The Playboy's Toy (Dangerous...

By kaizerKKYOS

63K 3K 469

ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale More

Prologue
TPT OST
TPT - 01
TPT - 02
TPT - 03
TPT - 04
TPT - 05
TPT - 06
TPT - 08
TPT - 09
TPT - 10
TPT - 11
TPT - 12
TPT - 13
TPT - 14
TPT - 15
TPT - 16
TPT - 17
TPT - 18
TPT - 19
TPT - 20
TPT - 21
TPT - 22
TPT - 23
TPT - 24
TPT - 25
TPT - 26
TPT - 27
TPT - 28
TPT - 29

TPT - 07

2K 110 16
By kaizerKKYOS

Mark Hope Calvares

*****

M A R K

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" pasigaw na tanong ko dahilan para mapatigil sa ginagawa ang lalaking ngayon ay nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang pumaharap sa akin. Hinintay ko siyang sagutin ang tanong ko kung ano ang pakay niya dito sa loob ng kwarto ko.

Tanging mapaglaro na ngisi ang nasilayan ko sa kanyang mukha nang tuluyan siyang nakaharap sa akin. Nagtatanong ang aking mga mata na tiningnan siya. Siya pa ngayon ang may ganang ngumisi ngayon. Pwede ko siyang kasuhan ng trespassing dahil sa walang pahintulot niyang pagpasok sa unit ko.

"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit ko sa kanya at baka hindi niya lang nadinig ang una kong pagtatanong. Imbes na sagutin ako ay humakbang siya papalapit sa akin habang nakahawak ang pareho niyang kamay sa kanyang bewang. Dahil sa puting tee shirt lang ang kanyang suot ay hindi nakawala sa aking paningin ang pagtangis ng kanyang mga braso. Napalunok ako. Hindi ko man lang namalayan na tuluyan na pala siyang nakalapit sa akin dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa kanyang matigas na braso.

Maling napatingin ako sa kanyang mukha para lang magtagpo ang paningin naming dalawa. Nagsimulang mag-init ang aking pisngi sa muling makita siya ng malapitan. Ang kanyang kulay abo na mga mata na para akong hinihipnotismo. Ang ilong niyang matangos na halos dumikit na sa aking ilong dahil sa sobrang lapit niya. Sa mapula niyang labi na hindi na naalis ang isang ngisi at ang hiwa sa pagitan ng kanyang baba. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na purihin ang taglay niyang kagwapuhan. Ito pa lang ang unang beses kong inamin sa sarili ko na nagagwapuhan ako sa lalaking ito. Parang isa siyang diyos ng mga Griyego na ibinaba mula sa itaas upang akitin ang isang tulad ko. Sadyang napakaperpekto ng kanyang mukha maging ang buo niyang katawan.

"Hindi mo ba gusto na nandito ako sa kwarto mo?" naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay pahawak sa aking nanginginig na panga. Parang may mahika itong dala na nagpakabog pa lalo sa aking dibdib. Para itong may dalang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Mula sa pagkakatitig sa aking mga mata ay pumaibaba ang mga yun sa aking labi. Matagal niyang tinitigan ang aking labi bago ko namalayan na lumapat na pala ang kanyang labi sa akin. Kung kanina ay malakas ang pintig ng aking dibdib sa kaba, ngayon ay bigla na lang tumigil ang pagtibok nito dahil sa halik niyang yun.

Nagsimula niyang igalaw ang kanyang labi. Dahil sa gulat ay hindi ako agad nakatugon sa marahan niyang paghalik sa akin. Tulad nang una niya akong halikan ay hindi ko na naman magawang maigalaw ang aking katawan. Alam ko sa sarili kong hindi tama ang kanyang ginagawa ngunit isang pakiramdam ang sigurado ako, nagugustuhan ko ang lasa ng kanyang labi. Nakakaadik ito. Unti-unti kong naigalaw ang ang aking labi at sinabayan ang ritmo ng kanyang paghalik. Naramdaman ko ang bahagyang pagngisi ng kanyang labi dahil sa ginawa kong pagtugon doon.

