Seducing The Bad Boy (AWESOME...

By HopelessPen

13.3M 243K 24.3K

AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer More

Seducing The Bad Boy
Prologue
The Bitter Queen
The Bitter Plan
Bulsa ng Pantalon
Cookies, Cookies
A Vs. S
Halik
Carnival
I Choose You
Tinkerbell
Sagot Sa Mga Tanong
Overdose
Pabayaan Mo Siya
Surrender
AEGIS
Maganda Yan, Gwapo Ako
Version 2.0
Sorry
Insecurities Kill
Decision
Passport
Smile,Though Your Heart Is Aching
Banana Split
Human Heat
Zipper
My Turn
Walang Pinagbago
Effortless
Kapag Lasing, Nababaliw
Good
Last Kiss
Hurt
About Time
Badboy
Ang Taho Ni Badboy
One
Oh! Victoria
Beads And Diamonds On Christmas Day
Nakakapagpagaan
Leria Morales
Markado
Si A at S
Phone
Ang Batayan
Not A Dog
Errors and Reasons
Ang Pulang Maserati
So Inlove
Endlessly
EPILOGUE
Married To The Bad Boy SC #1
Married To The Bad Boy SC#2
Married To The Bad Boy SC#3
Married To The Bad Boy SC#4
MARRIED TO THE BAD BOY LAST SPECIAL CHAPTER
01
02
03
04
05
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

Kay Stanley Lang

190K 3.6K 385
By HopelessPen

38

 

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni August sa akin. Nilingon ko lang siya bago hinila papasok sa elevator. Ngumuso siya at tiningnan lamang ako.

 

"Sungit--"

"May audition ang AEGIS ngayon. And you will join. Sa ayaw mo o sa ayaw mo, magaaudition ka, kuha mo?" mataray kong sabi. Bumuka ang bibig niya at ambang magsasalita na sana noong tinaas ko ang isang daliri ko. "August, kakanta ka lang sa harap nila. No more no less. After that, it's up to Greg and the others decide whether they will take you or not. At kung hindi ka man makuha, atleast you tried." Mahaba kong litanya sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at pinaglaruan iyon.

"Wala akong alam kantahin. Wala pa akong dalang kahit na anong CD." Reklamo niya. Ngumuso lang ako at namulsa.

 

"Edi kumanta ka ng bahay kubo kung wala kang alam kantahin." Pagbibiro ko. Tumango si August at hindi na nagsalita pagkatapos niyon. Nauna siyang lumabas ng elevator at sinundan na lamang ang mga signs papunta sa audition room.

Nasa hallway pa lang kami ay ganun na lang ang pagkamangha ko sa mga lalaking nakalinya sa gilid. Aabot hanggang dulo ang pila at tantya ko ay meron pa sa labas dahil naglalagay pa sila ng mga upuan sa kabila.

 

"Alis na tayo." Sabi ni August at biglaan na lang tumalikod. Nabangga ako sa braso niya. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang siko ko dahil muntikan na akong matumba sa lakas ng pagkakabangga ko. Tiningala ko siya at pinandilatan.

 

"Uwi na tayo." Nanginginig niyang sabi bago lumingon sa hilera ng mga lalaki. Pinandilatan ko siya bago pinameywangan.

"August, umayos ka."

"Ayoko na nga kasi. Kinakabahan ako. Atsaka, andami namin. Sa tingin mo makukuha ako? Kahit anong gawin ko hindi ko mapapantayan si Greg. Baka nga may mas magaling pa sa akin dito." Aniya. Tiningnan ko lang siya at hinintay kumalma. Ng matapos na siyang magsalita ay hinila ko na siya at pinaupo sa dulo. Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya.

"I grew up with Greg. I heard you sing. Kilala ko ang AEGIS. Just trust me August. Kung may gusto man akong dumagdag sa kanila, ikaw na yun. Hindi mo kailangang pantayan si Greg. You have your own signature Pangit. They all have their own. That is what makes you perfect for them." mahaba kong sabi. Huminga lang siya ng malalim bago niya sinandal ang ulo sa pader.

