When The Guardians Fall

By DJadine36

3.4K 136 11

(Taglish) Plot story of mine and LuluNatividad. I'm very thankful to her.❤ Guardian Angels and guardian devil... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue
Special Chapter
Author's Note! ❌

Chapter 1

379 12 1
By DJadine36

The Beginning

Today is one of the happiest days in Elise's life dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makalabas sa heaven upang makapasok sa mundo ng mga tao o mas kilala sa tawag na the earthly one. Ang tulad niyang anghel ay hindi basta-basta pinapayagang makapasok sa mundong iyon hangga't hindi napapatunayan na deserving sila na tumungtong sa mundo ng mga tao at atasan ng mabigat na tungkulin.

That task is the supreme task and the hardest task na maaaring i-atas sa lahat ng mga anghel at ang tungkulin na iyon ay ang bantayan, gabayan at protektahan ang mga taong iaatas sa kanila. Mga respetado at magagaling na anghel ang mga napiling makatanggap ng ganoong tungkulin at isa siya sa mga chosen one.

Hindi na siya makapaghintay na makakita ng mga tao in person at hindi sa isang malinaw na tubig lang na animo'y isang telebisyon kung tawagin ng mga tao. Without any last hug and kiss from her family ay nagmamadali siyang lumisan sa loob ng bahay nila na made in clouds pa.

Using her white, shining, big and gorgeous wings ay nilipad niya ang kinaroroonan ng nag-iisang gate sa langit. Dalawang anghel ang nakabantay sa malaking tarangkahan na nagbubuklod sa langit at sa mundo ng mga tao, sandali nalang at makakatapak narin siya sa mundo na nais niyang mapuntahan noon pa man.

"Sandali."   pinatigil siya ng isa sa mga tagabantay nang subukan niyang lumagpas sa malagintong gate.

"Impormasyon?"   dagdag na tanong pa nito.

"Ako si Elise, angel number 1007 at isa ako sa chosen angels na makakatanggap ng tungkulin na maging isang guardian angel."   sagot niya.

Sandaling sinipat ng tagabantay na anghel ang hawak nitong tablet. Gaya ng mga tao ay nag-improve rin ang kanilang sistema upang sabayan ang mga ito sa uso at maaari nilang gamitin ang kaalaman na iyon bilang advantage once na magkatawang tao sila.

Ang mga guardian, guardian angel man o guardian devil ay may kakayahang magkatawang tao upang ma-impluwensyahan ang earthly one na ginagabayan nila at isa lamang ang maaaring mag-anyong tao. Sa pamamagitan ng one on one battle against angel and devil ay malalaman kung sino ang maaaring magkatawang tao.

Once na manalo ang isa sa kanila ay iyon ang masuwerte, ngunit kapag natalo ay mananatili sila sa totoong anyo at walang ibang kayang gawin kundi ang bumulong sa ginagabayan nilang tao. Kaya naman bata palang ay sinanay na niya ang sarili sa pakikipaglaban.

"Maaari kanang lumabas."

She took a deep breath and put a big smile on her lips bago tuluyang nilagpasan ang napakalaking gate na naging barrier sa dalawang mundo, ang langit at ang earth. Hindi agad siya nagdalawang isip na magtungo sa Angel's Organization, isang malaking palasyo na itinayo sa himpapawid para pansamantala nilang tirahan.

Naroon rin sa organisasyon na iyon ang ilan sa mga respetadong konseho ng mga anghel para mamahala sa kanila. Ang pagbabantay sa mga tao ay hindi biro kaya marapat lang na mga respetado at mula sa kataas-taasang anghel ang mamuno sa kanila.

"Elise 1007?"   anang malumanay na boses ng lalaki.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Isang nakangiting matandang lalaki ang naglalakad palapit sa kanya. Sa hinuha niya ay mahigit isang daang taon na itong nabubuhay ngunit ang mga pakpak nito ay kumikinang parin at mukhang maayos pa para gamitin sa paglipad.

"Ako nga po."

"Ako si Professor Sauriel at ako ang naatasan ng kataas-taasan na gumabay sa inyong mga bagong chosen angels."   pagpapakilala nito.

"Masaya po akong makilala kayo Professor Sauriel."

"Ako rin. Ngunit tama na ang meet and greet dahil huli kana sa una nating klase."

Hindi na siya nakasagot ng talikuran siya nito at naglakad patungo sa kung saan. Unang araw pa lamang niya rito pero nahuli agad siya sa klase, nasungitan pa siya ng professor niya. Pero hindi bale dahil babawi siya, ipapakita niya rito at sa mga kasamahan niya na deserving siya na maging chosen one.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mga napiling anghel dahil nagawa ninyong makapasa sa mga pagsubok na ibinigay namin sa inyo kung paano maging isang mahusay na guardian angels. At ngayon ay ipapakilala ko sa inyo ang inyong mga makakatapat na guardians mula sa ating kalabang organisayon."   mahabang litanya ni Professor Sauriel nang makapasok agad ito sa silid.

