THE BADBOY'S FIRST KISS

By jhuennstorm

361K 12.9K 1.4K

let's find out the story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 20

10.6K 434 33
By jhuennstorm

[Ryuuji]

HALOS mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko habang mag-kayakap kaming dalawa ni Aika. Ngayon ko lang ito naramdaman mula ng magkamalay ako sa mundo. Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Ang malamig na dampi ng hangin sa aking balat ay hindi nakakatulog sa nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam ng ma-in love. Masaya.

"Yats, tayo ng pumasok sa loob baka lamigin ka rito sa labas," pabulong ko sa kanya.

Naka-upo kami sa bubung ng kotse ko habang magkayakap kaming dalawa. 

Hindi sumagot ai Aika kaya naman sinilip ko siya at nakita kong nakatulog na pala siya sa dibdib ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tama nga sila maganda si Aika. Hindi ko napigilan ang kamay kong marahang haplusin ang buhok niya. Pagkatapos pumikit ako habang hinahamplos ko ang buhok niya. Limang minuto ko rin ginagawa iyon bago ko napag-desisyunan na buhatin siya at dalhin siya sa kanyang silid. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse habang yakap siya, pagkatapos pumasok kami sa loob ng bahay at dinala ko siya sa kanyang silid. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya kumatok ako.

Ilang saglit pa bumukas ito at bumangad sa'kin ang Mama ni Aika.

"Oh, anong nangyari kay Aika?" May pag-aalala sa mukha ng kanyang Mama nang makita si Aika na walang malay.

"Tita, nakatulog po siya habang naku-kwentuhan kami sa labas. Ginigising ko siya, hindi naman magising kaya dinala ko na siya rito," 

Niluwagan ng Mama ni Aika ang pagkakabukas ng pinto. "Naku, tulog mantika talaga 'yan si Aika, mahirap 'yan gisingin kapag natutulog," sabi ng Mama ni Aika.

Dahan-dahan kong inihiga si Aika sa kama at pagkatapos pinagmasdan ko siya habang natutulog.

"Maraming salamat, Ryuuji sa pagdala mo rito kay Aika," sabi ng Mama nito.

Ngumiti ako sa kanya. "You're welcome, Tita." 

"Sige na matulog ka na, alam kong pagod na pagod ka na," 

"Salamat po, good night," sabi ko pagkatapos lumabas na ako ng kuwarto ni Aika at pumunta ako sa silid na tutulugan namin. Pagbukas ko ng kuwarto nakita ko ang dalawa kong kaibigan na mahimbing na natutulog habang nakabalot ng kumot, hinubad ko ang suot kong jacket at pagkatapos ay humiga na ako sa kama katabi ang mga kaibigan ko, habang nakatingin ako sa kisame hindi ko mapigilang ngumiti habang inaalala na ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na sasagutin ako agad ni Aika. Ang akala ko tatanggihan niya ako. Our friendship is over, and we will go to the next level of our relation ang pagiging magkasintahan ay magsisimula na bukas.

                     *************

APAT na oras lang naitulog kanina ngunit sinadya kong bumangon kahit sumasakit ang ulo ko dahil sa alak na inimom ko kagabi at idagdag mo pa ang puyat. Ngunit kinakailangan kong bumangon ng maaga para surpresahin si Aika. Agad akong naligo pagkatapos sumakay ako ng kotse ko upang maghanap ng bouquet of roses. Ang sabi kasi sa'kin ni Fujima at Dan kailangan ko raw bigyan ng bulaklak si Aika. Gusto raw kasi ng mga babae ang bulaklak.

"Sir. Ito po ang mabenta sa'min na bouquet medyo pricely lang siya pero maganda siya," sabi ng tindera sa flowers shop.

Tumingin-tingin kasi ako ng mga bulaklak na maganda. Hinawakan ko ang bulaklak na hawak niya ng tindera.

"Sigurado ka ba'ng magugustuhan 'to ng girlfriend ko?" tanong ko.

Tumango ang tindera. "Opo, mas maganda po kung bibigyan n'yo siya ny love letter,"

Nagsalubong ang kilay ko. "Mukhang baduy  'yon," sagot ko.

"Hindi po mas gusto pa rin namin mga babae ang binibigyan kami ng bulaklak at love letter kaysa sa mga expensive things,"

"Sigurado ka diyan?"

"One hundred percent sure, karamihan sa mga babae gusto ng love letter, para may binabalik-balikan kaming basahin sa tuwing namimiss namin ang mahal namin,"

"Okay, I'll take that as an advice, thank you! Bibilhin ko rin 'yang bulaklak."