Matagal walang nagsasalita sa amin. Kinailangan ko na rin siyang iwan noong dumating ang mga susunod na batch ng autionees na uupo sa lugar kung saan ako nakapwesto. Nilingon ko si August bago kumaway. Alanganin siyang ngumiti habang ako naman ay dumiretsyo sa stage kung saan ginaganap ang audition. Hindi naman ako nagkaroon ng problema dahil kilala na ako sa Wave. Madali lang akong nakapasok. Dumiretsyo ako sa likod at pinanood ang ginaganap na audition. Nandoon ang apat at kasalukyang bored na nanonood sa lalaking sumasayaw sa gitna. Napataas ang kilay ko.

 

"AEGIS don't dance." Natatawang sabi ng katabi ko. Nilingon ko siya at nakitang si Leria pala ang nasa gilid ko.

"Hi." Nakangiti niyang sabi sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot lamang siya ng shorts na may shortage sa tela at blouse na see-through ang bandang tiyan. Napaismid ako sa itsura niya. Well, hindi naman sa naiinggit ako. I have a body to die for too. It's just that, I don't see the need to flaunt it the way Leria is flaunting hers.

"Hello." Bati ko na rin. Binalik ko ang tingin ko sa stage kung saan nagpalit na ng nagaaudition.

"Kamusta na kayo ni Stan?" aniya. Nilingon ko siya bago nagkibit balikat.

 

"Inaway niya ako noong birthday ko. Nalaman na pala niyang ako ang nagpaalis sayo." Sabi niya habang bahagyang natatawa. Inis ko siyang nilingon. Pinandilatan ko siya sa abot ng aking makakaya. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo ko sa inaasta niya.

"Sa tingin mo nakakatawa yun? You cheater!" I hissed. Nilingon niya ako bago niya hinawi ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok.

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko noon, gagawin mo rin ang ginawa ko. No need to act as if you are a fucking saint Victoria." Malamig niyang sabi. Napanganga ako at magsasalita pa sana noong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay umiling na lamang siya.

 

"You're not even worthy of him." bulong niyang narinig ko naman. Agad siyang naglakad palayo at pumunta sa lamesa ng AEGIS. Umupo siya sa tabi ni Iñigo at nakinood na rin. Nakita kong may binulong siya kay I na natawa na lang. Nilingon ulit ako ni Leria at ngumiti na para bang wala siyang sinabing kahit na ano sa akin kanina. Napanguso na lang ako sa inasta niya.

Bitch.

Inayos ko ang buhok ko at muli na lang nanood. Hindi ko talaga lubos maisip na pinagsalitaan ako ni Leria ng ganun. What happened to the sweet girl I met before? Iyong babaeng nagkakandahirap sa pagdadala ng tarp ng AEGIS? Hindi ako makapaniwala na naging sila ni Stanley. With her attitude, I will bet my ass that Stan would have thrown her the moment she opened her mouth. Napakaarte.

Napadiretsyo ako ng tayo noong makita kong si August na ang pumapanhik sa stage. Pinukpok niya ng marahan ang microphone bago tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. Tinaas ko ang kamay ko at kinawayan siya.

"AUGUST!" sigaw ko. Napalingon lahat sa akin, pati na rin ang AEGIS ng marinig ako. Nanahimik ang buong kwarto at napako ang tingin sa akin. Nabasag lamang ang katahimikan noong tumawa si Leria at pinalo ang balikat ni Stanley.

 

"God Stan, look at your face." Natatawa niyang sabi. Hindi siya pinansin ni Stanley. Nanatili lamang ang matatalim niyang titig sa akin kaya nagbaba na ako ng kamay. Nagsitindigan ang balahibo ko sa mga titig niyang iyon. Napalunok ako at pinilit na ibaling na lamang kay August ang buong atensyon ko.

 

"Goodafternoon. August Yturralde here." Ngumisi siya pagkasabi niyon. Nagtilian ang ilang mga babae noong lumitaw ang dimples niya. Umirap ako sa nakita. Kanina lang kabadong kabado siya, ngayon naman ang landi landi na niya. Baliw talaga.

