The Cavaliers: BREY

Oleh mydearwriter

200K 4.9K 196

The Cavaliers Book 1 “Hindi ako marunong umatras sa laban, lalo na kapag pag-ibig ang usapan.” Kung kalian na... Lebih Banyak

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN

CHAPTER SIXTEEN

10.1K 270 2
Oleh mydearwriter

CHAPTER SIXTEEN

UP Diliman Campus. Six months later.

KATATAPOS lang ng huling klase ni Madie for the first semester at dahil officially ay sem-break na, naisip niyang maglakwatsa sa mall at manood ng sine. Pero hinihintay pa niya si Oliver sa may Sunken Garden kasama ang kaklaseng si Joy.

“Friends lang talaga kayo ni Oliver? Sigurado ka?” tanong sa kanya ng babae. Tumango siya. “Pero lagi kayong magkasama. Saka bagay naman kayo. Hindi ba siya nanliligaw?”

“Wala. Platonic lang talaga,” sagot ng dalaga.

Mas bata sa kanya ng isang taon si Oliver, naging kaklase niya ito two years ago, bago siya tumigil sa pag-aaral. Natuwa ito nang makita siyang nakabalik sa campus, lalo na at pareho pa silang graduating. Naging madalas tuloy ang pagkikita nila at mas naging close- to the point na napagkakamalan na silang dalawa. Katulad na lamang ng tanong ni Joy sa kanya. Iilan lang ang masasabi niyang kaibigan sa loob ng UP. Ang iba kasi niyang ka-close ay graduate na. Si Joy ay nitong semester lamang niya naging kaklase at kahit papano ay naging close sila.

“Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ako papayag na platonic lang kami ni Oliver!” narinig niyang komento ni Joy.

“Crush mo siya?” natatawang tanong ng dalaga.

“Hindi naman gaano. Pero crush ng bayan kaya yang si Oliver!” bulalas ng babae. “Nakita mo naman, guwapo, university scholar, mabait at magaling magdala ng sarili. May sarili pang kotse, at least libre ang ride.” Pareho silang nagkatawanan.

“Okay naman siya e. Nakakatuwang kasama.”

“Naku Madie, kung alam mo lang kung gaano karaming babae ang naiinggit sayo dahil lagi kayong magkasama ni Oliver!”

Natawa ang dalaga sa huling sinabi ni Joy. Minsan, nakakalimutan niyang bata pa rin naman siya at ang mga kaklase niya ay mahilig pa rin sa mga kilig topics. Sa dami ng naranasan niya habang nagtatrabaho kay Ava ay nawala sa isip niya ang mga simpleng saya na tulad ng chismisang ginagawa nila ni Joy.

“Pakisabi sa kanila, hindi ako threat sa pag-ibig nila kay Oliver.”

“Di mo talaga siya type?”

“May iba na akong mahal e.” Nanlaki ang mga mata ni Joy sa sinabi niya.

“Sino? Oh my God. Wala kang sinasabi sa akin!” Nakatingin sa kanya ang babae, naghihintay ng sagot niya.

Naisip ni Madie na wala namang masama kung ikuwento niya kay Joy ang tungkol kay Brey- after all, matagal na niyang dinadala iyun sa kanyang dibdib. Sa loob ng fifteen minutes ay ikinuwento niya sa babae ang tungkol kay Brey- the summarized version of how they met at kung paanong may gusto ang lalake kay Ava pero dalawang beses na siyang nakipaghalikan rito. Pati ang kidnapping na naganap at kung paano sila na-rescue. At ngayon nga ay wala na siyang balita tungkol sa lalake. Laglag ang panga ni Joy pagkatapos niyang magkuwento.

“Shit, Madie. Parang pelikula ang kuwento ng buhay mo a. Totoo ba yan?”

“Oo naman, ano ka ba!”

“I mean, totoo ba yang si Brey? Parang very fictional ang character niya. Imagine, anak ng Congressman at socialite, tapos graduate ng PMA. Tapos nag-Marines at nabaril. Sabi mo nga, guwapo, matangkad, matikas.”

Lalong natawa ang dalaga sa sinabi ni Joy. Oo nga, parang kathang-isip si Brey. Pero kapag naiisip niya ang mga halik ng lalake, natutunaw ang puso niya. Wala nang mas totoo pa kesa sa mga halik ni Brey.

