ONE SHOT COMPILATIONS ( DIFFE...

By Lykaellaa

599 65 17

Hi mga Lykiss! ang librong ito ay compilations ng lahat ng mga one shot's/short stories ko. Madami na din ito... More

I LET THEM SLEEP TOGETHER (01)
I DON'T KNOW YOU (02)
WE WE'RE BOTH YOUNG WHEN WE FIRST MET (03)
MAYBE BECAUSE OF FATE (05)
GROUP STUDY (06)
SE QUE ERES EL INDICADO (07)
MY ONE AND ONLY BAD BOY (08)
I'M IN LOVE WITH MR. KIDNAPPER (09)
MAMA, I LOVE YOU! (10)
KABIT WITH A CLASS (11)
ITS A DARE (12)
IT'S NOT A DARE, IT'S AN ORDER (13)
I LOVE YOU, YES I DO! (14)
MALAY MO TAYO SA DULO (15)
THE PERSON I MET ONLINE (16)

HANGAD KO ANG KASIYAHAN MO (04)

31 7 2
By Lykaellaa

***

"Babe? Ayaw mo na ba talaga ?" Pagpupumilit ko sayo habang nag iimpake ka

"Babe? Akala ko ba mahal mo pa ako?" Dagdag ko pa habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko

"Babe please don't leave me." Sabi ko at hindi ko na napigilang lumuhod sa harapan mo, habang ikaw nakatingin lang saakin na parang wala kanang pakialam

"I don't love you anymore! Ikakasal naako kay Erick, please Kyle let me go!" Diritso mong sabi, wala man lang halong reaksiyon mula sa mukha mo

Bumuhos lahat ng mga luha ko mula sa mga narinig ko, alam ko naman na 'to dati pa eh pero bakit ang sakit parin sa'kin? Alam kong dadating ang araw na'to pero bakit ang hirap parin tanggapin

"Mahal please maawa ka sa'kin" pagsusumamo ko pa, ayoko siyang mawala

Lalabas kana sana sa pinto ngunit hinawakan ko agad ang mga kamay mo, at agad kitang niyakap ng napakahigpit

Hindi ko nakikita ang mga mukha mo pero ramdam kong nasasaktan ka din, naramdaman kong tumulo ang mga luha mo at palihim kang humikbi

Agad kong binitawan ka at hinawakan ang mukha mo, kasabay nun ang pagtitig ko sayo

"Hindi mo na ba ako mahal? Papano na 'yung mga pangarap natin?" Sabi ko sayo pero tumitig kalang at nakita kong pumatak ang luha mo, ramdam ko din na nasasaktan ka sa sitwasyon natin

"Kyle please I need to go, I don't love you anymore. Wala ng pagmamahal na natira sa puso ko sayo, ayoko ng makulong sa taong hindi ko naman na mahal." Sabi mo sabay iwas ng tingin saakin

Napakasakit ng mga salitang binitawan mo, para akong salamin na binabasag ng ilang beses at nadurog, nadurog ang puso ko

"Sasayangin mo lang ba ang tatlong taon?" Tanong ko sayo pero hindi ka lumingon

Hindi naako nag dalawang isip pa kaya agad kitang hinila at hinalikan sa labi, mga labing hindi ko na muling mahahalikan pa, ilang segundo lang kumalas kana at pinunasan mo ang labi mo

Tumingin ka sa'kin ng matalim at agad mong kinuha ang mga bagahe mo

"From now on, let's forget about everything. Kalimutan mo naako Kyle at kakalimutan na din kita, alis naako naghihintay na si Erick sa labas." Sabi mo sabay labas ng pinto, kumunot agad Ang noo ko ng makita ang lalaking umagaw sayo sa'kin

Hahabulin pa sana kita kaso para akong na istatwa sa kinatatayuan ko, ayokong makita kang umalis ayokong iiwan mo ako pero wala akong nagawa, wala akong nagawa kundi hayaan kang ikakasal sa lalaking 'yun. Bumagsak ako sa sahig kasabay ng pagbagsak ng napakaraming luha ko, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil wala na ang babaeng matagal kong iningatan, wala na ang babaeng pinakamamahal ko

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong 'to, lahat ng parte ng kwartong ito ay nagkaroon tayo ng mga masasayang ala-ala.

