After Her Last Straw (Dream S...

By Zanashi

389K 21.8K 19.8K

After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 13

7.5K 437 353
By Zanashi

Chapter 13: Again
Zanashi

Trigger Warning// Mention of Abuse

Just when I thought that my heart and mind could already be freed from the burden of anger and jealousy, terrible things started to chase me again.

Handa na akong magsimula ulit, handa na akong kalimutan ang insecurities ko, handa na akong tumanggap ng pagbabago, pero bakit parang hindi umaayon ang panahon? Bakit hindi ako pinapaburan ng mga pangyayari? Wala ba akong karapatang magbago't magsimula ulit?

Nalaman ni Papa ang mga nangyari sa amin ni Sulivan. My father hates him so much and knowing that her only daughter was talking to the person he loathe a lot triggerred him. Buong akala ko ay matatapos ang araw na iyon nang masaya pero nakalimutan ko atang wala akong karapatang maging masaya.

Muli akong sinaktan ni Papa. Galit na galit siya at kahit wala siyang nainom ay para siyang lasing.

"Gusto mo 'yon, Aphra? Gusto mo ang lalaking iyon?" asik niya.

"Papa, hindi. We're not even friends.." sunod-sunod akong umiling habang lumalandas ang luha sa pisngi ko.

Hindi pa rin talaga ako nasasanay. Ilang beses na akong sinaktan ni Papa pero naninibago pa rin ako. Sobrang kakaiba kasi siya kapag nagagalit. Parang walang makakapigil sa kanya. Para bang hindi niya kayang kontrolin ang sariling galit.

"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling, Aphra? Hindi magkaibigan pero hinahalikan sa leeg. Aba't! Anong tawag mo doon, Aphra?"

Sa sobrang gulat ay hindi ko nagawang itanggi ang sinasabi ni Papa. How did he know that? Is there someone who's been reporting to my father about me? Wala siya doon, eh. Imposibleng malaman niya iyon.

"Aphra naman! Nanggigigil ako sayo! Hindi ba't sinabi ko nang layuan mo ang lalaking iyon?"

"Bakit?"

Ito ang matagal ko nang gustong itanong sa kanya. Simula nang malaman niyang kaklase ko si Sulivan ay halos araw-araw niyang ipinapaalala sa akin na kailangan ko siyang layuan. Hindi ko gusto si Sulivan dahil nalalamangan niya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang galit ni Papa sa kanya.

"Bakit kailangan ko siyang layuan, Papa?"

Itinapon ni Papa sa dingding ang basong hawak-hawak nang dahil sa galit. Bumalot sa buong bahay ang tunog nitong nababasag.

"Bakit?! De puta! Bakit?"

"Hindi kita maintindihan, Papa! Ipaintindi mo naman sa akin!"

Humahangos siyang pumunta sa akin at halos mangilo ako nang muli niya akong sampalin gamit ang likod ng palad niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Aphra? Talagang nagugustuhan mo na siya?!"

"Gusto ko lang malaman, Papa!"

"Malaman ang putangina! Hindi ka naman nagtatanong dati tuwing binabalaan kita, ha! Para ka pa ngang tuta na mabilis na sumusunod! Anong nagbago, Aphra? Anong nangyari at nabago ng isang iyon ang tuwid mong pag-iisip?"

Yumuko ako at umiyak. Halos hindi ko maramdaman ang hapdi ng pisngi ko dahil tanging ang nag-uumapaw lang na sakit sa puso ko ang nararamdaman ko.

"Nakalimutan mo na ba, Aphra? Nakalimutan mo na ba kung paano ka talikuran ng mga teacher mo noong high school nang dahil sa lalaking iyon? Nakalimutan mo na ba kung paano nila paburan ang lalaking iyon nang dahil lamang sa yaman nila? Nakalimutan mo na ba Aphra kung paano tayo napahiya sa mga tita at tito mo nang dahil sa lalaking iyon? Nakalimutan mo na ba Aphra kung paano ka umiyak sa akin noon dahil sa mga oportunidad na ninakaw ng lalaking 'yan sayo?"

I shook my head repeatedly while tears were falling nonstop from my eyes.

Ayaw ko man ay unti-unting bumalik ang mga alaalang iyon. Noon pa man ay pangarap ko nang makapag-aral sa isang napakasikat na unibersidad sa Manila. Masyadong mahal ang bayarin kaya halos mawalan na ako ng pag-asa. Nabuhayan lamang ako nang malamang sasagutin ng school namin ang bayarin sa unibersidad na ito kapag nagtapos kang valedictorian during senior high school years. Iyon lang ang pag-asa ko pero naglaho itong muli nang agawin na naman ni Sulivan ang dapat na sa akin.

This time, he's the valedictorian of our batch. Ang mas nakakainis? He easily left the offer that I was dying to hold. Pagtuntong namin sa kolehiyo ay hindi siya nag-aral doon. Alam kong choice naman niya iyon pero hindi ko mapigilang mainis. Iyon na lang kasi ang kinakapitan ko kaya hindi ko maiwasang isisi sa kanya ang pagkadismayang naramdaman.

