The Others

By aihtnyc_akira

70 1 0

Paano kung ang itinuturing mong pinakamatalik na kaibigan ay hindi pala ganoon ang tingin sayo? Paano kung m... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
Chapter 4

CHAPTER 2

14 1 0
By aihtnyc_akira

AURISSE'S POV

AURISSE'S POV

Naaalimpungatan akong nagising nung huminto ang jeep. Asan na ba ako? Tumingin tingin ako sa magkabilang sides ng jeep. Nandito nap ala ako eh, buti nalang talaga at malapit lang ang work ko sa terminal ng jeep kaya kahit makatulog ako eh okay lang.

Bumaba na ako sa jeep at naglakad papunta sa work ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Rey, ang aming security guard.

"Magandang buhay maam. Tuloy po kayo at sana po mag-enjoy kayo sa pag-stay niyo"nakangiting bati sakin niya sakin, mukhang hindi niya ako nakilala.

"Kuya Rey ako lang po ito" natatawang sabi ko sa kanya

"Oh Aurisse, ikaw lang pala yang bata ka. Bakit ang aga mo naman yata ngayon mamaya pang alas sais ang duty mo," natatawang sabi niya

"Tatapusin ko pa po kasi yung inventory report na naiwan ko kanina tsaka sayang po kasi ang pamasahe pag babalik pa po ako ng bahay"pabulong at natatawang sabi ko sa kanya

"Naku ikaw bata ka wala ka pa ngang pamilya pero kung magtipid ka eh napakatindi. Paano kaya pag nagkapamilya ka na, baka kahit gamit para sa sarili mo tipirin mo na din"napapakamot sa ulo na sabi nito

"Hindi naman po Kuya Rey praktikal lang po. Pwede po bang dito nalang po ako?" turo ko sa pwesto na malapit lang sa kanya

"Oo naman hija, ikaw pa ba? Sige na pumunta ka na doon at baka makita ako ni manager na nakikipagdaldalan, mapagalitan pa" pabirong bulong niya sakin

"Sige po kuya rey salamat po" umupo na ako at isa-isang inilapag ang mga papel na kailangan ko.

Hay naku bakit ba kasi ako ang gumagawa ng lahat ng ito? Hindi naman ako manager, isa lamang akong hamak na cashier dito na inaabuso ng kanyang manager. Aiisssh kung hindi ko lang talaga kailangan tong trabaho na ito, hindi ko ito pagtitiyagaan.

Lumipas ang ilang oras at natapos ko na lahat pati homewroks ko. Tinignan ko ang phone ko kung may message ba.

2 messages received, 1 missed call

Tinignan ko muna kung sino ang tumawag sakin. Si mama? Bakit kaya? Kaya binuksan ko agad ang messages ko. Si mama at si bess ang nagtext. Una ko munang binuksan ang text na galing kay mama.

From : Mama

Anak, baka gabihin ako ng uwi mamaya ah. Marami pa kasi akong tatapusing trabaho sa opisina kailangan mameet ni mama ang deadline para di mapagalitan ni boss. May pagkain na sa ref initin mo nalang. Kumain ka muna bago ka matulog, ingat ka mamaya sa pag-uwi. I love you

Si mama talaga lagi akong pinapagalitan pag nasosobrahan sa overtime, pero siya naman halos isubsob na ang mukha sa kakatrabaho. Hays hayaan mo ma makakaahon din tayo, makatapos lang po ako sa pag-aaral. Binuksan konaman ang message na galing kay bess.

From : Bess

Yung promise mo ah wag kalimutan J Umuwi ng maaga wag na mag-overtime pahinga naman bess.

Ang kulit talaga ng bruha nito kaya mahal na mahal ko yun eh. Anong oras na ba? 5:45 pm na pala makapunta na nga locker para makapgbihis na. Tumayo na ako at nagpaalam kay Kuya Rey. Tinanguan at nginitian lang ak nito kasi nagsisimula na ding dumami ang customers namin. Mukhang kailangan ko na ngang magbihis at baka mahigh blood na si manager.

Nagbihis at nag-ayos lang ako ng konti saka dumiretso sa office ni manager.

