My Destiny (Book 2)

By iamghiemc

30.1K 2.2K 1K

Just when you thought everything's falling into its place... Shit happens. More

Author's Note
DESTINY 1 - LUCHASE
DESTINY 2 - YESHA DESTINY
DESTINY 3 - CHASERS
DESTINY 4 - PAIN AND MISERY
DESTINY 5 - SEEING YOU AGAIN
DESTINY 6 - FACE TO FACE
DESTINY 7 - IS IT STILL HIM?
DESTINY 8 - CAPTAIN'S REVENGE
DESTINY 9 - DRUNK
DESTINY 10 - YDLANDIA PART 1
DESTINY 11 - YDLANDIA PART 2
DESTINY 12 - YDLANDIA PART 3
DESTINY 13 - YDLANDIA PART 4
DESTINY 14 - YDLANDIA PART 5
DESTINY 15 - MY MAN
DESTINY 16 - CARVED IN MY HEART
DESTINY 17 - DINNER
DESTINY 18 - THREE WORDS
DESTINY 19 - UNEXPECTED VISITOR
DESTINY 20 - REKX
DESTINY 21 - CLEYEUS
DESTINY 22 - YURI (PART 1)
DESTINY 23 - YESHA'S CONDITION
DESTINY 24 - WHO ARE YOU?
DESTINY 25 - NIGHTMARE
DESTINY 26 - YURI (PART 2)
DESTINY 27 - WHERE AM I EXACTLY?
DESTINY 28 - YURI (PART 3)
DESTINY 29 - S. H. I. T STARTS
DESTINY 31 - LINES
DESTINY 32 - LET GO
DESTINY 33 - THE TOY AND COAT
DESTINY 34 - ADRIEL YBAƃEZ
DESTINY 35 - VISITING YURI
ANNOUNCEMENT
DESTINY 36 - SPECIAL ASSIGNMENT
DESTINY 37 - GOODBYES
DESTINY 38 - AZIEL YNIGUEZ
DESTINY 39 - ARE YOU REALLY ALONE?
DESTINY 40 - THE QUEEN OF CHASERS
DESTINY 41 - THE FACELESS ENEMIES
CHAPTER 42 - SHE DOESN'T CARE
DESTINY 43 - ENCOUNTERS
DESTINY 44 - THE BROKEN GLASSES
DESTINY 45 - C&C
DESTINY 46 - DYLAN SEOH
DESTINY 47 - PLAY THE GAME
DESTINY 48 - CODES
DESTINY 49 - REKX'S APPROVAL
DESTINY 50 - SOON TO BE HUSBAND
DESTINY 51 - YSLA YERI
DESTINY 52 - YSLA YERI PART 2
DESTINY 53 - I WAS NEVER GONE
DESTINY 54 - USED AS A BAIT
DESTINY 55 - RINGS
DESTINY 56 - FALLEN
DESTINY 57 - THE TRUTH
DESTINY 58 - TRAINING WITH CAPTAIN (PART 1)
DESTINY 59 - TRAINING WITH CAPTAIN (PART 2)
DESTINY 60 - FACE OFF
DESTINY 61 - PARTNERS
DESTINY 62 - BETRAYAL
DESTINY 63 - DOWNFALL
DESTINY 64 - FAREWELL
DESTINY 65 - NEW CAPTAIN
DESTINY 66 - YRIEUM
DESTINY 67 - YSLA RYESHIA
DESTINY 68 - ARAGON FAMILY
DESTINY 69 - THE LETTER
DESTINY 70 - ARDICIUM
DESTINY 71 - PREPARATION
DESTINY 72 - THE MAN BEHIND THE CLOAK
DESTINY 73 - VALLEY OF DEATH
DESTINY 74 - CHASE DESTINY
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

DESTINY 30 - JAVIE'S REVENGE

295 28 17
By iamghiemc

A/N:

1. As promised, ito na po ang pambawi ko from last week.

2. Congratulations nga pala sa mga nakahula na magkapatid sina Yesha at Yuri. I'm so proud of you! Hugs!


Happy reading!



YESHA POV

Pagdating ko sa lugar, nasa labas si Javie at ang mga bata niya.

I sighed. Naglakad ako palapit.

