgo.

Dinaos ang kaniyang burol sa hardin sa kaniyang mansiyon na ngayon ay mas lalong tahimik dahil namayapa na ang nag-iisang nakatira rito.

Malakas ang buhos ng ulan ngayon animo'y sumasabay ito sa emosyon ng mga taong nandito. Pala-isipan pa rin kung sino ang gumawa sa kaniya nito ngunit malakas ang aking kutob na may kinalaman ang pamilya ng Montemayor sa nangyari.

Naka-itim ang lahat ngayon, may suot rin akong itim na belo upang ipakita ang aking pakikiramay.

Hawak ni Vicente sa kamay si Tauro habang ang isa kong kamay ay hawak niya. Nasa likod ko naman sina Ama, Ina, kuya Antonio, Leonardo, at tiya Marcella. Nakaupo naman ang pamilya ni Vicente sa 'di kalayuan.

Hindi ko inaksaya ang pagkakataon na isalaysay ang kabayanihang ginawa ni Javier para sa amin. Sa ganoong paraan, nagbago ang pananaw ng mga taong hindi lubusang nakilala at nakasalamuha si Javier.

Napansin ko si Don Lucio na namumula ang mga mata. Kahit itago niya ay alam ko na minahal niya si Javier. Sa lahat ng tao rito, siya ang may pinakamabigat na nararamdaman dahil siya ang responsable sa pagkamatay ng magulang ni Javier at siya rin ang rason kung bakit naging masamang tao siya. At ngayon, wala na ito upang humingi pa siya ng tawad. Marahil ay buhay si don Lucio pero tiyak ako na mumultuhin siya ng kaniyang konsensiya.

"Ano'ng gagawin natin kay Tauro?" tanong ko kay Vicente na nakatingin sa kabaong ni Javier.

"Pupunta ako ng Maynila ngayong araw sa bahay-ampunan. Mas ligtas si Tauro roon kaysa sa napakagulong sitwasyon dito." Tumango ako sa plano ni Vicente.

"Mag-iingat ka," paalala ko.

Minasahe niya ang palad ko gamit ng hinlalaki niya. "Ginagawa ito ng aking ina sa tuwing ako ay kinakabahan o nalulungkot," sambit niya. Hinayaan ko na lang siya na masahihin ang palad ko at malaking tulong ito dahil kumakalma ang aking isipan.

Lumapit si Vicente sa kaniyang pamilya kaya naman naiwan ako sa harapan. 'Di nagtagal ay nilapitan ako ni Leonardo na naka-itim na abrigo ngayon. Naramdaman ko ang kaniyang dalawang kamay sa aking balikat. "Ayos ka lang, Senda?" tanong niya. Umiling ako bilang tugon.

"Gusto ko malaman kung sino ang pumatay kay Javier. Dapat siyang maparusahan," pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Nanatili sa likuran ko si Leonardo na nakadantay pa rin ang kamay sa balikat ko.

"Paanong nagbago si Javier?" pagtataka niya, "Hindi ko mawari ang nangyari." Napalingon ako sa sinabi niya.

Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat ng pangyayari simula sa pag-uusap namin ni Javier sa silid ko maging ang mga bagay na ipinaunawa at ipinaalam niya sa'kin.

Hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat ang hitsura ni Leonardo. "Hindi dapat nangyari ito, hindi dapat siya namatay." Sambit niya.

"Baka ganoon talaga ang kaniyang kapalaran. Pero tama ka, hindi dapat ito nangyari sa kaniya," sagot ko.

"Hindi ito nangyari." Ani Leonardo na labis kong ipinagtaka. Hinarap ko siya na may seryosong ekspresyon sa aking mukha.

"Ano'ng ibig mo sabihin?"

Bago siya makapagsalita ay nakita ko na papalapit si Immanuel sa gawi namin. Hindi ko inaasahan na pupunta siya. Naglagay siya ng bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni Javier. Ni hindi man lang siya tumitingin sa akin. Naka-suot siya ng itim na kamiso at pantalon, kung saan litaw ang kaniyang morenong kutis.

Muling lumapit sa akin si Vicente, buhat na ngayon ni kuya Antonio si Tauro. Hinawakan niya ako sa kamay, hindi alintana kahit na narito si Ama at si Don Lucio.

