QBMNG (Book 1) π—–π—’π— π—£π—Ÿπ—˜π—§...

By Gamatoki

2.2M 56.2K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War

39.3K 1K 141
By Gamatoki


Santillan


First time ko mag cutting classes.
Ang bigat pala sa pakiramdam. Naiisip ko yung mga lessons na mami-miss ko na baka maka apekto sa grades ko eh. Gusto ko na nga tumakbo pabalik at humabol nalang kahit late na ako, kaya lang mas matimbang talaga yung sama ng loob  na nararamdaman ko ngayon.

Okay lang yan. Bawi nalang next meeting.

Okay lang yan, Chase.

Eto na naman yung luha ko, nag babadya na. Hindi ko na ata mapipigil. Ilang months ko na din naman kinimkim to. Sasabog na eh, ano pa bang magagawa ko. Napuno na.

Huwag kang iiyak. Okay lang yan, Chase. Okay lang yan.

Ang hirap din pala na kapag nasasaktan ka, kakausapin mo yung sarili mo at ikaw mismo mag papatahan dito dahil wala ng ibang gagawa nun maliban sa'yo. Sariling sikap. Absent kasi si Klang eh wala tuloy akong kakampi.

Bukod kay Blandina, may iba pang nga estudyante ang masyadong badtrip sa existence ko dito sa school. Hindi ko alam kung anong ginawa ko.  Hindi ko na nga pinapansin yung pang iinsulto, masamang tinginan at tawanan na natatanggap ko mula sa kanila. Sobrang nakakababa ng sarili. Aware naman ako na mag aadjust ako pag tuntong ko ng College pero hindi ko inexpect na makaka encounter ako ng mga taong tatratuhin ka base sa katayuan at kakayahan mong pinansyal.

Ilang months na din. Sumobra na eh. Masyado ng tumatagos sa puso yung mga sinasabi nila. Nakakasakit na.

Pinulot ko na yung tupper ware na baunan ko ng pagkain na pinag pasa-pasahan at ibinato sa trash can ng mga sophomores na sa pagkaka alam ko eh, mga Accountancy Major din.

Kakainis. Nasayang lang yung pagkain na hinanda pa ni Tatay.

Naririnig ko yung mga bulungan ng mga iba pang estudyante at ramdam na ramdam ko yung mga tingin nila sa akin. Nag madali na ako lumabas ng cafeteria. Hindi ako tumitingin sa kanila. Pinilit ko lang yung sarili ko makalayo habang pigil pigil yung emosyon ko. Naiiyak na talaga ako.

Dumiretso nalang ako sa gilid ng gymnasium. Medyo tago kasi dito. Walang mga Prof. ang makakapansin na nakatambay lang ako at wala sa klase.

Isinilid ko na sa bag ko yung baon ko na hindi ko na napakinabangan.

"Badtrip." usal ko pa.

Napalingon ako bigla ng may marinig na tawanan. Tatlong lalaki. Hindi ko sila namumukhaan. Pakiramdam ko hindi sila gagawa ng mabuti kaya tumayo na ako at paalis na sana.

 "Oh, wait. Kararating lang namin aalis ka na kaagad. C'mon, stay."

Nakakaloko yung ngitian nilang tatlo. Parang may balak gawin eh. Natakot na ako. Lalo na yung parang leader nila.

Shit! Bakit ba dito ko pa napili mag labas ng sama ng loob. Walang mga dumadaan. Hindi ako makaka hingi ng saklolo.

“Ah, may klase pa kasi ako.” Nag umpisa na ulit akong lumakad pero hindi man lang ako nakalayo ng bigla akong hatakin nung isa sa mga goons.

“Ano ba, bitawan mo nga ako!"

Pinilit kong bawiin yung braso ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkaka hawak sa akin.

Nag tawanan na naman yung tatlo.

"Sabi ng dito ka lang eh, mag laro muna tayo."

Maglaro? Ang tatanda na ah. Ano bang gusto nila, patintero? tumbang preso? luksong baka? Di ako magaling dun.

“Sa iba nalang. Hindi ako interesado.” pinilit ko ulit bawiin yung braso ko pero, wala talaga.

