BS03: Hidden Son Of Mr. Santf...

By riedel_angelica

556K 13.5K 530

Vandeon Brix Santford Ver. 0.2. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 11.1
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Almika Sheen Monteverdi
What happened?
Future
Sleep
Falling
Society Clan
Billionaire Series
Billionaire Series 05
Special Chapter
My POV

Chapter 6

15.4K 466 7
By riedel_angelica

Nalaglag ang cellphone mula sa kamay ko at kusa nang namatay ang tawag. Nakatulala ako sa kawalan, hindi alam ang gagawin, hawak na ni Vandeon ang mga kaibigan ko ngayon, paano ko sila ililigtas kung pati sarili namin ay hindi ko maliligtas? How can I fight back? Paano ako lalaban na ako lang?

Tiningnan ko ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kung sakaling magpapakita ako kay Vandeon, hindi ko pwedeng isama ang anak ko, mapapahamak siya nang dahil sa akin. Itataya ko na lamang ang sarili ko kaysa masangkot pa ang anak ko.

Bumuntonghininga ako kasabay nito ang pag tunog ng cellphone ko. Agad kong pinulot ang cellphone 'saka walang lingon-lingong tiningnan ang caller.

"Don't you dare try to escape again, Almika, marami akong mata kahit saan. Kung ayaw mong mamatay itong mga kaibigan mo sabihin mo sa'kin kung nasaan kayo."

"Kapal din ng mukha mo 'noh? Ako lang ang harapin mo 'wag mong idamay ang anak ko!" galit na sagot ko sa kanya.

"Show yourself then! Don't make me wait!" galit na sigaw niya at pinatayan ako ng tawag. Nanginginig ko namang nilagay sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Kinalong ko si Vandish 'saka kami lumabas ng eskinita. He's still sleeping right now, tila ayaw niyang masaksihan ang mundong kinagagalawan niya. Patawad anak kung ganu'n ang Daddy mo, hindi naman ganito noon. Masaya naman ang pagsasama namin.

Pumara ako ng taxi pagkatapos ay binuksan ko 'yung folder ni Ma'am Ladeo, at 'yung address niya ang binigay ko sa driver. Hindi naman kalayuan 'yung bahay niya kaya't agad kaming nakarating. Bumungad sa akin ang napakalaking mansyon, pinalilibutan ito ngayon ng maraming sasakyan. Mukhang may maraming bisita si Riley ah. Baka nakakaistorbo ako, but I need her help, siya na lang ang taong kilala ko ngayon kahit hindi pa man gaano katagal. Ang plano ko lang naman ay iiwanan muna si Vandish dito at magpapakita ako kay Vandeon, sana maniwala na siya sa akin at sana 'wag niyang ibigay sa maling tao ang anak ko.

Lumapit ako ng gate. Akma na sana akong mag do-doorbell nang biglang may lumabas na dalawang lalaki, hindi ko inaasahan ang isang tao. Nagtatawanan sila habang palabas ngunit natigil din nang mapansin nila ako.

"Almika? Fvck it's really you. What are you doing here?" gulat na tanong ni Kace, yeah its him. Sa sobrang galak ko ay agad akong napayapos sa kanya hindi alintana na may anak akong dala. Pero agad din akong kumalas nang marinig ang daing ni Vandish.

"It's a long story, Kace, I need your help, please!" kumunot ang noo ng kasama ni Kace at mukhang tatanong pa sana ito pero pinigilan ni Kace gamit ang kamay niya. Lumapit siya sa akin at hinila ako papasok sa mansyon.

"You can go first, Evad, may pag-uusapan muna kami. Pupunta ako!" sabi niya sa kaibigan niya 'saka binaling sa akin ang tingin. Binuksan niya ang malaking pinto ng mansyon, tumambad sa akin ang malaking chandelier na nakasabit sa ere, sobrang linis at linaw ng mansyon, madami ring mga katulong na may kani-kaniyang ginagawa, may iilan pang mga gwardiyang nakapalibot sa paligid.

Tinungo namin ni Kace ang isang kwarto. Habang patungo kami roon madami ngang mga tao sa mansyon, puro naka business attire, may dala dala pang mga case. Kaya pala ang aga ni Ma'am Ladeo na umalis kanina. Nang tuluyan na kaming nakapasok, nilapag ko ng dahan dahan si Vandish sa kama 'saka ko kinumutan. Hinalikan ko ito sa pisnge at noo bago ako tumingin kay Kace na ngayong nakakunot noo na.

"Tell me everything." seryosong sabi niya 'saka dahan-dahang umupo sa sofa. Sinandal niya ang mga braso sa likuran.

"Si Vandeon, he's here and he saw us earlier, nakita niya rin ang mukha ni Vandish, baka isipin niyang anak niya si Vandish since magka-mukha silang dalawa," paliwanag ko. Hindi man lang siya natinag sa paliwanag ko kayat nagpatuloy ako.

"Sinubukan niya kaming patayin, Kace! Papatayin niya na nga sana ang anak ko kung hindi lang dumating 'yung dalawang kaibigan niya. Pero bugbog naman ang natamo ng dalawang 'yon, hinabol niya kaming dalawa ni Vandish, at ngayon hawak niya ang mga kaibigan ko. Kapag hindi ako magpapakita sa kanya papatayin niya sila," tumulo na naman ang luha ko. Umupo ako nang dahan dahan sa kama at yumuko. Damn that man! He knows how to play with me.

"So, are you both, okay?"

"Weren't okay. Please help me again, please ilayo mo ang anak ko sa ama niya, iiwan ko muna si Vandish sa'yo habang nakipagkita ako kay Vandeon," dahil sa sinabi kong 'yun bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya.

