The Others

By aihtnyc_akira

71 1 0

Paano kung ang itinuturing mong pinakamatalik na kaibigan ay hindi pala ganoon ang tingin sayo? Paano kung m... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4

CHAPTER 1

18 0 0
By aihtnyc_akira

AURISSE'S POV

*kriiing kriiiing kriiiing*

"Ano ba yun ang ingay ingay naman eh. Inaantok pa ako mamayang gabi pa naman ang shift ko manahimik ka muna" pinatay ko ang alarm clock ko at muling natulog. Hihimbing na sana ulit ako sa pagtulog nang sumigaw naman si mama sa pinto ng kwarto ko.

"Aurisse! Wala ka pa bang balak bumangon? Male-late ka na anak"

"Maaga pa po ma. Mamayang hapon pa po shift ko di ba? Tulog muna ako madaling araw na ako nakauwi kanina" inaantok ko pang sagot kay mama.

"Bakit madaling araw ka na nakauwi? Saan ka nanggaling?" takang tanong ni mama

"Sa trabaho ma. End of the month kahapon kaya nag inventory pa po ako bago umuwi. Mamaya na explanation ma inaantok pa ako" saka ko ulit niyakap ang aking unan at tumalikod kay mama

"Ah ganun ba? Pero anak may pasok ka na ngayon sa school,  aabsent ka ba agad sa unang araw ng pasukan? Baka makasama sa scholarship mo yan?"

Pagkarinig ko ng sinabi ni mama ay napadilat agad ako ng mata at nagising ang diwa ko. First day of school?  Tama ba yung narinig ko? O nananaginip lang ako?

Napaupo ako sa kama ko at tumingin kay mama na nasa pinto pa din ng kwarto ko.

"Papasok ka na ba? Nakahanda na ang almusal sa baba kumain ka na at baka ma-late ka pa. Malayo pa ang biyahe mo" tatalikod na sana si mama nung tinawag ko ulit siya

"Ano nga ulit ung sinabi mo ma? May pasok ako ngayon? Saan?" nagugulat at nagtataka ko pa ding tanong ko kay mama

"Ha?" naguguluhan na ding tanong ni mama

"Nananaginip ka pa ba anak? Nakalimutan mo na bang simula na ngayon ng pasukan? Kaya maligo ka na at kumain ka na sa baba nakahain na ako doon."

"Mama naman! Bakit ngayon mo lang sinabi?" saka ako dali-daling tumayo sa kama ko at patakbong pumunta ng cr.

"Hindi ko alam na nakalimutan mo. Akala ko kaya ka nag-alarm para sa school mo. Yan ang sinasabi ko sayo eh trabaho ka nang trabaho nakakalimutan mo na pag-aaral mo... blah blah blah

Hindi ko na pinakinggan pa ang sermon ni mama sakin, kailangan ko ng magmadali. 20 minutes ang biyahe papuntang school swerte pa yun pag walang traffic. Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock namin. 7:10 hala male-late na ako.

Mabilis akong naligo at nagbihis saka bumaba sa kusina para magpaalam kay mama.

"Alis na ako ma. Ingat sa pagpasok mamaya. I love you" hinalikan ko siya sa pisngi at kumuha ng tinapay at itlog na inihanda niya saka humigop ng konting kape saka dumiretso ng pinto.

"Teka kain ka muna anak" habol sakin ni mama sa may pinto.

"Hindi na ma, kumuha na ako nito busog na ako dito" ipinakita ko sa kanya ang tinapay at saka kumaway. Tinakbo ko na hanggang sa sakayan ng tricycle kasi hindi na ako aabot pag sasakay pa ako ng jeep. Siguradong mahaba na ang pila doon ngayon.

"Manong sa britt international school po" sabi ko sa tricycle driver at saka sumakay na sa loob ng tricycle.

"Special na po miss?" tanong ni manong
"Opo kuya pakibilisan nalang po"sabi ko kay manong habang hinihingal na kinukuha ang wallet ko sa bag ko
"60 miss"sabi ulit ni manong
"Sige po kuya ito po bayad" saka ko inabot ang bayad kay manong.

Pagkaabot ng sukli ni kuya tinignan ko ang laman ng wallet ko. 940.. hayss nabawasan na naman allowance ko. Dalawang linggo pa bago ang sahod ko paano ko naman pagkakasyahin ito sa school at trabaho. Sayang ung 50 ko pambili ko na sana ng lunch yun mamaya sa school, samantalang 10 lang pamasahe ko sa jeep. Bakit kasi nakalimutan kong pasukan na pala aisshhh. Saka ko ginulo ang aking buhok na hindi ko pa nasusuklayan hanggang ngayon.

Inayos ko muna ang aking sarili habang nasa biyahe pati ang mga gamit ko na nagulo kanina dahil sa pagmamadali.

"Miss andito na tayo"
"Sige po kuya salamat po" bumaba na ako ng tricyle at tinignan ang oras sa phone ko.

7:50 sh*t 10 minutes nalang late na ako. Terror pa naman yung first teacher namin. Tinakbo ko na papuntang building namin at paakyat ng third floor.

"Bakit ba ang taas taas nitong building na ito eh" hinihingal na kausap ko sa sarili ko habang paaakyat ng hagdan.

Nakarating na din ako sa pinto ng room namin.  Sa wakas hooooo...

Napatingin sa akin ang mga classmates namin dahil sa patakbo akong pumunta sa upuan ko. Sa wakas nakaupo at nakapagpahinga din. Asan na ba yung tubig ko? Kinuha ko ito at saka uminom.  Woooohhhh

"Oh bess anong nangyari sayo? Haggard na haggard ka teh!" tanong sa akin ng bestfriend ko

"Five minutes bess. Hinga muna ko" sabi ko sa kanya habang hinihingal pa

"Oh kay? Ano ba kasing nangyari sayo at ganyan ang itsura mo? Daig mo nakipag marathon eh" takang tingin niya sa itsura  ko dahil pawis na pawis ako kaya inabutan niya ako ng panyo.