Napapikit ako at dinama ang nagsisimula nang maglikot niyang mga kamay pagapang sa aking katawan. Pinaikot ko ang aking braso sa kanyang leeg bilang suporta. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay pwede akong mawalan ng balanse sa labis na panghihina ng aking tuhod. Mahina akong napaigik sa gitna ng aming paghahalikan nang ikabig niya ako palapit pa lalo sa kanyang katawan. Ramdam ko sa aking tiyan ang nagsisimula nang tumigas na parte sa pagitan ng kanyang hita.

Hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili nang mas lumalim pa ang kanyang paghalik. Naging mapusok. Naging mas mapang-akit dahilan para mapanganga ako sa labi na sarap ng aming tagpo. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit noong mga nakaraang araw ay hinahanap-hanap siya ng sistema ko? Dahil ba sa paghalik niya sa akin nang araw na yun kaya hindi na siya nawala sa isip ko?

Pigil na mga ungol ang aking pinakawalan nang pumaibaba sa aking panga ang kanyang mainit na halik. Pilit kong pinipigilan na hindi mapalakas ang ungol na yun sa pamamagitan ng mariin na pagkagat sa aking labi. Dama ko ang marahan niyang pagkagat sa aking leeg. Mas lalo na ata akong nabaliw sa sensasyon nang pumasok ang kanyang kamay sa loob ng aking tee shirt at nagsimulang paglaruan ang namumusok ko nang utong doon. Napasabunot ako sa sarap. Para akong nakalutang sa langit sa bagong pakiramdam na ito. Napasabunot ako sa kanyang buhok at tuluyan na ngang hindi napigilan ang mapaungol ng malakas.

"You like it, huh? Moan my name, Mark. Moan my name until you drop." halinghing niya sa pagitan ng paghalik at pagkagat niya sa aking leeg. Tanging tango lang ang kaya kong isagot sa kanya dahil tanging mga ungol na lamang ang lumalabas sa aking bibig.

'Shit! Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang baliw na baliw na ako sa lalaking ito?'

Dapat ko bang maramdaman ito?

Bumalik ang kanyang labi palapat sa aking namumula nang labi. Aksidente kong nakagat ang kanyang labi nang bigla niya akong buhatin. Awtomatikong pumaikot ang aking parehong hita sa kanyang bewang bilang suporta. Nagsimula siyang maglakad at namalayan ko na lamang na bumagsak na ako sa malambot na kama nitong kwarto ko. Tila isa akong uhaw na bata na pinagmasdan ang dahan-dahan na paghubad ni Tale sa kanyang tee shirt. Pumaibaba ang aking tingin sa maumbok niya dibdib pababa pa sa anim na maliliit na bato sa kanyang tiyan. Dahil sa tanawing yun ay mas lalong nawala ako sa aking sarili.

Hindi ko man lang namalayan na nasa ibabaw ko na pala siya. Hinayaan ko siyang hubarin naman ang suot kong tee shirt at itapon ito sa sahig bago muling nagtagpo ang aming mga labi. Wala sa sariling pumatong ang dalawa kong palad sa kanyang matigas na dibdib. Damang-dama ko ang maliit na utong niya sa aking kamay. Nakakapaso ang init ng kanyang katawan ngunit naging manhid na lang ang aking kamay at hinayaan ang mga yun na damhin ang kanyang dibdib. Tila isang ahas na pumasok sa bibig ko ang kanyang dila. Nang matagpuan nito ang kanyang hinahanap ay sinimulan niyang paglaruan ang aking dila. Naghalo na ang laway naming dalawa ngunit masyado na akong nalunod sa dalang mahika ng kanyang mapupusok na halik upang pansinin pa yun.

Kinuha niya ang isa kong kamay na nakalapat sa kanyang dibdib at dinala ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Napamulat ako ng aking mga mata nang mapagtanto kung gaano kalaki ito. Bukas na ang zipper ng kanyang bahagya nang nakababa na pantalon upang malaya kong mahawakan ang kanyang pagkalalaki na pilit nang kumakawala ang ulo nito sa garter ng kanyang brief.

