Conquering the Barriers

By zaaaxy

2M 91.9K 34.9K

SIS (Social Issue Series) #4: Bullying They say that beauty is a luxury. That good looks is the only privile... More

Conquering the Barriers
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 35

44.7K 2K 484
By zaaaxy

Fine



Nagpahatid ako sa opisina ni Daddy. Pagkarating sa gusali ay sa wastong palapag kaagad ako dumiretso. Ngunit nang makaharap ko ang sekretarya niya ay nabigo ako sa misyon.


"Mr. Savellano left for a prior arrangement, Ma'am." she then checked something on her iPad. "He's most likely to be back after lunch,"


Bagsak ang balikat ko habang papaalis sa lugar. I strode through the vicinity of the building while my mind is drifting away. 


Habang palalim nang palalim ang mga iniisip ko ay tuluyan nang rumerehistro sakin ang sitwasyon. Ngayong hindi ko naabutan si Daddy at wala akong dalang sariling sasakyan ay mukhang alam ko na kung saan na naman ako pupulutin. Idagdag pa na ang lahat ng importante kong gamit ay nasa pamamahay na ni Sky.


My head was down as I reached the lobby. Malayo pa lang ay umangat na ang ulo ko para hanapin ang kasama ko sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina. Bahagya pa akong natigilan sa naabutan doon.


A group of people was posing for the camera with Sky in the middle of them. May dalawang teenager pa sa gilid na mukhang nag-aabang din para kumuha ng litrato kasama siya. Nang matapos ang isang grupo ay agad silang nagpasalamat bago kinikilig na umalis habang ang kanina pang naka-antabay ay mabilis namang pumalit para sumunod.


Tahimik akong naglakad papalapit para maghintay sa gilid. Halos mapapitlag pa ako nang agad na lumipad sakin ang mata ni Sky. Something in his eyes glimmered before he promptly returned back his gaze on the expectant young girls.


"Sama natin sa picture yung girlfriend ko," he soothingly said with a trace of pride.


Nalaglag ang panga ko sa narinig. 


Hindi pa man ako nakakabawi ay nakalapit na siya sakin. Marahang dumausdos ang kamay niya sa braso ko hanggang maabot nito ang palad ko at pinadaop iyon kasama ang kanya. 


My lips were still apart as he lightly pulled me towards where the fans are.


"Hala, ang ganda..." one of them whispered.


Saglit pa silang tumitig lang samin bago natuloy ang pagkuha ng litrato. Kahit nang matapos ay tumagal pa ang mga tingin nila samin na tila hindi makapaniwala habang nagpapasalamat. Paatras pa ang naging paglakad nila papalayo dahil hindi nila maalis ang mga mata sa amin.


Kahit ako ay tuliro pa rin dahil sa nangyari. Miski nang makasakay na kami sa sasakyan ay napapakurap pa ako nang paulit-ulit habang iniisip ang naganap. Nang marinig ang tunog ng pagsisimula ng makina ay saka lang ako natauhan.


Sa huli ay napabuntong-hininga ako.


"Hindi mo dapat ginawa 'yun," I murmured.


He gave me a sideway glance.


"Hmm?"


I sighed.


"Hindi mo dapat sinabing girlfriend mo 'ko,"


I watched his reaction through the rearview mirror. Now he suddenly looks guilty.


He turned to me with a hint of worry on his face.


"I'm sorry.. Is it.. prohibited in your career?" he carefully asked.


Natigilan ako sa sinabi niya. 


What does he mean by that? And what career? I doubt that he even had any idea about what I've been pursing and doing with my life. Unless nakwento na nila Mommy sa kanila.


I edgily looked away.


"Hindi mo naman kasi talaga 'ko girlfriend," I muttered under my breath.


Umikot ang mga mata ko nang may maalala.


"You don't even do that when we were still 'really' together back then," I added with a sense of resentment.


Kung iisipin ay hindi niya naman talaga kailanman ginawa iyon noon. Yung ipakilala o isama ako sa mga nagpapakuha ng larawan kasama siya. Just thinking about the reason of it makes me taste acidity on my tongue.


I heard him releasing his breath.


"I've always wanted to do that, Yara.." he slowly said. "I've always looked forward to the day that I'd finally be allowed to do that.." he uttered in a small voice.


Malayo ang tingin ko sa labas. Sa sinabi niya ay may kung anong humalukay sa sikmura ko. Hindi ko matukoy kung mabuti o hindi ang idinulot non.


I stayed silent the whole drive. He then maneuvered the car in a coffee shop at the side of the road. Nang maiparada iyon ay bumaling siya sakin.


"Let's get you something to eat,"


Tinatamad na sumandal ako sa gilid.


"Ikaw na lang. Dito na muna 'ko," 


Pakiramdam ko kasi'y wala akong gana. Laking pasasalamat ko naman nang hindi na siya namilit pa at pinagbigyan na lang ang gusto kong mangyari.


I yawned while staring through the window. Nabitin lang ang paghikab ko nang may matanaw sa labas.


Sa gilid ng kalsada ay may tatlong batang lalaki na pinagkakaisahan ang isang matandang pulubi. May inagaw silang supot mula sa nakaupo at nananahimik na matanda saka pinagpasa-pasahan iyon sa ere habang nagtatawanan.


Tila biglang kumulo ang dugo ko sa nakita.


Walang pagdadalawang isip akong bumaba at nagtungo sa eksena.


"Hoy,"


Agad na naputol ang halakhakan ng mga bata at nang tumama sa akin ang tingin nila ay mabilis na nagtakbuhan. Napanganga pa ako nang ihagis nila ang supot sa ilalim ng nakaparadang truck.


