Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Epilogue

356 23 38
By jmaginary

JOIN THE FACEBOOK GROUP NOW! Daydreamers & Wanderers ang name, link is on my profile.

LIKE THE FB PAGE! Reveries & Wonders ang name, link is on my profile

Enjoy reading!

****
EINDREID

Ten years later....

Sinara ko ang pinto ng sasakyan ko at iniwan lahat ng gamit sa loob maliban sa aking susi at bulaklak. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga bulaklak na nasa kamay ko habang naglalakad ako palapit kay Chord. Kakaulan pa lang at medyo basa pa ang damuhan. Makulimlim parin ang kalangitan. Buti nalang at hindi puti ang sapatos na suot ko ngayong araw.

"Chord..." Saad ko nang katapat ko na siya. Marahan kong nilapag ang mga bulaklak na hawak ko sa puntod niya.

"Kamusta ka na?" Tanong ko at pinagsama ang mga kamay ko, "Okay ka lang ba r-riyan?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang bumalik ulit ang sakit ng kahapon. Huminga ako nang malalim para mapigilan ang mga luhang nagbabayadyang tumulo. Subalit, bigo ako.

"Chord, pasensya ka na kung ngayon lang ako nakadalaw." Saad ko. "Sablay pa nga kasi hindi manlang ako nakauwi nung isang araw para sa d-death.."

Napalunok ako at nagpunas ng luha, "Death anniversary mo." Pagpapatuloy ko.

"Chord, ang hirap nung nawala ka." Saad ko, "N-ni wala ako nagawa para manlang makita kahit sa h-huling sandali."

Humigop ako ng hangin at napapikit nang mariin, "Ang daya mo kasi." Saad ko, "Ang daya-daya mo."

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, "Ayaw mong iwan ka. Hindi ba't 'yun ang sabi mo?" Saad ko, "Pero bakit ikaw ang nang-iwan ngayon?!"

Saktong pagsigaw ko ay siyang pagbuhos din ng ulan na para bang nakakaramdam ito sa akin. Napayakap ako sa sarili ko, "If only you endured just another day, Chord. Kung sana hindi ka lang bumitaw agad. Kung sana nag-intay ka lang.."

Humalo na ang luha ko sa ulan, "Chord, tama ka." Saad ko at napaluhod sa harapan niya, "I'm smart!" Bulalas ko.

Napayukom ako ng aking mga kamao, "Nung sinabi sa akin ni Jane kung paano ka namatay, doon ko napagtanto lahat!"

Napapikit ako at kusang bumalik ang mga alaala sa isipan ko.

"Kararating ko pa nga lang, papaalisin mo na agad ako."

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na tawa na 'yon. Binuksan ko agad ang lampshade ko at tinignan ang nakatayo sa gilid ng kama ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Isang morenang may kulot na buhok at nakasalamin. Basang-basa ang damit nitong t-shirt at pantalon, at tumutulo pa nga ang tubig sa sahig.

"Hindi ko alam kung posible ba na mangyari 'yon." Saad ko at inangat ang aking paningin, "Na 'yung oras ng pagkamatay mo ay siya ring pagbisita mo sa akin ng gabing 'yon."

Napahigop ako ng hangin, "You felt so real, Chord." Saad ko at tinaas pa ang kamay ko tungo sa kaniya, "I even touched you that night." Mahina kong saad at binaba ang kamay ko.

"You drugged yourself Chord then, drowned yourself in the tub." Iniisip ko palang kung paano niya nagawan 'yon ay mas lalong naninikip ang dibdib ko, "Ang talino mo, Chord. Sinigurado mo talagang..."

Mas lalong lumakas ang ulan at hindi na ako nag-atubili pang punasan ang luhang patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko, "Wala kang takas." Pagtapos ko.

"Nung umaga, hindi ko nabasa agad 'yung link na sinend mo sa'kin." Saad ko, "Hindi ko alam kung dapat bang binaba ko ang phone ko ng mga oras na 'yon o piniling basahin 'yung mensahe mo."

Inalala ko ang tula na sinulat ni Chord nung kaarawan niya. Record niya ang sinend niya sa akin.