Pinikit ko ang mga mata ko at sa sandaling 'to inalala ko ang mga masasayang ala-ala nating dalawa, ang sakit lang kasi 'yung memories natin andito pa pero ikaw wala na-wala na tayong dalawa.

Hindi ko maiwasang maglasing dahil sa nangyari, uminom ako ng napakaraming alak at 'yun ang naging dahilan upang makatulog ako sa sahig

-----

After 1 week

Unti unti kong dinilat ang aking mga mata, natagpuan ko ang sarili kong nakahalumpasay sa sahig katabi ang mga botelya ng alak na ininom ko kagabi, ilang araw na ang lumipas ngunit naaapektuhan parin ako sa nangyari

"Aggh" sabi ko ng maramdamang sumakit ang ulo ko

Agad akong tumayo papuntang kusina ngunit bago ako makarating sa kusina may nasapo akong isang bagay at nahulog 'yun sa sahig

" Papel? Letter's?! " Gulat ko dahil isa itong liham, tatlong liham at nakasulat dito na para saakin daw kaya agad ko itong binuksan at binasa

Dear Kyle,

Hi Mahal! Alam ko sa mga oras na 'to nagdurugo ang 'yong puso. Mahal gusto ko lang sabihin sayo na ginawa ko 'to para sa kaligtasan mo, ayaw ni papa na magkatuluyan tayong dalawa kaya pinapili niya ako-hindi ibig sabihin nun na hindi kita pinili dahil hindi na kita mahal, hindi ganun 'yun dahil sobra kitang mahal kaya ayokong masaktan ka ni papa, hindi ko alam kung anong pwede niyang gawin sayo sa oras na sumama ako sayo kaya mas pinili ko ang landas na 'to para sa kaligtasan mo dahil mahal, mahal na mahal kita. Hangad ko lamang ang kasiyahan at kaligtasan mo-hangad kong mabuhay ka at makahanap ka ng babaeng mamahalin mo higit sa pagmamahal mo sa'kin, mamahalin ka din higit pa sa pagmamahal ko sayo, oo Mahal napakahirap at masakit 'to sa'kin pero ito lang ang tangin paraan upang hindi ka masaktan ni papa ayoko yung mangyari, Kaya mag-iingat ka ha? Huwag mo naakong isipin pa. Iloveyou mahal.

- Fe

Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nabasa ko, sobra siyang nasaktan dahil sa ginawa niya at sinakripisyo niya ang sarili niya dahil mahal na mahal niya ako, lumayo siya dahil ayaw niya akong masaktan

"M-mahal ko patawarin mo ako sapagkat hindi ko alam, sana sinabi mo agad." Tanging sambit ko habang lumuluha pa din ang mga mata ko

Agad kong binuksan ang pangalawang liham at umupo sa sofa

Dear Kyle,

Hi Mahal! Kamusta ka na? Andito na pala ako ngayon sa America, ikinisal na kami -,- ayoko sanang sabihin sayo ngunit alam ko namang may karapatan kang malaman. Mahal huwag mo naakong intindihin dahil okay ako dito, ikaw? Huwag mong pabayaan ang sarili mo ha? Mahal na mahal kita.

- Fe

Patuloy na tumutulo ang mga luha ko, ewan ko ba ang sakit mabasa na ikinasal na sya sa iba na dati ay pinapangarap kong ako lang ang lalaking papakasalan niya

Agad ko nang binuklat ang huling liham at huminga ng malalim bago basahin

Dear Kyle,

Mahal, tulungan mo ako. Hindi ko na kaya dito binubugbog ako ni Erick. Mahal patawarin mo ako kung hindi ikaw ang pinili ko at nagkamali ako doon, Mahal kakayanin ko 'to gagawa ako ng paraan upang makatakas. Meet me at the airport after 1 week. Tatakas ako! Magkikita na tayo! Uuwi naako diyan.