"Sabi na nga ba darating ka." Maangas na aniya.

Iginala ko ang tingin sa sandamakmak na bata niya. "Pinaghandaan niyo ulit ako?"

"Gusto ko may audience."

"Nasaan si Lucas?"

He smirked. "Excited kang makita siya?"

I didn't answer and remained expressionless.

Pinag-aralan ko ang ekspresyon niya.

Nakangiti pero halata ang galit sa kanya. Matinding galit. Nakakuyom ang kamao. Nagpipigil lang. Kanina pa ako gustong sunggaban.

Overall, handang pumatay.

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Pag pumasok ka, hindi ka na makakalabas nang buhay." May kasiguraduhan sa boses niya.

"I guess we'll meet in hell then. Don't you think?"

"Oo, mag-reunion tayo do'n. Kasama ng mga mahal mo."

"Kasama rin ba ang kapatid mo?"

Lalong umalab ang galit sa mga mata niya.

"Tatayo na lang ba tayo rito?"

Binuksan niya ang pinto at nauna nang pumasok. Sumunod ako pero natigilan na pati pala si Chase nando'n.

At tangina! Pareho silang sugatan ni Lucas. Nagwala ang buong sistema ko.

"Surprise!!" Pang-aasar ni Javie. Nagtawanan naman ang mga bata niya.

Nagtama ang paningin namin ni Chase. Punung-puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Pero hindi maikakaila na hirap siya sa sitwasyon niya.

Nilipat ko ang tingin kay Lucas. He looks apologetic. Pareho silang nakatali at nabugbog.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ni Chase.

Putok ang labi. Dumudugo ang gilid ng kanang mata. May pasa sa mukha at sa iba't ibang bahagi ng kamay. Malamang sa buong katawan.

Bahagya akong tumungo.

Nobody messes with my man and gets away with it.

You touch him, I kill you.


CHASE POV

Bahagyang tumungo si Yesha pagkatapos akong pasadahan ng tingin. Mayamaya'y ipinikit nito ang mga mata. Makalipas ang ilang segundo, nagmulat siya at dahan-dahang nag-angat ng tingin.

Her eyes showed danger. Her aura speaks power.

This is not Yesha anymore, this is Destiny.

"Galit ka bang binugbog namin sila?" Pang-iinis ni Javie.

Bahagya nitong tinabingi ang ulo...at ngumiti. Ngiting nagpapahiwatig ng galit. "Oo eh. Nagiging ibang tao pa naman 'pag nagagalit."

Damn! Nanlamig ang buong katawan ko sa lakas ng dating ng boses niya. Napakamakapangyarihan.

At malamang naramdaman din 'yon ni Javie. Pumunta siya sa likod ko at tinutukan ako ng patalim sa leeg.

Si Alex naman kay Lucas.

Natawa na lang ako."Pota! Dinala mo kami rito para may mapagtaguan ka?" Pang-iinis ko.

"Tanginang 'yan!" Mura din ni Lucas. "Alam kong mahina kayo pero ibang level ang kahinaang 'to."

"Sandamakmak kayo, nag-iisang babae ang nasa harap niyo pero kailangan niyo pa kami para may mapagtaguan? Anong klaseng katarantaduhan 'to?" Mapang-insultong tanong ko.

"Tumahimik ka!" Sigaw niya sa 'kin. "Isipin niyo na ang gusto niyo, wala akong pakialam! Pero sinisigurado kong hindi matatapos ang gabing 'to na hindi ko naipaghihiganti ang kapatid ko!"

"Kanino?" Singit ni Yesha.

"Sa pumatay sa kanya."

"Sa sarili mo?"

"Ikaw ang pumatay sa kanya."

Umiling si Yesha. "Hindi ako kundi ang kayabangan mo. Sinabi ko na sa inyo, kung sinuman ang mangahas na saktan ang lalaking 'yan," tingin niya sa 'kin. "Ako mismo ang makakalaban. At sinabi ko rin na hindi niyo ako kilala."

"Kilala kita. Ikaw ang demonyong pumatay sa kapatid ko! Sugurin niyo 'yan!" Utos niya.

Agad na sinugod si Yesha ng mga bata niya. Sa harap namin mismo pinagsusuntok at sipa nila siya. Pero hindi siya lumaban. Marahil ay dahil nakatutok pa rin ang patalim sa amin ni Lucas.