"What?! Are you fvcking serious? Iiwan mo sa'kin ang anak mo and makipagkita ka sa gagong 'yon? Hindi mo pa siya kilala, Almika, at wala kang laban kay Vandeon. Sa tingin mo kapag andito 'yang anak mo, ay wala siyang planong hanapin 'yan? You're wrong, Almika, may plano lagi si Vandeon, Almika, hindi mo lang alam."

Hinilot ko ang noo ko. Hindi ko nga naisip 'yon, mautak si Vandeon, but he's true to his words, kapag may sinabi siya gagawin niya, kapag hindi ako makipagkita sa kanya ngayon paniguradong papatayin niya ang mga kaibigan ko.

"Sinabi sa'kin ni Sendrix ang alam niya, he really wants you gone, but before that? A-alamin muna ni Vandeon kung sino ang ama ng anak mo."

"What do you mean?" tanong ko.

"Matagal niya nang ginagawa ang paghahanap sa ama ng anak mo. Hindi titigil si Vandeon hanggat hindi niya nakilala ang ama ng bata. See? Napakagago niya, bakit hindi niya imbestigahan ang sarili niya? Since he's the father. Bullshit. What's your plan now?"

Bakit gustong malaman ni Vandeon ang ama ni Vandish? Ano naman ang pakialam niya? Nagdududa ba siya sa akin? Tangina naman. Litong-lito na ako. Bwesit na Vandeon, bakit dumating ka pa sa buhay ko. Mas lalo mo akong pinagulo.

"How about my friends?" tanong ko.

"Ako na ang bahala sa mga kaibigan mo, naka open ang gps ni Vandeon ngayon, ma tre-trace namin siya."

"Namin?"

"Sorry I lied to you. Kilala ko si Vandeon and he's into you, may plano nga siyang patayin ang mga kaibigan mo kaya umaksyon agad kami kaya't, we'll do our best na sagipin ang mga kaibigan mo. Take care of yourself, stay by his side." Nilingon niya ang anak ko habang ako naman litong-lito.

"He really looks like his father, isang tingin pa lang, Vandeon look alike na. I have to go, you'll stay here, okay? Papunta na rito mga kakilala ko."

Gusto kong mag tanong pa pero pinigilan ko ang sarili ko. May alam si Kace, alam niya ang mga nangyayari. Alam niya ang mga plano ni Vandeon. He did not bothered telling me.

I hope na maligtas ang mga kaibigan ko, sana mailayo ni Kace si Vandeon sa kanila. That psychopath! Anong nakain ng hayop na 'yon!

Ginala ko ang buong tingin sa kwarto. Dahan dahan akong tumayo at akma na sanang maglakad-lakad nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Kace na naghahabol ng hininga.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Fvck that jerk! Alam niyang andito kayo at papunta na siya ngayon dito! And about your friends? Pasang-pasa lang ang natamo nila pero hindi pinatay ni Vandeon."

"Oh my God!" Tarantang usal ko. Walang hiya ka talaga, Vandeon. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kaibigam ko.

"You need to hide, Almika. Hurry up! Pumasok ka riyan sa cr, sisirain ko lang ang lock para isipin ni Vandeon na sira ang kwartong 'to. Isama mo ang anak mo, balutan mo ng kumot." dahil sa pagmamadali. Si Kace na mismo ang humila sa amin, pumasok kami sa loob ng banyo at 'saka naman nilock ni Kace, rinig ko pa ang pag sira niya ng lock.

"He's really a demon, Almika. Please tame him if you have the chance." huling sabi niya at umalis na sa kwarto kasabay naman nito ang malakas na ingay ng putok ng baril.

Oh my God. Wala talagang sinasanto si Vandeon. Lalampasuhin niya talaga ang haharang sa landas niya. Wala akong ideya bakit humantong sa ganito ang lahat, bakit kailangan niya pang manakit ng ibang tao para patayin lamang kaming dalawa ni Vandish.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa pisnge. Hindi ko inabalang punasan iyon dahil nasasaktan ako, gusto kong ilabas ang sama ng loob ko. Kung ano man ang kasalanan namin sa kanya, huwag naman sananag dumating sa ganito. Tipong papatay na siya ng tao.

"Why are you crying, Mommy?"

Kaagad akong napalingon kay Vandish. Ngumiti ako at hinalikan ang kanyang noo. Huwag sana siyang matulad sa ama niyang walang sinasanto at walang takot sa itaas.

"Don't mind me, baby. I'm okay,"

"No, you are not. Is this about him?"

"Ayos lang ako anak, kamusta ang tulog mo?"

Hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang pinunsan ang mga luha ko.

"Alam kong nasasaktan ka, Mommy. But don't lie to me, dahil naman sa badguy na iyon bakit ka umiyak right? Huwag kana umiyak, Mommy, hindi kita iiwan." that breaks my heart.

****

Hope you like this story. Leave a reaction or vote for more updates. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

25.7K 647 27
Who could have been imagine getting into a marriage by yourself and got involve to a wedding that isn't yours, became the bride of the famous but dan...
259K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
68.6K 1.1K 34
Anong mangyayari kung sa maling tao ka nagtapat ng nararamdaman mo? And what's worst is you kissed him! At ang taong iyon ay walang iba kung hindi an...
23.2K 1.1K 25
Nagkaroon ng pagkakataon si Kristin - isang kolehiyala, na palihim na sundan ang iniidolong si Brian Mcfadden patungo sa bahay niya. Natuklasan ng l...