"Two thousand five hundred po," sabi ng tindera.

Dumukot ako sa wallet ko ng three thousand pesos. "Keep the change, thank you!"

Ang lapad ng ngiti ng tindera. "Wow! Thank you, Sir. Hindi ka lang gwapo ang bait n'yo pa, sige po i-arrange ko na po ang mga bulaklak n'yo," sabi ng tindera.

Tumango ako at pagkatapos hinintay kong i-aarrange ang bulaklak, may mga buo naman ng bouquet pero mas maganda kasi yung ipapa-arrange mo dahil parang mas fresh na fresh ang mga bulaklak. Pagkatapos niyang ayusin naghanap naman ako ng pwedeng pagbilhan ng stationary at ballpen para magsusulat ako ng love letter kay Aika. Nang makabili na ako umuwi na rin ako.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa bahay ng Papa ni Aika. Naka-ilang beses namang tumatawag si Dan at Fujima sa'kin. Ang sabi nila hinahanap na raw ako ni Aika.

Sinabi ko na lang sa kanila na papauwi na ako. Ilang minuto lang ang lumipas nasa harapan na ako ng bahay. Bago pa lang ako makalabas ng kotse nakita ko na sina Aika, Dan at Fujima na lumabas at sinalubong ako.

"Huds, saan ka galing?" tanong ni Aika sa'kin.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid nang wala akong makitang mga kamag-anak ni Aika. I bent down para halikan siya ng mabilis sa labi.

"Woah! Tang ina ang bilis!" ani Fujima.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Aika dahil sa ginawa ko, parang sasabog naman ang puso ko dahil sa malakas na tibok.

"I have something for you," sabi ko.

"Ano 'yon?"

Bigla kong naisip ang sinabi sa'kin ng tindera. Kailangan ko munang gumawa ng love letter bago ko ibigay sa kanya.

"Malalaman mo mamaya, hindi pa tapos e," 

"Gano'n ba, ikaw ang bahala, kumain na tayo," sabi niya.

"Oo nga, kanina pa kami gutom,"sabad ni Fujima.

Sumimangot ako. "Bakit hindi kayo kumain, hindi ko naman dala ang kaldero?"

"Umiral naman ang pagiging moody mo, tara na kumain na tayo," ani Aika.

"Sige, mauna na kayo may kukunin lang ako sandali sa kotse,"

"Sige, sumunod ka na lang," sabay talikod no Aika.

Pagka-alis nilang tatlo pumasok ako sa loob ng kotse at nagsimula na akong magsulat ng love letter kay Aika.

Dear Aika.

You are the reason I wake up every morning with a smile because you bring an everlasting sweetness of my life. I want to say thank you for letting me be your boyfriend, this is my first experience with a girlfriend, but I will do my best to make you happy. I want you to be satisfied with me because you are the one that I want for the rest of my life. I love you. Aika.

Ryuuji.

Paulit-ulit kong binasa ang love letter ko sa kanya, hindi 'ko alam kung tama na ba ang ganitong messege dahil first time ko lang naman ito ginawa. Pagkatapos kong isulat inipit ko 'yon sa bulaklak na binili ko at pagkatapos binitbit ko 'yo papasok ng bahay. Huminga ako ng malalim nang nasa entrance door ako. Kinakabahan kasi ako. Hindi naman ako dapat mailang sa mga tao sa loob dahil alam naman nilang girlfriend ko si Aika. Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kaba. 

"Bahala na!" sambit ko.

Humakbang ako papasok ng bahay at dumiretso ako sa kusina. Nagkatingininan silang lahat sa'kin nang pumasok ako. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibabaling ang leeg ko dahil sa nakatitig sila sa'kin. Mabuti na lang talaga at tatlo lang sila sa kusina kung naroon pa ang pamilya ni Aika baka hindi na ako tumuloy pumasok sa loob.

"Wow! Nagle-level up ka na may pa-flowers na siya," pan-aasar ni Fujima.

"Binata na si Ryuuji," sabay tawa ng malakas ni Dan.

"Gago kayo!" Inis kong sabi.

Lumapit ako kay Aika. Pulang-pula ang mukha nang nasa harapan niya ako. "Flowers for you, Yats," sambit ko.

Ang lapad ng ngiti ni Aika nang tanggapin niya ang bulaklak. Inamoy-amoy pa niya ito, ganito pala ang pakiramdam na na-appreciate ng taong mahal mo ang efforts mo, sulit ang puyat ko dahil nakita kong masaya siya.

"Thank you, ang ganda at ang bango,"

"May love letter ako basahin mo mamaya," nahihiya kong sabi.

