STS #2: Give Me More [COMPLET...

By Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... More

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 12

30.1K 871 203
By Missflorendo

Kabanata 12

Napadighay ako ng malakas pagkatapos naming kumain.

"Excuse me po!" napahawak ako sa tiyan ko. Pinagtulungan kasi naming ubusin iyong pinadeliver niyang dinner. Pakiramdam ko tuloy ay pasan ko ang daigdig sa loob ng tiyan ko sa sobrang bigat nito. Balak yata akong patabain nitong si Fyuch hindi pa man kami! Ayaw ba niyang may ibang lalaki ang tumingin sa 'kin kaya gusto na niya 'kong tumaba?

Aba segurista ang bb ko!

"Drink this," utos niya at nilapag ang isang tasa sa harapan ko.

Napangiwi ako nang maamoy ko iyon.

"Eww. Ayoko niyang tsaa." Nilayo ko iyong tasa sabay takip ko sa ilong ko.

"Inumin mo 'yan para gumaan ang pakiramdam mo." Tinulak niya ulit iyon pabalik sa 'kin.

"Lasang kahoy 'yan ayoko." Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit crush ko siya ay hindi ko mapagbibigyan ang gusto niyang uminom ako ng tsaa. Ni hindi ko nga matagalan ang amoy nito, iinumin ko pa? Like eeeww!! Kadiri!

Sinulyapan ko siya at nakatitig lang siya sa 'kin. Hindi man lang siya nag-iwas ng tingin kahit na nahuli ko na siyang nakatitig sa 'kin.

"Nasasarapan ka d'yan?" nandidiring tanong ko nang inumin niya iyong kanya.

"Nope."

"Eh bakit mo iniinom kung hindi masarap?"

"Because it's healthy. And I love people who are health conscious."

Asdfghjkl! Napatitig ako sa kanya bago doon sa tasa ng tsaa. Napalunok ako at parang gusto ng bumaligtad ng sikmura ko ini-imagine ko pa lang sa lasa nito.

Hindi na nga niya 'ko gusto tapos hindi pa 'ko health conscious. What the fuck? Pinasusuko na ba 'ko ng mundo nang dahil lang sa tsaa na ito?

"H-Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maging health conscious sa edad na 25, e 'no?" binasa ko ang labi ko habang dahan dahang inilapit ang kamay ko sa hawakan ng tasa. Hindi ko inakalang ganito kahirap magka-crush!

Bahagyang idinampi ko ang isang daliri ko sa tsaa upang i-check kung mainit pa ba ito. Nang maramdaman kong maligamgam na, mabilis kong ini-straight ang buong laman nito nang nakatakip ang ilong ko upang hindi ko ito malasahan.

Paglapag ko ng tasa sa lamesa, pinigilan ko ang sarili ko na isuka ito. Sinalinan ako ni Fyuch ng tubig sa baso at sinubuan pa niya 'ko ng kendi pagkatapos. Naririnig ko siyang tumatawa ng mahina habang nakapikit ako at hinihintay na mawala ang naiwang lasa ng tsaa sa bibig ko.

"Love mo na 'ko?" tanong ko agad ng maka-recover na 'ko.

"No."

"Scammer! Sabi mo you love health conscious people?!" nakita ko ang pagpigil niyang mangiti. Natatawa ko tuloy siyang inirapan bago ako tumayo para ligpitin iyong pinagkainan namin. Wala namang hugasin dahil may kasamang paper plates iyong food namin. Kumuha si Fyuch ng trash bag at doon niya inilagay lahat ng aming kalat.

"Magtatapon ako ng basura," aniya at naglakad na siya palabas ng pinto.

"Teka sasabay na 'ko!" tinakbo ko si Tammy na mukhang antok na at kiniss ko siya. "Bye, baby!" mabilis akong tumakbo pasunod kay Fyuch.

"Wag kang tumakbo, kakakain mo lang." masungit na sabi niya nang makaabot ako sa elevator.