Pag ako namatay, walang malulumbay.
Walang malulungkot, lahat makakalimot.
Pag ako namatay, wala nang pabigat.
Magiging maligaya silang lahat.

Aking pamilya'y nasira.
Malayong-malayo na sa aking sinisinta.
Simula nang ako'y iwanan ng aking ama,
noong nasa tiyan pa ako ni Ina.

Pag ako namatay, ako'y makakalaya,
sa lahat ng pasakit ng tadhana.
Pag ako namatay, wala nang sagabal,
na sa kanila'y nagpapapagal.

Marami akong mga pangarap,
na hanggang sa panaginip nalang.
Dahil alam kong hindi nila ako tanggap,
tingi'y isang patapon nalang.

Pag ako'y mawala na parang bula,
walang mag-aatubilit't mag-aabala,
na ako'y hanapin at sunduin,
sa isang lugar na mapanglaw at madilim.

Aking poot, galit at pagdurusa,
ay wala lang sa kanila.
Ano nga bang saysay pag sila'y mangielam pa?
Sa tulad kong wala nang pag-asa.

Ako ba ay masisi mo?
Kung bakit ko sinasambit ang mga 'to.
Magpalit kaya tayo ng pwesto,
para dinadanas ko'y malaman mo.

Mahirap ba intindihin?
Hindi naman kita pipilitin.
Matagal na itong nasa aking dibdib,
at ngayon ko lang nais ibahagi.

Sana, lahat ng alaaala ko'y mawala,
Sana, lahat ng dinadanas ko'y maglaho na.
Sana, lahat ng iniinda ko'y tumigil na
At sana, hindi na ako mahirapan pa.

Gamit ang upuan, at isang mahabang tali,
matutupad ko narin ang matagal ko nang hiling.
Malapit na. Ang mga 'yan ay makakamtan ko rin.
Pag ako'y namatay na.

"Hindi ako makapaniwalang sinulat mo 'yon nung 12 years old ka." Saad ko, "At sa mismong birthday mo pa."

"Huwag kang magagalit ha." Pagpapaalala ko sa kaniya, "Sinend ko rin sa nanay mo 'yung  tula oras na nabasa ko 'yon."

"Alam mo ba kung anong reaksyon niya, Chord?" Pagtatanong ko sa hangin, "Tinawagan niya ako. We both cried over the phone without even uttering a word." Saad ko.

"At alam mo kung anong mas masakit?" Nataas na ang boses ko, "Narinig ko 'yung six years old mong kapatid na si Marie na tinatanong ka kung kailan ka gigising!"

"Mali ka, Chord " umiiyak kong sambit. "Wala sa amin ang naging masaya! Wala sa amin ang nakalimot sa'yo, Chord."

"Mali ka. Mali ka. Mali ka. Mali ka." Ulit-ulit kong saad habang hinahampas nang walang tigil ang lapida ni Chord. Nagpakawala ako ng malakas na sigaw at umiyak muli.

Napatingin ako sa kalangitan at napapikit. Hinayaan kong tumulo ang bawat patak ng ulan sa mukha ko at humalo sa luha ko. Ang bigat-bigat parin ng pakiramdam ko.

Ilang beses nga ba akong umiyak?

Ilang beses na humiling na maibalik ang oras?

Ilang beses na makasama ka ulit?

Binalik ko ang tingin ko sa lapida niya.

"Chord, hindi ko kayang kalimutan ka." Saad ko, "Kahit saan ako tumingin, kahit nasa banyaga akong bansa, ikaw at ikaw parin ang nakikita ko."

"Naririnig ko."

"Naiisip ko."

"Beks, ang hirap mag-adjust sa New Zealand," pagke-kwento ko, "Bukod na ibang-iba 'yon kaysa rito sa Pinas, wala akong mahanap na tulad mo."

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa buong pangalan na nasa puntod niya, "Siguro kung andito ka, baka pagalitan mo ako no?" Pilit kong pagbibiro, "S-sabihin mo siguro, Huwag mo kasi akong gawin batayan. Wala ka talagang mahahanap na tulad ko."

Sumagana ang tulo ng mga luha ko, "Chord, gusto kong marinig ulit ang boses mo." Saad ko.

