Rated SPG ka ba?

By yoolabanana

696K 8K 1K

- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso an... More

UNANG TIKIM
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
HULING LAMBING

KABANATA 15

11.2K 158 28
By yoolabanana


KABANATA 15

"P-po?" hindi ko na napigilan ang gulat ko kaya nagtaka si Mayora sa reaksyon ko.

"You mean... you didn't know na sila?" gulat ding tanong nito.

Nahilaw ang ngiti ko. Bigla naman s'yang natawa.

"Oh, dear! Sorry! Inaway pa naman kita. Akala ko kasi, alam mo rin." nasapo nito ang noo n'ya. "Eh kasi si Manang Choleng, nakita si Inno na sinundo ni Arah sa bahay, dear!"

Nanlaki ang mata ko.

"I know, right? Nagulat din ako! Nu'ng Saturday 'yon. Nag-aantay daw si Inno sa labas, may dumating na sasakyan at bumaba ang kaibigan mong si Arah from the driver's seat, tapos ay sumakay daw si Inno doon. Para bang si Inno na ang pinagmaneho n'ya."

Napabuntong hininga ako sa sinabi n'ya. Shit! Nu'ng Saturday 'yun na nag-Divisoria kami. Akala ko, talagang nagkikita sila ng hindi ko alam. Kinabahan ako, akala ko niloloko ako ni Arah at Inno. Ano bang mga iniisip mo, Ahlia?!

"Ang dami-dami ko pang pinaghinalaan! Si Sandra, si Briel, si Monique! Si Arah Pala!" tumawa s'ya habang ako ay hindi na alam ang isasagot. Unti-unti na akong nanliit.

Lahat kasi ng nabanggit n'ya, parehong anak mayaman. Kahit si Arah, mayaman din kaya panigurado na magiging boto si Mayora.

Tama nga ako ng hinala. Sa buong maghapon tuwing papasok ako ng opisina ni Mayora para sa trabaho, palagi nitong binubuksan ang usapin tungkol kay Arah. Gustong-gusto n'ya si Arah. Maganda daw si Arah, morena, matangkad, masayahin, at matalino pa dahil nakakatulong na ito sa family business nila.

Lalo akong nalungkot. Nakakatakot na baka kapag nalaman n'ya ang totoo, hindi n'ya talaga ako matanggap para kay Inno. Nakakabaliw!

Hindi ko sinabi kay Inno ang nangyari. Hindi ko kasi alam pa'no sasabihin. Nahihiya ako. Tahimik at tumatango nalang din ako tuwing kinakausap ako ni Mayora tungkol kay Arah. Nakukonsensya din ako dahil ang bait-bait ni Mayora sa'kin pero nagagawa ko 'to sa kan'ya.

"Bakit ba parang ilang araw ka nang matamlay? Sa chat 'di ka masyado nakikisali, tapos ngayon nagkita-kita na tayo, para kang nalantang pechay d'yan."

Nandito kami ngayon sa restaurant nila Arah kung saan kami madalas tumambay kapag gusto naming magkita-kita pagkatapos ng trabaho.

Nilingon ko si Veron at umiling ako dito. "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko." palusot ko.

"Kulang ka lang sa turok." si Arah na natatawa.

Pinagmasdan ko si Arah habang tumatawa ito. Totoo talagang ang ganda-ganda n'ya. Anak mayaman at may ibubuga.

"Oh, ngayon naman natulala ka kay Arah. Sabog ka, girl? May pinag-awayan ba kayo ni Inno?"

Umiling ako sa tanong ni Daisy.

"Eh, ano nga, Ahlia? Maglilihim na naman 'to! Hilig mo na magsikreto ah. Nakakatampo ka na."

Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Daisy. Napabuntong-hininga ako at nagdesisyon nang sabihin sa kanila.

Gulat na gulat silang lahat. Hindi napigilan ni Daisy ang matawa. Si Veron at Arah ay halatang pinipigilan naman ang tawa nila dahil sa nalulungkot nga ako.