Imbes na balutin ng lamig na nagmumula sa aircon ang aking katawan ay naging kabaligtaran iyon. Buong katawan ko ngayon ay nag-iinit na dahil sa sensasyong dala ng labi ni sir Tale. Muling pumaibaba ang kanyang halik sa aking leeg. Hindi lamang siya nagtagal roon nang simulan niyang paglaruan ang naninigas ko nang utong. May halong hapdi at sarap ang ginagawa niyang pagsipsip sa parte ng katawan kong yun. Kasabay ng aking pagliyad dahil sa sarap ay marahas kong nasubunutan ang kanyang buhok at mas idiin pa ang kanyang ulo sa aking balat.

Dahil sa labis na sensasyon ay hindi ko na nasundan pa ang mga sunod na nangyari. Dahil sa labis na pagod dahil sa ginawa ay mabilis akong nilamon ng kadiliman  at tuluyan nang nakatulog. Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay nadinig ko pang may binulong si Tale sa aking tabi.

"Rest well, pet." 

Nagising na lamang ako ng tanghali na wala na siya sa tabi ko. Labis na pinamulahan ako ng pisngi nang manumbalik sa aking alaala ang mainit na pagtatagpo naming dalawa kanina. Napamura ako sa aking isipan nang mapagtanto sa aking sarili ang ginawa kong kamalian.

Shit! Nakakahiya ka, Mark. Masyado kang marupok.

Mabilis akong bumangon sa aking kama at pumasok sa loob ng cr upang maglinis ng katawan. Hindi ko na nagawang kumain ng tanghali at dumiretso na lang papasok sa aking klase matapos kong maligo.

Minsan ay natutulala na lang ako sa kawalan sa tuwing sumasagi sa isip ko ang hubad niyang katawan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin sa aking labi ang kanya. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang mga bawat haplos niya sa aking katawan.

"Hoy! Tulala ka na diyan!" natigil ako sa pagpapantasya sa katawan ni Tale sa aking isipan nang magsalita si Jherome sa aking tabi. Napalingon ako sa kanya. Agad na rumihestro sa aking mukha ang pagtataka nang makita kong makahulugan itong nakatingin sa akin.

"May problema ba?"

"Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit may sugat yang labi mo. Napano ba yan?" itinuro niya ang labi ko at nagtatanong na nakatingin dito. Hinawakan ko ito. Doon ko lang nalaman na may sugat ito nang makaramdam ako ng hapdi nang bahagya kong diinan ang pagkakahawak dito.

"Ahm... Aksidente ko kasing nakagat kanina nang kumakain ako. Huwag mo na lang pansinin." mabuti na lang ay agad akong nakaisip ng idadahilan kundi baka magtaka pa itong kausap ko at kung ano pang kalokohan ang isipin.

Hindi ko na matandaan kung ano ang dahilan ng pagkasugat ng labi ko. Marahil ay dahil sa diin ng pagkagat ko sa aking labi o kaya naman dahil sa ginawang pagkagat ni Tale dito. Posible ding pareho.

Akala ko ay titigilan niya na ako nang muli na naman siyang magtanong na ikinatigil ko.

"Aksidente din bang nakagat ang leeg mo?"

"Huh?" nagtatanong ang aking matang napabaling ulit sa kanya.

"Sa susunod, huwag kang magpapalagay ng marka sa katawan kung ayaw mong malaman ng ibang tao na nakipag-sex ka." napanganga ako sa kanyang sinabi at kinapa ang aking leeg. Dahil sa inis ay naikuyom ko ang aking kamay at paulit-ulit na pinapatay sa aking isipan si Tale.

Kahit kailan talaga ang kumag na yun. Wala nang magandang naidulot sa akin. Humanda ka sa akin.