Napatingin si Manuel sa magkahawak naming kamay ni Vicente. "Nais ko i-abot ang pakikiramay ko," aniya. Hindi naman umimik si Vicente. Alam niya na hindi magandang pagkakataon ito upang magtalo sila.

Nakipag-usap si Leonardo kay Manuel sa bandang likuran matapos no'n. Samantala, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan habang ramdam ko ang bigat ng aking damdamin.

Matapos ang burol ni Javier, nagpaalam na si Vicente dahil kailangan niya dalhin si Tauro sa Maynila. Umalis na rin ang kaniyang pamilya na ramdam mo ang pagkalungkot dahil sa nangyari.

"Senda, umalis na tayo," pagyaya ni ama sa akin na ngayon ay balisa rin. "Kailangan na nating umuwi."

Hinawakan naman ni ina ang aking kamay. "Ina, Ama, maaari po bang maiwan muna ako rito? Uuwi rin po ako kaagad," usal ko.

Nagkatinginan silang dalawa. "Delikado, Rosenda." Pagtutol ni ama.

Napatingin ako sa paligid ko. "Nandito naman si heneral Manuel, ama." pagrarason ko kunwari. "Puwede niya akong samahan. Pakiusap po ama, ngayong araw lang," pagsusumamo ko.

Hinalikan ako ni Ina sa noo at nakita kong kinausap pa ni Ama si Manuel na nasa gilid. Nagulat naman ako dahil nakita ko na magkausap si kuya Antonio at Criselda na narito pala. 'Di nagtagal ay palihim din silang umalis. Si Leonardo naman ay aligaga sa hindi ko maintindihang dahilan.

Humupa na ang ulan at hinintay ko lang silang lahat maka-alis. Paalis na rin ako para makapag-isa ngunit nilapitan ako ni Manuel. Pinatong ko na lang sa balikat ko ang itim na belo.

"San ka magtutungo?" tanong niya.

"Diyan lang. Bakit nandito ka pa?"

"Akala ko ba sasamahan kita? Pinaki-usapan ako ni don Fabio."

"Gano'n ba? Sinabi ko lang 'yon para payagan niya ako. Puwede ka na umuwi," nakita ko ang pagkadismaya sa mata ni Manuel. "Sorry, este, pasensiya. Wala ako sa mood—ay, basta! Ayoko munang may makasama ngayon. Nauubos na tagalog ko."

Naglakad na ako palayo ngunit nagitla ako nang makita ko na nakasunod pa rin si Manuel. "Ano ba?" naiirita kong sinabi.

"Pumunta tayo ngayon sa Jardín Eterno, sigurado ako na mapapasaya ka ng lugar na iyon," saad niya. "At mas ligtas ka roon. Masiyadong madaming kaguluhan ang bayan na ito."

"Madaming kaguluhan nang dahil sa'yo," bulalas ko.

"Sinisisi mo ba ako sa pagkamatay ni Javier?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."

Bumagsak ang balikat ni Manuel na dismayado sa narinig. "Wala akong kinalaman doon, Rosenda. 'Wag mo naman ako pag-isipan ng masama."

Nilingon ko siya't tinapunan ng masamang tingin. "Talaga ba? Kasi simula nang dumating ka sa buhay ko, pakiramdam ko, nakokonsensiya ako araw-araw. Na sa t'wing umaatake ang mga rebelde, alam ko na ikaw ang pinuno nila. Kaya sige, sabihin mo sa akin na hindi kita dapat pag-isipan ng masama!" singhal ko. Bahagyang napaatras si Manuel.

"Kung ibig mo..." huminto siya saglit, "Aaminin ko na ang katotohanan sa madla. Huwag ka lang magtanim ng galit sa akin,"

"A-Ano? Hibang ka ba? Bakit mo gagawin 'yun? E 'di napeligro ang mga tao sa kampo. At hindi lang 'yon, mabubuwag ang samahan na ilang taon mong pinoprotektahan." Hindi ko makapaniwalang saad.

"Marami ang may kakayahan na pumalit sa akin. Mga taong sa tingin ko ay mas magagampanan nang mahusay ang pagiging isang pinuno. Hindi ko sila iiwan, ngunit para mapatanag ang aking kalooban, isusuplong ko na lang ang sarili ko sa pamahalaan."

"At ano? Hahayaan kitang mamatay?" buwelta ko. "Mabuti sana kung hindi ako madadamay sa mga kagagawan mo."