- Fe

Nabitawan ko agad ang papel at tinignan ang petsa ngayon

" Lintek!! Ngayon na ang araw na 'yun ah?" Sabi ko at nagmamadaling lumabas

Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, sinasaktan ang babaeng mahal ko at hindi ako makakapayag doon. Ayokong makita siyang sinasaktan ng ibang tao!

"Buwisett!" sigaw ko dahil sa inis dagdag pa ng traffic dito dahilan upang mas lalo akong mainis

Kinakabahan ako para kay Fe, sana nakatakas siya ng maayos. Magkikita na tayo mahal

Agad-agad akong bumaba sa kotse pagkarating ko sa airport, bumungad saakin ang napakadaming tao. Hinahanap ko siya sa paligid baka sakaling andito na si Fe ngunit 'di ko pa siya makita kaya umupo muna ako sa waiting area

"Mahal" agad akong napalingon dahil narinig ko ang pamilyar na boses at hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko ang babaeng matagal ko ng gustong makita ang babaeng pinakamamahal ko, si Fe

"F-fe?" Tanging sambit ko ng makita siya, suot niya pa ang favorite niuamg red dress na binigay ko sa kaniya dahilan upang tumulo ang mga luha ko

Lumapit siya agad saakin at niyakap ako, niyakap ko din siya ng napakahigpit

"Mahal! Namiss kita" Sabi ko at hinalikan siya sa labi

"Sabi ko naman sayo eh gagawa ako ng paraan upang makatakas, dahil magkikita pa tayo." Sabi niya sabay ngiti dahilan upang mapangiti din ako

Ang lakas ng tibok ng puso ko, sobrang natutuwa ako dahil nagkita kaming muli, hinihiling ko na sana hindi na 'to matapos pa

"Mahal ba't wala ka ng galos? Asan mga pasa mo?" Tanong ko sa kaniya dahil malinis naman ang mukha niya hindi ko nakitang may mga galos siya sanhi ng pag bugbog sa kaniya

Nag-aantay ako sa sasabihin niya ngunit hindi siya sumagot, tumitig lang siya saakin at ngumiti

*Kring-kring*

narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna ito

*Joshua*

Nakita kong barkada ko ang tumatawag kaya tumingin muna ako sa kaniya bago ko sagutin, sumenyas siya na oo kaya lumayo muna ako ng kaunti

"Hello bro?" Sabi ni Joshua sa kabilang linya

"Oy bro! Napatawag ka anong kailangan mo?" sagot ko at sinulyapan ko muna si Fe, ngumiti lang ito saakin kaya tumalikod muna ako

"Huwag kang mabibigla ha? Kalma ka lang diyan" sagot nito at nagtaka naman ako

"Bakit bro? Anung meron?" sagot ko ulit

"Hindi mo pa ba nabalitaan? Tumakas si Fe kay Erick at sumakay ito ng airplane pauwi dito sa pinas" sagot nito at natawa nalang ako

"Alam ko na ang totoo andito nga ako-------" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Joshua

"Bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Fe at natagpuang sunog-sunog Ito sa bakanteng lupa"

Tumigil ang pag-ikot ng mundo, tanging ako lang ang gumagalaw. Hindi ko maiwasang magtaka baka nagbibiro lang siya dahil andito naman si Fe kasama ko

"Tumigil ka bro andito si Fe kasama ko ngayon--toot toot toot.

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang call, agad kong sinulyapan si Fe ngunit wala na Ito sa dating pwesto kanina

Nilingon ko siya kung saan-saan ngunit wala talaga, nawala din ang mga bagahe niya

Asan si Fe?

