NO more Tears, NO more Fears...

Bởi constantvglp

71.8K 2K 1.2K

Our love is worthy ♡︎ Xem Thêm

NMTNMF||Prologue
I: Tampo
II: Sweeter
III:Lets get in Throwback
IV : Taking care of You
V:Kisspirin o Kissparin?
VI :'Huwag muna ngayon'
VII : Lumala pa
VIII : Babawi
IX: Babawi (part2)
X: True Love
XI :Alagang Ion
XII: Bothered
XIII: Blessed 2019
XIV: A Date to remember
XV : Miss na miss
XVI: What bothered her?
XVII : Everybody Happy
XVIII :Para-paraan
XIX: Part of the plan
XX: Unkabogable Day
XXI: RING A Bell
XXII: Babies
XXIII : Interview
XXIV : Panatag
XXV : Plans
XXVI : Negative thoughts
XXVII : Busy
XXVIII : Inis
XXIX : With whom?
XXX : Sana all
XXXI : Magalit
XXXII : Malalim
XXXIII : Kinikimkim
XXXIV : Hindi
XXXV : Parang wala
XXXVI : Hinuha
XXXVII: Itago
XXXIX : Process
XXXX : Back
XXXXI : Mahal niya.
XXXXII : Again
XXXXIII : Resign
EPILOGUE
Authors appreciation note!

XXXVIII : Kulong

1.8K 48 48
Bởi constantvglp

BABALA : Kung nasaktan kayo sa mga unang update ko,binabalaan ko kayo MAS MASAKIT ITO. Kaya kung hindi ka ready masaktan please lang wag mong basahin. Wahahah charot. Kayo rin eh,nasasaktan na nga eh,patuloy pa? Sige,tutal sanay ka nang masaktan basahin mo na din. Bwahahahaha enjoy!



















General

"Are we sure about with this?"tanong ni Karylle habang kinakagat ang dulo ng kuko."Tingin mo bruh, gagana?"

"Kailangan nating mag-try K."ani Vhong."Atleast kahit hindi man ito gumana, makapag-usap man lang sila kahit sandali, bago natin solusyunan yung kay brad."

"Gusto ko nang bumalik sa dati si meme."singit naman ni tiyang Amy."Nalulungkot na rin yung buong show. Alam kong pati sina direk. Sana maging okay na ang meme."

"Magiging okay rin siya tiyang."sambit ni Ryan."Magiging okay din si mommy."

"Sana maging okay to bruh."ani Karylle."Ano na? Hindi pa ba magte-third gap?"

"Ayan na. Patapos na segment nila kuys Jhong. Sumignal na si Teddy magready na daw."ani Vhong habang nakatingin sa telepono."Ryan,puntahan mo na daddy mo. Ako na bahala kay brad."

"Daddy nagpapatulong si kuya Vhong eh."nagmamadaling hinila ni Ryan ang tatay-tatayan sa Dr ni Vhong."Nawawala raw yung susi ng kotse nya."

"San daw nya nilagay?"

"Ah a-ano,nandito lang raw yun sa Dressing room nya."ani Ryan at kunwaring inilibot ang paningin.

Nagsimula lang rin na maghanap ang binata. Sa drawer ng vanity,sa sofa sa mga gilid gilid. Habang ang koreano naman ay pasimpleng sumulyap sa pintuan.

"Tulungan mo kong maghanap,anong ginagawa mo riyan?"

"Hindi,baka nasa likod ng pintuan kasi."palusot nya."Asan kaya yon?"

Sinulyapan nya ang huli at ng makitang abala ito ay saka nya naisip na simulan ang plano kasabay ng paglapit ng mga boses sa kinaroroonan nila.

"Ay!"napalingon pa sa kanya ito ng mapasigaw sya."Nagbanyo raw kasi sya,kanina baka nandon sa loob."tinuro nya pa ang pintuan ng banyo sa loob ng dr nito.

"Baka nahulog sa gilid."

Pumasok naman ang binata sa banyo at nagsimulang hagilapin ang susing nawawala. Tinignan nya iyon sa sahig,sa gilid ng toilet bowl,sa lababo at saglit pa syang tumigil ng marinig ang pagsara ng pinto.