Buong klase ay nakatulala lang ako at iniisip ko paano ko magagantihan si Tale sa ginawa niya sa akin. Anong karapatan niya para lagyan ako ng marka. Sa leeg pa talaga ah! Pwede niya naman sanang gawin yun basta sa tagong parte lang ng katawan ko. Tsk! Umayos ka nga Mark. Anong pinagsasabi mong pwede? Hibang ka na ba talaga sa lalaking 'yon? Binabawi ko na ang sinabi ko. Sana pala hindi na lang ako nagpadala sa mapupusok niya halik at nakakapanghina niyang mga haplos ng mga oras na yun. Dapat pala ay tinulak ko na siya agad at sana hindi ako namomroblema ngayon ng ganito.

Ang rupok mo kasi, Mark eh. Ang rupok-rupok mo talaga kahit kailan. Hindi mo lang nakita yung tao ng isang linggo, namiss mo lang. Tapos nagpahalik ka naman agad. Baliw ka na ba talaga? Spell 'marupok'.

M - A - R - u - p - o - K.

Hanggang sa makarating ako sa building ng penthouse ni sir Ryuu ay si Tale pa din ang nasa isip ko. Buong klase kanina ay hindi na ako tinantanan ni Jherome sa makahulugan niyang mga tingin sa akin. Pasimple ko na lang na tinatakpan ang leeg ko para wala nang ibang makakita pa nito.

Saktong pagkababa ko sa taxi ay yun din ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mabuti na lang ay nakarating na ako bago pa man bumuhos ito ng malakas. Dumiretso muna ako sa penthouse ni sir Ryuu upang magluto ng kanyang dinner bago ako magbihis. Simple lang ang niluto ko at nang matapos ay agad din itong hinanda sa ibabaw ng mesa. Tulad ng palagi niyang sinasabi ay iniiwan ko na lang ito dito  bago ako dumiretso sa aking condo unit.

Upang mas mapabilis ay sa secret passage na ako nitong penthouse na sir Ryuu dumaan patungo sa aking unit. Less hassle kasi kapag lumabas pa ako.

Matapos kong kumain ay naglinis naman ako ng katawan. Ganito naman na lagi ang routine ko bago matulog simula nang magtrabaho ako bilang chef ni sir Ryuu. Nang maihubad ang buo kong saplot ay didiretso na sana ako sa shower nang mapatigil ako nang mapansin ko na parang may kakaiba sa katawan ko. Yun na lamang ang gulat ko nang mapagtanto na hindi lang pala sa leeg ko ako may marka kundi meron pa pala sa buo kong katawan. Nagmistula itong maliliit na pasa. Ang kaninang inis ko na naglaho na sana ay muling nanumbalik. Hindi lang inis kundi halos sumabog na ako sa galit dahil sa kagagawan niya.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking yun!

Nagpupuyos sa galit akong nagbabad sa ilalim ng maligamgam na tubig ng shower hanggang sa makapagpalit ako. Sinet ko muna sa dim lights ang buong ilaw sa sala bago bumalik sa aking kwarto upang mahiga na. Binuksan ko naman ang lampshade sa tabi ng aking kama bilang liwanag naman dito sa aking kwarto.

Naninikip ang aking dibdib sa galit sa kumag na yun. Sa oras talaga na makita ko siya, kulang pa ang bugbog bilang kabayaran sa kasalanang ginawa niya. Ang lakas ng apog ng lalaking yun na gawin sa akin 'to. Nakakainis!

Sa gitna ng pag-iisip ko ay parang mahika na nadinig ko ang mahina niyang tawa sa aking isip. Saglit akong natigilan nang maramdaman ko ang mabilis ng pagkabog ng aking dibdib. Napahawak ako dito.

Ano na naman ang nangyayari sa akin?

Napahawak ako sa aking labi sa alaalang nanumbalik sa aking isipan. Bakit ganito? Bakit palagi na lang sumasagi sa isip ang mga yun? Bakit hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko? Bakit palagi na lang siya ang laman ng isip ko?

Naudlot ang aking pagiisip nang makadinig ako ng sunod-sunod na katok sa labas ng aking unit. Nagtataka akong napaisip na kung sino na naman ang taong pupunta dito ng ganitong oras? Tsaka wala bang isip ang taong yun? Pwede namang mag-doorbell siya ah.

