The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XIX: Tensyon
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi

40 4 3
By juanleoncito

“Lance, nasaan ka na? Bakit mo ‘ko iniwan?” pagbigkas ng isang boses na tila bang hindi matanaw kung nasaan nanggagaling.

“A-Aya?” pag-utal ko nang sigurado akong si Aya iyon.

Hindi pa rin mahagilap, purong dilim ang nakikita. Pawang nasa isang kulungang walang bintana at ilaw.

“Lance, t-tulungan mo ‘ko,” bigkas pa nito muli.

“Nasaan ka ba, Aya!” sigaw ko’t hinahanap pa rin kung saan nanggagaling ang boses nito.

Pagkunot ng noo ang nagagawa. Kaliwa’t kanang mga paglingon, hindi pa rin siya matanaw. Pawang naninikip ang dibdib at paulit-ulit na pinipisil-pisil.

“Si Nikko... Si Nikko... Alagaan mo si Nikko,” patuloy na pagbigkas nito, naghihingalo, pawang natigilan na lamang nang ako ay nagulat sa mga sinasabi niya.

“Aya, nasaan ka ba?! Hindi kita makita. A-Asan ba si Nikko?!”

“Si Xavier... Si Nikko... Si Xavier---”

“AYA-AA! Ano ba?! Nasaan ka? Naririnig mo ba ako?!” paulit-ulit kong sigaw na tila bang napahawak na lamang ako sa aking buhok.

“Si Nikko... Si Xavier... Si Nikko---”

“AYA!” malakas kong sigaw.

Iminulat ko ang aking mga mata. Narito sa loob ng kotse’t nagising mula sa pagkaidlip. Nakaparada sa kalsadang malapit sa set, ako na lamang ay napasandal sa upuan, iniisip pa rin ang mga napapanaginipan kamakailan.

Itinukod ko na lang ang mga siko sa manobela kasabay ang pagkunot ng noo ko’t pagbilog ng mga kamao.

“X-Xavier, anong ibig sabihin nito?!” matulin kong bulong sa hangin, ngayo’y galit ang tanging nararamdaman.

Paulit-ulit na paghinga ng malalim upang mapakalma ang sarili. Kinuha ko na lamang ang gamit ko at unti-unti nang bumaba sa sasakyan upang tumungo sa set.

Diretso ang lakad, pumasok na lang muna sa tent upang ilagay ang gamit.

“D-Direk? Saan ka po ba galing? Kanina pa po namin kayo hinahanap, may isa pa po tayong eksenang hindi nakukuha.” Mga pangungusap na binitawan ni Yaz nang ito ay lumapit sa akin.

“I’m sorry, nakaidlip lang ako sa kotse. Pakisabihan na lang ang mga talents, let’s resume the taping in five minutes.”

“O-Okay po, Direk.”

Ito na ay lumabas ng tent at ako ay napaupo na lamang muna sa upuan. Hindi pa rin ako maliwanagan sa mga nangyayari kamakailan na tila bang galit ang napupuno sa puso’t hindi kasiyahan.

Napahawi ng buhok kasabay ang paghimas ng mukha. Tila bang hindi na-eenganyong huling taping na ng pelikula ngayon at tanging pagbigat lang ng isip ang nararamdaman.

Ako na lang ay napaayos ng upo nang bumukas ang tent kasabay ang pagbungad ni Jim.

“B-Bro, okay ka lang? Ayos ka na ba?” pagtatanong ni Jim nang ito ay lumapit sa akin.

Ako na lang ay tumango at sinabi ang gustong itanong sa kanya. “Jim, anong nangyari sa akin kahapon? Huling pagkaalala ko, lumabas ako ng sasakyan para tingnan ‘yung gulong and I saw you there. After that, wala na akong maalala.”  

“H-Hindi ko rin alam, bro. Pero pagkatapos noon, isinakay kita sa kotse ko para ihatid ka sa bahay niyo. Tinawagan ko rin si Rex para siya na lang ‘yung magpapaayos ng kotse mo. I think you’re just too stressed bro, kaya nawalan ka siguro ng malay,” tugon pa nito.