"Chismosang Manang Choleng, mali pa ng chika!" sabi ni Daisy habang natatawa pa rin. Pero agad din naman itong sumeryoso. "Pero, real talk, kasalanan mo kung bakit umabot sa gan'yan. Kung sana kasi sinabi mo nalang."

Ngumuso ako dahil tama s'ya. Bakit ba kasi ang hina-hina ng loob ko.

"Sorry, Li." si Arah at bigla akong niyakap. "Alam ko naman na mesherep 'yung jowa mo pero hindi ko naman s'ya aahasin sa'yo, promise." natatawang sabi nito.

"Ano nang plano mo n'yan? Magpapasko na, Ahlia. Kahit sa pamilya mo, hindi mo pa napapakilala si Inno."

Napaisip ako sa sinabi ni Veron. Totoo nga, magpapasko na. Dapat ay wala akong ganitong dalahin bago magpasko.

Lumipas ang mga araw at day-off na naman ni Inno. Umuwi ulit ito sa Tagaytay, Biyernes ng gabi, at agad ako nitong pinuntahan sa bahay para sunduin.

Dinala ako ni Inno sa unang restaurant na pinagdalhan n'ya sa'kin nang unang beses kaming lumabas. Hawak nito ang kamay ko habang naglalakad kami papasok pero bigla akong mapabitaw sa kan'ya.

Nandito si Mayora. Sa isang table ay nakaupo ito katabi si Inna.

"Inno, si Mayora." natatakot na sabi ko. Akmang aalis ako pero nagulat ako nang bigla akong hilahin pabalik ni Inno. Muli nitong hinawakan ang mga kamay ko at inalalayan ako nito papunta sa table kung nasaan sina Mayora at Inna.

Nanghihina ang mga tuhod ko habang naglalakad kami ni Inno. Lalo pa nang mapalingon sa amin si Inna at ituro kami nito kay Mayora kaya maging si Mayora at lumingon na rin sa amin.

Abot langit ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

"Ahlia," si Mayora nang makalapit kami. Wala itong kahit na anong ngiti sa mukha kaya lalo akong kinabahan. Ganito kasi ang mukha ni Mayora kapag nagsusuplada or 'di kaya ay nagagalit s'ya.

"Ate!" niyakap naman ako ng ngiting-ngiting si Inna. Pero tila naramdaman nito ang panginginig ko sa takot kaya agad itong kumalas sa yakap.

"Mommy! Ate Ahlia is shaking na! Drop your mataray act na!"

Nang sabihin iyon ni Ahlia ay natawang bigla si Mayora. Agad itong lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Oh my God, dear. Biro lang! Joke lang!" sabi nito habang hinahagod ang likod ko. Ako naman ay litong-lito na sa nangyayari kaya hindi na ako nakapagsalita.

"She's so pale na, mommy. Ate, sorry." sabi ulit ni Inna habang bahagyang natatawa.

Inalalayan ako ni Inno maupo. Nang lingunin ko ito ay suplado ang tingin nito sa mommy n'ya.

"Chill, son. I'm just joking!" natatawang sabi ni Mayora sa anak nang makaupo na ito sa tabi ko.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Tulala ako sa mesa. Hindi pumapasok sa akin ang mga nangyayari. Ibigsabihin ba nito ay tanggap ako ni Mayora? Dahil hindi s'ya galit?

Biglang tumikhim si Mayora. Napatingin ako dito at nagsimula itong magsalita.

"Ahlia, first of all, I'm not gonna lie to you, I felt kind of disappointed and sad because you chose to hide everything from me."

Napakagat ako sa labi nito at dahan-dahang tumango. "Sorry po, Mayora."

"You've been coming in and out of our house since Inna was only 13 years old. I've know you since, alam kong napakabuti mong bata. Kaya syempre, masaya ako para sainyo ng anak ko." dagdag nito na nakangiti na.

"Yesterday, when Inno spoke to me about the two of you, I admit that I was really really shocked. Considering the fact na nitong mga nakaraan lang, I was talking to you about Arah and Inno because I thought it was Arah."