"Nagmamadali kasi ako, akala ko kasi late na ako"

"Bakit naman wala pa naman si sir ah. Excited ka masyado mag-aral eh" natatawang sabi niya sa akin

"Tinanghali kasi ako ng gising kaya tinakbo ko lahat ng pwedeng takbuhin para lang makarating ng mas maaga dito" saka ko kinuha ang salamin ko sa bag at tinignan ang sarili ko. Ang pangit laki ng eyebags ko huhuhu

"Bakit anong oras ka na ba nakauwi kagabi?" tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko sa mesa ko

"Alas dos na ng madaling araw. End of the month kasi kahapon kaya nag inventory muna ako sa store" saka sinimulan kong ilabas ang mga gamit na kailangan namin.

"Ano? Pinapagod mo na masyado ang sarili mo niyan eh. Baka naman magkasakit ka niyan bess. Sabi ko naman kasi sayo ako na bahala magbigay ng allowance mo everyday, tumigil ka lang sa work mo" sermon na naman niya sa akin,  araw araw siyang ganyan sanay na ko.

"Bess hindi naman pwede yun nakakahiya kina tito at tita. Baka sabihin nilang inaabuso naman kita masyado ikaw na nga minsan sumasagot sa projects ko kahit ayoko eh. Okay lang ako don't worry" saka ko siya tinapik sa balikat niya

Sinimangutan niya ako kaya tinawanan ko lang siya. Nagtatawanan kaming dalawa nang dumating si Nicole kasama ang kanyang mga alagad. Hay naku ito na naman siya.

"Look who's here? Ano ba naman yang itsura mo?  Talaga bang pinapanindigan mong isa kang dukha na nahalo lang sa mayayamang katulad namin? hahaha" maarteng sabi niya

"Oo nga ayaw pa kasing umalis nalang eh" sabi naman nung isang alipores niya

"We don't need you here kaya alis!" sabat nung isa pa

Hayy naku ito na naman sila. Tatlong taon na sialng consistent na ibully ako pero hanggang ngayon waley pa din sila sakin.

"Pwede ba Nicole pagod ako. Kaya umalis ka na isama mo na yang mga alipores mo dahil wala kayong mapapala sakin" walang gana kong sabi sa kanila

"Whatever" mataray na sabi ni Nicole

Umiiling na tinignan ko silang umalis at nagbasa nalang ng libro.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala sa inyo dami kasi agad nangyari eh.

Ako nga pala Aurisse Grigg, grade 10 student sa Britt International School. Yes, pangmayamang school itong pinapasukan ko maswerte lang talaga ako at valedictorian ako noong grade 6 ako kaya nakakuha ako ng scholarship sa school na ito.  Pero siyempre hindi nila sagot ang allowance ko kaya kailangan ko pa ding magtrabaho pag gabi. Tsaka para matulungan ko na din si mama sa mga gastusin namin sa bahay. Kaya kahit mahirap pinagsasabay ko ang aking pag-aaral at pagtatrabaho.

Yung isang kausap ko naman kanina ay ang aking bestfriend na si Evie Hirsh. Pero hindi katulad ko na mahirap, mayaman si Evie. Ang mga magulang niya ay may-ari ng isang kumpanya kaya nakukuha niya lahat ng kanyang gustuhin. Tatlong taon na kaming magkaibigan, nagsimula yun nung makapasok ako sa school na ito. Dahil wala akong kakilala dito at puro mayayaman mga tao dito kaya nahihiya akong makipaghalubilo sa kanila at makipagkaibigan sa kanila. Pero iba si Evie dahil siya mismo ang lumapit at nakipagkaibigan sakin. Mabait siya kaya nagkasundo kami agad at hanggang ngayon ay magkaibigan pa din kami.

Si Nicole Reyes naman ay yung malditang babae na nang-aasar sakin. Actually, simula nang dumating ako dito ay ganyan na agad ang trato niya sakin. Kasi nga daw hindi ako bagay na makasalamuha sa kanila at isa lamang akong dukha. Palibhasa anak mayaman din kaya kung makapanghamak ng tao ay ganun ganun na lamang. At least ako nakapasok ako dito dahil ginamit ko ang utak at diskarte ko sa buhay samantalang sila nakapasok sila dito dahil sa pera ng mga magulang nila. Puro kolorete sa mukha at panghahamak ng ibang tao lagi ang inaatupag kesa ang mag-aral para sa kinabukasan nila.  Mga mayayaman nga naman. Aiisshh makapag-aral na nga lang.

Mabilis na lumipas ang oras at dismissal na kaya mabiilis kong iniligpit ang aking mga gamit. Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho dahil sa inventory kahapon. Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Evie,  ang bestfriend ko.

"Oh bess saan ka pupunta? Maaga pa para sa duty mo ah. Tara meryenda muna tayo" saka isinukbit agad niya ang kamay niya sa braso ko.

"Sorry bess kailangan ko kasing pumasok ng maaga ngayon eh"

"Aiisshh trabaho na naman! Magpahinga ka naman kahit kahit minsan! Tara na" pagpupumilit niya pa rin sakin

"Hindi kasi talaga pwede bess eh. Next time nalang ha. Babush alis na ako" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko

"Oo na basta babawi ka sakin next time ah. Promise?" naka pout pang sabi nito

"Promise" saka ako tumakbo papunta sa sakayan ng jeep at kumaway sa kanya.

Sumakay na ako sa jeep at ipinikit muna ang aking mata upang makapagpahinga naman muna ako kahit saglit.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...