Si Ethan ang nagsabi rito na magsimula na. Tumango lamang si August bago niya hinubad ang jacket niya at iniwan ang puting shirt niya. Tinanggal niya ang microphone sa stand at umupo sa gilid ng stage.

"Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari."

Nalaglag ang panga ko ng marinig ko ang kinanta niya. Ngumiti siya at tinuro ako bago siya nagsimulang tumalon talon sa stage na para bang rock ang kinakanta niya.

"Puno ng linga! Yeah!" pagtatapos niya. Aaminin ko, magaling talaga si August. Nakaya nga niyang kantahin ang bahay kubo sa ganong paraan at nagmistulang concert lang niya ito. Pero baka isipn ng mga itlog na nagloloko lang ito. Sa lahat naman kasi ng kakantahin eh.

Umalis na siya sa stage at nagpatawag muna sina Stanley ng break. Umalis silang apat sa lamesa nila, nakasunod si Leria sa kanila. Kumaway si Ethan sa akin at nginitian ko siya. Naglakad sila papunta sa akin.

 

"You know him?" si Athan ang nagtanong. Kumunot ang noo ko at napagtantong si August ang sinasabi nito. Ngumiti ako bago tumango.

"Kaibigan ko." magiliw kong sabi. Tumango lamang ito.

"Aw, selos ka A? Nagseselos rin si Stanley." Natatawang sabi ni Leria sa akin. Kumindat pa siya noon.

"Shut up Ria." Pagbabawal ni Stanley dito. Ngumisi lang si Ria at nagkibit balikat.

"If you're done with the audition, I'll tell my Dad about the results. Ako na rin ang pupunta kay Greg para sabihan siya." anas niya. Tumango lang sina Ethan dito.

"Ciao!" maarte niyang sabi bago tuluyang umalis. Bumaling ako kina Athan.

"Tapos na? May mga tao pa sa labas." Nagtataka kong sabi. Ngumiti lamang si Ethan.

 

"We already saw what we want. Si August."

"Sinabi ko ng ayaw ko sa kanya." Matigas na sabi ni Stanley. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila ni Ethan. Namulsa lamang si E at natawa.

 

"Apat kami, isa ka lang. S, that's pure talent out there dude. He's the perfect match for Greg's voice. Magandang blending ang mangyayari kapag sabay na silang kumanta." Katwiran ni Ethan.

 

"Isa pa, pumayag na si Leria sa kanya." Dagdag ni I. Napanguso si Stanley at inis akong tiningnan.

"This group is too small for two badboys." Iritado niyang sabi. Tinapik lamang siya ni Ethan sa balikat bago ako tiningnan.

 

"Malay mo, one can become a good boy. Wala pa ang AEGIS ng ganun."

Inis na inalis ni Stanley ang pagkakaakbay ni Ethan sa kanya bago tiningnan ang mga ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko bago ako hinatak palayo sa mga tao. Narinig ko na lamang ang malalakas na halakhak nila Ethan sa ginawa ni Stanley.

"Selos lang yan S!" sigaw pa nito bago tuluyang sumara ang pintuan. Nagmamadali niya akong ipinasok sa isang utility room at sinindi ang ilaw roon.

 

"What the hell was that?!" nangggalaiti niyang sabi habang nakaturo sa labas. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ipinupunto niya.

 

"What what?"

"Tangina Victoria! Sinisigaw mo yung pangalan niya! Sa harap ko!" sigaw niya. Napuno ng kulay pula ang mukha niya. Mukhang konting tulak na lang ay titirisin na niya ako sa sobrang galit na nakabakas sa mukha niya.

"You told me you will not make me jealous." Nanghihina niyang sabi. Tumingin siya sa akin na para bang pagod na pagod na. Lumapit siya sa akin kaya napahakbang ako paatras.

