The Playboy's Toy (Dangerous...

Da kaizerKKYOS

62.9K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale Altro

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 07
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 08

1.9K 105 9
Da kaizerKKYOS

Alfred Tale Crosagne

* * * * *

M A R K

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm just marking my property. I'm just marking what's mine... you're only mine, Mark."

Napangiwi ako sa mga katagang sinambit niya. Matinding inis ang naramdaman ko dahil sa base sa sinabi niya ay parang isa akong bagay sa kanya - bagay na siya ang nagmamay-ari.

'Ang kapal ng mukha mo.'

"Fuck!"

Walang pag-aalinglangan kong tinuhuran ang kanyang alaga dahilan para mawalan siya ng balanse at namimilipit na hinawakan ang parte niyang yun. Dahil sa kawalan niyang ng balanse, ang kanyang mukha ay napasubsob sa aking balikat. Agad ko namang itinulak ang kanyang ulo para naman ngayon ay namimilipit na siya sa sakit sa malamig na sahig nitong sala.

"Buti nga sayo. Manyak!" nagawa ko pa siyang sipain sa kanyang tiyan dahilan para mas lalo pa siyang mamilipit. Hindi ko kailangan maawa sa kanya dahil dapat lang sa kanya ang mabugbog. Kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko.

Mabilis akong humiga sa aking kama matapos kong i-lock ang pinto ng aking kwarto. Mariin kong ipinikit ang aking mata at unti-unting kinakalumutan ang lalaking nasa sala ngayon ng unit ko. Wala pa rin akong pakialam kung nasaktan siya. He deserves that anyway. Hindi ko kailangan isipin ang kalagayan niya.

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakikipagtitigan sa kisame nitong kwarto. Pilit kong pinipikit ang aking mga mata habang pinipilit na dalawan ako ng antok pero ilang beses din akong nabigo. Kahit ayaw ko man ay hindi ko magawang hindi isipin ang taong nasa labas lang ng kwarto ko.

Nagaalala ako sa kanya. Hindi ako nagaalala sa kanya dahil sa nagawa kong tuhuran ang kanyang alaga kundi nagaalala ako sa kanya dahil kanina ko pa nadidinig ang sunod-sunod niyang paghatsing.

'Kailan ba ako patatahimikin ng lalaking 'to?'

Padabog ako muling umalis sa kama at pinuntahan siya sa sala. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at yakap-yakap ang kanyang sarili nang madatnan ko. Parang may kumirot sa aking puso nang masilayan ko ang panginginig na kanyang katawan. Dahil sa nakitang kalagayan niya ay bumalik ako sa kwarto at mabilis na kinuha ang kumot sa aking kama. Napalingon siya sa kanyang likuran nang maramdaman ang pagpatong ko ng kumot sa kanyang katawan.

"Thanks."

Umikot ako sa sofa at umupo sa kabilang dulo ng sofa. Pinakititigan ko lang siya dahil sa pagaalala. Kahit papa'no ay humupa na ang panginginig ng kanyang katawan sa ngayong nakabalot nang katawan sa kanya.

"Ba't ka kasi nagpaulan?" pambabasag ko sa mahabang katahimukan sa aming dalawa. Doon lang siya napalingon sa akin. Imbes na sagutin ako ay iba ang sinabi niya.

"I-I'm still cold." nangangatal ang kanyang labi na nagsisimulang mamutla na rin dahil sa panalalamig niya.

Ano bang gagawin ko sa lalaking 'to? Puro na lang problema ang dulot niya sa akin. Tsk! Ang laking tao, lamig lang pala ang katapat. Gusto ko siyang pagtawanan ngayon sa hitsura niya pero mas minabuti ko na lang na huwag gawin. Imbes na pagtawanan siya ay mabilis akong umusod palapit sa kanya. Kahit nagdadalawang isip ay sinunod ko na lamang ang aking naisip.

"Hubad." maikli kong utos sa kanya. Nagtataka siyang tumitig sa akin dahil sa biglaang pangyayari. Sino ba naman hindi magugulat kapag sinabihan ka na  lang bigla na maghubad ng hindi mo alam ang dahilan.

"What?"