“Choosy pa. Kapal din ng mukha mo eh, no? Halata naman wala kang pera,  bakit hindi ka sa mga State Universities nag aral? Andun mga kapwa mo mahirap." sabi pa nung isang goons na may tapos tawanan na naman sila. Parang mga sira ang turnilyo.

“Hindi mo alam yung scholarship? Explain ko ba pa?” sarkastiko ko pang sagot sa tanong nya.

“So what? Tingin mo matatanggap ka dito as scholar kung hindi dahil sa amin? If it weren't for us who pay our tuition fees in full, walang funds ang school para mag sponsor ng scholarship niyo, mga hampaslupa! The least you can do is be thankful.”

Nag panting ang tenga ko dahil sa sinabi nung leader kuno netong tatlong ulupong.

"Even if that's the case, sa parents niyo ako mag papasalamat at hindi sa inyo. Tsaka na kayo mag yabang kapag kaya niyo ng pag aralin yang mga sarili niyo ng hindi kayo umaasa sa pera ng mga magulang niyo."

Lintik. Hindi ko na napigilan. Awat naman, Chase! Mas lalo mo lang sila iniinis eh.

Medyo na speechless yung tatlo. Halatang natamaan sa sinabi ko. Kaagad din naman silang nakabawi. Lalo na yung leader nilang umuusok na yung ilong sa galit.

“Tangina mo ha! Sino ka ba sa tingin mo?!"

Nag taas na ng braso yung leader at akma na sana akong sasampalin pero  naiwas ko yung mukha ko. Nag pumiglas na din ako at pinilit na kumawala sa kanila. Medyo lumuwag ang pag kahawak nung isang lalaki sa braso ko kaya nagkaroon ako ng chance makabawi. Bago pa siya maka galaw ay bigla ko na itong tinuhod sa ano niya. Napamura sa sakit yung lalaki. Nanggagalaiti naman sa galit yung leader nila.

“Putsa, gago ka ah!” sigaw nung isa pa na hindi ko na namalayan ang pag lapit kaya hindi ko na nagawang iwasan yung sampal niya sa pisngi ko.

Umugong yung pandinig ko at biglaang nahilo. Hindi ako kaagad naka recover kaya na out of balance na ako bumagsak.

 
Ang sakit!


Dumilim yung paningin ko habang ramdam ko na may umaagos na likido mula sa labi ko. Dumudugo na pala.

 “Gago! Sabi ni Andrea takutin lang huwag saktan. Tangina! Tara na baka mag ka problema pa tayo dito.” sabi pa nung leader. Kaagad nag pulasan yung tatlo. Bago pa ako makatayo ay nakaalis na sila.

Andrea? So, inutusan sila ni Blandina? Ang sama niya!

Naluluhang pinilit kong itayo ang sarili ko. Ang hirap. Mukhang na sprain ata yung right ankle ko. Pero pinilit ko kahit sobrang sakit at nahihilo pa ako. Kailangan ko na umalis at baka balikan pa ako nung tatlo.

Pa ika-ika kong nilakad pabalik ang main building. Hindi pa ako nangangalahati ng makasalubong ko pa yung babaeng impakta.

Nakangisi siya nung una pero nung nakita niya siguro yung dugo sa labi ko, nag-iba yung expression niya.

Sa pagkakataon na 'to parang sasabog na yung dibdib ko sa sama ng loob. Hindi ko na napigilan yung luha ko kahit kaharap ko pa si Blandina. Kahit nahihiya akong ipakita sa kaniya na nasasaktan na ako. Sobra na kasi.

“Siguro naman quits na tayo no? Masaya ka na ba?”

“I-I didn't-- I'm --"

Hindi ko na siya pinakinggan. If I know, tuwang tuwa yan. Tumalikod na ako at lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya pang hawakan ang braso ko.

Ano? Hindi ka pa tapos? May kasunod pa ba? Tama na. Sobra sobra na eh.

“Pwede ba, tantanan mo na ako! O sige, sorry! I'm sorry. Patawad. Pasensiya na! Nagkamali ako nung kinalaban ka! Nagkamali ako ng binangga! Panalo ka na! Ano pa bang gusto mo? Luluhod pa ba ako sa harapan mo? Hahalikan ko ba yung mga paa mo?”

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang sa akin at mababakas ang pag kagulat sa expression ng mukha niya.

