The Cavaliers: DREW

By mydearwriter

213K 5.1K 183

The Cavaliers Book 2 Iniwan na naman si Drew ng jowa. Laging ganun ang eksena. Siya ay laging inaayawan dahil... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
EPILOGUE

CHAPTER TWELVE

10K 266 11
By mydearwriter

CHAPTER TWELVE

GUSTONG matawa ni Stella sa sinabi ni Drew. Paano ba niya makakalimutan ang lalakeng ito? Hiniwalayan na niya at itinaboy, eto at manliligaw pa uli.

Oo nga at iniyakan niya ng husto ang ‘pagkawala’ nito. Akala talaga niya ay namatay ang lalake sa helicopter crash. Kaya sa sobrang dalamhati niya ay nahiling niya na buhayin lang ang lalake ay hihiwalayan niya ito- na buhay naman pala. At wala siyang choice kundi tumupad sa ipinangako sa simbahan! Nang araw na umalis si Drew ay magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman niya. Natuwa siya na buhay ito, at the same time ay nalungkot siya dahil kailangan niyang makipagbreak. Lumuha uli siya ng husto pero after several days ay okay na siya. Ang lagi na lamang niyang iniisip ay ang magagandang pinagsamahan nila ng lalake.

Winarningan na siya ni Mavi na hindi ang tipo ni Drew ang basta na lang susuko or maggi-give up sa isang relasyon. Sinabihan na siya nitong babalikan siya ng lalake. Pero hindi siya naniwala dahil alam niyang walang binalikan si Drew sa mga naging girlfriend niya in the past. Pero eto at nasa harap niya ang lalake.

“We can start again,” narinig niyang pahayag ni Drew. “Parang sa computer. Magre-restart tayo. O kaya ay reboot. Or kung sa PMA ay turn back- uulit ng panibagong academic year.”

Hindi pa nakuntento ang lalake, lumapit ito sa kanya. “Stella, sana tayo na lang. Tayo nalang uli.”

“Me ganun?” hindi na niya napigilan ang matawa. And deep inside ay natutuwa siyang nasa harap niya ngayon si Drew. “Tigilan mo na ang kakagamit ng mga lines mula sa One More Chance! E mas guwapo ka naman kesa kay Popoy.”

Natawa rin si Drew sa sinabi niya. Pero mayamaya ay sumeryoso uli ito.

“Nagawa naman nating magkaroon ng magandang relasyon di ba? Puwede nating panindigan. Please, tanggapin mo na uli ako. Sasamahan pa kitang magdasal or magnovena sa simbahan.”

Tumayo ang dalaga saka nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng dalawang baso saka isang pitsel ng tubig at dinala iyun sa sala. Umupo siya at nagsalin ng tubig sa mga baso. Kinuha niya ang isa at uminom, saka muling nagsalita.

“Natatakot pa rin ako sa sumpa, Drew. Hindi mo kasi alam ang pinagdaanan ng nanay ko at ng mga tiyahin ko.”

“Kung gusto mo, sasamahan pa kita sa inyo. Pupunta tayo doon para hanapin ang pinagmulan ng sumpa na yan na sinasabi mo para matigil na.”

“Paano tayo pupunta sa amin e ang hirap nga ng schedule mo.”

“E di hihingi muna ako ng bakasyon. Puwede naman akong magpaalam dahil madami pa akong leave na hindi nagagamit.” Nasa mukha ni Drew ang determinasyon kaya naantig ang puso ng dalaga.

“Saka kung kinakailangang maghanap tayo ng albularyo or mag-alay tayo ng baka para sa ikatitigil ng sumpa na yan, gagawin ko,” dugtong pa nito.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Stella e masyadong convincing ang lalake?

“Kelan tayo pupunta sa amin?”

“Malalaman ko bukas kung kelan puwede. Baka next weekend.”

“Sige.” Tatanggi pa ba naman siya gayung nakaakbay na si Drew sa kanya?

PARA hindi naman ma-shocked ang mga kamag-anak ni Stella sa probinsya ay isinabay nila ni Drew si Mavi sa pag-uwi sa La Union. Game namang sumama ang babae kaya tatlo silang nag-leave ng ilang araw para sa biyahe.

Dinala ni Drew ang sasakyan nito. Alas-kuwatro ng madaling araw sila umalis ng Sta. Mesa para ma-enjoy nila ang biyahe. Sa mga stop-over ay panay ang pa-picture nila at bili ng kung anu-anong pagkain. Kinausap nga siya ni Mavi nang mag-CR sila sa Shell.