Nakita kong papalapit ang mga tao sa malaking tv dito sa airport, na curious ako kaya lumapit din ako

"An American-made plane crashed this morning due to its unexplained destruction"

"Some of the passengers of the said plane were found lifeless and burnt"

"Many were shocked by this unexpected tragedy"

"One of the victims was known as the only daughter of Mr. President Charlie Ramos, she is Ms. Fe Ramos a 20 year old lady, her body was found burnt"

Napatigil ako dahil sa narinig ko, unti-unting pumapasok sa utak ko lahat ng mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala, hindi pwede. Andito lang si Fe kanina

Biglang lumakas ang daloy ng hangin papalapit saakin para bang may binubulong ito sa tenga ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, Hindi ako makapaniwalang wala na si Fe, wala na ang babaeng mahal ko

Days had passed and it's been 1 month since that incident. Hindi ko matanggap na wala na siya

"Sir ito na po ang mga gamit na natagpuan kay Ms. Fe, ang iba po sunog na sunog kaya hindi na namin kinuha, condolence po sir." Sabi sa'kin ng police at tinap niya ang balikat ko

Binuksan ko Ito at tumambad saakin ang necklace at red dress na binigay ko, pati na ang wedding ring na naibigay ko a month ago sa kaniya, may nakita din akong small paper na puno ng tuyong dugo

"Mahal na mahal kita Kyle, handa akong gawin ang lahat magkita lang tayung muli, makita lang kitang muli"

Bumuhos ulit ang mga luha ko hindi ako makapaniwalang wala na siya, wala na si Fe

"Mahal"

kinilabutan ako sa pamilyar boses na narinig ko na tumawag saakin kasabay ng pagbuhos ng napakalakas na hangin

"Mahal andito naako"

Lumingon na ako sa kaniya at hindi ako nagkakamali, nakita ko si Fe ang babaeng mahal ko, suot niya ulit ang red dress na binigay ko. Nakangiti itong lumapit saakin at hinalikan ako sa labi

"Mahal halika sumama ka sa'kin" sabi niya ulit at hinila ako papalapit sa terrace

Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya at hinayaang hilahin niya ang kamay ko, para akong namanhid at sumunod nalang sa kaniya

"Mahal sabi ko naman sayo pupunta ako, andito naako hindi ka ba masaya?" Dagdag niya pa ulit at iniangat na niya sa railings ng terrace ang mga paa niya para tumalon

"Mahal halika na magsasama na tayo" sambit nito at nginitian ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang

Iniangat ko na agad ang isa kong paa at isinunod ko na ang isa ko pang paa, kasabay ng pagtalon ko

"No! Sir! Hawakan mo kamay ko. Tulong! Tulong!" Sigaw ng babaeng humawak sa kamay ko at agad ako nagtaka dahil hindi ko ito kilala, pinipigilan niya akong tumalon

Ilang sandali pa nagsidatingan na ang apat na lalaki at binuhat ako, nilingon ko si Fe ngunit nawala Ito

"Teka sino kayo? Ba't kayo nakapasok dito sa condo ko?" tanong ko sa kanila bigla namang kumunot ang mukha nung isang babae at hinila ako ng apat na lalaki papasok

"Pusasan niyo 'yan kuya dahil baka makatakas ulit 'yan baka mamatay ng wala sa oras eh" sabi naman ng babae kaya agad akong pinusasan ng lalaki

"Hoy! Ano ba? Sino ba kayo? Let me go!" Pagpupumiglas ko dahil hindi ko naman sila kilala

"Sir tumigil ka na po andito po kayo sa mental hospital hindi po condo ito, andito po kayo upang magpagaling dahil matindi ang epekto sayo ng pagkawala ng girlfriend mo" sagot ng babae

"Ano?" tanging sambit ko at nakita ko silang lumabas na ng silid naiwan ako mag-isang nagtataka, umiiyak at tumatawa.

End.✨
_________________________________

Plagiarism is a crime punishable by law.

Continue Reading

You'll Also Like

23M 804K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ā¦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
130K 5.5K 48
A fire incident at his(Kim Jae-soo) husband's home while he (Baek Ji-Hu )was away made Kim Jae-soo return to his third year of university (he was reb...