"Yieee nagiging concern na siya sa 'kin. Tapos susunod niyan pagagalitan mo na 'ko kapag hindi ako kumain sa oras tapos mag-aaway tayo tapos kunwari magtatampo ako. Susuyuin mo 'ko pero dahil medyo marupok ako syempre kikiligin na naman ako at sa sobrang kilig ko ay aayain na kitang magpakasal and we will live happily ever after!"

"Didn't know you're good in writing a horror story too."

"Uy pwede! Ikaw yung bidang pogi tapos ako yung kaluluwang ligaw na na-love at first sight sa 'yo na hindi makatawid sa kabilang buhay hangga't hindi mo iniibig blah blah blha....!"

Nakataas ang kilay niya habang pinakikinggan ang kabuuan ng kwento ko. Bumukas ang elevator at feeling ko gusto na niya 'kong ipasok sa dala niyang trash bag habang naglalakad kami papunta sa tapunan ng basura.

"Hindi ka napapagod magsalita?" tanong niya habang naghuhugas siya ng kamay sa sink na narito.

"Ihhh. Wag mo namang ipahalata na masyadong worried ka sa 'kin, Fyuch! Baka mahingi kita sa pamilya mo nang wala sa oras!" nagtago ako sa likod niya at tinakpan ko ang mukha ko.

"Lakas ng saltik mo."

Kilig na kilig ako nang pindutin niya iyong 10th floor sa elevator at lumabas siya kasama ko nang huminto ito. Pigil na pigil ako sa sarili kong 'wag kumapit sa nang-aakit niyang braso habang hinahatid niya 'ko sa unit ni Kairo.

"Mamimiss kita Fyuch," nakangusong sabi ko nang nasa tapat na kami ng pinto.

Nakapamulsa lang niya 'kong tinignan.

"I hope not."

"I hope yes."

Napaka pakipot talaga! Ako na nga ang nagsasalba sa love story namin, siya pa may ganang magpaka-kontrabida. Amp!

"Pumasok ka na."

Umiling ako at nag-puppy eyes sa kanya.

"Hindi ko na yata kayang mawalay sa 'yo, Fyuch?"

"You know the password of my unit. You can always...visit Tammy."

"Yun na ang nakaka-sad. Hindi ko kayo mabibisita this week." Malungkot na sagot ko. "May fieldtrip ako sa Baguio."

May 5-day seminar kasi kami roon kasama ang ilang mga piling police officers.

"You're going to Baguio for a week?" parang may nahagip akong disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding nawala iyon. Baka namalikmata lang ako. "It's okay. It's just...a week."

I sighed. "Yeah. A week without you in my life. Lungkot, 'di ba? Ikaw pa naman ang stress reliever ko!"

"I'm also leaving for China tomorrow."

"Whaaat?! Pa'no si Tammy?!"

"Hatid ko muna siya sa bahay para may magbantay."

"Wawa naman ang anak natin. Aalis ang mommy tapos aalis din ang daddy."

Magkasalubong na naman ang kilay niyang tumingin ng masama sa 'kin. Kahit yata itodo ko pa ang kaharutan ko sa lalaking 'to wala pa ring silbi! Hahahahaha! Pero kasi sobrang nakakatuwa siyang harutin kahit hindi niya hinaharot back. Ang daya lang 'di ba?

"What time are you leaving tomorrow?"

"Gabi pa naman. Ikaw?"

"My flight is at 6pm." Tumingin siya sa relo niya tapos sa 'kin."Do you wanna go somewhere?"

Oh my god.

"N-Now na? S-Saan tayo pupunta?" nauutal na tanong ko at agad akong na-excite!

Lakas ko naman sa 'yo, Lord! Eto na ba 'yung pinakahihintay kong harot back niya?! Omg paano kung may matured scene agad?! Gosh.

Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya at sabay kaming pumunta sa parking. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, but I trust Fyuch kahit saan man niya 'ko dalhin. Kahit sa bahay pa nila or sa kwarto pa niya. Chour!