Narinig kong humalakhak ang dalawa kong kaibigan, nagsisi tuloy ako kung bakit sinama ko pa sila. Wala kasi silang ginawa kung hindi ang asarin ako ang sarap nilang bugbugin.

"Putcha! Nilalanggam ako, pa-halik naman Dan," sabi ni Fujima.

"Humingi ka ng halik wala namang pulis," sabad ni Dan.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinasabi nila. Nagka-tinginan kaming dalawa ni Aika pagkatapos nagulat ako nang tumayo siya at bigla niya akong hinalikan sa labi. Mabilis lang 'yon pero gumapang ang kuryente sa katawan ko. Nanlamig ako at natulala, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Naghiyawan ang dalawa kong kaibigan, dalawa lang sila pero parang isang buong baranggay ang ingay nilang dalawa.

"Kilig na si Baby Boy, Yiee!" Ani Fujima.

Tumalikod ako kay Aika at lumapit sa dalawa kong kaibigan pagkatapos marahan  ko silang sinuntok sa braso.

"Gago kayo!" 

Humalakhak ang dalawa. "Ang baduy ng reaction mo para kang Alien!" sabay halakhak ni Fujima.

"Kumain na tayong tatlo, ang sabi ni Papa, mamaya raw maliligo tayo sa batis," ani Aika.

"Maganda ba ang batis rito?" tanong ni Fujima.

"Marami ba'ng babae na naliligo sa batis?" tanong naman ni Dan.

"Hindi ko alam dahil first time ko lang din na pupunta sa batis mamaya, excited na nga ako," sagot ni Aika.

"Kumain na tayo para makapaghanda na tayo ng dadalhin," sabi ni Fujima.

Sabay-sabay kaming kumaing apat. Naging sweet naman sa'kin si Aika dahil nilalagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. Nakakaramdam ako ng hiya sa dalawa kong kaibigan pero mas maganda ang pakiramdam 'ko ngayon, siguro ito 'yung sinasabi nilang kilig.

"Malayo pa ba?" ilang beses na tanong ni Dan habang naglalakad kami papunta sa batis. Bawal kasi ang kotse dahil hindi kasya sa daanan. Mahigit sampung minuto na kaming naglalakad papunta sa batis. Bitbit ko ang bag ko at ni Aika. Samantalang bitbit naman ni Fujima ang mineral water na nakalagay sa isang gallon, samantalang si Dan bitbit ang isang malaking basket na may lamang pagkain. Kasama namin ang Mama at Papa ni Aika.

"Medyo malapit na tayo," sagot ng Papa ni Aika.

"Para tayong nag-mountain climbing ang layo pala ng batis rito, useless kung maliligo ka pag-uwi mo pawisan ka rin," ani Dan.

"Hindi lang kayo sanay kaya akala n'yo malayo," sagot ng Papa ni Aika.

Kumindat ako kay Aika nang magkasalubong kami ng tingin. Tumawa naman siya sa'kin pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko, ako naman pinisil ko 'yon, kung sila Dan at Fujima napapagod sa paglalakad ako mas na-eenjoy ko 'to dahil kasama ko si Aika ng matagal.

"Dan, grabe ang daming langgam dito," ani Fujima.

Napangiti na lang ako nang marinig ko ang sinasabi ni Fujima.

"Kahit saan ka lumingon ang daming langgam,"

Alam ko na ang ibig sabihin ng dalawa dahil ang magulang ni Aika ay magkahawak ang kamay  habang masayang nag-uusap.

"Iwasan n'yo na lang para hindi kayo kagatin," sagot ko.

"Nandito na tayo," sabi ng Papa ni Aika.

Napanganga kami sa batis na sinabi ng Papa ni Aika. Maraming puno sa paligid at ang linis ng tubig napansin din namin na may falls doon. Marami rin ang mga taong naliligo roon. Ang lamig din ang hangin sa lugar na iyon.

"Sulit ang pagod natin Dan," nakangising sabi ni Fujima.

May mga dalaga kasing naliligo sa batis kaya gumanda ang mood ng dalawa kong kaibigan.

"Oo nga, mukhang mag-eenjoy ako rito," ani Dan.

Naglatag kami ng banig at kumot sa gilid ng batis at pagkatapos inilipag namin ang mga dala naming gamit. Pagkatapos agad ba lumusong ang dalawa kong kaibigan kung saan maraming babae. Kami naman ni Aika ay lumusong sa tubig, naiwan ang magulang ni Aika para mag-bantay ng dala naming gamit.

"Ang lamig!" ani Aika nang lumusong kami sa tubig.