"Magandang buhay maam, ito na po yung reports," abot ko sa kanya

"Sige Aurisse lapag mo nalang diyan, thank you"sabi nito na hindi man lang nag-abalang tumingin sakin at nakatutok pa din ang mga mata sa kanyang laptop.

"Sige po maam, alis na po ako" tumalikod na ako sa kanya at dumiretso na sa counter.

Binati ko lahat ng mga workmate ko na nadaanan ko at saka ako dumiretso sa pwesto ko. Mahabang oras na ang lumipas na puro trabaho lang ang inatupag. Minsan kinakausap din ako ng katabi kong cashier pag walang masyadong tao para naman malibang ng konti. Ilang minuto nalang at oras na ng uwian. Hay salamat makakapagpahinga na din sa wakas.

Pagsapit ng alas diyes nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko, sila kasi may duty pa. 24 hours kasi ang operating hours nito kaya madami pa din silang naiiwan ditto. Ako naman ay part-timer lang dito kaya ang maximum working hours ko lang dito ay 4 hours. Lumalagpas lang yun kapag may sobrang dami ng customers at konti lang ang crew na pumasok.

Nagbihis lang ako at saka umuwi na sa bahay. Pagdating ko sa bahay, patay pa din ang ilaw kaya sigurado akong wala pa si mama. Ano kayang oras makakauwi yun? Pabagsak akong umupo at nagpahinga konti bago pumunta ng kusina. Bubuksan ko n asana ang ref nung makita ko ang mga monthly bills na kailangan naming bayaran. Umupo muna ako saglit at kinompute ko kung magkano ba ang sasahurin ko.

Mukhang kailangan ko nang humanap ng isa pang trabaho para matulungan ko si mama sa mga bayarin namin. Sakto lang kasi talaga ang sahod ko para allowance ko ng dalawang linggo sa school at work minsan nga kulang pa pag may biglaang projects na kailangan sa school kaya di talaga ako nakakapagbigay kay mama para pambayd sa bills namin. Pero ngayon mukhang nahihirapan na si mama kasi 2 months na kaming di nakakapagbayad ng electric bills baka sa sususnod na buwan ay maputulan na kami.

"Saan naman kaya ako makakahanap ng part time na gabi ang operating hours?"nanlulumong akong tumungo sa mesa naming at nag-isip. "Bukas ko nalang iisipin yan, makakain na para makapagpahinga at hindi pa ako nakakabawi ng tulog ko kagabi.

Kumain lang ako saglit at umakyat na sa kwarto ko. Nakatulog ako agad pagkahiga ko palang.

"Nasa kotse ako kasama si mama, papa at may isa pang bata na hindi ko maaninag ang mukha. Masaya kaming naglalaro nung bata at tinatawanan naman kami nina mama at papa. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta ang alam ko nakikita ako ng mga puno sa paligid at madalang ang mga sasakyan na dumadaan. Patuloy kaming naglaro nang batang kasama at tinatawanan lang kami nina mama at papa dahil sa kakulitan namin. Nang biglangmay maliwanag at malakas na ilaw ang tumama sa kotse namin. Dire-diretsong papunta sa amin ang liwanag na iyon pero mabuti na lamang at naiwasan ni papa yun. Pero hindi niya na naiwasan pa ang poste na mababangga namin at dahil sa tindi ng impact nun nawalan na ako ng malay."

Bigla akong nagising dahil sa panaginip kong yun. Ang weird naman ng panaginip kong yun at sino yung batang kasama ko? Bakit hindi ko makita ang mukha niya pero nakikita ko naman nang maayos ang mukha nina mama at papa? Napapailing na isip ko dito at tinignan ko nalang ang oras. 6:00 am na pala makabangon na nga para maagang makapasok sa school. Naghilamos lang ako at bumaba na sa kusina habang pilit kong inaalis sa isipan ko ang panaginip kong iyon.

Nakita kong nagluluto na si mama ng agahan namin kaya tinulungan ko na siya sa pagtitimpla ng kape at paglalagay ng plato sa mesa. Maya-maya din naman ay natapos na siya kaya ako na ang naghain ng pagkain namin.