"Wala naman."

"Ryan,may nakita ka diyan?"

Wala syang narinig na tugon kaya nagbakasakali pa syang matagpuan ang hinahap ngunit natigilan sya ng nakarinig ng ingay na parang pilit na binubuksan ang pinto dahil sa tunog nang paikot ikot na doorknob nito pagkatapos ay nasundan ng isang buntong hininga.

"Ryan?"pagtawag nya.

Gulat at may pagkahalong kaba ang naramdaman nya ng makita ang nobyang nakatalikod sa direksiyon nya at dahan dahang iniaalis ang kamay sa knob ng pinto.

"Buwiset!"pasigaw bulong na sambit nito.

Maya maya pa ay humarap ito at nagsalubong ang kanilang mga mata.

At doon sa mga mata ng binata natagpuan ng bakla ang pangungulila.

Ibang iba sa binubulong ng isip nya.

Ibang iba sa inaakala nyang makikita nya.

Ibang iba sa pilit na ipinaniniwala ng isip nya.

Tinignan nya ito at agad na nagiwas ng tingin ng mapansin ang tila papaiyak nyang singkit na mga mata.

Nakayuko syang naglakad patungo sa sofa,habang ang binata ay sinundan lamang sya ng tingin.

Hindi sila pareho nagsalita ngunit napaangat ang bakla ng tingin ng umupo sa sahig ang lalaki sa tapat nya ngunit dalawang dipa ang kanilang pagitan.

Mahigit dalawampung minuto na rin ang nakalipas ay hindi pa rin sila nagsasalita.

"Hindi ko alam na gagawin nila to."sambit ng binata habang nakayuko.

Pinipigilan nyang tignan ang bakla dahil baka hindi nya mapigilan ang sariling yakapin ito ng mahigpit dahil sa pagkasabik at baka lalo lang itong magalit sa kanya kapag ginawa nya iyon.

"Pero gusto ko silang pasalamatan kasi kahit man lang rito makasama kita."simula nya."Gustong gusto na kitang yakapin,gustong gusto ko nang hawakan ang kamay mo. Gustong gusto na kitang halikan sa noo,sa pisngi,sa labi. Gustong gusto na kitang makatabi sa gabi,at ikaw yung una kong makikita ko pagmulat ko sa umaga. Gustong gusto ko nang bumalik na tayo sa dati."

Hindi pa rin umiimik ang bakla.

"Pero hindi ko na din alam kung paano. Hindi k---"

"Bakit hindi mo na lang ako iwan?"putol ng bakla na nakapagpaangat ng tingin sa nobyo.

"Ano?"

Umiwas ng tingin ang bakla.

"Binibigyan na kita ng pagkakataon para iwan ako Ion."anito at nagsimulang magtubig ang mga mata."Ayaw mo ba non? Pinapadali ko na para sayo."

"Babe, hindi ko maintindihan. Anong pinapadali? Anong iwan?"naguguluhang tanong ng huli.

Hindi sumagot ang bakla. Bagamat may mga luha ng nagsisimulang pumatak sa mata nya.

"Alam mong kahit anong mangyari,hindi ko naisip yon. Pano kita iiwan ha? Paano--"

"Doon din papunta yon Ion!"aniya sa malakas na boses."Hindi mo ba nakikita? May mga nagbabago na sating dalawa. Hindi na kita iniintindi, at natitiis mo na ako. Nakakaya nating matulog ng hindi magkaayos o naguusap. No,nakakaya mo. Ikaw nakakaya mo. Pero ako hindi. Nakakaya mo ng matulog ng hindi ako katabi,at natatakot ako na dumating yung araw na ipamumukha mo sa akin na hindi na rin ako yung gusto mong makita sa pagmulat ng mata mo sa umaga."

"Hindi sa ganon Babe."

"Hindi sa ganon? Kaya ba ang dali dali mo na lang akong deadmahin? Kaya ba ang dali dali na lang para sayo na hindi ako kausapin, na makipagtalo sakin ng dahil don sa lintik na maliit na lihim ko sayo?"umiiyak na wika ng bakla.

"Hindi. Hindi sa ganon."