Sobrang lamig kasi ng tubig sa batis. Pumunta kami sa may falls kung saan malalim ang tubig doon, maligamgam naman ang tubig doon. Magkahawak ang kamay naming dalawa ni Aika habang nagbabad kami sa tubig.

"Miss, ganda!" Narinig kong tawag ng lalaki na isang metro ang layo sa'min.

Hindi iyon pinansin ni Aika kahit alam kong siya ang tinutukoy nito.

"Miss na maganda na nakasuot ng red t-shirt!" tawag uli ng lalaki.

"Ako ba?" tanong ni Aika.

"Ikaw nga, anong pangalan mo? Pinapatanong ng kaibigan ko," turo nito sa katabing lalaki.

Inakbayan ako ni Aika. "Itanong n'yo rito sa boyfriend ko," sabay ngiti sa'kin.

Tinitigan ko naman ng masama ang dalawa. Subukan nilang mangulit maiiwan ang katawan nila sa batis.

"Pre, taken na pala siya," sabay alis ng dalawa.

"Huwag ng mainis," sabay haplos niya sa mukha ko.

"Hindi naman ako naiinis," pagsisinungaling ko.

"Hindi raw kaya pala ganyan itsura mo," pagkatapos bigla niya akong winisikan ng tubig na sunod-sunod.

"Ikaw ha!" Winisikan ko rin siya ng tubig. Sumisid si Aika sa malamin at hinabol ko siya. Pagkatapos nagulat ako nang biglang lumubog si Aika sa ilalim ng tubig.

"Aika!" Sumisid ako upang sagipin siya, mula sa ilalim nakita ako ang paa niya ay naipit ng malaking bato kaya hindi siya makalangoy. 

Inaalis ko ang bato ngunit dahil malaki ito medyo nahirapan akong alisin. Nakakainom na ng tubig si Aika dahil nasa pinakamalim kami na parte ng batis. Tumakbo na rin sina ang Papa ni Aika, Dan at Fujima para tulungan kami. Pinagtulungan naming alisi  nina Dan at Fujima ang bato mula sa ilalim. Nang maalis namin iyon binitbit naman si Aika ng Papa niya, wala ng malay si Aika. Kinabahan ako at natakot, nagkagulo na rin ang mga tao sa may batis sa'min na natuon ang atensiyon. Inihiga si Aika sa batuhan. 

"Ako na po," sabi ko.

Sini-CPR ko siya iyon kasi ang basic na ginagawa kapag nalulunod. "Aika, wake up," sambit ko habang sini-CPR ko siya. Ilang minuto pa, bigla siyang umubo. Nakahinga ako ng maluwag. 

"Thanks God!" bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung magalit ang magulang ni Aika. 

"I was scared of losing you," sabi ko.

"Thank you for saving my life."

Nagsibalikan na sa kanya-kanyang lugar ang mga tao at nagpatuloy na sila sa paliligo. Hindi na kami muling naligo ni Aika. Kami na lang ang bantay sa mga gamit namin. Pagkatapos nilang magsawa sa tubig, kumain kami ng sabay-sabay pagkatapos magpahinga muli silang naligo kami naman ni Aika ay nagbihis na ng damit. Nagbanlaw kami sa poso na malapit doon. Pagdating ng hapon umuwi na kami.

"Papa, babalik na po ako ng Manila, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko," sabi ni Aika habang naglalakad kami pauwi.

Pinisil ko ang palad ni Aika kaya tumingin siya sa'kin. Ngumiti siya sa'kin.

"Alam kong sasabihin mo 'yan sa'kin, sige, bumalik na lang kayo rito kapag wala kayong pasok,"

"Salamat po," sabi ng Papa ni Aika.

"Ingatan mo ang anak ko, Ryuuji," sabi ng Papa ni Aika sa'kin.

"Makaasa po kayo," sagot ko.

"Good, dadalaw na lang ako sa inyo anak kung papayag ang Mama mo," sabay tingin sa Mama ni Aika.

"Walang problema, free kang pumunta sa bahay," sagot ng Mama ni Aika.

"Salamat po, Papa sa pagtanggap mo sa'min dito,"ani Aika.

"Salamat din sa pagpapatawad mo sa'kin," nakangiting sabi ng Papa ni Aika.

Nakangiti ako habang nakikinig ako sa usapan nila. Proud ako sa girlfriend ko dahil sobrang bait niya, nagawa niyang magpatawad sa Papa niya, pangako sa sarili ko na hindi ko siya papaiyakin dahil ang katulad ni Aika ang babaing dapat siniseryo at minamahal ng lubusan.

Continue Reading

You'll Also Like

521K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
217K 14.1K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.7M 74.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.