The Cavaliers: BREY

By mydearwriter

200K 4.9K 196

The Cavaliers Book 1 “Hindi ako marunong umatras sa laban, lalo na kapag pag-ibig ang usapan.” Kung kalian na... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN

CHAPTER SEVENTEEN

20.5K 463 62
By mydearwriter

CHAPTER SEVENTEEN

NAKANGISI si Madie nang lumabas sa Faculty Center at tumawid sa Palma Hall. Ga-graduate na din siya finally! Kahit lampas alas-singko na ng hapon ay marami pa ring estudyante sa paligid. Kahit papano ay naisip ng dalaga na nakakahiya naman kung bigla siyang tumalon o di kaya ay sumigaw dahil sa tuwa.

Sinubukan niyang tawagan si Oliver pero naka-off pa rin ang cellphone ng lalake. Naisip niyang hindi pa ito tapos sa final exams. Mamaya ko na nga lang siya guguluhin.

Dumaan muna siya sa CR dahil kanina pa siya naiihi sa excitement, at para maghilamos na rin. Pagkatapos mag-freshen up ay nagbakasakali siyang may maabutang pagkain sa cafeteria. Pero halos lahat ng food stalls sa loob ng CASAA ay sarado na kaya naisip ng dalaga na dumiretso nalang ng shopping center para doon kumain. At para makadaan na rin muna siya sa simbahan na halos katapat lang ng shopping center. Gusto niyang magdasal at magpasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay naitawid na rin niya ang kanyang pag-aaral.

Nagpadala muna siya ng text message kay Oliver na sumunod na lang sa shopping center. Alam niyang matatanggap naman iyun ng lalake pag binuksan ang cellphone. Hindi na siya sumakay ng jeep na UP Ikot, sa halip ay tumawid na lamang siya mula sa Palma Hall papunta sa may UP Library. Kaya naman niyang maglakad dahil halos apat na kanto lang naman ang layo ng shopping center.

Kalalampas lang ng dalaga sa may Osmena Avenue at National Engineering Center nang makaramdam ng kaba. Awtomatiko siyang napalingon. Wala namang ibang tao maliban sa isang taong naka-hood na obviously ay galing sa pagja-jogging base sa suot nito. Kumabog ang dibdib ng dalaga habang naglalakad sa Apacible Street. Binilisan pa niya ang lakad, na ang nasa isip ay ang taong nasa likuran.

Bakit siya naka-hood? Masisisi ba siya kung paranoid na siya pagdating sa mga estranghero? Minsan na siyang nakidnap- siguro naman ay tama lang na magduda siya kapag may kakaibang karakter siyang mapansin sa paligid!

Pero agad din niyang naisip na baka ayaw lang ng naturang jogger sa likod niya na mahamugan. Gumagamit din naman siya ng sweat jacket na may hood. Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad, halos tumatakbo na nga siya. Natatanaw na niya ang Parish of the Holy Sacrifice- ang pabilog na simbahan sa loob ng UP Campus. Naisip niyang mas mabuting tumakbo na siya tutal naka-rubber shoes din naman siya. Ilang metro na ang natatakbo niya nang maisipan niyang muling lumingon- at kitang-kita niyang bumibilis din ang mga hakbang ng tao sa likod niya. Halos tumatakbo na rin ito! Siya nga yata ang sinusundan!

Oh My God! Gusto nang tumili ni Madie. Buti sana kung may dala siyang tear gas or kahit na anong puwedeng gamitin laban sa lalake sa likuran niya! Ang tanging bitbit niya ay maliit na sling bag!

“Father! Father!” nagsisisigaw si Madie nang makita ang kura paroko ng simbahan. Kalalabas lang nito at mukhang patungo sa parking lot. “Father, tulungan mo ako!”

Nagulat ang pari sa kanya, bahagya pa iyung napaatras. Sa tingin ni Madie ay nasa 50s na ang naturang alagad ng Diyos.

Akmang ituturo ni Madie ang tao sa likod niya pero nagsalita na iyun.