She is quiet listening while standing in the corner of the room. Siya na lamang pala ang hinihintay ng mga ito, at dahil nahuli siya sa klase ay naubusan siya ng upuan. Hindi narin kasi mabilang ang mga anghel na kasama niya sa loob ng silid dahil sa sobrang dami.

"They are the guardian devils from Devil Organization."

May nagflash na video sa TV screen kung saan live nilang napapanuod ang hindi mabilang na devils sa loob ng silid. Mukhang gaya nila ay nasa oras ng klase ang mga ito, at maaaring gaya nila ay napapanuod rin sila ng mga ito.

"Bulaga!"

Ganoon na lamang ang pagkagulat nila nang may lumabas na matabang devil mula sa ilalim, nagsimulang magtawanan ang ibang devil na kasama nito. Napa-iling-iling na lamang siya dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa ng mga ito.

Some of them is throwing a crumpled sheets of paper in the camera, some of them is doing a dirty finger while the others are making dirt in their own classroom. No wonder kung bakit nagagawa ng mga ito ang ganoong mga bagay dahil likas na sa kanila ang maging ganoon, they are devil though.

But all of the devil in that live video, ang isang devil na guwapong lalaki na nagdadrawing sa pader gamit ang pintura mula sa kung saan ang nakaagaw ng pansin niya. Ngayon nya lamang nalaman na hindi lahat ng devil ay nakakatakot ang mukha dahil ang lalaking nakaaagaw ng pansin niya ay talaga namang makalaglag panga.

She really doesn't know to herself kung bakit siya nakaramdam ng biglaang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso nang magtama ang kanilang mga mata. He has this color gray eyes and his gaze is so intimidating that almost kill her deep inside, what is going on between them?

Napasinghap siya dahil sa sunod na nangyari. That handsome devil with a not so long maroon horns in his head just smirked on her at nagdirty finger pa ito sa kanya. Aba't bastos na devil iyon! Huwag lamang ito magpapakita sa kanya dahil once na magtagpo ang landas nila ay babalatan niya ito ng buhay!

"Nakita ko iyon,"   anang babae na basta nalang lumapit sa kanya.

"He's rude!"   she hissed.

"Bakit parang gulat na gulat ka? He is devil at ano pa ba ang aasahan mo na gagawin ng isang tulad niya?"   natatawang tanong nito sa kanya, natameme siya sandali.

"This is my first time encountered a devil and through video pa."

"Me too. Anyway I'm Rafaela 2007."

"Hi Rafaela, I'm Elise 1007."

"Nice to meet you Elise. Dapat ay masanay kana sa mga devils na iyan dahil isa sa kanila ang makakasama natin araw-araw once na magsimula na tayong gawin ang ating tungkulin."

"Tama ka, at hindi na ako makapaghintay na makilala ang earthly one na iaatas sakin para bantayan ko."

"Are you not afraid to be hurt of those devils?"   tanong nito na nakapagpakunot ng noo niya.

"And why would I be afraid of them? Sila ang dapat matakot sa atin. Sisiguraduhin kong tatalunin ko ang tulad nila."

"You impressed me by your words, Elise 1007."   Professor Sauriel interrupted.

Nakalapit na pala ito sa kanila at hindi man lang nila iyon napansin. Malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin sa kanya at hindi niya mawari kung bakit ito nakangiti sa kanya. Pero marahil ay natuwa ito sa sinabi niya which is totoo naman talaga na tatalunin niya ang mga devils na iyon.

"At dahil pinahanga mo ako sa iyong sinabi ay sayo ko iaatas ang earthly one na binabantayan ng pinakamasamang devil."

"Talaga po?"   hindi niya makapaniwalang tanong.

Hindi niya mawari ang nararamdaman kung dapat ba siyang matuwa o hindi. It is an honor na siya ang makakatanggap ng tungkulin na nais nitong ibigay ngunit magawa kaya niyang gampanan gayong baguhan pa lang siya?

"Follow me."   tumalikod ito at nagpati-unang maglakad.

Sandali siyang nagpaalam kay Rafaela na nakausap niya kanina at agad na sinundan ang matanda patungo sa isang napakapribadong silid na bukod tanging ang mga superior lang ang maaaring makapasok, she's so lucky to enter this room for she is just a plain angel.

"Ito ang silid ng pagkatao kung saan maaari naming makita kung ano ang piniling desisyon ng earthly one na inatas sa inyo."

Napatango-tango siya. Ama niya mismo ang nagkuwento na sa loob ng silid ng pagkatao ay may mga portrait ng earthly one na sumasalamin sa totoong pagkatao ng bawat human beings. Once na pinili ng isang tao ang maging masama ay nagiging masama rin ang hitsura nito sa litrato, at kung pinili nitong gumawa ng mabuti ay nakangiti naman ang imahe sa litrato.

"Siya si Lulu, labing anim na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral pa."

Inilahad nito ang kamay sa isang portrait na nakadikit sa pader di kalayuan sa kinatatayuan nila. Isang simple ngunit magandang dalaga, pero hindi iyon ang nakaagaw sa atensyon niya kundi ang masamang tingin nito na pinupukol sa kanya.