Napahikbi ako, "B-bumalik ka na, please."

Hindi ko alam kung ilang minuto ako o oras na namalagi sa puntod ni Chord. Tumigil na ang ulan noong napagpasyahan ko nang bumalik sa sasakyan ko at ipahinga ang sarili ko sa loob. Kinuha ko ang towel na nakalagay sa kahon ko sa likod at binalot ito sa aking sarili. Hinayaan ko lang din nakabukas ang mga bintana para pumasok ang init. Sumandal ako sa aking upuan at tumingin sa malayo.

Nanginginig ang buong katawan ko at tuwing humihinga ako ay nararamdaman ko ang lamig. Subalit, wala lang para sa akin 'yon. Mas matindi parin kasi ang sakit na nakaguhit na sa puso't isipan ko.

Inabot ko ang phone ko nang mapansin kong kanina pa itong tumunog. Sunod-sunod. Walang pakundangang binuksan ko ang phone ko at nanghina agad.

Rox:
Miss na namin si Miss author.

Trish:
Better late than never.
Gusto lang namin alalahanin si Miss Author. Death anniversary niya nung isang araw.

Nag-scroll pa ako pababa at marami pa akong nabasang mensahe para kay Chord.

Nathe:

Nakakalungkot isipin na ang stories ni miss author, hindi niya natapos. Pero 'yung buhay niya nagawa niyang tapusin.

Belle:

Kung sana ganito tayo magparamdam sa kaniya noon, baka natulungan natin siyang pigilan 'yung ginawa niya.

Francis:

Kung sana hindi tayo nanatiling tahimik.

Ngayon ko lang nakita itong mga posts nila sa group ni Chord. Wala masyadong nagpo-post dito dati at tanging si Chord lang masipag na nagri-reach out.

Binaba ko ang phone ko at kumuha na ng pamalit. Matapos kong magbihis ay nagmaneho na ulit ako. Bibisitahin ko ang mga kamag-anak namin ngayong naririto ako sa Pinas. I'll be staying no longer than two weeks. Sa ngayon, magpapahinga muna ako.

Tama nga siguro ang sabi nila na tsaka mo lang malalaman ang kahalagahan ng isang bagay kung wala na ito. Hindi ko alam kung paano nalaman ng readers ni Chord na wala na siya pero hindi maipagkakaila na naging parte rin si Chord ng buhay nila.

Kahit maliit lang.

Kahit saglit lang.

Pagkarating ko sa hotel na tutuluyan ko ay dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko ay nag-ayos muna ako at hinanda ang sarili para bumaba at makakain sa restaurant ng hotel na 'to. Sinuot ko lang ang pula kong bistida, itim na sapatos, at itim na purse. Naglagay nalang din ako ng hikaw at tinaas ang itim kong buhok. Lumabas na ako nang makuntento sa itsura at sinara ang kwarto gamit ang card ko.

Pagharap ko ay naabutan ko ang isang babae na nakatayo sa tapat ng kwarto niya. Napatitig ako rito nang maigi. Kulot na buhok, morena, at salamin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig pero nakita ko siyang ngumisi, dahilan para lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi. Kinuha nito ang sumbrero na nasa ulo at itinupi ang mga braso sa dibdib. Sumandal siya sa pinto na nakatagilid at habang suot ang ngisi, hinarap niya ako.

"Why are you staring at me?" Tanong niya. Napakurap ako at biglang may alaalang pumasok sa isip noong una kaming nagkita ni Chord.

"Why you looking at me?" mahina niyang tanong at nginisian ako. Hindi ko siya tinugon.

Napaawang ang bibig ko nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"Sus, mga ganiyang galawan." Saad niya at ngumiti na parang aso. She looked at me for seconds at biglang naging blangko ang ekspresyon ng mukha, "Stop staring. You're making me uncomfortable."

Totoo ba 'tong nangyayari sa akin ngayon? This girl in front me looks like a spitting image of Chord. Besides that, parehas na parehas din ang sinabi niya nung una kong nakilala si Chord. And the way she moves? She also has that zing like my late Chord.