Nakatanaw lang ako sa bintana habang nasa byahe kami. Tahimik lang ako at hindi siya kinulit ngunit nang mapansin ko ang daan na tinatahak namin, hindi ko na napigilan pa ang magtanong.

"Papunta tayong Bulacan?!" gulat na tanong ko nang pumasok siya sa NLEX.

"Yeah," tipid na sagot niya.

Nakakakaba 'tong si Attorney ha! Baka bukas ay mamanhikan na sa bahay namin 'to! Char.

"Anong meron sa Bulacan?" curious na tanong ko ulit.

"We have a small resort there." Nanlaki ang mata ko. "Why? Do you have an early schedule tomorrow? We can just go back."

"Naku wala! Go lang!" Tinakpan ko ang bibig ko ng kamay ko at sinapak ko siya ng mahina sa braso. "Hindi mo man lang kasi ako ininform na itatanan mo 'ko ngayon! Jusko nakapag-prepare man lang sana ako, Fyuch!"

A small smile was plastered on his face while he was seriously driving. Tumatawa akong bumaling ulit sa bintana dahil baka mahulog ako lalo sa lalaking 'to kapag pinakatitigan ko pa. Mahirap pa namang ma-fall sa taong hindi sure.

Dalawang oras ang byahe namin bago kami nakarating sa isang parang liblib na lugar sa Bulacan. Mapuno iyong dinaanan namin at hindi ko inakalang may resort sa tila tagong lugar na ito. Pinagbuksan kami ng gate nung guwardya at kahit madilim ay hindi ko napigilang mamangha sa nakita ko sa paligid.

Maraming pailaw ang lugar kaya kitang kita mo pa rin ang kagandahan nito. Nagpark siya sa isang tabi kung saan mayroong malaking puno.

"Ang ganda naman dito! Lagi ka bang nagpupunta rito?" tanong ko pagkababa namin. Ang daming halaman!

"Yeah. I love resting here," sagot niya at nakangiting nilibot ng tingin ang paligid.

Nilingon ko siya at nakita ko ang napakaaliwalas niyang mukha. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa kanya. Haaay. Kung pwede ko lang siguro siyang itago sa lahat ng babae sa mundo ay baka ginawa ko na. Parang napakadali kasing ma-fall sa kanya.

May kinausap siyang katiwala yata nila rito pagkatapos ay tumuloy kami sa isang...

"A glass tree house?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Yes." hinawakan niya ang palapulsuan ko at excited na hintak niya 'ko paakyat doon. "This is my secret haven."

"Pa'no 'yan hindi na siya secret ngayon?"

"It's okay. I can share it with you," mabilis na sagot niya. Eto na nga ba 'yung sinasabi ko e! Tama talaga 'yung motto ko na 'pag may tiyaga, may nilaga!

Pagdating namin sa taas ay naniningkit ko siyang hinampas sa braso.

"What?" gulat na tanong niya.

"Alam mo? Napaka pa-fall mo. Ang dami mo na sigurong nasaktang mga babae."

"Wala pa naman."

"So ako pa lang?"

"Ikaw pa lang ang alin?"

"Ako pa lang ang sasaktan mo gano'n."

Natatawa kong nilakad ang nakapalibot na veranda nitong tree house. Palapit ako sa deck railings para tanawin ang ibaba nang mapahinto ako sa biglang pagsasalita niya.

"Why, Portia? Are you falling in love with me?"

Natahimik ako sa tanong niya. Lumakas'yung tibok ng puso ko at parang kinabahan ako bigla sa isasagot ko. Bakit parang nabigla yata ako? Dito ako magaling 'di ba?

Huminga ako ng malalim at nakangiting tumingala ako sa langit.

"What do you think?"

"I think you are." He teased.

"Well..." I faced him. "I think so too." I teased back.

That should be the spirit, Portia!