Hindi siya sumagot. Nakonsensiya ako agad sa marahas kong pananalita sa kaniya. Nakalimutan ko ngayon na kaharap ko ang lalaking mahal ni Rosenda—ang lalaking nagpatibok ng puso niya at ngayon ay tinatapunan ko ito ng masasakit na salita. Napayuko siya na parang hindi alam ang sasabihin sa sunod-sunod kong paratang sa kaniya.

"Dalhin mo na lang ako sa hardin na sinasabi mo," saad ko. "Para naman gumaan ang loob ko."

Lumiwanag naman ang kaniyang mukha, hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad ko itong iniwas. Dapat alam ni Manuel ang lugar niya sa pagitan naming dalawa.

Sumakay kami ng kalesa hanggang sa marating namin ang San Isidro. Habang nasa byahe, nakita ko si kuya Antonio na binigyan si Criselda ng bulaklak.

"Si Criselda o!" pagturo ko sa kaniya kay Manuel.

"Alam ko. Kaya sumunod siya sa burol upang makiramay at para na rin makita ang kapatid mo," ani Manuel.

"Talaga ba? Akala ko ikaw ang gusto niya—" napatigil ako sa pagsasalita.

"Alam ko. Umamin si Criselda sa pag-ibig niya sa akin, ngunit nilinaw ko na hindi ko iyon magagawang suklian." Seryoso niyang saad.

"Bakit?"

Humarap siya sa akin. "Dahil may iba akong mahal." Biglang kumabog nang mabilis ang puso ko sa pahayag niya. Iniwas ko ang tingin ko.

Pagkarating namin sa hardin ni Manuel, walang tao sa lugar dahil daw araw ng linggo. Hapon na rin at medyo makulimlim ulit ang langit.

"Duyan!" Masaya kong saad at umupo muli sa duyan na paborito ko tuwing dumadayo ako rito. Pinadyak ko ang paa ko sa lupa kaya naman tumaas sa ere ang sinasakyan kong duyan. Kahit pa mahaba ang aking saya ay hindi ito alintana. Sa panahon na ito, minsan ay nalilimutan kong maging bata.

Palihim naman na ngumiti si Manuel at sumunod sa akin, hinawakan niya ang tali ng duyan at marahan akong tinulak.

"Lakasan mo naman," reklamo ko.

"Ayoko, baka mahulog ka."

"Hindi iyan, hindi ako mahuhulog."

"Alam ko. Alam kong hindi ka mahuhulog," kumunot ang noo ko sa sagot ni Manuel.

"Duyan pa ba pinag-uusapan natin?" usisa ko.

"Oo naman,"

"Manuel," pagtawag ko sa kaniya, "Malaki ba ang tirahan niyo dito sa San Isidro? Hindi pa kasi ako nakakapunta roon,"

"Malaki rin, ngunit hindi kasing-laki ng mga mansiyon ninyo. Suwerte ako at nagkakaroon ako ng pagkakataon na tumuloy doon kung kinakailangan," aniya.

"Mukha namang mabuting tao si Don Adolfo," tumango siya. "Manuel?" pagtawag ko muli.

"Mmm?"

"Hindi ka ba napapagod?"

"Saan?"

"Sa responsibilidad na naka-atang sa'yo." Saad ko.

"Napapagod," tipid niyang sagot, "Paminsan ay ibig ko na ring sumuko. Ngunit kapag naaalala ko na mayroong mga paslit at matatanda sa aming samahan na umaasa sa akin ay hindi ko ito magawa. Mahalaga sila sa akin." Tugon niya.

Tumango naman ako. "Manuel?"

"Bakit, Rosenda?"

"Hindi ka ba napapagod?"

"Saan na naman?"

"Kasi marami akong tanong,"

Natawa siya nang bahagya. Narinig ko iyon kahit nasa likod ko siya dahil abala siya na itulak ang duyan. "Hindi." Aniya.

"Manuel?" last na talaga.

"Ano?"

"Nagmahal ka na ba noon?"

Ilang segundo bago siya sumagot. "Hindi. Pero tila nagbago ito ngayon," sagot niya.

"Bakit?"

"Makulimlim na naman ang panahon," pag-iiba niya ng usapan, "Ilang araw na lang din bago mag-Hulyo."