“Stressed? Hindi naman ako stressed---”

“Bro, you are. Pinapagod mo kasi ‘yang sarili mo eh,” aniya.

Napayuko na lamang ako at napasandal muli sa upuang inuupuan kasabay ang paghawi ko muli ng buhok.

“By the way, bakit ka ba nandoon? Pa’no mo nalamang nando’n ako?” pagbaling ko at tiningnan ang mata nito.

“A-Actually, Tay Gabo called me. Sundan daw kita kasi you’re on your way to airport. Pero bro, bakit ka ba pupunta ng airport?” pangungusap ni Jim at napangisi na lamang ako ng bahagya.

Umiling ako at tuluyang nagsalita. “Kapag sinabi ko, hindi naman kayo maniniwala. I better not to say anything to you.”

“Bro, I’ll listen---”

“No, you’ll not.”

“Bro just please, sabihin mo lahat ng mga iniisip mo ngayon,” dagdag niya pa.

Huminga na lamang ako ng malalim at itinaas ang noo upang tuluyang sabihin sa kanya ang mga salitang bumubuo sa isip ko.

“Do you remember when we were in the hotel, noong nagdagsaan ang mga tao doon and you’ve said that, they are from different advertisement companies?” pangungusap ko sa kanya.

“Y-Yes? B-Bakit?” pagtataka niya.

“I’m with Aya, she was one of them. I’m with her when we were in London. Hindi ko na lang sinabi sa’yo dahil alam kong hindi ka naman maniniwala.  Kaya gusto kong pumunta sa airport para sunduin siya. Tapos ngayon, hindi ko na alam kung nasaan na siya dahil sa letseng gulong na ‘yan, hindi ko siya naabutan.”

“B-Bro---”

“But I think, I know where she is,” pagbigkas kong muli.

“A-Anong bang sinasabi mo?” pagtataka niya pa rin na kitang-kita naman sa kanyang mga reaksyon.

“Pupunta diba ‘yong gagong Xavier na ‘yon dito?!” pagdiin ko na tila bang pagkunot ng noo na lang ang nagagawa.

Umiling ito at nagsalita. “B-Bakit bro, anong bang gagawin mo?”

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumungad si Yaz kung kaya naantala ang aming pag-uusap.

“D-Direk, we will start na raw.”

“O-Okay, susunod ako,” tugon ko kay Yaz.

Ako na lamang ay ngumisi ng bahagya kay Jim, hindi na ito nilingon at tuluyan ng sumunod kay Yaz kung kaya ay magsisimula na ang taping sa huling eksena.

“Direk, talents are already set,” bigkas ni Direk V nang ito ay lumapit sa akin.

“Okay, thank you Direk.”

“Looks you are not in a good mood, Direk. Last taping na natin ‘to, you should be happy for the success. We will have a celebration later, don’t puzzle it out.” Mga salitang binitawan ni Ms. Castro sabay pagngisi nito.

“I hope, I’ll be happy.”

Napatango na lamang ito at tinapik ang balikat ko. Ako na lamang ay napabuntong-hinga at napaayos na ng upo sa upuan at nagsimula nang inobserbahan ang eksena.

“Okay, give your best for the last scene. Observe blocking, cameras will be rolling in three, two, one. Action!” pagbigay ko ng direktiba at itinuon na muli ang tingin sa screen nang rumolyo na angn mga kamera.

Eksena’y nasa loob ng bahay, siniselebra ang kaarawan ni Gio. Saktong rehistro ng mga galaw, tamang pag-atake ng mga linya. Ika nga, ito na ang pinakamasayang ending na naisulat.

Sunod-sunod na mga pagbati sa bata, tila bang napatulala na lamang ako sa pagtanaw ng kasalukuyang eksena.

“Si Nikko... Si Xavier... Si Nikko...”