Nanlumo ako. Hindi ko kayang makitang nasasaktan siya.

Sinubukan kong kalasin ang pagkakatali ko pero masyadong mahigpit. Ipinilit ko pa rin. Ramdam kong dumaloy ang dugo sa kamay ko.

"Lumaban ka, Yesh. Huwag mo kaming isipin!" Sigaw ni Lucas.

Tumingin si Javie sa kanya at natawa. Sandaling nawala ang atensyon nito sa akin. Sinamantala ko iyon para mapilit na makalag ang tali sa kamay ko.

Muling itinutok ni Javie ang patalim sa leeg ko. "Panoorin mo siyang mabuti." Utos niya. "Panoorin mong masaktan ang pinakamamahal mo. At papanoorin naman kitang kainin ng galit."

Nagngitngit ang kalooban ko.

Bawat isang sipa, isang suntok sa kanya sampu ang katumbas na sakit sa akin.

"P*tangina mo, Javie!!" Muling sigaw ni Lucas. Muli itong tumingin sa kanya at pinagtawanan siya.

Hindi ko naman inalis ang tingin kay Yesh. Bahagya siyang gumalaw at parang may kinuha sa likod ng isa. Sobrang bilis na hindi ko nakita ko kung ano o kung may kinuha ba talaga siya. Parang nagawi lang kasi ang kamay niya roon.

"Sandali!" Ani Javie. "Gusto ko siyang makita. Para makita na rin siya ng dalawang gagong 'to."

Tinabig niya ang kamay ng dapat magtatayo sa kanya at mag-isang tumayo. Marahas na pinunasan ng kamay ang dumudugong labi bago ngumisi kay Javie.

"Ibang klase ka rin talaga." Puri ni Javie.

Malalim ang paghinga ni Yesh. Hindi ko lang sigurado kung dahil ba sa bugbog o dahil sa galit.

"Kulang pa ba 'yang bugbog mo?"

Natawa si Yesha. "Wala pa 'to kumpara sa mga pinagdaanan ko. Sa tingin mo ba magkikita na kami ni Owen sa impyerno dahil lang binugbog niyo ako?"

Humigpit ang hawak ni Javie sa patalim na nakatutok sa leeg ko. "Huwag mong babanggitin ang pangalan niya."

"Gusto mo bang malaman kung bakit namatay siya?

"Namatay siya dahil pinatay mo siya!" Nanggagalaiting sigaw ni Javie.

"Namatay siya dahil tanga ka!!" Sigaw din ni Yesha. "Inuna mo ang yabang mo! Ang bawat katangahan ay may kapalit. At kapalit ng katangahan mo ang buhay ng kapatid mo!! Ikaw ang dahilan bakit namatay siya, hindi ako!!"

"Demonyo ka talagang babae ka!!" Sugod niya kay Yesha.

Napangiti si Yesha. Parang 'yon ang hinihintay niya. She gave me a knowing look.

Hinila ni Javie ang buhok niya palikod at tinutok ang patalim sa leeg niya. "Huwag mong isisi sa akin ang nangyari dahil ikaw ang pumatay sa kanya!! Hayop ka! Papatayin ko rin ang mga mahal mo sa mismong harap mo at ipapadanas ko sa 'yo ang impyerno!"

"Hindi ka talaga marunong umitindi, Bida-bida. Hindi mo kailangang iparanas sa 'kin dahil pabalik-balik ako doon. Demonyo nga ako, di ba? Gusto mo bang ikamusta kita sa kapatid mo? Nando'n siya eh. Nando'n siya dahil sa katangahan mo."

Umigting ang panga ni Javie. Itinaas ang patalim at isasaksak na sana...

"Wrong move, bobo!" Ani Yesha. Nagpakawala siya ng flying kick sa mismong panga ni Javie. Natumba siya.

May hinugot siyang patalim mula sa likuran at niya hinagis sa direksyon nila Lucas. Tumarak iyon sa dibdib ni Alex.

Sunod ay agad siyang tumakbo sa amin. Hinugot ang patalim mula sa katawan ni Alex at kinalagan ako. "Help, Lucas! At umalis na kayo rito!"