“Madie!” Tinanggal nito ang hood.

“Brey?!” Nagpakurap-kurap pa ang dalaga.

“Hija, anong nangyayari sayo?” tanong ng pari.

Napahiya si Madie. Akala kasi niya ay may kidnapper na naman at magpapasaklolo sana siya sa pari. “Magko-confess po sana ako father, kaso paalis na pala kayo….”

“Bukas may confession dito. Bumalik ka nalang.” Nakatingin pa rin sa kanya ang pari, tila sinusuri kung okay ba talaga siya.

“Salamat po father.” Mabilis na hinawakan ni Madie ang kamay ng pari at nag-bless.

“Madie, sandali lang.” Huminga muna ng malalim ang dalaga bago hinarap ang lalake.

“Anong kelangan mo? Tinakot mo pa ako!” asik niya kay Brey. “Alam mo bang halos mamatay ako sa nerbiyos? Akala ko may kidnapper na naman!”

“Sorry. Gusto lang sana kitang makausap.”

“E di sana tinawag mo ako. Hindi yung para kang sira na nasa likod ko. Mukha kang si Jason at Freddie Kruger!”

“Para ka kasing nagmamadali. Saka baka may…”

“May ano?” hindi pa rin bumabalik sa normal ang heart rate niya. Kapag nagkasakit siya sa puso, makakasapak talaga siya ng opisyal ng Philippine Marines! Kahit pa guwapo!

“Baka may ka-date ka kasi at makaistorbo lang ako….”

“Date? Nasa school ako, may date? Okay ka lang?”

“Lagi kang may kasamang lalake e. Yung Oliver.”

Hindi agad nakasagot si Madie. Kilala ni Brey si Oliver? “Bakit mo kilala si Oliver?”

“Boyfriend mo ba siya?” tanong nito.

“Anong boyfriend ang pinagsasabi mo diyan? Kaibigan ko yun. Saka bakit mo nga siya kilala? Ha?” Nakapameywang na siya. Pinaimbestigahan ba siya ng herodes?

“Alam ko ang nangyayari sa buhay mo,” sagot ni Brey.

“Bakit, pinasusundan mo ako? Ha? Pinababantayan? Ginawa mo akong subject, ganun?” She was aware na tumatalak na siya. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. “Saka kung sakaling boyfriend ko si Oliver, wala ka na doon! Wala kang pakialam kasi matagal ka nang hindi nagpapakita sa akin. Matagal mo nang pinutol ang ugnayan mo sa akin!”

“Hindi totoo yan, Madie. Never akong lumayo sayo. Hindi lang kita inistorbo dahil alam kong priority mo ang pag-aaral mo. Gusto kong magawa mo muna ang mga gusto mong gawin sa buhay.”

Tumaas ang kilay ni Madie sa narinig. “Ni text or tawag, wala?”

“Nag-iba ka ng number!” akusa sa kanya ni Brey. Aminado naman doon ang dalaga. Pero alam naman ng lalake kung saan siya nakatira, bakit hindi man lang siya pinuntahan sa bahay? “Akala ko iniwasan mo ako.”

“Mga reporters ang iniwasan ko.” Hindi pa rin maipinta ang itsura niya.

“Pumunta ako sa bahay niyo one time, para kausapin ka sana. Pero wala ka. Yung tatay mo ang nakausap ko.”

“Walang sinasabi sa akin si tatay!” Although naalala ng dalaga na tinanong siya minsan ng ama niya kung may balita siya tungkol kay Brey- pero never nitong sinabing nagpunta pala doon ang lalake!

“Actually, after naming mag-usap, we agreed na huwag nalang sabihin sayo na pumunta ako. Sabi ko, hahayaan muna kitang mag-focus. Nangako ako sa tatay mo na saka na lang ako manliligaw kapag graduate ka na.”

“Ha?” Tama ba ang narinig niya? Liligawan siya ni Brey? “Niloloko mo ba ako?”