"Sabi ko, maghubad ka. Mas lalamigin ka lang lalo kapag suot mo pa yang basang damit mo." tumango na lamang siya ang nagsimulang hubarin ang suot niyang polo. Hirap siyang matanggal ang pagkakabutones no'n dahil sa nanghihina niyang kamay kaya naman ako na ang gumawa. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang tinatanggal ko ang pagkakabutones ng kanyang polo hanggang sa matapos. Hinayaan ko lang siya. Siya na ang naghubad ng kanyang pantalon at tanging boxer na lang ang natira niyang suot.

Dahil sa tanawin ay nakaramdam ako ng pang-iinit sa aking katawan na agad ko namang winaksi. Hindi ito ang tamang oras para makaramdam ng ganun.

Inayos ko ang kumot sa kanyang katawan at mas lalo pang binalot ito sa kanya. Makabubuti na din 'to para hindi siya mas lalong lamigin.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." pambabasag ko muli sa katahimikan.

"Huh?"

"Bakit ka kasi nagpaulan?" bahagyang tumaas ang boses ko sa ideyang nagpaulan siya. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil sa problemang dala ng lalaking 'to sa buhay ko. Daig pa ang bata.

"I went to my dad's place. Pauwi na sana ako nang biglang nagloko ang kotse ko sa gitna ng daan. I have no choice but to get outside and wait for a taxi. But halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa ding dumadaan. So, I decided na maglakad and at the same time, mag-abang ng masasakyan. Hind ko naman aakalain na uulan ng ganun kalakas." mahina lang ang kanyang boses habang nagkukuwento. Walang kurap lang akong nakatingin sa kanya habang nakikinig.

"Bakit kasi hindi ka na lang tumawag ng tao na pwedeng magsundo sayo doon? Hindi ka ba nag-iisip?" napaikot ako ng mata sa ideyang hindi ata sumagi sa kukote niya. Palibhasa puro lang pang-aasar ang alam niya.

"I tried but there's no signal on that area." saglit niya akong tinapunan ng tingin. Napangiwi na lang sa sagot niya. Siya na ata ang pinakamalas na tao ngayong araw.

"Mabuti nakasakay ka..." saglit muli siyang natahimik na pinagtaka ko.

"No. Naglakad lang ako hanggang dito." mabilis akong napakurap-kurap dahil sa pagkagulat. Shems! May balat ba sa pwet ang lalaking 'ti at ganun na lang kamalas ang dinanas niya kanina.

Mas lalo atang sumikip ang dibdib ko nang mapagalaman kong naglakad lang pala siya hanggang dito. Kahit hindi ko man alam kung saan siya galing, pakiramdam ko ay napakalayo ng nilakad niya. Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita nang may sumaging katanungan sa aking isip.

"Teka... Bakit dito ka dumiretso? Bakit hindi sa bahay mo?"

Nagdikit ang aking kilay nang may ngisi na sa kanyang labi nang muling lingunin ako.

"Why do ask so much?" mapaglaro niyang tanong. Bahagya siyang gumalaw palapit sa akin. I was caught off guard nang namalayan ko na lang na napahiga na ako sa sofa at siya ay nakababaw na sa akin. Nakakulong ako sa matitigas niyang bisig. Napalunok ako.

Hindi pa rin naalis ang ngisi sa kanyang labi.

"Why do you ask so much, hmm? Umamin ka nga sa'kin Mark, may gusto ka ba sakin?" tila may bagay na bumara sa aking lalamunan dahilan para kapusin ako ng hininga. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganun.

Gusto? Siya?

Gusto ko na nga ba siya?

Imbes na magpadala sa bugso ng aking damdamin ay malakas ko siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Bumangon ako at umayos ng upo.

"Kapal rin ng mukha mo 'no. Nagalala lang ako sa'yo. Gusto agad? Di ka rin assuming 'no." sinubukan kong alisin ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Bakit naman kasi bigla kaming napunta sa ganitong usapan? Kahit kailan talaga, ang kumag na 'to. Masyadong malaking tukso.

"Does that mean, you care for me?" matatalim na tingin ang binato sa kanya pero hindi pa din natinag ang ngisi sa kanyang labi maging ang mapaglarong tingin niya. "Yeah? You're worried about me so, I think you like me." mahina pa siyang tumawa sa dulo. Ang lakas niya pang mang-asar sa sitwasyon niya ah. Buhusan ko na lang kaya siya ng malamig na tubig sa pwesto niya. Parang kanina, mukha siyang basang-sisiw sa hitsura niya tapos ngayon may gana na siya ulit asarin ako. Great! Just great, insert sarcasm.