Sumugod na ang mga bata ni Javie. Sinalubong niya ang mga ito at hindi hinayaang makalapit sa amin.

Tinungo ko naman si Lucas. "What are you doing?" Galit na tanong niya. "Puta! Uunahin mo talaga ako? Help her!!"

"Pero..." nilingon ko si Yesha. Napapaligiran na siya. Masyado silang madami.

"Help her!!" Sigaw ulit ni Lucas.

Muli kong tiningnan si Yesha. "Fvck!" I hissed and ran towards them.

Hinila ko sa likurang kwelyo ang isa at malakas na sinapak. Pinagsisipa ko naman ang mga sumunod.



LUCAS POV

Chase is on fire. Mabilis niyang napatumba ang mga nasa sampu sa mga kalaban.

"What are you doing? I told you to help Lucas and get out of here!" Sigaw ni Yesha. Sinipa niya ang isang sumugod mula sa likuran ni Chase. "Tangina! Ngayon ka pa ba hindi makikinig sa 'kin?!" Tuloy niya sa sermon niya.

Sinapak ni Chase sa mukha ang isang lumapit sa kanya. "What do you what me to do? Watch you get beaten by these idiots?!"

"Who said anything about me getting beaten up? You're insulting me, President Sungit!"

"Well, you're insulting me too for telling to flee with my best friend, Annoying Girl!"

"Anak ng tinapa, Chase!"

Natawa na lang ako. Nag-aaway sila habang walang tigil sa pagpapatumba sa mga tauhan ni Javie.

Nakakatakot talaga pag nagsanib pwersa sila.

Marami-rami pa ang natira sa mga bata ni Javie nang makitang kong tumayo siya. Pinulot ang patalim na nabitiwan niya kanina.

Napalunok ako nang ngumisi siya sa 'kin. Tiningnan ko sina Yesha pero patuloy silang nakikipaglaban. Magkasangga ang mga likuran at pinoprotektahan ang isa't isa.

Tumakbo si Javie sa gawi ko. "Para sa kapatid ko!!" Sigaw niya.

"No!!" Sigaw ni Yesha at mabilis na tumakbo rin sa direksyon ko.

"Yesha, no!!" Sigaw ko rin.

Naunahan niya si Javie. Halos panawan ako ng katinuan nang
niyakap niya ako, ginamit ang sarili para mailigtas ako.

Ngunit pareho kaming napalingon sa taong humarang din sa harap namin at siyang tumggap ng saksak.

"C-chase..." mahinang ani ko. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko. Na kahit banggitin ang pangalan niya, hirap na hirap ako.

At si Yesha... Natulala siya.

Hinugot ni Javie ang patalim at muli sinaksak si Chase.

Muli niya itong hinugot at isasaksak ulit nang marahas na bumukas ang pinto at kasabay no'n ang pagtarak ng palaso sa katawan ni Javie. Hindi lang isa, kundi tatlo. Agad na bumagsak ang katawan nito.

Bumagsak rin si Chase.

Napaupo si Yesha sa tabi ni Chase. Tulala pa rin pero walang tigil ang pagluha.

Kita kong nakikipaglaban na ang Chasers sa iba pang natira. Kita ko ring tumatakbo sa direksyon namin sina Ellie, Seb at Ken. Kinalagan ako ni Seb. Inalalayan ni Ellie si Yesha. Umupo naman sa sahig si Ken at kinuha sa bisig niya si Chase. Kita ko ang mga nangyayari pero parang slow motion lahat. Ayaw tanggapin ng sistema ko. Ng utak ko.

"L-lucas..." Boses ni Chase.

"Huwag ka nang magsalita." Utos ni Ken. "Dadalhin ka namin sa ospital. Hang in there, okay? Huwag kang bibitiw." Bubuhatin sana niya ito pero pinigilan siya ni Chase.

"L-l-ucas..." muling sambit niya.

Lumapit ako at kinuha siya sa bisig ni Ken.

"Na...nga..ko ka." Putol-putol na aniya.
Bumagsak ang mga luha ko sa mismong mukha niya.

"Dustin!! Ready the car!!" Sigaw ni Ken nang pumikit na si Chase. Muli niyang kinuha ito sa akin. Binuhat at dali-daling lumabas.