"Sinasabi ko sayo, Aphra, wag na wag ka nang lalapit pa sa lalaking iyon! Iba umatake ang mga de Lopezes! Hindi mo pa namamalayan, nalason ka na pala! Hindi mo pa nararamdaman ang pagtuklaw nila, duguan ka na pala!"

Pinalis ko ang luha ko at dahan-dahang tumango.

Ang galit na handa ko na sanang pakawalan ay muling bumalot sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay mas matindi. Gusto ko mang hindi paniwalaan si Papa ay hindi ko magawa.

Anong plano ni Sulivan sa akin? Dati naman ay hindi niya ako kinakausap ah? Pitong taon kaming hindi nag-uusap maliban na lang kung kinakailangan pero bakit bigla na lang niya akong kinakausap ngayon? Anong binabalak mo, de Lopezes?

Ang galit kong iyon ay muli pang nadagdagan nang kumalat sa buong unibersidad ang nangyari noong sunday. Someone also tagged me in facebook with a caption — This is when you thought the water is shallow but is actually too deep.

Isa itong video kung saan kitang-kita ang pagkatumba ko kasabay si Sulivan, pagtanggap ko sa kamay niyang nakalahad nang walang pag-alinlangan, at ang pagdapo ng mga kamay niya sa bewang ko. Ang mas nakakagulat? Sa buong pangyayaring iyon ay nakangiti lang ako at tumatawa na para bang ang saya-saya ko. Maging ako ay kumbinsidong mukha akong malandi doon.

"Anong feeling, Aphra?" tanong sa akin ni Yanna pagkaupo ko galing sa report.

She raised her eyebrow and turned to her book. I could certainly say, however, that she's still observing me.

"Anong feeling na nakakapag-report ka nang maayos samantalang ang tunay na girlfriend ay ni hindi makapag-aral nang mabuti?"

Sa sinabi niya ay muli akong nakaramdam ng galit para kay Sulivan. Kung hindi pala makapag-aral nang maayos ang girlfriend niya dahil sa issue, bakit hindi niya linawin? Bakit di niya kausapin si Elleanor at sabihing wala lang ang mga nangyari noong sunday? Ito ba ang gusto niya? Ang kaayawan ako ng mga tao?

Maging sa paglalakad ko sa corridor ay hindi maiwasang may magparinig sa akin.

"May girlfriend na nga, pinatos pa.." medyo malakas na sabi ng isang babaeng minsan ko nang nakitang kasama ni Elleanor.

"Ni hindi makangiti ngayon pero pag hawak na ni Sulivan, parang kung sinong kinikiliti."

Hindi ko sila pinansin pero nagulat na lang ako nang bigla nila akong hilain papunta sa classroom na walang tao. Malakas na sinarado ng isa ang pinto samantalang itinulak-tulak naman ako ng nasa harap ko.

"Matapang ka, ha? Matapang ka?"

Sa pangatlong tulak niya ay ginantihan ko siya. Halos matumba siya sa ginawa ko pero blangko ko lang siyang tiningnan. Mabilis siyang sinaklolohan ng apat na kasamahan.

Para siyang sinapian nang lumapit siya sa akin dahil sa mulat na mulat niyang mga mata at namumula niyang mukha. Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ako. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko.

"Go on," bigla itong napatigil sa ere. "Slap me. Tingnan natin kung sino ang makakatikim ng suspension bukas na bukas din."

Naikuyom niya ang kamay sa sobrang panggagalaiti. Tiningnan niya ako nang sobrang talim pero maya-maya lang ay ibinaba niya ang kamay at labas sa ilong na tumawa.

"Magsusumbong ka, Aphra? Kanino? Kay Papa Baldwin Aronson? I heard he likes you."

Nagtawanan silang lahat pero halata ang pandidiri sa bawat tingin nila sa akin.

"Nakakalungkot naman na wala kayong alam sa school rules natin. Kahit handbook man lang, pasadahan nyo ng tingin."

"How dare you?"

"Ang pagiging bayolente niyo ay sa department head sinusumbong, hindi sa kung sino-sino lang. Remember that. You might find it useful in the future. Iwas kahihiyan."

Sasampalin na sana niya ulit ako nang pigilan siya ng isa sa mga kasama.

"Patricia, enough! You'll be committing grave offense if you'll continue doing that."

"Absolutely," nakangiti kong baling sa nagsalita. "Buti na lang may nag-iisip sa grupo ninyo. Iwas kahihiyan din 'yan."

Habang patagal nang patagal ay papula nang papula ang mga mukha nila. One of them laughed sarcastically. She then stepped in front of me, blocking that Patricia girl from my view.

"Kung talagang matapang ka, wag kang magsusumbong. Lumaban ka!"

"I'm fighting through the right process, and that makes me braver than you."

Sinabi kong wala akong pakialam sa iisipin nila pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala lalo na't minsan ay dinadamay nila si Mama at Papa.