He chuckled as he went inside the tree house. Sumunod naman ako sa kanya at tuwang tuwa kong nilibot ang loob nito. May mini bubble pool! Tapos may isang round queen size bed. Binagsak ko ang katawan ko sa napakalambot na kama habang si Attorney naman ay parang may inaayos sa kisame.

"Fyuch?" tawag ko habang nakahiga pa rin.

"Hmm?"

"Bakit mo 'ko dinala dito?" pinapanood ko siya sa kinakalikot niya sa itaas.

"I just think that you need a good rest before your fieldtrip."

May pinindot siya roon sa kisame at awtomatikong bumukas iyon. He turned the ceiling into a night sky where you could see the moon and the stars through a now glass ceiling.

Aww. Ang thoughtful naman ng bb ko. Very much concern siya sa 'kin!

"Sana pwede kitang ibulsa, e no?"

"Ano bang gagawin mo sa Baguio?"

"Mamimitas ng strawberries at bibili ng strawberry taho."

Tumatawa akong umusog para makatabi siya. Tinampal niya ng mahina ang noo ko bago siya tuluyang humiga sa tabi ko. At dahil malandi ako, kinuha ko ang braso niya at ginawa ko iyong unan. Grab the opportunity ika nga!

"Ano bang gagawin mo sa China? Kainggit naman mangingibang bansa ka."

"It's just for pure work."

"May intsik ka bang kliyente?"

"Madami."

"Ihhh! Babae ba sila?"

"Oo."

"Ihhh. Sila ba 'yung pupuntahan mo doon?!"

"Hindi."

"Hay jusko po salamat naman at makakatulog ako ng mapayapa araw araw."

Another amused smile appeared on his face while we watch the moon and the stars through the glass ceiling. Sobrang peaceful ng utak ko at naintindihan ko agad si Fyuch kung bakit paborito niyang pumunta sa lugar na ito. Parang kung gusto mong takbuhan ang mundo, ito ang perpektong lugar na pwedeng pwede mong puntahan.

"Fyuch, may shooting star! Hulihin mo dali!" umakto akong hinablot iyon pagkatapos ay pumikit ako at nag-wish.

Pagkatapos kong mag-wish ay nagdilat na 'ko ng mata at nakita ko si Fyuch na nakatitig sa 'kin.

"Hindi ka nag-wish?!"

"Nag-wish."

"Anong wish mo?"

"Secret. I won't tell you."

"Dali na. Promise sasabihin ko rin 'yung sa 'kin."

"Bawal nga. Matulog ka na."

"Damot naman!"

Nakasimangot akong tumagilid para mapagmasdan ko siya ng maayos. Napakaaliwalas pa rin ng mukha niya na nakamasid sa langit.

"Alam mo, Fyuch? Maganda kung may background music tayo. Patugtog ako, okay lang?"

"Oh no please, Portia."

"HAHAHAHAHA! Promise hindi naman sexbomb!"

Natatawa akong naghanap ng kanta sa phone ko. Nang hindi ako makapag-decide ay shinuffle ko na lang iyong playlist kong isa.

(Angel's note: you can play Falling in Love by six part invention para mas feel niyo. Char.)

At dahil nakatagilid ako at nakahiga sa braso niya, medyo ang lapit ko sa kanya. Kinabahan ako ng slight dahil baka marinig niya ang malakas na pagtibok ng puso ko kaya lumayo ako ng kaunti.

You and me, we got along just fine

But deep inside I know there is more

Right next to you

I know you're the right one

Can't fight this feeling, I'm taking chances now.

Napatingin siya sa 'kin nang marinig niya iyong kanta. Napalunok ako dahil naka-shuffle iyon at hindi ko sinasadyang Falling in Love ng Six Part Invention ang tutugtog. Tangina! Hahahaha! Medyo nahiya tuloy ako bigla na kinikilig na din. Nakita kong napangiti rin si Fyuch na bahagyang naiiling pa.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko kahit natatawa pa rin ako. Dinama ko ang kanta na tila ginawa ang bawat lyrics nito para i-explain ang feelings ko para kay Fyuch. Char.