Hindi ko pa rin alam ang gagawin. Nanatili akong nakaupo lang roon. Nakatingin sa mga kamay ko.

"Lucas..." boses ni Seb. "Chase needs us."

Inangat ko ang paningin sa kanya. "Si Chase... Magiging okay siya, di ba?"

Nagpilit siya ng ngiti. "Oo naman!" Pilit pinapalakas ang loob na sagot niya. "Si Chase 'yon eh." Aniya pero hindi rin napigilan ang pagbagsak din ng mga luha niya.

Napatungo ako.

Naramdaman kong may umupo sa tabi namin. Nilagay ang kamay niya sa balikat ko at pinisil iyon. "Lakasan mo ang loob mo, Lucas. Chase is counting on you." Nag-angat ako ng tingin kay Ellie.

Nilipat ko ang tingin sa nasa tabi niya. "Yesh..." hawak ko sa pisngi niya. "Yesh..." ulit ko pero wala.

"She's in shock." Nabasag ang boses ni Ellie. "It happened right in front of her. Again."

"Yesh..." Yugyog ko sa balikat niya. Pero hindi nagbago ang ekspresyon niya. Tulala lang siya habang patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi. "Yesh!! Yesh!!"

Pinigilan na ako ni Ellie. "Ako na bahala sa kanya. Si Chase... Make sure he's okay. Please." Pakiusap niya. "It may sound selfish... but Yesha needs him."

Tumango ako.





"How is he?" Agad kong tanong kina Kaiden pagdating sa ospital.

Napatungo ang mga kaibigan namin.

"OR."

Napaupo ako. Sinapo ang ulo.

"Lucas, Chase's parents. They need to know."

Lalo akong nanlumo. What will I tell Mama?

"Gusto mo bang ako na lang?" Ani Kaiden.

Pinunasan ko ang mga luha. "Ako na."

Humahangos na pumasok sina Mama sa ospital.

"Nasa'n siya? How is he!" Umiiyak na tanong ni Mama sa akin.

"OR po, Mama."

Napuno ng takot ang mga mata niya. "Bakit?" Tiningnan niya kaming magkakaibigan. "Bakit?" Mas madiin nang tanong niya. "Nag-uusap lang kami kagabi. He said matutulog na siya. He even hugged us and told us that he loves---"

Hindi niya naituloy ang sasabihin at parang may naisip. Bigla na lang humagulgol siya. "Hindi!" Sigaw ni Mama. "Nasaan ang anak ko!" Hila niya sa damit ko. "Anong nangyari? Sabihin mo sa 'kin anong nangyari sa kapatid mo!"

"Tama na." Pigil sa kanya ni Daddy Race. "Nurse!" Tawag niya sa isang nurse. "Pwede bang pakigamot ang mga sugat niya." Turo niya sa akin.

"Dad, I'm fine." Tutol ko.

"You don't look fine to me, anak." That moment, I wished to hear those words from my own father.

"Sige na ha?" Pilit niya.

"Pero, Dad..."

"Tatawagin ka namin agad."

"I'm sorry po." Hindi ko napigilan ang mapahagulgol. "I'm sorry, Dad."

Niyakap ako nito at hinayaang umiyak sa kanya. Naramdaman ko ring yumakap si Mama.

Hanggang ngayon, sa kanila ko pa rin nararamdaman na may pamilya ako.

It's exactly what I need. Dahil sa totoo lang sobrang bigat na. Hindi ko na kaya. Pinanghihinaan na rin ako at gusto ko nang sumuko.





Matapos akong magamot, nagpumilit na akong bumalik sa labas ng OR. Sinabi nilang mas makabubuti kung ma-admit ako para makapagpahinga at maobserbahan pero wala akong pakialam.

Waiting outside the OR felt like an eternity. Silence filled every corner of the hallway we're in. Pare-pareho kaming hindi mapakali at hindi mapirmi sa isang lugar. Papalit-palit kami sa pagtayo, pag-upo, paglalakad. Paulit-ulit.

Pataas na ang araw nang lumabas ang doctor.

Agad kaming lumapit.

"How is my son?" Tanong ni Daddy.

"He is still in a critical condition. Let's pray that in the next 24 hours he wakes up. At maraming maaaring mangyari sa loob ng oras ng iyon."