Naririnig muli ang mga bulong sa isip. Tila bang napailing na lamang ako’t pilit na hindi aalahanin.

Patuloy ang pag-obserba sa huling eksena, muling nagbigay ng mga direktiba.

“Elisse and Brian will present their gift to Gio and show Gio a surprise...” direktiba ko sa kanila.

Ibinalik ang tingin sa screen upang obserbahan ang kanilang eksena.

Tila bang saktong-sakto ang kanilang galaw sa aking mga inaasahan. Kung kaya ngayon ay nasa huling bahagi na ng eksena.

Wala masyadong naitalang pagkaulit, pawang umaayon ang lahat sa planong nais na gawin. Pinilit na lamang ngumiti upang hindi mahalatang bumibigat ang labi. 

“Last for the drone shot and... cut!” huling direktiba ko sa huling eksena. “Congratulations everyone, w-we’re done!” wika ko pa na tila bang walang ngiti na naipakita sa kanila.

Ako na ay agad tumayo ngunit tila bang natigilan ako nang may isang pamilyar na boses na lumitaw.

“Lance, alagaan mo si Nikko... Walang kasalanan si Xavier...” pagbigkas nito.

Ngunit tila bang laking gulat ko ay nakita sa hindi kalayuan ang nakatayong si Aya.

“A-Aya? Anong ginagawa mo rito? Saan ka ba nanggaling?” pagtatanong ko sa kanya.

“Direk, congratulations!” pagbungad ni Ms. Castro at ibinaling ang tingin sa kanya.

Muling napayuko, paulit-ulit na mga pikit-mulat. Hindi na napansin si Ms. Castro kung kaya ay hinanap ang presensiya ni Aya nang ito ay nawala.

“A-Aya?”

Napatabon sa tenga tila bang nakikita ang pagtataka ni Ms. Castro kung kaya ako na lamang ay tumalikod upang hindi na papansinin.

“D-Direk, a-are you okay?” pagbigkas nito’t tinapik ang balikat ko.

“Y-Yes I’m fine---” pag-utal ko.

Ako na lamang ay naglakad patungong sasakyan upang hanapin muli si Aya ngunit tila bang sumalubong si Jim at ako ay napatigil sa paglalakad.

“B-Bro, a-are you okay?” pagtatanong ni jim nang ako ay kanyang pinigilan.

“Nakita ko si Aya, hahanapin ko muna siya---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muling nagsalita si Jim.

“Bro, ano bang sinasabi mo? You know, you should calm down!” pagtaas ng boses ni Jim at ako lamang ay napailing.

“No, I won’t. Nakita ko nga si Aya. Sabi niya, alagaan ko raw si Nikko...” naramdamang aligagang pagbigkas ko.

Hindi makapagtimpi, tila bang pagka-aligaga at paulit-ulit na kisapmata ang nagagawi.

“Si Xavier nasaan?! Ano bang ginawa niya kay Nikko ha? Tinatago ba niya si Aya sa akin?!” sunod-sunod kong mga pangungusap na tila bang galit na ang nararamdaman.

“Bro ano bang sinasabi mo?!” sigaw ni Jim ngunit hindi na ito pinansin at ako’y pumiglas sa kanyang pagkahawak.

Dali-daling bumalik sa kung nasaan nakita si Aya ngunit tila bang hindi na ito tanawan. Pawang lahat ng tao ay nakatingin sa akin ngunit ito’y pinabayaan na lamang.

Ganoon na lang din ang paghinto ng isang sasakyan malapit sa set sabay pagbungad nito ang presensiya ni Xavier.

“How’s the taping everyone? Are you done?” wika pa niya’t pawang ngumingisi lang.

Masasamang tingin sa kanya, galit na umaapaw nang nakita siya. Napalukot na lamang ng magkabilang kamao ganoon na lang din ang paglapit ko sa kanya at ito’y sinuntok.

“Walang hiya ka! Saan mo tinago si Aya?!” sigaw ko dahilan ng galit na bumuo sa utak ko.