“Please naman. Tama na. Tigilan mo na ako.” pag mamakaawa ko pa sa kanya. Hindi siya umimik kaya hinablot ko na pabalik yung braso ko at tuluyan ng umalis.

Malungkot at puno ng sama ng loob at paika-ika ko ng muling nilakad ang gate ng school namin para pansamantalang maka alis na sa mala impyernong lugar na ito.

Kung pwede lang talaga pag alis ko iwan na lahat ng mga sakit na dinanas ko ngayong araw eh. Pero wala, napaka imposible nun. Nakatatak na yun sa puso.

 







 

Lorenzo

 



“Please naman. Tama na. Tigilan mo na ako.


That was the last thing she said before she left me dumbfounded. Nakita ko pa yung blood sa corner ng lips niya.  Napansin ko rin na hirap siyang lumakad. For God sake, she was limping!


Goddammit!

This wasn't supposed to feel like this.
Dapat natutuwa ako ngayon. She finally admitted defeat. Dapat tumatalon ako sa saya ngayon. She finally got it. Hindi kami magka level. She was even crying. Dapat masarap yun sa pakiramdam eh.

But, it didn't.

HINDI!

Ang layo ng nararamdaman ko ngayon sa inexpect ko.

Kabaliktaran.


Total opposite.


What the hell. Bakit hindi ako satisfied? Bakit hindi ako masaya? Bakit nung nakita kong umiyak siya parang hindi ako makahinga?


Am I seriously feeling guilty? But she deserved it.

Or maybe she don't.

One thing is for sure, I am furious. Hindi sa kanya at sa mga sinabi niya. Kay Miranda at sa mga siraulo niyang kaibigan ako nagagalit. Hindi nila sinunod ang plano. Sinuway nila ang utos ko. Ang sabi ko takutin lang at wala akong sinabing pisikal nilang saktan yung tao. Hindi ko sila binigyan ng permiso na hawakan man lang si Kutong lupa.

I know I'm a shitty person and a big pain in the ass but I wasn't evil. Hanggang verbal lang naman ako eh.  Never akong nag iinflict ng physical pain kahit sa taong sobrang kinaiinisan ko. I wasn't like that.

Napaka kitid naman ng mga utak nila. Yung simpleng utos ko, hindi nila nagawa ng tama!

The damage has been done and at the end of the day, it's my fault. Ako pa din ang nag plano at nag utos. Hindi lang talaga nagawa ng maayos.

Humanda ka sakin, Miranda!

I tried catching up with Kutong lupa-- I mean-- Okay, fine! Santillan it is. Hindi ko na pinag isipan. I just did it. I should at least apologize for what happened. Nevermind the pride, kasalanan ko naman.


Malapit na siya sa gate. Hirap na hirap pa rin siyang mag lakad. Pwede naman ako mag offer na ihatid siya just this once. Payback for what happened thought that doesn't mean I’m having a change of heart. Naiinis pa rin ako sa kanya pero dahil nasaktan siya dahil sa akin, pansamantala ko munang kakalimutan ang mga atraso niya.


I tried my very best to catch up but I was too late. Naka heels din kasi ako. Nakasakay na puv si Santillan. Dumiretso nalang ako sa parking at mabilisan na sumakay sa spare car ko na iniiwan ko dito sa school in case hindi ako masusundo ng driver ko. Good thing na nag hintay pa ata ng passenger yung sinakyan ni Santillan kaya hindi pa it nakalayo. Hihintayin ko na lang siyang bumaba then I'll apologize ng slight dahil hindi ko naman fully kasalanan lahat eh. Palpak lang talaga si Miranda. Kainis.



Almost thirty minutes din ata bago bumaba si Santillan. Pero nag taka ako. Hindi naman residential yung area. Sa tapat ng isang establishment bumaba yung pandak.


Nakita ko siyang tumambay sa labas ng isang restobar. Patskys? Never heard of it. It looked like a run-of-the-mill grill bar and restaurant. Anong gagawin niya diyan? Mag-lalasing siguro. Mukhang masama talaga ang loob niya sa nangyari. I didn't pegged her as someone who gets herself drunk when hurt and/or depressed.

Bago ko pa lalong insultuhin kung gaano ka cheap yung itsura nung establishment, pinark ko na yung car ko sa isang bakanteng parking spot sa tapat nito.