"Ma" tawag ko sa kanya napatingin naman siya sakin,"2 months na po palang di nababayaran ang kuryente natin, baka po maputulan na tayo" sabi ko sa kanya habang patuloy na kumakain

"Ganoon ba? Sige babayaran ko mamaya bago ako pumasok. Kain ka pa" sabi niya sakin

"Ma? Maghanap na po kaya ako ng isa pang part-time job? Para naman po matulungan ko po kayo sa monthly bills natin" nakayuko kong sabi

"Hay naku Aurisse tumigil ka ha. Pinayagan na nga kitang mag part time kahit ayaw ko kasi sabi mo kaya mo naman silang pagsabayin. Pero yung ganyang magdadagdag ka pa ng isang trabaho, hindi na pwede. Mag-focus ka nalang sa pag-aaral mo, makakaraos din tayo"

"Pero Ma .."

"Wala nang pero pero kaya ko pa anak okay? Sige na kumain ka na nang kumain para hindi ka abutan ng traffic sa daan"

"Opo ma"

Nagpatuloy na kami sa pagkain at ako na din ang naghugas ng pinagkainan naming. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis. Inaayos ko na ang mga gamit ko nung sumilip si mama sa pinto ng kwarto ko.

"Anak una na ako ha. Dadaan pa kasi ako sa bayad center para mabayaran ang kuryente natin, ilock mo ng mabuti ang pinto bago ka umalis ha. Ingat ka at umuwi ng maaga okay?"

"Opo ma ingat din po kayo"

"Sige anak alis na ako"

Narinig ko nalang na bumukas at sumara ang pinto sa baba kaya alam kong nakaslis na si mama, ako naman ay pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko sa school at work. Nang matapos ay lumabas na din ako at chineck lahat ng pinto bago umalis. Hindi katulad kahapon ay naglakad nalang ako ngayon papuntang sakyan ng jeep papuntang school.

*SA SCHOOL(LUNCHBREAK)

Nandito kami ngayon ni bess sa school canteen at kumakain ng lunch. Kanina pa daldal nang daldal si bess pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil iniisip ko pa din hanggang ngayon kung saan ba ako makakahanap ng panibagong trabaho. Kahit ayaw ni mama ay kailangan ko talagang humanap ng isa pang trabaho para makatulong sa kanya lalo na ngayon graduating na din ako kaya madami ng gatusin sa school. Hayy

"Ang gwapo gwapo talaga ni Kyen bess. Napaka perfect niya siguro pag siya naging boyfriend ko, winner! Hoy bess! Aurisse, hoy! Nakikinig ka ba sakin? Hoy!" nagsnap sa harap ng mukha ko si bess kaya dun ko lang ako nagising sa malalim na pag-iisp

"Ha? May sinasabi ka ba bess?" taking tanong ko sa kanya

"Ay lutang ka bess? Kanina pa ako daldal nang daldal ditto pero hindi ka naman pala nakikinig. Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya sakin

"Wala naman bess. Nag-iisip kasi ako kung saan ako makakahanap ng isa pang part-time job yung pang night shift"

"Part-time na naman?! Bess ikaw ba eh may balak pang magpahinga? Puro na lamang trabaho ang nasa isip mo eh baka yumaman ka na niyan" pabirong sermon nito sakin

"Bess naman eh. Dumadami na kasi ang gastusin naming ni mama sa bahay, tapos graduating student na tayo kaya kailangan madagdagan ang perang kinikita ko para matulungan ko si mama sa mga gastusin naming pati na din dito sa school" nakapangalumbabang sagot ko sa kanya

"Yun lang pala bess eh. Kayang-kaya ko yan. Magkano ba ang kailangan mo para naman tumigil ka na sa kakatrabaho mo, ako ang napapagod para sayo eh" saka naglabas siya ng wallet niya at naglabas ng pera niya."Eto okay nab a to bess?" abot niya sakin ng 5,000 pesos

"Naku bess itago mo nga yan, wag na. Hindi ko yan matatanggap, mas gugustuhin ko pang magtrabaho kesa manghingi sayo noh. Saka hindi naman pwedeng every month akong manghihingi sayo ng pambayad sa monthly bills naming. Tulungan mo nalang akong makahanap ng bagong trabaho, yun pa matatanggap ko"pilit kong ibinabalik sa kanya ang pera niya

"Wala naman sakin yun noh. Tsaka okay lang yun noh mas gusto ko pa nga yun kesa sa nakikita kitang nahihirapan nang ganyan oh. Sure ka ba talaga? Ayaw mo nito?" pagpipilit niya pa din sakin

Umiling ako sa kanya, "Hanapan mo nalang ako ng pwedeng mapag-part timean para tapos na ang problema okay?"