“Hindi ha. Bakit naman kita lolokohin? Totoo ang sinasabi ko, nangako ako sa tatay mo. Kaya ako nandito kasi alam kong ga-graduate ka na.”

“Paano mo nalamang ga-graduate na ako?”

“End of the school year na. Saka alam kong matalino ka at masipag, alangan namang hindi ka pa makakapagtapos.” Kumindat sa kanya si Brey.

“Hindi naman ako ang gusto mo di ba? Si Ava. Hindi ako kasing-ganda niya. Hindi ako mukhang Barbie Doll.”

“Ayoko kay Barbie, meron na siyang Ken. Nagagandahan lang ako kay Ava dati. Humahanga. Siyempre, artista e. Pero iba kapag usaping puso.”

Walang maisagot si Madie kaya inirapan nalang niya si Brey. Pero sa totoo lang, gusto na niyang tumakbo papasok sa simbahan para mag-alay ng misa. Para kasing nananaginip siya!

“Simula nang hinalikan kita last year, hanggang ngayon, hindi ka na nawala sa isip ko.Nakatira ka na nga sa puso ko e.”

“Hindi halata!” ismid niya.

“Siyempre ayokong masyadong magpahalata. Baka sabihin mo, masyado naman akong easy to get,” sagot ng lalake.

Hindi na napigilan ni Madie ang matawa. Ngayon lang niya naririnig ang mga hirit ni Brey at wala sa itsura nito ang mga pinagsasabi.

“Saan ka ba galing ha? Bakit ang tagal mong nawala?”

“Ang totoo? Nag-stay muna ako ng ilang buwan sa Zamboanga. Pabalik-balik ako sa Mindanao. Saka nagschooling din ako ng two months sa California. Kakabalik ko lang noong weekend.”

“Ayun. Kunwari ka pang hinahayaan mo akong gawin ang gusto ko. Pero ikaw pala ang busy.”

“May tungkulin akong sinumpaan. May mga responsibilidad ako, alam mo naman yun.” Halos matunaw ang dalaga sa mga titig ni Brey. “Kung hindi nga lang ako kinakabahan, hindi pa muna sana ako magpapakita ngayon e. Sa graduation mo pa sana next month.”

“Ay. Nakakahiya naman sayo, napilitan ka pa palang magpakita ngayon. Ang laki ng utang na loob ko sayo.”

“Alam mo, si Ava ang artista pero mas magaling ka mag-drama kesa sa kanya.” Ngumiti si Brey at lumapit sa kanya. “Isang tanong, isang sagot. Kapag niligawan ba kita, sasagutin mo ako?”

“Ganyan ba manligaw ang mga marines? May halong pananakot?” Pakiramdam ni Madie ay mamamatay na siya sa kilig. Halos nakadikit na sa kanya si Brey!

“Hindi naman. Pero hindi kami marunong umatras sa laban…. lalo na kapag pag-ibig ang usapan.”

“Oo na. Naniniwala na ako. Nakayakap ka na sa akin o.”

“Sinasagot mo na ako?” Bago pa nakasagot ang dalaga ay may isa pang nagsalita.

“Madie?” Napalingon siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.

“Oliver!” Bigla niyang naitulak si Brey sa sobrang gulat. “Tapos na ang finals mo?”

Tumango ang lalake. Nakatingin ito kay Brey, saka sa kanya. Nasa likod ni Oliver si Joy na nanlalaki ang mga mata.

“Nagkotse kami papuntang shopping center kaya nauna yata kami. Wala ka sa Rodic’s kaya lumabas kami para hanapin ka,” sabad ni Joy na ang mata ay na kay Brey pa rin.

Napalunok muna ang dalaga bago muling nagsalita. Napatingin siya kay Brey na nakatingin din sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung anong klaseng introduction ang gagawin. “Si ano pala…. sila ang mga friends ko dito, sina Joy at Oliver. Si ano… si Brey. I mean, si Lt. Brey Abesamis.”