"Wag na kayong babalik dito!" sigaw ko sa kawalan ng sasabihin.


Hinihingal pa ako nang bumaling sa matanda. Saka ko lang napagtanto na tila lumpo siya.


Pumungay ang mga mata ko.


"Sinaktan po ba nila kayo?"


Bakas ang paghihirap sa bawat pagkurap ng mata niya. "Hindi naman, Ineng.. Kaso ang mga gamit ko ay nasa loob ng supot na kinuha nila," nanginginig na ang boses niya sa katandaan.


Tumango ako. "Kukuhanin ko po,"


Nagtungo ako sa may truck kung saan binato ang supot. Yumuko ako para silipin ang ilalim noon. Namroblema ako nang mapagtantong sa bandang gitnang bahagi na iyon napunta kaya't medyo mahihirapang kuhanin.


Gayunpaman ay ginawa ko pa rin ang makakaya  ko. I first made sure that there was no one behind me before I bent over to aim for it. 


Mahirap lalo na't puno ng grasa ang ilalim ng truck at hindi ko maiwasang mapahawak doon. Lagi pang humaharang ang buhok ko sa mukha ko kaya't panay rin ang paghawi ko roon.


"Yara." a hard voice called with rigidity.


Agad na umangat  ang tingin ko. 


Hindi pa man ako nakakatayo ay si Sky na mismo ang nagtuwid sa katawan ko. He then problematically pulled my skirt downwards with hurry.


Lukot ang mukha niya nang humarap siya sa akin.


"What the hell are you doing?" kalmado ngunit may paghihirap sa tono niya.


Ginamit ko na lang ang pagkakataon at ang pagdating niya para matulungan niya ako. Hindi na muna ako nagpaliwanag sa kanya at bagkus ay inutusan na lang siyang abutin ang nasa ilalim ng truck. Lito man ay sumunod pa rin siya sa huli. Parang mainit pa nga ang ulo niya nung una.


Nang iabot niya sa akin ang plastik ay agad ko siyang tinalikuran para lapitan ang matanda.


"Ito na po," marahang sabi ko habang iniaabot iyon.


Hirap man siyang dumilat ay tila ngumiti pa rin ang mga mata niya.


"Salamat, Ineng." she uttered with her shaky voice.


May humaplos sa puso ko habang tinitignan ang kalagayan niya. Kalaunan ay naramdaman ko ang presensya ni Sky sa tabi ko. 


Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang pagkain at nang may maisip ay agad ko siyang tinignan sa mata.


"Let's give this to her," I said before getting the paper bag from his hands.


Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na yumuko sa matanda.


"Nay, ito po oh.. pagkain po.." malumanay na sabi ko.


Sa maliit na buka ng mata niya ay tila muli kong nakita ang munting pagkislap noon.


"Naku.. maraming salamat, Ineng.." now her voice is shaking even more.


Ngumiti ako sa kanya.


Napalingon ako sa katabi at naabutan siyang nakatingin na rin sa akin.


Natigilan ako sa klase ng tingin niya. Kalaunan ay unti-unting pumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Bago pa ako tuluyang malunod doon ay binalik ko na ang tingin sa matanda at nagpaalam.


Hindi ko na hinintay si Sky at nagsimula nang maglakad pabalik sa sasakyan. Napahinto lang ako nang hindi siya agad na sumunod. Lumingon ako at naabutan siyang nag-aabot ng pera sa matanda.


May binulong pa sa kanya ang matanda na nagpangisi sa kanya. He even whispered back something with a smile. My forehead can't help but crease in curiosity. 


Nang akmang lilipat na sakin ang tingin niya ay muli na akong tumalikod. Dumiretso na rin ako sa sasakyan at agad na pumasok sa loob.


Hindi ko tinignan si Sky pagkapasok niya. 


Ilang saglit kaming nanatiling tahimik dahil hindi niya pa rin pinasibad ang sasakyan.


"Yara.." 


Napaayos ako ng upo sa bigla ngunit banayad na pagkakatawag niya. 


I eventually turned my head towards him.


His eyes automatically blinked peacefully.


"Come here.." he mildly said.


Nagparte ang mga labi ko.


"H-huh?"


Kumurap nang mabagal ang malamlam niyang mga mata.


"Come closer.." he muttered delicately.


Hindi pa rin ako agad na nakagalaw. Masyado akong nadadala sa boses niya. Lalo na sa tingin niya.


Kumunot ang noo ko. Pinilit kong lumunok.


"Bakit ka ganyan makatingin?" I asked. "May dumi ba sa mukha ko?" I ridiculously added.


A smile slowly broke on his lips.


My mouth went agape when he nodded.


"Meron," he bluntly said.


Nanigas ako sa kahihiyan. Maya-maya'y siya na mismo ang lumapit at maingat na umabot sa mukha ko nang hindi pa rin ako gumalaw.


I held my breathe when he carefully let the wet wipes touch my skin. I didn't even realize that he was holding one. He started wiping my face nimbly. I was stunned by how focused he was on what he was doing. He was so serious on that little detail that I found it fascinating to watch him like this.


Nang ilayo niya ang pinampunas ay saka ko lang nakita ang mga bakas ng grasa doon. I was horrified when I saw it.


I blinked repeatedly.


"S-sana kanina mo pa sinabi!"


His lips even lifted up meaningfully.


"It's fine.." he said. "You looked really cute with it anyway,"


Sa sinabi niya ay mas lalo lang akong pinamulahan. 


Cute?


Cute??


Cute lang???


I shook my head. My cheeks heated even more.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 74.9K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
2.8K 172 16
He's hot yet cold. Kenzie wants to give up on her crush, until finally he boils over... ON HOLD ===== Photo not mine, credits to the rightful owner
415K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...