“Ngayon lang kita nakitang ganyan ka-saya. Pati yata talukap mo e nagniningning!”

“Masaya kasing kasama si Drew. Ma-drama na nakakatawa.”

“Pansin ko nga. Siguro kung hindi yan nag-militar, malamang e nag-artista. Magaling magmemorize ng lines e!”

Nagkatawanan sila. Nagtaka tuloy si Drew nang makita silang tumatawa pa rin habang pabalik sa sasakyan.

“Parang tuwang-tuwa yata kayo ah.”

“Nasa CR kasi si Mr. Bean,” biro ni Mavi, na lalo niyang ikinatawa.

“Mga lukaret,” ani Drew na natawa na rin.

Bandang tanghali nang marating nila ang La Union. Itinuro ng dalaga ang direksyon patungo sa bahay nila na may sampung kilometro pa mula sa sentro ng San Fernando. Agad silang sinalubong ng nanay niya nang makita siyang bumaba sa sasakyan.

“Stella!” saka niyakap siya nito. Nang kumalas ay tinawag ang dalawa niyang kapatid na lalake. “Lemuel! Nestor! Andito ang ate niyo!”

Unang bumaba si Nestor, may bitbit itong sandok. Sa kanilang tatlo ay ito ang bunso at mahilig magluto. Sumunod ay si Lemuel na walang suot na tshirt at pawisan. Ang hula niya ay naglilinis ito ng bahay. Masisipag ang mga kapatid niya kahit mga lalake. Halos magkakasunod lamang ang edad nila at pareho na rin namang nakatapos ng vocational courses ang mga kapatid niya. Pero mas gusto ng mga iyun na manatili sa probinsya.

“Te! Kumusta!” Niyakap siya ni Nestor.

“Hindi na kita yayakapin ha, amoy pawis ako. Katatapos ko lang magbunot sa loob ng bahay e,” ani Lemuel.

Natigilan ang dalawang lalake nang makita si Drew na nakatayo sa likod niya. Nasa mukha ng mga kapatid niya ang pagtataka kung sino ang kasama niya.

“Si Drew nga pala ‘nay….” pakilala niya. “Boyfriend ko po.”

“Boyfriend mo?” Si Lemuel ang unang nagsalita. “Kelan pa?”

“Pumasok muna kayo at tiyak na pagod kayo sa biyahe,” sagot ng nanay niya. “Nestor, luto na ba ang tinolang manok? Para makakain na tayo.”

“Okay na ho, nay,” sagot ni Nestor saka mabilis na bumalik sa loob ng bahay.

Nagmano si Drew sa nanay niya. Kinamayan naman nito si Lemuel na nakatingin lang.

“Uwi na ho muna ako sa amin,” sabad ni Mavi na muntik na nilang makalimutan.

“Ihahatid na muna kita,” presinta ni Drew.

“Huwag na, ayan lang ang bahay namin sa kanto o.” Nagmano lang si Mavi sa nanay niya saka tuluyang umalis, bitbit ang sariling backpack at mga pasalubong.

Pag-akyat nila ng bahay ay nangingintab nga ang sahig nun kaya tinapik niya si Lemuel. Tumango naman ang kapatid niya, pero ang mga mata ay na kay Drew pa rin. Tinawag na sila ni Nestor dahil handa na raw ang mesa. Sabay-sabay silang dumulog sa pagkain.

Noong una ay parang duda ang mga kapatid niya kay Drew. Ramdam niya iyun base sa mga tingin nina Nestor at Lemuel. Pero nang sabihin niyang piloto ang nobyo at miyembro ng PSG ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa kanila.

“Talaga? PSG ka? E di lagi mong kasama ang presidente?” tanong ni Nestor. Nang tumango si Drew ay lalong nanlaki ang mga mata nito.

“Nagpapalipad ka ng eroplano?” tanong ni Lemuel.

“Helicopter ang pinapalipad ko,” sagot ni Drew na tila nag-e-enjoy naman sa mga tanong ng mga kapatid niya.

“Puwedeng makasakay sa helicopter?”

“Nestor!” sabad ng nanay niya. “Hindi puwede siyempre!”

“Baka lang naman puwede, nay.”

“Mga militar lang ang pwedeng sumakay,” pahayag na rin niya.