"If you say so bess. Sige samahan mo ko mamaya sa bar pagka-out mo sunduin kita"

"Niloloko mo ba ko bess? Trabaho ang hanap ko, hindi gimik"

"Oo nga trabaho nga. Pupuntahan natin yung kaibigan kong may-ari ng bar, baka pwede ka niyang ipasok dun bilang waitress. Ano, g ka?"

"Sige bess mamaya ha. Tara na pasok na tayo baka ma-late pa tayo"

Tumayo na kami at dumiretso na sa classroom naming. Mabilis na lumipas ang oras kaya natapos agad ang klase naming at dumiretso na ako sa trabaho ko. Napagkasunduan naming ni bess na susunduin niya nalang ako mamaya sa trabaho para mapuntahan naming yung bar ng kaibigan niya.

2 minutes nalang malapit na matapos ang duty ko at nakita ko na din si bess sa labas kaya nagpaalam na ako sa kasama ko. Mabilis akong nagbihis at lumabas agad kay bess na naghihintay s harap ng kotse niya.

"Tara na" tanong niya sa akin

Tumango lang ako sa kanya at sumakay na kami sa kotse niya. Malapit lang ang bar na sinasabi niya kaya naman nakarating agad kami doon. Pinapasok naman kami agad nung bouncer na bantay sa pinto kasi kilala na nila si Evie. Pagpasok namin sa loob sumakit ang mga mata ko sa patay sinding ilaw na bumabalot sa buong lugar. Madaming tao kaya kumapit ako kay bess para hindi ako mapahiwalay sa kanya dahil nagsisiksikan ang mga tao.

Dumiretso kami sa bar counter, kinausap lang ni bess yung bartender. Umalis ito saglit at pagbalik ay may kasama na itong isa pang lalaki na agad naming humalik sa pisngi ni Evie. Sino naman yun? Siya yung may-ari nito? Ang bata naman. Humarap silang dalawa sakin at nagsimula na akong ipakilala ni bess.

"Bess, sia si Renz. Siya yung sinasabi ko sayong kaibigan ko na may-ari ng bar na ito. Renz, siya si Aurisse bestfriend ko tinawag ko na sayou kanina kung bakit kami nandito di ba?"sabi ni bess

"Oo na. Hi Aurisse, sure ka bang legal age ka na para makapagtrabaho dito? Baka makasuhan ako pag nagkataon, mapasara pa ang pinakamamahal kong bar hahah"pabirong tanong nito sakin

"Oo 18 na ako kaya nasa legal age na ako"nakangiting sabi ko dito

"Okay kung ganun. Bukas makakapagsimula ka na, pero since may isa ka pang work 10:30 pm-12:30 am ang pasok mo ditto para hindi ka naman magmadali masyado sa biyahe mo. Is that okay with you?

"Oo naman thank you boss"

"No problem, malakas sakin tong si Evie ee. Tsaka Renz nalang ang itawag mo sakin nakakatanda masyado pag boss hahaha Pano maiwan ko na kayo diyan ha madaming customers eh. See you tomorrow Aurisse, bye Evie" saka humalik ulit siya sa pisngi ni Evie at umalis.

"Thank you bess ha. Paano alis na tayo?"

Nagsimula na akong maglakad palabas pero hinila ulit ako ni bess pabalik.

"Anong uuwi? Sinong nagsabi sayong uuwi na tayo bess? Andito na din naman tayo bess kaya let's enjoy the night"nae-excite na sabi nito at tinawag ang bartender.

"Bess naman alam mo namang di ako sanay sa ganto eh. Tara uwi na tayo"

"Kailangan mo na masanay bess at simula bukas dito ka na magtatrabaho. Remember your promise? Kaya let's enjoy the night"saka siya umorder ng inumin sa bartender na hindi ko alam kung ano. Pero sige na nga ngayon lang naman to. Enjoy-in ko nalang muna ang sarili ko para naman mapahinga din ang utak ko. Umupo na ako sa tabi ni bess at sinimulang inumin ang drinks na ibinigay sa amin ng bartender.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...