"Sabihin mo nga sa akin. Humahanap ka na lang ba ng rason para masabing ako ang may kasalanan kung sakaling may hindi magandang mangyari sa relasyon natin,ha? Humahanap ka na lang ba ng pagkakataon para magkaroon ka ng dahilan para iwan ako.?"

Hindi sumagot ang binata ngunit nagtuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha nya sa pisngi.

Sinubukang nilang basahin ang sinasabi ng mga mata nila ngunit para lamang silang nanalamin dahil pareho lamang sakit,lungkot at pangungulila ang nakikita dito.

"Hindi ko alam na ganiyan ka pala mag-isip. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa akin."

"Hindi ko rin alam na darating ako sa ganito. Na babalik ako sa dating ako na may pangamba, na may takot. Alam mo baka nga tama sila. Hahanap at hahanap ka rin ng tunay na babae na makakapagpasaya sayo. Na mamahalin. Na baka palabas lang pati pagluhod mo sa harap ko,at pagtatanong sa akin kung pwede mo ba akong makasama sa habang buhay mo."

"Naisip mo talaga yon?"di makapaniwala nyang sambit sa bakla.

"Hindi ba? Kaya nga kahit ilang buwan na ang lumipas hindi pa rin natin napapagusapan. Kasi ano? Kasi dala lang ng awa? Kasi nga umasa ako,at para hindi mapahiya sige pinatulan mo. Pero yung totoo,naawa kana lang talaga."

Hindi nya alam kong saan galing ang mga iyon ngunit parang iyon ang tamang sabihin sa lungkot na nararamdaman nya. Sa bigat. Sa takot. Sa pangamba.

Parang galit na galit sya hanggang sa dumako ang tingin nya sa nobyong sa ibang direksiyon nakatingin ngunit kitang kita ang naguunahan nitong mga luha. Kinagat nya pa ang ibabang labi bago nanangis ang panga.

"Sana pala hindi kana lang um-oo kung pinagdududahan mo lang ako. Sana pala hindi mo na lang ako tinanggap kung sasabihin mo lang iyan."lumuluha itong tumingin sa kanya. At doon muli nadurog ang puso nya."Lahat ng offer sakin, tinatanggap ko. Kahit makukuha non yung karamihan sa araw na dapat kasama ko yung mahal ko. Malaki o maliit man kasi may pinagiipunan ako. Alam mo kung ano? Yung kasal ko. Yung kasal ko doon sa taong gusto kong makasama ko sa habang buhay. Pinag-tatrabahuhan ko yung bahay naming dalawa. Yung future namin. Yung -yung pinaka engrandeng kasal na pwede kong ibigay at iparanas sa kanya. Yung pinaghirapan ko, yung pinagpawisan, at pinagpaguran ko. Kasi naisip ko sa ganoong paraan maipaparamdam ko sa kaniya na karapat-dapat siya. Na kamahal mahal sya. Kilala ko kasi yong mahal kong yon eh."natawa pa ito saka ibinalin sa sahig ang tingin."Masayahin yon pero kapag tungkol sa kanya negatibo sya magisip. Gusto kong iparamdam sa kanya na gagawin ko rin ang lahat para maging karapat dapat ako sa kanya, na kahit hindi naman kailangan ng permiso ng mundo,gagawin ko yun eh. Gagawin ko.."

Unti unti itong bumaling ng tingin sa kanya at sinalubong ang kanyang mga mata."Kasi mahal ko siya. Mahal ko siya, kahit na ngayon na kinikwestiyon ko ang sarili ko dahil sa kanya. Mahal ko siya, kahit ngayon na madalas na nagkakamali na ako. Mahal ko siya, kahit na pinagdududahan nya yung pagmamahal ko. Mahal ko siya kahit itinutulak nya ako palayo. Mahal ko siya kasi wala akong ibang nakikita sa pang habang buhay ko kung hindi siya. Mahal ko siya, kasi sya yung dahilan kung bakit nandito ngayon. Mahal ko siya kahit kinukuwestiyon nya yung nararamdaman ko. Mahal ko sya kahit ang hirap hirap na. Mahal na mahal ko siya. At alam mo bang nasasaktan nya ako ngayon?"