"What do you mean, doc?" Mama asked.

"The next 24 hours is crucial."

Pare-pareho kaming nanlumo.

Mama was crying in Dad's arms.



Nakasilip lang kami sa salamin sa gilid ng kwarto ni Chase. Tumulo ang luha ko. Bakas pa rin ang mga pasa at sugat mula sa bugbog na natamo niya. At kung anu-ano ang nakakabit sa kanya. Kung anu-ano ring makina ang nasa loob ng kwarto. Ngunit sa isang makina napako ang tingin ko. Sa makinang nagsasabing humihinga pa siya. Na buhay siya at lumalaban.

Please, lumaban ka. Lumaban ka pa.

Tinabihan ako nila Mama at Daddy.
"Anong nangyari, Lucas?" Tanong ni Mama. Mahihimigan ang galit sa boses niya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Your dad came to see us. Ito ba ang sinasabi niya---"

"Ma, hindi po." Umiling ako. "Hindi po." Iyak ko.

"You also like her, don't you? Pinagtatakpan mo rin ba siya? Ang sabi ni Chase hindi siya mapapahamak but look at him now!" Sigaw niya.

"Ma..."

"Narinig mo ang doktor, Lucas. He needs to wake up within the next hour 24 hours. Paano siya magigising! I can't lose my son!!"

"Tita," tawag ni Ken. "Bago po ipasok si Chase sa OR, nagising siya."

"Ha?" Nilapitan siya ni Mama. Hinawakan ang mga kamay ni Ken. "May sinabi ba siya?"

"He's looking for Yesha."

Nabitiwan ni Mama ang mga kamay ni Ken. "Tita, I think Yesha can wake him up."

"Siya pa rin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Lahat kayong kaibigan niya, nandito. Siya wala. Alam naman siguro niyang nandito ang anak ko?"

"Ma, kasi---"

"Okay," punas niya ng mga luha. "Kung makakatulong talaga siya para magising si Chase, let's go get her."



Pagdating namin kina Yesh, pinagbuksan kami ni Tita Lucy. Ni hindi na bumati si Mama, dire-diretso siya sa loob.

Naabutan namin si Yesha sa receiving area. Tulala pa rin at suot pa rin niya ang damit mula kahapon.

Napako ang tingin ni Mama sa isang maleta sa tabi ni Yesha.

"You're leaving?" Tanong ni Mama.

Nagulat pa si Yesha nang marinig na may nagsalita. Parang hindi niya napansin na pumasok kami. Napatingin siya sa amin.

Mabilis na lumapit si Mama at nagkagulatan na lang kami nang sampalin niya si Yesh.

Nahulog si Yesh sa sahig mula sa pagkakaupo.

Naupo rin si Mama sa sahig at pinagsasampal si Yesh. "Aalis ka ha? My son is dying and you're leaving him?!"

"Ma!" Pigil ko sa kanya pero tinulak niya ako. Muli niyang sinugod si Yesha. Pinagsasampal at pinaghahampas sa dibdib. "Ang kapal ng mukha mo! Iiwan mo ang anak ko! Sa ganitong sitwasyon niya, iiwan mo siya?! Mahal na mahal ka ng anak ko! Ipinagtanggol ka niya sa amin! Sabi niya hindi siya mapapahamak ng dahil sa 'yo pero nakaratay siya ngayon sa ospital at nakikipaglaban para sa buhay niya. Tapos iiwan mo siya?!"

Malakas niyang sinampal ulit si Yesha. "You don't deserve his love. You don't deserve him!"

Bumuhos ang mga luha ni Yesh.

"Kasalanan mo kung bakit napahamak ang anak ko! Kasalanan mo! Kasalanan mo!"

"What are you doing to my daughter?!" Dumating si Tita Reese at tinulak siya. "Get away from her!" Sigaw niya.

"Well, I should have done that a long time ago! At sana pinalayo ko rin si Chase sa kanya. Eh di sana hindi nag-aagaw buhay ang anak ko ngayon!

"Sana nakinig ako kay Arturo na kapahamakan lang ang dala ng anak mo! Na kung sinuman ang mapalapit sa kanya, manganganib ang buhay! Kasalanan niya kung bakit kritikal ang anak ko ngayon!"