"May mahal ka na pala ngayon," sabi ko, "Ako rin, hindi ko inaasahang mamahalin ko si Vicente. Ang totoo niyan, hinahanap ko agad presensiya niya kahit kakakita ko lang sa kaniya kanina." Natawa pa ako dahil naalala ko siya bigla.

Nagulat ako kasi biglang lumakas ang pagtulak sa'kin ni Manuel sa duyan. "H-Hoy! Bakit ang lakas na ng tulak mo?" puna ko. Napakapit ako bigla sa tali.

"Umalis ka na nga sa duyan ko," seryoso niyang saad. What the? Para siyang bata.

Tumayo naman ako at pinagpagan ang itim kong saya, mamaya pa ay siya ang pumwesto sa duyan. "Umusog ka, kasya dalawa r'yan," pakli ko.

Umusog naman si Manuel sa gilid at isiniksik ko ang sarili ko sa duyan. "Epal ka kasi, e." wika ko.

"Epal?"

"Oo, epal. Pampam. Papansin."

"Hindi talaga kita maintindihan minsan," napailing siya.

"Pero heto ka ngayon at kinakausap ako." Tumaas-baba pa ang kilay ko.

Napatingin na lang ako sa paanan namin ni Manuel sa ibaba habang marahan na umaandar ang duyan. Magkadikit na rin ang aming balikat pero mukhang hindi niya ito napapansin.

Lumapit ka.

Napatingin ako sa paligid ko nang may marinig akong magsalita. "May narinig ka?" tanong ko kay Manuel.

"Wala, bakit?"

"May nagsalita, e. Babae. Lumapit daw ako." Paliwanag ko.

"Ano kamo? Saan ka lalapit?"

"W-Wala, 'wag mo na lang pansinin." At napailing ako.

Nanahimik ulit kami ni Manuel. "Hindi pala biro ang mamuhay sa panahon na ito. Madaming pagdurusa at sakit. Nagsisisi ako na hindi ko binigyan pansin ang historya ng mga ninuno ko na nauna sa akin. Sobrang tapang nila, lalo na ang mga bayani," saad ko. "Kaya salamat, salamat sa kagaya ninyo." Tinapik ko si Manuel sa balikat.

Sinalta niya ang noo ko. "Ikaw ba ay may sakit?"

Hindi ko siya pinansin at tumayo ako mula sa duyan. Nakakita kasi ako ng puno ng mangga kaya naman lumapit ako ro'n at umupo sa ilalim nito. Sumalampak ako sa lupa na parang walang pakialam sa mundo. Ang dami kasing bumabagabag sa isipan ko ngayon, isama mo na ang mga panaginip ko na hindi ko lubusang maintindihan kung ano'ng gusto ipahiwatig.

Sumunod naman si Manuel at naupo sa tabi ko. Hinahangin ang kaniyang buhok na tumatama na sa mata niya. Palihim akong napatingin sa kaniya, kagaya ni Vicente, isa lamang siyang bata na punong-puno ng responsibilidad, isang bata na dapat masayang tinutupad ang mga pangarap at hindi giyera ang laging hinaharap.

"Pasensiya sa mga nasabi ko sa iyo kanina." Pagbasag ko ng katahimikan namin.

Nanatili siyang nakatingin sa malayo. "Huwag ka mag-alala, hindi naman nakamamatay ang mga salita." Aniya.

"Pero nakakasakit ito,"

Hindi umimik si Manuel. Sa lahat ng nakilala ko rito, siya lang ang tahimik at hindi masiyadong maboka, 'di gaya ni Leonardo na palaging may alak at si kuya Antonio na pala-suway pero pilyo rin naman.

"Mahal mo ba talaga siya?" nanlamig ang buong katawan ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan iyon.

"Mahal na mahal." Walang pagdadalawang-isip kong tugon.

Tumungo si Manuel. "Noong binasa ko ang liham na mula sa iyo, doon ko napagtanto na may nararamdaman na rin ako para sa iyo. Ngunit nasaktan ako nang sabihin mong hindi ikaw ang sumulat no'n. Pinuntahan kita sa simbahan at ginawa ang nais mo, pinagtaboy mo ako kahit pa ibig ko na ring ipagsigawan na—"

Natigil siya sa pagsasalita. Hindi na nasundan pa iyon. Bakit? Bakit naguguluhan ako sa kaniya?

"Manuel, ayaw kita saktan." Sabi ko.