"Siya po ba ang earthly one na iaatas nyo sakin para bantayan?"

"Siya na nga."

"Bakit hindi kaaya-aya ang litrato niya Professor Sauriel?"

"Matagal narin nung magsimula ang devil na nagngangalang Azrael 9006 nang impluwensyahan nito si Lulu para gumawa ng masasamang bagay. Kaya naman nabahala kami at minadali kayong ipatawag."

"Hindi ba't pandaraya po iyon? Today is supposed to be the beginning of our task!"

"Tama ka. Elise, mga devil sila at ganoon ang aasahan mo sa kanila kaya huwag kanang magtaka."

"Huwag po kayong mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para mapabuti si Lulu."

"Aasahan ko iyan,"   ngumiti ito bago pinagsiklop ang mga palad.

Tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng pribadong silid na kaagad naman niyang sinundan. Akala niya ay aalis na ito pero humarap ito sa kanya at iniabot ang kuwintas na may oblong pendant at maaari iyong buksan.

"Ano po ito?"

"Nasa loob ng kuwintas na iyan ang duplicate portrait ni Lulu. Malaya mong makikita kung ano ang magiging kahinatnan ng tungkulin mo."

"Maraming salamat po Professor Sauriel."

Hindi na ito sumagot at marahang tumango lang bago siya iniwan. Binuksan niya ang oblong pendant ng kuwintas at nakita niya ang litrato ng earthly one na inatas sa kanya. Hindi niya naiwasang malungkot nang mapagmasdan ang mukha nitong masamang nakatingin sa kanya. She'll going to do anything just to change her into a better one.

Sisiguraduhin niya iyon.









Inikot ng devil na si Azrael ang kanyang ulo upang iinat ang kanyang leeg. Inalis niya ang sigarilyo na naka-ipit sa kanyang mga labi bago itinapon iyon sa nilalangaw na basurahan sa labas ng kwarto niya. Sandali pa niyang sinipa ang stainless steel na basurahan bago pumasok sa kanyang silid.

Sumalampak siya sa kanyang kama. Prente niyang idinikwatro ang kanyang paa at ginawang unan ang kanyang mga braso. Kagagaling nya lang kanina sa klase at iyon ang unang pagkakataon na dumalo siya sa klase.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kanyang kwarto at napangisi siya sa nakita. Makikita agad ang butas na sahig, ang couch na ginagapangan ng malalaking uod at ang chimney na may nagliliyab na apoy sa loob. Napakaganda ng kwarto niya.

"Azrael."

Tumaas ang isa niyang kilay nang magbukas ang pinto at iniluwa niyon ang matanda niyang propesor na si Professor Haulka. As usual, dala-dala na naman nito ang itim na notebook na palagi nitong ginagamit sa klase.

"Anong ginagawa mo rito tanda?"

"Bastos ka talaga Azrael. But I like it."   humalakhak ito at ngumisi naman siya.

"Nais kong sabihin sayo na bukas ay makakaharap mo na ang anghel na makakatapat mo para bantayan ang earthly one na inatas ko sayo."

"Mabuti naman para hindi ako mabagot sa ginagawa kong pagbabantay kay Lulu."

"Siya nga pala, Elise 1007 ang pangalan ng anghel na inatas para pigilan ka sa kasamaang ginagawa mo."

"What the fuck? Ayaw ko sa babae dahil mga wala naman silang silbi! Ang gusto ko ay iyong kaya akong tapatan kaya palitan mo ang kung sinong estupidang anghel na iyon!"   bulyaw niya at hindi naiwasang bumangon sa kanyang kama.

"I can't do anything about it Azrael. Hindi ko hawak ang mga anghel kaya wala kang magagawa."

"Fuck it!"

"Huwag kang masyadong kampante Azrael dahil kilala ka sa nangunguna sa pagiging masama kaya tiyak na magaling ang anghel na makakatapat mo."

"Magaling man ang Elise na iyan o hindi, tiyak na ilalampaso ko ang pagmumukha niya sa lupa na puno ng uod."

"Gusto ko iyan,"   marahan itong tumawa bago walang paalam na lumabas ng kanyang silid.

Humanda ang anghel na iyon sa kanya!











Author's here!

A short chapter for the beginning! Reading without skipping is the best way for understanding.💚

~~~~~~~~~~~~~~~~~♡♡♡~~~~~~~~~~~~~~~~~

...Preview...

Chapter 2

"I don't fucking give a damn to that fucking rule of them. I'm going to caress your cheeks and I'm going to kiss your lips no matter what."

Continue Reading

You'll Also Like

It's YOU By VII

Paranormal

5.2K 367 45
Naniniwala ka ba sa spirits? Spirits na gumagala? Gutom sa hustisya, naghahanap ng sagot sa mga tanong nila. Pwes tama ka, totoo sila. They really ex...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.1K 166 32
Olympian #01 || A Greek Myth retelling ‼️R-18‼️ "𝐓𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐢𝐬 𝐨𝐧𝐞 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐨𝐧𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐫𝐮𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐥𝐢𝐟𝐞 �...
863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...