Tumango ako ulit at hindi na makasagot. Kasalanan ko naman kasi kung bakit inakala n'yang si Arah.

"Ahlia, you're kind and smart, and you're one of the few people that I can trust my life with, alam mo 'yan. Don't ever think that I will not accept you as my son's girlfriend. I am more than happy that it was you."

Napangiti ako sa huling sinabi ni Mayora. Parang tinatangay ng sariwang hangin ang puso ko sa sobrang gaan sa pakiramdam.

"I'm so happy too!" si Inna na hinawakan pa ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Ateng-ate na talaga kita lalo kasi kayo na ng kuya ko." dagdag pa nito na lalong nagpangiti sa akin.

Para akong lumulutang sa langit buong gabing 'yon. Tanggap ako ni Mayora at Inna. Sobrang sarap sa pakiramdam. Syempre, humingi din ako ng tawad sa kanila, lalo na kay Mayora. Dahil alam ko na sobrang laki ng pagkakamali ko pero kahit gano'n, hindi pa rin ito nagalit sa'kin.

"Bakit nga pala biglang pinakilala mo 'ko?"

Pababa na dapat ako ng kotse ni Inno nang ihatid ako nito pero natigilan ako nang maalala ko na itatanong ko nga pala kung bakit biglaang nangyari ang kanina, may hinala na rin kasi ako kung paano pero kinumpirma ko pa rin ito sa kan'ya.

"Your friends told me you were devastated about it for a week."

Natawa ako. Sabi na nga ba.

Kinabukasan ay nagdesisyon na rin akong ipakilala sa amin si Inno. Pero dahil si papa ay palaging abala sa trabaho ay si mama at Caden lang ang nakilala n'ya.

Sobrang saya. Dahil legal na kami sa parehong pamilya ay pwedeng-pwede ko nang ipagsigawan na boyfriend ko si Inno. Dahil do'n ay sinama ko rin sa birthday ni Daisy si Inno.

Mahaba ang mesa na inihanda sa Papa Doms para sa booking ni Daisy. Sa labas ang puwesto namin. Naroon ang mga kaibigan namin nu'ng high school at ilang mga kaklase ni Daisy nu'ng college.

Tulad ng naging reaksyon ng halos lahat, gulat din ang mga nasa mesa nang nalamang kami na nga ni Inno. Ang saya-saya dahil ang daming nagsasabi na bagay kami pero nailang din ako dahil imbitado si Pert at halata na masama ang loob nito.

Sa kalagitnaan ng selebrasyon ay nagsimula nang magpaalis-alis si Inno sa mesa. May tawag ng tawag sa kan'ya sa trabaho. Hanggang sa kinailangan na talaga muna nitong umuwi dahil may mga kailangan daw itong asikasuhin muna at babalik din. Minadali pala kasi n'yang makaalis para makapunta dito agad kaya may mga hindi s'ya natapos na ibinilin n'ya sa mga kasama pero hindi rin magawa ng maayos.

Nang umalis si Inno ay tampulan ako ng asaran sa mga kaklase namin no'ng high school. Kilig na kilig ang mga babae sa amin ni Inno at sobrang swerte ko raw. Natuwa naman ako dahil totoo naman nga. Pero ang mga lalaki ay kinkantyawan si Pert na tahimik lang sa gilid. Medyo nailang ako pero hindi ko nalang iyon masyadong inisip. Mabait si Pert at alam kong makakahanap s'ya ng babaeng para sa kan'ya.

Lumalim na ang gabi pero wala parin si Inno. Hindi ko ito masyadong namalayan dahil tuwang-tuwa ako sa kakulitan ng mga kasama ko. Ang dami naming pinag-usapang mga alaala namin nu'ng high school. Idagdag pa na medyo marami-rami na rin kaming nainom.

Pasado alas dose nang may apat na lalaki na gustong sumalo sa mahabang mesa namin. Nang tignan ko kung sinu-sino ang mga ito ay mga schoolmates pala namin nu'ng high school. Ibang section nga lang. Nagulat ako nang mamataan ko ang nakatingin sa aking si Kent.