"Sino'ng gustong masaktan, Rosenda? Pero pag nangyari na, nangyari na. Umasa lang ako na sa'yo nanggaling ang liham na iyon. Tumatak bawat salita mo sa aking memorya na parang isang paborito kong tula."

Nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Iniwas ko ito pero madiin ang pagkakahawak niya rito. "Manuel, ano ba!" hiyaw ko.

"Kahit sandali lang Rosenda," mahinahon niyang sagot, "Kahit sandali lang ay maging akin ka."

Napalunok ako sa sinasabi niya. Namamawis na rin ako. May kung anong kirot sa aking puso na gustong pasiyahin si Manuel, na parang may kumokontrol sa aking puso't isipan na siya ay bigyan ko ng pagkakataon.

Hinarap niya ako sa kaniya at lumapit siya sa akin. Hindi ako makagalaw sa ginagawa niya, ngayon ko lang nakaharap si Manuel nang ganito kalapit, hindi ko batid na ganito ang kaniyang nararamdaman.

"Sana hindi na lang kita dinakip noon, baka naisalba ko pa ang aking puso sa nararamdaman ko ngayon para sa iyo," sapat na ang mga sinabi niya para mangilid ang luha sa aking mata—mga luha na hindi ko alam kung bakit lumalabas ngayon, mga luhang nandito na lang bigla.

"Manuel, mahal ko si Vicente." Mariin kong pagsagot.

"Alam ko. Ngunit bakit tila iba ang sinasabi ng iyong mga mata? Umamin ka sa akin Rosenda, ikaw ang sumulat ng liham na iyon, hindi ba?"

Hindi ako naka-imik.

Bakit hindi ko magawang tumanggi?

Bakit ganito na lamang ako pakabahin ni Manuel? Parang may kung anong puwersa sa aking katawan na pinipilit ako na lumapit sa kaniya.

"Hindi mo na kailangan sagutin, sapat na ang iyong mga tingin." Hinawakan ni Manuel ang aking pisngi at ipinikit ang kaniyang mga mata. 'Di nagtagal ay dumampi na ang kaniyang labi sa akin.

Itinulak ko siya sa kaniyang dibdib at sinampal sa pisngi. Natutop ko ang aking bibig. Parehas kaming gulat sa nangyari. Hindi ko akalain na magagawa iyon ni Immanuel.

Tumayo ako at tumakbo papalayo sa kaniya. Panay ang punas ko sa luha ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan para kay Manuel. Hindi ko alam.

'Di ko namalayan na nakahabol si Manuel sa akin. "Rosenda! Sandali!" pagpigil niya. Hindi ko siya nilingon at nanghina naman ako nang maramdaman ko na niyakap niya ako mula sa likuran, pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko. "Paumanhin sa aking nagawa, gusto ko lang malaman kung wala akong mararamdaman kung gawin ko iyon sa iyo. Pero hindi, dahil naramdaman ko lahat."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. "Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit...bakit biglang ganito?"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatungo. "Si Vicente ang mahal ko Manuel, sana naman itatak mo sa utak mo iyan na kailanman ay hindi kita magagawang—"

"Rosenda, gusto kita." Sabad niya. "Kahit paulit-ulit mo sinasambit ang pangalan ng iba, iniibig pa rin kita."

Natawa ako nang sarkastiko. "Sana sinabi mo 'yan noon sa kaniya nung mga panahong nagmamakaawa siya sa pag-ibig mo."

Iniwan ko si Manuel at sinikap kong hindi na siya lingunin.





GABI NA'T PINAGMAMASDAN ko ngayon ang buwan na gasuklay ang hugis ngayon. Pinaglalaruan ko sa aking kamay ang kuwintas na ibinigay ni Vicente.

Tinitigan ko nang maigi ang kuwintas, sumakit ang aking dibdib sa aking naalala habang nakatingin ako sa bagay na ito.

"Sir, ito po ang mga gamit na nakita namin sa tabi ng anak n'yo."

Tinignan ko ang iniabot ng nurse na plastic at isa-isang inilabas ni Daddy ang laman. Nandoon ang purse, cellphone, wallet, at pabango na dala ko.

Pero may isang hindi familiar na bagay na kinuha ni Daddy mula roon sa plastic. Kuwintas ito na kulay bronze at ang pendant niya ay may maliit na orasan. Hindi ko masiyadong nakita ang detalye noon dahil hindi ko naman siya puwedeng hawakan. Hanggang tingin na lang ako. Iniangat ito ni Daddy at tinitigan na tila ay nagtataka.