 

"H-hindi..no.." natataranta kong sabi habang naglalakad palayo rito. "H-hindi ko sinasadya." Nagmamadali kong sabi. Napasinghap ako noong tumama na ang likod ko sa pader. Agad niyang inilagay ang kamay niya doon, eventually trapping me.

 

"Talaga lang huh?" nanguuyam niyang sabi. Tinitigan ko siya at napasinghap na lang ako sa lapit niya sa akin.

"You enjoy this. You enjoy seeing me like this, aren't you?" bulong niya. Pinaglandas niya ang daliri niya sa pisngi ko. "Gustong gusto mo kapag nakikita mo akong nababaliw dahil sa selos, hindi ba?"

 

"Stanley.." tanging nasabi ko. Hindi na kayang gumana ng utak ko dahil wala na itong naririnig kung hindi ang tuloy tuloy na kalabog ng dibdib ko. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya at pilit siyang itinutulak palayo pero kinuha lamang niya iyon at hinawakan ng mariin.

 

 

"You are so ruthless Sweetheart." Lumapit siya sa akin at idinikit niya ang bibig niya sa aking tenga. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking leeg. Nanginig ako ng maramdaman ang halik niya sa akin.

 

"Kahit wala kang gawin, magseselos pa rin ako. Tumingin ka lang sa iba, nagseselos na ako. Ngumiti ka lang, kumaway ka lang, makipag-usap ka lang sa iba, para na akong namamatay Yang. Gusto ko akin ka lang. Gusto kong ako lang." marahan niyang bulong. Naipon ang hangin sa aking dibdib sa narinig. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinilit akong tumingin sa kanya.

"You have so much power over me Victoria. Kayang kaya mo akong durugin. Tumingin ka lang sa iba, masisira mo na ako. You won't even sweat Sweetheart." Natatawa niyang sabi. Dumaan ang hinlalaki niya sa labi ko at parang lasing iyong tiningnan.

Bumaba ang ulo niya at binigyan ako ng dampi sa labi. Bumuka ang bibig ko para magprotesta pero hinalikan lamang niya ako ng mas malalim. Hinawakan niya ang batok ko at mas lalo akong idiniin sa pader.

"Fuck you--" sabi ko noong humiwalay siya sa akin. Galit na galit ko siyang tinitigan. Pilit na pinagtatakpan ang epekto ng halik niyang iyon sa akin. No, I won't let him see it. Kinakalimutan ko na siya. Hindi na ako papayag na makapasok ulit siya. He can't knock on my door as if he has every right to do it. Sinaktan niya ako. Inaayos ko pa lang ang mga sir ako na mula sa kanya.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Agad kong pinunasan ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang tiningnan siya. Ngumisi lang siya at hinila ulit ako.

"Not yet. Wag kang excited." Maangas niyang sabi at sinara ang distansya ng mga labi namin. Ungol na lang ang lumabas sa aking mga protesta. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng aking ulo at mas lalo pang pinalalim ang halik. Dumaan ang labi niya sa gilid ng aking bibig bago niya muli iyong sinakop.

Kapwa kami hinihingal noong humiwalay siya sa akin. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko bago muling nagsalita.

 

 

"Hindi mo na ulit isisigaw ang pangalan ng unggoy na yun Victoria. O kahit na sinong lalaki. Pangalan ko lang. Ako lang. Akin lang." anas niya. Humiwalay siya ng kaunti sa akin at tinitigan ako gamit ang nakakalunod niyang mata. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin ngunit hinawakan niya ang leeg ko.

 

 

"Kay Stanley Philip Montreal lang Sweetheart." Pinal niyang sabi bago siya yumuko at muli akong hinalikan.

---------------------------------

*pen<310

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 154K 66
Cute and chubby, Cara Isabelle Mendez has liked Lucas Eion Jimenez since she was young. But he makes her feel unwanted and insecure, and Cara finds h...
1.8M 42.1K 22
Mahal ko siya pero sumusuko na siya... Palagi kong sinasabing andito lang ako pero di siya naniniwala, ayaw niyang ipagkatiwala yung puso niya hangga...
133K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
22.5M 508K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...