“Bro, ano ba? Ano bang ginagawa mo. Tumigil ka nga, nakatingin lahat ng tao sa’yo!” pag-awat ni Jim.

Piniglas ang pagkahawak ni Jim sa aking braso sabay tingin ko kay Xavier nang pinahid niya ang sugat niya sa labi dahil sa suntok.

Bumigkas muli ng salita na tila bang pagkunot ng noo ang nagagawa. “Saan mo tinago si Aya? Alam kong alam mong nasaan si Aya.”

“Bro please, stop this. Do you want to lose your job?” pagpigil muli ni Jim.

“I don’t fucking care with this job!” pagmumura ko pa.

“Hayaan mo siya,” wika pa ni Xavier. “You know what Lance, you’re far away from what I used to know. Tigilan mo na ‘to. Stop these fucking delusions!”

“Fuck up! Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung nasaan si Aya?!” sigaw kong muli.

Tila bang ito ay nang-iinis, pagngisi lang ang sinusukli.

“Tangina, you’re out of your mind---”

“Ano? Sasabihin mo na namang nagde-delusyon ako? B-Bakit, bakit lahat na lang kayo, hindi niyo ‘ko pinapaniwalaan?!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tila bang lahat na lang ng nakakasalamuha ko ay hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

“Where’s Nikko? Nasaan si Nikko?” pagbaling ko ng tanong sa kanya na tila bang napakunot ito ng noo.

“Bakit mo hinahanap sa akin ang anak mo?” tugon niya.

Napailing na lamang ako sa mga sinabi niya kasabay pa ang pagbuntong-hininga. Hindi maramdaman ang sarili kung kaya hindi na naiintindihan ang lahat na nangyayari.

“A-Anong sabi mo?” pagtataka ko’t pawang nararamdaman ang pagbuo ng mga luha’t agad na pinunasan.

Tila bang naistatwa kaming pareho. Hindi malaman kung anong ibibigkas ganoon na lang ang panay pa rin na tinginan ng mga tao.

“I’m sorry, I ruined your relationship with Aya... your supposedly wedding. The truth is I was late on your wedding day, nakita ko na lang si Aya tumakbo papalapit sa akin. She insisted to ride her away from you. Kaya tumakbo si Aya sa kasal niyo noon kasi nalaman niyang anak mo pala si Nikko at ayaw niyang mapahiya sa’yo.”

“Ano bang pinagsasabi mo?!” pagtataka ko.

“The first DNA test that you know was actually came from your teaspoon noong nasa coffee shop tayo. A-Akala ni Jim, it’s mine...” pag-utal ni Xavier.

Tila bang napasigaw na lamang ako sa galit kasabay ang paulit-ulit na pag-iling. Nagagawa na lamang ay ang pagkunot ng noo’t pagmumura.

“Putangina, alam mo rin ‘to Jim?”

“B-Bro, I’m sorry. It’s actually my fault, if I was not mistaken---” ani Jim.

Natawa na lamang ako, tila bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari’t sumagot na lamang sa kanyang pahiwatig.

“Tangina, mag-D-DNA test na lang nga kayo mali pa? Pinaglalaruan niyo ba ako? Sino pa bang nakakaalam nito? Si Tay Gabo, alam niya rin ba ito?”

Kitang-kita ang alinlangang pagtango ni Jim na mas lalong nagpabagsak ng nararamdaman ko.

“Pucha!” mura ko’t napahawak na lamang sa buhok kasabay ang pagkumot ng kamao.

“O-Okay fine, s-sabihin niyo na lang sa akin kung nasaan si Aya. I need to talk to her, I need to say sorry, I need---”

“B-Bro, listen... Listen to me,” wika pa ni Jim. “Do you remember when Yaz saw you talking at the parking lot?”

“Bakit? Nakita niya kami ni Aya, nag-uusap...”

“No, he didn’t see Aya,” tugon pa ni Jim.

“Hindi, nakita niya si Aya. Tanungin niyo pa,” wika ko kung kaya sigurado. “Yaz, Yaz!”