"How dare you." Naglalaban ang mga ngipin na ani Tita Reese sabay sampal kay Mama. "Mapapahamak? Manganganib? You know nothing about Yesha. Alam mo ba kung anong sinakripisyo niya para sa anak mo? Alam mo ba kung anong kinalaban niya? Alam mo ba kung ilang beses niyang iniharang ang sarili niya mailigtas lang si Chase?!"

Natigilan si Mama.

"Obviously you don't." Tumayo si Tita Reese. Tumulo na rin ang mga luha niya. "Kasalanan niya?" Lingon niya kay mama na tumayo na rin. "Bakit? Paano niya naging kasalanan? Hindi ba't ang mga gangster na kaaway ng anak mo ang dahilan nito?"

Napatingin si Mama sa akin.

"Nananahimik ang anak ko rito sa bahay. Patulog na nga eh. Tapos tinawagan siya ng isa mo pang anak." Sumulyap siya sa 'kin. "Malamang pupuntahan niya kasi kaibigan niya eh. Ang anak ko ang nadamay sa gulo ng mga anak mo tapos susugod ka rito at sasabihing anak ko ang may kasalanan?!"

Umiling si Mama. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Tita Reese.

"Ang anak ko ang nadamay, Olivia. Huwag mong isisi sa kanya ang nangyari. Naiintindihan ko ang galit mo dahil hindi biro ang pinagdadaanan mo ngayon. Ina rin ako at alam ko ang sakit na nararamdaman mo. Pero hindi kasalanan ng anak ko 'yon. At wala kang karapatan na sisihin at saktan siya.

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan niya. Wala kang alam kung anong mga ginawa niya para kay Chase."

"Ma," tawag ko. "It's my fault. Ako ang nakuha nila Javie. Sila ang grupong may galit sa amin noon pa. At tama po si Tita Reese, hindi niyo dapat sinisisi si Yesha. Kung may dapat kayong sisihin, ako 'yon. Oo, sinalo ni Chase ang saksak na 'yon para kay Yesh---"

"Eh di kasalanan nga niya!" Putol ni Mama at muling sinugod si Yesha. "Kasalanan mo talaga!"

"Ma!" Hinawakan ko siya. "Listen to me."

"Huwag mong siyang pagtakpan, Lucas. Baka magaya ka kay Chase."

"Hindi ko siya pinagtatakpan, Mama. Kasalanan ko talaga. Ang saksak na 'yon, para sa akin dapat 'yon, hindi kay Yesh."

"Pinagtatakpan mo lang siya." Giit niya.

Umiling ako kasabay ng pagbuhos ng mas maraming luha."No'ng nakita ni Yesha na masasaksak ako, niyakap niya ako para siya ang masaksak pero nagulat na lang kami kasi iniharang din pala ni Chase ang sarili niya para hindi masaksak si Yesh.

"It was me, Mama. Niligtas nila akong dalawa."

"Hindi..."

"'Yon ang totoong nangyari, Mama. I'm sorry. It's my fault. I'm sorry, really. I... I..."

"Shhh..." yakap ni Mama sa akin. "Hindi mo kasalanan."

"Anong nangyayari rito?" Dumating si Ellie kasama si Tita Lucy.

"Ellie..." boses ni Yesha. Sapo-sapo nito ang dibdib. Parang nilalabanan na lang na huwag mapapikit ang mga mata.

"Yesh..." lapit ni Ellie sa kanya.

Rumehistro ang takot kay Tita Reese. Gano'n na rin sa 'kin.

"Chase..." hinang-hinang ani Yesha. "C-chase..." ulit niya bago tuluyang nawalan ng malay.

Kinapa ni Ellie ang pulso niya.

Kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Lucy! The car! Now!!" Utos niya.

Terror run through my whole body.

No...

Si Chase lang ang nakakagising kay Yesha. At kritikal din si Chase ngayon...







***

Thank you for reading!

May mga new commenters akong nakikita. Kamsahabnida!

See you next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

640K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.7M 50.8K 116
(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
331K 7.1K 68
Ang kwentong ito is all about a girl na baliw na baliw sa isang lalakeng who will never loved her back. Umaasa siya sa wala,Lahat na yata ay ginawa n...