"I heard her mother left her father for another man. Mukhang may pinagmanahan," dinig kong pag-uusap ng dalawang blockmates ko dati na ngayon ay nagre-retake ng accounting.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng gamit sa locker pero ang kalamnan ay unti-unti nang nanginginig ngayon.

"Baka rin kasi masama ang ugali ng kanyang tatay kaya iniwan?"

"If that's the case, mukhang namana niya ang ugali ng dalawang magulang."

Pabagsak kong sinara ang locker ko at humarap sa kanilang dalawa. Sabay silang nag-iwas ng tingin at kunwaring may kinukuha sa loob ng locker. I twitched my lips, feeling disgusted of these two. Kaninang nakatikod ako ay walang preno ang bibig pero ngayong nakaharap ako ay halos hindi makatingin sa mukha ko? Truly disgusting.

"Ang dami niyong alam sa akin, ah? Kaya pala wala nang pwesto ang accounting sa utak niyong dalawa."

I know I've gone too far. Masyadong sensitive sa bawat accountancy student and usapang retake. Pero masisisi niyo ba ako? Magulang ko na ang sinali nila. Ako nga na iniwan ay hindi kayang sabihan ng malandi ang ina. Ako nga na sinaktan ay hindi kayang sabihan ng masama ang ama. Sila pa kaya? Who do they think they are?

I didn't see Sulivan anymore after that. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako pero siguro ay gano'n nga. Baka natatakot na muling magselos ang girlfriend. Ni hindi siya pumupunta sa library para mag-review at nagpapasalamat ako sa bagay na iyon. Kung makita pa kaming magkasama sa library, baka tuluyan na ngang sumabog ang ulo ng lahat sa sobrang pag-iisip.

Medyo nakakapagtaka lang dahil parang wala lang ang nangyari sa mga kaibigan ni Sulivan. Hindi sila nagpaparinig sa akin at ang madalas na pang-aaway sa akin ni Dylan ay nabawas-bawasan na. Pero ang mga ibang students galing sa block b at iba pang blocks, pati na rin ang mga galing sa ibang year levels, at ang mga galing sa ibang departments ay patuloy pa rin sa pagpaparinig.

Hindi doon nagtatapos ang lahat. Maging si Elleanor na akala ko'y matino ay mukhang nadala rin sa issue. Paglabas ko ng cubicle ay sinalubong ako ng tingin ni Elleanor. Ito ang unang beses na makita ko siya matapos kumalat ang usapang panlalandi ko sa boyfriend niya.

Dumiretso ako sa sink at naghugas ng kamay.

"Can we talk, Aphra?" marahan niyang tanong.

Taas-kilay akong tumingin sa reflection niya sa salamin. She slowly parted her hair sideways before giving me a sweet smile.

"We'll be celebrating our first year anniversary four months from now, did you know?"

Nang matapos sa paghugas ng kamay ay tumayo ako nang tuwid at nilingon siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa salamin habang maingat na sinusuklay ang buhok.

"You might think that's too short, yeah, and that maybe explains why you've tried to steal him away from me."

Muli siyang ngumiti nang matamis. If only I couldn't understand what she's saying, I'd probably think she was complimenting me because of her sweet smile and soft voice. I didn't expect her to be like this.

I crossed my arms and stared at her with no hint of interest.

"Too bad we're not talking about the time we've spent together, we're actually talking about the time me and Sulivan will spend together in the future. You see, Aphra, I am not just Sulivan's girlfriend. I am his fiancée."

"Congratulations, then?"

She ignored my statement.

"Our parents have agreed to make connection between our family through marriage," tumingin siya sa akin at ngumiti. "I hope I didn't hurt your feelings by saying this."

Ngumiti ako at umiling.

"Actually, I'm more worried about you."

Bahagya niyang kinunot ang noo niya pero nanatili ang matamis niyang ngiti sa labi.

"After knowing that you'll be marrying each other because of your parents' decision, I'm afraid that Sulivan don't love you at all. Maybe he was just forced to marry you."

I smirked and left her with her parted lips. What I said is maybe true or maybe not. I didn't intend to scare her but if she would be threatened, that's not my problem anymore.

Kung talagang kampante si Elleanor na mahal siya ni Sulivan, hindi siya matatakot nang dahil lang sa isang babaeng kagaya ko. She got it all. Ano pa bang kinakatakot niya?

Sulivan will marry her but here she is, throwing some accusations towards me. I thought she's near perfect but I realized now that she's far from being perfect even she got the wealth, the beauty, the fame, and the brain.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 4.3K 52
Finally! A happy ending for both of you and Levi..... Or maybe not? You have finally become Mrs.ackerman! But a tragedy happens when the Female titan...
8.8K 102 8
What if Will couldn't leave Lou? What if she was enough? What would their life look like if he stayed? The love between two people who are madly in l...
5.9K 136 15
i love pjo and this cutie patootie so i'm here to give u what u want๐ŸŽ€ (requests r opennnn)
Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.4M 35.7K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...