Napakurap nalang ako nang nakita ko itong napailing-iling at hinarap ulit ang pinto niya. Ini-swipe niya ang card niya at nagsimula nang humakbang palayo. Mabilis ang naging galaw ko at hinatak ang dulo ng kulay dark green niyang jacket. Naguguluhan itong napatingin sa akin.

"Name." Hingal kong saad at tinitigan siya direkta sa mga mata niya, "Give me your name."

"Cadence..."sagot nito, "Cadence Madeleine Ola."

Nanlaki ang mga mata ko.

C.M.O

Chord Maddison Odino.

Maging ang initials nila magkaparehas.

Naramdaman ko ang marahang pag-alis nung Cadence sa pagkakahawak ko sa jacket niya. Napakurap naman ako at bahagyang napaatras. Nakita ko siyang ngumisi.

"That's not fair." Saad niya at sinuot ang mga kamay sa bulsa ny itim niyang pantalon. Nilipat niya ang bigat ng kaniyang katawan sa kaliwa niyang paa.

"Give me your name too." Aniya. Napailing-iling ako habang nakangiti. The assertiveness is the same too.

"Eindreid Maine Santillan." Sagot ko. She looked at me from head to toe, "You look gorgeous, by the way." Pagpupuri niya.

Pinigilan kong hampasin ang braso niya kasi hindi naman siya si Chord, "Thanks." Maikling sagot ko.

"Are you going to the restaurant?" Tanong niya. Tumango naman ako kaagad. Pinagalaw niya ang ulo tungo sa dadaanan namin, "Let's go together. Doon din ako pupunta." Pag-iimbita niya.

"Okay," sagot ko at humigop ng hangin, "Of course."

Sinabayan ko siya sa paglalakad. She's still wearing that cheeky smile. Sa loob-loob ko, gusto kong tanungin si Chord kung coincidence ba ito. The girl beside me makes me feel the same.

"My band and I is going to play tonight."pagsisimula niya ng usapan, "Panuorin mo kami ha." Nakangiti nitong saad.

"Wow. Ikaw ba 'yung vocalist?" Tanong ko. Tumango siya, "How did you know?"

Nagkibit balikat ako, "Based on my observation, your pronounciato is different from a normal pinoy. You sound like you do broadcasting. Pero dahil sinabi mong nasa banda ka, naisip ko na baka singer ka." Mahabang paliwanag ko.

Her lips formed a smile. She looks amused, "Madaldal ka papa pagpinag-uusapan observations mo." Komento niya. Ayan na naman siya. Saying the same things like Chord.

Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hindi si Chord itong kasama ko. Ibang tao parin siya. They might talk and act the same but still, they are different. I should start seeing Cadence for who she is and not in the shadow of my late Chord.

"Dito ka na umupo. Maganda ang anggulo riyan." Pagturo ni Cadence sa isang table na pang double lang. Tumango nalang ako at pinagmasdan siyang umakyat sa stage. Tumulong na siyang mag-set up nung mga instruments nila.

"Ma'am, menu po."

Napatingin ako sa waiter na biglang nagsalita sa gilid ko. Nginitian ko ito at kinuha 'yung Menu. After some minutes ay tinawag ko siya ulit.

"I'd like to have a steak and a red wine. For the dessert, just give me this cake." Saad ko. Mabilis naman niya 'yong sinulat at nagpaalam na.

"Good evening, everyone."

Napatingin ako sa harap nang may magsalita na rito. Nakahawak na si Cadence sa microphone.

"So the song we will be playing is about knowing where you feel like you belong, and choosing to overcome the barriers to stay. This song is called I Choose." Saad ni Cadence. Pagkatapos niya ay nagsimula na ang intro ng kanta. Napatitig ako sa kaniya.


"All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old-fashioned days
But all the roads led me to you"

Pakiramdam ko ay may naglaro sa loob ng tiyan ko nang marinig ko ang kinakanta niya. It was the song that Chord sang to me that night.

"The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
People in life, they will come and they'll leave
But if I had a choice I know where I would be"

Napatingin sa direksyon ko si Cadence at nakita ko siyang ngumiti. Napangiti nalang din ako.

"Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you

Now I found the strength
To make a change
And look at the magic I found
No matter the name
Or where you came from
'Cause no one has much figured out"

Kasabay ng lakas ng pagtibok ng puso ko ay siya ring paglakas ng pag-strum ni Cadence sa gitara niya.