Pinag masdan ko muna siya bago lumabas ng car ko. She was just standing there, still waiting outside. Baka may hinihintay? Boyfriend, maybe? Who? Oh shut up me! Hindi ako interesado malaman.


It's been twenty minutes. Nauubos na yung pasensiya ko ng sa wakas, dumating na yung hinihintay ni Santillan. Finally. Dalawang babae na parehas may dalang guitar at dalawang ding lalaki. Pumasok na sila kasama si Santillan.


Maybe they'll perform there tonight. Baka live bands.


Pasimple na akong sumunod sa kanila. Pagpasok ko palang, parang gusto ko na umuwi. Ang daming tao kahit ang cheap ng lugar. Mga mahihirap talaga eh.


Inayos na nung grupo nila Santillan yung mga instruments nila. Nasa may stage na rin sila. Maya maya pa, nag start na silang tumugtog.


May spare time pa naman ako kaya umupo nalang muna ako sa isang vacant seat, umorder ng orange juice at tsaka sila pinanuod. Hindi ako gaanong sigurado pero sa tingin ko base guitar yung instrument ni Santillan. Tapos yung isang guy hindi pala siya kasali sa banda. Pang moral support lang siguro. Sa unang mga songs yung isang girl lang yung kumakanta. Then later on, ayun at si Santillan naman ang may hawak ng microphone.

 

 

 

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?

Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?

Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo

Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko






Whoa.

 

 

I didn't expect that. They’re good.

and Santillan, she's..

 

Fine! Magaling siya kumanta. Maganda ang boses niya. Pangit yung quality ng mic na gamit nila pero, nababawi ng boses ni Santillan.

 

Habang tumutogtog nga siya ngayon parang hindi siya yung binubully ko eh. Kakaiba yung aura niya ngayon. Palaban. Confident. Parang ibang tao.



Nung natapos na, yung isang girl naman yung kumanta ulit. Pagkatapos niya, si Santillan ulit ang kumanta. Mas gusto kong pakinggan si Kutong lupa. Magaling din naman yung isang pero, mas malamig yung boses ni Santillan.


Don't look up, just let them think

There's no place else you'd rather be

And now you can't turn back

Because this road is all you'll ever have

 

Tumayo na yung ibang nanunuod para sabayan siya sa pag kanta. Ang lively ng audience. Di ko na tuloy marinig masyado yung boses ni Santillan.


And it's obvious that you're dying, dying

Just living proof that the camera's lying

And oh, oh, open wide, 'cause this is your night

So smile

Yeah, yeah, you're asking for it

With every breath that you breathe in




“Holy crap! They’re awesome!” narinig ko pang sinabi nung isang babae na mukhang foreigner sa kabilang lamesa.



“Dude, hingin natin yung number nung vocalist nila.” sabi naman nung isang lalaki sa may kaliwa ko.



“Alin dun pre?” tanong pa nung kasama niya.


“Yung naka salamin dude. Ang ganda niya eh.” sagot naman nung chakang lalaki. Tiningnan ko sila ng masama at inirapan. Mga feelingero eh ang papangit naman. Pero ayun at tuloy pa rin sila sa pag papantasya kay Santillan at sa dalawang mga ka-band mates niya. Nabwisit na ako.



“Will you guys shut up!” sigaw ko sa kanila. Medyo napalakas pa nga ata kasi napatingin din yung iba pa sa akin.



“May problema ba, Miss?” at nagtanong pa siya talaga.


“Yung mga bibig niyo!  Napakaingay. Pwede manuod na lang kayo!” inis kong sagot sa kanya. Sumagot pa yung isa at may pabulong-bulong pa pero hindi ko na sila pinansin.


Nakailang kanta pa ang band nila Santillan. Pero yung isang girl na yung kumakanta. Hindi na ako masyadong nakikinig. Napansin kong almost nine na ng gabi. Tapos may dumating ng isang grupo na may mga dala ding musical instruments. Sinenyasan nila yung grupo nila Santillan. Mukhang matatapos na silang tumugtog. Pero bago pa sila umalis ng stage, may nag-request pa ng isa pa mula sa audience kaya tumugtog ulit sila sa huling pagkakataon and this time, si Santillan na ulit ang kumanta.