Naramdaman ko ang maingat na paggalaw niya. Kahit nakapikit ako ay alam kong tumagilid siya at magkaharap na kami ngayon.

"Sleep now, Portia." He whispered and I felt his hand caressing my head. Haruyjusko kung panaginip man 'to ay ayoko na yatang magising pa.

Saksi ang buwan at mga bituin sa kilig ko ngayong gabi. Alam niyo 'yung feeling na ang sarap magmahal kahit nakakatakot? Ewan ko ba. Basta kung ano man 'tong nararamdaman ko para sa kanya, eenjoyin ko na lang habang masaya pa sa pakiramdam.

I was so proud of myself for getting through the entire night with him sleeping beside me. Pagkagising ko ay gano'n pa rin ang posiyon namin. Nakaunan pa rin ako sa braso niya at nag-aalala akong tumayo ng dahan dahan. Siguradong sasakit iyon sa magdamag kong paghiga. Hayst!

Nang magising na rin siya ay bahagya siyang napangiwi nang galawin na niya ang kanyang braso. Guilty tuloy akong napatakbo sa kanya.

"Hala Fyuch masakit ba?" minasahe ko ng kaunti iyong braso niya para mawala ang pangangalay. "Sana ginising mo 'ko. O kaya sana tinulak mo na lang ako! Tulog mantika naman ako hindi ako magigising agad!"

"Good morning." May pinakita siya sa phone niya at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang sarili kong nakanganga sa pagtulog. "Paano kita gigisingin?"

"Lakas ng trip mo, 'no? Burahin mo ang panget! Nakaka-turn off!"

Tinignan pa niya ulit. "Cute naman ah."

"Talaga? Sige 'wag mo ng burahin." Mabilis naman akong kausap.

Naligo kami at pinahiram niya 'ko ng damit pamalit dahil may mga gamit pala siya rito. Ahehehehe. Tapos ang galing lang pati underwear pino-provide ng resort na 'to! Tinanong pa 'ko kung anong size! Astig!

Medyo mahaba iyong white shirt niya sa 'kin kaya nagmukha tuloy akong naka-dress. Tinali ko na lang ito sa gilid para lumitaw iyong shorts ko at saka ko pinusod ang buhok ko after kong i-blower.

"We offer an ATV ride here. Wanna try it?"

"Omg talaga?! Kaso hindi ako marunong mag—"

"I'll drive."

"Aangkas ako?! Omgg!! Tara na!"

Pinikit na naman niya 'ko sa noo.

"Let's eat breakfast first."

So ayun, may restaurant din pala itong resort at doon kami maagang nag buffet! Binilisan ko ang pagkain ko dahil super excited akong yumakap sa likod niya! Hahahahaha.

"Tara na daliiii!"

"You are really that excited?" natatawang tanong niya habang patungo kami kung nasaan iyong mga ATV nila.

"Oo naman! Excited na 'kong kumapit—este sumakay sa 'yo—este sa ATV! Anubayan! Bastos na bibig 'to kung anu-ano pinagsasabi! Hahahaha!"

Pagkatapos niya 'kong suotan ng helmet, excited akong umangkas sa likuran niya. Mayroong isang staff na nakasakay din sa ATV at nasa aming unahan para mag-guide sa lilibutin namin.

"Hold on tight, Portia."

"Don't worry. Kapit na kapit!" niyakap ko siya ng mahigpit at isinandal ko pa ang ulo ko sa likod niya. "Ang sarap naman dito Fyuch. Gusto ko na lang yatang manirahan dito."

"We can go here anytime you want."

"Hindi sa resort. Dito sa likod mo." Ibinaon ko ang mukha ko sa likod niya habang natatawa ako mismo sa sinabi ko.

"Baliw ka talaga."

Inistart na niya ito at nasabik ako lalo nang patakbuhin na niya.

"Whooooo!! Saraaaaap!" sigaw ko habang naglililibot na kami.