"Nurse, sigurado ka bang sa anak ko ito?" Ipinakita ni Daddy iyong kuwintas.

"Yes, Sir. Nasa tabi raw po iyan ng katawan ni Ms. Dalia bago kayo dumating."

Napasapo ako sa noo dahil nagbalik sa akin ang sinabi ni Vicente noong araw na ibinigay niya sa akin ang kuwintas.

"Galing sa isang pari ang kwintas na iyan, ibig ko sana ibigay ito sa magiging anak ko hanggang maipasa niya ito sa susunod na henerasyon. Ngunit, pinili ko na lang na ibigay ito sa babaeng nais kong makasama."

Nabitiwan ko ang kuwintas.

Nakilala mo na ang taong ito—kumintal sa isipan ko ang sinabing iyon ni Padre Alvaro sa panaginip.

"Hindi...hindi." Marahil ay pagtanggi ko sa katotohanan.

Isang memorya galing kay Rosenda ang bumalik sa akin.

"Huwag, huwag mong gagawin sa akin ito." Pagsusumamo ni Rosenda sa taong nasa harap niya ngayon. Nakahandusay na sa lupa si Rosenda at pilit na ginigising ang kaniyang diwa.

Lumuhod sa harap niya ang lalaki at isang ngiti ang umukit sa labi nito. Isang ngiti na kailanman ay hindi malilimutan ng dalaga.

Tinapat niya ang hawak na rebolber sa dibdib ni Rosenda, naanigan niya ang kuwintas nito na may palawit na orasan. "Hindi mo ito malilimutan," saad ng lalaki. Tumawa siya nang malakas. "Tuluyan ka nang nahulog sa patibong ng kalaban."

Dahan-dahan na iniangat ni Rosenda ang kaniyang ulo upang masilayan ang mukha ng taong papaslang sa kaniya—si Vicente.

Walang pagdadalawang-isip na ipinutok ni Vicente ang hawak na baril. Madaling binawian ng buhay ang dalaga at iniwanan siya ni Vicente ng isang pulang rosas sa gilid ng katawan niya.

Nabahiran ito ng dugo at ngayon ay ito ang naging simbolo ng kaniyang kasarinlan. Pulang rosas para sa dugong dumanak dahil sa kaniyang kamatayan.

Napa-atras ako sa aking nalaman hanggang sa tumama ang aking likuran sa kahoy. Nahihilo na ako ngayon at pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng taong mahal ko.

Siya ang dahilan kung bakit ako narito. Siya ang pumatay kay Rosenda at salinlahi niya ang pumaslang sa akin sa modernong panahon. Lahat ng aking pagdurusa ay resulta ng kaniyang galit at poot kay Rosenda.

Napahagulgol ako nang dahil sa nalaman. Paano ko mapagtatagumpayan ang misyon na ito?

Hindi ko inaasahan ang pagkakadugtong ng mga pangyayari na parang isang misteryo na unti-unting nabuo. Nanginginig kong kinuha ang kuwintas ni Vicente na ngayon ay nasa sahig at muli ko itong inihagis at napamura ako dulot ng paghihinagpis ko ngayon.

Napakapit ako sa kahoy at tinutop ang bibig upang supilin ang boses ko na gusto nang sumigaw dahil sa sakit na aking nararamdaman. Sa lahat ng nangyari sa panahon na ito, ito ang pinakamasakit. Nanunuot hanggang sa kalamnan, tumatagos hanggang sa kaluluwa.

"Diyusko..." bulong ko sa sarili nang mapaghulo ang kailangan kong gawin.

Kailangan kong patayin si Vicente. Ito lamang ang paraan upang maisalba ko ang aking sarili.

Marahil ito nga...ito nga ang lihim ni Vicente.

Продовжити читання

Вам також сподобається

32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
31.9K 1.5K 76
Ito ay ang istorya ng isang arista na nasanay na mag isa, isa syang magandang artista ngunit masama ang kanyang ugali lalo na sa mga lalaki, galit na...
937 122 15
Si Shine ay isang evil witch na sinumsumpa ang lahat, tao, hayop o kahit halaman pa. Satingin niya ay siya ang pinskapowerful sa lahat, ewan ko kung...
220K 12.7K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...