The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
I finally found where I feel I belong
And I know you'll be there with wide open arms

Napatingin ulit sa akin si Cadence. Suot parin ito ang isang ngiti subalit bigla itong napalitan ng pagtataka. Napahawak ako sa pisnti ko nang maramdaman ko nalang na basa na pala ito.

"Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you

I choose you"

Napapikit si Cadence at biglang humina ang kanilang musika.

"Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light"

Lumakas ulit ang kanilang tugtog at tumaas na ang nota ni Cadence.

"Through the lows and the highs I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you
Oh, I choose you"

"I choose you." Kanta niya habang nakatingin sa akin. Nagpalakpakan na ang mga tao at nakiisa rin ako rito.

"Thank you!" Sagot ni Cadence at bumaba bigla ng stage. Habant nag-aayos pa ang mga ka-banda niya para sa susunod nilang kanta ay umupo ito sa tapat ko.

"Hey.." saad nito. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala, "Are you okay?" Tanong nito.

Umiling-iling ako, "Wala 'to. Masyado lang kasing nakakadala 'yung kanta mo." Saad ko. Ngumiti ito at inabot ang kamay ko sa mesa. Pinisil niya ang kamay ko at bumitaw din naman agad.

"Thank you. We'll be singing a relaxing and happy song next so huwag ka nang umiyak ha." Mahina niyang saad at bumalik na ulit sa stage. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ng mga kabanda niya at ang ngiti nilang nang-aasar kay Cadence.

"Here's your order, Ma'am."

Nilingon ko na ang table ko at hinawi ang buhok na nasa gilid ng tenga ko. Susubo palang ako pagkain ko nang biglang may umupo na namannsa tapat ko.

"I don't like the idea that you're eating alone." Saad ni Cadence at sinenyasan ang waiter. Nakita kong tumango ang waiter at parang may pinrocess na order. Napataas ang kilay ko. Bakit parang alam na ng mga andito ang kinakain ng babaeng 'to? Sa simpleng muwestra lang ng kamay.

"Hey,"

Ibinalik ko ang tingin ko sa aking harapan nang magsalita si Cadence. Sinalubong ako ng dark brown niyang mga mata.

"Why are you being so nice to me?" Tanong ko. Sumandal siya sa upuan niya at nagkibit balikat. Ngumiti siya at pinakita ang dimple.

"I don't know," she replied, "I feel drawn to you."

"Hmm, really?" Saad ko at sumubo ulit. Nakipagtitigan ako sa kaniya at gano'n din ang ginawa niya. Ilang segundo ang itinagal ng munti naming staring contest hanggang matawa nalang kami.

"Ano bang ginagawa natin?" Tumatawa niyang saad. Tumawa nalang din ako at pinagpatuloy ang aming usapan.

Kung ito ang paraan ng tadhana para bigyan ulit ako ng tyansa na makasama si Chord,

I might give it a shot but Chord will always have a special place in my heart.

Yes, there are chances in this world that Chord can have duplicates, just like Cadence, the person I am with right now. Same looks, same voice, and same zing.

However, Chord is the only Tri-Bi Genius who existed in this universe for me, and no one can replace her.

The End

###

My cover of the song "I Choose" is in the yt video above!! Ayan yung kinanta ni Chord at Cadence. Medyo rush yung cover hehe for this

Hello! How's the epilogue?

Sino kaya si Cadence? Sasagutin ko 'to sa FAQ! Please comment down your questions para masama rin!

IF YOU HAVE COME THIS FAR, THANK YOU SO MUCH FOR READING!!!

SHAMELESS PLUG (all links in my profile)

Facebook: Chris Oca (Personal account ko na gamit ko ngayon. Link is on my message board)
Twitter: chrstnmrvc
Dreame: Chris Rolfe
Email: chrstnmrvc04@gmail.com

Continue Reading

You'll Also Like

5K 88 33
Nais mo bang matutong lumikha ng libo-libong tula? Mga tulang gusto mong maging daan upang ika'y maging malaya? Tama ang napuntahan mo, makata. Ang a...
17.4K 966 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...