The Cavaliers: DREW

By mydearwriter

213K 5.1K 183

The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
EPILOGUE

CHAPTER THIRTEEN

9.1K 271 6
By mydearwriter

CHAPTER THIRTEEN

ISA-isang ipinakilala ni Stella ang mga tiyahin at lola- na lahat ay nakatingin sa kanya.

“Siya po si Drew, boyfriend ko,” hinawakan siya ng babae sa braso. Ngumiti siya, saka magalang na nagmano sa kanila.

“Good evening po.” Pakiramdam ng binata ay para siyang bibitayin at ngayon ang kanyang ‘last supper.’

Nasa sala ang lahat, hindi lang ang mga tiyahin at lola ni Stella, naroroon din ang kanyang ina at dalawang kapatid. Nagluto ng espesyal na arroz valenciana ang nanay ng babae samantalang lumpia at kaldereta naman ang niluto ni Nestor. Ang ambag nila ni Stella ay ang dalang pansit sotanghon galing sa restaurant sa bayan saka cake.

“Ikaw pala ang nobyo nitong apo ko,” ngumiti ang lola ni Stella. Alam niyang malapit na itong mag-otsenta pero malakas pa. “Hindi ka ba natatakot, hijo?”

Biglang napatayo ang nanay ni Stella sa sinabi ng matanda. “Kumain na ho muna tayo at anong oras na. Baka lumamig ang pagkain,” mabilis na wika ni Aling Wena. Nilapitan nito ang matandang babae saka inalalayan sa pagtayo bagama’t kaya naman ng huli.

“Oo nga naman ‘nay, pakainin niyo muna bago gilingin!” biro ni Auntie Melba. May dala itong paypay at kahawig ni Miss Tapia dahil payat at matangkad, nakapusod ang buhok at may salamin na itim ang frame.

Pasimpleng hinawakan ni Stella ang kamay niya. Pinisil niya iyun, his way of letting her know that everything was okay. Gaano ba kahirap ang humarap sa angkan ng babae?

Nang makaupo sila sa mesa ay nabawasan ang tensiyon dahil masarap ang mga nakahaing pagkain. Biro pa ni Auntie Loleng ay parang may fiesta daw sa bahay nina Stella. He relaxed and decided to just enjoy the good meal. Naisip niyang kung meron mang masamang sasabihin sa kanya ang angkan ng nobya, it could wait later.

Pagkatapos kumain ay bumalik silang lahat sa may sala, si Stella ang nag-volunteer na maghuhugas at handa naman siyang tumulong pero sinabi ni Lemuel na siya na ang bahala sa pinagkainan nila.

“Alam mo bang mahal na mahal namin itong si Stella, Drew?” agad na wika ng lola ng babae. Tumango siya.

“Mahal na mahal ko rin po siya, at handa akong sundin kung ano man ang dapat kong gawin para hindi na siya matakot sa pag-aasawa. Handa ko ho siyang pakasalan.”

“Malinis naman ang hangarin mo sa pamangkin namin?” tanong ni Auntie Loleng.

“Opo. Hindi naman po ako pupunta dito at haharap sa inyo kung balak ko lang ho siyang lokohin,” magalang na sagot niya.

“Militar ka. Karamihan sa mga military men ay babaero,” sabad ni Auntie Melba.

“Inaamin ko pong marami na akong naging nobya.” Nakita niyang natigilan ang lahat sa sinabi niya. Pati ang pagpapaypay ni Aling Wena ay natigil. “Pero hindi ho yun sabay-sabay at never ko po silang niloko.”

“Bakit wala kang nakatuluyan sa kanila?” tanong ng lola ni Stella.

“”Hindi po nila kaya ang klase ng trabaho ko.” Wala na siyang maisip na ibang dahilan dahil yun naman talaga ang totoo. Yun lagi ang dahilan sa kanya ng mga naka-relasyon kaya siya iniiwan.

“Kasi nga, militar ka,” sagot uli ni Auntie Melba. “Mahirap kasi talaga kayong ka-relasyon.”

“Nahihirapan po silang mag-adjust sa schedule ko, lalo na po ngayon at sa Malacanang ako naka-assign. May mga okasyon ho kasi akong hindi napupuntahan dahil naka-duty ako, at yun ang di matanggap ng karamihan sa mga naka-relasyon ko in the past.”

“E di pahihirapan mo lang din pala si Stella.”

“Nakakapag-adjust naman ho ako, Auntie Loleng,” sabad ni Stella. Lihim siyang nagpasalamat sa suporta ng nobya.

“May sinumpaan ho kasi akong tungkulin sa bayan. Ginagawa ko lang ho ang obligasyon ko pero hindi ko naman ho pinababayaan si Stella.”