Biglang naging bida ang boyfriend niya sa pamilya gayung ni wala pa itong dalawang oras na naroroon. Nang mapatingin siya kay Drew ay nakatingin ito sa kanya. Inirapan niya ang lalake, natawa lang. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya niyang mamasyal si Drew, tutal ay summer- maganda ang panahon.

“Hindi ba natin tatanungin ang nanay mo tungkol sa sumpa?” tanong sa kanya ni Drew habang nagda-drive papuntang simbahan. Gusto niya kasing makita ng lalake kung saan siya nagsisimba simula pagkabata.

“Mamaya, pagkatapos nating mag-ikot-ikot. Magwish ka mamaya sa simbahan ha?”

“Bakit?”

“Ganun talaga kapag first time mong pumasok sa isang simbahan. Puwede kang mag-wish. Natutupad yun.”

“Ows? Totoo? Paano kapag hiniling kong maging presidente ng Pilipinas, magkakatotoo?”

“E sinabi mo na sa akin! Paano pa magkakatotoo yun? Dapat secret!”

“Panay kalokohan naman ang tinuturo mo sa akin e!”

“Hindi to kalokohan! Maniwala ka lang kasi!”

“Oo na, sige na.”

Pagdating nga nila sa simbahan ay agad na lumuhod doon si Drew at taimtim na nagdasal. Tapos na siyang magdasal ay nakaluhod pa rin ang lalake. Na-curious tuloy siya.

“Ang tagal mo namang magdasal,” wika niya.

“Marami kaming pinag-usapan ni Lord e. May mga ikinuwento lang ako sa kanya saka hiniling.”

“Ano yun?”

“Secret!”

“Ang daya mo!” kukurutin niya sana ang lalake pero nahawakan nito ang kamay niya at sa isang iglap ay naakbayan siya. “Hoy ano ba, baka may makakita sa atin dito at sabihin nila na nagpi-PDA tayo!”

“PDA?” kumunot ang noo ni Drew kaya natawa siya.

“Public Display of Affection! Nasa probinsya tayo kaya conservative ang mga tao.”

“Andami mong hirit! Halika ka na nga. Puntahan na natin ang mga tiyahin mo. Para kapag natapos na natin ang mga dapat gawin e makapag-relax naman tayo.”

“Sila na ang pupunta sa bahay mamaya. Sinabi ko na sa nanay ko na papuntahin sina Auntie Loleng at Auntie Melba. Isasama ng mga yun ang lola ko. Si Auntie Dolor naman kasi, sa Ilocos na nakatira kasama ang mga anak.”

“Lahat sila, biyuda?” tanong ni Drew. Tumango siya. “E yung mga tiyahin mo naman sa father side?”

“Bukas natin sila pupuntahan.”

“Saan pala ako matutulog mamaya?”

“E di doon sa kwarto nina Nestor at Lemuel. Sa sala sila matulog.”

“Nakakahiya naman sa mga kapatid mo. Mag-hotel nalang kaya ako?”

“Malayo ang hotel. Mga beach resort lang ang meron dito.”

“Doon na lang kaya tayo?”

“Sira! Gusto mong magwala yung dalawa kong kapatid?”

“Biro lang, ikaw naman.”

Pero kahit biro ang sinabi ni Drew ay napaisip na rin ang dalaga. Bakit nga ba hindi nalang sila mag-check in? Nasa hustong edad na rin naman siya. Saka, paano nga kung totoo ang sumpa at biglang mawala ang nobyo niya? Hindi man lang siya makakatikim ng grasya?

Unfair naman yata.

“Bakit ka nakangiti diyan?” tanong ni Drew. Nilingon pala siya nito habang nagda-drive. “Para kang may itinatagong sekreto a.”

“Wala. Magdrive ka na lang diyan ha,” natatawa niyang tugon sa nobyo.

Continue Reading

You'll Also Like

270K 2.4K 7
She married for the sake of money and ambition. She married for the sake of being alone. She married a loner old billionaire... But he has a son, a p...
535K 354 1
Dahil sa pangangailan sa pera hindi nagdalawang isip si Isabella na ibigay sa kanyang boss na si Chris Montero ang pinakaiingatang puri. Pero lingid...
553K 2.9K 6
Nabulabog ang masaya at tahimik na buhay ni Dona at ng buong compound nang mag-offer ang Montero Hotels na bilhin ang buong lugar nila. Bad news ito...
512K 13.9K 42
Alam ni Hanna na isang masamang balita ang pagkakita niya ng isang sugatang estranghero sa maulan na gabi. Lalo na't natagpuan niya ito sa mismong ha...