“Hi!” mabilis na inilahad ni Joy ang kamay. “Ang guwapo nga,” bulong ng babae. Agad niyang sinaway ang kaibigan. Nakipagkamay din si Oliver, na bagama’t pormal ay ngumiti naman ng bahagya.

“Nice to meet you, sir.”

“Brey na lang, tutal kaibigan naman kayo nitong si Madie.”

“Ikaw yung marines?” si Joy uli. Tumango si Brey. “Ngayon lang ako nakakita ng tunay na marines. At para kang artista ha, in fairness.” Gustong lumubog ni Madie ng mga oras na yun!

“Joy!” Pinandilatan niya ang babae pero deadma ito sa kanya.

“Buti bumalik ka na,” hirit uli nito.

“Ga-graduate na rin naman si Madie e,” sagot ni Brey. Nakangiti ito saka tumingin sa kanya.

“Oh my God, magkaka-lovelife ka na, Madie!” Hindi napigilan ni Joy ang tumili. Pati tuloy si Oliver ay nahila ang babae ng wala sa oras.

“Balik na muna kami sa Rodic’s, Madie. Mukhang nalipasan ng gutom si Joy e.” Hawak-hawak ni Oliver ang isang braso ng babae. Tumingin ito kay Brey. “Sir, kakain lang po kami. Join us if you like.” Ngumiti pa ito sa kanila.

“Sige, salamat.” Tumango si Brey. Nang makalayo ang dalawa ay binalingan siya ng lalake.

“Wala ba talagang gusto yun sayo?”

“Ano ka ba! Friends lang kami. Platonic ang relasyon namin. We just enjoy each other’s company. Puwede namang maging magkaibigan lang ang lalake at babae e.”

Muli siyang niyakap ni Brey. “Sige, okay lang na may kaibigan kang lalake. Basta ako lang ang boyfriend mo.”

“Ang demanding ni sir!” biro niya sa lalake. Pero sa loob-loob ni Madie ay gusto na niyang kurutin ang sarili dahil baka nananaginip lang siya.

“Aba, natural. Ang tagal kong naghintay ha!”

“Kasalanan mo, hindi ka kaagad nagpakita.” Biglang naalala ng dalaga ang itim na sasakyan na ilang beses niyang nakita. “Tell me, pinasusundan mo ba ako?”

Tumango si Brey, parang biglang nahiya. “Yung dalawang bodyguards lang ni Papa ang laging tumitingin sayo dito. Gusto ko kasing malaman na ligtas ka lagi.”

“Okay naman ako e. Nabuhay ako na wala ka,” sumbat niya.

“Tama na. Huwag ka nang magtampo. Ang importante, andito na ako.” Hinalikan siya ni Brey sa noo. Daig pa ng dalaga ang nakuryente! “Saka di na ako mawawala.”

“Paano ang mga assigments mo?”

“Dito na nga ako naka-assign sa Metro Manila. Sa headquarters na.”

“Talaga?” Siya na mismo ang yumakap sa lalake at humalik sa sobrang tuwa! Pero kumalas din siya agad.

“O bakit?” tanong ni Brey, pero hindi pa rin nito inaalis ang mga kamay na nakapulupot sa beywang niya.

Ininguso niya ang ilang estudyanteng nakatingin sa kanila. Nakaramdam naman siya ng hiya kahit papano! Natawa si Brey.

“Hayaan mo sila. Inggit lang ang mga yan. Wala silang lovelife.”

Si Madie naman ang napahalakhak. Ngayon pa lang ay nag-e-enjoy na siya. Akalain mong ga-graduate na siya, may lovelife pa siya!

Continue Reading

You'll Also Like

28.3K 410 25
-COMPLETE- [ Javier Dy ] After Years of looking, he finally found her. But unfortunately she can't remember even a bit of him. How he'll be able to w...
76.3K 3.7K 10
Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric M...
1.1M 36.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
18K 432 18
Edwin Kiel Vega *Mahaba na ang sampung salita para sa kaniya. *Palaging out-of-the-country. *Bunsong lalaki sa VEGA siblings. *No girlfriend sinc...