Pareho lamang silang umiiyak ng mga sandaling iyon. Ang lalaki ay nakayuko sa kanyang tuhod habang ang bakla ay sinubsob ang mukha sa palad.

Pareho lamang silang nasasaktan. Pareho lamang silang natatakot.

Si Vice, sa pwedeng mangyari sa kanilang dalawa.

Si Ion, sa desisyon na pwedeng gawin ni Vice.

Gusto man nilang sulitin ang oras pero hindi sa ganitong paraan. Sa paraang umiiyak sila hindi dahil sa saya, kundi dahil sa sakit na nadarama. Dahil sa hindi na nila mahawakan ang isat isa. Dahil sa napakalaking distanyang namamagitan sa kanila. Sa takot. Sa lungkot. Sa pangamba. Sa lahat. Sa lahat ng nakapagpapabigat ng damdamin nila.

"Hindi ko na alam. Hindi ko na alam. Sabi mo,'no more tear and no more fear diba?"nag angat sya ng tingin."No more tear?Pero bakit ako umiiyak ngayon? Bakit ako nasasaktan? No more fear? Pero bakit takot na takot na ako? Natatakot ako na pagsisihan ko yung pagtataboy ko sayo,at natatakot ako na tuluyan ka na ngang lumayo. Pero natatakot ako na baka kahit ipagpatuloy ko to ngayon, magiging magisa rin ako sa dulo. Takot na takot ako Ion."

Pareho lamang silang nagtatansiyahan. Magsasalita ba para mapagusapan? O tatahimik na lang para hindi magkasakitan.

"Tayo pa naman diba?"pagbasag ni Ion sa
mahabang katahimikang kanina ay bumalot sa kanila."H-hindi naman porket nandyan na si Calvin wala na diba?"

Tinignan siya nito."Pano kung--"

"Mahal ka niya. Pero alam kong magkaibigan lang kayo. Okay?"kumbinsi ng binata.

"Pano kung hindi ganon?"

Natigilan ang binata at saka umiling."Sinasabi mo lang yan para umalis ako eh. Para tumigil ako. Pero hindi. Masakit lang to ngayon pero hindi."napapailing pa ang binata."Hindi ako maniniwala."

"Bakit ba ang kulit mo?!"bahagyang tumaas ang boses nya.

"Kasi Mahal kita eh." Diretso at agaran nitong sabi.

"Masasaktan lang rin ako sa dulo. Patatagalin pa ba natin? Magsasawa ka lang rin--"

"Nasasaktan rin ako. Pero tinulak ba kita palayo? Nahihirapan din ako pero nakita mo ba akong sumuko? Umiwas lang ako Vice, umiwas lang ako. Pero hindi ako umalis."at sa pagkakataong ito ay sigurado syang nasaktan nya ng sobra ang binata dahil kitang kita sa mata at buka ng bibig nito. At pati sa pagtawag nito ng pangalan nya.

"Umiwas ako hindi dahil wala akong pakealam, kundi dahil ayokong makita mong natatakot ako. Natatakot ako na mawala ka. Mukha lang maliit yon,pero natatakot ako. Kagaya mo natatakot din ako, na baka sa pagiwas mo rin sakin makahanap ka ng kasiyahan at comfort sa iba. Natatakot akong dumating yong araw na kahit anong sabihin ko ay hindi ka na maniwala."tila hindi nauubos ang luha nito dahil bago pa man nya malaman ay nagsisimula na naman itong maglandasan pababa sa kanyang pisngi.

"Natatakot akong maging dahilan niyang 'takot mong nararamdaman. Natatakot akong maging dahilan nang 'pangamba' mo. Natatakot akong ako na mismo ang magtanggal ng kapayapaan sayo. At natatakot ako ngayon dahil mahal kita."

Ang sadyang pagku -kulong sa kanila ng mga kaibigan ay tila nagbigay ng dahilan para palayain ang kanilang mga emosyon na kanilang ikinulong at inipon.

Pero sino bang sigurado sa kahaharapin nila matapos man ito?

Katahimikan lang ang namayani sa kanila at sa isang iglap nagbigay iyon ng isang pangamba sa bakla.

Isang pangamba na maari na namang magdala sa kanya sa dilim. Sa takot. At sa lungkot.