Probinsyang probinsya ang itsura ng lugar dahil madamo at maraming mga halaman sa pagilid. Hindi sementado ang daan at lupa lang ito na may mga bato batong maliliit. Never pa 'kong nakaangkas kahit sa motor kaya laking tuwa ko talaga ngayon na nakaangkas ako sa ATV at crush ko pa ang driver! Winner!

Ang dami naming pinasyalan at feeling ko habang nagda-drive si Fyuch at nasa likuran niya 'ko ay nasa isang music video filming kami! Kaya naman para may remembrance ay nagpapicture pa kami kay Kuya nang nakasakay rito!

"Tignan mo ang cute natin oh! Send mo 'to sa 'kin later ha!" phone kasi niya ang ginamit naming pang-picture dahil iniwan kong naka-charge iyong akin.

"Tilt your head a little. Okay that's good." Ginawa ko pa siyang photographer ko nang makakita ako ng magandang spot na IG worthy!

"Oh dali selfie naman tayo!" sapilitan ko siyang hinatak at ngumiti naman siya nang itapat ko na ang camera. "Oh see? Walang sinabi ang DaraChan sa atin!"

Pinicturan ko rin siya ng mga solo niya at kahit nagrereklamo siya noong una, bandang huli ay bumigay din! Nag-photoshoot bigla ang bb ko! Sobrang saya ng experience namin dito at siguradong babalik ulit ako! Hindi na kami nakapag swimming dahil mag-aayos pa kaming pareho ng mga gamit namin paalis mamayang gabi.

Habang nasa byahe kami ay hawak ko pa rin ang cellphone niya at tinitignan iyong mga litrato naming dalawa.

"Tignan mo nga naman, Fyuch. Hindi ako photographer pero na-picture ko pa rin 'yung magandang kinabuksan nating magkasama."

"Kinulang ka na naman sa almusal."

"Sobra sobra nga almusal ko e." nakangising tugon ko kahit hindi ko siya tinitignan. "May buffet na, may dessert pa after!"

"Perv."

Busy pa rin ako sa pag-i-scroll nang maalala ko bigla si Kairo.

"Holy shit! Hindi ko pala nasabihan si Kairo na hindi ako uuwi! Lagot ako nito shit!" nagpanic ako.

"Don't worry. I told him you're with me."

"What?!"

"He called me last night. He's looking for you. Sabi ko tulog ka na," kaswal na sagot niya.

Napa-check tuloy ako sa phone ko at may isang text lang do'n si Kairo na nagtatanong kung nasaan ako. Bahala na. Magdadasal na lang ako ng para sa kaligtasan ko mamaya pag nagkita kami. Hehehe.

Medyo na-traffic kami kaya after lunch na nang makauwi kami. Hinatid ako ni Fyuch hanggang sa tapat ng pinto.

"Thank you, Fyuch! Sobrang nag-enjoy ako! Chat ka later pag-alis mo ha?"

"Sure."

"Bye! Ingat sa pag-akyat!"

He raised a brow. "You won't invite me inside?"

Asdfghjkl?!!

*** 

Angel's note: salamat sa mga nagbabasa nito! Sana nag-e-enjoy kayo gaya ng pag-e-enjoy ko habang sinusulat ko siya. HAHAHA.

Anyways, sana suportahan niyo ang paparating na libro nina King at Yuka soon! Married With King Daryl Smith will be published under PSICOM. Para updated kayo kung kelan ang release, you can like my Facebook Page Missflorendo or join kayo sa official group natin. Thank youuuu!

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3K 435 40
(COMPLETED) (STAND- ALONE) (UNEDITED) Life isn't what you want it to be, it's what you make it become. Nabuhay para mangarap, at mabubuhay dahil sa p...
4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...
6.2K 118 33
UAAP Series # 1 TO BE REVISE! She deemed to be loved, and she hoped to be loved for a long time. She envisioned a love that would last indefinitely...