“Lagi ho akong sinusundo ni Drew at hinahatid sa apartment, kahit pagod na siya galing sa duty, kapag alam niyang may trabaho ako sa gabi, pinupuntahan po niya ako para hindi ako umuwing mag-isa,” dagdag pa ng nobya.

Nakita ni Drew na nagkatinginan ang mga tiyahin at lola ni Stella. Si Aling Wena naman ay walang kibo, panay lang ang paypay nito kahit may electric fan.

“Sigurado ka bang mahal mo talaga ang apo ko?”

“Opo, mahal ko talaga siya. Handa ko ho siyang pakasalan. Kaya lang po ay natatakot siya. Ayaw daw po niyang mabiyuda agad dahil isinumpa daw ho ang pamilya ninyo. Yun po ang dahilan kaya pumunta ho ako rito. Gusto ko po kasing malaman kung saan o kanino nanggaling ang sumpa, baka puwedeng pakiusapan.”

“Sumpa?” Parang nagulat na tanong ni Auntie Melba. “Anong sumpa?”

“Oho. Yung sumpa na lahat ng babae sa pamilya niyo ay mabibiyuda?” Nakita ni Drew na nagkatinginan sina Aling Wena at ang lola ni Stella.

“Gawa-gawa ko lang ang tungkol sa sumpa,” sa wakas ay pahayag ng matandang babae. “Ayoko kasing matulad siya sa ina niya at mga tiyahin na maagang nagsipag-asawa.”

“Ano?” halos magkasabay na tanong nina Auntie Melba at Auntie Loleng. Nakatingin ang dalawang biyuda sa kanilang ina.

“Hindi totoo?” Hindi naman halos makapaniwala ang itsura ni Stella. “Ilang taon akong nabuhay sa takot tapos gawa-gawa lang pala?”

“Stella,” sabad ni Aling Wena. Magsasalita pa sana ito pero pinigilan ng sariling ina.

“Apo, ako ang may kagustuhan ng lahat.”

“Pero bakit?” Nakita ng binata na nangilid na ang luha ni Stella. Kinuha niya ang kamay nito at pinisil.

“Ayoko nga kasing maranasan mo pa ang mga dinanas ng mga tiyahin mo. Maaga silang nagsipag-asawa, kaya nang mamatay ang mga esposo, nahirapan sila ng husto.”

“Yun din ang sinabi sa akin ni Nanay nung nakaburol ang tatay mo, Stella. Kaya nang sabihin niya sa akin na gumawa siya ng kuwento tungkol sa kunyaring sumpa sa pamilya para matakot ka, hindi na ako kumontra. Alam kong para sa ikabubuti mo ang naisip ng lola mo.”

“Yang si auntie Melba mo, disi-siyete nang magtanan. Bente anyos siya nang malaglag ang asawa sa puno ng niyog, kaya siya na ang nagpalaki sa pinsan mong si Albertito. Ang auntie Loleng mo naman, disi-otso nang malaman kong nabuntis ni Ferdinand. Sunud-sunod ang naging anak. Buntis pa siya sa pang-apat nang madisgrasya sa sinasakyang bus ang asawa kaya nabalo din.”

“Hindi ho ba at sumpa iyun? Kayo, biyuda din kayo e.”

“Mas matanda naman kasi sa akin ng bente anyos ang lolo mo. May edad na siya nang mag-asawa kami, at sakit ang ikinamatay. Nagkataon lang yun.”

“E si tatay?”

“Bata pa lang ang tatay mo, may sakit na sa puso,” sagot ni Aling Wena. “Kaya nga hindi na nakapag-asawa ang mga kapatid niyang babae dahil sa kakaalaga sa kanya noon.”

“Ibig niyong sabihin, wala ring sumpa sa pamilya ni tatay?”

“May kuwento rin ng sumpa kina Lando?” sabad ni auntie Loleng. “Aba nay, dalawang angkan pala ang ginawan mo ng kuwentong sumpa!”

Gustong matawa ng binata sa narinig pero pinanatili niyang pormal ang ekspresyon ng mukha. Seryoso kasi ang lola ni Stella, kapag humalakhak siyang bigla, baka siya naman ang maisumpa ng wala sa oras!

Continue Reading

You'll Also Like

68.3K 974 33
If I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.
88.9K 494 3
Heidi Fernandez despises Zaccheaus Ongpauco because of his bad-boy reputation. Despite their habit of arguing, they suddenly realized they were attra...
88K 1.9K 11
Charlie was Amber's first love and the only man she loved. Naniniwala siyang ito ang itinadhana para sa kanya. Kahit lantarang sinabi ni Charlie sa k...
606K 19.8K 39
Gagawin ni Dra. Janine Palma ang lahat mailigtas lamang ang nakidnap niyang anak kahit nangangahulogan pang lapitan niya ang pinakahuling lalaki sa m...