Matapos ang ilang minuto ng katahimikan ay nakarinig sila ng mahinang pagpihit senyales sa pagkakabukas ng pintuan.

Ngunit hindi sila natinag.

Hindi sila tumayo.

Hindi gumalaw at umalis sa pwesto upang buksan ang pinto at maglakad na papalayo sa isat isa.

Ngunit nanatili sila roon.

Tila ba ay nahanap ang kalayaan mula sa pagkakakulong sa silid na iyon. Na wari mo ba'y may mawawala sa oras na maglakad at baybayin nila ang daan palabas ng kwartong iyon.

"Natatakot ako dahil mahal kita. Tandaan mo sanang mahal na mahal na mahal kita." Nag angat ng tingin ang binata ."At kung ako man ang dahilan kaya ka nagkakaroon ngayon ng pangamba..."

Nanghihinang tumayo ang lalaki at bahagya pang nagpunas ng luha. Sandali nya pang idinukot ang panyo sa bulsa bago inilagay sa tabi ng bakla.

"Kahit ayaw ko, ako na lang yung mawawala. Ako na lang yong lalayo at saka ko dadalhin kasama ko at papalayo rin sayo yung pangambang dinulot ko.."huminga pa sya ng malalim."Pero hindi ibig sabihin non,tinalikuran kita. Kaya ko to ginagawa kasi mahal kita. At dahil sa sobrang mahal kita handa akong umalis para lang makahinga ka."

Kung kanina ay pinupunasan nya ang pisngi sa pagkakataong ito ay hinayaan nya na lamang na tumulo ang mga ito,kasabay ng ngiting ipinlastar nya sa mukha at ihinarap sa bakla.

At sa bawat patak ng kanilang mga luha ay pagkadurog ng kanilang puso.

Pinakatitigan pa ng binata ang huli habang kapwa may mga butil rin na pumapatak sa pisngi nito habang nakatulala lamang sa kanya na tila ba ay nanaginip lamang.

"Please pakipunas naman nyang luha mo, kasi kapag ako gumawa niyan, baka  di na ako makakaalis lalo eh. Baka dyan na lang ako uli sa tabi mo, baka hindi natin matanggal yang lungkot at pangamba mo."aniya."Tsaka pagkatapos nyan tama na ha?. Dapat okay kana. Dapat maayos ka."

"Mahal na mahal kita Babe."

Napakagat pa ito sa labi saka mabigat ang pusong tumalikod papalapit sa pinto.

At sa pakiwari ng bakla ay pwede palang bumagal ang lahat ng mga bagay sa paligid nya ngayon.

Ang mabibigat na hakbang ng kanyang nobyo papalayo,kasabay ng mabagal ngunit malakas na pagtibok ng puso ,ang mga luhang pumapatak sa pisngi nya. Sa isang iglap para itong magkakadugtong sa pagkakasabay sabay nito.

Ngunit walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig nya.

Hindi sya nakaimik.

Hindi nakapagsalita.

Hindi nakagalaw.

Hindi nakapagisip.

Nanatili syang tahimik hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin nya ang anino ng nobyo.

Nang taong sobra nyang minamahal.

At wala na ngang nakapagpigil sa paghagulgol nya ng mapagtantong nasa reyalidad sya ,at ang tanging malinaw sa kanya ay ang minamahal na naglalakad papalayo sa kinaroroonan nya.









-----

Ano okay pa kayo? Awayin nyo nako sa twitter dali wahahaah,sabi nyo usto nyo eh😂

Masyado nang mahaba yan,kaya stop na dahil wala pakong nasusulat para sa next chap. Okay?

Vomment!

Twitter:@cheeeitsvglp

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

12K 736 33
Two young souls find comfort in each other's presence. This is their story.
7.5K 229 17
one happy family with a tragic ending.....
18.1K 666 13
REMINDER ITONG STORY NA ITO AY KATANG ISIP KO LAMANG PO HIHIH I HOPE MAGUSTUHAN NIYO ITO ANG FIRST TIME KO GAGAWA NG STORY ABOUT STEFCAM NA INSPRIDE...
6.4K 424 21
my first kiss at age of 6 years old This is my first time making a story, so please don't judge me, just help me on what to do, I'm sorry if there ar...