"Ewan ko sayo."

Imbes na patulan siya sa kanyang muling pang-aasar ay tumayo na lang ako at pumunta sa kusina upang ipagtimpla siya ng mainit na chocolate drink. Kahit mukhang okay na naman siya ay kailangan ko pa ring gawin ito para makasigurado.

Palihim akong napangiti nang malaman na medyo umayos na ang pakiramdam niya. Nagagawa niya na ngang asarin ako eh. Sa isiping yun, bahagyang nabawasan ang pagaalala ko sa kanya.

Sa gitna ng aking pagtitimpla ay may naramdaman akong braso na pumaikot sa aking bewang. Marahan kong pinalo ang kanyang kamay sa aking tiyan at agad na kinalas ang kanyang yakap. Tumawa lamang ang loko. Mabuti nang pagharap ko sa kanya ay medyo malayo na siya sa akin.

"Inumin mo 'to para hindi ka na lamigin. Pagkatapos mo diyan, umuwi ka na sa bahay mo. Masyado ka nang nakakabulabog." nang maiabot ko sa kanya ang tasa ay mabilis akong naglakad sa kwarto para kunin ang naiwan niyang damit dito noong minsan siyang nalasing. Ngayon ko lang naalala na may damit pala siya dito sa unit ko.

"What? Pauuwiin mo ako ng ganito ang suot?" sigaw niya sa akin nang tuluyan na akong nakapasok sa kwarto. Inabala ko saglit ang aking sarili sa paghahanap sa kanyang damit. Nang mahanap ay bumalik ako sa sala at tinapon sa katabi niya ang kanyang damit.

"Yan! Problem solved." tatalikuran ko na sana siya nang muli siyang umangal.

"Gabing-gabi na. Mahirap nang makasakay ng ganitong oras."

"Edi maglakad ka ulit." inikutan ko siya ng mata at nagpatuloy na sa paglalakas pabalik sa aking kwarto. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Ala-una na pala ng madaling araw at hindi pa din ako natutulog. Maaga pa akong gigising mamaya para maghanda ng almusal ng amo ko.

Dahil sa pagod ay mabilis akong hinila ng antok. Nagising ako ng hindi inaasahan nang makaramdam ako ng mabigat sa aking tagiliran. Napalingon ako dito. Laking gulat ko nang katabi ko palang natutulog si Tale habang nakayakap sa akin. Parehas kaming balot ng kumot. Dahil sa aking agarang pagbangon ay tumambad sa akin ang hubad niya pa ring katawan.

"Hoy! Tale! Gising!" mahina ko itong tinulak ang kanyang balikat upang gisingin ito. Nang hindi pa ito magising ay may kalakasan ko nang tinampal ang balikat nito. Papungas-pungas ito ng kanyang mata na napatingin sa akin.

"Sinong nagsabing pwede kang matulog dito? Tsaka bakit boxer lang pa din ang suot mo? Diba sabi ko sayo umu---" hindi ko na natapos ang pagtatanong ko sa kanya nang walang hirap niya akong kinabig pabalik sa pagkakahiga. Natigilan ako nang mamalayan ko kung gaano na naman kalapit ang mukha niya sa akin.

Ito na naman. Bumibilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga.

Sandali akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa aking ilong. Pagod niya akong nginitian matapos.

"Just let things be, Mark. Matulog na tayo, hmm?" hindi ko na nagawang magsalita nang pumayakap ang kanyang braso na nasa may braso ko dahilan para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Para akong nahipnotismo nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Hindi ito amoy ng kanyang pabango dahil alam ko ang amoy no'n. Sadyang natural na amoy lang talaga ng kanyang katawan.

Hindi na ako umangal pa muling bumalik na lang sa pagtulog.

Kinaumagahan ay medyo late na ako nagising. Pero may sapat pa naman akong oras para maghanda ng breakfast ni sir Ryuu. Tulad ng inaasahan ko ay wala na sa tabi ko si Tale. Naghilamos muna ako bago tumungo sa penthouse ng aking amo. Natigagal ako nang maabutan ko ang taong laman ng aking isip na abala sa pagluluto sa kitchen nitong penthouse. Nakatalikod ito sa akin kaya naman hindi nakita nito ang pagpasok ko sa kusina. Kahit nagtataka kung bakit siya naririto at ginagawa ang trabaho ko, ay lumapit pa din ako sa kanya.