Kiss me out of the bearded barley

Nightly, beside the green, green grass

Swing, swing, swing the spinning step

I'll wear those shoes and you will wear that dress.

Oh, kiss me beneath the milky twilight

Lead me out on the moonlit floor

Lift your open hand

Strike up the band and make the fireflies dance

Silver moon's sparkling

So kiss me..






Palakpakan na yung mga tao nung natapos yung kanta. Yung dalawang letche naman sa kaliwa ko may pasipol-sipol pang nalalaman. 



“Miss vocalist, kiss me please!” sigaw nung lalaking mukhang busabos kay Santillan. Mukhang hindi naman niya narinig ang mga ito dahil patuloy pa rin siya sa pag liligpit nung mga gamit nila sa stage.



“Dude, pack up na sila oh, lapitan na natin.”



Aba talaga palang balak nilang kunin ang number ni Kutong lupa. Mga ambisyoso. Feeling nila ang gwa-gwapo nila ah.   

Tumayo na ako at pinuntahan na yung dalawang asungot na kanina pa pinapainit ang ulo ko. Akma na silang tatayo ng pasimple kong tapunan ang mga likod nila ng orange juice na inorder ko na hindi ko naman maubos ubos dahil ang sama ng lasa.

“Shit!”

“Ay pota!”


Gulat at pasigaw na sambit nung dalawa ng maramdaman yung umaagos na juice sa damit nila.

I was mentally laughing my ass off over their stupid reactions painted on their stupid faces. Serves you right.

“Oops, sorry. I tripped over something.” pagsisinungaling ko sa kanila sabay walk out. Mukhang matatagalan pa naman sila Santillan kaya punta muna ako ng restroom. Para makapag retouch na din.

“Fucking disgusting!” yun nalang yung nasabi ko ng makita ko yung restroom nitong cheap na bar na ito. Grabe, ang dugyot! Ang dumi ng sahig at nakakasulasok ang amoy. Parang kapag nag lakas loob kang gumamit, pag labas mo may urinary tract infection ka na. Yuck! So, I changed my mind. Hindi nalang ako mag re-retouch. Waterproof naman ang make up ko kaya hindi basta basta nag huhulas.

Kumuha na ako ng tissue paper bago ko hinawakan yung door knob. Kadiri eh. Ilang kamay na yung humawak diyan.

Nakalabas na ako at naglalakad na ng may biglang humawak sa braso ko sabay hila sa akin pabalik sa direksiyon nung restroom na amoy basura. Before I can even recognize who dare grab me, I felt a liquid splashed on my shirt. Tumalsik din ito sa face ko kaya diring diri ako!

“WHAT THE FUCK!” sigaw ko habang nag pupumiglas sa mahigpit na pag kakahawak sa akin. Yung dalawang guy pala kanina. Yung tinapunan ko ng orange juice.

“Ang tapang mo ah! Kanina ka pa eh."

SHIT!


“Get your filthy hands off me, assholes!” I shouted.



“Anak ng. Sinadya mo kaming tapunan ng juice kanina eh no?!”



Buti alam mo.


“Oo, sinadya ko nga. May problema?"



“Aba talagang---” Itinaas na nung lalaki yung kamay niya at sasaktan na sana ako ng bigla pa itong sumigaw.



“Aray, pota!” May tumama na kung ano sa head niya.



Binitawan na din ako nung isa pang guy para tingnan yung kasama niya. Sinamantala naman ito nung nag ligtas sa akin dahil hinila niya na yung braso ko sabay takbo palabas ng restobar.


Nung medyo nakalayo na kami at sure ng hindi na masusundan pa nung mga siraulo, dun pa lang kami tumigil. At doon ko palang napansin kung sino yung nagligtas sa akin. Humihingal siya ngayon at hawak hawak ang dibdib dahil sa sobrang pagod.



“Ikaw.” sabi niya sa pagitan ng pag hinga ng malalim. “Bakit andito ka?”



Another hinga ng malallim.



"Huwag mong sabihin.” at isa pang hinga ng malalim. “hanggang dito sinusundan mo pa rin ako?!”


I can’t help but smirk at her. Ni hindi nga man lang ako napagod sa tinakbo namin pero eto siya at mukhang kailangan na ng oxygen mask.


Napaka lampa talaga nitong Santillan na’to.