Napailing na lamang ako kasabay ang pagyuko ko.

“Bro stop, m-matagal nang wala si Aya.”

Ako na lamang ay natawa sa kaniyang mga sinabi. Napaatras, tila bang nagpapatawa ito’t iniiba ang mga nangyayari. Huminga na lamang ako ng malalim kasabay ang pagpiglas ng pagkahawak niya sa akin.

“Nagpapatawa ka ba, bro? Eh, kani-kanina lang nakita ko siya. Tapos, noong nasa London tayo, nandoon din siya magkasama kami. Pinaglalaruan niyo lang ata ako eh,” pangungusap ko pa’t patuloy ang pag-iling. “Alam kong tinatago lang nitong lalakeng ‘to si Aya. Sabihin mo na kasi Xavier!”

“Lance... A-Aya is dead. Naalala mo noong naaksidente ako sa kotse sa araw ng kasal niyo? S-She’s with me, kasama ko siya doon. Ikaw pa nga ‘yung tumawag ng ambulansiya diba?” Mga pangungusap ni Xavier na tila bang natatawa pa rin sa mga biro nila.

“Hindi ‘yan totoo, she had amnesia. Actually, sinabi niyang she was comatose kaya nagka-amnesia siya after she woke up. Diba pinalitan mo pa siya ng pangalan, Czea Alleroña? Kaya, hindi ‘yan totoo, sinasabi niyo lang ‘yan dahil sinisiraan niyo ako,” pangungusap ko sa kanila.

“Lance, ‘yun ‘yung totoo and please woke up. Aya is dead six years ago...” bigkas pa ni Jim sabay paghawak ng braso ko.

“No, no. Sabi-sabi lang 'yan, that is not true. Bitiwan mo ako!” pagpumiglas kong muli.

Tiningnan na lamang ito sa mga mata pati na rin si Xavier na tila bang sa tuwing nakikita ito ay pawang galit ang lumalabas. Kitang-kita lahat ng mga matang nakatitig sa akin kung kaya hindi na ito pinansin pa.

“Lance, wala na nga si Aya!” bigkas pang muli nito.

“Hindi... h-hindi ‘yan totoo,” wika ko nang inayos ko na lamang ang sarili ko upang tumungo sa sasakyan. “Aalis muna ako, I will look for her. Hahanapin ko siya at paniniwalaan niyo ako,” dagdag ko pa.

“Lance, ano ba!” sigaw pa ni Jim.

Agad na tumungo sa tent upang kunin ang mga gamit at tuluyang pumasok sa sasakyan at matuling pinatakbo ito. Hindi malaman kung saan siya muling hanapin kung kaya hinayaan na lamang at maghahanap ng paraan.

Magulong buhok, namumuong luha sa mga mata. Hinayaan na lamang itong bumagsak hanggang sa ikaw ay muling makita.

Bakit lahat na lang ng taong nakapaligid pati na rin ang mga taong malapit sa akin ay tila bang walang paniniwalang nakikita sa kanilang mga mata?

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 337 51
Complete. [ Again series book 1 of 4 ] "β„Œπ”žπ”­π”­π”¦π”«π”’π”°π”° 𝔦𝔰 𝔩𝔦𝔨𝔒 π”ž π”‘π”¦π”žπ”ͺ𝔬𝔫𝔑--π”―π”žπ”―π”’ π”žπ”«π”‘ π”₯π”žπ”―π”‘ 𝔱𝔬 𝔣𝔦𝔫𝔑. 𝔅𝔲𝔱 𝔦𝔣 𝔢𝔬𝔲...
1.2M 13.9K 55
"The one and only person I call love is you." (KINDLY READ BOOK 1 FIRST, BEFORE READING THIS.)
1.3M 36K 50
Highest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di maikakailang sexy at maganda sakabila ng m...
793 104 44
Blindness is the worst thing that has happened in my life. I hate the dark. Everyday, I hate seeing nothing. I hate how it makes me feel like I'm hop...