“Parang bida sa pelikula,” nakangiti niyang wika kay Joy. “Yun din ang tingin ko sa kanya. Someone who only exists in the movies.”

“Wala ka na bang balita sa kanya? Hindi man lang siya tumatawag? Or dalaw man lang?”

Umiling siya. Yun ang pinakamasakit sa kanya. “The last time na nakita ko siya, ay bago sila mag-dinner ni Ava.”

“Do you think….. naging sila na ni Ava?”

“I don’t know. Alam ko kasi nasa abroad si Ava. Uy, atin-atin lang ito ha. Huwag mo namang ikukuwento sa iba.”

Itinaas ni Joy ang kanang kamay. “Sumpa man. Walang makakaalam nito. Tamaan man ako ng kidlat.”

“Saka kung sila ni Ava ang nagkatuluyan… e di good for her. Bagay sila. Parehong maganda at guwapo.”

“Ay. Ayoko naman yata ng ganyang love story. Gusto ko, yung happy ending. Ayokong mapunta kay Ava si Brey.”

“Si Ava naman nga kasi talaga ang gusto niya. Kahit nga nung naka-wheelchair siya, nagpapadala pa ng bulaklak.”

“Oo na. Pero bakit hinahalikan ka niya?”

Hindi nakasagot si Madie sa tanong ni Joy. Hindi rin kasi niya alam kung bakit nga ba.

Hanggang sa dumating si Oliver ay tahimik lang siya bagama’t nakangiti pa rin. Niyaya ni Oliver si Joy na sumama na sa kanila kaya tatlo silang nagtungo sa Trinoma. Pagkatapos kumain ay nanood sila ng sine. Hindi na sumabay si Joy sa kanila sa pag-uwi dahil hihintayin na lang daw nito ang kapatid na naroroon din sa Trinoma. Pero bago sila nagkahiwa-hiwalay ay may sinabi ito kay Madie.

“Kapag bumalik na siya, sabihan mo ako ha?” Tumango siya bago tuluyang nagpaalam. “See you next sem!”

“Ano yung binulong sayo ni Joy?” tanong sa kanya ni Oliver nang pauwi na sila.

“Wala. May sinabi lang.” Hindi na nagtanong pa ang lalake kaya lihim namang nagpasalamat ang dalaga.

Ilang saglit lang ay nasa tapat na sila ng Madie’s, ang mini-grocery at bigasan na ipinundar ng dalaga para sa pamilya. Sa likod nun ang bahay nila, na mas maayos na ngayon, salamat sa ibinigay na cheke ni Ava.

“Salamat ha. Kita na lang tayo sa enrollment,” wika niya kay Oliver, saka bumaba.

“Sige. Gusto mo daanan kita dito para sabay na tayong pumunta ng UP?”

“Game. Text-text!” kumaway si Oliver bago tuluyang umalis.

Lampas alas-nuwebe na ng gabi kaya sarado na ang tindahan nila. Papasok na sana si Madie nang may mapansin siyang itim na kotse sa unahan. Nakita niyang may tao yun pero hindi niya kilala.

Bakabisitangkapitbahay, naisip niya. Kabisado naman niya ang mga kotse ng mga kapitbahay. kaya nagtaka siya kung kanino iyun. Bigla na naman siyang kinabahan. Simula nang makidnap ay naging nerbiyosa na siya pero mas naging alerto rin. Agad siyang pumasok sa loob ng gate na nasa gilid. Sinilip muna uli niya ang kotse mula sa maliit na pagitan ng gate. Unti-unting umandar yun at tumigil ng may ilang segundo sa tapat ng bahay nila bago tuluyang umalis.

Gusto sanang sabihin ng dalaga ang tungkol sa kotseng itim pero ayaw naman niyang mag-alala ang mga magulang. Baka nag-o-overreact lang ako.

NANG mag-enrollment for second semester ay muling namataan ni Madie ang itim na kotse sa may harap ng Palma Hall. Nasa waiting shed siya at naghihintay kay Oliver nang makita niyang dumaan ang kotse. Hindi na sana niya papansinin iyun pero nag-u-turn iyun sa unahan saka dahan-dahan dumaan sa kabilang kalsada. Huminto iyun sa mismong labasan ng parking lot. Ramdam na ramdam ng dalaga na may nakamasid sa kanya. Kinuha niya ang cellphone saka tinawagan si Oliver.

“Nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa may waiting shed!” Hindi niya napigilan ang mag-freak out. Malakas kasi ang tambol ng dibdib niya. “Bilisan mo, please!”

“Teka, eto na ako. Umikot lang ako pero nakikita na kita,” sagot ni Oliver. “May problema ba?”

“W-wala. Basta pumunta ka na dito!”

Wala pang dalawang minuto ay nasa tapat na niya ang kotse ng lalake. “Bakit namumutla ka?”

“Para kasing….” Hindi niya natapos ang sinasabi niya. Palinga-linga pa rin siya. Pinaandar na ni Oliver ang kotse. “W-wala. Wala naman.”

“Hindi ka naman adik pero bakit para kang praning diyan? Hindi mapakali na parang ewan.”

“Daan tayo ng Chocolate Kiss. Gusto kong kumain ng cake,” bigla niyang suhestiyon sa lalake. Sikat ang naturang lugar sa loob ng campus dahil sa mga masasarap nitong cake at dessert.

“Sige ba. Libre mo ako.”

Pagdating nila sa Chocalate Kiss ay agad na umorder ng chocolate cake at kape ang dalaga. Sansrival at kape naman ang kinuha ni Oliver. Habang kumakain ay tinanong siya ng lalake.

“Napano ka ba talaga? Kanina lang kita nakitang namumutla ah.”

“Para kasing may nagmamanman sa akin. Ewan ko, baka paranoid lang ako. Or baka may post-traumatic syndrome ako.” Natigilan si Oliver sa sinabi niya.

“Wala naman sigurong magtatangkang mangidnap sa’yo,” wika nito. Aware ang lalake sa nangyari sa kanya pero hindi nila madalas pag-usapan iyun. “I mean, wala namang dahilan, di ba? Nadamay ka lang noon kay Ava. At sabi mo nga, tahimik na siya sa abroad.”

“Alam ko. Pero iba ang pakiramdam ko lately. Parang may laging nakatingin sa akin.”

“Mag-iingat ka lang. Don’t go places na hindi mo kabisado at wala kang kasama.”

“Dito lang naman ako madalas sa campus saka sa bahay. Hindi naman ako naglalalabas, di ba. I mean, kung lumalabas man ako, sa mall lang. Kapag ikaw ang kasama ko, minsan si Joy. Other than you guys, wala na.”

“Basta kung hindi ka sigurado sa paligid mo, umalis ka kaagad or ask for help. Hanggang alas-kuwatro lang naman ang klase mo this sem di ba?” Tumango ang dalaga. “At least hindi ka gagabihin dito sa campus.”

Pag-uwi ni Madie that night ay hindi siya nagkuwento tungkol sa naramdaman kanina sa campus. Wala rin siyang binanggit tungkol sa napag-usapan nila ni Oliver. Pero nagulat siya sa tanong sa kanya ng tatay niya.

“Anak, sino nga uli yung military officer na sumundo sayo dito noon? Yung nagligtas din sa inyo nang makidnap kayo ni Ava?”

Pakiramdam ng dalaga ay huminto ang tibok ng puso niya nang marinig ang tanong na iyun. “Si Brey, ho.” Halos hindi na lumabas ang boses niya. “Bakit niyo natanong?”

“Wala naman. Kumusta na siya?”

“H-hindi ko ho alam e…. wala na po akong balita sa kanya.” Nakaramdam na naman siya ng pamilyar na kurot sa puso. Bakit ganun ang epekto sa kanya ng lalake?

“Gusto ko yung batang yun… mabait at magalang. Magaan kausap.”

Ako rin ho, gusto ko rin siya, kaso iba ang gusto niya, muntik na niyang idugtong. Pero hindi na siya umimik. Sa halip ay nagpaalam na siyang papasok sa kuwarto niya.

Hanggang kelan mo guguluhin ang puso ko Brey? Gusto ko nang mag-move on, pero ikaw pa rin ang naiisip ko.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

12.8K 550 11
"If you think I'm going to marry you, woman, you have another think coming!" Ang mga salitang ito'y nanggaling sa lalaking nakatakda raw niyang...
1.9M 87.5K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
84.3K 1.7K 36
Sa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dal...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...