“Yeah, you wish. Bakit naman kita susundan. Napadaan lang ako dito. Ambisyosa ka.” mataray kong palusot sa kanya.


“Oh talaga? Yang arte mong yan dadaan ka dito? Sinong niloloko mo." sabi niya naman na nakataas pa ang mga kilay. Kainis.


“Pakialam mo ba. I just want to experience mingling with the less fortunate. Anyway, it's none of your business.”


Pinaningkitan niya muna ako ng kanyang mga mata ng ilang sigundo saka siya tumalikod para umalis. Hinawakan ko naman agad yung braso niya para pigilan siya. Naalala ko na kasi kung bakit nga pala ako nandito. Kung bakit nag effort akong sundan si Kutong lupa. Na dapat sana nasa mansiyon na ako at nag papahinga at wala dito sa cheap na lugar na ito.


You’re here to apologize, Andrea and not add fuel to the fire.

 

“Okay, fine. Look, I’m here to uh--Err--" I sighed. You can do this Andrea.



Ang hirap!



“I’m here to apologize for that.” sa wakas nasabi ko sabay turo dun sa corner ng labi niya na hanggang ngayon ay pulang-pula pa rin pero hindi na dumudugo pero may pasa na.

Sa halip na mag reply sa taos-puso kong pag hingi ng tawad, bigla nalang siyang sumalampak sa side walk tsaka hinubad yung sapatos at medyas niya.

I was confused at first but then I remembered something. Hirap nga pala siya maglakad kanina sa school. Tiningnan ko yung paa niya. Sa ankle part, may bruising at swelling. Mukhang na sprained.


“Shit! Are you okay? Let me see." sabi ko pa with genuine concern. Pero nung akma ko ng titingnan yung paa niya bigla naman siyang nag suot ng nedyas at muling nag sapatos. Natigilan tuloy ako.


“Umuwi ka na.” mahina niyang sabi pagtayo niya.


Hindi ako sumagot kaya tinitigan niya lang ako. Dahil hindi naman ako nag papatalo, nakipag staring contest na din ako sa kanya. Pero pag karaan lang ng ilang sigundo, ako din yung unang nag bawi ng tingin.


Shit! Why is she making me uncomfortable? Uncomfortable. Me? Damn! That never happened before.



“I’m sorry about this and this.” sabi ko ulit sabay turo sa labi niya at sa namamaga niyang paa. “and sorry about the whole--"



“Umuwi ka na.”



“Will you at least let me finish? I was trying my best here.” I snapped. Hindi man lang kasi ako patapusin. Ako na nga itong nag e-effort na mag apologize sa kaniya.



“Hindi na kailangan. Umuwi ka na, gabi na.” matatag niyang sabi sabay hila sa braso ko. “Saan yung kotse mo? Saan ka naka-park?” tanong pa niya. Itinuro ko naman kung saan ako nag park ng car ko na hindi naman gaanong kalayuan kung nasaan kami ngayon. Hinila niya na ako papunta doon habang nahihirapan pa din siyang mag lakad.



“I can go there myself. You don’t have to accompany me.”



“Sasamahan na kita baka balikan ka pa nung mga kaaway mo kanina.” she said with no hint of emotions at all.



“At ano namang gagawin mo? Tatakbo ulit?” pang-aasar ko pa sa kanya. Pero hindi na siya sumagot. Tumahimik na din ako at hindi na ulit nag-salita.

 

Ang awkward lang.



Nung narating namin yung kotse ko tsaka pa lang niya binitawan yung braso ko. May kinukuha din siyang something sa bulsa ng pantalon niya.



“Oh..” sabi niya sabay abot ng panyo. Tiningnan ko lang yun at hindi agad kinuha. “Wag kang mag alala malinis yan. Mag punas ka. Amoy kabayo ka."


Kabayo daw? Bwisit na’to!



“Anong kabayo?! For your information imported from Paris ang perfume ko.” mataray kong sabi sa kanya.



She sighed. Mukhang naiinis na.



“I mean, amoy red horse ka. Hindi yung literal na horse.” Kumunot naman yung noo ko dun. I’m still confused.


“Yung beer?” patanong niya pang dagdag sa akin. I shook my head. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya.. Amoy beer ako, yes, pero hindi ko alam kung anong connect niya sa horse na red.