Saglit kong pinakaramdaman kung sino ang taong may ganang istorbohon ang pagpapahinga ko. Sumilip ako sa butas nitong pinto at yun na lang ang pagkagimbal ng sistema ko nang makita ko sa labas si Tale. Patuloy lang ito sa ginagawang pagkatok sa pinto.

'Shit! Ano na namang ginagawa niya dito?' pagtatanong ko sa isip ko. Nakahawak sa dibdib akong sumandig sa pader malapit sa pintuan habang nag-iisip kung pagbubuksan ko ba ito o hindi. Ang bilis ng tibok ng aking puso ay dumoble pa kumpara kanina.

Nagtaka ako nang wala na akong madinig na katok mula sa labas. Sandali ko ulit pinakiramdaman kung nasa labas pa siya. Bahagya ko pang nilapit ang tenga ko padikit sa pinto. Nang mapagtanto kong wala na siya sa labas ay binuksan ko na ang pinto at wala na nga siya.

Mabuting hindi niya ito pinagbuksan ng pinto. Mas magandang umalis na ito.

Agad ko namang sinara ang pintuan at nilock muli ito bago ulit humilata sa aking kama. Tama na ang pag-iisip sa lalaking yun, Mark. Wala siyang magandang maidudulot sayo.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa sala. Mabilis akong napabangon sa aking kama upang i-check kung may tao sa labas ng aking kwarto.

"Ahhh!!!" malakas akong napasigaw nang bumulaga sa aking harapan si Tale nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto na gulat din nang makita ako. Mabuti na lang ay agad akong nakabawi mula sa pagkagulat.

"Paano ka napasok dito?!"

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay tumingin lang siya sa kanyang gilid. Sinundan ko kung saan siya tumingin. Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagalaman na sa secret passage siya nitong unit dumaan. Hindi ko inakala na may disadvantage din pala ang bagay na yan. Sana pala noon pa lang ay hindi na ako pumayag na palagyan ni sir Ryuu nyan. Kung hindi lang dahil sa lalaking 'to, matagal ko na yang pinasara kahit ilang beses pang sumalungat ang amo ko.

Tutal naririto na naman siya. Ito na siguro ang tamang oras para bugbugin ko siya dahil sa ginawa niya sa aking hindi kanais-nais.

"Walanghiya ka talaga!" galit ko siyang sinugod habang kuyom ang aking parehong kamay. Wala akong pakialam kung mas malaki siya sa akin. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay makabawi sa ginawa niya.

"Hey! Stop! What's the matter?" mabilis niyang nasasalag ang mga suntok ko ngunit hindi agad ako sumuko. Mas lalo lang akong naiinis dahil sa umuusok na ako sa sobrang galit pero may gana pa din siyang tumawa diyan.

Pilit kong kinakalas ang aking braso mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin.

"Bitawana mo ako, kumag ka!" matatalim na tingin ang aking ginawad sa kanya. Kung nakamamatay lang sana ang ganitong tingin ay kanina pa sana siya nakahandusay diyan sa sahig.

"Hey! I said, what's the matter? Did I do something wrong?" hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkakalas ng kamay niya sa aking braso.

"Is it about the kiss?" natigilan ako at napatingin sa kanya. Napangisi naman siya. "Yeah?"

Sa wakas ay nagawa kong maialis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Mabilis akong humakbang papalayo sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mo! Anong karapatan mong lagyan ako ng marka sa buong katawan ko?! Nakakadiri ka!" hangos akong napatigil nang halos mapatid na ang litid ko sa leeg dahil sa lakas ng aking sigaw. Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking harapan. Humakbang ako muli paatras ngunit sadyang tukso ata siya at humahakbang siya papalapit sa akin. Aksidente akong napaupo nang sunod kong maatrasan ay ang sofa na nitong sala.

Napasandig ako sa sofa nang yumuko siya at dinukwang ang kanyang sarili palapit pa sa akin. Isang ngisi muli ang gumuhit sa kanyang labi.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm just marking my property. I'm just marking what's mine... you're only mine, Mark."

Napalunok ako.

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Feel free to comment your thoughts below and don't forget to hit the 'star' button. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 2K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.4M 55.9K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...