Sakto nang makalapit ako ay yun din ang pagpihit niya paharap sa akin hawak ang kawali na may lamang pagkain na hindi ko alam ang tawag. Mukhang masarap ito kahit ngayon ko lang ito nakita.

Matamis niya akong nginitian nang masulyapan ako.

"Good morning." masaya ang tono ng kanyang boses nang batiin ako. Malayong-malayo sa palagi niyang mapang-asar na tono. Ito rin ang unang beses kong makita siya na ngitian ako ng ganun.

"Hey! Are you alright? You seem so shock." kinaway-kaway niya ang kanyang kamay sa aking harapan para matigil ako sa pagkakatulala.

"Anong ginagawa mo?"

"Cooking, obviously." tinaas niya ang pareho niyang balikat bago nagpatuloy sa kanyang pagluluto. Sinalin niya ang kanin sa kawali upang sangagin ito.

"Alam kong nagluluto ka, pero bakit? Trabaho ko yan at dapat ako ang gumagawa niyan."

Muli siyang humarap sa akin at pumameywang. Doon ko lang napansin na nakasuot na siya ng puting plain shirt at suot pa rin ang boxer na suot niya kagabi.

"Bakit? Bawal na ba akong magluto? Besides, just consider this as my thank you sa pagaalaga mo sa akin kagabi." muli ay nginitian niya ako bago inabala ang sarili sa sa pagluluto. "Are you hungry? Malapit na akong matapos. Give me some sec." wala ako sa sariling napaupo sa stoolbar at nahihiwagaan siyang pinakatitigan.

Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. I mean, nakapagtataka lang dahil sanay akong nakikita siyang pang-aasar lang ang alam gawin. Na ang alam lang ay ang tumambay dito sa penthouse ni sir Ryuu at kung minsan naman ay magliwaliw sa labas. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Yung ganitong klase ng Tale na hindi ko alam na nage-exist pala. Sana ganito na lang siya palagi.

Kung hindi pa ako tinapik ni Tale sa pisngi ay nakatutulala pa rin sana ako hanggang ngayon. Saglit siyang nagpaalam sa akin at nang makabalik ay nakabihis na. Suot niya ngayon yung damit nang unang beses siyang natulog sa unit ko nang malasing siya. Sakto namang pagupo ni Tale ay yun din ang paglabas ni sir Ryuu sa kanyang kwarto. As usual, nakaformal suit na ito. Binati kami pareho nito bago kami nagsimulang kumain.

Sumapit ang tanghali at naririto na ako sa aking unit nagaayos ng sarili para pumasok. Nang makuntento sa ayos ng aking buhok ay agad na akong umalis. Polo shirt ang napili kong suotin para kahit papa'no ay matago ang marka sa aking leeg na si Tale pa ang may kagagawan. Baka kasi kapag nakita na naman ito ni Jherome ay asarin na naman ako.

"Mark." tawag ni Jherome sa pangalan ko. Hindi na ako nagabalang lumingon dito dahil abala ako sa pagsuot ng apron at hairnet sa aking sarili.

"Nagyaya si Francis na kain daw tayong lahat sa labas pagkatapos ng klase. Treat niya daw." hinayaan ko lang siyang magsalita sa akin tabi.

"Anong meron?" tanong ko.

"Birthday ng loko."

Dahil sa matagal na rin akong hindi lumalabas at makapaggala ay pumayag na lang ako sa pagyaya ni Jherome sa akin. Kaya naman nang matapos ang aming klase ay masaya kaming lumabas sa building. Halata sa lahat ang excitement dahil sa ingay ng mga kasama ko. Samantalang ako ay pangiti-ngiti lang sa mga naririnig kong kuwentuhan ng aking mga kaklase.

Medyo nahirapan ang ilan sa amin sa paghahanap ng masasakyan dahil sa dami namin. May iilang nauna na dahil may mga sariling sasakyan ito. Ang iba naman ay nakapara na ng taxi. Di din naman nagtagal ay nakasakay na kami ni Jherome ng taxi papunta sa aming kakainan.