Bumuntong hininga na lang ulit siya. at... nag hubad ng hoodie?


“Oh.” abot niya sa akin pagkaraang mahubad niya ito. She’s now just wearing a simple white cotton shirt na suot niya kanina. May bakas pa ito ng patak ng dugo at dumi sa tagiliran.


 “Nabasa yung damit mo.. ipalit mo na lang muna to.” sabi pa niya.



Wait, is she actually worried about me? The thought made me feel something new in my stomach.



“No need. Di ko kailangan yang hoodie mo. Pinag pawisan mo na yan. Eww.” pagdadahilan ko nalang. Naningkit na naman tuloy yung mga mata niya.



“Maligo ka nalang pag-uwi mo, dami mo pang arte.” asik na naman niya. Tuluyan niya ng binigay yung hoodie niya at wala na akong nagawa kundi kunin yun.



“Fine!” sabi ko sabay padabog na pumasok sa kotse.



Kumatok pa siya sa window kaya napilitan akong ibaba un.



“What?”



“Hindi ka ba nakainom?” malumanay na tanong niya. Wow ha, nag iba ang tone. Kanina ang tapang ng boses niya.



“Orange juice na lasang coffee."



Tiningnan niya pa ako ng mabuti bago muling nagsalita. “Yun lang?”



Tsk! Not used to the intrusive questioning, I can’t help but feel irritated. “Why do you care? Hoy, Santillan. Hindi porket nag sorry ako sayo at niligtas mo ako doon sa dalawang peste na yun kanina eh pwede mo na akong pakialaman. Know your place. We're not friends." irap ko pa sa kanya.


 I was immediately mentally cursing my self in for that.


Goddammit, Andrea! She was just worried about you drunk driving and getting yourself killed. No need to be rude. I was about to take back what I said and apologize to her again when I saw her face.


Ang lungkot ng mukha niya. Shit! Shit!


“I’m so--"


“Umuwi ka na." mahina niyang sabi na halos hindi ko na marinig. “Mag drive ka ng maayos and please lang, tantanan mo na ako."

Yun lang at tumalikod na siya at tuluyan ng bumalik dun sa restobar. Na-guilty na naman ako. Fuck!

 

Why can’t I do it right? I came all the way here to apologize pero parang lalong lang lumala.  Lalo lang siyang nasaktan. At bakit ba hindi na ako nag eenjoy- kapag nasasaktan ko siya?

Bakit nung nag worry siya sa akin kanina parang nakaramdam ako ng saya? Dahil ba siya lang bukod sa family ko at kay Yaya Miling ang nag pakita ng concern sa akin?


Why, for the love of all that’s holy, can’t I just thanked her like a normal person? She deserves it, I admit. I mean, after all she’s been through because of me, she still chose to rescue me from those bastards.

 Bakit may nararamdaman akong guilt ngayon? Why am I not happy and satisfied instead?

 

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga questions sa isip ko. What's done is done. What else can I do, diba? Might as well give her the space she’s been begging me for. Tantanan mo na siya. Tama na.

 

Yes, that’s it. Hindi ko na siya guguluhin pa.




The bullying has to stop.


I gave up.


Nag-sorry na din naman siya eh at nag makaawa pa na tigilan ko na siya.


Yung ninakaw niyang first and second kiss ko?


Well, let’s just say hindi counted yun dahil babae naman siya.

Okay na.

Panalo na ako.

I sighed.




Itinaas ko na ulit yung window ng kotse ko at tsaka nag palit ng damit. Sinuot ko na yung hoodie niya. It smelled of fabric conditioner and something sweet and lemony at the same time. It smelled clean. Hindi amoy pawis taliwas sa inaasahan ko. It smelled good.




Fuck, I'm so sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

347K 13.5K 43
"That Amnesia of yours. Do you think it's a punishment?" "Why?" :)"I just think that the ability to remember things forever is a kind of punishment"...
402K 11.9K 77
(COMPLETED) What if you're straight... Pero ng makilala mo siya ay nagbago ang lahat? Yung pinipilit mong wala lang ay lalong umusbong? Yung dating a...
47.3K 2.8K 16
Tulak ng bibig. Kabig ng dibdib.
172K 6.6K 53
If yourself was turned into a whole new person opposite to whom you are, what would you do? Completed but Unedited