Ngayon ko lang ulit nakita si Kent. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon pero pinili kong ngumiti sa kan'ya. Pinisil ako ng katabi kong si Veron dahil do'n. Umiling ako dito at sinabing ayos lang naman iyon. Sinabi naman iyon ni Veron kay Arah na sinabi din sa katabi nitong si Daisy kaya hinayaan ni Daisy na saluhan nila kami. Kakilala din naman kasi namin sila.

Nang makaupo sila Kent ay nagsimula ulit ang kwentuhan at katuwaan. Hindi nagtagal, nakatanggap ako bigla ng mensahe mula sa kan'ya. Kahit hindi nakarehistro ang numero ay alam kong s'ya yon.

Unknown Number:
Ahlia, can we please talk kahit saglit lang? May gusto lang akong sabihin. Huli na naman. Alam kong may boyfriend ka na ngayon, pero sana maisip mo rin na deserve ko naman ang huling usap na ito dahil bigla mo nalang akong iniwan dati.

Nakaramdam ako ng konsenya sa mensahe ni Kent. Nag-isip ako sandali at naisip kong tanungin muna si Inno kung matatagalan pa ba ito. Dahil kung oo ay papayag akong kausapin si Kent.

Nagsend ako agad ng mensahe kay Inno. Agad itong nagreply na matatagalan pa s'ya at susunduin nalang ako mamaya. Nagpaalala din ito na 'wag na akong uminom para hindi ako malasing.

Dahil do'n ay nagdesisyon na nga akong kausapin si Kent. Binulong ko rin sa mga kaibigan ang plano kong iyon para hingin ang opinyon nila. Sumang-ayon naman sila dahil alam nila ang ginawa kong hindi magandang pag-iwas kay Kent dati. Pero sabi nila ay sampung minuto lang daw dapat at bumalik na ako agad.

Pinili kong kausapin si Kent sa isang terrace 'di kalayuan, isang spot kung saan madalas pumunta ang tao kapag nais nilang silayan ang tanawin ng bulkang Taal. Wala masyadong tao ro'n dahil madilim na at makapal na rin ang hamog kaya hindi na kita ang bulkan.

Nakapatong ang mga siko namin ni Kent sa railing at tatlong dangkal ang agwat namin sa isa't isa. Nang hindi s'ya magsalita ay naisip kong ako nalang ang mauna para matapos na agad.

"Kent, pasensya ka na. Mali talaga ako sa nagawa ko sa'yo no'n. Sorry talaga. Salamat at sana maunawaan mo ako."

Hindi ito sumagot. Naisip ko na tutal ay nakahingi naman na ako ng tawad ay aalis na ako.

"Sige, Kent, hihingi lang talaga ako ng tawad. Salamat at sorry ulit." 

Paalis na sana ako nang hilahin ako ni Kent. Sa rahas ng hila n'ya, tumama ang mukha ko sa dibdib n'ya. Bigla ako nitong niyakap. Nagulat ako at gusto ko s'yang itulak pero malakas s'ya masyado.

"Kent, ano ba!?" kinabahan ako at natakot. Hindi naman kasi ganito si Kent. Hindi ko akalain na magagawa n'ya 'to. Mabait si Kent, sobra. Kaya nga din pumayag ang mga kaibigan ko na mag-usap kami. Hindi pa rin naman s'ya lasing. Kararating lang nila at wala pa s'ya masyadong naiinom.

"Gago ka, ah!" nagulat ako nang may biglang sumugod kay Kent at sinuntok ito. Sa hilo ko dahil sa nainom at sa sobrang gulo na rin ng nangyayari ay napakapit nalang ako sa railing habang sapu-sapo ang ngayon ay masakit kong ulo.

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
99K 835 47
THIS COMPILATION WILL NO LONGER POST UPDATES. Thank you for your warmest support!
137K 11.3K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
121K 6.5K 41
Ang gwapo Ang hot Kinababaliwan ng lahat Miss este Mister . . . Zayden Christian Orion McCallister!!! Copyright © 2016 by PlayfulEros All rights res...