Huminto ang taxi na aming sinasakyan sa harap ng isang high-end bar dito sa Taguig. Nagtakaka akong tiningnan si Jherome sa aking tabi. Awkward itong ngumiti sa akin na parang may nagawang malaking kasalanan sa akin.

"Anong ginagawa natin dito? Akala ko ba kakain tayo?" nagtataka pa rin akong nagtanong sa kanyan. Pinagloloka ba ako ng kaibigan kong 'to?

"Sorry Mark. Kapag kasing sinabi kong sa bar tayo pupunta, baka hindi ka sumama." pagak akong napatawa sa dahilan niya. Nakakatawa ang hitsura niya sa totoo lang.

"Sino namang nagsabi sayong hindi ako sasama. Tara na nga! Baka maubusan pa tayo ng alak." sigaw ko sa kanya at nauna nang pumasok sa loob. Naiwan siyang tulala doon bago pa nakasunod sa akin. Agad na bumungad sa akin ang maingay na tugtugin ng lugar. Makukulay ang mga ilaw na parang mga lasing dahil malilikot nitong galaw. Marami rin ang nagsasayawan sa paligid.

Napatigil ako sa pagmasid sa paligid nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Jherome sa kamay. Umakyat kami sa ikalawang palapag nitong bar. Doon namin naabutan ang iba naming kaklase na nagkakatuwaan na. Sa tingin ko naman ay kasisimula pa lang nila dahil sa bawas ng alak na kanilang hawak. Masaya kaming binati ng mga ito na parang hindi lang kami magkakasama kanina. Natawa ako sa isip ko.

Nakisalo na rin kaming dalawa ni Jherome sa kanila. Nasa kanan ko si Jherome habang may kausap na babae sa tabi niya. Nasa aking kaliwang gawi naman si Francis na mukhang tinatamaan na ng alak. Madami  na rin siguro ang nainom ng loko. Namumula na ang mukha nito at nagsisimula nang maging madaldal. Samantalang ako ay nakakadalawang bote pa lang ng alak. Hindi pa naman ako nahihilo kaya pwede pa akong uminom ng isa pang bote.

"Mark." napalingon ako nang tawagin ni Francis ang pangalan ko. Gulat akong napalingon sa kanya nang mapagalaman na malapit ang mukha nito sa akin. Parang baliw itong nakangisi sa akin. Kasunod ay naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang braso sa aking balikat. Isinawalang-bahala ko lang yun dahil alam ko namang walang ibang intensyon itong si Francis. Kilala kasi itong napakabait sa klase. Lasing lang kaya ganito.

"Alam mo... ngayon ko lang napansin... siguro kung naging babae ka... mas maganda ka pa sa mga tunay na babae... Ang kinis ng mukha mo eh...." putol-putol ang kanyang pagsasalita. May kalakasan ang kanyang boses dahil sa ingay ng paligid namin.

"Naku! Walang katuturan yang pinagsasabi mo, Francis. Lasing ka lang kaya mo yan nasasabi."

Ayoko namang maniwala sa sinabi niya. Lasing lang ito kaya ganun. Mas minabuti ko na lang na ibahin ang topic ng aming pinaguusapan. May pagkamadaldal na si Francis at ang dami niya nang nakukwento sa akin. Maloko din pala siya. Minsan ay natatawa na lang ako sa mga kinukwento niyang mga kalokohan na kanyang ginawa.

"Cr lang ako." nagpaalam muna ako kay Francis nang makaramdam ako ng bigat ng puson sa gitna ng aming paguusap. Mabilis ko namang nahanap kung nasaan ang cr nitong bar. Pagkapasok ko ay agad akong nagbawas tubig sa aking katawan. Pagbukas ko ng pinto nitong cubicle ay naging mabilis ang pangyayari nang maramdaman ko ang mga kamay na tumulak sa aking pabalik sa loob. Muntikan pa akong nawalan ng balanse dahil sa rahas ng pagkakatulak ng taong yun.

"Tale?" gulat akong napaangat ng tingin sa taong tumulak sa akin upang sitahin sana ito pero agad ding natigilan nang mapagsino ito.

Nanunusok ang tingin niya. Namumula ang kanyang mga mata. Para niya akong pinapatay sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

AKIN KA LANG DADDY Da Sphyxxx

Narrativa generale

15.7K 132 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
240K 4.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
39.4K 346 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...